Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Every Time

~•~•~•~•~•~•~•~

"Naiinis na ako sa'yo!" sigaw ko at walang paga-alinlangan na hinampas si Aegeus sa balikat.

Napangiwi naman siya at lumayo ng konti kaya mas lalong napaiyak ako. "Chan, kumalma ka lang muna. Pinakuha ko na 'yung gusto mo kay manang, okay?" paglalambing niya pero naiinis padin ako sa pagmumukha niya kaya naiiyak na tinalikuran ko siya. Narinig kong bumuntong hininga siya kaya naman mas napaluha ako.

"K-kung away mo na sa'kin, iwan mo nalang a-ako..." mahinang usal ko at nagpunas ng mga traydor na luha. Gosh, I hate being pregnant!

Agad kong naramdaman ang mga braso ni Aegeus na pumalibot sa bewang ko at bigla nalang akong napahagulgol sa iyak. "Para kang bata, Chan," biro niya at inis na hinampas ko ang braso niya. "Shh. Tahan na. Sorry, princess. I love you."

Napasinghap ako. "Nakakainis ka naman kasi. Kanina pa kami nagugutom ni baby tapos imbes na i-ikaw kumuha... inutos mo pa sa iba!"

"Sorry na. Ayaw lang naman kitang iwan dito," bulong niya sa'kin at malambing na hinalik-halikan ang balikat ko. "Baka mapano ka pa."

Napangiwi ako at tinulak siya palayo sa'kin. "Aegeus, ilang beses ko bang sasabihin na ang baho mo?!"

"Mabaho?" Nanlaki ang mata niya at kinamot niya ang ulo niya na para bang nababaliw na siya at hindi na niya alam ang gagawin. Gusto kong ma-guilty, pero naiinis ako at naaasiwa sa amoy niya. Nakakasuka!

"Lumayo ka nga sa'kin!" sigaw ko.

Tumayo naman siya sa kama pero narinig kong bulong niya na, "Dapat kamukha ko 'yang batang 'yan, nako.."

"Ano sabi mo?!"

"Wala," aniya at nagtangkang umalis ng kwarto namin. "Salubungin ko lang si manang, baka kailangan niya ng tulong."

Hindi na ako sumagot pa dahil umalis na siya kaya naman napabuntong-hininga nalang ako at napahiga sa kama. Nilagay ko ang palad ko tyan kong parang sasabog na at napangiti ako.

Oo, hindi naman lahat ng nangyari sa buhay ko ay sumang-ayon sa plano ko. Pero okay lang. Siguro minsan talaga, kailangan mo lang i-trust ang instinct mo at hayaan na may mga bagay na mangyari nalang. Hindi naman kasi totoo na "the only way to control your future is if you make it" dahil hindi mo naman malalaman 'yung mga darating na problema, e. Ganun ang buhay.

Napalibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto namin ni Aegeus at napangiti ako nang mamataan ko ang picture namin ng barkada, noong mga college students palang kami. Wala pa si Ramona at si Brax noon; kami-kami lang talaga at sobrang dami nang nagbago sa pitong taon na nakalipas. Marami nading pagsubok ang nagdaan, pero kumpleto parin kami ng barkada.

Next I saw the picture of me and Aegeus, the night na kinasal kami sa Las Vegas. Ang bwisit na 'yun, hindi makapaghintay kaya naman kinasal na kami isang buwan makalipas nang mag-propose siya sa akin. At pagkatapos ng tatlong buwan, kinasal na kami sa simbahan sa Pilipinas. Sa Paoay Church sa Ilocos. It was one of the best moments in my life.

Napangiti ako ng maramdamang tumadyak ang baby ko at naramdaman ko na naman ang guilt na nasungitan ko na naman si Aegeus kanina. Alam kong naiintindihan naman niya ako, pero naiinis padin ako na ganito ako ka-emosyonal. At isa pa, ang tanging rason lang ata kung bakit gustong-gusto ni Aegeus na siya ang pinaglilihian ko ay dahil sinabi ni manang Leti na ang ibig sabihin ng pagiging masungit ko sakanya ay magiging kamukha niya ang magiging anak namin. Pero syempre, hindi 'yun totoo. Dapat ako ang kamukha ng baby namin, hindi siya kasi pangit siya.

Ayan ka na naman, Chanelle. Napangiwi ako pero napawi din 'yun nang bumukas ang pinto at pumasok si Aegeus na may hawak na tray ng puto at dinuguan na may kasamang asukal. Kung sa normal na araw siguro ay baka nasuka na ako, pero dahil ito ang craving ni baby, kailangang kainin ni mommy. Hay jusko. Sakit sa ulo.

"Thank you," sambit ko kay Aegeus at humalik sa pisngi niya. "H'wag kang magsawa, ha?"

Kumindat siya sa'kin. "Bakit naman ako magsasawa? Sampung beses pa tayong dadaan sa ganito," sabi niya kaya naman nanlaki ng husto ang mga mata ko. Sampung beses?! Baka mamatay na ako nyan!

"Dalawa lang ang gusto ko," sambit ko at inirapan siya bago kunin sakanya 'yung tray. Agad kong nilantakan ang puto at sinawsaw sa dinuguan tapos sa asukal. Nakatingin lang sa'kin si Aegeus at nandidiri ang ekspresyon ng mukha niya. Natawa nalang ako. "Gusto mo bang subukan?"

Umiling siya at humiga na. "Baka nga hindi pa 'yan sapat sa'yo, e."

"Siguro," sagot ko at nagkibit-balikat kaya naman natawa siya. "Oh, ba't ka nakatitig dyan?"

Ngumiti siya sa'kin. "Mas gumanda ka ngayon na buntis ka na."

"Sus. Ang taba ko nga, e," sabi ko at sumubo na naman ng puto.

"Hindi kaya. Mas sexy ka ngayon para sa'kin," aniya at kumindat pa talaga. Kahit kailan talaga, napaka-landi niya.

"Itulog mo nalang 'yan," usal ko at kumain lang ng kumain. Hindi na ako nahihiya na magmukhang baboy sa harapan niya dahil bukod sa asawa ko na si Aegeus, komportable na ako sakanya. At alam ko naman na kahit na anong gawin ko, mahal padin niya ako. Kasi ganun din naman ako sakanya.

"Chan..." tawag niya sa'kin kaya napatingin ako sakanya. Tumawa siya at pinunasan ang gilid ng labi ko kaya napangiti ako sakanya. "Natupad 'yung isang plano mo."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Magkaka-baby ka na at 28," saad niya kaya naman napatango ako. "Hindi ba't parte 'yun ng plano mo?"

"Oo," kibit-balikat na sagot ko at kumain ulit. "Pero ano naman ngayon? Wala na 'yung plano'ng 'yun. Matagal ko nang binasura 'yun."

Nagpakawala siya ng hininga kaya naman napatingin ako sakanya. Mukha siyang dismayado kaya napasimangot ako. "Pakiramdam ko sinira ko 'yung plano mo," saad niya at napapikit ng mariin. "Ako ba sumira?"

"Oo," diretsahang sagot ko at tinabi na muna 'yunh pagkain ko para mayakap ko siya. Hinalikan ko ang pisngi niya. "Pero, Aegeus, hindi naman importante 'yun. Tinangka kong i-plano ang buong buhay ko na para bang lahat maisasang-ayon sa schedule ko, pero hindi 'yun nangyari. And I'm thankful."

Hinaplos niya ang buhok ko. "Bakit ka naman thankful?"

"Kasi wala naman sa plano ko na makilala kita, e." Tumingala ako sakanya at nakita kong kinikilig na naman ang loko. Baliw talaga. "At thankful ako dahil doon, kasi kahit hindi nangyari ang mga gusto ko sa recommended time... they all happened in the perfect time. Dahil 'yun sa'yo."

Napangisi siya. "Ang galing mo talagang magpa-kilig, Chanelle."

Nagpaikot ako ng mata at humiwalay na ulit sakanya bago lumapit sa pagkain ko. "Ang hilig mo ding kiligin."

Tumawa siya. "I love you."

"Mahal din kita." Napangiti ako at sumubo ulit.

=•=

"BWISIT KA! HUWAG NA HUWAG KA NANG LALAPIT SA'KIN, HAYOP KA!"

"Chan, kalma," malumay na sabi ni Aegeus at hinawakan ang kamay ko.

"LAYUAN MO AKO! WALANG HIYA KA!" Sigaw ako ng sigaw dahil sobrang sakit na talaga. Hindi ko na yata kaya ang isa pang push. Kung bakit ba kasi ayaw pa lumabas ng baby namin, e! At ang malala pa, hindi gumana sa'kin ang anesthesia kaya nararamdaman ko ang bawat sakit ng panganganak.

"I can see the head," sabi ng doctor.

"EDI HILAIN MO NA!" sigaw ko at natawa naman 'yung nurse na nasa tabi ko, maski si Aegeus.

Kalmado padin ang doctor. "Mrs. Serevlio, please push. In one, two... three! Push!"

Sumigaw ako ng sobrang lakas at pinisil ng grabe ang kamay ni Aegeus. I pushed and pushed hanggang sa marining ko na ang iyak ng isang bata, doon na ako nanghina at tuluyang nahiga sa kama ko. Napangiti at napaiyak ako nang marinig ko ang iyak ng baby namin ni Aegeus and all the pain... worth it lahat ng 'yun nang makita ko si Aegeus na tinitignan ang baby namin, tears sliding down his face. Thank you, Lord. So much.

"It's a girl, princess," bulong ni Aegeus sa'kin at hinalikan ang noo ko. "You did an amazing job. I love you."

Napangiti ako. "Mahal din kita."

"What should we name her?" tanong niya habang pinapanood namin 'yung nurse na nililinis siya at nilalagay sa isang wrap-around blanket.

I didn't hesitate for a second. "Talya Nicole Serevlio."

Hinalikan ako ng mabilis ni Aegeus. "I love it, princess. The perfect name for our baby girl."

"Mrs., ito na po siya," sambit ng nurse at nilagay sa tabi ko 'yung baby ko kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. This is the only love at first sight that exists--the love between a mother and her child. Ganito pala ang feeling na mommy ka na, na from now on ay may dedepende na sa'yo every time. And I vow to be there for my daughter, kahit ano pa ang isakripisyo ko ay hindi ko iiwan ang anak ko. I promise that.

"She's beautiful," naiiyak at piyok na sambit ko tsaka ko hinalikan ang noo ni Talya. My baby girl.

"I love you both so much," sambit ni Aegeus. The love of my life.

"I love you, too."

The perfect time.

THE END

~•|•~

A little note for all of you:

Don't wait for the perfect moment because the moment you're living only happens once. Kapag tinamaan na kayo ni Kupido at kapag sinampal na kayo ni Tadhana, let go of your restrictions and take the risk.

Everything happens for a reason.

Thank you.

mswannabe 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro