
/71/ Beyond the Perimeter
ILANG sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko. Pero dahil unti-unti na naman akong kinakain ng kuryosidad, naramdaman ko na lang yung sarili ko na lumalapit sa lamesa kung saan nakalagay sa ibabaw nito ang isang kahon.
'Jill's Secret' ang nakasulat sa isang puting papel na nakadikit sa harapan ng kahon. What an irony, I do have a secret but I do not even know what it is.
Open me, tila ang sinasabi ng kahon. I remember Alice, who found a curious bottle telling her to drink it, and now, feeling ko ako ngayon si Alice—pero wala nga lang ako sa Wonderland. After all these years ngayon ko lang natagpuan ang kahon na ito na naglalaman daw ng lihim ko, lihim na inilihim sa'kin sa matagal na panahon.
And so, para sa ikatatahimik ng aking kalooban binuksan ko ang kahon ng walang pag-aalinlangan. Hindi pa ko nakuntento dahil itinaob ko yung kahon at itinaktak lahat ng laman nito kaya nagkalat tuloy sa lamesa kung ano man yung nasa loob nito. Unang una kong napansin ang isang lumang vinyl o plaka, may nakaimprentang 'Que Sera Sera', familiar dahil alam ko isa 'yong kanta.
Pangalawang tumawag ng atensyon ko ang isang lumang photo album, binuksan ko 'yon at nakita ang mga larawan ng isang batang babae. Kung hindi ko pa nakita sa pinakaibaba ang nakasulat na pangalan kung sino 'yon hindi ko maiisip na ako pala ang bata na nasa mga larawan. Tiningnan ko ang mga larawan at nagtataka ako... Nagtataka ako dahil wala akong maalala ni isa sa mga pangyayaring ito.
From infancy up to childhood, I tried to find an old memory from this photos pero wala talaga. We went to the zoo, to amusement parks, and so on. Ako ba talaga ang batang 'to? Bakit ngayon ko lang naisip na wala akong maalala na kahit ano tungkol sa kabataan ko. Pakiramdam ko tuloy kalahati ng buhay ko ang nawawala dahil wala akong maalala, meron man ngunit iilan lang.
May isang maliit na kahon, binuksan ko yun to found out na mga baraha ang laman nito, puro shapes at guhit yung nasa baraha, paulit-ulit lang at hindi ko alam kung anong klaseng playing card ba 'to.
Nag-eexpect ako ng journal or any written documents na siyang magbubunyag ng sinasabing lihim ko, pero wala kahit isang kapiranggot na papel—wala. Pero alin dito? Alin dito ang sinasabing sikreto ko? Si dad ba ang may pakana ng lahat ng 'to?
Akala ko wala ng laman yung kahon nang makita ko ang pinakahuling bagay na nasa mesa—isang flashdrive.
*****
IT feels like the key is in my hands and now I had to open the so called 'secret'. Bumalik ako sa common room but to found out na tulog silang lima, sila Cloud, Dean, Eliza, Vicente at Palm, kanya-kanya silang pwesto at nakatulugan 'ata ang paglalaro ng kung anu-anong board games. Hindi ko na sila iistorbohin pa kaya binalikan ko si Jing sa balcony.
Papalapit pa lang ako sa kinaroroonan ni Jing nang makita ko siyang nakaupo habang yakap-yakap ang sarili, namamaluktot, at mukhang kailangan niya munang mapag-isa matapos niyang ikwento sa'min ang tungkol sa nakaraan at pagkatao niya, hawak pa rin ni Jing yung journal na pinabasa ko sa kanya. That's it, she needs space.
Weird pero mukhang sinasadya na kailangan kong alamin mag-isa kung ano ang nakapaloob sa USB na 'to. Wala akong ibang magagawa. Pumunta ulit ako sa office ni dad dahil luckily meron doong personal computer. Umupo ako sa swindle chair at binuksan ang power ng computer na halatang matagal ng nilipasan ng panahon dahil sa luma nitong unit.
I carefully inserted the flashdrive, may nagpop-up sa screen at pinindot ko ang open files. Puro video clips yung nakita ko. Bigla akong nag-alangan na buksan ang isa roon...pero wala na, kailangan kong malaman kung anong sikreto ba 'to. Pinindot ko yung pinakaunang clip at sinimulang panuorin yung mga videos. Sa umpisa, katulad ng mga alaala na nakita ko sa photo albums, ang kabataan ko na hindi ko na maalala. Pero habang pinapanood ko 'to, somehow nareregain yung memory na matagal na nawala sa utak ko. I don't like this feeling though.
Nagbago ang eksena ng mapalitan yung clip. Napunta sa isang pamilyar na bakuran, sa bakuran ng manor namin to be exact. Tumutugtog sa background ang isang pamilyar na kanta, 'When I was just a little girl, I ask my mother what will I be?' Que Sera Sera. Naroon sa isang duyan ang isang batang babae, katabi ang isang babae. Walang iba kundi ako at si mommy Julia.
'Will I be pretty? Will I be rich? Here's what she said to me' at parang may sumundot ulit sa utak ko at para bang sinasabing ito ang paboritong kanta ko noon. 'Que Sera Sera, whatever will be, will be. The future's not ours to see. Que Sera Sera.' I paused the clip and closed my eyes for a while. May naalala rin ako sa kantang yan...two years ago after kong makuha angk matang 'to... Ang aksidente. Biglang pinaalala ng kantang yan sa'kin lahat-lahat ng nakaraan, mga hinaharap na hindi napigilan. I don't know why...Memories began to flash even though I closed my eyes... hIndi ko alam kung bakit.
Inilipat ko sa next clip, I can't stand it...because...
"Jill. It's your turn." Sa sumunod na clip, nakasteady lang yung camera dahil nakapatong ito sa table, kita yung isang grupo ng mga bata na nakapalibot sa isang mesa, hindi ko nakita kung sino yung nagsalita. Pero sa video na 'to nakita ko ang sarili ko among the children... na Peculiar? "Huhulaan mo kung anong shape ng card na hawak ko? Okay?"
"Yes, dad."
"Okay, here's the first one. Anong shape ang hawak ko?"
"Circle!"
"Very good!" Nagpalakpakan yung mga bata nang sabihing tama yung sagot ko.
"Ang galing naman po ni Jill, kanina pa siya nakakaperfect!" Pero teka... Ito ba yung dating research facility ni dad? Yung facility na para sa mga Peculiar na pinag-aralan niya? Bakit ako kasama? At bakit nakaperfect ako sa 'test' na 'yon? Does that mean...na Peculiar ako?
"Kids, listen, may pupuntahan lang ako sa kabilang department, magbehave kayo ha, sandali lang ako."
"Okay po, Tito Richard." Chorus na sagot ng mga bata. Rinig sa background na naglakad palabas si dad hanggang sa maiwan yung mga bata kabilang ako sa kwarto na 'yon. Maya-maya nagsimulang lumikha ng komosyon ang isang bata ng palutangin niya sa ere yung mga baraha na ginamit kanina.
"Kaya niyo yan?" mayabang na saad ng batang lalaki na nagpalutang sa mga baraha. Namangha ang ilan maliban sa'kin na tahimik lang na nagmamantyag sa ginagawa ng bata. "Ikaw Jill, kaya mo ba 'to?"
The little Jill didn't answer, but seconds later bigla na lang din lumutang sa ere yung baraha na nasa harapan niya katulad ng ginawa ng batang lalaki na nagyayabang.
"Jill! Paano mo nagawa yan?" mas umingay ang mga bata sa ginawa ng batang si Jill pero tahimik lang siya habang nakatingin sa isang baraha.
"Eto, di 'to kaya ni Jill." May isa pang batang lalaki ang nagpakitang gilas, mula sa munting palad nito ay lumabas ang apoy, kapangyarihan na katulad ng kay Finnix, Pyrokinesis. But again, little Jill didn't answer, but she glared at the cards and fire suddenly appeared. The next thing happened, nagkagulo ang mga bata at biglang natapos yung clip.
What the hell did I just watched? Pinangangahulugan ba ng video na 'yon na isa talaga kong Peculiar? I can move things and I can start fire? I can even read minds! But how? In my entire life wala akong naalalang nagawa ko yon. Maliban nitong kasalukuyan na nagawa ko ang ilang Peculiar na kakayahan... Tama talaga si Eliza, I am Peculiar even without my sister's eyes, the Culomus.
I brushed off my hair out of confusion. Ito na ba yon? Ito na ba yung sinasabing sikreto? Tiningnan ko yung screen at nakitang may nag-iisa na lang akong clip na hindi nabubuksan. I took a deep breath first bago ko yon i-double click.
Sa umpisa black screen at nagulat ako nang makita ko na lang si dad na kaharap ko sa monitor. Nakatingin siya sa camera as if na nakikita niya talaga ko. Then...nagsimula siyang magsalita.
"Sa totoo lang..." My. Ang tagal ko na ring hindi naririnig ang boses niya, "...I don't know where to begin." He shyly smiled at the camera na siyang kinailang ko, matagal ko na rin kasing hindi nakikita na nakangiti si dad. "Merry Christmas, Jill." Napahinto ako nang sabihin niya yon, how? Then he chuckled, "I know it's crazy, hindi ko alam kung anong panahon mo dyan kung pinapanood mo 'to. Isang taon ka na naming hindi nakakasama sa Pasko, my daughter. At alam ko masama pa rin ang loob mo tungkol sa step mom mo at kay Lily." So ibig sabihin a year after kong maglayas kinuhanan yung video na 'to?
"I am not even sure kung kailan mo 'to mapapanood pero if that day comes alam kong you've been through a lot...because of me. I know I'm not a good father, Jill... Marami akong pagkukulang at pagkakamali na ginawa sa'yo." Nagsimulang manginig ang ilang parte ng kalooban ko sa hindi maipaliwanag na dahilan, "Nakita mo ba sa box yung vinyl? Que Sera Sera, I'll never forget that song dahil paborito 'yan ng mommy mo...at paborito mo rin, the both of you would always sing that together whenever the song played. Nakita mo rin ba yung photographs sa album? Ang dami nating pinuntahan na lugar noon, parks, zoo, picnic grove... And I know... you can't remember it at all..."
"I am sorry for taking all those memories away from you, Jill. I have to do it in order to conceal your powers." Guilt was all over his face and I can't help it but grip my hands, "You are a very special child, Jill. You're too powerful, to think na you can adopt any forms of powers from the Peculiars surrounds you. As a father, nang malaman ko na katulad ka ng mga batang pinag-aaralan ko, natakot ako kaya ko ginawa 'yon. Pero sadyang mabilis umikot ang balik ng universe, Jill. Today, you're suffering because of your eyes. At sa takot ko ulit na kuhanin ka ng Memoire, nagvolunteer ako na isali ka sa research ng Helexia para hindi nila mapaghinalaan na nasa'yo ang kayamanan na hinahanap nila."
"I am coward to face you now, Jill and I am so sorry." tears flowed down from his eyes, "I am even sorrier dahil mukhang malabo mong mapanood 'to at malaman kung ano ang mga isinikreto ko sa'yo. After losing your mom, natakot ako na mawala ka rin. I want you to know, I never stop loving your mother, Jill. I also want you to understand that I did those terrible things just to protect you. Even if you'd hate me, it's fine...as long as I can protect you." It's too late to realize that I'm sobbing the same as him, "I love you."
The video ended but I can't stop crying.
*****
HINDI ko namalayan na nakatulugan ko na yung pag-iyak, nagising ako at nandito pa rin ako sa office ni dad. Nasulyapan ko yung wall clock at nakitang mag-aalasotso na ng umaga. Wait, may usapan kami na maagang maaga kaming gigising, bakit walang gumising sa'kin?
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng opisina ni dad, ramdam ko pa rin yung namumugto kong mata dahil sa pag-iyak kaninang madaling araw, medyo mabigat pa yung ulo ko. Papunta pa lang ako ng common room nang mapansin ko ang biglang kakaibang aura na bumabalot sa paligid. Sa sobrang tahimik tanging mga huni ng ibon ang maririnig mula sa labas.
"Cloud?" di ko maiwasang tumawag upang makasiguro at nag-aalangan ako sa katahimikan. Pero walang sumasagot, "Eliza?"
Malapit na ko sa pintuan papuntang common room. Biglang kumabog nang malakas yung dibdib ko nang may humawak sa braso ko at higitin bigla iyon.
"Uncle Julius?" gulat na gulat kong sabi nang makita siya.
"Sshhh... Wag kang mag-aalala, ililigtas ka namin." Mahinang sabi niya habang may hawak-hawak siyang baril. Tuluyan nang nilamon ang dibdib ko ng kaba, anong ginagawa ni uncle dito? Isa siyang agent ng IADC at hindi maganda ang kutob ko.
"Pero uncle—"
"Hawak ko na siya, she's fine." Pero nakatuon yung atensyo niya sa Bluetooth headset niya. "Na-capture na namin yung lima sa kanila, pero may hindi pa kami nahuhuli na isa." Nacapture? No!
"S-sinong nahuli niyo, uncle?" tanong ko. Hindi siya sumagot at pumasok siya sa loob ng common room, sumunod ako sa kanya at nakita ko roon sila Eliza, Vicente, Dean, Palm at Cloud, being held as captives. May lima ring agent na nagbabantay bawat isa sa kanila. How? Paano nangyari? Tiningnan ko sila as if naghihintay ako ng paliwanag pero walang kumibo.
"Ilabas niyo na silang lima." Utos ni Uncle.
"Yes sir."
"Uncle, please, hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari—"
"Come on, Jillianne." Putol niya sa'kin, "Go, ilabas niyo na sila." Papunta pa lang sila sa pintuan nang sumara 'yon bigla.
"Buksan niyo yung pinto." Utos ni Uncle pero kahit anong gawin nilang bukas sa pinto ay hindi ito bumubukas.
"Ayaw po, sir."
"Drop your weapons, or else." Lahat kami napatingin sa pinanggalingan ng boses, nakatingala kaming lahat sa kanya dahil nasa second floor siya ng common room, nakatingin sa'min sa ibaba. Tinutukan siya ng baril ni uncle pati ng agents nito. "Aba at matigas ang ulo niyo." Walang kahirap hirap na nawala sa mga kamay nila yung mga baril. "Follow my instructions kung ayaw niyong iputok ko sa inyo yang mga baril."
Itinali sila ni Dean, sinira ni Jing yung mga baril nila atsaka namin sila iniwan sa common room. Sa labas, tsaka kami nag-usap lahat.
"What the hell happened?" tanong ko kila Cloud at katulad ko isinagot nila na nahuli sila ng gising kaya hindi nila namalayan ang pagdating ng mga pulis. Eliza said they were gassed kaya napahimbing lalo yung tulog nila, I can't believe it, hindi niya naramdaman na may mga paparating dahil sa lalim ng tulog niya? I can't blame her dahil alam kong pagod din siya. But shit, this is shit, muntik na kaming macorner.
Sinabi ko kay Dean na ihanda ang sasakyan at kailangan na naming makatakas as soon as possible. Pero...
"It's too late, Jill." Sabi ni Eliza. "We're being surrounded by the police." This time kitang kita ko ang distress at pag-aalala sa mukha niya.
Lumapit ako sa bintana at dahan-dahang sumilip doon at nakita ang tila isang batalyon ng mga pulis na nakapalibot at nakatutok ang mga baril. Napapalibutan nila kaming lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro