Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

YUHAN

Year 2070

Happy ending.. happy naman ako sa naging buhay kahit mag-isa at kuntento na ako sa ganoon na naging buhay ko.

Kamusta ka na dustin?

Okay ka lang ba?

Natupad ko na lahat ng pangarap ko.. kagaya ng pangako ko sayo dustin.

Naging doctor ako at ikaw naging inspirasyon ko para matupad lahat ng yon.

Simula ng binigyan ako ng pangalawang buhay ay ipinangako ko sa sarili kong tutuparin ko lahat ng pangarap ko...

para sakanya.

Kamusta ka na dustin? hinihintay mo parin ba ako?

"Tito sure po ba kayong dito lang muna kayo?" tanong saakin ni james, pamangkin ko siya dahil siya ang bunsong anak ni kuya.

Ngumiti lang ako sakanya at tumango.

"Oo okay lang ako dito" sagot ko, mula kasi sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang magandang view nang palubog na araw.

Hindi din ako nagkaroon ng asawa dahil hindi ko kaya.. dahil siya parin.

"Sige po tito tawagin niyo nalang po ako kapag gusto niyo na pong pumasok ah" sagot niya.

"Sige hijo" sagot ko, tumingin lang ako sa palubog na araw, napangiti ako dahil sa ganda nito.

Lagi ko tong pinapanood dati at Ito na rin siguro ang huling pagkakataon na makikita ko ito, dahil ramdam ko na, ramdam ko ng hindi na ako magtatagal.

Madami nang nangyare at naging masaya naman ako sa buhay ko kasama sila kai na ngayon ay okay na din.

Ngayon nakaupo nalang ako sa wheelchair dahil matanda na ako at may sakit na.

Napangiti lang ako ng naramdamdaman ko na nanghihina ako napatingin ako sa langit.

Dustin hintayin mo ako... magkikita na din tayo

Unti-unting bumigat ang katawan ko at alam kong ito na talaga ang katapusan ko kaya't tuluyan na akong napapikit at hinayaang lamunin ako ng kadiliman.

********

Iminulat ko ang mga mata ko at sinag nang araw ang nakita ko kaya't napapikit ako.

Nasaan ako?

Bumangon ako at tumingin sa paligid.

nandito na ako!, nandito na ako sa lugar kong saan naroroon si dustin!

tumayo ako at nakita ko ang mga bulaklak na sobrang dami at sobrang gaan sa pakiramdam.

sa wakas!

Hinanap ng mga mata ko ang hinahanap ko at napaluha ako ng makita ko siyang nakaupo sa bench paharap sa malinis na lawa.

Naiiyak akong lumapit sa kinaroroonan nya.

"D-dustin" naluluha kong sambit, unti-unti siyang lumingon saakin at ngumiti.

Hindi parin nagbago ang hitsura niya.

"Yuhan!" sambit niya, mabilis akong lumapit sakanya at niyakap.

"Finally! you're here!" sambit niya, kumalas kami sa pagkakayakap at bigla akong napayuko.

"Wait, why? bakit di ka makatingin saakin?" tanong niya, nakaramdam ako bigla ng hiya.

"Eh kasi ang bata mo pa tignan samantalang ako ito na" sagot ko, bigla naman siyang natawa.

"Who told you? come here" nagulat ako ng hilain niya ako hanggang sa makarating kami sa gilid ng lawa, pinaupo niya ako.

"Look at your reflection" sambit niya, kaya't sinunod ko naman ito at napahawak ako sa pisngi ko.

I'm still young! yong hitsura kong noong panahon na nagkita kami ay ganun parin ang mukha ko.

"Omg!" sambit ko at napatingin sakanya na nakangiti saakin

"I'm so happy because finally magkakasama na tayo" sambit niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Ako din dustin, thank you for patiently waiting" sagot ko sakanya.

"You are worth it yuhan and finally the wait is over" sabi niya saakin kaya't niyakap ko siya.

Ang sarap sa pakiramdam na yong taong mahal mo ay kasama mo na.

Noong nabubuhay ako i always dream to have a perfect love story with a handsome guy.

Kaso sobrang mapaglaro talaga si kupido dahil instead na sa tao ako mainlove ay sa multo pa.

Pero masaya ako dahil ito na, kasama ko na ang multong gusto at mahal ko.

"Makakasama na kita ulit at pinapangako kong hinding hindi na kita iiwan mag isa" naluluha kong sambit sakanya.

Ngumiti naman siya saakin at Inayos niya ang buhok ko.

"I love you so much" he said at hinawakan ang kamay ko.

"I love you too dustin" sagot ko and then he claim my lips.

Siguro ito na ang pinaka hinihintay kong happy ending, although di ko man siya nahanap noong nabubuhay ako pero dito ko pala mahahanap ang gusto kong ending...

At masaya ako dahil kasama ko na si dustin...

-THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro