•SEVEN•
7: "Long time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Five years later
"Chanelle, did you get the letter yet?" tanong sa'kin ng kaibigan ko na si Jemma.
Ngumiti ako at umiling. "Not yet. How about you? I heard they sent the first batch out yesterday."
She nodded. "Yes. I'm so nervous! I really want to go to medical school as soon as possible! Lucky you, you got accepted to Berkley." Lumabi siya kaya natawa ako. "Why can't I be smart like you?"
Kinurot ko siya sa braso. "Silly, shut up. I just study a lot," sabi ko at tumingin sa phone ko. Napasimangot ako. "Where on Earth is Christy? She should be here already."
Nagpa-ikot siya ng mata at sumipsip sa iniinom niya. "You know that woman is always late."
Tumawa ako. "I'll just buy a muffin. Want one?"
"No, I'm watching my carb intake."
I rolled my eyes and stood up. Nakipila na ako at dahil medyo mahaba dahil unaga palang at laging busy ang Starbucks, naisipan kong tawagan na muna si mama sa Viber, tutal gising naman na 'yun dahil night shift siya.
{ Hello, anak? }
Napangiti ako. "Hi, ma. Nakadistorbo ho ba ako?" tanong ko at umusod ng konti sa pila.
{ Hindi, Chan. Bakit ka ba napatawag? Pauwi na ako. }
"Na-miss lang kita, ma. Mag-ingat po kayo, ah? Kamusta na ho ba kayo d'yan?" Finally, turn ko na at nag-order lang ako ng chocolate muffin tapos ay nag-hintay na ulit sa isa pang pila. Nakita ko din nakadating na si Christy at kinayawan ko siya habang pumila siya.
{ Okay naman kami. Salamat ulit sa padala mo, anak. Nagustuhan namin ni manang Leti 'yung tsokolate! }
I laughed. "Buti naman, ma," ani ko at kinuha na 'yung order ko at nagsimulang bumalik sa table namin. "Ma, bye na po. Andito na kasj mga kaibigan ko. Tawag ulit ako kapag may time."
{ Sige, Chanelle. Mag-ingat ka, ha? I love you, anak. }
"Love you, mama," sagot ko at pinatay na ang tawag, saktong tumabi ako kay Christy. "You're late."
"Again," dagdag ni Jemma kaya natawa ako.
Christy shrugged. "Leo had to pick up his girl before dropping me off," sabi niya. Si Leo ang kapatid niya at driver nadin niya. Ayaw kasi ni Christy ang mag-drive dahil takot siya lalo na sa freeway. Kaya hatid-sundo siya ng kapatid niya.
"Poor Leo," nakangising asar ni Jemma kaya napa-irap si Christy. "Anyway, did you get your letter?"
Umiling si Jemma. "They sent it alphabetically. I'm getting mine in three days, maybe."
"Great," nakangiwing saad ko, "I'm getting it in a few weeks, seeing that I'm a Rueles."
Tumawa silang pareho kaya mas napalabi ako. Pero agad din akong napangiti dahil nadala nalang din ako. Ibig sabihin, kasama ko si Xenylia pagdating ng letter. Bibisitahin kasi niya ako at sabay kaming uuwi ng Pilipinas. Matagal nadin kaming 'di nakapag-bakasyon dahil pareho kaming busy sa pag-aaral. Two weeks lang din naman kami sa Pinas, uuwi din kami agad dahil may trabaho kaming pareho. At in a month, start na ng Physician training ko.
"Hey, is Xeny still coming over next week or so?" tanong ni Jemma.
I nodded. "Yeah, she'll be here in a week. She's just finishing off her exams. Why?"
"Let's go shopping!" tili ni Christy.
Natawa ako. "What for? We just shopped last week," saad ko.
"You know how Christy rolls," sabi ni Jemma at ngumisi. "Shopping is a weekly thing for her."
Nagkibit-balikat si Christy. "It's true, not gonna deny it."
Natatawang napailing nalang ako at napatingin sa phone ko nung nag-vibrate. Nakita kong may text si Jared via Viber kaya naman binuksan ko iyon. Kahit naman kasi malayo na ako, andun padin ang communication namin sa isa't isa.
Jared: Magkano powerbanks dyan?
Me: Ewan ko. $15?
Jared: Pabili nga mas mura dyan e. Bayaran ko pagdating mo.
Me: Yun nalang pasalubong mo. Game?
Jared. Ok. Thanks. Ingat kayo ni Xen.
Me: Sure..
"Are you talking to that hunk of yours?" singit ni Jemma.
Natawa ako. "Who, Jared? He's my friend. How many times do I have to tell you that?" Simula kasi nung binisita ako ni Jared last year, akala nila long-distance boyfriend ko siya. Pero nung dineny ko, mas lalo lang akong inasar kaya pinabayaan ko nalang sila. May girlfriend na si Jared.
Christy scoffed. "Sure, whatever you say," aniya at nagpaikot ng mata kaya naman napailing ako. Naiinis lang 'yan dahil gusto niya si Jared pero ilang beses na siyang tinanggihan ng kaibigan ko. Ayaw ni Jared sa 'audacious and provocative girls'--unfortunately, that's how one would describe Christy.
"Anyway, back to topic: Chanelle, are you ready?" sabi ni Jemma kaya naman kumunot ang noo ko. She rolled her eyes. "You're going back to PH. There's a chance that you'll see--"
"I'm ready," mabilis na putol ko bago niya pa sabihin ang pangalan niya. Forbidden word 'yun para sa akin. "Besides, PH has 7,107 islands. And I'm going to Palawan, away from where he usually is. I don't even know if he still lives there."
Tinignan ako ni Christy na parang 'di siya naniniwala sa'kin kaya mahinang natawa ako. "Are you a hundred percent sure? We can still go with you and kick his perky ass if--"
"First," singit ko at tinaasan siya ng kilay, "do not compliment him. Second, no. Thank you, really, but no. I can handle myself, ladies." Natatawang napailing ako at tinignan silang dalawa. "Why would I still be affected? It happened five years ago. He's probably happily married by now."
Tumaas ang kilay ni Jemma. "Didn't you say he was forced into that wedlock? How can he be happy with a woman he doesn't love?"
I shrugged; hindi ko din alam ang sagot at wala na akong balak alamin pa. "You've both seen the pictures the last time we checked on him; he seemed happy and content."
"That was two years ago!" bulalas ni Christy kaya may napatingin sa'min pero 'di namin pinansin. Nasa America kami, walang pakialaman dito.
Jemma nodded. "Maybe he was just pretending," komento naman niya kaya nagsalubong ang kilay ko. "They are, after all, trying to win a family-oriented man's approval. Of course he needs to show the world he's in love with his wife."
"Fiancé," pagtama ni Christy kaya mas nagpaikot ako ng mata. Sakanilang dalawa, si Christy ang naniniwalang kami ni--guy--ang end game. Lagi niyang pinapa-alala na hindi pa sila kasal, ikakasal pa lamang. Pero kahit anong sabihin niya, hindi na kami p'wede. I've boarded that ship before and it sunk. I'm not trying to do it again. Once is enough.
Huminga ako ng malalim. "The point is," diin na sabi ko; "I'm going back to PH for my mom, my uncle, my aunt, and for my friends. Not to rekindle my already-gone love for that man. I am over him."
"Are you?" tudyo ni Christy kaya nasapo ko ang noo ko. Ang kulit talaga niya.
"Yes, I am."
"Then why don't you have a boyfriend?" tanong ni Christy.
Hinampas ni Jemma si Christy sa braso. "Christy, I swear, you're such a pain in the ass!"
Christy rolled her eyes. "I'm just asking! I want Chanelle to be positively sure about this. Things can happen and most of those 'things' cannot be controlled."
Tumaas ang kilay ko. "Like what?"
"Like love."
Jemma and I groaned.
"I don't love him anymore," saad ko at napailing. Ang tigas ng ulo ng kaibigan ko! Kung bakit ba kasi nahilig siya sa pagbabasa ng romantic novels, e. Nicholas Sparks is no good to her!
"Yeah," sang-ayon ni Jemma; "if she for over it. So should you."
Humarap sa'kin si Christy. "Do you honestly not feel anything for him anymore?"
Meron pa ba? Meron: Galit.
Galit ako sakanya dahil sinaktan niya ako. Sobrang galit ako sakanya kasi kahit na inamin ko sakanya at sa sarili ko na mahal ko siya, pinili padin niya ang tungkulin niya sa pamilya niya--pinili padin niya ang makasama ang babaeng 'yun. Siguro nga selfish ako at makitid ang utak ko dahil hindi ko inintindi ang sakripisyo niya. Pero masisisi niyo ba ako? Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin, natapos na agad.
"No," sagot ko kay Christy. "I feel nothing for that man."
And that tiny voice inside my head screamed the same word:
Liar!
=•=
"Tita Cecilia, si tito Jude po?" tanong ko nung makalapit ako kay tita at tinulungan siya sa gamit niya.
"Nasa loob pa, Chan. Dino-double check ang locks," sagot naman niya kaya tumango ako at inakay na siya papunta sa van na ni-rent namin. "Si ate Gabby?" tukoy niya kay mama.
"Masusundo po, tita. May dinaanan lang sa office nila," sagot ko naman at nilagay sa likod ang bagahe ni tita.
Pangalawang araw na namin ngayon sa Pinas at ngayon ang alis namin papuntang Palawan. Limang araw din kami doon bago kami bumalik at magsasariling bakasyon kami ni Xenylia na kaming dalawa lang. Sana hindi kami mawal dahil matagal nadin kaming 'di nakakauwi. Hindi na pamilyar sa'min ang Ilocos o ang Maynila.
"Ready na ba lahat?" tanong ni tito Jude at umupo sa tabi ni tita Cecilia sa likod namin. Nasa pinakadulo naman si manang Leti kasama ang apat na taong-gulang na kapatid ni Xenylia na si Xedrick.
"Yup," sagot ni Xenylia at nagmaneho na papalabas ng subdivision nila. "Sunduin nalang natin si tita Gabby at diretso na tayo sa airport."
"Bakit pa ba kayo rumenta ng sasakyan? Gastos lang," sabi ni manang Leti mula sa malayo.
Natawa naman ako. "Okay lang, manang. Kesa naman tatlong sasakyan pa ang gamitin e ang daming dala."
"Hindi mo ata kausap ang boyfriend mo, Xeny?" tanong ni tita Cecilia kaya napatingin ako sa pinsan ko na nagkibit-balikat.
"Sinabi kong h'wag niya muna akong tawagan, ma," sagot niya kaya naman tumaas ang kilay ko. Clingy girlfriend kasi si Xenylia, e. Clingy boyfriend din naman si Brax. "On vacation ako. Included na siya sa mga 'di p'wede dumistorbo sa akin."
Tumawa si tita Cecilia. "E, ikaw, Chanelle? Wala padin ba?"
Napangiti ako. "Ayoko po muna ng distractions, tita," sagot ko. 'Yan na ata ang palusot ko sa lahat ng tanong nila tungkol sa buhay pag-ibig ko na nonexistent.
"Ma, alam mo namang may plano 'yang si Chanelle. At 26 palang siya, may two years pa siya bago siya maghanap ng aasawahin," singit ni Xenylia kaya maski si tito Jude at natawa.
"Kung bakit kasi hindi mo sinagot 'yung si Cannon noon, e," sambit niya kaya nagkatinginan kami ni Xenylia. "Sayang tuloy. Edi sana kayo na ang ikakasal."
"Si Cannon, ikakasal na talaga?" singit ni manang Leti at nanahimik ako.
"Opo, manang. Limang taon na silang engaged ng fiancé niya," tugon ni tita Cecilia. "Kaso hindi pa nila nap-plano ang kasal. Ni wala pa ngang date, e."
Tumawa si Xeny. "Ma, ba't alam mo 'yan? Stalker ka din, e."
"Nasa news, anak," sambit ni tita. "Modelo naman pala kasi 'yung si Carol. Tapos ang g'wapo pa ni Cannon! Paanong 'di mapapabalita?"
Xenylia made a face. "Babaeng 'yun, model? E, mas malala pa katawan nun kesa kay Bea Alonzo!"
"Maganda naman kasi siya, anak," malumay na sabi ni tita.
"Kahit na. Ang model, sexy. Hindi lang naman mukha ang pini-picture, e!" pilit ni Xenylia kaya kahit papano ay napangiti ako.
"Bitter mo," komento ni tito Jude.
Nagpaikot ng mata si Xenylia. "Hindi ako bitter, papa. Nagsasabi lang ako ng totoo! Hashtag: Truth Hurts!"
Yeah. Sobrang sakin ng katotohanan.
=•=
Cannon Aegeus
Tiim-labing nakatingin si Cannon sa ama niyang kausap si Mr. Lander Ford, ang ama ni Carol na "fiancé" niya. Pinag-uusapan na nila ang nalalapit nilang kasal ng babaeng 'di naman niya mahal at wala siyang magawa--wala siyang balak na gawin. Ang totoo n'yan ay kinausap na siya ng ina niya na p'wede siyang tumalikod sa usapan at h'wag nang ituloy ang kasal nila dahil napa-payag na nila si Mr. Hans na mag-invest sa hospital nila. Pero para saan pa? Iniwan na siya ng babaeng mahal niya. At hindi na ito bumalik pa sakanya.
"Huy. Okay ka lang?" bulong ng ate niya na nasa tabi lang niya.
Umiling si Cannon. "Ayoko dito," bulong niya pabalik.
Nanlumo ang mata ni Denise at hinawakan niya ang kamay ng kapatid niya. "Sabihin mo na kasing ayaw mo. Hindi naman na sila magagalit, e," mahinang sabi nito at napayuko lamang si Cannon.
"Para ano pa, ate? Wala na akong babalikan," tiim-bagang aniya kaya naman napabuntong-hininga si Denise.
"H'wag mong balikan, habulin mo," pagpilit niya pero hindi nakinig si Cannon.
Matagal nang nawasak ang pag-asa niya na babalik pa sakanya si Chanelle. Simula nung gabing 'yun na inamin sakanya ni Chanelle na mahal niya ito ay nagbago na ang lahat. Gustuhin man niyang piliin ang babaeng mahal niya, hindi niya magawa dahil kailangan siya ng pamilya niya. Nalulugi na sila noon at siya nalang ang makakatulong upang umahon ito. Pumayag siya sa ipakasal kay Carol pero sa bawat pagkakataon na sinasabi ng ama niyang itakda na ang kasal, lagi siyang gumagawa ng palusot. Dahil kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili niya na mas pinipili niya ang pamilya niya kesa sa babaeng mahal niya... hindi naman niya naikakailang puso padin niya ang makakapagpasaya sakanya.
At si Chanelle ang sinisigaw ng puso niya.
Wala nang iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro