Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/64/ We are Peculiars

SA pagmulat ko ng mga mata, namalayan ko yung sarili ko na nakatayo sa loob ng isang itim na silid. Nasaan ako? Ang unang tanong na rumehistro sa isip ko. Sinubukan kong maglakad para tukuyin kung anong klaseng lugar 'to, sa sobrang tahimik ng paligid ay tanging mga yabag ko lang ang maririnig.

"Jill!" napaigtad ako sa narinig ko, isang boses at pagkatapos ay biglang dumami, "Jill!" boses ng mga humihingi ng tulong. Sa pagkakataong 'to ay na 'ko upang hanapin ang pinanggalingan ng boses, "Jill!" ngunit tila walang katapusan ang kadilimang tinatahak ko, palakas ng palakas ang alingawngaw ng mga boses. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at tumatagaktak ang pawis sa noo.

Napahinto ako at natulala bigla, parang nanigas ang buong katawan, pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. May mga poste...at bawat poste ay may mga taong nakagapos. S-sila Aya... ang mga kaibigan ko. Nakapiring ang mga mata nila habang humihingi ng saklolo sa'kin. Kailangan ko silang iligtas. Ang una kong naisip.

Pero kikilos pa lang ako para lumapit sa kanila nang may mga kadena na pumulupot sa mga binti ko na naggaling sa sahig. Kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala.

Maya-maya'y may lumabas na isang tao na nakaitim na balabal. Nagimbal ako sa sumunod nitong gumawa, humugot ng baril, ikinasa. Tila sinandya pa nito na tumingin sa direksyon ko habang naririnig ko ang palahaw ng mga kaibigan ko. Isa-isa nitong pinagbabaril sa puso ang mga nakagapos,, walang awang sunud-sunod nitong kinitil ang buhay nila. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero walang lumalabas na tinig mula sa lalamunan ko.

Kasabay ng pag-agos ng luha sa mga pisngi ko ang pag-agos ng mga sariwang dugo sa sahig, papunta sa direksyon ko, hanggang sa natatapakan ko na ang tila lawa ng dugo. Nagpupumiglas ako pero sa huli'y napasalampak ako sa sahig, kaagad akong lumuhod at tiningnan ang mga kamay kong punum puno ng dugo.

Kagimbal-gimbal, damang-dama ko ang kalaputan nito at malansang amoy. Nanginginig, nanlalamig, parang mauubusan ako ng hininga. Haharapin ko pa lang muli ang taong itim na balabal nang bumukas ang sahig at mula roo'y umahon ang pa ang apat na mga poste at may nakagapos mula roon. S-sila Ate Karen, si Cloud, si Jing at Morris. Mga nakabusal at walang malay.  Nanlaki yung mga mata ko nang maglabas ng isang mahabang espada ang taong nakabalabal,  mas lalong naghuhumiyaw ang puso ko nang mapagtanto ko kung anong gagawin niya nang pumwesto siya sa gilid ng mga 'to at itinaas sa ere ang espada na biglang humaba, pagkabagsak ng mga braso'y sabay-sabay gumulong sa sahig ang mga ulo nila.

Katulad ng pagsigaw ay kahit pagpikit ay hindi ko magawa, tumigil ang daloy ng mga luha sa pisngi ko at nanginginig sa takot ang buo kong katawan. Punum puno ng takot at walang ibang magawa.

Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na ang taong nakabalabal, ni wala man lang bakas ng dugo ang damit, dahan-dahan niyang tinanggal ang balabal na nasa ulo at nakita...ang sarili ko, nakangisi na parang isang demonyo.

Sinalubong ko ng tingin ang sarili ko.

"Nakita mo hindi ba?" nagsalita ito nang hindi bumubuka ang bibig, umaalingawngaw sa buong paligid "Lahat ng taong malalapit sa'yo—mamamatay."

Napagtanto ko bigla na... I am even scared in myself.

 "Dahil sa'yo...mamamatay silang lahat."

 "Hindi!" I gather all my strength to stand-up,buong lakas kumawala ako sa mga kadenang nakapulupot sa mga binti ko.  "H-hindi totoo ang lahat ng 'to."  Tama. Hindi 'to totoo. Ilusyon lamang ang lahat ng nangyayari, kailangan kong magising. In order to do that...kailangan harapin ko ang sarili ko. Kailangan kong harapin lahat ng takot, mga posibilidad na ikapapahamak ng iba para lang sa kapakanan ko.

I'm so tired of being afraid...and hopelessly losing. 

At ngayon, kaharap ko ang sarili ko, ang mismong nagpapahirap sa'kin sa loob ng mahabang panahon. This illusion...I have to break from it...but how?

'Ilusyon lang din ang pangontra sa ilusyon.' At parang bumulong sa tainga ko ang minsang sinabi ni Cecilia.

Lucidity.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagkonsentra, inisip ko na may lumabas na sandata sa mga kamay ko...at pagmulat ko nakita ko na lang ang espada na hawak-hawak ng kamay ko. Kitang-kita ko yung repleksyon ko sa espada.

Hinawakan ko yon ng dalawang kamay atsaka itinarak ang esapada—sa sarili ko.

"P-paanong?!" reality hits me, nakita ko si Magnus na hindi makapaniwala dahil sa di umano'y nagawa kong pagtakas sa nakamamatay niyang ilusyon. Tsaka ko naalala ang baril na inipit ko sa pagitan ng bewang at pantalon ko, hinugot ko yon atsaka binaril si Magnus. Napa-upo siya sa sahig habang hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Itigil mo na ang kahibangan na 'to, Magnus. Padaanin mo kami kung ayaw mong ibaon ko lahat sa'yo ng bala na natitira rito." Heartlessly, tinutok ko sa kanya yung baril at napakunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa.

"I can't believe it; you managed to escape from my nightmare," sabi nito. "Pwede ka ng mauna, Jill Morie, iwanan mo na sila." Tsaka ako tumingin sa mga kasama ko, si Eliza na nakatayo lang habang nakatulala sa kawalan, wala sa sarili, si Finnix na nakahandusay habang nakatakip ang braso sa ulo na parang takut na takot, at si Ate Karen na napaupo sa sahig habang tulala lang din. Lahat sila nasa ilalim pa rin ng bangungot na ilusyon ni Magnus. "Anong gagawin mo ngayon, hah!"

"Let them go!" itinutok ko ulit sa kanya yung baril na hawak ko. "Bibilang ako hanggang tatlo at hindi ako magdadalawang isip—"

"Patayin mo ko!" tumawa ulit si Magnus na mas lalong ikinagalit ko. "Nang mahulog sila sa habambuhay na bangungot! Ha!—" pinatamaan ko ulit siya ng bala, at sa pagkakataong to tuluyan siyang bumulagta sa sahig, naririnig ko pa rin na nagsasalita siya, buhay pa siya.

"Eliza!" kaagad kong tinapik-tapik si Eliza, pero hindi siya natitinag. Dinaluhan ko si Ate at niyugyog ang balikat niya, pero katulad ni Eliza wala rin siyang reaksyon.

"S-sabi ko...naman...sa'yo..J-jill Morie," napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni Magnus, pilit  na bumabangon. "K-kahit patayin mo k-ko...hindi na sila m-magigising pa..."

"Why don't you just let us go?!" sigaw ko sa kanya, umaasa na matatauhan siya at hahayaan kaming makatakas at magpatuloy sa mga plano namin.

"I...I...dedicated my l-life...serving...in this institution." Pero mukhang imposible dahil kahit 'ata sa hanggang sa huling hininga niya ay hindi siya susuway sa Memoire. "K-kaya asa ka, Jill," nakuha pa nitong tumawa, "Asa ka na hahayaan ko kayong makatakas. L-lord Cairo will be here soon."

Damn.  I have no choice, kailangan ko silang matulungan or else maaabutan kami ni Cairo. Pero paano ko sila matutulungan? I am sure that they're also dwelling in their inner fears, kaya ako nakatakas sa ilusyon ni Magnus kanina ay dahil nalabanan ko yung takot sa sarili ko. Hindi sila bibitawan ni Magnus hangga't hindi dumadating si Cairo. Hindi ko rin naman sila pwedeng  iwanan dito.

Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko na maaaring makatulong sa kanila...Katulad nang ginawa ko kanina. Because of lucidity, I am able to think clearly and became aware of the illusion, that's why...I am going to do lucid dreaming. Hindi ako literal na matutulog, I just need to focus and meditate para makatalon ako sa mga bangungot nila, I must wake them up.

Umupo rin ako sa sahig. Pumikit ako pagkatapos huminga ng malalim. I don't know how exactly to do this but it might work.

"Ano ng balak mo, Jill. Haha."

"Shut up."

"Concentrating huh."

"I said, shut up!"

Binalewala ko yung mga sinasabi ni Magnus, I let out a sigh and focused harder. I imagined myself, waking up inside their dreams. Naramdaman ko na lang na parang lumulutang yung katawan ko, wala akong marinig hanggang sa dinilat ko yung mga mata ko. Nasusunog ang buong paligid, may mga bahay na unti-unti natutupok, mga humihingi at sumisigaw ng saklolo.

This is Finnix's nightmare.

Nakita ko siya nakahiga sa damuhan habang tinatakpan ang mukha, nanginginig. Kaagad ko siyang dinaluhan.

"Finnix," tawag ko. "Finnix!" pero hindi siya natitinag, nanginginig lang siya sa takot.

"K-kasalanan ko...K-kasalanan ko..." paulit-ulit niyang sambit.

Kinuwelyuhan ko siya at pilit na binangon, nagulat nang bigla akong makita.

"Listen, we don't have much time for this shit, Finnix, overcome this fear because this is just a dream! Wake up!" biglang naging blangko ang paligid. That was fast, dahil bigla akong napunta sa kabilang panaginip. Nakita ko si Eliza, nakatayo lang at nakatulala. Hindi ko alam kung anong lugar 'to pero may malawak na dagat, nasa dalampasigan kami, lumapit ako sa kanya.

"Eliza." Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin, catatonic. I don't know what's this, hindi 'to bangungot, everything's in peace unlike mine and Finnix's.

"Morie?" bakas ang surpresa sa tinig. "What are you doing here?"

"This is a nightmare, Eliza. You need to wake up."

"I can't."

"Why?"

"I don't know, the sea...is hypnotizing me."

"Where's your brain, Eliza? You need to wake up." Mukang hindi pa rin siya kumbinsido, "Naghihintay sila Vicente," after hearing that name her face lightened na nagbigay pag-asa sa'kin.

"V-vicente?"

"Yes, your brother. Pati na rin sila Palm at Dean, naghihintay sila.", sabi ko. "Tatatakas tayo ng Mnemosyne Institute, we need you, Eliza, we can't go on without you."

"What should I do?" she innocently asked.

Muka talagang nasa ilalim siya ng panaginip, it's barely real for her, "You must wake up." Inemphasize ko yung salitang wake up para maintindihan niya.

"Wake up? How?"

Huminga muna ng malalim bago magsalita, "Think of it, this is bizarre, surreal. Just...just think, for heaven's sake, wake up!" bigla ulit nagdilim katulad kanina. I don't know if this is working, ang mahalaga nagagawa kong makapasok sa mga panaginip nila even though I don't know how exactly I did it—meditating to lucid dreaming.

The next thing I saw, sa isang picnic grove. Si Ate Karen tinatanaw di kalayuan ang mag-ama, si Cairo at ang anak nila na masayang naglalaro. Bakas din sa mukha niya ang kuntentong kaligayahan. Kaagad ko siyang nilapitan. "Ate—"

"Jill." Not even surprised, she offered me to sit down and relax. This is bad, mahihirapan akong gisingin siya. This is not a nightmare; this is what my sister's utmost desire, to be with her family. Magnus surely knew how to put a death trap well.

"Ate, you need to wake up. This is not real, this is—"

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Jill." It felt like...my heart's broken. I hate to see her the way like this...desperately clinging to an illusion... This way she's happy, kahit na hindi totoo, she knew inside her heart but eventually denied and believed that this is real, refused to accept the reality that she won't see her daughter ever.

Ang sakit. Ang sakit-sakit para sa kalagayan niya.

"Hindi ko maiintindihan kung gaano kasakit pero...hindi totoo ang lahat ng 'to. Alam kong alam mo, Ate Karen." Sabi ko, nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Wake up."

"No!" she scowled, "I'm staying."

"You know you can't stay. Wala kang ibang choice, kundi gumising." Sabi ko, "All of us hated waking up in reality, because it sucks, right?" Hinawakan ko siya sa kamay, "Let's go back." She shed a tear, sign na natatauhan na siya, "No matter how cruel life is, we must live." It went all blank again.

"Hindi!" boses ni Magnus ang nagpabalik sa sarili ko. Nakita ko siya, nanggagalaiti, hindi makapaniwala?  "P-paano mo n-nagawa?!" tumingin ako sa mga kasama ko, si Finnix nakatayo na ulit siya, ganon din si Ate Karen, si Eliza, nagbalik na sila sa realidad. "I-imposible!"

"Posible," sabi ko. "Nakita mo, hindi ba?" he's trying to cast his power again pero masyado na siyang nanghihina dahil nauubusan na siya ng dugo, "Just give up already for Christ's sake, Magnus."

Pero matigas siya, ginagalaw pa rin niya yung kamay niya at pilit na bumabangon, "Tara, let's tie him." Sabi ko.

"Thank you, Jill." Si Finnix, better than earlier. Sinundan iyon ng pasasalamat nila Eliza at Ate. Hindi ko na muna sila pinansin, hindi ko pa rin alam kung paano 'yon nagawa. I just tried.

Humanap kami ng tali, at iginapos si Magnus na unti-unti ng nauubusan ng dugo.

"Let's go," sabi ni Eliza, naglakad na kami palayo nang huminto at lumingon ako, we'll leaving him, alone and dying.  "Morie." Naghihintay na sila, at wala akong ibang magagawa, sumunod ako sa kanila. Maybe...this is his fate—no...this is the consequences.


*****


"PAANO mo nagawa 'yon kanina?" finally, my sister asked. Nasa library kami ng Sanctus, nagtatago, it was easy to sneak in dahil wala namang nagbabantay masyado bukod sa mga servants.

"Lucid dreaming." Tumango lang siya sa sagot ko, marahil ay pinag-iisipan ang mga nangyari sa loob ng ilusyon niya.

"I almost...gave in," halos pabulong niyang pagkakasabi."I honestly do not want to wake up." She gave a soft forced laugh.

"That was close though," si Eliza. "I just want to end this, kaya siguro gusto kong tumakas sa katotohanan ng realidad."

Natahimik kaming apat. "What are we going to do now?" tanong ko.

"Magpoproceed tayo sa plano, Finnix will start the fire," sagot ni Eliza na siyang ikinabigla ko. Ang buong akala ko pa naman magbabago yung isip niya matapos ang mga nangyari. "Wala tayong ibang choice, Finnix." Tumingin kami kay Finnix, nakita ko na nagkuyom yung dalawa niyang palad.

"Do you have any plan kung paano ieevacuate yung mga Peculiars?"

"Evacuate?" natatawa pang sabi ni Eliza kay Ate. "We don't have to dahil hindi 'yon ang pakay natin dito." So wala talagang balak si Eliza na iconsider ang buhay ng iba? How could she...

"I'm sorry," napatingin kami sa nagsalitang si Finnix. "Pero hindi ko talaga kayang gawin 'yon," humarap sakin si Finnix. "Nakita mo naman siguro kanina, Jill." Yung panaginip ba niya yung tinutukoy niya."Hindi ko hahayaang maulit ulit ang ginawa ko noon."

Kahit na hindi na niya ipaliwanag pa, naintindihan ko na kung anong ibig niyang sabihin. Probably in the past, Memoire ordered him to commit arson. Yung nakita ko sa loob ng ilusyon sa isip ni Finnix ang nakaraan na kinatatakutan niya.

No one speaks, and then I broke the silence. "We'll think of another way."

"Kailangan muna nating alamin kung nasaan sila Jinnie," sabi ng kapatid ko. "Pagkatapos doon tayo mag-isip ng paraan. Anong sa tingin mo, Eliza?" naghihintay kaming tatlo sa isasagot niya. Napaisip ako...bakit nga ba kailangan namin ng approval niya? Hell, tatlo kami, isa lang siya and she can't always decide for us.

"We're going, with or without your consent." Sabi ko.

Ngumisi si Eliza. "Since hindi ko pa nakikita sa personal silang tatlo, I can't trace them base on scent." Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag dahil mukang hindi na niya ipagpipilitan yung plano niya, "That's why pupunta tayo sa surveillance room." Tumango kaming tatlo.


*****


ISANG malaking advantage ang kapangyarihan ni Eliza, hindi kami nahuhuli dahil malakas yung pakiramdam niya, naiwasan namin yung mga ruta na may mga cameras, kabisado kasi ni Finnix kung saan 'yon nakalagay.

Nasa tapat na kami ng surveillance room na nakalocate sa first floor ng Sanctus, sinenyasan kami ni Eliza na huwag maingay dahil may isang nagbabantay sa loob nito. Sumenyas ako kay Finnix na siya yung bahala sa bantay pag pinasok namin yung loob.

Mahina akong bumilang bago buong lakas na sinipa ang pinto, nagulat yung  nagbabantay pero kaagad itong napatumba ng mga bolang apoy ni Finnix, nawalan ito ng malay.

Umupo si Eliza sa swivel chair, tiningnan namin yung mga monitor at napagtantong halos lahat ng Peculiar ay nasa amphitheatre.

"Paano natin sila mahahanap dito?" tanong ko, dahil ang dami nila at ang hirap matukoy kung nasaan sila Jing. May pinindot si Eliza na mga buton para mapunta lahat ng bawat anggulo ng amphitheatre sa mga monitor.

"Well, this is your idea, kayo ang humanap sa kanila," sagot niya. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya or what dahil hindi kami pumayag sa gusto niya. Wala kaming nagawa, hinanap namin sila sa mga monitor. "What are they doing?" tanong ko, dahil sa stage may isang babaeng nagpapiano. Nasa stage din sila Margaux katabi ang ilang head staffs na may kanya-kanyang position sa MIP.

"It's like a tradition." Sagot ni Eliza na sinundan ni Finnix.

"Sa tuwing bibisita ang chairman, naghahanda sila ng kung anu-anong presentation para magpaimpress," napakunot yung noo ko. Naalala ko yung portrait ng chairman ng MIP sa main building. Si Vittorio Hermoso IV. "Nagbibigay din ng mahabang speech ang headmistress... kumbaga..."

"She's ordering them to behave," si Eliza ulit. "Parang mga batang paulit-ulit na pinagsasabihan na tumahimik lang kapag may bisita."

"At parang mga hayop sa circus na pinagtatanghal sa entablado para mang-aliw," si Finnix. "Ganon lang ang buhay ng ibang Peculiar dito."

Pakiramdam ko mas lalo akong namuwi sa institusyon na 'to...sa Memoire. Huminga 'ko ng malalim at nagpatuloy sa paghahanap sa mga monitor.

"Pwede mo bang izoom doon?" turo ni Ate sa isang monitor, sumunod si Eliza, may pinindot siya at nang magzoom yung camera.

"Si Jinnie!" napatingin kaming lahat doon, nakita ko si Jing na nasa nakaupo malapit sa harapan ng stage. Hindi namin nakita sila Cloud at Morris.

Maya-maya napansin kong may isang batang Peculiar na nasa likuran ni Jing na nakatingin sa direksyon namin—sa camera.

"Yung bata, napansin ng bata na..." kinabahan ako lalo nang tumingin yung katabi nung bata sa camera. "Shit, napansin nila t—"

"Someone's coming!" biglang napatayo si Eliza, nagulat kaming tatlo, sabay-sabay na napaharap sa pinto. Naglabas ng apoy si Finnix sa kamay, napahawak ako sa baril na nakaipit sa pagitan ng bewang at pantalon ko.

Malakas na bumukas ang pinto, inilabas ko yung baril at  tinutok sa kung sino man ang dumating.

"Hey!" nagulat kami pare-pareho nang makita kung sino 'yon. "My goodness! Jill! Put that down!"

"Cloud?" hindi ko makapaniwalang sabi. "H-how?"

"Fifteen minutes ago, nasense kita," nakangiti niyang sabi, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya, itinago ko ulit yung baril. "Saan mo nakuha yan?"

"Too long to explain." Sabi ko, "Kailangan nating makatakas, kasama sila Jing at Morris. Can you help us na hanapin si Morris?"

"Si Morris, nandon lang siya sa second floor, nakakulong sa kwarto niya," napamaang ako. "Jill, they injected the Helexia to him para mapalabas yung other persona niya, si Sio, ganon din ginagawa nila kay Jing, dahil may limit yung pagtalab ng gamot sa katawan."

"Ano ng gagawin natin?"tanong ni Finnix.

"I'll go and get Morris." Si Ate.

"Hindi pwedeng mag-isa ka lang," sabi ko. "Finnix will go with you."

"I have an idea," napatingin kami kay Eliza. "We have this." Inilabas niya ang isang itim na remote, yung remote na nakuha ni Dean kanina! Yung remote na makakapagtanggal sa mga collars!

"Eliza! Bakit ngayon mo lang sinabi na nasa'yo pala yan." Sabi ko, medyo naiinis.

"Well, I actually thought na when Finnix starts the fire, I'll release them," pinanlakihan siya ng mata ni Finnix. "Pero don't worry, hindi na niya kailangang gawin 'yon. By this, we can control them all."

After that, napagpasyahan namin na si Ate Karen at Finnix yung pupunta kay Morris, then the rest of us ang pupunta sa amphitheatre. Pagkalabas na pagkalabas namin sa surveillance room, bumulaga sa'min yung dalawa sa apat na elites, sila Gidget, at Pilar. Kaagad nakuha ng atensyon ko na wala silang mga suot na collars! What?!

"Guys, alam na nila na nandito tayo." Narinig kong bulong ni Finnix. Possible na may nakabasa ng mga plano namin kaya wala silang collar na suot-suot ngayon.

"My mother...she already knew," napatingin ako kay Cloud na nasa tabi ko. "kaya pala hinayaan niya kong umalis." May ilang butil ng pawis na tumulo sa noo niya, hindi niya rin siguro sukat akalain na mangyayari 'to.

"Cloud, come back with us. Alam mo kung anong mangyayari sa inyo kapag hindi kayo sumuko sa'min." nagsalita si Gidget.

"No, Gidget," habang nakikipagnegosasyon si Cloud, bumulong si Eliza na silang dalawa na ni Ate Karen yung pupunta kay Morris dahil may alam siyang shortcut, binigay niya na sa'kin yung remote. "Wala na kayong magagawa para pigilan kami. So, please, I don't want to hurt you."

Hindi pinakinggan ni Gidget yung mga sinabi ni Cloud. Nang makita nila na papaalis sila Eliza ay kaagad umatake si Pilar pero naharangan iyon ni Finnix. Nakaalis na sila Ate, naiwan kaming tatlo kaharap silang dalawa.

"Mukang magiging fair ang laban, telepath laban sa telepath, at pyrokinetic laban sa pyrokinetic," nakangising saad ni Gidget. "And...a hopeless, pathetic, seer who couldn't even predict her own future." Nang-aasar nitong sabi.

Kailangang makapunta ko sa amphitheatre, kailangan kong gawin to kahit mag-isa lang ako.

"Go ahead, pumunta ka don," sabi ni Gidget, nabasa ang isip ko, "In fact, kanina ka pa hinihintay ni Lady Margaux."

"Jill, dito ka lang sa likod namin, hindi ka aalis!" si Cloud, bakas na bakas ang pagtutol sa gusto ko.

Pero wala akong ibang magagawa. "Cloud," kailangan ko pa rin kumilos. "I can do this." Narinig kong tumawa si Gidget, iniisip siguro niya na nahihibang ako dahil imposibleng harapin ko sila.

"Jill! You don't know how dangerous—"

"I'm sorry."

Tumakbo ako palayo sa kanila, alam kong hindi basta-basta papayagan nila Gidget na habulin ako ni Cloud. Kailangan muna nilang matalo yung dalawang elite na yon. Alam ko rin na hindi basta-basta yung gagawin ko, una sa lahat mag-isa lang ako.

May naiisip akong pwedeng gawin.

'Pupuntahan ka namin pag natapos namin 'to ni Finnix.' Cloud? 'You're so stubborn, lady...good luck...and... be careful.'

I will.


*****

https://youtu.be/4Tr0otuiQuU

MOONLIGHT Sonata is on the background habang nakatayo ako sa harapan ng malaking pintuan papasok sa loob ng amphitheatre. Like what Gidget said, naghihintay na si Margaux, I can't hide anymore, kaya naman ito na yung pagkakataon para magkaharap kaming muli.

Pumasok ako sa loob, at sabay-sabay na nagsitinginan silang lahat. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa marating ko yung gitna. Tumigil yung nagpapiano at umalis sa entablado. Tahimik na tahimik ang paligid. Nakita kong tumayo si Margaux sa kinauupuan niya at humakbang papalapit sa unahan. Napahinto siya nang tutukan ko siya ng baril.

"No," awat niya sa mga kasama sa stage na dapat susugod. Humarap ulit siya sa'kin. "Well done, Miss Jillianne Morie. Just as I thought, you're really an extraordinary being. Parang kahapon lang nasa pinakailalim kang parte ng Mnemosyne Institute at ngayon nandito ka na sa harapan naming lahat," dahan-dahan siyang pumalakpak na umaalingawngaw sa buong paligid. "And, oh," she pointed the gun. "That's very dangerous, dear, I appreciate if you'll put that thing down."

Sinunod ko siya, ibinaba ko yung braso ko.

"Very good."

Sa isang kamay inilabas ko yung itim na remote na katulad na mayroon siya.

"If you're not going to hand her over to me," tinuro ko si Jing. "I'll press these freaking buttons, at ewan ko na lang kung hindi mangisay hanggang sa mamatay 'tong mga Peculiars dito!" I heard their gasps as I raised the remote.

Pero tumawa lang si Margaux. "What a stupid girl. Dapat pala pinatay na kita kaagad kahapon para hindi ka na gumagawa ng ganitong kalaking abala." Humalukipkip siya, "If you deceived Cairo, ibahin mo ako. I know, Jillianne Morie, you can't do that," nanginginig yung kamay ko hindi dahil sa takot, dahil sa galit, at sa katotohanan na sinabi niya. Hindi ko sila kayang patayin ng ganito lang. "What now?"

I ignored her, I took a deep breath then humarap ako sa kanila.

"Listen," nilakasan ko yung boses ko. "Society is still not aware of our existence. I know, all of you had been through a lot because of being different; you were neglected, humiliated, degraded... Trust me, I understand what pain and suffering feel like," nilibot ko yung tingin ko sa kanila habang nakatitig sila sa'kin. "That's why all of you deserve to live in a way you want because you exist. We are Peculiars and yes...we do exist in this cruel world. We are no one's property; we are not weapons or entertainers. We are still humans. Don't allow yourself to be controlled and used by this evil institution." May pinindot akong buton at hindi iyon inaasahan ni Margaux, sabay-sabay na nagsitanggalan lahat ng collars ng mga Peculiars na nandito. I just pressed the release button. Margaux was surprised, naguluhan sa ginawa ko.

"Allow yourself to live freely."

Wala ni isa ang nagsalita sa kanila, walang kumibo.

"Tapos ka na ba?" napatingin ako kay Margaux, ngumit siya na ikinagalit ko. "Wala ng ibang lugar para sa kanila kundi ang institusyon na 'to lamang. Nice try, kung inaakala mong may saysay ang ginawa mong pagtanggal sa mga collar nila, pwes nagkakamali ka, hija." Sabi niya at sumenyas. "Good bye, Jillianne." Tumalikod si Margaux at nakita ko si Jing na naglakad papunta sa kinaroroonan ko, bigla nitong itinaas ang kamay dahilan para unti-unti akong umangat sa sahig habang nasasakal.

"J-jing," nabitawan ko yung hawak kong baril at remote. Hindi ako makahinga. Hindi rin ako makapumiglas. "J-jing.." tinignan ko siya, walang-wala na siya sa sarili niya dahil sa Helexia. Kapag hindi ako nakakawala, mamamatay ako, mapapatay ako ni Jing.

Naiiyak na ko sa sakit, nawawalan na ko ng pag-asa hanggang sa maramdaman kong lumuluwag yung sakal sa'kin sa ere, nakita ko may tumayo na isang lalaki, habang nakataas ang kanang braso, pinipigilan ang mahika ni Jing. Hindi ako makapaniwala...nagawa kong mabago ang isip ng lalaking yon. Gusto kong maiyak sa tuwa.

Pero dahil mas malakas si Jing, nangingibabaw pa rin yung sakit. Nakita kong may pumupulupot na mga vines sa paa niya, at kagagawana pala ng isa pang Peculiar na tumayo rin para pigilan siya, dahil don unti-unti akong nakakawala. Hanggang sa may ilan pang tumulong para mapigilan si Jing dahilan para tuluyan niya kong mabitawan. Nagulat si Margaux nang humarap.

"What are you doing?!" sigaw niya nang makita kung anong nangyari.

"We are Peculiars, but we're still humans." Sumagot yung isa.

Nawala sa loob ni Margaux na natanggal na yung mga collars dahil nilabas niya yung remote niya, pagkaraa'y hinagis 'yon sa galit. "You will pay for this! Traitors must be executed!" pagkasigaw na pagkasigaw ni Margaux, biglang nagkagulo ang lahat ng Peculiars. Nahati sa dalawang panig, ang mga sumang-ayon sa'kin at mga hindi. Pagkapulot ko sa remote at baril ay umalis ako sa kinalalagyan ko dahil nagkanya-kanya silang labanan.

Lumapit ako sa stage kung saan nakatayo pa rin si Margaux. Unconsciously, tinutok ko sa kanya yung baril na hawak ko, di ko alam kung bakit pero may nag-uudyok sa'kin na patayin siya. Kahit mali. Napaatras si Margaux.

"Put that down, or else..." may pamilyar na boses, agad akong napatingin sa direksyon nito, "I'll kill her." Nakita ko si Cairo, nasa tabi niya si Jing na may hawak na baril habang nakatutok sa ulo.

 Damn.

"I said put that down!" nagbabantang sigaw ni Cairo. "Kung ayaw mong!..." isang malakas na putok ng baril ang kumawala. Nanlaki ang mga mata ko habang nakitang nakabulagta...si Cairo.

Napatingin ako sa taong bumaril sa kanya...at nakita...ang taong walang ibang minahal kundi siya.

Si Karen Italia.



-xxx-


Author's Note:

Muli, maraming salamat sa pagbabasa ng The Peculiars' Tale. Sa pagsagot sa mga tanong ko, at pati na rin sa pagkocomment. Thank you!





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro