Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

UNA

Enero's Point Of  View

I don't know why she did that?

Am I not worthy to be protected, that even her wants me to die?

Why she set me on fire?

For mw yo die?

Or she up for something?

"Nay! Huwag mo akong iwan, nay!" sigaw ko nang itali ako ni mama sa punong ito sa gitna ng kakahuyan.

 
"Shhh, tumahimik ka. Mahahanap ka nila," sabi nya habang umiiyak.

 
"N-Nay, bakit mo ako ginapos ng ganito?" Tanong ko. Then my mom just smiled pero tumutulo pa rin yung luha niya.

"Anak, ginawa ko 'to para sa sarili mo." Sabi ni mama habang umiiyak. Then she transforms into a huge, black crow, tapos pinagaspas niya ang kanyang mga pakpak at gumawa ito ng mainit na hangin na nagpaliyab sa paligid ng puno kung saan ako nakatali.

 
"Bakit, na? Bakit?!" Sumigaw ako. Pero nagpatuloy lang ang aking ina sa pagpagaspas ng kanyang pakpak at nagpatuloy din ang paggapang ng apoy sa paligid ko, hanggang sa biglang dumilim ang aking paningin at ako ay nakatulog...
... 

"Nanay!" sigaw ko habang napapanaginipan ko ulit ang isang sitwasyon na paulit-ulit king nababalikan...

"Oh, En. Napanaginipan mo na naman ba?" tanong ni Nanay Opra. Kaya umiling nalang ako para sumagot, then in surprise, I received an embrace from her that made me cry.

"Nanay Opra, gusto kong hanapin ang katotohanan kung bakit ginawa sa akin iyon ng aking ina," sabi ko habang umiiyak.
 
"Anak, huwag mong madaliin. Ang pasensya ay isang birtud tandaan mo, kaya pagkatapos mo ng Highschool dito sa Mortal World. Papayagan kitang bumalik sa Garena – kung saan nakatira ang lahi mo." sabi niya habang nakangiti tapos pinunasan niya yung mga luha kong tumulo gamit yung kamay niya kaya ngumiti ako sa kanya.

"Salamat, Nanay Opra," pasasalamat ko.

"You're always a welcome son. Oh bumangon ka na diyan, baka ma-late ka sa school mo kung itutuloy mo pa ang paghiga mo sa kama mo," she said. Kaya agad akong bumangon sa aking kama at tumakbo sa aking banyo, pagkatapos ay ginawa ang aking morning routine... 

Hi, my name is Enero Rae, 17-year-old and I'm currently a high school student, alam kong hindi ako mortal, dahil isa ako sa mga raven o ang mga taong uwak. Simple lang ang pangangatawan ko na may in born na puting buhok, pero tinatago ko ito sa kulay itim na pangkulay ng buhok. Isa pa, I have this feminine body, soft skin, and white skin that was not normal in a Male like me. At ang yumakap sa akin kanina ay ang foster mother ko, named Opra Sarmiento. Alam kong nagtataka kayo kung bakit hindi tayo pare-pareho ng sure name, well it's because I requested her not to change my real sure name, also I'm big enough when my real mom left me, remember?

Naalala ko bigla nung nawalan ako ng malay, akala ko patay na ako nung mga oras na yun parang wala akong nararamdaman. Not until one voice wake me up, then I saw Mother Opra who's smiling at me. Laking pasasalamat ko kay Nanay Opra – Pero kahit sobrang pasalamat ko sa kanya, kailangan ko siyang iwan para hanapin ang mga sagot sa mga tanong ko. Kailangan kong bumalik sa Pandora para malaman ang higit pa tungkol sa aking lahi...

 
Nang matapos ang morning routine ko ay pumunta na ako sa dining table para kumain ng almusal...

 
"Tingnan mo, anak, nagluto ako ng paborito mong almusal, eto ang Fried rice, fried dried fish, sunny side up medium egg, at pritong kamatis!" Tuwang-tuwang sabi ni Nanay Opra, kaya ako rin. Sus! Ang kumbinasyong ito ng mga pagkain ay nagbigay sa akin ng kasiyahan sa buong araw. 

"Salamat, nay, alam mo ang kahinaan ko," sabi ko habang nakangiti. Kaya kumain na ako ng agahan ko at nang matapos ay lumabas na ako ng bahay at tumakbo ng mas mabilis para pumunta sa school...

Pagdating ko sa gate ng school ko, marahan lang akong naglakad at sinuot ang cap at sunglass ko. Alam mo, sikat na sikat ako sa campus namin at maraming babae, lalaki, at pati mga third gender ang naa-attract sa akin. Para sa kapakanan ni self! Ayokong sumikat, dahil laging sinisira ang privacy ko. 

Habang naglalakad ako ng normal biglang umihip ang hangin kaya natanggal ang cap ko na nagdulot ng gulo sa paligid. Sus nung nakita nila ako, nabaliw sila at hinabol ako. Kaya mas mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko – Pero nung malapit na akong makarating sa room ko, sumulpot lang yung ibang grupo ng mga estudyante sa harapan ko, kaya tumalikod na ako. Pero sa pagtalikod ko ay nandoon na ang mga estudyanteng humabol sa akin kanina. Kaya nakasandal na lang ako sa pader at malapit na akong umiyak, kaya tinakpan ko na lang ng dalawang palad ko ang mukha ko...

Pero, laking gulat ko nang may yumakap sa akin nang mapatingin ako sa taong yumakap sa akin, nakita ko ang isang napaka-gwapo, pero malamig na mukha ng lalaking ito. Teka, siya pala, yung lalaking palihim na nakatingin sa akin tuwing pupunta ako ng canteen para mag-recess. Pero laking gulat ko nang hilahin niya ako palayo sa crowd.

"I'll save you," bulong pa nito sakin. Nang makalayo na kami sa mga estudyanteng humahabol sa akin ay napahinto ako ng kaunti. Kaya humarap siya sa akin.

"T-Thank you, Sir," nahihiyang sabi ko. But I don't see any expression to this man.

"No worries. Mag-ingat ka sa susunod, napakaganda mo at karismatiko, kaya nabaliw sila sayo," sabi nya kaya nginitian ko nalang sya, bigla na lang namula ang mga mata nya ng walang dahilan. Tatanungin ko na sana siya pero biglang tumunog ang orasan ko, ibig sabihin late na ako, kaya niyakap ko na lang yung lalaki para magpasalamat sa pagligtas niya sa akin kanina, saka agad akong tumakbo papunta sa classroom ko.

Pagdating ko sa pinto ng classroom ko, agad ko itong binuksan... 

Pero, pinagsisisihan kong ginawa iyon, dahil nakuha ko ang atensyon ng teacher namin na kasalukuyang nagtuturo. 

"Mr. Rae! Bakit ka late?" she asked while looking at me with disappointment.

"Uhm, b-dahil hinabol ako ng ibang estudyante kanina, ma'am." Sabi ko. Tapos nakita ko siyang tumango. 

"Ganun ba? Sige, pasok ka sa loob," sabi niya. Kaya pumasok na ako sa classroom ko at umupo sa upuan ko... 

Pagkatapos ng anim na oras na pakikinig sa talakayan ng guro, sa wakas, oras na para umuwi. So as usual, I wear my cap and sunglasses to hide my identity, tapos tumakbo na ako ng mabilis... 

Pagdating ko sa bahay, nakarinig ako ng mga ingay at ingay ng mga gamit sa loob ng bahay ko. Kaya agad akong tumakbo para tignan kung anong nangyayari...  

Nang makasara na ako, nakita ko si Nanay Opra na puno ng dugo. Kaya lalapit na sana ako sa kanya ng sinigawan niya ako, "EN, RUN!" 

Pagkatapos niyang sumigaw, sumunod ang putok ng baril. Kaya, agad akong tumakbo ng mas mabilis. 

"Sorry, Nanay Opra," sabi ko habang umiiyak. Sumunod pa rin sa akin ang mga putok ng baril, hanggang sa tumama ang isang putok ng baril sa isang paa ko – Pero wala akong naramdamang sakit kaya nagpatuloy lang ako sa pagtakbo, hanggang sa nabaril ako sa likod ko na nagpapahina sa akin, kaya napaupo na lang ako. sa lupa. 

Tapos, may nakita akong grupo ng mga lalaki na papalapit sa akin na nakasuot ng itim na leather jacket, pantalon, at boots, nakasuot din sila ng black caps at sunglasses. 

"So, ang mga ravens ay apektado pa rin ng mga espesyal na baril na ito, uh?" Tanong ng lalaking nasa harap nitong grupo. Sa tingin ko ito ang kanilang pinuno. 

"P-Please sir, h-h'wag mo akong patayin," sabi ko na may tono ng pagmamakaawa.

"Hindi kita papatayin mahal ko, dahil magiging alaga kita, kaya huwag kang mag-alala sa buhay mo," sabi niya habang naka smirk na nagpalamig sakin. Tapos nakita kong dumukot siya ng syringe sa bulsa niya tapos itinurok niya sa akin. Kaya inaantok ako, pero bigla akong nakarinig ng isang wolf na nag-howl, at sa tingin ko, narinig din nila iyon, kaya hinanda nila ang kanilang mga baril at itinutok sakin. 

"Kunin niyo siya!" Sabi ng leader nila. Kaya lumapit sa akin ang ibang mga lalaki at nang sunggaban na sana ako ng mga lalaki nang biglang may sumulpot na kulay itim na wolf sa harapan ko. Pero bigla akong nakaramdam ng antok kaya unti-unting lumalabo ang paningin ko... 

"S-Salamat," sabi ko sa wolf bago tuluyang napalitan ng dilim ang aking paningin. 

...

Don't forget to vote and share this book. Also, comment, so that I will know your thoughts and you really appreciated my hard work and efforts. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro