Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•TEN•

10: "More time"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

"Nang-iinis ka ba?" tiim-labing tanong ko kay Aegeus nung pang-limang beses na siyang tumayo sa harap ko. Konti nalang at sasabunutan ko na siya!

Inosenteng lumingon siya sa akin pero 'di ko makita ang mata niya dahil naka-shades siya. "Ano naman ang ginagawa ko sa'yo?" tanong niya at napatingin sa'min sina Xenylia.

Napairap ako. "Ang luwag luwag ng daan pero sa harap ko pa mismo ka pumipirmi! Ano ba'ng trip mo?!" singhal ko at kulang nalang ay lumabas na ang apoy sa mata ko. Sinisira niya ang araw ko!

Tumawa siya. "Beauty, bawal ba na sa harap mo maglakad?" pang-iinis niya.

"Don't call me that!" sigaw ko.

"Chanelle, ano ba nangyayari sa'yo?" singit naman ni Xenylia na kunot na kunot na ang noo. Napalunok ako para pakalmahin ang sarili ko bago ako umiling. Tinaasan ako ng kilay ng pinsan ko at sinabing, "Pwes, umayos ka. Walang ginagawa sa'yo 'yung tao."

I rolled my eyes and nodded. "Oo na," inis na sambit ko at lumapit nalang kay Jared at Ramona na pilit tinatago ang mga ngiti nila. Inirapan ko silang dalawa pero inakbayan lang ako ni J kaya kaming dalawa na ni Ramona ang inaakbayan niya.

"Init ng ulo mo, Chan," ani Ramona at humagikhik kaya naman mas lalong napasimangot ako.

"Siya naman kasi, e! Ang epal. Bakit sa harap ko pa?" inis na sambit ko at umirap sa kawalan.

Napailing si Jared. "Kung ganyan din naman kasi ang sinuot ni Ramona, malamang sa harap niya din ako pipirmi," sambit niya kaya nakangusong tumingala ako sakanya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" usisa ko at yumuko para tignan ang suot ko. Ano'ng mali sa suot ko? Naka high-waist, ripped shorts lang naman ako at bikini top tapos see-through crop top. Acceptable naman 'yun sa beach, ah? Ma-drama lang ang lalaking 'yun!

Napa-tsk si Jared. "Ang manhid mo," natatawang usal niya. "S'yempre, naturally possessive ang mga lalaki. At masyadong revealing ang suot mo."

Pinag-krus ko ang mga braso ko. "Ano naman ngayon? E, 'yung si Carol nga naka-bikini'ng lumilibot noon na nagpunta sila sa Boracay! Ako, bawal?"

Sa sinabi kong 'yun ay nagkatinginan sila pareho kaya naman agad namula ang pisngi ko. Gosh, ang tanga ko! Tumikhim nalang ako at umiwas ng tingin habang patuloy padin sa paglalakad.

"Stalker ka?" asar ni Ramona kaya napalabi ako.

Umiling ako. "Si Xenylia ang stalker, pinakita lang niya sa'kin last year." Last year. Noong tinanggap ko ang diploma ko. They celebrated Carol's birthday in Boracay. Nagalit kasi si Xenylia noon dahil alam niyang umasa ako kaya inalam niya kung saan ba si Aegeus at nakita namin ang pictures ng fiancé niyang si Carol sa Twitter. Mapait akong napangiti at napatingin sa malayo.

"Uy. Natahimik ka?" puna ni Jared at pinisil ang pisngi ko kaya napangiwi ako at natawa silang dalawa.

Hinampas ko ang dibdib ni Jared. "Tigilan mo nga muna ako!" inis na sambit ko.

"Nakatingin si Cannon sa'yo..." maang na sabi ni Ramona kaya 'di ko napigilan ang sarili kong lumingon at nagtama ang tingin namin ni Aegeus.

Kumaway siya sa'kin at ngumiti pero mas lalo lang akong napasimangot. Hindi ko siya pinansin at lumayo nadin ako kina Jared tsaka nagpati-unang nagpunta sa may tubig. I breathed in deeply and let myself be calmed down by the breeze. Alam kong mali ang inakto ko kanina. Wala naman talagang ginawa si Aegeus pero nagalit padin ako. Tuwing malapit kasi siya ay nakakaramdam ako ng sakit. Kaya gusto kong malayo muna sakanya because I lose myself around him.

Tumingin ako sa kung saan sila ngayon at nakita kong inaayos na nila 'yung tent. Hanggang gabi kasi kami dito kaya naman naisipan naming magpatayo ng tent dahil medyo marami din naman kaming dala at para makapag-pahinga din si Fae. I sighed and looked at them, and nagtama ang tingin namin ni Aegeus. Nagkatitigan kami at unti-unti siyang lumapit sa'kin. Umiwas ako ng tingin at tumitig sa kawalan habang ang paa ko ay nasa tubig. He stood beside me.

He sighed. "I'm sorry," aniya at hindi ako sumagot. "I don't know if it's valid, pero gusto kong malaman mo 'yun. I'm sorry for everything I've done and didn't do."

Kinagat ko ang labi ko. "Bakit... Bakit mo ako hindi pinaglaban?" This is what I need: closure. Gusto kong maalis na 'yun galit at sakit sa puso ko. Because if I cancel those off, love will remain. And like hate, nawawala din 'yun.

"Dahil alam kong kapag pinaglaban kita, you would wait for me. And I didn't want you to put your life on-hold for something that's not sure to happen. Ayokong umasa ka sa wala, Chanelle," mahinang at malumay na sabi niya habang nakatitig sa'kin.

Napatiim-labi ako. "That was my decision to make, not yours," inis na sabi ko. How dare he decide for me?!

"Pero kung ikaw ang pinagpili ko... baka naghintay ka. I didn't want you to do that," sabi niya. "You deserve more."

You are more, gusto kong sabihin pero hindi ko nagawa. I doubted myself. Is he more? "More" ba ang lalaking 'di ako kayang ipablaban; ang lalaking second option lang ako? I didn't think so. Maybe he isn't more...

"Chanelle, gusto kong bumawi sa'yo. I want you in my life again. And I will do everything--"

"No," iling ko. "Fix your life first before fixing whatever we have, Aegeus."

"Pero hahayaan mo ba akong ayusin ito, Chan? I want to do everything I can for us," sabi niya sa tonong nahihirapan at alam kong mahirap talaga ito para sakanya. He is fighting two battles.

I sighed. "Give me more time to forget, Aegeus," sabi ko at tinignan na siya. "Galit parin ako sa'yo, sa ginawa mo. You chose a material thing over me and it hurts. Pinili mo ang buhay na hindi ako kabilang. Naiintindihan kong importante ang pamilya, ang karera, pero masakit padin. How would you feel if I chose to pretend to be in love with someone I'm not? Mahirap, Aegeus. Especially when you promised to protect me but you did everything but that. Imagine my pain when I see you with her. Peke man o hindi, nasaktan padin ako."

Napayuko siya. "I'm going to make it up to you, I promise."

"Don't make promises you might not keep," bulong ko at tinapik ang balikat niya kaya napatingala siya sa'kin. I smiled genuinely at him. "Just give me more time."

"Natatakot ako..." aniya kaya kumunot ang noo ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa balikat niya at tiningnan niya ako. "Paano kung sa panahon na 'yun, makalimutan mo na ako? Sa limang taon na nawalay tayo sa isa't isa... ibang takot ang bumalot sa'kin dahil baka makahanap ka ng iba. Paano kung--"

Binitawan ko siya. "That's the price of letting me go," putol ko sakanya. "Pay it, Aegeus. At kung talagang handa ka na ngayon na ipaglaban ako, gawin mo. Don't be all talk."

Tumitig lang siya sa'kin at tinalukran ko siya.

I closed my eyes firmly. "Hindi ako maghihintay para sa'yo. You have to be ready to chase after me."

"I love you too much and I will not let you go again," mariin niyang sabi at kiya ko ang deteminasyon sa mata at boses niya.

Napangisi ako. "You better not, Beast."

=•=

"Chan, may Rum pa ba tayo?" tanong ni Xenylia habang hinahalungkat 'yung bag na kung saan namin nilagay 'yung chips.

Binuksan ko naman 'yung cooler na nasa tabi ko at nilabas 'yung bote ng Run at inabot sakanya. "Last na 'yan, Xen. Puro beer at wine nalang natira," sabi ko naman nung tinanggap niya 'yun.

"Wala na 'yung Pineapple juice?" tanong naman ni Damon at sumilip sa cooler. "Baka magreklamo na naman si Fae nyan."

Napangiti naman ako dahil halatang inaalagaan niya talaga ang kaibigan ko. "Meron pa ata, sa mga bags pero 'di napalamig. Gusto mong kunin ko?" alok ko at tatayo na sana pero umiling siya.

"H'wag na. Tulog naman na siya at aalis nadin tayo mamaya," sabi niya at bumalik sa pagkaka-upo niya.

Nagkibit-balikat lamang ako at tumingin sa kinaroroonan ni Aegeus na medyo malayo sa'min. May kausap siya sa telepono at mukhang tensyonado siya kasi nakahawak siya sa noo niya at tiim ang labi niya. Hindi ko naman alam kung sino ang kausap niya at pinagwalang-bahala ko nalang dahil wala naman din ako sa posisyon para magtanong. Kaya naman kumain nalang ako ng Nova at nakinig sa mga kwento ni Jared tungkol sa bakasyon nila ni Ramona sa Madrid.

Maya-maya ay lumapit na sa'min si Aegeus at pumagitna siya sa akin at ng cooler. Nakatingin lang ako sakanya na nakataas ang kilay habang siya naman ay tahimik na kumuha ng beer at binuksan 'yun. Hindi siya nagsalita at mukhang malalim ang isip kaya hindi ko na siya pinansin at nakinig nalang ulit ako sa sinasabi ni Ramona.

Alas-diez y media na kami nagsimulang mag-ayos dahil babalik na kami sa hotel. Nauna nang umalis si Fae at si Ramona para makapag-pahinga na si Fae habang naiwan naman kaming lahat para mag-ayos. Inaayos ko 'yung mga pagkain nung lapitan ako ni Xenylia at pasimpleng siniko kaya napatingin ako sakanya.

"Hm, bakit?" tanong ko at inayos ang laman ng bag.

"Ano'ng pinagusapan niyo ni Cannon kanina?" usisa niya at tinulungan akong mapulot ng kalat.

Napatingin naman ako sakanya. "Nag... Ewan ko, compromise siguro kami," sabi ko at saglit tinignan si Aegeus na wala sa sariling tumutulong sa tent. "Nag-sorry siya sa nangyari noon."

"Pinatawad mo ba?"

Umiling ako. "Natanggap ko na ang nanyari, Xenylia, at unti-unti ko na siyang napapatawad pero baka hindi pa ngayon. Let it sink in na muna."

Tumango siya. "E, paano 'yung relasyon ninyong dalawa? Paano na kayo?"

Nagkibit-balikat ako at sinara 'yung bag bago ko siya harapin. "Sinabi niya na babawi siya sa'kin at balak manligaw. Pero malinaw na kailangan na muna niyang ayusin ang buhay niya dahil hindi ko na siya hihintayin ngayon. Bahala na siya."

Napangisi siya. "Ibig sabihin may pag-asa pa ang ChaNon ko?" asar niya at tinaas-baba ang kilay kaya naman hinampas ko siya sa braso at sabay kaming natawa. Ang baliw talaga ng pinsan ko.

"Hindi imposible, pero hindi din madali," sabi ko at napangiti ng malumay. "Sa Sabado na ang alis natin, Xenylia. Tingin mo ba mapapatawad, at makukuha niya ng ganun kadali ang tiwala ko? Limang araw nalang at balik na tayo sa realidad. Bakasyon lang 'to."

Napamura siya. "Bilis-bilisan dapat ng protector mo kundi siya din ang mawawalan!" inis na sambit niya kaya naman mas natawa lang ako.

Inakbayan ko siya at binuhat ang bag. "Alam mo, Xen, tadhana nalang ang makakapag-sabi niyan. There is a right time for everything. Baka hindi pa ito ang panahon."

Napasimangot siya. "E, kailan ang tamang panahon? Langya, kapag menopause ka na?" sarkastikong usal niya kaya napahagikhik ako.

Tinampal ko ang pisngi niya ng mahina. "Ikaw talaga. Have faith in destiny, okay? What's meant to be, will be."

"Paano na si Carol?" biglaang tanong niya at nagkibit-balikat lamang ako.

"Like I said, siya ang aayos ng buhay niya. Problema na niya 'yun at labas ako doon," sabi ko at inirapan lang niya ako pero napangisi lang ako.

"Xenylia! Chanelle!" sigaw ni Damon kaya umikot kami para tignan siya. "Pakidaan naman 'yung mga Pineapple juice kay Fae!"

Nagkatinginan kami ni Xenylia at sabay na tumango bago nagsimulang maglakad papunta sa hotel.

"Kailan kaya kasal nila?" pagtataka ko.

Tumawa si Xenylia. "Siguro pagkatapos ng kasal ng baby nila. Paniguradong sa simbahan din ang bagsak ng dalawang 'yun, e!"

"Tignan mo... Destiny," sabi ko at napailing nalang si Xenylia sa sinabi ko.

"Pero minsan, Chanelle, kailangan mo ding unahan ang tadhana. Kasi ang kinabukasan, nababago ng kasalukuyan. At kahit sabihin mong kasalanan ni Cannon na pinakawalan ka niya at sinaktan, kasalanan mo din dahil 'di ka lumaban. Umalis ka," seryosong saad niya at tumango ako.

I sighed. "Alam ko na may kasalanan din ako. Kaso mas madaling magalit kesa masaktan, e. Mas madaling lumayo sa taong nananakit sa'yo. Oo, mahal ko siya--inaamin ko na. Pero kung ang pagmamahal na 'yun ang maninira sa'kin, h'wag na lang. And'yan naman si Daniel Padilla at James Reid na 'di ako sasaktan."

Tumaas ang kilay ni Xenylia. "Ano ka, baliw? As if naman kasi na mapapansin ka nila!" asar niya at kinurot ang bewang ko.

Lumabi ako. "Exactly. Hindi ko kailangang umasa na mamahalin nila ako dahil alam kong 'di na mangyayari 'yun. Kaya masarap magmahal ng artista!"

Ngumiwi si Xenylia. "Artista? Ulol. Artista na mahilig sa promo?"

Natawa ako. "Nam-promo din naman si Aegeus at si Carol, ah? No difference!"

"Hanggang promo nalang sila."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro