/62/ Believe me, I'm lying
I snapped back to reality.
Twenty minutes passed since the electricity went out, a Beehive staff came in earlier to tell that the emergency power was used. The operation continues then leaving me shivering.
Nasaan na sila Eliza? Hindi ko alam.
Matapos nila akong isalang sa isang operating machine na hindi ko alam ang tawag, after scanning my body, pinagsuot nila ako ng hospital pajama. Ang buong akala ko rito na gaganapin yung extraction ng Culomus pero hindi pa pala, may isa pang silid sa loob nito, doon ako dinala at pinahiga sa operating table. Atsaka ko lang nakita sa ikalawang palapag, may malaking glass window at naroon yung mga Beehive scientist kanina at handa ng manood.
There are two staffs, na sa palagay ko ay nurses na abala sa paglalagay ng kung anu-ano sa katawan ko. I can't move my arms anymore because of the safety straps. A woman approached me; she's also wearing the scrub clothes like the other staffs, narinig ko pang tinanong niya sa isang nurse yung condition at vitals ko.
"It's time for you to sleep," this woman is the anaesthetist, nasa uluhan ko siya at nakatingin sa'kin, Nakita ko na hawak-hawak na niya yung syringe ng anaesthesia at handa ng iinject iyon sa'kin.
"Don't..." Right now wala akong ibang hinihiling kundi ang pagdating nila Eliza at magkaroon ng himala.
Napapikit ako habang hinihintay ko na lang na mawalan ako bigla ng malay pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdamang pagkamanhid. Dumilat ako atsaka nakita yung anaesthetist na nakahinto sa pagglaw, tiningnan ko yung mga staffs, yung mga doktor na nanunuod sa itaas, lahat sila ay nagmistulang estatwa na hindi gumagalaw.
Then I just realized-it's them. They're here. Seraphina is the one who controlled the time for sure.
"Morie," I am so relieved when I heard Eliza's voice. She released me from the straps, tinanggal din niya yung mga nakakabit sa braso ko. "Sorry for making you wait," bumangon ako at may inabot siya na mga damit: plain shirt, rugged jeans at isang itim na Parka coat. "Wear it. We only have five minutes before their existence time will resume." She's still wearing under her coat the army green prison jumpsuit, itatanong ko pa sana kung saan niya nakuha yung mga coat pero that would be a waste of time.
Kaagad ko siyang sinunod kahit na hindi ko gaanong naunawaan kung bakit mayroon lang kaming limang minuto. "Where are the others?" tanong ko matapos kong makapagpalit ng damit.
Hindi niya 'ko sinagot at lumabas siya ng silid na 'to, sumunod lang ako sa kanya.
"Jill," nagulat ako nang makita ko si Ate Karen, nilapitan niya 'ko. "I'm glad you're safe."
"She's far from being safe," napatingin kami sa kanya. "As long as we're here, Jill Morie is not safe." Nakita kong napakunot si Ate Karen sa tinuran ni Eliza.
"You're right," sabi ni Ate.
"Naghihintay na sila." Sumunod lang kami ulit sa kanya. Nagkatinginan lang kami ni Ate, alam kong may mga bagay siyang gustong sabihin pero mas pinili niya munang isantabi 'yon. At least one thing's for sure, she wasn't drugged. She held my hand as if I'm going to run away from her.
Sa pinakasentro ng RCPA department nakita namin sila Seraphina, Cecilia, at Palm.
"Jill!" react ni Cecilia nang matanaw pa lang kaming papalapit sa kanila. Pasan-pasan niya sa likuran si Seraphina na tila nanghihina.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko kaagad, tumingin ako kay Seraphina, nakatingin din siya sa'kin pero parang kulang na kulang yung lakas niya kaya kahit pagsasalita hindi niya magawa.
"Hindi pa rin siya nakakarecover dahil sa electric shocks ng collar na 'to." Dahil nga pala sa ginawa nilang paglaban kay Margaux.
"Jill." Napalingon ako sa tumawag na boses.
"Baldo?" at nakita ko siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko,ang laki ng ipinayat niya, lumalim ang pisngi at lumalam ang mga mata. Malayung-malayo sa Baldo na kilala ko noon.
"Jill." Nabigla ako nang yumakap siya sa'kin, umiiyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad, katulad ng nasa panaginip ko.
"Hey." Sabi ko, tinatapik-tapik ang likod niya, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi muna oras ng ganito.
"Tama na yan," si Eliza. "We can't just waste our time here." Mabuti na lang at natauhan kaagad si Baldo, tumangu-tango lang siya, kinusot ang mata, huminga ng malalim at muling tumindig. "Hangga't maaari, pigilan niyo muna yung emosyon niyo. We need to escape here first."
Tumango kaming lahat.
"Nasaan na sila Vicente?" tanong ko.
"Hinahanap pa ni Vicente yung department kung saan ginawa 'tong collar na 'to." Right, isa sa mga goal dito sa Beehive ay mahanap ang solusyon kung paano matatanggal yung mga collars namin. Hangga't nakakabit sa'min 'to wala kaming tsansa manalo against Margaux and her army of Peculiars.
"But as you said, Eliza, we can't just waste our time here. Paano kaya kung may mauna na sa HGP RM?" suggestion ko kay Eliza, she's obviously the mastermind of this escape.
"I know. But we need to wait for them para matanggal 'tong collars. We don't know if may mga Sentinels na nagbabantay don," sabi niya. "And besides, Seraphina can't use her power there dahil itatakas natin yung mga HGP."
"Nauubos na yung limang minuto, what are we going to do if the time resumes?" tanong ni Ate Karen.
"We have to face the consequences." Seryosong sagot ni Eliza.
"Seraphina, hindi mo ba kayang mas habaan pa yung oras?" tanong ko naman at lumapit ako sa kanila ni Cecilia. Mahihirapan kaming depensahan yung mga sarili namin kung nagkataon.
"Hindi na, Jill, kapag mas ginamit pa lalo ni Seraphina yung kapangyarihan niya manganganib yung buhay niya." Si Cecilia ang sumagot.
"Palm, bakit hindi mo siya gamutin?"
Sasagot si Palm sa'kin pero inunahan siya ni Eliza "It will consume a lot of energy from Palm, siya naman ang manghihina, Morie. She will just be healed physically pero hindi rin mareregain ni Palm yung power niya, it will consume more time."
"So we're just waiting here hanggang sa bumalik sila Vicente rito?"
"Yes."
"You know that we can't just do that, Eliza. How can we protect ourselves kung magpatuloy bigla yung oras?"
"I already put my faith on them, Morie." kalmadong kalmado na pagkakasabi ni Eliza. "They will come back as soon as possible." Tumahimik na lang ako, tumingin ako kay Ate Karen, tumango lang siya sa'kin at sang-ayon sa sinabi ni Eliza. Ganon din sila Cecilia, at Palm.
"Eliza!" parepareho kaming napatingin sa boses ng bagong dating, si Dean na sa sobrang bilis ay hindi namin namalayan na nasa harapan na naming lahat. Hindi man lang siya hinihingal, ngiting ngiti at senyales na may dalang magandang balita.
"Nahanap ko na. Nahanap ko na!" hindi nito mapigilang mapasigaw sa sobrang galak.
"Calm down first, Dean." Utos ni Eliza at kumalma naman ito.
"Ito yung remote na kaparehong-kapareho ng na kay Margaux." Ipinakita niya samin yung kulay itim na kwadradong remote, kapareho nga nung laging bitbit ng headmistress. Makakalaya na sila sa collar. Pinindot iyon ni Dean at wala pang isang segundo na sabay-sabay natanggal yung collar sa leeg nila. Hindi maiwasang maluha ni Palm dahil sa tuwa, ang collar na 'to yung dahilan kung bakit nawala yung paningin niya, ito ang dahilan ng mga paghihirap nila.
"Nasaan yung collar mo, Jill?" tanong ni Cecilia sa'kin. Tumingin ako kay Ate Karen at mukhang alam niya yung sagot. It was Cairo who removed it, bago ako itransfer sa Bastille nakapagtatakang tinanggal niya 'yon.
Maya-maya'y dumating na sila Vicente, kasama niya sila Otis, Finnix, at Pascal. Gaya namin, wala na rin silang mga collar sa leeg.
"Vicente, nasira niyo ba lahat ng security camera at systems nila?" tanong ni Dean sa kanilang mga bagong dating.
"Oo." Hindi pwedeng makarating sa itaas ang balitang nagkaroon ng prison break kaya kailangang masira lahat ng security systems nila na magpapadala sa itaas ng impormasyon kung anong nangyayari sa Beehive. At dahil nga malaking advantage na may malaking selebrasyon na magaganap sa Sanctus, abala ang mga Sentinels sa pagronda sa MIP at sila Margaux naman ay may mahalaga ring iniintindi.
"Kailangan na nating makapunta ng HGP RM, we will locked them here para hindi sila makalabas. Na-set up na namin kanina pa sa power room yung interference signal kaya hindi rin sila makakacontact using wireless networks or phones." humahangos na kaming lahat ngayon papuntang exit.
Biglang may alarm na tumunog at isa lang ang ibig sabihin nito-nagpatuloy na yung oras. Intruder alert ang paulit-ulit na maririnig sa buong Beehive, lahat ng LCD screens ay napalitan ng warning at naging mapula ang paligid dahil sa alarm. Nagpatuloy kami sa pagtakbo kahit na may mga scientist na humaharang sa'min, sinasangga sila ni Otis, ang front man, na may malabakal na lakas.
Pero biglang nahuli si Palm at Dean ng net gun dahilan para mapahinto kaming lahat. May mga Beehive staffs na tumutugis sa'min at pumapalibot. Natamaan din ng net gun si Eliza. Kaagad namin silang dadaluhan pero sumigaw ito.
"Go! Tumakbo na kayo!"
"We can't leave you here!" tumakbo ako papalapit sa kinaroroonan nila para tulungan silang makakawala.
Otis, Finnix, Vicente and Pascal covered us. Si Otis na kung anu-anong malalaking bagay na madampot ang hinahagis sa mga kalaban, si Finnix naman ay nagbato ng mga bolang apoy, si Pascal na tinawag lahat ng lab rats para pestehin yung mga iba pang Beehive scientist na sasalakay at si Vicente na nagclone ng marami para sugurin yung mga Sentinels. Tinulungan ako nila Ate Karen sa pagpapakawala kila Palm.
"Thank you, Morie." Sabi ni Palm nang mapakawalan namin sila.
"Stay close." I said, so we circled up, "Let's-" we're just about to run when we heard a popped sounds, isa-isang nagsiputukan na parang lobo yung mga clone ni Vicente. Then we just realized na napapalibutan na kaming lahat.
"I didn't expect na ganito karami yung Sentinels dito sa Beehive." Narinig kong nagsalita si Ate Karen.
Napansin namin na may hawak-hawak silang mga baril, hindi basta-bastang baril-
"Syringe gun." Napatingin kami kay Eliza at nakumpirma nga namin 'yon ng paulanin nila kami ng syringe at naglalaman iyon panigurado ng Helexia, mabilis si Otis at nakahanap ng malaking bagay na makakasangga sa mga bala, buhat-buhat ng isang kamay ang mahabang lamesa habang sinasangga ang mga bala. Alam ko sa sarili ko na hindi tumatalab sa'kin yung Helexia pero paano yung mga kasama ko.
"Shit,kung patutumbahin ko sila isa-isa hindi ko rin kakayanin dahil sa dami nila." Sabi ni Dean at mukang ganon din ang nasa isip ni Vicente.
"Dean, right?" nabigla si Dean ng kausapin siya ni Ate Karen, ", as quick as possible, go out there and find a sleeping gas."
"H-ha?" na-stutter pa 'to at gusto kong matawa sa reaksyon niya. Well, my sister is undeniably attractive.
"Hoy Dean!" natauhan lang siya nang hampasin siya bigla ni Vicente, "Sundin mo na yung utos niya!"
"Oo na!" mabilis pa sa kidlat nawala ito.
"Finnix!" tawag ko, "Use your fire to cover us." Tumango ito at naglabas ng apoy mula sa kamay, pinalibutan kami ng malalaking apoy at wala kahit isa sa kanila ang mga makalapit sa'min. Huminto na si Otis, nagdikit-dikit kaming lahat.
"Sis, anong gagawin ko?" narinig kong tanong ni Vicente sa kakambal. "Susugod ba ko sa labas? O tutulungan ko si Dean?"
"Just stay here that would be a waste of energy, hihintayin natin si Dean." Pagkasabi ni Eliza ay biglang sumulpot sa harapan namin si Dean may dala-dalang tatlong malalaking putting sling bag na may logo ng Memoire, hinagis niya yung isa kay Baldo at yung isa naman ay kay Vicente.
"Ano 'to, Dean?"
"Yan lang lahat ng nakuha ko, na makakatulong sa'tin bukod sa sleeping gas." Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako, he winked at my sister after telling that, the nerve of this guy nakuha pang magpacute sa ate ko.
"I'll throw the fire, pagkatapos, tatakbo na tayo papuntang exit, pagbilang ko ng tatlo." Naghanda kami sa sinabi ni Finnix, "Isa, dalawa...tatlo!" like what he just said, Finnix throwed the circle of fire around us, dahilan para tumalsik lahat ng mga nakapalibot sa'min.
Pinasan ni Dean si Palm para hindi ito mahirapan, samantala nakahawak sa braso ko si Ate Karen. Nabuhayan kami ng loob nang matanaw na namin yung exit, pero inatake ng kaba nang makita na papasara iyon habang nagkacount down yung voice system simula sampu.
Ten.
Nine.
Eight.
"Dumiretso lang kayo ng tingin!" we heard Eliza's shout, "Dean! Nasaan na yung sleeping gas?"
"Ah, nasa bag na 'yon! Hoy bata! Anak ng―ano nga bang pangalan mo-Bartolome?!"
"Baldemor!"
"Ah! Ewan! Nasa bag na yan yung sleeping gas bomb! Kunin mo!" tumingin ako sa kanan ko at nakita si Baldo na pawis na pawis habang hinahalukay yung laman ng bag na nakasukbit sa kanya.
"E-eto po ba?" naglabas si Baldo ng isang maliit na bagay pero binulyawan lang siya ni Dean dahil granada pala 'yon. Naghanap ulit si Baldo katulad ng inilarawan ni Dean, nilabas niya maya-maya yung kulay itim na parang bola ng billiard.
Six.
Five.
Nakalabas na sila Eliza na nauuna sa pagtakbo, kami nila Ate Karen, Baldo, Dean at Palm ang nahuhuli.
"Baldo! Kapag nakalabas na tayong lahat, bago sumara yung pinto ihagis mo yung sleeping gas sa loob." Tumango lang si Baldo, alam kong kabadong kabado rin siya pero wala siyang ibang choice.
Three.
Papasara na yung pinto.
Two.
At hindi ko sukat akalaing makakaabot kaming apat.
One.
"Ngayon na, Bartolome!"
"Baldemor sabi eh!" atsaka hinagis ni Baldo yung sleeping gas. Pakiramdam namin nagslow motion ang pagkakahagis ni Baldo ng sleeping gas, muntikan ng tumalon yung puso naming lahat ng saktong lumusot sa loob 'yon bago tuluyang sumara ang pintuan.
Kahit si Dean hiningal na sa nangyari. Pare-pareho kaming habul-habol ang hinignga. Sumilip si Cecilia sa window glass ng pinto at kinumpirma nga niyang kumalat yung sleeping gas dahil nagsisibagsakan sa sahig yung Beehive staffs.
"First level, mission sccomplished." Sabi ni Eliza at nagtanguan kami sa isa't isa.
The rampage doesn't end here yet.
"Thank you, Jill." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Eliza, namalayan ko na lang nasa harapan ko siya.
"F-for what?"
"For not giving up." Ngumiti si Eliza na ngayon ko lang nakita "And for trusting us."
"Kahit na minsan ka na naming tinraydor noon." Napatingin naman ako kay Finnix na sumunod na nagsalita, "Gusto kong malaman mo na lubos naming pinagsisihan yung ginawa namin, Morie."
"Sabi ko naman sa'yo, Jill." Si Cecilia, "N-napagdesisyunan namin na umalis sa kanila pero―"
"They will never let go of us." Si Pascal ang nagtuloy ng sasabihin niya.
Tumingin naman ako kay Ate Karen at Baldo, tsaka ko lang napagtanto na nakatutok lahat ng paningin nila sa'kin.
"We're a team now." Eliza spoke again, "And the game isn't over yet." She put her hand forward; she looked at us as if she's saying 'can we stack hands on this?'
"Seriously, sis." Si Vicente ang naunang magpatong ng kamay kay Eliza. Sinundan iyon nila Finnix. Hanggang sa ako na lang yung hinihintay nila. Do we really need to do this? Biglang hinila ni Baldo yung kamay ko at pilit na ipinatong iyon sa mga kamay nila, atsaka niya inalagay sa ibabaw ng kamay ko yung kamay niya. .
"Team Morie." After Eliza whispered, we looked at each other with determined eyes and rays of hope. I don't know what to say. But one thing's for sure, we can't go back now and we need to finish this. We're huddling in a circle and 'stacking hands', it simply implies that we're a team and that we're all in it―together. "Let's go."
SECOND LEVEL: The HGP RM.
It's our advantage due to the interference signal, the Sentinels can't send their radio signals at their base and because of that we easily knocked them off. Bago pindutin ni Eliza yung release button ng mga prison cell ng HGP, naghati-hati na kami ng grupo. Ang una, ang mag-eescort sa mga HGP papunta sa safety exit ng mismong floor level na 'to at ang pangalawa ay yung mga aakyat sa MIP at makakaharap ng mga Sentinels. The second group is the one who will cover the first group para hindi nila malaman na itatakas ang mga HGP.
Napakawalan na nila Eliza yung HGP at kinakausap ito ngayon nila Miss Karen at ng iba pang nasa group one. Nasa isang sulok kami ngayon kasama si Eliza at binibigyan ng instructions kung anong gagawin kapag nasa itaas na kaming second group.
"Cecilia, Palm, Baldemor, Seraphina, Karen, Dean and including me, ang first group, we're going to accompany these HGPs sa safety exit." According to her, may mga heavy duty vehicles doon at sila na yung bahala na maglabas sa mga HGP, sa totoo lang I don't know exactly what Eliza's plan is, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.Hindi naman sa pag mamaliit, bakit sinama niya sa group two o team namin yung mga aggressive Peculiars o yung may mga malalakas na power katulad ng kay Finnix.
"Then, you Morie and the rest, ang pupunta sa itaas."
"Are you sure, Eliza? " tanong ko.
"Yes. Besides, estimated na nasa fifty to sixty ang mga HGP na nandito. We can handle it." Kampanteng kampante namang sagot nito. Pero mukang hindi lang ako yung hindi mapalagay, pati na rin sila Finnix.
"Paano kayo? Paano kung may mga Sentinels na dumating?" si Finnix.
"Wag kayong mag-alala sa'min, okay? We have Dean." pero mukang hindi matitinag si Eliza, "As for you, second group, once na maencounter niyo na yung mga Sentinels sa itaas, Vicente, my dear brother, will make a thousands of clones―"
"Thousands?!" tila hindi makapaniwalang react ni Finnix.
"Yeah, thousands of clones of you guys,para lituhin ang mga Sentinels kung saan kayo pupunta. The real objective here is to trick them."
"Trick them?"
Tumango si Eliza, "Kailangan mapalabas niyo na sa South kayo pupunta, pero ang totoo sa North ang target exit niyo."
"Ano? Sa North?" hindi makapaniwalang saad ni Vicente, "Alam mong mahihirapan―" kakasabi lang nila kanina na mahigpit ang seguridad sa Northern gate pero bakit doon mas pinili ni Eliza? Maybe...she's scheming something...
"Kaya nga lilituhin niyo sila diba?"
Hindi na nakaangal si Vicente, his loyalty to Eliza and trusting her intellectual abilities are more important, "Okay."
"Good." I'm wondering kung anong tumatakbo sa isip ni Eliza ngayon, "Kung may mangyari mang masama, tumingin lang kayo sa main building ng MIP," napamaang kami sa sinabi ni Eliza, hindi namin siya maintindihan, "At siya nga pala, nasa itaas na si Cairo at hinihintay niya na kayo Jill." Mas nagulat kaming lahat sa sinabi ni Eliza.
"What the hell, Eliza! Bakit ngayon mo lang sinabi yan!" galit na turan ni Finnix. Naiintindihan ko kung bakit siya nagalit, si Cairo lang naman ang officer in charge ng mga Sentinels pero kahit na nag-iisa lang siyang Peculiar malaki pa rin yung tsansa na matalo kami, kahit gaano pa kalakas sila Finnix.
Pero hindi pinansin ni Eliza si Finnix at tumingin sa'kin, kalmado pa rin siya, "Morie, you know the deputy headmaster well."
"Not really." Sabi ko.
"I mean... his power." Right, Cairo reads my mind for every single freaking time and I really despise him for that, "Sa'yo nakataya ang laro, Morie. And I need you to remember this... 'deceive the heavens to cross the ocean'" stunned for what she said. What was that?
"Why?" nakakunot kong tanong, "Why did you gave me a riddle?"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ibibigay sa'yo ang sagot, Morie." Ngumiti na naman siya, "Believe me, I'm lying."
Ano bang gusto niyang sabihin?
"Dear brother, Finnix, Otis and Pascal, I want you to give your best to support her. Okay? Pupuntahan ko na sila at magsisimula na kaming mag-evacuate sa safety exit" iyon ang huling pahayag ni Eliza at tumalikod na ito, gusto ko siyang pigilan para ipaliwanag lahat ng sinabi niya but for the second time she leave all things alone to me again... and I have no choice but to do it.
Narinig kong napabuga ng hangin si Vicente, halatang tensionado, "Tara na."
"Baldo!" tawag ko bago kami tuluyang umalis, lumingon ito at dagliang lumapit sa kinaroroonan ko.
"Bakit Jill?"
"Ikaw na ang bahala kay Ate Karen...Atsaka...kay Stephen at Miss Marcel, hindi ko na sila mahaharap, kailangan na naming umalis."
"Makakaasa ka, Jill." Iyon lamang at muli siyang bumalik sa grupo niya.
Huminga ako ng malalim at sabay-sabay kaming humakbang nila Finnix papunta sa pintuan.
*****
UMAALINGAWNGAW pa rin sa isip ko yung mga sinabi ni Eliza, mga palaisipang binitawan niya. There must be a reason kung bakit kailangan niyang sabihin iyon. And behind that riddle is the answer...of something...that I don't know yet.
"Jill." Narinig ko si Finnix na nasa tabi ko, namalayan ko na lang na papaakyat na kami ng hagdan papunta sa pinakafirst floor ng building na 'to. Naalala ko tuloy yung una kong pagpunta rito, noong hiningan ako ng pabor ni Georgina na iligtas si Klein.
Hanggang sa tuluyan na naming narating yung taas at nakalabas mula sa underground. Walang katau-tao, pero may mga nakasinding ilaw, nasulyapan ko yung orasan sa lobby ng building na 'to, alas kwatro ng madaling araw. Tanging mga yabag lang namin ang maririnig.
"Sisimulan ko na bang gumawa ng clone?" bulong na tanong ni Vicente.
"Wag muna." Sabi ko. Parang normal na normal lang ang paligid, walang bakas ng anumang panganib. Sumipol-sipol si Finnix pero wala pa ring Sentinel na lumalabas. Nakarating na kami sa malawak na grounds ng MIP.
"Sshh." Napaatras ako dahilan para mabunggo si Vicente na nasa likuran ko. Kasabay umilaw ang buong poste na nakaplibot sa grounds, at tumambad sa paningin namin ang tila isang batalyon ng Sentinel, nakalinya diretso at nakaharang sa dadaanan namin. Kahit isang daang metro ang layo namin sa kanila, kitang kita ko sa pinakagitna ng posisyon nila-si Cairo.
"Do you even think na makakatakas kayo, Jill Morie?"
"Vicente, may smoke bomb ba dyan sa bag na binigay ni Dean?" tanong ko. Nakikipagsukatan lang ng tingin si Cairo sa'min, hinihintay na kami ang gumawa ng first move.
"Meron." Sagot nito.
"We'll use that. Then you'll clone yourself, katulad ng mga itsura namin, as many as possible clones. We'll run...papuntang South." Ang bilis ng tibok ng puso ko. At sigurado ako na parepareho kami ng iniisip ng mga kasama ko. Hindi nila pwedeng malaman na papunta sila Eliza sa safety exit ng HGP RM. Kailangan namin silang malito, sa Southern gate kami papunta pero sa North ang totoong target.
"Bibilang ako hanggang tatlo. Isa."
Ako, si Vicente, si Pascal, si Finnix at si Otis. First, bakit kaming apat lang yung nandito sa itaas ng MIP? Bakit kami lang yung ginawang pain?
"Kailangan mapalabas niyo na sa South kayo pupunta, pero ang totoo sa North ang target exit niyo."
"Dalawa."
'Deceive the heavens to cross the ocean'
"Tatlo!"
Believe me, I'm lying.
-xxx-
QUESTION: Do you have any idea kung anong nasa isip ni Eliza? I mean nagets mo ba yung plano niya against Cairo and the battalion of Sentinels? Originally ang plan nila ay i-trick sila Cairo na sa South sila pupunta pero ang totoo sa North talaga pero what does she mean by 'Deceive the heavens to cross the ocean' at sa 'Believe me, I'm lying?' curious lang ako kung may makakauha :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro