/61/ Reluctant Hero
[Karen Italia's POV]
"PUMAPAYAG na ako." Napahinto siya sa ginagawa niya nang makita ako,isang oras ang nakalilipas magmula nang magtalo kami, nandito ako ngayon sa opisina niya sa MIP. Hindi ko rin sukat akalaing mapapapayag niya ako noong una na magpanggap na napasailalim ng Helexia, ang pagpapanggap na sumusunod sa lahat ng gusto niya bilang kapalit sa muling pagkikita namin ng anak ko.
"Pumapayag saan?" Cairo took off his glasses, still avoiding my gaze, those words I uttered earlier hurt him for sure. I don't know what to feel and what to believe anymore.
"Na itransfer sa'kin ulit ang Culomus."
"Good."
"But you need to promise me one thing, Cairo."
"What?"
"Don't let her die."
He didn't answer; he just shrugged his shoulder and turned his chair around. Bakit hindi niya ko makuhang harapin ngayon?
"Somehow, it's your fault."
"Anong sinabi mo?" nakatalikod pa rin siya habang nakaupo sa swindle chair. "Hindi kita maintindihan."
"Kung kailan huli na ang lahat, now you're asking me to save your sister's life? Kung hindi mo ibinigay sa kanya yung mga mata mo in the first place sa tingin mo mangyayari lahat ng 'to sa kanya?" he turned around to face me, I saw the emptiness in his eyes, we stared for seconds.
"I gave it to her because-"
"It's because you're selfish, Karen." Napatigil ako sa sinabi niya, "You gave your eyes to her not because as a loving sister pero para matakasan ang realidad mo, right?"
"Stop saying nonsense-"
"I know the truth because I am a freaking telepath! And also, you gave it to her para mahanap ang anak natin, you tried to search her on your own pero nabigo ka. Sa umpisa pa lang mas pinili mo na si Wyndell kaysa sa kapatid mo."
"Cairo-"
"Wala ka ng magagawa pa-"
"Tama na," I can feel my heart pounding. Totoong binigay ko yung mga mata ko sa kanya para takasan ang sarili kong realidad, pero pinagsisihan ko na lahat ng yon. Matapos kong makita ang malaking pagbabago niya doon ko lang napagtanto ang pagkakamali ko.
Fate. Maybe.
Tandang-tanda ko pa rin ang sinabi sa'kin ni Lucille noon, 'Your eyes will save her...' At ito ang pinanghawakan ko na hindi isang pagkakamali na ibigay kay Jill ang mga mata na 'to. Pero mukang isang pagkakamali nga ito.
'...for she will help humanity.'
*****
[Jill Morie's POV]
Nakabibingi ang katahimikan. Mabuti na lang at binigyan ako ni Palm ng kumot dahil sobrang lamig sa bakal na higaan. Kaharap ko yung pader, sinubukan kong ipikit yung mga mata ko para makatulog pero hindi ko magawa. Sinabi ni Eliza na kinailangan naming magpahinga ng maaga para bukas. Kakatapos lang naming pag-usapan yung plano pero hindi pa rin talaga ko dinadalaw ng antok.
Earlier, they briefly introduced themselves and described their powers or peculiarity pati na rin kung paano sila nakulong sa Bastille for six years.
Eliza Macaraig has enhanced senses like sight, hear, touch, taste, and smell. Parang mga pinagsama-samang matatalas na senses ng mga hayop. No wonder why she's updated on what's going on kahit na matagal ng nakakulong dito. Six years ago, kasama rin daw siya sa elite Peculiars. Due to her superior intelligence quotient (IQ), at the age of seventeen nakagraduate siya sa MIP at naging staff ng Beehive and later on naging leader ng alumni association ng Peculiars, muntikan ng makagawa ng movement due to Margaux's iniquity and wicked authority. Not only the Beehive scientists but the whole MIP was afraid of her intellectual abilities and to avoid those feared circumstances they locked her up in the Bastille.
Vicente Macaraig, the twin brother of Eliza, is a multi-shape shifter; he can take the form of more than one being at once. Isang buwang nauna si Eliza bago dalhin sa Bastille si Vicente, his case is quite
funny
dahil ginaya niya si Margaux at gumawa ng maraming clone nito, what he did next is unimaginable, he ridiculed the image of headmistress sa buong MIP bilang ganti sa ginawa nito sa kapatid niyang si Eliza and as a sign of rebellion. He said that he's more willing to be jailed than to follow them kaya naman sa sobrang galit ni Margaux, kinulong siya kasama ng kakambal.
Dean Enclona, who is three years ahead than Eliza and Vicente, has a supernatural speed, the ability to move at extraordinary physical speed. To test his loyalty, he was assigned in his mission to rob a bank using his powers. Due to his high morally principles, Dean couldn't do such thing and started to rebel.
And Palmera Dinoy, same age as Dean, has a healing power, she can restore biotic organisms to their optimal health, she's also an empathic healer, healing the emotional pain of others. Kaya pala noong niyakap niya ako biglang gumaan yung pakiramdam ko. Katulad ko, she accidentally stumbled at the HGPs RM at natuklasan ang madilim na lihim ng MIP, she cured the injured and unhealthy HGPs at nalaman iyon nila Margaux kaya daglian siyang pinarusahan kaya siya nabulag. Palm still made an outstanding appeal pero sa huli ay kinulong siya sa Bastille.
I can't imagine how they endured the painful six years of being imprisoned here. Kaya nga natauhan ako kanina nang sampalin ako ni Eliza, may dapat ba kong ireklamo sa tulong na inaalok nila? For six years they never lose hope, at willing pa rin silang lumaban ngayon dahil nagsilbi akong pag-asa para sa kanila. Iisa lang sila ng paniniwala, mali ang ginagawa ng Memoire at kailangan silang pigilan. The idealism they have is the only thing left for them.
Tomorrow is the real beginning of the battle, I wonder kung may katapusan ang bawat simula and this is it panibagong simula na naman.
"Ikaw ang huling pag-asa namin, Morie." Tila naririnig ko pa ang boses nilang apat.
Ipinikit kong maigi ang mga mata ko hanggang sa dinadala ko ng kamalayan sa kabilang ibayo.
*****
"MORIE," napamulagat ako nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Eliza at kaagad akong napabangon. "Nandito na sila."
"Sino?"
"The Sentinels," tumingila siya sa itaas na animoy tinuturo ang pinanggagalingan ng mga tunog na naririnig niya, nagbalik siya ng tingin. "Narinig ko na sila na papunta rito, dadalhin ka na nila sa Beehive para kuhanin ang Culomus." Sabi niya. Nakita kong nakaupo si Palm sa kama niya, si Dean na nakasandal sa pader malapit dito, at si Vicente na nakahiga sa itaas ng double deck pero nakatingin sa gawi namin.
"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko. Hindi ko namalayan kagabi na nakatulog na 'ko.
"Alas tres pasado ng umaga." Medyo nagulat ako dahil sobrang aga pa. Inanyayaan niya kami na bumilog sa sahig, mabuti na lang at mukang naging sapat naman yung tulog ko.
"Ngayon na nila kukuhanin yung Culomus?"
"Oo. Mamayang alas otso ng umaga darating yung board of directors ng MIP, mga Memoire executives, kaya naman ngayon pa lang pinaghahandaan na nila ng maaga" sabi ni Eliza "Mukang lahat ng Peculiars ay nasa Sanctus."
"Woa, as in lahat ng Peculiars?" tanong ni Vicente. "Parang bihira lang ata mangyari na lahat ng Peculiars at staff nasa Sanctus mansion."
"It seems like may orientation na nagaganap." Si Eliza na hinawi ang mahabang buhok.
"Orientation?" si Dean.
"Hindi ko pa masyadong pinakikinggan pero mukhang mahalaga. Magfocus muna tayo sa plano natin. We'll discuss it again, may thirty minutes pa bago dumating yung mga Sentinels."
Sentinels, ang tawag sa mga guards o security men ng MIP, they are specially trained and extremely loyal to Memoire, I guess sila rin yung nagtangkang kumidnap sa'kin noon sa Sentral city. To my surprise, si Cairo, the deputy headmaster, ang siyang officer in charge sa buong Sentinels, siya ang nagsisilbing boss ng mga 'to, according pa kila Eliza si Cairo lamang ang may hawak ng remote control ng mga collars ng Sentinels.
"Isang malaking advantage sa'tin na nasa Sanctus lahat ng Peculiars, dahil once na makalabas tayo sa itaas, mga Sentinels lang ang kalaban nating lahat, too bad for us if they have those super weapons."
"Super weapons?"
"I don't know, pero malay natin kung anong klaseng modern technology weapon ang meron sila ngayon."
We know that we can't fight them all, sa dami at lakas ng pwersa nila, Eliza said we should limit our goals at unang una na nga ay ang makatakas muna sa lugar na 'to.
"Dalawa lang ang exit na maaari nating puntahan, sa North at sa South. Malapit sa Southern gate ang Sanctus. Kailangan nating tandaan na sa Northern gate nakalocate ang mismong towers ng Sentinels and there are hundreds of them there dahil dito dumadaan ang mga visitors at kung sinu-sino pa."
"At alam mo ba kung bakit mas mahigpit sa Northern gate, Jill?" si Dean, waiting me to ask why.
"Bakit?"
"Two years ago, naganap ang kauna-unahang jailbreak sa MIP."
"Jailbreak? You mean once na nakatakas na ang ilang Peculiars at HGP dito?" sabi ko naman. "No, wait, once na kayong nakatakas?"
"Oo." Sabi ni Dean na tatangu-tango pero bakas sa muka ang pagkadismaya, "May mga Peculiars na nakatakas may ilan namang minalas at nahuli ulit-katulad naming apat." Tiningnan niya yung mga kasama at nagtanguan ito. "Dahil sa pesteng collar na 'to."
"Si Sir Pacifico ang nanguna sa jailbreak, pero hindi naging ganon katagumpay yung plano niya." Dagdag pa ni Palm. Pacifico? Parang pamilyar yung pangalan pero hindi ko matandaan.
"Kung hindi mo pa alam, si Sir Pacifico naging instructor namin siya rito sa MIP at siya yung kakambal ng deputy headmaster, si Cairo." Sa sinabi ni Dean tsaka ko lang naalala na nabasa ko yung pangalan niya sa sulat ni Ate Karen. Tumango na lang ako sa sinabi niya. "Dahil sa insidenteng 'yon, mas hinigpitan ng MIP ang security systems nila, at siniguro nilang wala ng makakatakas sa Northern gate."
"I see."
"Pero bago tayo makarating sa level na 'yon, ang unang-una nating goal ay makalaya rito sa Bastille. Since Morie ikaw lang ang makakalabas dahil sa appointment mo sa Beehive, sa'yo nakasalalay lahat. Once na hindi mo maaccomplished ang first goal, kapag nakuha nila ang Culomus sa'yo, game over."
"Naiintindihan ko." kagabi pa namin napag-usapan kung paano ko sila mapapakawalan. Natahimik kaming lima. Kay Eliza na mismo nanggaling na 0.1% ang success rate ng first goal, pero at least meron pa ring chance kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapakawalan sila.
"Morie." Tawag ni Eliza sa pangalan ko, kaagad akong napatingin sa kanya. Kitang kita ko yung pagkakaiba ng kulay ng mga mata niya at nakakatuksong titigan ang kaibuturan niyon pero alam kong ang naghihintay na kapalaran niya ang makikita ko, paano kung silipin ko 'yon? Kung magtatagumpay ba kami. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng mandaya, hindi ko pwedeng dayain ang tadhana, dahil mas magiging malupit ang kapalit nito, karma ika nga. "You won't peek in the future in our eyes, right?" nagulat ako dahil parang nabasa niya kung anong nasa isip ko.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"I guess... you're that kind of person." Hindi ko maintindihan ang sagot niya,
"Morie, you have to conceal your fears." Napatingin ako kay Palm, "Hindi ko sinasabing mahina ka, I now you are a very brave... because... that's the only thing left for you to be. Hindi ka makakarating dito sa Bastille kung hindi ka naging matapang."
"We are counting on you, Morie." At nakita kong nakatutok ang mata nilang apat sa'kin.
"Wag mong kalimutan na hindi ka nag-iisa sa laban na 'to. Nandito kami."
"Sabihin mo na sa kanya, Eliza." Sabi ni Palm, napatingin ako sa kanya, sabihin ang alin?
"Your other comrades are here also." Sabi nito, napakunot noo lang ako. Other comrades? "Kakatransfer lang nila sa Bastille two days ago, lima sila." Lima? Hindi kaya-the Carnies? "They are the unit number two."
"Paano sila napunta rito?"
"Well, ayon sa pagkakarinig ko, kinalaban nilang lima si Margaux, pero in the end natalo rin sila dahil nga sa collars na 'to."
Bakit... Bakit parang hindi ako makapaniwala.
"Isa lang ang ibig sabihin non, Morie." Nagsalita si Vicente, "Nagising na rin siguro sila sa realidad. Kinain ng mga kunsensya at pinili ka nila sa huli."
"At may isa pa pala, nag-iisa sa cell number five, isang lalaki na kasing edad mo, sa pagkakarinig ko, Cris Baldemor ang pangalan niya. Sigurado akong kilala mo siya."
S-si Baldo?
"Kita mo, Morie? Sabi naman sa'yo, hindi ka mag-iisa." Sabi ni Vicente habang tinatapik tapik ang semento gamit ang kamay.
Comrades. Friends. Loved-ones. They are the only one who's left for me. They are the reason why I am fighting and living.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumunog na kung anong alarm at nakita kong umiiksi ang kadena nila Eliza at hinihila sila nito papunta sa pader.
"Anong nangyayari?" tanong ko.
"Relax ka lang, Morie. Ganito talaga kapag bubukas na yung pintuan," sagot ni Vicente hanggang sa masandal silang apat sa pader, magkakalayo at magkakahiwalay, hindi rin sila makagalaw dahil parang nakalock na sa pader yung kadena nang maabot ang pinakadulo nito.
Biglang bumukas yung pinto at mula roon ay lumabas ang dalawang Sentinel, nilagyan nila ko ng posas sa kamay, bago kami tuluyang lumabas sa selda, nakatingin silang apat sa'kin at alam ko kung anong nasa isip nila.
'Some men are born great, some achieve greatness, and some have greatness thrust upon them.' I remember what Shakespeare wrote. And I guess it's my fate that greatness thrust upon me.
*****
[George Morris' POV]
"LORD Sio?" heto na naman sila at walang humpay na kumakatok. "Pinapatawag na po kayo ni Lady Margaux."
"Leave me alone!" narinig ko ang pagtawa niya, maya-maya'y nawala yung mga nangungulit na servants at muli ko na namang narinig yung boses niya.
"What now, bro?"
"We're not brothers."
"Ahh...sorry, nasa iisang isip nga lang pala tayo." Gusto kong pukpukin ng matigas na bagay yung ulo ko para umalis na siya sa isip ko,gusto kong saktan yung sarili ko para mawala siya, "Come on, Georgy, stop being a wimp."
Hindi na yata kakayanin ng isip ko, tumayo ako at humarap sa salamin. Pero nagimbal ako sa nakita ko, hindi ko makita ang sarili ko, ibang tao ang nasa harapan ko at nagsalita 'yon.
"Hanggang kailan ka magkukulong dito, Georgy, let's go outside para makita na natin si Ate Georgina. Ito ang purpose kung bakit nandito tayo ngayon."
"Shut up."
"Forget her,kalimutan mo na si Jill Morie dahil hindi mo na siya makikita pa."
"What?"
"She'll be dead by the morning."
"No."
"George-"
"No!" sinuntok ko ng malakas yung salamin at ang kasunod ay naramdaman ko ang sakit at pagdaloy ng dugo sa kamay ko. Nanginginig, ibinaba ko ang braso ko at pinagmasdan ang sarili sa bitak-bitak na salamin. What the hell...happened to me... It feels like I'm going to lose myself completely...and Sio will take over everything.
Si Jill... Kailangang may gawin ako para mailigtas siya. Hindi ako pwedeng magpatalo kay Sio, this body and memories only belongs with me.
Gusto ko ring makita si Ate Georgina pero hindi pa ito yung tamang panahon, kasalanan ko kung bakit napunta sa ganong sitwasyon si Jill at nasa panganib na yung buhay niya.
Lumabas ako ng silid, pero napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko siya na papasalubong sa'kin, yung babaeng tinatawag nilang headmistress. Kaya naman dali-dali akong tumalikod pero nakita kong papalapit si Caleb Perez-hindi, Cairo ang totoo niyang pangalan.
"Sio, kanina ka pa hinihintay sa amphitheatre para sa orientation." Napatingin ako sa babaeng nagsalita, hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan iyon ng itim na salamin, kaya naman hindi ko masisilip ang nakaraan niya.
"Hindi Sio ang pangalan ko."
"Oh, I see." Sabi nito at napatango, "Why don't you join us, Morris?"
"Join in what?"
"We're planning something for Christmas."casual na pagkakasabi niya pero hindi maganda ang hinala ko.
"Is it true..." napatingin siya sa kamay kong may sugat, "...na papatayin niyo si Morie?"
"Well, well, saan mo naman nalaman ang impormasyon na 'yan?"
"Kay Sio." Tinawanan niya ko pagkasagot ko. Nagkuyom yung dalawang palad ko.
"Your sister, Georgina, is waiting for you there at alam kong matutuwa si Sio." Tumalikod siya at umalis. Muntikan ko ng makalimutan na nasa likuran ko lang si Cairo. "I'll leave him to you, Cairo."
"I told you, you're powerless, kid." Sabi niya na mas kinainis ko, "Just give up already." Kinuwelyuhan ko siya pero biglang nag-iba ang kulay ng mga mata niya.
Damn...he's doing it again... Pinapalabas niya si Sio... No..I... can't... let him empowered me.
"Sio, will surely fit here." The last words I heard from him and everything turned dark.
*****
[Jill Morie's POV]
"FIRST goal, kailangan mo kaming mapakawalan sa Bastille."
"Paano?"
"That's for you to decide, Morie the free will."
Hindi ko alam kung sinasadya ni Eliza na hindi ako bigyan ng plano kung paano ko sila mapapakawalan o sadyang hindi rin niya alam at wala siyang maisip na paraan. To think na sa first goal nakasalalay ang pinakasuccess ng pagtakas, how could they put their one hundred percent trust on me, hanggang ngayon iniisip ko pa rin.
Nakasakay kami ngayon sa elevator papuntang level B, kung saan nakalocate ang Beehive, kasama ko yung dalawang Sentinels at hindi naman nila ko sinaktan kanina or what.
Bumungad sa'kin pagkabukas ng elevator ang abalang komunidad ng Beehive, katulad noong una kong pagpunta rito. Para nga silang mga bubuyog na walang ibang ginawa kundi magtrabaho, natutulog pa ba sila?
Dinala ko ng Sentinels sa isang silid sa isang department ako ipinasok, may bumungad na isang babae, pamilyar yung itsura niya, isa siya sa naglagay ng Helexia sa'kin kahapon sa rooftop. Inanyayaan niya 'kong umupo sa operating chair. Honestly, I was expecting of more massive equipment, operating table, and so on, pero parang katulad lang 'to sa EXP RM, o baka naman atat lang ako.
And damn, wala pa kong naiisip na paraan kung paano ang gagawin ko.
"Are you going to extract the Culomus now?" tanong ko. Umiling yung babae, na nakafacemask at nakasuot ng lab glass at lab gown.
"Hihintayin pang dumating si HGP number twenty one," si Ate Karen ba yung tintukoy niya, "At si Dr.Irvin, pagkatapos dadalhin kayo sa kabilang EXP RM,"
"Okay." Think Morie, anong pwede kong gawin.
Tsaka pumasok sa isip ko, yung Helexia.
"May I ask something?" hindi naman sigurong masamang magtanong, sana hindi siya katulad ni weird looking guy na ayaw sumagot sa mga tanong.
Tumingin siya sa'kin at mukhang senyales 'yon, "I'm just curious kung bakit hindi tumalab sa'kin yung Helexia." Pero hindi siya sumagot, "I guess you might know the answer because you're a Beehive scientist, and as a scientist you should take a look kung bakit nagkaerror sa experiment niyo." Come on, sumagot ka.
"You're right." Nabuhayan ako nang magsalita siya, "Bago iregister as a confidential drug ang Helexia, dumaan ito sa maraming proseso at trials, almost perfect ang naging resulta nito pero bakit hindi tumalab sa'yo?" Gotcha. I caught her curiosity. "Hindi naman kaya kulang yung amount na nilagay sa'yo? Pero yung telekinetic na babae, nung nilagyan namin siya one hundred percent namang tumalab pero sa'yo-"
"Then why don't you try it again?" sabi ko. I concealed my emotions at masasabi kong blangko ang mababasa sa mukha ko. I tried to act casually na parang wala lang mangyayari,at mukhang nakumbinsi ko naman siya base sa paggalaw ng mga mata niya, pinag-iisipan niya. "I am dying to know kung bakit hindi tumalab sa'kin." I bet she's dying to know too. Scientists are usually like that, they intend to know everything at tila nagiging sampal sa ego nila ang hindi pagprove sa mga hypothesis nila.
Hindi siya nagsalita bagkus ay lumabas ng silid. I don't know if it will work, this is the only chance I have, kapag dumating na si Dr.Irvin wala na 'kong magagawa pa.Maya-maya'y bumalik ulit siya na may dalang suitcase at bag. Nagbukas siya ng laptop sa mesa malapit sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung anong tawag don sa iba pa nyang dalang aparato. Tumayo siya at lumapit sa'kin, nagmamadali, hinahabol din niya yung oras para madiskubre kung nasaan ang error, for self creditation at promotion of rank nga naman kung nagkataong masresolba niya ang problema. Lihim akong napangisi habang may kinakabit siya sa braso ko, napakagatlabi ako nang may tinusok siyang maliit na karayom na kumukunekta sa aparatong dala niya.
Sa suitcase, inilabas niya yung isang kwadradong maliit na case, pinatong sa mesa na katabi ng kinauupuan kong operating chair. At mula sa maliit na case ay nilabas niya yung syringe.
Helexia.
Dahan-dahang itinurok niya 'yon sa braso ko, pagkatapos bumalik siya sa harapan ng laptop niya at doon nag-obserba.Wala pa rin namang pinagbago yung pakiramdam ko.Wala pa ring nangyari. Tiningnan ko siya, nakakunot ang noo.
"So? How was it?" inartehan ko yung boses ko, medyo garalgal, para masabing may kaunting pagbabago na nangyayari sa'kin.
"Imposible."sabi niya.
"Why?" may isa pang syringe sa case, at isang maliliit na bote ng Helexia. Narinig ko siyang sumagot pero nakatuon ang atensyon sa laptop, hindi ako nag-aksaya ng panahon, kahit nakaposas, kinuha ko yung bote at syringe, muntik ko ng mahulog yung bote habang nilalagyan ko yung syringe ng Helexia. Wala pang dalawang segundo, binalik ko yung bote sa mesa katabi ko. Hindi man lang napansin ng babaeng 'to yung ginawa ko.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya, hindi pa rin napapansin ang presensya ko, itinurok ko bigla sa braso niya yung syringe at huli na para makasigaw siya.
I didn't expect that I could trick her easily. For the second time, hindi tumalab sa'kin yung Helexia at maging siya hindi rin malaman kung bakit. Nang mapansin kong nasa state of trance na siya, natulala sa kawalan.
"You will follow my instructions," tumango ito at tumingin sa'kin, wala na sa sarili. "Pumunta ka sa Bastille's control room," 'yon yung tawag sa lugar kung saan nakalocate yung control system ng Bastille. "Release all the convicted Peculiars." Tumango lang ito ulit at dali-daling umalis.
Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko nang mawala siya sa paningin ko. Dapat mapakawalan niya kaagad sila Eliza bago dumating si Dr.Irvin kung hindi... mahuhuli sila ng dating.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang iba pang Beehive scientists. "Miss Morie, pinapatransfer ka na sa operating room, naghihintay na ron sila Dr.Irvin." Shit.
Wala akong ibang nagawa kundi sumama sa kanila, at sa kabilang silid na pinagdalhan nila sa'kin, mas malaki at mas maraming aparato, katulad ng inaasahan ko. May dalawang operating machines at malaking ilaw sa kisame, may mga LCD screens sa pader at built in computers, ang daming tao, hindi lalagpas sa dalawampu, mga Scientists at si Dr.Irvin.
Di kalayuan nakita ko si Ate Karen, nakatingin sa'kin, kagaya ko, may posas din siya sa kamay at binabantayan ng dalawang Sentinels, nakita ko sa mukha niya na gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa, tama nga ata ang hinala ko na hindi naman talaga siya nilagyan ni Cairo ng Helexia.
Ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon, huli na ba? Huli na ba ang lahat? Mukhang hindi na makakaabot sila Eliza. Unti-unti na kong binabalot ng takot.
"Wag mong kalimutan na hindi ka nag-iisa sa laban na 'to. Nandito kami."
Hindi ko na maipaliwanag ang sumunod na pangyayari. Una nila kong sinalang sa isang operating machine na hindi ko alam ang tawag. Nanginginig yung pakiramdam ko.
Did I failed again?
Pinikit ko yung mga mata ko, hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Narinig ko yung boses ni Dr.Irvin, hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya pero isa lang ang ibig sabihin kukuhanin na nila yung Culomus.
Mukang ito na talaga ang kapalaran ko.
"Hindi ka pa rin nag-iisa Morie. You are not alone because we are here;
I'm sorry.
I'm sorry kung wala na naman akong nagawa.
Ilang saglit pa naramdaman kong namatay yung mga makina. Napadilat ako, madilim
"What happened?" boses ni Dr.Irvin, "Bakit namatay yung kuryente?!"
Tsaka biglang nag-echo sa memorya ko ang tinig ni Eliza,
"After completing the first goal. The second goal: We will shut down the Beehive's power system."
"...we are your new comrades."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro