Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/69/ Conspiracy Woods

I know that I can't take back what I've said. Lahat sila nakatutok ang tingin sa'kin pagkasabi kong alam ko kung sino ang traydor na kasama namin ngayon. It was an instinct, sounds irrational pero may nag-udyok sa'kin na sabihin na alam ko kahit na sa totoo lang ayokong isipin na mayroong traydor—na naman.

"Morie?" tawag ni Dean sa pangalan ko nang mapansing nakatulala lang ako sa kawalan. "Alam mo kung sino?" kakasabi ko lang, Dean. It was easy. Kung tutuusin madali lang hulaan ang tanong sa laro ni Cloud. Nakita kong lumapit si Jing sa kinaroroonan ko, this time mahinahon na siya at blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Sino?" tanong niya, tila pagud na pagod na sa mga nangyayari, wag kang mag-alala, Jing, hindi ka nag-iisa "Sino, Jill Morie?"

"Ikaw." Sumunod na namayani ang katahimikan. Ilang segundo kaming nagtitigan, I'm expecting that she'll burst into madness or what pero nanatili lang siyang blangko.

"Yung totoo, Jill Morie, anong kaputahan ang sinasabi mo?" kalmado, hindi galit, naguguluhan siya alam ko. Sorry Jing, ikaw muna ang traydor ngayon. Sinilip ko si Eliza at Cloud, nakatingin lang sila sa'min katulad ng iba.

"Are you serious, Morie?" tanong ni Vince, "This old hag?" turo niya pa.

"Old hag?" hinarap ni Jing si Vince, tila mas napikon pa sa sinabi nito kaysa sa sinabi ko, "Bawiin mo yung sinabi mo kung ayaw mong hatiin ko yang bungo mo." Natakot naman si Vince dahil sumiksik siya sa kakambal.

"Wag ka na magmaang-maangan, Jing." Sabi ko at dinuro siya, "Ikaw ang traydor." Hinawi niya yung kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon.

"Tangina na naman, anong ako?!" mukang napatid na yung pisi ng pasensya niya dahil nagsimula na siyang magalit, "Ako? Traydor?! Putangina na naman!"

"Nasasaktan ako, Jing." Dahil sa higpit ng pagkakahawak niya, tumayo si Pascal at tinulungang tanggalin ang kamay ni Jing sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Tama na yan." saway pa ni Finnix. "Hindi makakatulong kung magagalit ka, Jing."

"Hindi makakatulong?! Eh ginagago niyo 'kong lahat eh!" sigaw niya, sa tindi ng impact ng emosyon ni Jing naramdaman namin na umuga yung mga bintana ng minibus, parang mababasag anumang oras.

"Jing... bakit mo nagawa 'yon." Nagsalita na si Palm, bakas ang hinanakit sa tinig, but Jing just rolled her eyes at halatang bwisit na bwisit na sa'ming lahat.

"Dean, find a rope." Utos ko na kaagad naman niyang sinunod. "We need to tie her, hindi natin siya pwedeng hayaang makatakas." Maya-maya pa'y matapos niyang halughugin yung likuran ay bumalik siya at may dalang packaging tape.

"Walang lubid, Morie, ito lang ang nakita kong pwede."

"Pwede na yan." Sabi ko, at sa isang iglap, wala pang halos isang segundo ay nagawang ikutan ni Dean si Jing, ngayon hindi na niya magagalaw yung dalawa niyang kamay dahil inubos ata ni Dean yung makapal na tape.

"Just...Just what the fuck! Alam niyo na kayang-kaya kong kumawala sa packaging tape na 'to!"

"If that's so you're a traitor then." Natahimik siya sa sinabi ko, hindi na pumalag. "Finnix, Pascal, guard her." Utos ko at kaagad na sumunod yung dalawa, hinila nila si Jing at pinaupo atsaka nila magkabilang tinabihan. Nakita ko si Otis sa unahan, nakatingin sa rear-view mirror, dahil nga medyo nasira yung maskara niya nasilip ko yung mata niya, it feels weird though dahil never ko pa siyang narinig magsalita at never ko pang nakita ang itsura niya behind that mask, well everybody never did. Tumingin naman ako sa iba ko pang mga kasama na tahimik lang na nakaupo sa mga pwesto nila. Si Cloud na nakapangalumbaba habang tinatanaw ang labas, si Eliza na nakadekwatro habang nakasandal sa kanya yung kakambal, si Palm na tinabihan na ni Dean para maalalayan. Pumunta ko sa pinakadulo at doon pumwesto.

I face-palmed and sighed, we just lost two comrades and then now there's a traitor. Tiningnan ko yung labas, tuluyan nang nilamon ng dilim ang liwanag kaya hindi ko na alam kung anong lugar na 'yung tinatahak namin. I already anticipated this, na hindi pa rin magwawakas ang lahat kahit na nakatakas kami ng Mnemosyne Institute. Again I asked myself...what now? Where are we really going? What are exactly we fighting for? Iisa lang ba talaga kami ng pinaglalaban? O hindi?

"I suggest na magstopover muna tayo for a while." Sabi ko sa kanila, malayu-layo na rin yung natakbo namin mula San Carlos.

"Stopover? Bakit?" tanong ni Finnix.

"The enemies are tracking us down." Tumingin ako sa kinaroroonan ni Jing, "If we go beyond further malaki ang possibilities na ma-corner nila ulit tayo katulad ng nangyari sa gasoline station. We don't know when and where they will attack."

"Iyon nga, Jill, paano kung umatake sila habang nakahinto tayo sa isang lugar?" tanong naman ni Dean.

"It's simple; we'll face them right away. Besides, iyon naman talaga ang 'dead-end' natin, wala tayong choice kundi harapin sila." I had a plan. Right now hindi muna ko pwedeng umasa kay Eliza. The 'king piece' needs to make a move this time, especially if it's already checkmate.

The enemy is nearer than I thought.

"Seryoso k a ba, Morie?" tanong ni Vince atsaka bumaling sa kakambal na si Eliza, "Hey, what do you think?"

"Kung iyon ang desisyon ni Morie." Sabi nito sabay halukipkip, "I'm not the leader anyway." Dagdag pa ni Eliza at sinadyang tumingin kay Jing. Does she imply na ako ang leader dito?

Then they all agreed, walang kumontra, kahit si Jing. Sumilip ako sa bintana at nalaman ko na nasa loob na kami ng kakahuyan, niliko kasi kanina ni Otis yung sasakyan, we got off from the main road. Ipinarada yung sasakyan sa isang gilid atsaka kami bumaba lahat bitbit yung mga supplies. Sila Finnix and Pascal pa rin yung naggagwardya kay Jing.

We're in the middle of the woods, a perfect place to hide, pero sa sitwasyon ngayon mukhang imposible ang pagtatago. Gumawa si Dean ng apoy, at pumalibot kami roon. Iginapos si Jing sa isang puno di kalayuan gamit ang mga baging na kinuha nila.

"Come on, hanggang kailan niyo ko tatratuhin na parang preso?" Narinig namin si Jing habang kumakain kaming lahat. Hindi namin siya pinansin. "Nakikisakay na lang ako sa trip niyo kaya hindi ako pumapalag dito. Ano ba!"

"Tumahimik ka nga, ale." sabi ni Vince na parang nang-aasar habang nilalantakan yung pork and beans na de lata. .

"Gusto mo bang hatiin ko talaga yang bungo mo?!"

"Jing, just shut up." Utos ko.

"So, ano na Morie? Hihintayin nating sumulpot dito yung Memoire?" tanong ni Dean, nagsimula ng diskusyon. "Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makatakas tayo sa MIP, hindi ba't crucial na yung sitwasyon natin ngayon?"

"Kung tutuusin, utang na loob kay Seraphina ang pagligtas sa San Carlos, kung hindi dahil sa kanya siguradong burado na sa mapa ang bayan na 'yon." Si Palm.

"Well, pwede pang maulit ang pangyayaring 'yon, kahit saan, kahit kailan." Sabi naman ni Eliza, "Pero kung mauulit man ang ganong pangyayari, hindi na natin magagawa pang ibalik ulit ang oras." Dahil nga wala na si Seraphina, "As long as we're all standing, hindi sila titigil."

"Ano ng dapat nating gawin?" tanong ni Pascal, "Sa totoo lang nalulungkot pa rin ako sa nangyari kanina."

"Saan na tayo pupunta sa susunod? Sa Sentral city?" si Finnix, "Alam niyo nararamdaman ko na hindi magandang idea na pumunta pa ron."

"Why do you think so?"

"Mas maraming Memoire ang nagkukubli sa siyudad, Jill." Simpleng sagot ni Finnix sa tanong ko.

Sa huli wala rin kaming matinong napag-usapan at natulala lang sa apoy na nagliliyab sa gitna. Yung tunog na tinutupok na apoy, kasabay ng mga kuliglig lang ang naririnig sa buong paligid. Maya-maya'y narinig naming humuhuni ng isang himig si Palm, hindi ko maiwasang antukin nang marinig ko yung himig niya pero parang gumagaan yung kalooban ko. Ah, I almost forgot that she's an empathic healer too.

"Thanks, Palm." Narinig ko pang bulong ni Vince hanggang sa makatulog siya sa lap ng kakambal. Napipikit-pikit na 'ko nang marinig ko yung sigaw ni Pascal.

"Si Jing!" lahat kami nagbalik sa sarili at nakita na nakakawala si Jing sa punong pinaggapusan niya, "Nakatakas!" hindi namin siya makita kahit saan, napatayo kami sa mga kinauupuan namin at lumapit sa punong 'yon. Sabi ko nga, kayang-kaya naman talaga ni Jing kumawala sa pagkakagapos, saan naman kaya siya pumunta?

"Kailangan natin siyang mahanap kaagad." Sabi ni Finnix. "Pano na, Jill?"

"Tama ka, Finnix. We have to find her. Let's split." May narinig kaming tunog ng pagaspas ng mga dahon ng puno di kalayuan, nakuha 'yon ng atensyon naming lahat. "Finnix, Dean, Palm, sumama kayo sa'kin. Kayo naman, puntahan niyo yung direksyon na pinanggalingan ng tunog na 'yon." Wala kaming inaksayang oras at kaagad kaming kumilos.

Sa pangunguna ko, sumusunod lang sa likuran ko sila Finnix. Nakatingin ako sa lupa habang naglalakad, habang sinusundan ang bawat trace ng punit na tape. Nang masiguro kong malayo na kami mula sa pinanggalingan namin kanina, tumigil ako sa paglalakad.

"She's here." Sabi ko. Ubos na kasi yung sinusundan kong traces kaya sigurado ako na nandito lang siya. "Jing! Lumabas ka na!" pero walang sumagot.

"Mukhang wala rito si Jing mabuti pa puntahan na lang natin sila Otis." Sabi ni Finnix.

"Dean."

"Bakit, Morie?" nagtatakang tanong ni Dean habang pasan-pasan sa likod si Palm.

"Hindi ka ba nagtataka..."

"Nagtatakang?"

"Nagtataka kung bakit ikaw ang pinagawa ko ng apoy?" humarap ako sa kanilang tatlo, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit kayo yung pinasunod ko sa'kin?" Mukhang napaisip si Dean dahil hindi na siya sumagot.

"Bakit mo nagawa 'yon?" sa pagkakataong 'to humarap ako sa kanya, "Finnix."

"Nagawa ang alin?" tanong niya, kitang-kita na naguguluhan siya sa sinabi ko.

"Tama na ang pagpapanggap, Finnix. Alam mo at alam ko na ikaw, kayo nila Otis at Pascal ang totoong traydor." Nakita ko na napaatras si Dean.

Marahang natawa si Finnix at halatang hindi nagustuhan 'yong sinabi ko, "Ano bang sinasabi mo, Jill, kanina lang si Jing ang tinuro mo, ngayon kami naman? Hindi mo ba nakita't narinig kanina, inatake kami ng Memoire—"

"Enough." Putol ko sa sinasabi niya, "Hindi pa ba sapat sa'yo na wala na si Cecilia at Seraphina?"

"At paano mo nasabi na ako o kami ang traydor ngayon ha, Jill! Baka nakakalimutan mo na nagsakripisyo rin kami para makatakas lang sa MIP, at ang San Carlos, alam mo na iyon ang bayan na pinanggalingan ko, ang bayan na—"

"Muntik mo ng gawing abo." Ako ang nagtuloy sa sasabihin niya, "That's the point Finnix. Akala ko noong nakita ko yung inner fear mo sa illusion na ginawa ni Magnus nagsisisi ka na ginawa mo 'yon sa San Carlos but it's not. In the first place gusto mo na talagang gawing abo ang lugar na pinagmulan mo, right?" natameme siya, "Seraphina and Cecilia gave me a hint. They were sorry for the second time...for the second time na kasama sila sa pagtatraydor sa'kin."

"At base sa ikinilos mo noong ibabalik ni Seraphina ang oras, pinigilan mo siya hindi dahil sa ayaw mo siyang mamatay, dahil ayaw mong mabalik sa dati ang San Carlos. You actually tried to kill Seraphina kaya nasurpresa ka nang makita siya. Pero si Cecilia...nagawa mo siyang mapatay."

"So." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, naging blangko, "Talagang alam mo na kung ano ang totoo." Sabi niya. "Wala na kong maitatanggi. Tama ka."

"When I realized those things, napaisip naman ako kung bakit, bakit niyo nagawa 'yon, bakit sa ikalawang pagkakataon muli niyong sinira ang tiwala ko. But one thing's I'm sure of, you're not under Margaux's command, ibang tao ang may utos sa inyo."

"Tama ka. Si Lord Cairo." Casual niyang sabi na animo'y okay na okay kaming nag-uusap, "Hanggang sa dulo magiging matapat kami sa paglilingkod sa kanya. Pinadala niya kami sa Bastille noong araw na 'yon para tulungan kayong makatakas."

"At pagkatapos?"

"At pagkatapos magagawa ko ng masira ng tuluyan ang San Carlos. Isang malaking katangahan ang pagtakas sa MIP, Jill. Kahit ang henyo na si Eliza, alam niya 'yon, alam niya ang katotohanan na hinding hindi kayo makakatakas. Kahit saan, kahit kailan hindi sila titigil."

"Wag mong ibahin ang usapan, Finnix, anong punto ng lahat ng 'to? Anong punto ng pakikipaglokohan niyo sa'min?"

Hindi siya nakasagot sa mga tanong na ibinato ko sa kanya. Iyon ang gusto kong malaman mula sa kanya, ano ang gusto nilang mangyari bukod sa ilang beses na pagsira ng tiwala na binibigay ko sa mga tao sa paligid ko. Na hindi pala lahat ng taong tumuturing sa'yong kaibigan na handa kang tulungan ay totoong makakapagkatiwalaan.

"Nag-aaksaya ka na lang ng oras dyan, Jill Morie." Mula sa kung saan ay sumulpot si Jing. "Simple lang naman ang sagot, loyalista sila dahil si Cairo ang tumulong sa kanila na dalhin sila sa MIP noon."

"Jing." Kaya ko nasabing siya yung traydor kanina dahil sa oras na binuking ko kaagad kung ano ang totoo malaki ang tsansa na ipahamak kaming lahat nila Finnix, lalo pa't si Otis ang nagmamaneho. Isa rin sa plano ko na magstop-over muna para sa komprontahan katulad ng nangyayari ngayon. Mabuti na lang dahil marunong sumakay si Jing, noon pa lang nasa sasakyan kami alam kong naisip na niya kung ano ang sinsasabi ni Cloud.

"Isa ka rin sa'min noon, Jing!" sigaw ni Finnix sa kanya, "Bakit ba mas pinipili mo ang taong 'to kaysa sa paglilingkod sa institusyon na tumanggap at kumupkop sa'yo!"

"Maaaring para sa'yo, ang Mnemosyne Institute ang lugar na kinbibilangan mo. Pero para sa'kin...isang lugar lang ang kinabibilangan ko—ang ampunan sa Sta. Helena." Nagulat din ako sa sinabi niya.

The next I knew, Finnix attacked. Pero mabilis si Jing, she dodged the fire, kinontrol niya yung mga vines sa puno at itinali siya. Dean helped, after niyang ibaba si Palm at ipinaalalay sa'kin. Nang hindi na makagalaw si Finnix, tumigil silang dalawa.

"Jing, kailangan nating balikan sila Cloud."may kutob kasi ako na katulad ng nangyari ngayon, nakompronta na nila Eliza sila Otis at Pascal. Ito naman talaga ang purpose kung bakit naisip kong mag stopover kaming lahat. Nakita ko na unti-unting nasusunog yung mga bangin na nakapulupot kay Finnix kaya nagmamadali kaming umalis para hanapin sila Cloud.

"Dean, mauna na kayo ni Palm sa sasakyan." Utos ko pero umangal silang dalawa.

"Pero, Morie."

"Palm, Dean, please." Wala silang nagawa pareho kundi sumunod, sa isang iglap nawala silang dalawa sa paningin namin. Kaming dalawa na lang ni Jing yung tumatakbo. Maya-maya nakarinig kami ng malakas na impact mula sa kinaroroonan ni Finnix, nakakawala na siya. Mas binilisan namin ni Jing yung pagtakbo.

"Don't look back!" sigaw ni Jing nang tangkain kong lumingon, "Just don't!" pero dahil hindi ko napigilan, paglingon ko nakita ko yung rumaragasang tila ipu-ipo ng apoy. Tinulak ako ni Jing kaya siya yung nakasalo ng apoy na 'yon.

"Jing!" nagpagulung-gulong siya sa lupa pero kaagad din siyang nakatayo para umatake sa apoy na si Finnix pala. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sila nagsagupaan, Finnix's hand is like a fire thrower na hindi na makontrol pa, on the other hand, Jing defend herself using her telekinesis. In the end si Jing pa rin ang naging dominant sa kanilang dalawa. Sa isang iglap nakita ko na lang na hindi na nakasayad sa lupa ang mga paa ni Finnix, sinasakal siya ni Jing sa ere, hindi sya makapalag.

"Itigil mo yan, Jing!" napatingin kami sa boses na bagong dating. Sila Pascal. "Bitawan mo si Finnix kung ayaw mong patayin namin silang tatlo." Banta niya. Sila Cloud, Eliza at Vince, may mga nakapulupot na ahas sa katawan nila na siguradong kontrolado ni P. Hindi nakasagot si Jing, pero hindi pa rin niya binibitawan si Finnix.

"Huwag, Jing." Kalmadong sabi ni Eliza kahit na may ahas na lumilingkis sa leeg niya.

"She's right, wag mong bibitawan si Finnix, these guys are traitor." Sinundan iyon ni Cloud.

"Hey, hey, we're a team right? Team Morie? Can we just stop this?" sabi naman ni Vince.

"Walang team Morie." Sagot ni Pascal, "Bibilang ako ng tatlo, Jing, kapag hindi mo siya binitawan, sabay-sabay silang makakatikim ng kamandag ng mga ahas."

"Ano ba talagang gusto niyo?" tanong ko sa kanila. Pagud na pagod na ko sa mga nangyayari, hindi ko na yata kaya, nakakasawang masaktan ng paulit-ulit.

"Ginagawa lang namin kung anong iniutos sa'min, Jill Morie." Sagot ni Pascal, "Lahat ng 'to parte lang ng trabaho namin sa Mnemosyne Institute."

"Alam ko 'yon, pero tinatanong ko kung ano ba talaga yung gusto niyong mangyari, Pascal? Sabihin niyo hindi 'yong pinaglololoko niyo kami."

"Hindi mo maiintindihan, Jill Morie." Sagot ni Pascal, humarap siya sa'kin.

"Paano ko maiintindihan kung hindi niyo sasabihin?!" ang bigat-bigat, pakiramdam ko sasabog na 'ko anumang oras. Maya-maya'y nakita namin na ibinaba na ni Jing si Finnix sa lupa.

"Whatever the reason is Pascal..." sabi ni Jing, nakayuko siya, dahan-dahang nag-angat ng tingin, "Tanungin niyo yung sarili niyo...kung sapat bang dahilan 'yon para patayin sila Seraphina at Cecilia." Hindi ako nililinlang ng paningin ko dahil nagbabadyang may pumatak na luha sa mata ni Jing, "Pero kung tutuusin, kahit ano pang dahilan 'yon...hinding hindi 'yon matutumbasan ng buhay nila."

"Jing..." sunud-sunod na pumatak yung luha sa pisngi niya.

"Gustuhin ko mang patayin kayong tatlo ngayong gabi," umiling si Jing atsaka mapaklang ngumiti, "Hindi pa rin naman maibabalik ang dati diba?" Muli, namayani ang katahimikan at kuliglig. Pare-pareho kaming natahimik dahil kay Jing.

Gumalaw yung mga ahas sa katawan nila, unti-unting umalis mula sa pagkakalingkis sa kanila. 'Di ko mabasa kung ano yung nasa isip nila Pascal at Otis, nakatingin lang sila kay Jing, si Finnix na nakasalampak sa lupa.

Kaagad na dumalo sa'kin si Cloud nang makakawala siya mula sa mga ahas, hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko, hinawakan ko rin 'yon pabalik, mas mahigpit.

"Umalis na kayo." Si Finnix. "Umalis na kayo, ngayon."

We didn't move.

"Mas mabuti nga siguro kung aalis kayo." Ngayon pinapaalis na lang nila kami basta-basta? Bakit ba hindi nila sabihin yung dahilan nila? Kung si Finnix gustong sirain ng tuluyan ang San Carlos, kung nagawa akong traydurin noon ni Jing dahil kay dad, ano ang dahilan ni Pascal at Otis?

"It's useless to stay here. They lost." Bumulong si Eliza na nasa tabi ko na rin pala. "Let's go." Nauna na sila ni Vince umalis, naiwan kami ni Cloud at Jing. Pero pagkaraa'y nagsimula nang maglakad si Jing paalis, nilagpasan niya kami ni Cloud kasunod sila Eliza. Naiwan pa rin sa ganong ayos sila Finnix, nakatingin sa kawalan.

"Jill." Nagulat ako nang tawagin ako ni Finnix noong papaalis na kami ni Cloud, "You won't ever forgive us, right?" for a moment hindi ako nakapagsalita dahil sa hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. I don't know if I could actually forgive him. Maybe I could, pero hindi ngayon, hindi ko alam kung kailan. Pero paano si Jing?

"Tara na, Jill." Hinila na 'ko ni Cloud kaya wala na kong magawa kundi tuluyan silang iwanan.


*****


'Please don't see just a boy caught up in dreams and fantasies, please see me reaching out for someone I can't see, take my hand let's see where we wake up tomorrow'

We're back on track. This time, ako, si Cloud na nagdadrive, katabi niya na nasa passenger's seat si Jing, ang kambal na sila Eliza at Vince, sila Palm at Dean, ang natitirang magkakasama.

'Best laid plans sometimes are just a one night stand, I'd be damned Cupid's demanding back his arrow'

On the go na ulit yung boombox ni Vince, but this time malumanay na kanta yung hinanap niya sa radyo, almost melodramatic, sakto lang sa mood naming lahat.

'So let's get drunk on our tears and God, tell us the reason youth is wasted on the young, It's hunting season and the lambs are on the run, searching for meaning'

Again, I asked myself... ano ba talagang ipinaglalaban namin? And is it really worth dying for?

'But are we all lost stars, trying to light up the dark?'

Nanatili lang kaming tahimik, hanggang sa matapos ang kanta, kung dati'y sumasabay pa sa paghimig sila Vince, Cloud at Jing, ngayon hindi na. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, baka sakaling sa pagkakataong 'to magawa kong makatulog...kahit na hindi mahimbing.

Kaso biglang tumunog ng malakas yung radyo ni Vince dahil hindi sinasadyang nalipat niya 'yon sa AM station pero kaagad niyang ibinalik sa FM.

"Vince, ilipat mo nga don sa isang station." Narinig ko yung boses ni Eliza.

"What? Bakit?"

"Naririnig mo ba yung sumisingit na signal sa station na 'yon?"

"No, hindi, wala akong super hearing like yours."

"Come on sundin mo na yung inuutos ko." narinig ko na nilipat-lipat ni Vince yung radio station pero hindi nahanap ni Eliza yung hinahanap niya, "Wala rito. I think nasa Amplitude Modulation yung narinig ko." ibinalik ni Vince sa AM station at inisa-isa nila yung bawat istasyon.

"May problema ba?" tanong ni Dean.

"Wala akong idea, Dean, ask my genius sister instead." Sagot ni Vince.

"Anong meron?" tanong ni Jing sumilip sa'min, basa pa yung pisngi, nakalimutan pa atang punasan.

"Wait." Pigil ni Eliza kay Vince, "Yan na ata 'yon." Lahat ng atensyon namin nasa radyo. "Pakinggan niyong mabuti. Lakasan mo yung volume." Low quality yung tunog pero nang marinig namin yung musical score alam naming news report iyon.

'As of eight thirty five pm, hindi pa rin po nahahanap ang nawawalang estudyante ng White Knights Academy...' natigilan ako sa narinig ko, '...Ang sinasabing estudyante ng paaralan ay anak ng isang propesor at doktor sa Sentral University, walang iba kundi si Jillianne Morie.'

"What the..." pare-pareho kaming nagulat.

'Ayon sa report mula sa IADC o Inter-Agency Defense Command agents na sina Diana Trevor at Julius Fajardo...' si uncle Julius? '...walong araw nang nawawala si Jillianne Morie magmula noong Night Out sa White Knights Academy, at sa kanilang pag-iimbestiga ay walang traces kung saan napunta ang bata.'

"So, hinahanap ka na pala sa buong Sentral city ngayon, Morie."

"Be quiet, Dean."

"Sorry, Eliza."

'Ngunit kani-kanina lamang ay nakatangap ang IADC ng special information tungkol sa kaso!' Bigla akong kinabahan sa sinasabi nitong news anchor. 'Sinasabi n report na naakidnap ang batang si Jillianne Morie ng apat na vigilante.' Apat? Vigilante? 'Nakumpirmado ang apat na vigilante na sina Jing Rosca, Elizabeth Macaraig, Vicente Macaraig, Dean Enclona at Palmera Dinoy'

"What?! Kinidnap natin si Jill?!" sigaw ni Vince, hindi makapaniwala.

"Pero bakit wala si Cloud?" tanong ni Palm.

"They're still protecting him, that's why."

'At ngayon po mga kabayan ay kasalukuyang tinutugis ng IADC pati na rin ng otoridad ang mga nasabing vigilante at para na rin mailigtas ang anak ni Dr.Richard Morie.' Pinatay ni Vince yung radyo. Saglit kaming natulala.

"How? Paano nangyari 'yon? Paano napalabas na kinidnap niyo 'ko?" sabi ko sa kanila.

"Ibang klase ang kapangyarihan at koneksyon na meron ang Memoire, Morie." Si Dean. Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan ang katotohanan na 'yon.

"Damn it. Dahil don mahihirapan tayo sa plano natin na i-expose sila." Saad naman ni Cloud.

"Tama si Cloud. Alam na nila kung anong susunod nating gagawin kaya nakipagugnayan na sila sa authorities." Saad ni Jing.

"That's not the problem, because this time we should expect na hindi lang Memoire ang makakasagupaan natin." Si Eliza.

"Ano ng dapat nating gawin? Tutuloy pa ba tayo sa Sentral?" tanong ni Palm.

"Oo." Sabi ko, "Tutuloy pa rin tayo kahit anong mangyari."

We can't go back now.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro