PHANTOM 11
Yuhan
"So paano ba yan naiwan tayong dalawa" sambit ni jake sa tabi ko. Nakakaasar talaga to si kai! well iniwan lang naman kaming dalawa dito ni jake.
"Kainis" sambit ko at napatingin kay blake na nakatanaw lang din sa paalis na sila kai.
"So ano nang gagawin natin ngayon?" nakasimangot kong tanong.
"Well i guess tayo nalang ang mag date?" tinignan ko siya.
"Friendly date" pagtama ko sa sinabe niya at ikinatawa naman niya.
Girl! my heart is for Dustin only!
Wala akong choice kung hindi sumama kay jake medyo nag eenjoy din naman ako dahil pumunta kami sa arcade at naglaro kami ng basketball.
"Ang daya! bakit di ako maka shoot?!" inis kong sambit natawa naman siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
at tinuro niya ang tamang pagshoot at boom!
"Yes! sa wakas!" sigaw ko.
"Hahahah! cute" napatigil ako sa sinabe niya kaya napatingin ako sakanya at bigla naman siyang tumahimik at tumingin tingin sa paligid.
"Ahh i said ang cute ng bola hahahah! tara kain tayo?" tanong niya at bakas sa mukha niya ang pamumula.
Napakibit balikat lang ako.
"Okay sige" sagot ko, lagot talaga saakin yong kai na yon! hmp! for sure nag eenjoy nanaman yong walang hiyang yon!
Pumasok kami ni Jake sa loob ng jollibee at nag Spag. lang ako,
okay naman kasama si jake pero ewan ko lang kasi parang hindi ko talaga siya bet.
"Wait lang ah mag c-cr lang ako" paalam ko sakanya.
"Okay sige" tumayo na ako at lumabas ng jollibee at hinanap ang cr pumasok ako sa loob ng cubicle, saan na kaya sila kai? nakakainis talaga!
Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya ngunit napatigil ako ng may kumalabog sa kabilang cubicle.
"Sir, please maawa ka saakin wag po" napakunot ako ng noo.
"Wala akong pakialam! kapag gusto ko nakukuha ko hahahah!" napatakip ako ng bibig.
Shit shit!
"Sir wag pooo!!"
"Manahimik ka!" and then i heard a slap.
Omg anong gagawin ko? napaupo lang ako sa may toilet bowl sobrang kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko!
Maya-maya ay tumigil na ang paglagabog sa kabila, wala bang taong pumasok?
"Ayan, mabuti naman at sumunod ka at alam mo na ha? once na ipinagkalat mo ang ginawa ko sayo alam mo na ha?!"
"O-opo sir" dahan-dahan akong tumayo ramdam ko parin ang panginginig ng katawan ko narinig kong bumukas ang pinto ng cubicle at yabag ng paa na lumabas kaya't dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at wala na sila.
What the fuck is that?!
tuluyan na akong lumabas ng cubicle and something caught my attention.
What? pinulot ko ito mula sa sahig at di ako pwedeng magkamali.
ID lace ito ng Fredstone!
Kaagad akong tumakbo palabas para makita kong sino ang nag mamay-ari nito ngunit wala na.
"Yuhan"
"Jake!" kaagad akong tumakbo papalapit sakanya.
"What happened to you? bakit namumutla ka?" napahawak ako sa dib-dib ko.
"Gusto ko nang umuwi please..." takot na takot kong sambut naguguluhan man ay umu oo nalang siya, nag text ako kay kai na uuwi nalang ako.
"Are you sure okay ka lang ba?" tanong ni Jake habang nag dadrive siya.
"Y-yeah sumama lang talaga ang pakiramdam ko" sagot ko sakanya tumigil kami sa tapat ng bahay ko.
"Thank you jake ah" sambit ko, ngumiti naman siya saakin.
"Always welcome bye!" paalam niya napahinga naman ako ng maluwag at tinignan siyang paalis na ngunit napakunot ako ng may mapansin akong nakaupo sa likuran ng sasakyan niya sa may back seat.
What the fuck?!
Napakagat ako ng labi ko, should i tell him? omg! kaagad akong pumasok sa loob ng bahay.
Monday....
Napatakip ako ng mata ng makababa ako ng kotse nila kai ang init kasi ang aga-aga pa.
"Thank you manong!" paalam ni kai.
"Oh Yuhan ikaw ah, so kamusta naman ang date niyo ni papa jake?" tanong niya at parang kinikilig pa.
"Hoy tigil tigilan mo ako ah! may kasalanan ka pa saakin alam mo yon? iniwan mo ako kasama siya buset ka" inis kong sambit at nagpatuloy sa pag lalakad may mga namimigay ng flyers kaming nakita mula sa kalayuan.
"Yiee kasi naman si blake eh hahah" di ko nalang siya pinansin hanggang sa makasalubong namin yong namimigay ng flyers.
"Hello boys! gusto niyo ba sumali sa music club?" tanong niya i know him siya yong boyfriend nung lalaking nakabanggaan ko.
"Hmmmm... sorry pero wala kaming talent hahaha thank nalang" sagot ni kai sa tabi ko kaya't natawa naman ako.
Napatingin ako sa bandang batok niya at may napansin akong pasa.
Pasa ba yon o hickey?
ay sabagay may jowa siya! edi sana all!
naghiwalay na kami ng landas ni kai at pumunta na ako sa building namin medyo maaga pa naman ang class ko today at may natitirang oras pa naman.
Naglalakad ako sa hallway ng may makita akong papel na nahulog mula sa folder ng isang prof. kaagad ko itong pinulot para ibalik sana ngunit bigla nalang nawala sa paningin ko yong prof na yon.
Ang bilis naman maglakad nun?
Napailing nalang ako at tinignan ang nasa papel teka!
Student record ito at tinignan ko ang pangalan.
Liam Dustin Santos Smith...
Nanlaki ang mga mata ko
Kay dustin nga ito! napalunok ako at tinignan pa ang iba niyang info ngunit nagtaka ako dahil 2nd year ito at Bs. Biology?! akala ko ba business management ang course niya? atsaka bakit 2010 pa to?!
biglang nag ring ang bell kaya't itinago ko nalang muna ang papel na yon at nagmadaling pumunta sa room namin.
Simula nang magstart mag lesson si sir Allison ay inaantok talaga ako.
ano ba yan? wala manlang akong nagegets!
Nagtama ang mga mata naming dalawa at nakaramdam ako ng takot dahil parang may kakaiba sa tingin niya.
bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro