/72/ Que Sera Sera
Isinira ko ulit yung blinds ng bintana at bumalik sa kinaroroonan nila. Damn, it's real, napapalibutan nga talaga kami ng police squads, ng IADC agents, meron ding mass media na nasa labas, at lahat sila nakaantabay. Isa lang ang ibig sabihin ito—we're doomed.
"Hindi ako makapaniwala," Jing said with completely disbelief in her face. "How come Eliza?" napatingin tuloy kaming lahat kay Eliza na bumalik na sa usual niyang itsura, kalmado, pero nakatingin siya sa kawalan, parang lutang. "How come na hindi mo naramdaman na paparating silang lahat?!" hindi galit ang makikita kay Jing bagkus ay takot, takot na rito na masasayang ang lahat ng pinagdaanan namin.
"Jing, huminahon ka lang." pag-papakalma ni Palm dito na pumapagitna sa kanilang dalawa.
"It's my fault," Sabi ko. "Walang kasalanan si Eliza, ako ang dapat sisihin dito." Kung hindi ko sinabi kagabi na gusto kong pumunta sa rest house na 'to hindi sana kami maiipit sa ganitong sitwasyon ngayon. Kasalanan ko.
"Hey, Jill, it's not your fault either." Biglang sumingit sa usapan si Cloud, kinokontra ang sinabi ko. "We all agreed to go here kaya lahat tayo may pananagutan."
"Okay, look, tama na ang sisihan. Memoire ang tiyak na may pakana nito, sinadya nila na hindi natin sila mararamdaman pero sa pagkakataon na 'to ipapaubaya muna nila sa otoridad ang paghuli sa'tin." Saad ni Dean, sapo ang noo, "Ang dapat nating isipin ngayon kung paano natin lulusutan ang gusot na 'to." Pero makikita pa rin na hindi siya nawawalan ng pag-asa.
"Dean, do you have any idea kung paano tayo makakalusot ngayon?" tanong ni Vince kay Dean, hindi maitago ang pagkabahala dahil sa mood ng kakambal niya. "Ha?"
"Come on guys, ano ba naman kayo, maning mani na lang to kumpara sa mga pinagdaanan natin noon sa MIP."
"No, nagkakamali ka, Dean. It's not what you think." Sabi ni Eliza, "Hindi ito katulad ng mga ginawa natin noon. This is a different thing now dahil involve ang mga non-Peculiar beings." She's right. We can't show off our Peculiarities dahil una sa lahat hindi pa aware ang mundo na may mga tao na nag-eexist katulad namin.
"Ano? Pero kanina lang ginamit ni Jing yung kapangyarihan niya! Ano pa bang kaibahan nito para iligtas natin yung mga sarili natin?"
"Hindi mo naiintindihan, Dean."
"Hindi ko maintindihan ang alin?!"
"Tama na." awat ko sa kanila. Huminga ako ng malalim, natigil sila, walang umuusal ng kahit ano. We underestimated the enemy, hindi ko sukat akalain na handa silang paabutin sa ganitong sitwasyon ang lahat—makuha lang ako. This time, we can't fight those people, palagay ko pareho kami ng iniisip ni Eliza, pero alam kong may options pa siya na ibibigay sa'min. "Say it, kung ano mang naiisip mong plano." utos ko sa kanya.
"There are only two choices na pwede nating gawin." Sabi niya, "It's either we surrender or we kill them."
"B-bakit kasama sa pagpipilian na patayin sila?" nag-aalalang tanong ni Palm.
"Human instincts, Palm. Once na labanan natin sila natural na magiging threat tayo sa kanila kaya hindi sila mag-aatubiling patayin tayo, and on the other hand hindi rin naman natin gugustuhing patayin nila tayo, hindi ba?" tama si Eliza, "It means that only victors will live."
"Wow, salamat sa options." Sarkastikong sabi ni Jing at pagkatapos ay humalukipkip siya, nag-iisip.
Kung susuriing mabuti ang mga pagpipiliang tila sugal na binigay ni Eliza, alinman sa dalawa ang piliin namin pareho pa rin kaming talo, pareho pa ring lugi. Papasok ulit ang mga tanong... ano ba talaga ang pinaglalaban namin dito? Parepareho ba kami ng pinaglalaban? Bakit kami lumalaban hanggang ngayon? Kung may pipiliin kaming isa sa mga options ni Eliza mapupunan ba nito ang halaga kung anong pinaglalaban namin ngayon?
Pero napaisip din ako, bakit hanggang dalawa lang ang binigay niya? Alam ko... meron pa kaming pwedeng gawin para makalusot dito.
"May isa pa tayong pagpipilian." Sabi ko sa kanila at sabay-sabay silang napatingin sa'kin, hinihintay ang sasabihin ko, naiinip, nababahala, para bang unti-unti nang nauubos ang mga oras namin.
"Ano 'yon?" tanong ni Cloud.
"We're not going to fight," napakunot sila Dean nang sabihin ko 'yon, "And we're not going to surrender either."
"Kung ganon, Morie, anong gagawin natin?" si Vince.
"Lalabas tayong lahat, kakausapin ko sila para mapatunayang mga inosente kayo."
"Pagkatapos?" si Jing, "Pagkatapos ano? Huhulihin nila tayo? Para na rin tayong sumuko sa iniisip mo."
"Hindi, Jing. We're not giving up yet." Sabi ko habang nakakuyom ang palad, "We're at least trying to prove them wrong." I believe there's still hope for us. We've come this far para lang protektahan ako and it's my time to protect them too.
"Any minute now, they're going to break in, I can hear their voices." Sabi ni Cloud. "Whatever the plan is, as long as we believe, let's do it."
"Sigurado ka bang gagana yang iniisip mong plano, Morie?" nag-aalangang tanong ni Dean.
"Hindi natin malalaman hangga't hindi natin sinusubukan, Dean."
"Sang-ayon ako sa plano ni Morie, kahit mayroon lang tayong Twenty percent success rate." Wika ni Eliza na sinang-ayunan ni Vince.
"Kung 'yung sa Bastille escape natin my 0.1 percent success nagawa natin, ito pa kaya na twenty percent?!" pagpapalakas loob ni Vince sa'mig lahat, "Alright, Morie, what's the plan?" kitang kita na yung enthusiasm sa mukha niya kaya napatango at medyo lumakas ang loob ko.
"Lalabas tayong lahat, ipapakita natin sa kanila na hindi kayo threat at okay lang ako. Pagkatapos makikipag-usap ako sa kanila." Ang simple ng plano ko pero sa totoo lang hindi lang 'ata twenty percent ang success rate nito, mas mababa pa kumpara sa porsyento noon sa ginawa naming pagtakas Bastille.
"Anong gagawin namin?" tanong ni Jing.
"Wala kayong ibang gagawin. You can't use your powers dahil once na makita nila 'yon, it's over, hindi na natin mababago yung isip nila." Sagot ko sa kanya, "All you need to do is to be sincere, that's all. Akong bahala makipag-usap sa kanila."
Hindi na sila sumagot o kumibo pa. Nagpalitan ng tingin, nagtanguan, walang ibang nagawa kundi magtiwala at huwag mabahala sa kung anong naghihintay sa'min. Naisip ko ulit, pwede kong gamitin ang mga mata ko upang malaman kung anong susunod na mangyayari sa hinaharap pero naisip ko—hindi pa rin iyon magiging solusyon sa kung ano man ang problema namin ngayong kasalukuyan. I can't use this power just because I am the freewill, I just can't make another chaos that could ruin the natural flow. Every single change in the system could ruin everything. Whatever will be, will be. Malalagpasan namin 'to by doing our best and it's only this time.
"Let's go." Sabi ko sa kanila at nagsimula kaming humakbang papuntang pintuan. Pipihitin ko palang yung door knob nang marinig ko sila—kung anong nasa isip nila.
'Morie. Kaya natin 'to, tiwala lang.' Palm
'Sana...matapos na lahat ng 'to.' Dean
'Well, this is better than the cell.' Vince
'I wonder if she can make it this time.' Eliza
'Kayang kaya ko silang patumbahin lahat. Pero hindi pwede.' Jing
'Jill, kahit anong mangyari hindi kita iiwan.' Cloud
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, dahan-dahan ding sumungaw ang liwanag na nakakasilaw. Nang humupa ang silaw, tumambad sa paningin namin ang mga pulis na nakaabang. Nang magsimula kaming humakbang ay tila naalarma sila. Pero nagpatuloy kami, bumaba kami mula sa porch, at pumunta sa pinasentro. Nakataas ang kamay nila Jing, tanda na wala silang intensyong masama, habang kami ni Cloud ang nasa gitna.
Umugong ang bulungan, pero rinig na rinig ko kung anong sinasabi nila, marahil ay nahahawa ako sa kapangyarihan ni Eliza.
'Si Jillianne Morie! Ligtas siya!'
'Hindi tayo gagalaw hangga't wala silang ginagawang masama.'
"Guys," bumulong ako sa kanila, "Don't do anything, understand?" tumango lang sila.
"We're ordering you to surrender." May sumigaw isa sa kanila. Hindi na ko nag-aksya ng oras, I took a step forward and fearlessly faced them.
"Please, put your weapons down." Sabi ko sa kanila na siyang ikinabahala nila lalo, "This is just a misunderstanding. Hindi nila ko dinakip, kinidnap or what, they're all innocent and no criminals. In fact, we're all victims..." dapat ko bang sabihin sa kanila yung tungkol sa Memoire? "And we need your help."
Pero wala silang kareareaksyon sa sinabi ko, hindi kumbinsido kahit buong puso ang pagkakasabi ko, parang hangin na napadaan, binalewala.
"Uulitin namin, sumuko na kayo, Jing Rosca, Eliza Macaraig, Vicente Macaraig, Palmera Dinoy, at Dean Enclona. Jillianne Morie at Cloud Enriquez 'wag kayong gagalaw sa kinatatayuan niyo hangga't hindi sila sumusuko."
"Hindi niyo ba narinig yung sinabi ko? Inosente sila at wala silang ginagawa sa'ming masama." Bakit hindi sila naniniwala kahit ako na yung mismong nagsasabi? Bakit? "They're protecting me all this time from an enemy, and I'm begging you to stop this."
"M-morie, anong ginagawa mo?" gulat na gulat na tanong ni Dean nang makita niya 'ko na dahan-dahang lumuluhod sa lupa, hindi ko siya pinansin.
"Jill," si Cloud.
"Pakiusap." Maging ang mga tao ay hindi makapaniwala sa ginagawa ko ngayon, nakikiusap na tumigil sila. Nabigyan ako ng pag-asa na nabago yung isip nila nang makita ko na ibinaba ng isa sa kanila yung baril. At sinundan pa 'yon ng iba.
"Mga halimaw!" sabay-sabay kaming nabigla, nagulat, napatingin sa direksyon ng rest house, yung isang grupo kabilang si Uncle Julius na iginapos nila sa common room nakatayo sa porch, nakatutok sa'min ang kanikanilang baril. Mabilis ang pangyayari, sa takot nila sa nangyari kanina sabay-sabay silang nagpaputok ng baril na siyang mali kung sa trabaho nila, huli na nang pigilin sila ni Uncle.
Pabulusok sa direksyon namin yung mga bala nang huminto iyon sa ere.
"Jing!" napatayo ako mula sa pagkakaluhod nang makita ko kung anong ginawa niya. Saksi ang mga tao, nakita nila kung paano itinaas ni Jing ang kamay niya para pahintuin ang mga bala sa ere. At katulad ng inaasahan naalarma silang lahat, natakot, nangamba.
Nawala si Dean sa paningin namin dahil mabilis sa kidlat, nakarinig kami ulit ng isang putok ng baril, nakita namin si Dean na hawak-hawak ang braso nang isang agent dahil ito yung nagpaputok ng bala. Niligtas niya si Jing. Sa isang iglap bago pa makabalik siya makabalik sa pwesto namin, bumulagta siya sa lupa, nagkalat ang dugo.
"Dean!" kahit hindi nakakakita, alam ni Palm ang mga pangyayari, huli na nang awatin siya ni Eliza na tumakbo sa direksyon ng walang kasiguraduhan, nais iligtas si Dean.
Bang! Umalingawngaw ang isa na namang pagputok.
"Palm!" nanigas kaming lima sa kinatatayuan namin. I can feel the loud pounding in my chest, the trembling fists, and shaking knees. No. They're not dead yet. They can still move. Nakita naming lahat kung paano gumagapang si Dean para lang abutin si Palm, tumingin muna siya sa'min at sumenyas ng okay, at pinapatakas na kami ni Dean dahil alam niya sablay na yung plano ko.
Hindi maiwasang mangilid ng luha 'ko, pinipigilan kong tumulo 'yon. Hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan kong maging malakas.
"We're so fucked up." Narinig kong bulong ni Jing, kontrolado pa rin ang bala sa ere. Nakatutok ulit sa'min yung mga sandata nila at sa pagkakataon na 'to alam ko na sarado ang isip nila, hindi na sila makikinig sa kahit anong sasabihin ko.
"Anong gagawin natin? Si Palm, si Dean." Sabi ni Vince.
Hindi ako makapagsalita, parang naparalisado ang buong sistema ko dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Bibilang ako ng tatlo. Pagkatapos tatakbo tayo pabalik ng rest house. Vicente, gamitin mo yang kapangyarihan mo, gumawa ka ng clone para tulungang dalhin sila Palm at Dean."
"Pero Jing, may mga—"
"Akong bahala! I'll distract them first." Nagsimulang umihip ng malakas ang hangin na gawa ni Jing, nagpaikut-ikot sa ere ang mga patay na dahon, malakas na paghampas ng mga halaman at puno, naramdaman kong hinawakan ako ng mahigpit ni Cloud sa kamay. "Isa...Dalawa...Tatlo!" pagkatapos ng tatlo, ibinagsak ni Jing sa lupa ang mga bala, tuluyan nang naalarma ang mga tao, tumakbo kami pabalik ng rest house, hinawi ng parang papel ni Jing yung mga agents na nasa porch, kasama si Uncle, tumilapon sila sa lupa. Nagawang tulungan ni Vince sila Palm nang gumawa ito ng maraming clone.
Hingal na hingal kaming lahat pagpasok
"Pupuntahan ko si uncle, maiintindihan niya ko—"
"Jill!" bigla akong natauhan sa pagyugyog ni Cloud sa'kin, umiling siya, "That won't work anymore." Wala akong ibang nagawa kundi matigilan. Hindi ko na alam kung anong gagawin.
"Morie." Sa hindi maipaliwanag, nakangiti pa si Vince sa ganitong sitwasyon, "Huwag kang mag-alala, may natitira pang paraan." Inalalayan ng mga clone niya sila Palm at Dean na maupo sa upuan.
"A-anong plano?"
"Morie." Si Eliza, hinawakan ako sa balikat, "Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mo ng plano." Hindi ko rin alam kung bakit kinilabutan ako ng bahagya syang ngumiti at tila umamo ang mukha, "You just have to close your eyes, breathe, and let go."
Pinalis ko ang kamay niya sa balikat ko,
"Once you let it go, open your eyes and you'll see what happen." Gusto ko siyang pahintuin sa mga sinasabi niya, "The truth is... Morie... The future is not ours to see."
"What irrational things are you saying, Eliza?" galit kong sabi sa kanya, humarap ako sa kakambal niya "Katulad ng sinabi mo Vince, may natitira pang paraan." Tumango siya sa sinabi ko, "We still have you, ibig sabihin makakagawa ka pa ng clones nating lahat." This time sa kanila naman ako humarap "Makakatakas pa tayo, guys. Gagawa si Vince ng imitations natin, katulad ng ginawa noon sa MIP. Mahihirapan silang maidentify kung sino ang totoo kaya it'll buy time for us na makatakbo sa kagubatan." I am determined not to lose, kung nauubusan na ng reasonable options si Eliza, pwes ako hindi, I'll do anything even though it'll sound irrational.
"Okay, nakuha namin." Si Jing, "Kaya niyo pa bang tumakbo, Dean? Palm?"
"Kaya namin," dahil eventually nagamot na siya ni Palm, "pero hindi ko magagawang tumakbo ng kasing bilis ng kidlat." Sagot ni Dean.
"Prepare your clones, Vince." Utos ko. "Eliza, ilang oras bago sila papasok dito?"
"Twenty seconds. They're about to break in."
"Vince."
"Copy." Mabilis niyang nagawa yung utos ko, wala pang ten seconds nang mapuno niya halos yung sala ng clones naming lahat. I can't almost identify kung sino sa'min ang totoo sa hindi. Great, ewan ko lang kung hindi pa mawindang yung IADC, police, at media kapag nakita nila 'to.
"In ten seconds magdidisperse tayong lahat kapag nakapasok na sila. Narinig niyo ba?"
"Yes mam!" urgh, sabay-sabay sumagot yung clones ni Vince.
Nagbilang kami ng sari-sarili hanggang sampu. Pinakiramdaman namin ang buong paligid hanggang sa sabay-sabay na bumukas ang mga pintuan, nabasag ang mga bintana at narito na sila. Katulad ng binigay kong instructions sabay-sabay din kaming nagdisperse at halatang nasurpresa ang mga awtoridad. Palatandaan upang hindi kami magkahiwahiwalay, sa backdoor kami lumabas at dirediretsong tumakbo papuntang kagubatan.
Nagawa naming mapasok ang masukal na kakahuyan pero may ilang taga-IADC ang nakamataan sa'min kaya naman may mga kaunting humahabol sa'min sa likuran.
"Mauna na kayo," napahinto kami nang huminto si Jing.
"Ano? Bakit?" maang na tanong ni Vince habang pasan-pasan si Palm.
"I'll seal this way para hindi na sila makasunod sa'tin. Kaya mauna na kayo, si Eliza at Cloud na ang bahalang humanap sa'kin."
"Naloloko ka ba? Anong bahalang humanap sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Ahrg, Jill Morie, sumunod na lang kayo at madaming nasasayang na oras! Kayang-kaya ko mahanap ng dalawang yan! Alis na! Alis!" pagtataboy niya sa'min.
"Tara na, Jill. She can do it, trust her." Hinila na ko ni Cloud at nagsimula na kaming tumakbo palayo sa kinaroroonan niya. Nilingon ko si Jing, sinisimulan na niyang lagyan ng malalaking kahoy yung bawat pagitan ng puno nagsisilbing daanan.
Inalis ko yung kaba sa dibdib, dumiretso ulit ako ng tingin sa dinadaanan namin, hindi namin alam kung saan kami papunta.
Whatever will be, will be.
*****
[Jing Rosca]
Kaunti pa. Kaunti na lang hindi na talaga sila makakadaan sa ginawa kong paghaharang sa daanan. Bawat puwang ng mga magkakatabing puno inilagay ko yung mga pinagsama-samang mga bato at ilang kahoy, mga dahon, sanga, baging.
Okay na 'to. Hindi na makakadaan yung mga hinayupak na parak na 'yon. Inilagay ko ang pinakamalaking bato na nakita ko sa natitirang puwang, medyo umuga yung lupa nang ibagsak ko 'yon. In fairness, nahati ko nga yung dagat ito pa kayang mga puno? Pero iba yung lakas na pinaghuhugutan ko ngayon. Salamat sa batang 'yon.
Tumakbo na ko palayo para tuntunin sila Jill Morie. Kailangan ko na palang gumawa ng signal para malaman nila Eliza at Cloud na hinahanap ko sila. Napahinto ako, parang may kumaluskos kung saan. Pinakaramdaman ko yung paligid, puro huni ng ibon ang maririnig.
"Sino yan?!" sigaw ko. Malakas ang kutob ko na may iba pang tao. O di kaya—
Isang bumubulusok na apoy ang papunta sa kinaroroonan ko, kaagad akong nakaiwas at nagpagulung-gulong sa lupa, muntikan na kong matamaan! Punyeta! Sino yon?!
Tumayo ako "Lumabas kang hayop ka harapin mo 'ko!"
"Well." Mula sa matatayog na halaman sumulpot ang isang gaga na tinubuan ng tao—si Margaux. Hindi niya suot yung bilog niyang shades kaya kitang kita ko yung isang itim na sclera at pulang mata niya, sa kanya nanggaling yung kanina. "Long time no see."
"Alam mo bakit nga ba hindi kita pinatay non sa MIP." parang nagsisisi tuloy ako na hindi ko siya tinuluyang lagutan ng hininga, kung hindi lang nakiusap si Cloud, bakit sa dinamirami ng pwede niyang maging nanay eto pang demonyita na 'to.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at mula rin sa likuran ng matatayog na damo lumabas siya.
"Hi, Jinnie."
"Buhay ka pa pala," ewan ko, biglang kumabog yung dibdib ko, "Cairo."
"You know it's not too late, Jinnie. Pwede ka pa ring bumalik sa'min." inalok niya yung kamay niya.
"Tigilan mo na ko sa style mong bulok, Cairo!" hindi ako makapaniwala na pareho kaming nainlove ni Karen sa animal na 'to, pero hindi na ngayon! Manigas siya!
"Nasaan na ang mga kasama mo?" tanong ni Margaux.
"Hah! Asa kang sasabihin ko sa'yo." Pero alam kong pa-inosenteng tanong lang niya 'yon. Napaatras ako nang humakbang sila papalapit sa'kin. At sa likuran nila sumulpot ang apat pa na Peculiar galing MIP. Isa lang ang ibig sabihin nito. Inihanda ko yung sarili ko.
Hindi ko hahayaang makalapit sila kay Jill Morie. Gagawin ko ang lahat.
-xxx-
Jing Rosca (fictional character)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro