Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•THREE•

3: "Time flies when you're having fun"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

Dinala niya ako sa isang kainan na limang minuto lang mula sa school--by car, of course. Maraming tao doon at halos karamihan ay mga estudyante lang din. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago maka-upo dahil sa dami ng tao. Si Aegeus nadin ang namili ng kakainin namin dahil 'di naman ako pamilyar sa mga tinitinda nila dito. Pero mukhang masarap, base sa mga taong nasa loob at labas ngayon.

"Sorry ha, crowded," hingi ng paumanhin ni Aegeus at napakamot pa ng batok sa hiya.

Ngumiti naman ako. "Okay lang," ani ko at tumingin sa binili niya. "Ano 'yan?" sabay turo ko sa isang putahe na ngayon ko lang nakita.

"Paltat daw sabi ni aling Gee," sagot niya sa'kin pero kumunot lang ang noo ko. "Isda 'yan. Hindi masyadong uso kasi mahal at mahirap din na lutuin minsan, na hanapan ng lasa. Pero masarap naman siya."

Tumango ako. "Malalaki ba 'yung tinik?" tanong ko at pinanood ko siyang hiwain 'yung 'paltat'. Isa lang ang binili niya dahil medyo malaki din naman 'yun, swak para sa'ming dalawa.

Tumawa siya. "Oo," aniya. "Pero ako na bahala sa'yo. Kumain ka nalang d'yan."

Lumabi ako. "Nakakahiya naman. Hintayin nalang kitang matapos para sabay talaga tayo," sabi ko sakanya at nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Sige, teka," usal niya at medyo mas mabilis na hinanda 'yung isda. Pinanood ko lang siya at 'di ko maiwasang 'di mamangha dahil isang napaka-kisig at napaka-mestisong lalaki na tulad niya ay nasa karinderia, nagtatanggal ng tinik ng isda para sa akin.

Napangiti ako.

"O, ayan na. Subukan mo," sambit niya at nagulat ako nung ilahad niya 'yung kutsara niyang may kanin tsaka isda. Napatitig ako doon. 'Di ba may tinatawag silang indirect kiss?

Agad kong sinubo 'yung isda. Nanlaki ang mata ko. "Omg! Ang sarap!" mahinang tili ko dahilan para tumawa siya ng malakas at napanganga ako nung isubo niya 'yung mga 'di ko kinain. Namula ang buong mukha ko.

Omg. My first indirect kiss!

Counted ba 'yun? Oh, well. At least.

"Gusto mo pa?" Tumango naman ako bilang sagot. "Okay, here. Kumuha ka lang kung gusto mo pa."

I grinned. "Paano mo naman nalaman ang place na 'to?" tanong ko bago sumubo.

Nagkibit-balikat siya. "Dinadala ako dati dito ng driver namin, close kasi kami. E, masarap ulam dito kaya naging isa sa mga paborito ko. Regular na nga ako dito e," pagmamalaki niya kaya naman natawa ako.

"Ah. Kaya pala crush ka nung babae sa harap," biro ko naman at mas lalo akong natawa nung nakita kong medyo namula ang leeg niya.

"Huy. Hindi kaya," tanggi niya at ngumisi lang ako kaya napangiti nadin siya. "Hindi talaga. Immune na sila sa pagmumukha ko."

Natawa naman ako sa sinabi niya at nag-usap nalang ulit kami. Nag-kwento siya tungkol sa buhay niya at nakinig naman ako. Sobrang puno ng tawanan 'yung usapan namin na 'di namin namalayaan ang oras. Quarter to two na kaya medyo nagmadali kami.

"Nag-enjoy ka naman?" tanong ni Aegeus habang nasa daan kami.

I grinned. "Of course! Nakakatuwa ka palang kasama, Aegeus," sambit ko naman at ngumiti din siya.

"Ikaw din," saad niya. "I enjoyed your company so much. Ulitin natin, ha? Pero next time, 'yung wala nang time limit.

Next time?

Mas lumaki ang ngiti ko. "Sure! Para ma-kwento mo na 'yung psycho ex mo," natatawang biro ko at tumawa lang din siya ng malakas bago mag-park.

"Ihahatid na kita sa classroom mo," aniya at 'di na ako umangal pa. Bumaba na kami pareho at hindi na ako nagulat nung siya ang bumuhat ng bag ko.

"Salamat," ani ko at ngumiti.

Kumindat siya. "Gentleman ako, e!"

Tumawa naman ako. "Sure, whatever floats your boat," ngisi ko naman tapos sumimangot siya. "Biro lang," bawi ko.

"Okay," aniya. "O, dito ka na pala. Ano, next time ha? Isama natin sina Jared para marami din tayo."

I nodded at inabot ang bag ko. "Oo, sige ba. Pero ikaw na bahala kumausap sakanila," sabi ko at tumingin sa loob ng room. Halos wala pang tao. Bumaling ako kay Aegeus. "Wala ka bang pasok?"

Umiling siya. "Chem lang naman ang tine-take ko. Mababa kasi grade ko, e, pero passable. Kaso 'di siya acceptable for a Master's degree course," paliwanag niya at tumango naman ako.

"Okay, sige. See you tomorrow, then," paalam ko sakanya.

Kumaway siya. "Bye, Chanelle."

I smiled and entered the room. Agad bumungad sa'kin si Diane na mukhang kinikilig.

"Boyfie mo, Chan? Ang g'wapo niya!" tili niya kaya naman namumulang natawa ako.

"Hindi, 'no. Kaibigan ko lang 'yun," kontra ko naman at tinaasan niya ako ng 'di-makapaniwalang kilay. Mas natawa ako. "Oo, promise. Single 'yun--I think."

Kumislap ang mata niya. "Okay lang na agawin?"

Alam kong nagbibiro lang siya kaya natatawang tumango nalang ako at tumungo sa upuan ko sa may gilid, malapit sa mga bintana para makalanghap ako ng sariwang hangin. Calculus ang class ko ngayon at kailangan ko ng preskong hangin tuwing ino-overdrive ko ang utak ko. I don't love Math, pero I don't hate it. Ewan, magulo.

But then I smiled nung naalala ko 'yung lunch ko kasama si Aegeus. Talagang nag-enjoy ako, prueba na 'di namin namalayan ang oras. It's true when they say that tike flies when you're having fun. Pero nakaka-disappoint lang na ganun naman kabilis. Masyado siguro ako nag-enjoy.

"Hindi mo boyfie pero iba sabi ng ngisi mo," pang-aasar naman sa'kin ni Diane na umupo sa likod kaya kaya pabirong inirapan ko nalang siya dahil nakangiti pa ako. Inasar niya ako pero natawa lang ako. Sakto na pumasok ang prof namin kaya naman natahimik na kaming lahat.

My phone vibrated.

From: Aegeus

Had a fun time (; Lunch bukas?

Napangiti ako sa sarili ko at pasimpleng nag-reply.

To: Aegeus

Bye, Aegeus :P

=•=

"Ang aga pa, Chan!" angal ng pinsan ko.

Nagpaikot ako ng mata at nilagay ang kamay ko sa bewang ko. "Akala ko ba magre-report ka ngayon sa library ng maaga? Alas-nuebe na, Xeny! Alas-dose ang klase natin ng Chemistry!"

Napangiwi siya. "Kasi naman, e! Bakit naman kailangan pa na mag-report? Pupunta naman ako doon mamayang tanghali!"

I groaned. "Xenylia, umayos ka. Kapag ikaw natanggal ha!" asik ko at hinain ang umagahan namin. Talagang nag-absent pa ako ng first class ko para masigurong magising siya. Importante kasi 'yung meeting nila mamaya dahil pag-uusapan nila ang nalalapit na renovation ng library, kaya mabe-base sa ibang branches ang mga empleyado habang ginagawa ang renovations. Bawal mag-absent dahil kailangan nilang malaman kung saan sila ibe-base. No show, no work.

"Kainis talaga," nakabusangot na angal niya kaya naman huminga nalang ako ng malalim at napailing.

"Kumain ka na nga lang para makapag-ayos ka na," utos ko. "Alas-diez, dapat nandun ka na."

Ngumiwi siya. "Opo, nanay," pang-aasar niya at hinila ko lang ang tenga niya kaya inirapan niya ako. "Ano ba!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Eat!"

"Bleh!"

Nasapo ko nalang ang noo ko. Susuwayin ko sana siya pero nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko 'yun. Agad akong napangiti.

From: Aegeus

Good morning Beauty! :)

-
To: Aegeus

Hi Beast!

Natawa naman ako. Nanood kasi kami three days ago ng Beauty&TheBeast kaya naman na-stuck na sa'min 'yung mga nicknames na 'yun. Beauty daw ako dahil unang tingin palang, "walang dudang kagandahan na"--his words--at Beast naman siya dahil you "have to get to know me before seeing the real me" daw ang peg niya. Ewan ko sa lalaking 'yun, baliw siya.

"May thing ba kayo ni Cannon?"

Napatingin ako kay Xeny na kumakain na. "Wala. Ba't mo natanong?" usisa ko naman at hinugasan ang mga pinag-lutuan ko.

"Ewan. Lagi kang nakangiti 'pag kausap mo siya, e," sambit ni Xenylia.

Natigilian ako. "Hindi ko din alam," sagot ko. "Natutuwa lang ako kapag kasama ko siya kasi parang... parang no-stress siya na tao kaya nahahawa ako minsan," paliwanag ko. Ang totoo n'yan ay ganun talaga ang nararamdaman ko. Oo, crush ko siya at first indirect kiss pero nothing more. Crush is just a mere phase of idolization at ini-idolo ko ang pagiging mabuti niyang tao, na kaya niyang ngumiti kahit minsan naiinis na siya at nahihirapan sa mga bagay-bagay.

"Uy. 'Di ba ideal guy mo ang tipo ni Cannon?" nakangising tanong ni Xeny.

Tumango ako at hinarap siya. "Pero hindi naman ibig sabihin nun, e, siya na talaga," kontra ko agad. "Masyado pang maaga para malaman kung sino ba ang taong nararapat para sa'yo."

Natahimik saglit si Xeny. "Well, you'll never know unless you try," aniya.

Umiling ako at tinalikuran siya. "Sometimes, not knowing won't hurt."

"Phone mo," sambit niya at umikot ako para kunin 'yun.

From: Aegeus

SEE YOU TODAY!!

I laughed and turned to Xenylia. "Napapasaya niya ako," sabi ko sakanya at nakinig lang siya sa akin. "Pero hindi lahat ng nagpapasaya sa'tin, nakakabuti para sa'tin. Pumanhik ka na at mag-bihis. Aalis tayo in twenty minutes para 'di ka ma-late."

Huminga nalang siya ng malalim at sumunod sa sinabi ko while I typed in a reply.

To: Aegeus

See you, Beast.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro