•FIVE•
5: "No Time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Four months later..
"Naka-usap mo na ba si Cannon?" tanong sa'kin ni Xenylia habang nag-iimpake kami ng gamit.
Napailing naman ako at tinupi 'yung t-shirt ko. "Hindi pa, e. 'Di siya nagre-reply ng mga text ko tapos 'di pa sinasagot mga tawag ko. Ano na kaya ang nangyari doon?" kinakabahang tanong ko dahil hindi naman ganito ang ugali ni Aegeus, e. Lagi siyang nagre-reply at laging sinasagot ang tawag ko. Tapos hindi pa tumatagal ng dalawang araw ang 'di niya pagpapakita sa'kin. E, halos isang linggo nang ni anino niya ay 'di ko pa nakikita.
Umiling si Xeny. "Baka naman nagkasakit lang," aniya kaya mas lalong kinabahan ako. Paano nga kung may sakit siya? "Natanong mo na ba 'yung kapatid niya? Close naman kayo nun, e."
"Na-text ko na kahapon pero 'di rin siya nagre-reply, e. Anong nangyari naman sa magkapatid na 'yun?" pagtataka ko habang nilalagay sa bag ko 'yung mga damit ko.
"Sus. Miss mo lang si protector mo," asar naman ng pinsan ko at inirapan ko siya. Nagkibit-balikat siya. "Tama naman aketch, e. You miss your boylet kaya ganyan ka ngayon. Ba't di mo nalang kasi aminin na your heart is tumitibok para kay Beast mo? Deny ka pa, ateng!"
I groaned. "Xenylia, hindi ko siya gusto, okay?" inis na sambit ko. "Bawal bang mag-alala para sakanya? Kaibigan ko din naman siya, 'no. Magka-ibigan lang ba ang p'wedeng maging concerned sa isa't-isa?"
Umiling siya. "Dami mong palusot dot com, ateng! BFF mo naman aketch kaya keri lang na umamin ka sa'kin," maarteng usal niya at halos sabunutan ko na ang sarili ko.
"Tumahimik ka na nga lang. Nakakainis ka!" asik ko sakanya pero pinaikutan niya lang ako ng mata.
"Arte mo. Ba't 'di mo i-search online? Malay mo nandun sila sa headlines o check mo sa Twitter o Instagram ni Beast," suhestyon naman niya at 'di ko ikakailang maganda ang naisip niya. Agad kong kinuha ang iPad Mini ko para i-check ang Social Meds niya. "O na-excited ka r'yan?"
Umirap nalang ako sa kawalan at tinuon ang atensyon ko sa iPad ko. Pumunta ako sa Instagram niya at napasimangot ako nung wala siyang post. Pero nung na-click ko 'yung Tagged Photos niya, napasinghap ako sa una kong nakita. Post 'yun ng kasama niyang babae sa picture. Nakapulupot 'yung braso ng babae sa braso din ni Aegeus at sobrang lawak ng ngiti nung babae habang si Aegeus naman mahinang nakangiti lang. Aaminin kong meyo nakadama ako ng inis. Pero dahil lang 'yun sa fact na andito ako, nag-aalala sakanya tapos nagpapakasasa lang pala siya sa piling ng iba. O edi siya na! Nakakainis lang.
Padabog na pinatay ko 'yung tablet ko at nakasimangot na pinagpatuloy ko ang pagtutupi ng damit ko.
"O, nakabusangot ka d'yan?" usisa ni Xenylia.
Umiling lang ako at inis na inempake ang mga gamit ko. "Wala!" singhal ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay pero 'di na siya nagsalita pa kaya nagpasalamat ako ng tahimik. Baka sakanya ko pa mabunton ang inis ko. Hindi ko din alam kung bakit ba ako talaga naiinis, pero basta 'yun ang nararamdaman ko.
Selos lang 'yan.
Natigilan ako sa naisip at agad pinilig ang ulo ko. No, of course not. Hindi ako nagseselos dahil hindi ko siya gusto. Nagtatampo lang ako na 'di siya nagpaparamdam, 'yun lang.
"Oh, tapos ka na ba, ateng?" tanong sa'kin ni Xenylia na pabagsak na humiga sa kama ko.
Tumango ako at sinara ang bag ko. "Oo, kaya tumayo ka na d'yan. Baka ma-late pa tayo, e traffic pa naman," saad ko at mahinang pinalo ang paa niya para gumalaw na siya. Nagtungo ako sa closet ko para hanapin ang gagamitin ko sa byahe namin.
"Nakaka-review ka padin ba para sa boards, Chan?" usisa ni Xenylia at tumayo na. "Malapit na 'yun, ah? Two weeks nalang."
Tumango naman ako at tinanggal ang t-shirt ko para suotin 'yung thin tank top at cardigan ko. "Hindi ko naman 'yun papabayaan," sagot ko. "Kailangan mataas ang makuha ko para mas madali na kapag pumasok ako ng University sa California."
"Anong school ba gusto mo?"
Nagkibit-balikat ako. "UC Berkley, Paloma? I don't know," ani ko. Hindi ko pa napag-iisipan 'yun dahil lagi kong nakakailagan 'yun. Busy kasi ako sa pagre-review o sa trabaho ko sa isang restaurant, e. Nakuha lang ako three weeks ago dahil kailangan ko din ng extra income, lalo na't balak kong mag-abroad. May posibilidad na 'di ako makakuha ng scholarship at ayoko namang humingi kina mama ng masyadong malaking halaga. 'Di naman kami ganun kayaman, e.
"Oh? Maganda--"
Naputol ang sasabihin ni Xeny nung biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan namin 'yun ng sabay.
The Beast calling...
Nagkatinginan kami ni Xenylia at agad akong umiwas ng tingin, na para bang wala akong naririnig at pinagpatuloy ang paghahanap ng shorts na 'di gaano kaikli. Bawal daw, sabi ni Aegeus.
"Hindi mo ba sasagutin? Ako nalang," sambit ni Xeny at nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. Bumuntong-hininga siya. "Hello, Cannon? Oo, si Xeny 'to. Nako, ayaw ka atang kausap, e. Nagtatampo sa'yo."
Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumisi lang siya at kumindat kaya naman napailing ako. Pahamak talaga siya, kahit kailan.
"Sino naman ang 'di magtatampo? Halos isang linggo mo kayang dineadma ang best friend ko. Pasalamat ka nga sinagot ko pa tawag mo, e," inis na saad ni Xenylia kaya manghang tinignan ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay pero sumimangot lang siya at nakinig sa sinasabi ni Aegeus. "E, bahala ka! Problema mo na 'yun! Ba't kasi 'di mo man lang sinabihan si Chanelle?! Nag-aalala 'yung tao sa'yo! Anong klaseng manliligaw ka?!"
Namula naman ako sa sinabi ni Xeny at tumikhim ako pero 'di niya ako pinansin. Oo, nililigawan ako ni Aegeus. Pumayag naman ako dahil wala namang masama dun at sinabi niya na hihintayin niya ako. Nagpaalam din siya kina mama at tito't tita maski kay Xeny, bago ako tanungin kung p'wede ba. At dahil may konting paghanga naman ako sakanya, at natutuwa ako na hindi niya ako pine-pressure, pumayag na ako.
"Sus, bahala ka, Serevlio! Hindi mo siya makikita," sigaw niya sa telepono bago padabog na pinutol ang tawag. Tinitigan ko lang siya, hinhintay na sabihin niya ang pinag-usapan nila pero kunot-noong nag-type lang siya sa phone ko.
Napailing ako. "Ano daw sabi?" usisa ko. Kuryusidad lang naman ang dahilan kung ba't ako nagtatanong.
At dahil miss ko na siya..
Tumingin sa'kin si Xeny. "Family issues daw," aniya at tumango lang ako.
"Okay," sabi ko at umayos na ng tayo para kunin ang bag ko. "Tara na, Xenylia, kunin mo na bag mo. Mahirap pa naman humanap ng sasakyan ngayon, traffic pa."
Tumayo nadin siya. "Nakakainis iyang boylet mo! Basted-in mo nalang kasi!" inis na singhal niya at natawa lang ako.
"Tara na nga," sabi ko at kinuha ang cellphone ko sakanya.
"Nakakainis 'yang protector mo!"
Natigilan ako.
How can he protect me if he's not here?
=•=
Alas-tres y media na ng hapon kami nakadating sa Ilocos. Dumiretso kami sa bahay nina Xenylia dahil doon daw ako susunduin ni mama kasama si aling Leti. Pagdating namin doon, wala pa sina tito Jude kaya pumanhik kami ni Xeny sa kuwarto niya at natulog na muna dahil sa sobrang pagod. 'Di rin biro ang walong oras na byahe, lalo pa't ang ingay nung nasa tapat namin kanina.
Gabi na nung nagising kami at nakaluto nadin sila ng dinner namin.
"Kumusta naman ang reviews mo, Chanelle?" tanong ni tita Cecilia habang kumakain kami. "Malapit na ang tests mo, ah. Nakakapag-aral ka pa ba?"
"Ma, puros nga pag-aaral ang inaatupag nyan, e! Wala nang time para sa sarili niya," singit naman bi Xenylia na kinatawa naman ni mama.
Napailing si tito Jude. "Xeny, that's rude," nakasimangot na komento niya.
Ngumiti si Xeny. "Sorry, pa."
Napangiti ako. "Okay naman po, tita. Nakaka-review naman ako kapag nasa library kami ni Xenylia."
"That's good," ani tita Cecilia. "Keep it up, Chanelle. Matatapatan mo si ate," pabirong dagdag niya kaya naman natawa kaming lahat.
Lumabi si mama. "Hindi naman ako na-insulto, ano! May tiwala ako d'yan sa anak ko, mas matalino 'yan kesa sa'kin," sambit niya kaya naman nakaramdam ako ng pamumula pero winaksi ko nalang 'yun sa isip ko at pinilig ang ulo ko.
"Talaga," taas-noong sambit ni tito Jude. "Nagmana silang dalawa sa akin."
Nagkatinginan kami ni Xenylia at sabay-sabay kaming natawa sa sinabi ni tito. Strikto si tito pero pagdating lang 'yun sa studies namin. Kung close mo siya, malalaman mong palabiro siya at mahilig din siyang mangulit minsan. Kung sabagay, kailangan naman kasi na strikto siya dahil dalawa kami ni Xenylia. Siya nadin kasi ang tumayong ama ko, e.
"May love life na ba kayo?" usisa naman ni mama.
"Si Chanelle po! Upcoming na!" sigaw ni Xenylia kaya napatingin sila sa'kin. Inirapan ko ang pinsan ko pero ngumisi lang siya at umiwas ng tingin.
"Anak," tawag sa'kin ni mama kaya napatingin ako sakanya, "may nanliligaw sa'yo?"
"Aba, ipakilala mo na nang makilatis ko na," saad ni tito Jude sa seryosong tono pero kita ko namang nang-aasar din ang mata niya.
Nasapo ko ang noo ko. "Wala po 'yun," ani ko.
"Anong sinasabi mo d'yan? Meron kaya!" singit ni Xenylia at humarap kina mama. "Cannon Serevlio po ang pangalan niya, tita. Tapos ang g'wapo po niya! 'Yung tipong mapapanganga ka talaga!"
Pinanlakihan ko siya ng mata pero 'di niya ako pinansin kaya nakasimangot na sumalmpak ako sa inuupuan ko. Trust Xenylia to always spill the beans..
Tumawa si mama. "Talaga? Anak, ipakilala mo naman sa amin ng tito't tita mo," ani mama sa'kin kaya naman napalabi ako.
"Ma," angal ko pero ngumiti lang siya.
"Oo nga, Chanelle," saad naman ni tito, "nang makilala namin ang nagkamali sa'yo."
Sumimangot ako. "Tito, naman! 'Di ba nga nagmana ako sa'yo?" pang-aasar ko naman.
"Burn!" natatawang singit ni Xenylia at nag-apir naman kami.
Napailing si tito. "Kayong magpinsan talaga," aniya at uminom ng tubig. "Gabby, dito na kayo matulog ni Chan, pati nadin si aling Leticia. Hindi ako papayag na umuwi pa kayo, lalo na't pagabi nadin naman at paniguradong nagku-kwentuhan pa kayo."
Tumango si mama habang sinusubukan namin ni Xeny 'yung ginawa ni tita Cecilia na banana creme pie. "Sige, salamat. Ayoko nadin namang magmaneho. Pagod na ako," sabi ni mama at nagpakawala ng hininga kaya napatingin ako sakanya.
"Okay ka lang, ma?" usisa ko at sumubo.
Ngumiti si mama at tumango sa'kin bilang sagot bago humarap kina tita't tito at agad silang nag-usap na tatlo.
Siniko ako ni Xenylia. "Uy. Naka-usap mo na si Cannon?" bulong niya at umiling naman ako tsaka napasimangot. Naalala ko na naman kasi ang lalaking 'yun.
"Hindi pa," sagot ko sa mahinang tono din.
"Na-check mo na ba phone mo? Nag-text kasi siya sa'kin kanina," aniya kaya naman nakinig lang ako. "Sabi niya, 'di ka naman daw nagre-reply o sumasagot sa tawag niya."
Sinulyapan ko siya. "Ano naman ang sinabi mo sakanya?"
Nagkibit-balikat siya at sumubo. "Na nagtatampo ka," saad niya at 'di ko kinontra dahil totoo naman, e. Hindi ko 'yun ikakaila.
"Girls," tawag sa'min ni tita Cecilia kaya napatingin kami sakanya. "H'wag niyong ubusin 'yan, tirhan niyo kami. At pumanhik na nga kayo at may paguusap-usapan pa kami."
Nagkatinginan kami ni Xenylia pero sumunod din sa utos at pumanhik na. Agad tumakbo si Xeny sa bag ko at kinuha ang cellphone ko.
Nagaakusang tumingin siya sa'kin. "Bakit naka-off ang phone mo?!" inis na singhal niya na ipinagkibit-balikat ko lamang.
Tumungo ako sa bag ko. "Ayoko ng distorbo," dahilan ko kahit ang totoo nyan ay ayoko lang makausap si Aegeus. Naiinis padin ako sakanya ng konti.
"Oh, ayan," aniya at binato sa'kin ang cellphone ko. "Kahit mag-reply ka nalang sakanya. Kaawa 'yung tao," dagdag niya bago lumapit sa drawer niya.
Huminga naman ako ng malalim bago umupo sa sahig para basahin 'yung mga text niya.
From: The Beast
Sorry. May nangyari kasi eh. I had no time for myself. Kausapin mo na ako pls?
~
From: The Beast
My Beauty... talk to me? 😅
~
From: The Beast
Chanelle sorry na talaga. Babawi ako sayo. Wag nang magalit pls?
Napasimangot naman ako at hindi na binasa pa 'yung iba dahil halos pare-pareho lang naman ang laman ng mga nun.
To: The Beast
Im busy.
That's a lie, since I have a week to myself. Pero ayokong kausapin na muna siya. At isa pa, magiging busy din naman ako dahil kailangan kong mag-review. Malapit na ang exams at may dalawang topics pa akong 'di masinsina'ng napag-aralan.
"Nag-reply ka na?" tanong sa'kin ni Xenylia.
Tumango ako. "Flinood ba naman ako," inis na angal ko at naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Nagpaikot ng mata si Xeny. "Takot ba basted-in mo!"
Tumawa nalang ako at binuksan ang message ni Aegeus sa akin:
From: The Beast
I know you're mad. But pls let me apologize. Ayoko naman na magkagalit tayong dalawa tapos malayo ka masyado para suyuin ko. Sorry na pls?
~
To: The Beast
IM BUSY.
~
From: The Beast
Okay. I get it. I'll give you space. Promise me one thing: believe me. Don't listen to rumors. See you soon, babe. I'm missing you so much.
Kumunot ang noo ko sa text niya. Anong ibig niyang sabihin na "dont listen to rumors"? Wala naman akong nariring na tsismis tungkol sakanya. Kung tutuusin, halos isang linggo nang wala akong balita sakanya.
Pinilig ko nalang ang ulo ko at winaksi nalang 'yun. Bahala siya, hindi ko na muna siya iisipin. Nagtatampo pa talaga ako sa ginawa niyang pag-ignora sa akin.
"Okay na kayo?" usisa ni Xenylia at sumalampak sa kama niya.
Umiling naman ako at tumayo. "Pabayaan mo nalang muna, cous," saad ko.
Tumaas ang kilay niya. "Aketch ay concerned lang naman, Chanelle. Ngayon lang kita nakitang ganyan ka-apektado sa isang lalaki. Gusto mo na ba si boylet mo?"
Natigilan ako. "No.." mahinang usal ko. "Hindi ko siya gusto." ...right?
"Weh?" pang-iinis ni Xeny. "Para namang oo. Iba ang inaakto mo, e. Para kang nagtatampo na girlfie sa ginagawa mo."
Umiwas ako ng tingin. "Tigilan mo ako, Xenylia. Hindi ko siya gusto."
Tumango-tango siya. "So, wala kang pakialam kung may iba siyang babaeng kasama?" tanong niya.
Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko. Walang akong gusto sakanya, pero parang naiisip ko palang na may kasama siyang ibang babae... Pinilig ko ang ulo ko; hindi. Hindi puwede. "Shh," inis na asik ko nalang sakanya.
Hindi nagsalita si Xenylia at may ginawa sa iPad niya. Tapos bigla niya akong hinila sa tabi niya tapos ay binigay sa'kin iyon. Ngumisi siya. "Ayan. Basahin mo 'yan!"
Kumunot ang noo ko at hindi ako sumagot. Bagkus ay tinignan ko 'yung pinakita niya. 'Yung picture na nakita ko sa Tagged Photos ni Aegeus kasama 'yung babae. Pero ang pinagkaiba, isang article na 'to. Napasimangot ako. "Xenylia... ano 'to?"
Tinapik niya ang balikat ko.
"Mukhang ikakasal na 'yang manliligaw mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro