/73/ Baffling Hearts
"Jinnie."
"Oh, Cairo?"
"You should change your name."
"Palitan ang pangalan ko? Bakit?"
"Well, it's part of the rules here na magkaroon ng bagong pangalan na gagamitin outside this institution. For example, ang pangalan ko sa labas ay Caleb Perez."
"Hmm... Kung ganon ako na si Jing..."
"Jing what?"
"Jing...Jing Rosel—hindi. Jing Rosca..."
"Jinnie."
Bigla akong nagbalik sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala ang memorya na 'yon, ang memorya nang minsang mag-usap kami ni Cairo tungkol sa pagpapalit ng pangalan ko—Jinnie. Ewan ko ba kung bakit lubos ko iyong kinamumuwian, marahil maraming alaala ng nakaraan ang nakapaloob sa pangalan na yan, mga alaalang pinipilit kong kalimutan pero hindi ko magawa.
"Jinnie."
"Tangina naman Cairo, paulit-ulit?!" paasik kong sabi sa kanya. Di kalayuan nakatayo siya kasama ang ipokritang si Margaux, sa likuran nila ang apat na alipores mula sa Mnemosyne Institute, namumukaan ko silang apat pero hindi ko na maalala kung sinu-sino sila basta ang alam ko mga puppet sila ni Margaux.
"You're reminiscing." Naramdaman ko na lang na nag-init yung pisngi ko sa sinabi niya, leche. Nakakabasa nga pala ng kung anong nasa isip 'tong hinayupak na lalaking to. "You still have feelings for me?" at nang-aasar pa siya. Bwisit.
Napaismid ako sa huling sinabi niya, "Ang kapal din naman ng epidermis mo para sabihin 'yan." At oo malamang sa malamang ay nalaman niya noon na nagkagusto ako sa kanya at para kong masusuka sa tuwing maalala ko 'yon.
Magsasalita pa lang sana siya nang muling umeksena si Margaux, nananadya na hindi isuot ang itim na salamin para manakot. Nagpi-feeling na mag-lady gaga, at akala naman niya madadaan niya ko sa mga mata niya.
"Alam ko kung nasaan sila Jillianne Morie at ang anak ko ngayon, Jing."
"Oh, alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?" sagot ko sa kanya atsaka ko pumanewang "Alam niyo, yung totoo, bakit hindi na lang tayo magderetsahan dito para matapos na 'to?" dahil sa totoo lang naiiinip na rin ako...at nagsisimulang mabahala. Anong binabalak ng mga 'to? Hah, Jing, ano ba namang tanong sa sarili yan, alangan namang makipaglaro lang sila sa'kin ng Patintero 'diba?
"Patintero." Si Cairo. "That sounds fun." Masama ko siyang tinignan dahil nangingimasok na naman siya ng isip ng ko.
"Huwag kang mag-alala, Jing, dahil higit pa sa Patintero ang gagawin natin."
Nakapalibot sa'kin yung apat na alipores ni Margaux habang silang dalawa ay nakatayo lang sa kinaroroonan nila. Kung Patintero ang laro na 'to, sila ang taya, at hindi ko sila pwedeng mapalagpas sa linyang 'to.
Ang sumunod ko na lang na namalayan, mula sa mga mata ni Margaux nabuo ang isang malaking liwanag atsaka iyon bumulusok papunta sa kinaroroonan ko. Madali ko 'yong naiwasan pero kaagad umatake yung apat na alipores niya—sabay-sabay. Apoy. Tubig. Lupa. Hangin. So, galing sila sa elemental department, isang sektor sa MIP kung saan lahat ng klase ng kinetic abilities na may kinalaman sa mga elemento.
Gamit din ang kalikasan nagawa ko iyong ipangsangga sa mga ibinato nila sa'kin. Hah! Sino ba sila! Ako si Jing Rosca ang pinakamakapangyarihang telekinetic sa MIP! Nagawa ko nang hatiin ang dagat! Walang sinuman ang makakapigil sa'kin kahit na isang batalyon pa sila!
Nakita ko si Cairo na nakatayo lang kung nasaan siya, nakatingin sa'kin at hindi ko mabasa sa itsura niya kung anong iniisip niya. Papanoorin niya lang ba kami rito? Umariba na ang mga alipores ni Margaux, walang awat, sunud-sunod, hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil pinapalibutan nila ko.
Nang lahat sila ay sabay-sabay na bumanat ng pwersa sa'kin, dumagdag pa ang blaster na nanggagaling sa mga mata ni Margaux, wala akong ibang nagawa kundi kontrahin ang pwersa na 'yon pabalik sa kanila.
*****
[Jill Morie]
We keep on running without looking back, but still nasa isip ko pa rin ang naiwan na si Jing. Nakahawak pa rin sa'kin si Cloud, mahigpit, parang takot na mabitawan. Hindi maiwasang magkuyom ng isang malayang palad ko, sa mga ganitong sitwasyon gusto ko rin silang maprotektahan. Lalo pa't ngayong nalaman ko na kung anong lihim ko na inilihim sa'kin ni dad sa mahabang panahon.
I am a real Peculiar after all; even I don't have my sister's eyes, the Culomus, I can adapt to any form of Peculiarities na...I don't know how...pero base sa napanood ko sa files ni dad, I can adapt any form of Peculiarities basta may present na ibang Peculiar sa paligid ko. And now I don't even know how to use this power dahil first and foremost my dad forced to seal it a long time ago.
You still got the Culomus, Jill—an inner thought came. How can I use these eyes too? The future in my hands is volatile and changeable according to Dr. Irvin, pero once na ginalaw o sinira ko ang natural flow ng fatalism, the belief that what will happen has already been decided and cannot be changed, ay maaaring magkaroon ng butterfly effect o chaos, ang sinasabing malaking pagbabago o sisira sa daloy ng mga nakatadhana na.
Tumatakbo kaming lahat papunta sa walang kasiguraduhang lugar. Tumatakas pero hindi alam kung saan pupunta. Habang tinatahak namin ang masukal na kagubatan bigla akong nakaramdam ng kakaiba, napatigil ako sa pagtakbo dahilan para mapatigil din silang lahat, lumingon sila sa'kin, nagtataka.
"Bakit, Jill?" nag-aalalang tanong ni Cloud.
"H-hindi niyo ba nararamdaman 'yon?" tanong ko sa kanila, bigla akong nanginig, tiningnan ko siya, "Eliza..." tawag ko sa kanya.
"Bakit, Morie?" balik tanong niya sa'kin, pinakaramdaman niya yung paligid, atsaka nag-iba ang ekspresyon ng mukha, "We need to go back."
"Sandali lang ,Eliza, hindi namin naiintindihan." Si Dean. For some reasons bigla akong kinutuban ng masama, hindi ko alam kung dahil sa intuition ko pero nakumpirma ang kutob ko base sa reaksyon ni Eliza. May hindi magandang nangyayari.
"She badly needs us, let's go."
Without any hesitations tumakbo kami pabalik, even the rational thinker, Eliza, didn't even hesitate to go back.
*****
[Jing Rosca]
Habol ko ang aking hininga at anumang saglit pakiramdam ko bibigay na yung dalawang binti ko. Kakabagsak lang sa gilid ko ng isa sa mga alipores ni Margaux. Patay na sila—patay na silang apat. Gamit ang buong lakas ko, sinakal ko sila sa ere, sabay-sabay. Nakatayo pa rin di-kalayuan sa'kin sila Margaux at Cairo, nakatingin sa'kin.
Nginisian ko silang dalawa kahit na walang anumang bakas ng pangamba ang itsura nila. Hah, akala nilang dalawa maiisahan nila ko sa ganitong plano nila? Manigas sila pareho. Kahit na iika-ika ako, dahil medyo nahirapan din akong isa-isahing patumbahin 'tong mga alagad ni Margaux, lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Tama na ang laro, Margaux, Cairo." Sabi ko sa kanila. "Nagkamali kayo ng kinalaban." Hindi sila kumibo pareho. Itinaas ko ang braso ko at unti-unting sinakal sa ere si Margaux. Buong pwersa, at sa pagkakataong 'to hinding hindi na ko mag-aalinlangan na patayin siya.
Nagpupumiglas pa niya sa ere pero hindi ko siya pinakikinggan, katulad ng ginawa ko kanina sa mga alipores niya, siya naman ang susunod na mawawalan ng hininga. Normal na sa'kin ang pagpatay noon pa man habang naninilbihan ako sa MIP, ilang beses ba 'kong sumunod sa mga pinagawa nila sa'kin? Hindi ko na alam. Basta ito na ang kabayaran sa lahat ng 'yon. Ito na ang katapusan ni Margaux.
"Jinnie." At muntikan ko ng makalimutan na nandito pa rin si Cairo, nakatingin lang siya sa ginagawa ko, pero hindi siya kumikilos. Aaminin ko na may isang parte rito sa loob ko na ayoko siyang patayin, hindi dahil sa minsan akong nagkaroon ng pagtingin sa kanya, dahil sa dahilang magkakasama kaming lumaki noon nila Karen sa ampunan, may itinatangi pa rin akong alaala ng kabataan namin noon na ayokong bitawan. At ang katotohanang hindi ko pa rin matanggap kung anong nangyayari ngayon.
Hindi ko pa rin pala kayang sabihin na kaya ko talagang mag-isa.
"Tama na." ang sumunod niyang sinabi habang patuloy kong pinuputulan ng hininga si Margaux sa ere.
"Paano ako titigil gayong sirang-sira na 'ko, Cairo." Sabi ko sa kanya. "Ngayon pa ba ko titigil kung kelan walang-wala na 'kong mababalikan?"
"Makinig ka sa'kin, Jinnie." Heto na naman siya sa pangsa-psycho niya, palibhasa doktor ang 'papel' na binigay sa kanya sa labas ng MIP, habang ako ay isang di-hamak na mahikera sa perya, "Kung sasama ka sa'kin ulit ngayon pwede ka ulit makapagsimula ng bago." Ano bang pinagsasasabi niya? Hindi ko maintindihan, ayokong intindihin. Nakita ko na inaalok niyang tanggapin ko yung kamay na inaabot niya, "Mnemosyne Institute lang ang lugar na para sa mga tulad natin, Jinnie, bumalik ka na sa'min."
Tama na ang isang pagkakataon na isuko ko ng buo ang sarili ko sa kanya bilang isang tao. Mnemosyne Institute lang ba ang lugar na para sa mga 'salot' na katulad namin? Hindi ba't nilikha ang mundo na 'to para sa lahat? Pero bakit pinipilit itong ipagdamot sa'ming mga 'naiiba'? Bakit kailangan pa naming magtago?
"Kahit ano pang sabihin mo, Cairo, hindi mo na ko maloloko pa ulit." Pero sarado na ang utak ko para tanggapin ang anumang sasabihin niya.
"All I'm asking you is sumama ka na ulit sa amin, Jinnie, huwag mong sayangin ang opportunity na 'to."
"Manahimik ka!"
"Enough, Jinnie." Pumitik ang daliri niya, pagkaraan ng tunog nakita kong wala na sa ere si Margaux. Napalingun-lingon ako para hanapin siya pero nabigo ako, pati yung mga katawan ng apat niyang alipores. Saan sila napunta?! Humarap ulit kay Cairo, naghihintay ng paliwanag niya pero nanatili lang siyang nang-aalok ng kamay, hinihintay na sumama ko sa kanya. Atsaka ko napansin na nasa likuran ni Cairo si...Magnus? Kumaway siya sa'kin at ngumiti. Ilusyon lang yung nangyaring labanan kanina? H-hindi pwede.
"P-paanong—" isang tarak galing sa likuran, sa ilalim ng puso, damang-dama ko ang pagtagos ng isang matulis na bagay rito. Lumawa. Dugo. Sumuka. Dugo.
"Jinnie?!" hindi ko maintindihan, maging si Cairo ay nagulat. "Margaux!" napalingon ako at nakita si Margaux sa likuran ko, nakahawak pa rin sa tabak na itinarak niya sa ilalim ng puso ko. Nakuha ko na kung bakit ganon ang reaksyon niya—wala to sa plano nila, hindi ito kasama sa pinag-usapan nila.
Galing sikmura papuntang bunganga, puro dugo ang umaapaw. Masakit? Oo? Masakit na ang tanga ko para hindi malaman kaagad na sa simula't sapul pinaglalaruan na ko ng ilusyon ni Magnus. Pero wala ng mas sasakit pa sa literal na pagtagos ng tabak sa ilalim ng puso ko. Tangina, Margaux mamatay ka na.
Gamit ang kapangyarihan ko, hinugot ko pabalik yung tabak, buong pwersa dahilan para mabitawan 'yon ni Margaux. Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang nakalutang sa ere ang tabak, ibabalik ko sa kanya yung ginawa niya sa'kin pero...tumumba ako sa lupa.
"She's good as dead."
"Damn it! Margaux!" hindi ko man nakikita alam kong parang halimaw na nagwawalang anyo na si Cairo. "Bakit mo nagawa 'yon?!"
"We're just wasting our time over her, can't you see, Cairo? Hinding hindi na siya babalik sa MIP."
"You..."
"Lord Cairo," si Magnus, "Ito ang inutos ng board."
"Without informing me, Margaux?"
Hindi ko na mapakinggan mabuti kung ano yung pinag-uusapan nila, basta ang nakikita ko lang—ang langit. Nakaawang ang bibig ko sa—di malamang dahilan may gusto akong imutawi. Pumikit ako.
"Jinnie?" may tumatawag sa pangalan ko. "Jinnie?" pamilyar na boses kaya muli akong nagmulat.
"Beatrice?" nakita ko ang batang si Karen, nakatingin sa'kin habang halos dumuwang sa pagmumuka ko. Ngumiti siya dahilan para mapangiti rin ako.
"Jinnie!" may mga yabag na dumating at kasunod niya nakita ko ang batang si Cairo kasama ang kakambal na si Pacifico, si Sylvia pati si Rommel. Tinulungan nila 'kong tumayo, nakita ko lumiit ang mga palad ko, bumalik ako sa pagkabata?
"Maglalaro tayo ng taguan, ikaw ang taya, Jinnie!" sabay-sabay silang nagsitakbuhan palayo sa'kin, at katulad noon pakiramdam ko dinaya na naman nila 'ko dahil ako palagi yung pinagtutulungan nila para maging taya.
Muli, nagmulat ako. Nakita ko pa rin ang asul na langit. Wala na kong marinig na boses na nagtatalo, wala na sila Margaux marahil. Iniwan nila ko rito sa gitna ng kagubatan.
"Jing?!"
Sa pagkakataong 'to, totoo na 'tong naririnig kong boses galing malayo.
"Jing?!" napaawang ulit yung bibig ko, gusto kong sumagot sa tawag nila.
Na nandito ako.
Nag-aagaw buhay.
Tangina.
*****
[Jill Morie]
"Jing?!" lahat kami sumisigaw na para lang mahanap si Jing, pero walang sumasagot. "Jing?!" Tumatakbo kami nang biglang huminto si Eliza sabay napaluhod sa masukal na daanan.
"Eliza?" si Dean. "Okay ka lang?" akala namin natisod lang siya o ano man, pero hindi. Natulala siya. Dahil...dahil may naramdaman siya.
"Eliza?" lumuhod sa tabi niya si Vince para umalalay at magbigay ng suporta. Hindi ko muna siya binigyang pansin, basta nagpatuloy ako sa pagtakbo, tinawag ako ni Cloud, medyo naiwan sila.
Dirediretso lang ako ng takbo hanggang sa mahawi ko ang isang mataas na halaman, sa gitna ng tila sinadyang sininagan ng liwanag nakita ko ang nakahandusay niyang katawan. Napahinto ako saglit, sinisigurong siya 'yon—na sana hindi si Jing 'yon.
"J-jing?" nanginginig, nauutal, nanlalamig, pinilit kong ihakbang ang isang paa para makapunta sa kinaroroonan niya.
"Jill nasaan si—" si Cloud, nasa tabi ko na, "S-si J-jing?"
"J-jing." Nang matauhan kaagad ko siyang dinaluhan. "Jing!" nakapikit siya pero kaagad niyang minulat yung mga mata niya nang makita ako.
"H-hoy." Nakangiti siya sa'kin, na mas lalong hindi kinaya ng puso ko, "J-jill... M-morie." At nagawa pa niya kong taasan ng kilay.
"Anong nangyari sa'yo?! Bakit hinayaan mong magkaganito ka?!" kinagat ko yung labi ko dahil sunud-sunod nang pumatak yung luha ko, "Akala ko ba ikaw ang pinakamalakas na Peculiar?! Ano 'to?! Bakit may tama ka?!"
Natawa pa siya sa sinabi ko, "That sounds like me." Bulong niya.
"Jing naman. Pupunta pa tayo ng Sentral. Sabi mo...sabi mo...ikaw bahala." Tumingin ako kay Cloud na natuod lang sa kinatatayuan niya, "Cloud!" sigaw ko sa kanya, "Halika rito Cloud!" lumapit siya sa'min, umupo sa gilid at inalalayan ng bisig niya si Jing, pero hindi siya kumikibo.
"J-jill." Tawag ni Jing sa'kin. Pinilit ulit niyang ngumiti kahit na nasasaktan, "Cry...As long as...you feel human...Cry." Nanghihinang sabi niya, "Sa totoo lang..."
"Wag ka ng magsalita please." Si Cloud, nakayuko siya pero nakita kong may pumapatak na luha galing sa pisngi niya.
"Sa totoo lang..." pero matigas ang ulo ni Jing, "...Natutuwa ako...na umiiyak kayong dalawa... At least..."
"Jing!" si Cloud.
"At least... alam ko... may nalulungkot...para sa'kin..."
"Si Palm!" Tumayo ako. "Bantayan mo siya, Cloud, tatawagin ko si Palm!" at akmang aalis
"J-jill Morie." Pero napahinto ako, nakatalikod, "Live..."
Hindi na ko nakakilos pagkasabi niya non. Naramdaman ko na may kung anong tumusok sa puso ko, dahilan para mapaluhod na lang din ako sa lupa...ng hindi nakatingin sa direksyon nila.
"A-anong nangyari kay Jing?" dumating sila Vince, Eliza, Palm at Dean. "Morie? Bakit siya nakaganyan?" tanong ni Vince, di kalayuan. hinarap niya si Palm, "Palm! Palm! Gamutin mo si Jing, healer ka 'di ba?! Dali! Gamutin mo si Jing!" halos yugyogin niya si Palm sa balikat.
"Vicente." Umiling si Dean, inawat siya.
"Bakit? Bakit ayaw mo?!"
"Stop it, brother." Si Eliza, "She's gone."
"Ha?! Kanina lang...ang lakas-lakas niya pa 'di ba? 'Di ba?!" si Eliza naman yung niyuyugyog niya, "Kanina lang...kanina lang naglolokohan kaming dalawa eh... Kanina lang... buhay pa siya eh." He broke down. Niyakap ni Eliza yung kapatid niya.
"Patawad..." si Palm, kahit na walang kasalanan humihingi ng tawad, nagsisisi kahit wala naman siyang ginawang mali.
Humarap ako kay Jing na nasa bisig ni Cloud—wala ng buhay.
Ang sakit.
Ang sakit-sakit.
"Walang gagalaw! Itaas niyo yung mga kamay niyo!" may sumigaw, naalarma kaming lahat, mula sa kung saan sumulpot sila. Ang IADC, ang otoridad. Ilang segundo lang ang lumipas napapalibutan nila kaming lahat.
Nakita ko si Cloud hinihila na siya ng isa sa kanila, pati sila Eliza, Vince, Dean at Palm. At yung katawan ni Jing, kinuha rin nila.
"Saan niyo sila dadalhin?!" may humawak sa'king dalawang officer pero nagpupumiglas ako, "Bitawan niyo ko!" pero wala akong nagawa kahit anong sigaw at pagwawala ko. Nakita ko silang kinayag palayo sa'kin habang ako nagpupumilit kumawala.
Kung laro lang lahat ng 'to, pakiramdam ko sobra-sobra akong dinaya.
-xxx-
Author's Note:
Gusto ko ulit i-express ang walang hanggang pasasalamat ko sa inyo, sa pagbabasa ng TPT until now. Though minsan ko na kayong binigo sa ipinangako kong due date ng kwentong ito. Wag kayong mag-alala. Malapit na tayo don. :)
ps. Nagpapaalam na nga pala si Jing sa inyo. Maraming salamat sa mga nagmahal sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro