PHANTOM 23
Yuhan
2 Months later
Nakatingin lang ako sa puntod kong saan nakalagay ang pangalan ni dustin, malungkot akong napangiti at hawak-hawak ko din ang notebook na ibinigay saakin ni jake at ito yong notebook kong saan nakalagay ang mga pictures ko na kuha ni dustin, natawa pa nga si Jake eh dahil ako pala yong taong laging binabalikan ni dustin sa school ko noong highschool.
"Namimiss na kita" bulong ko at hinayaan kong malayang tumulo ang luha ko.
Makakapag pahinga ka na din at pangako tutuparin ko lahat ang pangarap ko at magkikita tayo ulit, tumingala ano sa langit.
Magkikita tayo ulit pangako ko iyan
Inilagay ko ang dala kong bulaklak sa puntod niya, nalipat na kasi ang mga buto niya dito para mabigyan siya ng maayos na libing at nalaman din namin na doon pala sa garden kong saan kami lagi umuupo ni Dustin ay doon pala nilibing ni sir allison ang katawan niya. Dalawang buwan na di pala ang nakalipas simula ng mangyare iyon at ngayon okay na lahat, dahil matapos akong gumaling sa hospital sinabe ko lahat sa pulis ang mga ginawang krimen ni sir allison at nadasalan na din ang school at nabindesyonan na at si pareho kami ni steven na unti-unti nang nag momove on sa mga nangyare.
"Oh bes tara na baka umulan na" napalingon ako sa nagsalita it was kaizer kasama niya si steven.
Napag alaman ko din na si kaizer ang tumawag ng mga pulis ng gabing iyon dahil sinabi ni Dustin na habang nakasanib sa katawan ni jake.
Pinahid ko ang mga luha ko.
"Oo hahah" tumayo ako at lumapit sakanilang dalawa.
"Okay ka lang ba?" tanong ni steven saakin.
Ngumiti ako.
"Yeah," tumingin ako ulit sa puntod ni dustin,
We will meet again i promise.....
Maraming taon ang lumipas at unti-unti kong nakakamit ang mga pangarap ko kasama sila kaizer at steven, naging kaibigan namin si steven simula ng mga pangyayareng iyon at mas nakilala namin siya ng lubos. Kaming dalawa ni kaizer ay naging isang ganap na na doctor dahil iyon naman talaga ang pangarap naming dalawa.
"Scalpel please" sambit ko at iniabot saakin ang scalpel na hinihingi ko, tinignan ko muna ang mga kasama ko sa loob ng operating room at tumango.
Maraming nagbago matapos mangyare ang mga bagay na yon, mahirap sa unang mag move on pero kailangang mag move forward at ginamit ko ang lahat ng pangyayareng at iyon ang naging motivation ko para mag aral ng mabuti at makamit lahat ng pangarap ko.
Isinuot ko ang damit ko at lumabas ng office, tapos na ang operasyon na ginawa ko at successful naman ito nagtuturo din ako sa fredstone at okay lang naman saakin dahil naroroon ang alaala ko kay dustin.
"Ohh doc saan ka pupunta?" tanong saakin ni kai ng makasalubong niya ako sa hallway ng hospital dahil sa iisang hospital lang kami nag tatrabaho.
"May pupuntahan lang ako saglit" sagot ko, napatingin siya sa dala kong bulaklak.
"Ahh okay sige! ingat ka ah!" sagot niya.
"Yeah thank you!" sagot ko at dumiretso na ako palabas ng hospital patungo sa parking lot.
Nakarating ako sa dapat kong puntahan at napaupo ako sa harap ng puntod niya, tinanggal ko ang mga dahon na nakatakip dito.
"Kamusta na?" tanong ko, kahit alam ko namang walang sasagot saakin.
"Natupad ko na dustin, natupad ko na ang pangarap kong maging doctor at alam kong masaya ka para saakin" naluluha kong sambit.
Sa loob ng maraming taon na nakalipas ay hindi ako nagkaroon ng jowa dahil di ko kaya...
dahil si dustin parin ang laman ng puso ko at papanatilihin kong siya parin hanggang sa panahon na magkikita kami ulit.
Biglang humangin kaya't napapikit ako...
Magkikita din tayo dustin... miss na miss na kita...
mahina kong bulong.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro