Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/8/ Photographs



"MASAMA bang dalawin ang ate ko?"

"What do you want, Lily?"  blangkong tanong ko. "At hindi kita kapatid."

"Yeah, hindi nga tayo magkapatid biologically. But, I have good news."

"Ano naman?" sabi ko habang nilapag sa tabi ng cabinet ang bag ko at nagtanggal ng medyas, siya naman ay umupo sa couch, nakangiti pa rin ng ubod ng tamis na animo'y nang-iinis. At ako naman, laging tinatablan sa mga pang-iinis na ginagawa niya.  Teka, lagi naman akong naiinis sa kanya, the way she speaks, the way she acts, lahat ng tungkol sa kanya kinaiinisan ko. Well, ganun naman talaga diba, when you dislike someone, kahit wala siyang ginagawa sa'yo, maiinis ka, maaapektuhan ka.

"Tito Richard will adopt me. Magiging Morie na rin pala ako." Napahinto ako sa sinabi niya, pinilit kong hindi ipakita na naapektuhan sa sinabi niya. So, dad will adopt her? That's not cool.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta rito?" 

"No."

Tinalikuran ko na siya para pumasok sa kwarto ko, hindi maganda ang araw ko kaya gusto kong magpahinga, "Bukas ang pinto pwede ka ng umalis." Lily and I are not close, I don't even consider her as a friend as well, siguro noon oo, pero ngayon? Simula ng malaman ko na ang ina niya ang magiging bagong asawa ni dad, hindi ko na siya kinakausap. Coincidently, magkaklase kami, at hindi alam ng iba naming classmates na step-sister ko siya.

"Stay away from him." narinig kong matigas na sabi ni Lily. Napahinto naman ako at the same time ay biglang napangisi. So, nakita niya siguro kanina sa library, at ito pala ang pinunta nya rito.

"I see." I smirked, "Bakit? Natatakot ka ba?" alam kong sa mga sandaling ito naglaho ang ngiti ni Lily, ngiting lagi niyang suot kahit saan, ngiting kinamumuwian ko. 

"Shut up!"

 Tumawa ko. Sinasabi ko na nga bang mapipikon siya sa mga sinabi ko. Magkalayo kami ng limang metro, pero damang-dama ko ang panggagalaiti niya sa'kin. So sa mga sandaling 'to, nararamdaman ko na the favor is mine. 

"Natatakot ka ano? Sabagay, kapag nasa tuktok ka nga naman, hindi mo na nanaisin pang bumaba.You may got everything I have, Lily, but the time will come, lahat ng 'yon, babalik sa tunay na nagmamay-ari."

At sa akin yon. 

"Don't make me laugh, Jill." tanging nasabi nya at narinig ko ang mga yabag ng pag-alis nya, pero bago yon, nagbitaw pa si Lily ng mga salitang, "There's no place for you to come back."

Isang dahilan kung bakit ayoko kay Lily, dahil nasa sa kanya yung mga bagay na matagal kong pinabayaan. Hindi mo rin masasabing inagaw niya, dahil hinayaan ko lang. Parang snatcher na nang-agaw ng bag, pero binitiwan o lang, hindi na ko nakipaghilahan. Sa madaling salita, hindi ko pinaglaban.

Napabuntong hininga ako, bigla akong nakadama ng matinding pagod kahit wala naman akong ginawa, bumbalik yung pakiramdam na mabigat at hindi ko alam kung paano yon maiibsan. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, binuksan ang lampshade at naupo sa gilid ng kama. Hindi pa rin ao nakakapagpalit ng damit. Ilang minuto rin akong nakatulala sa kawalan, walang bahid ng anumang emosyon.

Hindi ko magawang humiga dahil may kung anong pwersa ang nag-uudyok sa'kin para tumayo at pumunta sa cabinet. Binuksan ko yon at hinanap ang isang kahon. Pagkakuha'y pumunta ko sa study table para buksan iyon.

Maalikabok ang kahon, tanda na matagal na itong hindi ginagalaw. Binuksan ko ito at tumambad ang mga kupas na larawan, mga larawang walang kahulugan. Tinaob ko yung kahon at nagkalat ito sa mesa. 

Unang larawang nakatawag ng pansin ko, kinuha ko iyon. Napakaaliwalas ng larawan, gaya ng mga taong nasa loob nito, magkakaakbay, nagtatawanan. My shadow friends. Nasaan na nga ba sila? Literally, nasa classroom lang din naman sila, kasama ko araw-araw. Pero dahil nababalutan na ng kadiliman, hindi ko na sila nakita pa. Nagmistulang mga hanging nadadaanan, nararamdaman mo pero hindi nakikita.

Tiningnan ko yung likuran ng larawan,  "Friends are like treasure, mahirap silang hanapin, pero napakaespesyal. If you are a friend, it means you were chosen. You were chosen to stay in someone's life.."  Go 1-B :) Hindi na mangyayari pa ang mga ngiting nakapaloob sa larawang ito.

Nilapag ko ito, at kumuha pa ng isang larawan. "Tito Richard will adopt me..." tila nag-echo pa sa pandinig ko yung  mga sinabi ni Lily kanina. Bakit? Bakit mo sila mas pinili, dad? Bakit mas pinili mo si Lily kesa sakin? Masakit isipin na nandito ako, nag-iisa samantalang nandoon ka, kasama sila, masaya, magkakasabay kumain.

Naisip niyo ba kung kamusta na ko? Kung kumain na ba ko? Ni minsan ba sumagi sa isip nila kung ano na ba yung kalagayan ko? Akala ko pipigilan nila kong umalis, pero anong sinabi mo sakin, "Go ahead. It's your life." Hindi naman sigurong masamang mag-expect diba? It feels like he cut our ties.

The third photograph is of me..with him. I smiled bitterly. When you are in love and you get hurt, it's like a cut... it will heal, but there will always be a scar. It's like once you've been hurt. you're so scared to get attached again, like you have this fear that every person you start to like is going to break your heart.

 "Stay away from him."

Nilikom ko yung mga nagkalat na larawan at ibinalik sa loob kahon. Pumunta ako sa kusina, hinanap ang trash can, at itinapon ito doon.

Every person around you is going to hurt you at some point in time... But it's up to you to decide what is important.


*****


"I want you to write your future paths on these papers." wika ni miss Karen nang maipamigay lahat ng papel. Isang itim na papel na may puting tag ng pangalan namin sa upper right corner

Sabi ni miss Italia, ang buhay daw ay isang malaking kumpetisyon. Hindi patas. Kung hindi ka makikipaglaban, uuwi kang talunan. Lazy and stupid people will suffer. While those clever and who gave an effort can get special privileges and live in rich life

This is how she influenced this class, sa paniniwala na sa pamamagitan ng magagandang grades, magkakaroon ka ng magandang hinaharap. By having good grades you could get in prestigious universities, and have a good job.

Para sa mga young adults na kagaya namin na punumpuno ng pressure at walang alam sa buhay, wala kaming ibang magagawa kundi maging sunudsunuran sa mga nakatatanda na mas nakakaalam ng totoong buhay.

"M-miss?" Penelope raised her hand.

"Yes?"

"H-hindi naman po ganito ang career survey paper?" she shyly said.

"Oo nga po."

"Bakit itim?"

"This is weird!"

"Just do what I said. Ireneo will collect the papers. " urgh, kung hindi lang si Ireneo ang kokolekta, hindi ako magpapasa. But heck, obey is the rule in this class or else. 

Hindi ko maintindihan, pasusulatin ng future paths sa papel na 'to? Like duh, paano yun makikita? She's weird. Karen Italia is weird. Kinuha ko yung ballpen ko para sulatan yon. So, what about my future huh?

"Habang ginagawa nyo yan, magtatawag ako ng isa sa inyo para sa career counseling. So, ang una," tumingin si miss Karen sa record book nya, "Jillianne Morie. Please come with me."

### 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro