Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•TWO•

2: "Last Time"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

Pagpasok ko ng Chemistry class ko ay si Cannon agad ang nakita ko. Napatigil ako sa pinto at napakurap. Pre-med student siya?

"Nakatunganga ka d'yan, Chanelle?" sigaw ni Damon, isang kaibigan kong lalaki kaya naman napatingin sa'kin ang ibang estudyante, maski si Cannon. Namumulang nagyuko ako at lumapit kina Damon, Jared, at Fae. Tinabihan ko si Damon at inirapan siya. Tumawa siya. "Hi, babe! Bakit ka na-estatwa doon?"

Napasimangot ako. "May naisip lang," inis na tugon ko naman sakanya at nilabas ang laptop ko. "Kailan bang sumigaw ka kanina? Nakakahiya ka talaga, Damon!"

Ngumisi siya at nagyuko na sa desk niya.

"Bayaan mo na 'yan, Chanelle," saad naman ni Fae. "Kulang lang sa tulog kaya nang-aasar ng tao."

Tumango naman ako. "Nakaka-review pa ba kayo para sa board?" tanong ko sakanila at binuksan ang Notes App ko.

"Oo. Si mama nagre-review sa'kin," sagot ni Fae at napatingin naman ako kay Jared na nagkibit-balikat.

"Si tita sa'kin. Sa'yo?" baling niya sa'kin.

Ngumiti ako. "Solo ako," sagot ko.

Nagpaikot ng mata si Fae. "Napaka-independent mo talaga, Chanelle!"

Tumawa nalang ako dahil sakto naman na pumasok ang professor namin kaya umayos na kaming lahat ng upo at nagsimula nang magtype para notes. Medyo nainis ako dahil ang bilis niyang magsalita at puros mga wrong spelling na 'yung mga tina-type ko dahil sa pagmamadali ko. 'Di bale, aayusin ko nalang mamaya sa library.

Nung natapos ang klase namin, nagpaiwan muna kaming apat dahil siksikan sila sa pintuan.

"Sino kaya si g'wapo?" tanong ni Fae at ngumuso kay Cannon na nagta-type sa laptop niya.

Saglit akong tumingin kay Cannon bago binalik ang atensyon sa pag-kopya ko ng notes ni Jared na 'di ko na-type. Ang bilis kasi magsalita nung prof namin kaya marami akong na-miss.

"Si Chanelle, baka kilala," saad ni Damon kaya napatingin sila sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Cannon Serevlio."

Nanlaki ang mata ni Fae. "Kilala mo?"

Umiling ako. "Tinanong niya lang kung anong oras na, tapos nagpakilala. 'Yun lang naman," paliwanag ko at pinatay na ang laptop ko. Inabot ko nadin kay Jared ang laptop niya. "Imbes na ako tanungin niyo, lapitan niyo nalang. Hindi ko naman siya kilala e--alam ko lang ang pangalan niya."

Tumango si Jared kay Damon. "Tara, p're. Mukhang pamilyar siya, e," aniya at tumayo din si Damon tapos lumapit na sila kay Cannon. Napailing nalang ako at kinuha ang cellphone ko dahil baka hinahanap na naman ako ni Xeny. Alam kong sabay natatapos ang third class ko tsaka ang first class niya, e.

To: BFF Xeny

Asan ka na? Jollibee tayo.

"Uy! Punta daw tayo doon," biglang kalabit sa'kin ni Fae kaya napatingin ako sa gawi nina Damon na kumaway sa'min para lumapit.

Lumingon ako kay Fae. "Mauna ka na. Aayusin ko lang gamit ko," sabi ko at nakangiting lumapit naman siya kina Damon, Jared, at Cannon. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago tinignan ang phone ko na nag-vibrate.

From: BFF Xeny

Ayoko. Magluto nalang tayo sa bahay. 1:30pm pa next class ko.

Napabuntong-hininga nalang ako at sumang-ayon bago tumungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Agad naman silang napatingin sa'kin at nakita kong ngumiti sa'kin si Cannon kaya naman ngumiti din ako pabalik sakanya. "Hi ulit, Cannon," bati ko sakanya.

"Hi, Chanelle," bati niya pabalik at kumaway pa ng konti.

Tumango lang ako sakanya bago bumaling kina Fae. "Uy, mauna na ako. Uuwi pa ako para magluto," paalam ko sakanila. Gusto kong maglakad pauwi dahil ten minutes lang naman ang layo, para makatipid nadin ako. Baka hindi magkasya 'yung binigay sa'kin ni mama na allowance ko, e.

"Uuwi ka pa?" tanong ni Jared at tumango naman ako. "Sumabay ka na kay Cannon. 'Di ba, p're?"

Ngumiti si Cannon. "Oo nga. Hatid na kita," sambit niya kaya naman umiling ako.

"H'wag na. Nakakahiya. T'saka malapit lang naman, e. Sampung minuto lang," pag-tanggi ko dahil talaga namang nakakahiya. Hindi ko naman siya ganun kakilala--pangalan niya lang ang alam ko--at hindi din kami close kaya nakakahiya naman kung magpapahatid ako.

Tumayo siya. "Nonsense," saad niya at bumaling kina Damon. "Ako na maghahatid sakanya. Saan ba siya nakatira?"

"Ba't 'di ako ang tanungin mo?" nakasimangot na tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Baka hindi mo sabihin, e," nakangising saad niya kaya mas napasimangot ako. Bakit ang hilig ngumisi ng mga lalaki? Pati si Damon at Jared ngumingisi madalas. "So, saan nga?"

"Apartment Block 4 siya," sagot ni Fae. "Pang-limang building sa kaliwa."

Tumango si Cannon. "Tara na, Chanelle?"

Bumuntong-hininga ako at nagpaalam na sa mga kaibigan ko tapos sumunod na kay Cannon. Tahimik kaming dalawa dahil nagt-text siya habang ako naman ay busy sa pagsunod sakanya.

Natigil kami sa sasakyan niya at hindi ko alam ang pangalan nun. Pero 'di ko tinanong. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagpasalamat lang ako sakanya. Tahimik padin hanggang sa nasa daan na kami pero siya din ang bumasag ng katahimikan.

"I'm gonna ask you a question..." aniya kaya napatingin ako sakanya. He grinned. "You know: Just like last time."

Natawa naman ako at chineck ang phone ko. "11:58am," saad ko at tumango siya.

"You live with your friend?"

Tumango ako. "BFF slash cousin," sambit ko at tumingin sa daan.

"That's cool," komento niya at napangiti ako bilang pagsang-ayon. "You're graduating, right?"

"Oo. Ikaw din 'di ba?"

Umiling siya. "Graduate na ako," saad niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Ha? E, anong ginagawa mo sa Chem kanina?" pagtataka ko.

He smiled. "I'm taking my Bachelor degree. Science major ako, and well, I need to retake Chem dahil hindi ko nagawa noon. Chem lang ang field na 'di ko pa nagagawa, and it's the one that looks good in every résumé," paliwanag niya kaya maang na napatango ako.

"So, ilang taon ka na?"

Saglit siyang bumaling sa'kin. "Ikaw muna," aniya at napasimangot ako. Ako unang nagtanong, tapos ako unang sasagot? Aba.

I rolled my eyes. "Twenty-one na ako," sagot ko sa katanungan niya.

Kumunot ang noo niya. "Nasali ka ba sa K to 12?"

Tumango ako. "Oo, e. Bakit, ikaw? Ilang taon ka na ba?"

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Twenty-three," aniya.

Napalabi ako. "Buti ka pa, 'di ka na-apektuhan ng K to 12," saad ko. Hindi ko alam kung bakit komportable akong kinakausap siya pero ganun lang talaga ang nararamdaman ko. Hindi siya arogante tulad ng una kong isip sakanya pero baka mali din naman ako. Masyado pang maaga para i-judge ko siya; kung mabuti ba siya o masama. Pero so far, he's on the former category.

"Saan ulit 'yung sainyo?" tanong niya nung nakapasok na kami sa Apartment Block 4.

"Pang-lima sa kanan," sagot ko naman at nag-park siya sa harap ng building namin. Two-story lang 'yun at sa'min ni Xeny ang top floor. Tinignan ko siya at nginitian. "Thanks, Cannon."

Ngumiti siya. "Aegeus nalang," sambit niya at napasimangot ako.

"Saan ba nakuha ng mama mo 'yung name mo? Ang... cool," ani ko dahil talagang naku-curious ako.

Tumawa siya ng mahina. "Hindi ko din alam, pero alam kong may ibig sabihin," sagot niya.

"Ano naman?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Search mo," aniya kaya lumabi ako. Tumawa siya. "Sige na, Chanelle. Baka hinahanap ka na ng BFF slash pinsan mo."

Napabuga ako ng hangin. "Ma-KJ ka din, e," natatawang saad ko at lumabas na ng kotse niya. Yumuko ako para makita siya. "Thanks ulit sa paghatid, Aegeus."

Kumindat lang siya sa'kin at nagmaneho na paalis ng Block 4. Napangiti naman ako sa sarili ko at agad kong kinagat ang labi ko. Para naman akong tanga na nakangiti sa gilid ng daan. Pero hindi ko din mapigilan dahil ang g'wapo niya. Tapos noong kumindat siya! Oh my gosh!

Aegeus is my first crush!

"Takas-mental ba peg mo, ateng?"

Napakurap ako. "H-ha?" maang na tanong ko at hinarap si Xeny na nasa harapan ko pala, nakatingin sa'kin na para bang isa akong baliw. Namula agad ako.

"Bakit gan'yan ang feslak mo?" nakangising tanong niya at nilagpasan ako para pumasok ng apartment. Sumunod naman ako nang nakasimangot.

"Ano'ng 'feslak' naman ang sinasabi mo d'yan?" balik-tanong ko dahil ayokong sagutin ang nakaraang tanong niya. Nahihiya pa ako.

"Face, jusko," iritableng aniya at binuksan ang apartment namin. Nakapalabing sinara ko naman 'yun at sinundan siya sa kusina namin.

"Ano namang meron sa mukha ko? Wala kaya," saad ko.

Nagpaikot siya ng mata. "E, ba't ka muntangang nakatayo sa harap ng bahay natin, ateng? Peg mo magpaka-bopols doon?"

Napangiwi ako. "Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo, Xenylia!" angal ko dahil nalilito talaga ako. Alam ko naman 'yung iba pero madalas ay nahihilo padin ako at napapatunganga nalang sa sinasabi niya. Kung ba't ba kasi 'di normal ang kaibigan ko, e.

"Bayaan na nga," aniya at sumimangot. "Ano ba lulutuin natin? Actually, ako nalang magluluto. Ikaw sa dinner," biglang bawi niya at tumango naman ako tsaka nilapag ang mga gamit ko sa counter.

"Sige. Kahit ano nalang ang lutuin mo, basta ba pagkain," saad ko naman at umupo sa high stool. "Huy, Xeny. May k-kwento ako sa'yo."

Napatingin siya sa'kin saglit bago tinuon ang atensyon sa ref namin. "O, ano naman 'yun, bakekang?"

Nagpaikot ako ng mata. "Ka-classmate ko pala si Aegeus sa Chemistry," sabi ko at agad siyang tumayo ng tuwid at nanlalaki ang matang tumingin sa'kin.

"Aegeus? 'Yung si g'wapong papabols na hiningi ang time?"

Tumango ako sa sinabi niya.

Napanganga siya. "Ay kalerqui ka, ateng! Damoves mo'y mas maganda pa kesa aketch! Tapos--Teka, 'Aegeus'? 'Yun tawag mo sakanya? Bakit?"

Natawa ako. "Hindi ko alam, 'yun ang sinabi niya, e."

Tumili siya. "Magkaka-love life na ang santa de pamilya Rueles!" excited na saad niya at halos batuhin ko na siya ng mansanas.

"Love life agad?" eskandalong angal ko. "Grabe ka. 'Di nga kami magkaibigan, e."

"Okay lang 'yan," nakangising sambit niya at tumalikod sa'kin. "Magiging magka-ibigan padin kayo."

Napasimangot ako. "Mali ata bigkas mo?"

"Mali ba?" pa-inosenteng tugon niya kaya mas napalabi ako.

"Hindi ko siya magiging 'ka-ibigan', ano! OA naman n'yang fast forward mo," nakasimangot na saad ko at nilabas ang phone ko.

Ngumisi siya at naghiwa ng patatas. "Ginagawa mo, ateng?" mapang-asar na tanong niya at nag-init ang mukha ko pero 'di ko siya tinignan at nag-type lang. "Huy. Ano nga?"

I typed in 'Aegeus definition' on the search engine. "Wala, may research ako sa Victorian Era," sagot ko. Medyo totoo naman dahil may project ako doon pero hindi naman 'yung ang sinearch ko. Nung nakita ko 'yung result, tumaas ang dalawa kilay ko sa gulat at mangha.

"Sus. Palusot mo, gasgas na," natatawang aniya kaya naman binelatan ko lang siya at ni-lock na ang phone ko.

"Hindi kaya," kontra ko naman at tumayo na. "Tawagan mo nalang ako kapag tapos ka na d'yan, gagawin ko lang 'yung reviewer ko."

Tumango naman siya at 'di na ako pinansin kaya napailing nalang ako at tumungo sa sala para doon i-set up ang work space ko. Habang gumagawa ako ng reviewer sa laptop ko, naisip ko na naman ang ibig sabihin ng Aegeus at napangiti ako sa sarili.

Aegeus - Protector

=•=

"Fae, may homework ba tayo for Chem?" tanong ko nung umupo siya sa tabi ko during Anatomy.

Umiling siya. "Wala naman, pero may quiz tayo sa susunod daw na class natin. Next week, Tuesday."

Tumango ako. "Salamat," ani ko at ngumiti lang siya. "Asan si Jared?"

"Absent daw," sagot niya at nilabas ang laptop niya. "May pinuntahan ata sila ni Damon kagabi kaya ayun, parehong nalasing at ako pa sumundo sakanila. Pero hindi ko na sila inalagaan dahil alam naman na nila ang gagawin kapag may hangover sila," paliwanag niya kaya naman natawa ako.

"Ikaw nalang lagi kinakawawa nila," komento ko naman at nagsuot ng gloves.

Napalabi siya. "Cons of being Damon's cousin," inis na usal niya kaya mas napatawa ako. Napailing siya at nagsuot nadin ng gloves. "Anyway, anyare sainyo ni Cannon? 'Di ka na nagkwento, e."

Napangiti ako. "Wala naman, nag-kwentuhan lang kami buong panahon na nagmamaneho siya. Medyo natagalan ng 'yung byahe dahil sa traffic, e, pero okay lang kasi 'di siya boring kasama," kwento ko sakanya at ngumisi lang siya sa'kin. Alam ko na ang tingin na 'yan--ganyan ako tignan ni Xeny 'pag may lalaking malapit sa'kin. Tumawa ako. "No, walang romantic chuchu na nangyari, okay? Wala."

Nagkibit-balikat siya pero may ngisi sa labi. "Wala naman akong sinabi, e," aniya kaya namula ako. "Masyado ka lang defensive."

Tumawa nalang ako at 'di na sumagot pa sa sinabi niya dahil pumasok na 'yung prof namin at sinabing magda-dissect kami ngayon at o-obserbahan ang puso ng isang aso. Napangiwi ako pero 'di din ako naka-angal. Kung magdo-doctor ako, puso pa nga ng tao ang kailangan kong obserbahan, e. Tiisan lang 'to.

"Kasuka," angal ni Fae habang nilalapit ang mukha sa puso para matignan ito ng mas maayos. Napangiwi ako pero 'di ako nagsalita. "Bakit tumitibok padin? Eww!"

Natawa ako. "Fresh from the lab daw, e," saad ko naman at sinulat ang mga observations ko sa papel na bigay ni prof. Nagkunwaring nasusuka si Fae kaya napahagikhik ako at napailing nadin. "Ang arte mo, paano ka magiging doctor n'yan?"

Nagpaikot siya ng mata at hinarap ako ng nakapa-mewang. "Chanelle, gusto ko maging Pediatrician--a doctor for kids! Hindi Surgeon!"

Natawa ako at pinakalma siya. "May dalaw ka, 'no? Init ng ulo mo," biro ko sakanya at tinulak siya paupo dahil mukhang napaka-stressed niya sa buhay.

Umiling siya. "Sorry, Chan," hingi niya ng paumanhin at ngumiti lang ako sakanya. "Kasi naman, kulang ako sa tulog tapos natulog at nagising akong inis kaya sa'yo ko nabubunton ang galit ko. Sorry talaga."

I grinned. "Okay lang 'yun, ano ka ba. Alam ko naman ang sitwasyon mo," ani ko. Dahil nga si Fae ang mas mature sakanilang magpinsan, siya 'yung madalas mag-alaga kay Damon. At dahil 'di mapaghiwalay si Damon at Jared, no choice siya kundi asikasuhin din si Jared. P'wede na siyang mag-Pediatrician sa sobrang pagka-childish ng dalawang 'yun, e.

Bumuntong-hininga siya. "Kung ba't ba kasi kadugo ko 'yun, e!" asik niya sa kawalan at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. Natawa naman ako at may sasabihin sana pero nag-vibrate ang phone ko. Tinanggal ko ang gloves ko ay inabot 'yun.

From: Damon (Pre-Med)

Hinihingi ni Cannon # mo. Bigay ko?

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa ko at hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong ngumiti. Pinigilan ko ang sarili ko dahil baka makahalata si Fae kaya naman kagat-labing nag-reply ako.

To: Damon (Pre-Med)

Okay lang (:

Ni-lock ko na ang phone ko at huminga ng malalim dahil biglang nanikip ang dibdib ko. Oh my gosh, ito ba 'yung tinatawag nilang "kilig"? Oh my gosh!

Bakit naman ako kinikilig?

Pumikit ako ng mariin. Chanelle, kumalma ka. Hiningi lang number mo, hindi ang puso mo. OA ka.

"Huy, Chan, okay ka lang?"

Napamulat ako at tumango lang kay Fae na kunot-noong nakatingin padin sa'kin. Tumawa ako. "Okay lang, promise."

Tumango siya. "'Yung phone mo," aniya at ngumuso sa phone ko na nag-vibrate at agad ko 'yun kinuha.

From: +63929.......

Hi Chanelle :) Si Aegeus to.

Kinagat ko naman ang labi ko. Gosh, I feel like a high schooler! Kung kailan ako tumanda, nun pa 'ko kumembot!

To: Aegeus

Hi, Aegeus!

"Sino 'yan?" usisa ni Fae.

Umiling ako. "Wala," tugon ko nalang kaya tinaasan niya ako ng kilay. Tumawa ako. "Wala talaga."

Nagkibit-balikat siya at ngumisi. "Sabi mo, e," sambit niya kaya naman naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Alam ko ang iniisip niya pero 'di ako nagsalita dahil baka tawagin na naman akong 'defensive'.

From: Aegeus

Asan ka ngayon? Lunch tayo :)

I sighed.

To: Aegeus

Sorry. Nasa Anatomy ako, e. Hanggang 1pm ako dito. Next time nalang! (:

Matagal siyang 'di nagreply kaya sinuot ko na muna ang gloves ko at tinapos ang ginagawa ko. Nag-vibrate ang phone ko pero 'di ko na muna chineck dahil p'wede naman kaming mag-text mamaya, pagkatapos ng klase. Bawal akong ma-distract dahil importante din ang class na 'to para sa'kin. Science class ito at maganda para sa Medical School na a-apply'n ko in the future.

"Okay, class. The bell's gonna ring in ten minutes, please start your clean up and make sure the subjects are back in their jars," biglang sabi ng prof namin kaya mas mabilis pa sa kuneho na inayos na namin ni Fae ang table namin. Ako ang nagsoli ng 'subject' sa jar niya dahil baka talagang masuka na si Fae. Tumawa nalang ako at tinulungan siya sa paglilinis ng table namin.

"Engot ko din kasi," rinig kong asik niya sa sarili kaya napatingin ako sakanya; "hindi ko naman kailangan ng Anatomy pero kinuha ko pa. Tanga mo, Fae."

"Huy, para ka namang tanga d'yan!" sita ko sakanya. "Ba't mo ba kinakausap sarili mo? Katabi mo lang naman ako, o."

Nagpaikot siya ng mata. "Buti nalang talaga at graduating na tayo! Naiinis na ako sa mga kasurang mga 'to," angal niya ay napalabi.

May sasabihin pa sana siya pero nag-ring na ang bell kaya mabilis na nagsilabasan ang mga classmates namin. Naghintay muna kami bago kami lumabas ng room at nanlaki ang mata namin pareho nung si Aegeus ang bumungad sa'min. Agad siyang tumayo ng tuwid at naglakad papalapit sa'min kaya naman napanganga ako. Nagkatinginan kami ni Fae at tumikhim kami pareho tsaka umayos.

"A-aegeus," tawag ko sa pangalan niya nung makalapit siya sa'min at ngumiti naman siya. "Anong--Bakit ka andito?"

Lumawak ang ngiti niya. "Hi, Fae," bati niya muna kay Fae na tumango at ngumiti bago bumaling sa'kin. "Inaya kitang mag-lunch, e, kaya susunduin kita. Hindi ka naman nag-reply sa text ko nung tinanong ko kung asan ang room mo kaya nilibot ko lahat ng Anatomy classes." Tumawa siya ng mahina habang ako naman ay nalaglag ang panga. "Buti nalang at hindi pa kayo na-dismiss," dagdag niya sa paliwanag niya.

"Ikaw pala ka-text ni Chanelle kanina?" nakangising tanong ni Fae at kumindat pa sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.

Tumango si Aegeus at nagpamulsa. "Oo. Naka-istorbo ba ako?"

Umiling si Fae. "Hindi naman," aniya. "Mabilis gumawa 'yan ng trabaho kaya halos tapos na siya nung nag-text ka."

Kung makapag-salita naman sila, parang wala ako dito sa mismong tabi at harapan nila. Napasimangot ako pero 'di ako nagsalita.

"Ah. That's good," saad ni Aegeus at bumaling sa'kin. Ngumiti siya. "Ano, Chanelle, tara na? Fae, sumabay ka na din sa amin."

Umiling si Fae. "Nako, h'wag na. Kailangan kong umuwi dahil mag-aalaga pa ako ng mga baby damulag," nakangiwing sambit ni Fae at mabilis na nagpaalam.

"Ingat ka, Fae," sigaw ko at nag-thumbs up lang siya sa'kin. Humarap ako kay Aegeus. "P'wede bang sa malapit lang? May class ako ng 2, e. One hour lang lunch ko."

Tumango siya at inabot ang bag ko, at dahil biglaan, 'di ako naka-angal. "Okay lang naman sa karinderia, 'di ba?"

"Uh, yeah. Ayos lang," tugon ko at tumingin sa bag kong nakasabit na ngayon sa balikat niya. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang mata niya kaya naman tumikhim ako. "So, saan tayo?"

Tumawa siya. "May sasakyan ako. Halika," aniya at inakay na ako papunta sa parking lot. "Oh, and, Chanelle?"

Nag-angat ako ng tingin sakanya. "Hm?"

He grinned. "Ang ganda mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro