•EIGHT•
Dedicated to: @Mikeronitune Thank you, dear!! :>
Aegeus and Chanelle on the side with a video!!! Credits to owners.
8: "This time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
"Sun-bathing nalang kaya tayo? Tinatamad akong gumala," sabi ni Xenylia habang namimili ng swim suit niya.
Nahiga naman ako sa kama ko. "E, tinatamad nga akong lumabas. P'wede bang matulog nalang muna?"
Inirapan naman niya ako. "Gaga ka din," aniya kaya tumaas ang kilay ko. "Uuwi na tayo bukas tapos nagpapaka-Juan Tamad ka pa d'yan? Magbihis ka na nga! Masyado kang maputi!"
Bumangon naman ako at ngumisi sakanya. "Ikaw din naman, ah? Halos magkasing-puti lang tayo!"
She rolled her eyes. "Malamang! Magpinsan tayo, e, 'di ba?" sarkastikong sambit niya kaya natawa ako. "Magpalit ka na nga! Iparada mo 'yang pwet mo!"
Napalabi ako. "Inggit ka lang sa pwet ko," sabi ko at tumayo na. Kumembot ako kaya naman hinampas niya ako ng hawak niyang t-shirt kaya mas natawa ako ng malakas. "Mag-squats ka na kasi!"
She made a face. "Ew! Too much effort!" sigaw niya.
"Worth it naman, e," sabi ko habang naghahanap ng maganda bikini top.
"Easy for you to say," usal niya; "Born with a big butt ang peg mo!"
Napailing nalang ako at hindi na siya sinagot dahil na-distract na ako sa paghahanap ng magandang top. Kung talagang magsa-sun-bathing kami, gusto ko ng tube-style na top dahil ayoko sa tan lines. Kung nasa Hawaii lang sana kami, baka nagpunta na kami sa Naked Beach at doon nagsun-bathe e. Buti nalang nasa Pilipinas kami.
"Um, Chanelle..." tawag sa'kin ni Xenylia kaya napatingin ako sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay at kita kong medyo naghe-hesitate siya kaya naman kumunot ang noo ko.
"Bakit, ano 'yun?" tudyo ko sakanya at hinarap siya. Mukha siyang kinakabahan at unti-unti ding namumuo ang kaba sa dibdib ko. May nangyari ba? Buntis ba siya?
Tumikhim siya at umiwas ng tingin. "Naka-usap mo na ba... siya?"
Natigilan ako. Pero saglit lang 'yun at tinalikuran ko din siya at nagpanggap na busy sa paghahanap. "Bakit ko naman siya kakausapin, Xeny? Walang rason para magtagpo kami ulit."
"Closure...?" patanong na sambit niya kaya napabuntong-hininga ako.
Umikot ako at seryosong tinignan siya sa mata. "I don't want to see him."
Eksaheradang nagpakawala siya ng hininga at tumayo. "Bakit naman hindi? Kailangan niyong mag-usap kasi--"
"Kailangan?" putol ko at nanlalaki ang mata'ng tinignan siya. "I don't need to talk to him!"
"Of course you do!" asik niya at 'di makapaniwalang napailing na lamang ako sa pinagsasabi niya. "You need closure!"
"It's been five years!" sigaw ko.
"And yet you're still trapped in that bubble of hate!" bwelta niya at magsasalita sana ako pero sinara ko din ang bibig ko. Hindi ko naman kasi ikakaila ang sinabi niya dahil totoo naman na nasa puso ko padin ang galit at poot para sakanya. Masakit padin hanggang ngayon. "Chanelle... talk to him. Puntahan natin siya tapos--"
"Para saan pa?" I asked in defeat at naupo sa kama. Tiningala ko si Xenylia at alam kong nakita niya ang pagsuko sa mga mata ko. "Kahit naman mag-usap kami, walang magbabago. I hate him--nothing can change that. Naalis ko na siya sa buhay ko at ayokong bumalik pa siya. Kasi alam kong masasaktan lang ulit ako."
Tinabihan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Hindi 'yan totoo," pilit niya at napailing naman ako dahil 'yun ang totoo. "Chanelle, mahal ka niya--"
"Minahal," pagtama ko. "Past tense."
She sighed. "Paano kung hanggang ngayon ay 'present' tense padin ang nararamdaman niya para sa'yo? Ano'ng gagawin mo?" tanong niya at nagkibit-balikat ako.
"Wala," sagot ko. "He made the choice five years ago, Xenylia. Ni hindi ko nga alam kung bakit bini-bring up mo pa ito, e. Tapos na. Kung ano man ang namagitan sa amin ni--ni Aegeus, parte nalang 'yun ng nakaraan at hanggang doon nalang 'yun. H'wag mo nang ipilit pa."
Xenylia whined like a kid. "ChaNon shipper ako, e!" pagmamaktol niya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko.
"What?" pagtataka ko.
Lumabi siya. "ChaNon! As in, Chanelle plus Cannon!"
Napapailing na tumayo ako at tumungo sa banyo. "That ship sank years ago."
"May chance pa namang umahon!"
Sumilip ako sa pinto at tinignan siya. Ngumisi ako. "Bakit, umahon ba ang Titanic?"
Inirapan lang niya ako.
=•=
Tiim-labing sumunod ako kay Xenylia papasok sa building ng ospital ng mga Serevlio. Wala akong choice dahil pinilit talaga niya akong papuntahin dito para makita si Aegeus. Akala ko sa coffee shop kami pupunta dahil gusto ko ng kape pero nagulat nalang ako nung nasa harapan ko na ang Serevlio Medical Institute.
"Pagbabayarin talaga kita," inis na bulong ko sakanya habang siya naman ay ngumisi lang sa akin at mas hinipitan ang kapit sa pulsuhan ko. Napangiwi ako nung mas hilain niya ako papunta sa receptionist kaya naman mas napasimangot ako. "Masakit, dahan-dahan nga!"
Hinarap niya ako at inirapan. "Tatahimik o patatahimikin?" tanong niya at pinanlakihan ako ng mata kaya nagpaikot lang ako ng mata at hindi na sumagot dahil magbabangayan lang kami dito. Ngumisi siya at hinarap 'yung receptionist. "Miss, andito ba si Cannon Serevlio?"
Mukhang nagulat naman 'yung babae. "Um, o-opo, ma'am. May kailangan ho ba kayo?" magalang na tugon naman niya habang ako naman ay pinalibot ang tingin sa lounge ng SMI.
"--sabihin mo si Xenylia Heredia at Chanelle Rueles ang naghahanap sakanya," rinig kong utos ng pinsan ko kaya napatingin ako sakanya at sa babae na ngayon ay may kausap na sa phone. Napailing nalang ako pero hindi ako nagsalita.
Maya-maya pa ay napansin ko nalang na nasa elevator na kami ni Xenylia at papunta na kami ng third floor kung saan daw naroroon ang main office ng mga may-ari ng ospital. Kinakabahan ako pero pilit kong pinapakita na hindi ako naaapektuhan sa nalalapit naming pagkikita ni Aegeus. Bakit naman kasi ako magpapakita ng kaba? Kung tutuusin, ex-friend ko lang siya. Just a guy I used to know. Nothing more.
"You ready?" tanong sa'kin ni Xenylia nung nasa harap na kami ng office ni Aegeus.
Napairap ako sa kawalan. "May choice ba ako?" inis na sambit ko at tinignan siya.
She smirked. "Wala," aniya at binuksan ang pinto sabay hila sa akin papasok.
And I saw him.
Naka-awang ang labing tumayo siya na para bang 'di makapaniwalang nandito kami sa harapan niya habang ako naman ay tiim-labing pinag-krus ang mga braso ko. Oo, bumilis ang pintig ng puso ko pero natutunan ko nang h'wag magpa-apekto doon. I may not have moved on, but I got used to the pain and I now know how to conceal my emotions. Five years can change someone.
"Cannon," nakangiting sambit ni Xenylia na para bang kahapon lang sila nagkita, "kumust ka na? Sorry for the sudden visit!"
Tumikhim si Aegeus at tumingin saglit sa'kin bago bumaling kay Xenylia at yakapin ito. "It's fine," sagot niya at aaminin kong namangha ako dahil mas bumaba ang tono ng boses niya. Sobrang matured na niya. Kung noon ay fit siya, ngayon ay built na. Halatang tumatambay sa gym minsan.
Pinilig ko ang ulo ko. Bakit ko naman siya sinusuri? Para akong baliw.
"--still remember Chanelle, right?" sambit ng pinsan ko kaya napatingin ako sakanya at nakita kong may mapanuksong ngiti sa labi niya.
Doon na nagtama ang tingin namin ni Aegeus at hindi ko ikakailang naramdaman ko ang pangungulila ko sakanya. Pero hindi ko 'yun pinakita; bagkus, tumango lang ako at nilahad ang kamay ko.
"Cannon Serevlio," sambit ko sa pangalan niya; "nice to see you again."
Tinanggap niya ang kamay ko at lihim na napalunok ako. "It's been a long time," aniya.
Binitawan ko ang kamay niya at blankong tumingin sakanya. "Not long enough," saad ko at alam kong ang bitter ng dating nun. Pero 'yun naman kasi ang totoo, e. Kulang pa ang panahon na 'di kami nagkita dahil buhay padin ang mga nararamdaman ko para sakanya. I need more time to forget him.
Hindi siya sumagot, tumitig lang sa'kin na para bang sinusuri at inaalala ang buong pagmumukha ko. Well, hindi ko naman siya masisisi. Alam ko namang iniisip din niya na baka ito na ang huling pagkikita namin at pinagdadasal ko sa lahat ng santo na sana ito na nga ang huling tagpo namin. Ayoko nang makita pa siya at papasukin sa buhay ko.
Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang napangiti lang siya bago bumaling kay Xenylia. Napasimangot ako pero tinago ko 'yun sa pagtingin ng buong opisina niya. Alam kong isa na siyang doctor ngayon--a Surgeon, to be exact. And he is also managing their hospital by himself. I know that ate Denise is a fashion designer at walang balak tumulong sa negosyo nila kaya kay Aegeus napunta. At muntik ko nang sampalin ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Ano naman ang pakialam ko? Wala dapat.
"So, what can I do for you, ladies?" pormal na tanong ni Aegeus pero nakatingin siya sa pinsan ko. Hindi ko siya pinansin at luminga-linga lang. At dahil sa ginawa kong 'yun, nakita ko ang picture namin.
Nanlumo ako. Why does he have that? At talaga pina-frame pa! What's he trying to prove--to say? It was that time when we watched Beauty&TheBeast. Nasa cinema room nila kami and I remember na tinaas niya ang phone niya at nag-selfie kami, the screen as our background. Favorite picture ko 'yun dahil sa background namin, 'yun ang time na nagsasayaw si Belle at si Beast. I wanted to burn that picture, along with other things he gave me. Pero hindi ko nagawa. My copy is still in my wallet.
May sumiko sa'kin kaya napa-iwas ako ng tingin doon at napabaling sa pinsan ko na taas-kilay akong tinitignan. Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Ano 'yun?" tanong ko.
Nagpaikot siya ng mata. "Sabi ko, iiwan ko na muna kayo. May gagawin pa ako."
Nanlaki ang mata ko. "Sasama nalang ako--"
"Shh!" putol niya sa'kin at pinanlakihan ako ng mata habang nakamasid lang si Aegeus. "Iiwan ko kayo. Mag-isa akong aalis. Ihahatid ka naman ni Cannon, e. 'Di ba?" baling niya kay Aegeus na tumango naman.
Napasimangot ako. "Ano naman ang gagawin ko dito?" inis na tanong ko.
"You can tour the hospital." Nagulat ako nung si Aegeus ang sumagot kaya napatingin ako sakanya. He smiled at me. "You always wanted to work here. Dadalhin kita sa clinic namin para sa mga bata--na-install na namin 'yung idea mo noon to put a mini-slide and all. Tapos we can go to the ER and check--"
"Okay," putol ko sa sinasabi niya dahil pinapa-alala lang niya sa'kin ang nakaraan. I shared my insights and dreams with him. At mas lalo lang kumikirot ang puso ko dahil tinupad niya ang karamihan sa mga pangarap ko. Ayokong isipin na inalala niya ako these past few years. Gusto ko ngang ipa-mukha niya sa'kin na nakalimutan na niya ako, e. Pero mukhang kabaliktaran naman nito ang nangyayari.
Tumikhim si Xenylia. "Sige na, mauna na ako. Kita nalang tayo mamaya, be," paalam niya sa'kin at nakangiting bineso niya ako. Pero nagulat ako nung bumulong siya at sinabing, "Don't blow this." Tinignan ko siya at nakangiting hinarap niya si Aegeus na para bang wala siyang sinabi sa akin.
Nag-usap sila pareho at hindi ako nakinig dahil naalala ko sa sinabi ni Xenylia ang bilin din sa akin ni Chrisy bago ako umalis: "This may be your last chance at your happiness. Don't fucking waste it because these are those rare and once-in-a-lifetime opportunities. Not everyone gets a second chance at love."
Pinilig ko ang ulo ko. My second chance at love? No. This is just my chance for a damn closure. Hindi ako magpapakatanga at hindi na ako aasa pa na matutuloy ang naudlot naming "pagmamahalan". Kung tutuusin, hindi naman naudlot dahil 'di namin nag-umpisa kahit kailan. And I'm not planning on starting that love story.
"Okay, bye lovebirds," nakangising paalam ni Xenylia at nung irapan ko siya ay pinanlakihan lang niya ko ng mata. Napapailing na napa-buntong hininga na lamang ako.
When she left, naiwan kami ni Aegeus. Hindi ko padin siya tinitignan dahil alam kong nakatingin siya sa'kin at ayokong magtama ang mata namin. As much as possible, I don't want to heighten my feelings for him.
Finally, hinarap ko na siya. "The tour?" tanong ko at tumango naman siya at nagulat na lamang ako nung hawakan niya ang kamay ko at hilain ako papalabas ng office niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko at inunahan siya ng lakad papunta sa elevator. Kung p'wede nga lang ay iwan ko na siya sa third floor at mag-isa nalang akong gumala, e. Kaso hindi ako pamilyar sa SMI dahil na-renovate nadin ito at dalawang beses palang akong nakakapunta and that was five years ago.
"So..." panimula niya, "kumusta ka na?"
Nagkibit-balikat ako. "Fantastic, actually," sagot ko. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, tinanong ko din kung kumusta na siya.
Ngumiti siya ng malawak at saglit na nagtama ang tingin namin sa pinto ng elevator dahil salamin 'yun. "Never been better," mahinang usal niya at hindi ako nakasagot dahil sa intensidad ng tingin niya sa'kin.
Tumikhim lang ako, tumango, at umiwas ng tingin. Buti nalang nakadating na kami sa ground floor kaya mabilis akong lumabas. Tinawag niya ako kaya naman hinarap ko siya. "Ano?" masungit na tanong ko at sinimangutan siya.
Mahinang tumawa siya. "This way to the children's clinic," aniya at tinuro ang left corridor.
Napatiim-labi ako at tumungo na doon. Narinig kong natawa pa siya pero hindi ko nalang pinansin dahil nahihiya pa ako. Ayan kasi, nagmamagaling ako. Ano tuloy napala ko? Ugh.
Sinabayan niya ako ng lakad at nakangiti pero tahimik niya akong sinamahan papunta sa clinic. Gusto kong kausapin siya pero hindi ko hinayaan ang sarili ko. Nakuntento nalang ako na kahit saglit lang, nasa tabi ko siya. Kahit ngayon lang.
The children's clinic was so cute and adorable. Nagkalat ang mga laruan at meron ding mini-slide sa gitna ng waiting area at nakita kong may mga batang naglalaro doon. Parents were seated along the wall at lahat ay busy sa kani-kanilang mundo. Napangiti ako dahil ganito ang sinabi ko noon kay Aegeus noong unang bisita ko dito.
Kumapit ako sa braso ni Aegeus kaya napatingin siya sa'kin na may ngiti sa labi. Nginitian ko din siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Alam mo, Beast, maganda siguro kung baguhin niyo 'yung clinic ninyo for kids. Ang boring kasi, e. Matamlay tignan."
Tumawa siya. "Bakit naman? It's a hospital--it's supposed to be dull," bwelta niya kaya naman napalabi ako.
"Pero para naman sa bata 'yung clinic, e," angal ko at tiningala siya kaya napatigil kami sa paglalakad. "Dapat ang environment ng kids masaya at makulay, 'yung fun! Kahit ospital pa siya, dapat child-friendly siya. Para mas kumalma ang mga bata. Alam mo namang karamihan sa mga bata ay takot sa doctors, e."
Napangiti siya at kinurot ang ilong ko kaya napangiwi ako. Tumawa siya. "Alam mo, you'll be a good doctor one day. Iniisip mo ang mga pasyente mo and not only their needs but also their wants. I can't to watch you receive your diploma."
Napahagikhik naman ako sa sinabi niya. "Four years or more pa 'yun. Promise mong andun ka, Beast?"
Tumango siya at inakbayan ako. "Bakit naman ako absent sa isa sa mga pinaka-importanteng araw ng buhay mo, Beauty? Hindi naman ata p'wede 'yun!"
I grinned. "Pinky promise?"
Pinagtagpo niya ang pinkies namin. "Pinky promise, Chan. I'll be there."
Unfortunately, he didn't keep that promise. Umasa ako na pupunta siya, kahit na medyo imposible dahil sa California 'yun. But I still hoped, only to end up being crushed. Hindi siya sumipot, o nag-greet man lang sana sa'kin ng "congratulations!" dahil kasabay ng pagtanggap ko ng diploma noon ang birthday ng fiancé niyang si Carol. That was last year. And the last time I raised my hopes up for him.
"Huy. Okay ka lang ba?" usisa sa'kin ni Aegeus at tumango lang ako. Feeling ko naso-suffocate ako sa clinic kaya naman lumabas ako ng walang pasabi ay naglakad papalayo.
This was a bad idea. Hindi na dapat ako nagpa-iwan pa dahil hindi ko pa kaya. Anywhere I look, I remember bits and bits of my past with him. At dahil doon, unti-unti nabubuhay ang mga pilit kong pinapatay na nararamdaman. I still love him, and I'm still hurting inside dahil hindi niya ako nagawang piliin at ipaglaban. Imbes na subukan namin, tinapos agad namin ang kung ano man ang meron kami at 'yun ang pinaka-masakit sa lahat: hindi namin sinubukan. Handa naman akong maghintay para sakanya noon, e, sabihin lang niya. Handa akong tumulong sa paraang makakaya ko para umahon ulit sila dahil may alam din naman ako sa negosyo nila noon, handa naman akong gawin ang lahat para sakanya pero mas pinili niya ang buhay na kasama ang iba't wala ako. He chose his career over me.
"Chanelle! Chan, teka! Beauty!"
Napatigil ako sa sigaw niya at sa tinawag niya sa'kin at napapikit ako ng mariin. Hindi ako p'wedeng umiyak... Hindi dapat ako maging mahina... I have to hide my emotions. Pero lahat ng 'yun nawala sa isip ko nung hawakan niya ang braso ko at inikot ako paharap sakanya. I couldn't stop my tears from falling at hindi ko napigilan na suntok-suntukin ang dibdib niya. All the emotions I felt over the years--all the love, hate, anguish, despair, and misery--I kept them inside me at pakiramdam ko sasabog na ako. Gusto kong iparamdam sakanya ang dinanas ko pero para ano pa? Para saktan din siya? Martyr ako kaya hindi ko magawang saktan siya.
"I hate you, Aegeus!" sigaw ko at alam kong maraming nakatingin sa'min pero wala na akong pakialam. 'Yung hiya ko natabunan ng galit at sakit. "Sana hindi nalang ako bumalik! Sana hindi nalang kita nakita ulit! Sana hindi nalang kita minahal dahil gago ka! Duwag ka!"
Pinigilan niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Pilit ko siyang tinutulak pero nanghina na ako sa dami ng nararamdaman ko. "Chanelle... I'm sorry."
Mapait na napangiti ako. "Mabubuo ba ng sorry mo ang winasak mong puso ko, letse ka?" galit na tugon ko at tinulak siya kaya nabitawan niya ako. Inirapan ko siya at kinuyom ko ang mga palad ko. "Tingin mo ba may magagawa 'yang sorry mo sa'kin? Try mong mag-sorry sa bato, baka may mangyari pa!"
Lumapit siya sa'kin kaya naman lumayo din ako. Nakita kong nasaktan siya sa ginawa ko but I am way past caring. Kulang pa 'yan sa lahat ng pangakong napako, sa lahat ng pangarap na 'di natupad, sa lahat ng panahon na wala siya sa tabi ko. Umiyak na siya ng dugo, hindi parin 'yun sapat sa lahat ng sakit na dinulot niya sa akin.
"Pakinggan mo muna ang sasabihin--"
"Ayoko," diin na putol ko sa sinabi niya at nagpunas ng luha. Napahikbi ako at tinignan siya sa mata. "Pinili mo siya. Sinabi kong mahal kita--alam mo ba kung gaano kahirap 'yun para sa akin? Takot akong magmahal, Aegeus! Ang mama ko, nain-love, binuntis tapos iniwan! Nakita ko kung paano siya nasaktan at naghirap kaya nangako akong 'di ako magmamahal pero dumating ka! Minahal naman kita, ah?" nanghihinang sabi ko at napa-hinga ng malalim. "Minahal naman kita. Pero bakit ikaw, napakadaling piliin mo ang karera mo imbes na ako?"
Napayuko siya. "Kailangan kong gawin 'yun para sa pamilya ko, Chanelle. They needed me. Bata pa naman tayo noon, e," aniya at tiningala ako. "Pero pinagtago ulit tayo ng tadhana at--"
"Bullshit," galit na sabi ko at natahimik siya. "Hindi tadhana ang nagtagpo sa'tin kundi ang pinsan ko! A-at kung noon pinili mo ang pamilya mo, ngayon naman pipiliin ko din ang sarili ko."
Bumagsak ang balikat niya. "Mahal parin kita, Chanelle," mahinang sambit niya at imbes na matuwa ako, mas nainis pa ako. Ngayon niya sasabihin 'yan? Gago siya.
Napailing ako. "Mahal mo ako?" Tumawa ako ng mapakla at inilingan siya. "Sorry. Hindi ko kayang ibigay sa'yo ang puso ko. Masyado kang gago at masyado kang duwag para pagkatiwalaan ko ulit, e. Sa next life nalang. Baka doon, matatag ka na at kaya mo nang ipaglaban ang nasa puso mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro