•ELEVEN•
Dedicated to Jam (BarrettoJuls) who always looks forward to my every update. Thank you! #AnimaliaForever
11: "Limited Time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Nakangising nakatingin si Fae at Xenylia sa'kin habang ako naman ay nakasimangot. Pinanood kong lagyan ni Aegeus ng pagkain ang plato ko kahit ilang beses ko ng sinabi na kaya ko naman. Pero ang kulit niya at pilit padin na inaasikaso ako. Kanina pa siya, simula nung gumising ako. Paglabas namin ni Xenylia sa room namin, nakatayo na siya sa tapat ng pinto at may dalang tulips para sa'kin. Tapos siya pa bumuhat ng bag ko pababa sa mini-resto sa ground floor ng hotel at ngayon na kumakain na kami ay halos subuan na niya ako. Alam kong sinusubukan niyang suyuin ako pero imbes na makilig ay naiinis pa ako. I'm really independent at naiinis ako na inaalagaan niya ako. I'm too old for cheesy and tacky moments!
"May yaya ka palang dinala, Chan?" asar ni Damon at nakangising inakbayan si Fae na humagikhik at sumandal sakanya. Tumaas ang kilay ko dahil kagabi lang ay magpapatayan na sila pero ngayon ay naglalambingan. Ano'ng nangyari?
Tumawa si Jared. "Aso kamo," aniya kaya naman napangisi nadin si Ramona.
"Hindi nakakatawa," blankong saad ko at inirapan si Aegeus na pinagbabalatan ako ng shrimp. Ugh.
He grinned at me tapos bumaling sa mga kasama namin habang ako naman ay kumain ng orange na pinagbalat din niya sa akin. Hindi nalang din ako umimik at kumain nalang dahil nakahanda nadin naman ang pagkain ko sa harap ko. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila dahil medyo binabagabag din ako ng kaunti.
Apat na araw nalang, aalis na kami. What will happen? Surely, Aegeus can't fix his issues and leave his baggages during that time period. Ibig sabihin ba nito ay "Game Over" na kami? Nanlamo ako sa naisip ko. Sinaktan niya ako pero mahal ko padin siya. Bali-baliktarin man ang mundo, hindi ko maalis sa puso ko na umasang sana kwento naman na namin ang ganap. Lahat naman ng tao na in love ay gustong makapiling ang mahal nila, e. Pero napagtanto ko din na hindi lahat ng tao ay wagi sa laro ng pag-ibig. Maraming sawi at umuuwing luhaan.
Magwawagi ba ako o masasawi?
"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Aegeus kaya naman maang na tumango lamang ako. Kumunot ang noo niya. "Sigurado ka ba? Parang namutla ka ata bigla."
Kinagat ko ang labi ko. "H-hindi, don't mind me. Okay lang talaga ako. Natandaan ko lang 'yung mga gagawin ko," palusot ko at umiwas ng tingin.
"Oy. Isuna man isisipemun aya?" biglang sabi ni Xenylia kaya kumunot lahat ang noo nila dahil nag-Ilocano siya. Napahawak ako sa batok ko dahil nahalata niya agad na si Aegeus ang iniisip ko.
Tumango naman ako. "Wen. Di ka man lang agsasaon," bwisit na sabi ko at inirapan siya. Buti naman at sumunod siya sa sinabi ko na manahimik nalang. Tumingin ako kay Aegeus na nakangiti kaya naman tumaas ang kilay ko. "Ba't ka nakangisi d'yan?!"
Umiling siya at sumubo kaya naman napasimangot ako.
"Ano'ng agenda natin ngayon?" tanong naman ni Ramona na minamasahe ang kamay ni Fae para kumalma si Fae. Nai-stress na naman daw kasi dahil inaasar na naman siya ni Damon, na kanina lang ay kalambingab niya.
Nagkibit-balikat si Xenylia. "Maglakad-lakad nalang tayo. Mainit masyado kaya ayoko magka-skin cancer," sambit niya at kumain kaya naman napailing ako. Ako 'yung nasa Medical Field pero dinaig pa niya ako sa pagiging healthy.
"Shopping nalang kaya?" suggest ni Ramona at nakita kong agad ngumiwi ang mga lalaki kaya napangisi ako. "Tutal andito naman na tayo at nang makabili nadin tayo ng souvenirs. P'wede bang magpa-Henna tattoo ang buntis?"
Tumango ako. "Basta ba sa may hita o braso lang," sagot ko sa tanong niya at napasimangot si Damon.
"Oh, shopping nalang? Tara na!" aya ni Xenylia at tumayo. "Wala pa ata kaming nabibili ni Chanelle e sa Sabado na ang alis namin," dagdag niya at nakita kong natigilan si Aegeus na nasa tabi ko kaya pinanood ko ang reaksyon niya.
Nagusap-usap sila at nagsimula nang umalis para magbihis kaya naiwan kami ni Aegeus na magkasalubong ang kilay at mukhang malalim ang iniisip. Huminga naman ako ng malalim at pilit ngumiti bago ko hawakan ang braso niya kaya napatingin siya sa'kin ng nakasimangot. Ngumiti ako.
"Okay ka lang?" tanong ko at umayos ng upo.
Umiling siya. "Malapit ka ng umalis," saad niya kaya naman tumaas ang kilay ko at mahinang natawa ako sa sinabi niya.
"Aegeus, alam ko 'yun. Ako nag-book ng flight namin," biro ko pero hindi siya natawa o ngumiti man lang kaya napabuntong-hininga ako. Tinignan ko siya sa mata. "Bakasyon ang pinunta ko dito. Ibig sabihin, pansamantala lang. Aalis din ako at babalik sa buhay na binuo ko para sa sarili ko. May buhay na ako doon, Aegeus, at kailangan kong bumalik. Sinabi mo nga, you don't want me to put my life on-hold kaya hindi ako p'wedeng manatili ng matagal dito."
Napayuko siya at hinawakan ang kamay ko tsaka nagsimulang laruin ang mga daliri ko. "Alam ko naman 'yun," mahina at malumay niyang sabi at napuntirya ko agad ang lungkot sa boses niya. Nanlumo ako. "Pero 'yun kasi 'yung kinaiinisan ko, e. May buhay ka na doon. At hindi ako parte ng bagong buhay mo. Parte lang ako ng nakaraan mo na pinagsisiksikan ang sarili sa'yo."
Hindi ako nakasagot agad dahil medyo nagulat ako sa sinabi niya pero pagkuwa'y napangiti din ako. Pinisil ko ang kamay niya. "Hindi mo pinagsisiksikan ang sarili mo sa'kin dahil aaminin kong hinahayaan kitang manumbalik sa buhay ko. I'm letting you back in my life not because you're persistent--though, that's a reason--but because I want you back in," ani ko kaya naman napatingin siya sa'kin at kita kong hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Ako din naman. "Kahit hindi ko aminin, importante ka sa akin, Aegeus. Parte ka nga ng nakaraan ko at ang nakaraan na 'yun ang dahilan kung bakit ganito ang estado ko sa buhay ngayon. You made me stronger and I want you to be a constant thing in my life. You changed me, Aegeus."
He grinned. "By the way, makaawawat nak ti Ilocano'n," aniya kaya naman nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Nautal ako. "B-bakit mo alam ang Ilocano?!" eskandalong tanong ko dahil nahihiya ako. Ibig sabihin naintindihan niya 'yung sinabi ko kanina na siya ang iniiisip ko! Oh my...
Nagkibit-balikat siya at hinalikan ang kamay ko. "It made me feel closer to you. Buti nalang inaral ko ang lenggwahe ninyo," ngiting-aso na sabi niya at alam kong inaasar niya ako kaya naman tumikhim ako at lumayo ng konti dahil nahihiya ako. I confess my sentiments to him tapos ipinapahiya niya ako! Urgh.
Kinalabit niya ako pero 'di ko siya pinasin dahil namumula pa ako at obvious 'yun dahil kahit naarawan na ako ay halos hindi ako umitim. Minsan, nakakainis na maputi ako. Kitang-kita kapag nagb-blush ako!
"Huy. Dali mong maasar. Okay lang naman na iniisip mo ako, e," aniya kaya inirapan ko siya. He smiled sweetly at me at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. "Ako din naman, iniisip ka lagi."
Okay lang bang makilig sa edad ko?
=•=
"Uh, ano 'yan?" takang tanong ko kay Aegeus nung ipakita niya sa'kin ang semi-formal dress. Maganda siya, pero aanhin ko? Nasa beach kami.
Ngumisi siya at inabot sa'kin 'yun pero 'di ko parin tinanggap at tinaasan lamang siya ng kilay. He chuckled. "Na-realize ko kasi na hindi pa tayo nagd-date so, kung p'wede, mag-date tayo mamayang gabi," aniya kaya naman mas lalong napakunot ang noo ko.
"Aegeus, 'di ba sabi kong ayusin mo muna ang buhay mo bago tayo?" paalala ko sakanya pero hindi nawala ang ngiti niya sa labi.
Tumango siya. "Yes, but that can take a couple weeks and you're leaving on Saturday. I have limited time to show you how sorry I am. Gusto muna kitang suyuin habang andito ka pa, mamaya na 'yung pag-ayos ko ng kung ano man ang meron tayo dahil hindi ko 'yun magagawa sa apat na araw. Pero ang ipakitang mahal kita... p'wede kong gawin 'yun araw-araw," seryosong sabi niya at alam kong puno ng sinseridad at panunuyo ang boses niya.
Ako naman, hindi makasagot. I wasn't able to respond kaya tango lang ang ginawa ko at inabot na niya sa'kin ang damit na napili niya. Kumunot ang noo ko dahil para naman akong madre sa pinili niyang damit. Balot na balot! Kunot-noong hinarap ko siya pero ngumisi lang siya't nagkibit-balikat bago ako tinalikuran para maglibot sa store. Napailing nalang ako at pumili ng ibang damit na semi-formal lang din at sinuot 'yun sa Fitting Room.
The dress was cute. Halter top siya tapos hanggang tuhod ko. Sa may belly-button ko ay may hati kaya kitang-kita ang belly-button piercing ko. I smiled and chose to buy it, imbes na ang bilhin ko ay 'yung turtle-neck, long dress na binili ni Aegeus. Did he want me to sweat unattractively on our first date? 'Course not.
"Tapos na?" tanong ni Aegeus paglabas ko ng Chey Closet at tumango lamang ako, already pumped to see his reaction when he sees my dress later this evening. He offered his arm and I wrapped my hand around it. "You excited?" malambing niyang tanong.
Tumango ako, unable to hide my feelings. "First date with you," ani ko.
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at tumikhim siya. "So... not your first date?"
Umiling ako at tumingin sa dinadaanan namin. "I went out with a couple o' guys when I was a bit younger, Berkeley days," sagot ko at ipinag-kibit-balikat 'yun dahil matagal na 'yun at karamihan ay blind dates lang na mismong si Xenylia ang nagset-up. I grinned teasingly at him. "So you better make it awesome. One guy took me to the set of Fifty Shades Of Grey."
Nakita kong lumunok siya. "What else did the do?" usisa niya at napangiti ako dahil naalala ko ang mga pinaggagagawa nila para ma-impress ako noon.
I chuckled. "This one guy--flatmate siya ng boyfriend ni Xenylia--took me skydiving tapos pumunta kami sa concert ni Ed Sheeran that same night. Tapos this other guy--his name was Luis and he was in the same class as me--took me out days before Christmas tapos we went sledding and then we designed a gingerbread house! It was so funny," kwento ko habang humahagikhik dahil 'yung ang mga memoryang 'di ko malilimutan. I never felt something more with any of them except for one: Jake Frias.
He made me feel... special. Pinoy din siya at nakilala ko siya noong nagpunta kami ni Xenylia sa isang college party. Nakasimangot siya noon at nakatingin sa malayo at mukhang 'di nage-enjoy kaya sinamahan ko siya and we talked. We had fun that night tapos nagkita ulit kami dahil sabay naming hinatid si Xenylia sa airport then we went out, as friends. Then he asked me out and we went Go-Kart Racing and Ice Skating. We would've dated and became official if he didn't move to another state. Sayang.
"--you had fun during those five years. Buti naman at na-enjoy mo ang college life mo," sabi ni Aegeus at napangiti lang ako, feeling guilty na kasama ko siya pero iba ang iniisip ko.
Tumikhim ako. "The past five years have been... a roller-coaster ride for me. Pero nag-enjoy ako. Life was and is still good to me," saad ko at natahimik kaming pareho. The atmosphere was a bit awkward kaya naman binasag ko ang katahimikan. "So, saan tayo magd-date?"
He smiled softly at me. "Surprise, Beauty."
=•=
I was gaping while looking at the beautiful, personalized floating gazebo on the water. Tumawa naman si Aegeus na nasa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako inakay papunta doon. The gazebo was so cute! May white-yellow Christmas lights na nakapalibot sa gazebo at meron ding mga pictures na nakasabit mula sa ceilings. They were pictures of me and Aegeus and simple images that meant something for the two of us. Natawa ako nung makita ko ang picture ng library namin kung saan kami unang nagkita at meron ding picture ng relo. I wandered around and saw a picture of Beauty and The Beast then I saw pictures of his car, then Sinigang. Gosh, I wanted to cry!
"Chan," tawag niya sa'kin at umikot ako para harapin siya. He was smiling and in his hand was a single-stemmed white rose. I laughed with tears in my eyes as he neared me. Binigay niya 'yun sa'kin at kinuha ki naman. He chuckled. "Hindi kita kayang dalhin sa pinakamataas na building o sa eroplano para mag-skydiving dahil medyo malayo," aniya at nakinig lang ako na may ngiti sa labi. I am so touched. "Hindi din p'wede sa Concert dahil late na at hindi na ako makakabili ng tickets--we also have no time for that. I can't take you sledding dahil walang snow sa Pinas."
Tumawa ako. "Baliw," komento ko at napangisi siya.
"Hindi ko alam kung ano pa ang mga ginawa nila pero hindi ko kayang tapatan dahil marami doon ang hindi available dito kaya simple lang ang pang-tapat ko sa mga ginawa nila," sambit niya at hinaplos ang pisngi ko kaya napapikit ako at tumulo ang luha ko sa sobrang tuwa. He wiped my tears. "For our date, I want to relive the good memories of our past. Of us together. Gusto kong ipaalala sa'yo na bago kita sinaktan, pinasaya din kita. I want you to forget the bad and remember the good, Chanelle. Gusto kong mapatawad mo na ako."
I breathed out and smiled. "A+ for effort," bulong ko at tumawa lang siya tapos nagpunas ng luha. My heart swelled with how sincere he is. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya. "Thank you, Aegeus."
Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Like I said, I'll do everything to show you how much you mean to me."
Napahagikhik ako. "How much?" biro ko at ngumisi siya.
"You mean the galaxy to me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro