/60/ The Chain Gang
Naunang naglakad si Cairo nang bumukas ang malaking pintuan ng elevator. Nasa underground level C kami, ang pinakailalim na parte ng Mnemosyne Institute, ito yung lugar na tinatawag nilang 'Bastille' isang underground prison cell para sa mga Peculiars na kagaya kong... kagaya kong sumusuway sa sistema nila. Unlike HGPs RM na mga seldang bakal ang pinaglalagyan, the Bastille's cells are closed, may mahigpit na security system at guards na nagbabantay. Kung ikukumpara ang temperature sa itaas, di hamak na sobrang lamig dito, parang nasa loob ng refrigerator na halos maaabot na ang freezing point.
C-3
Cell number three. Dito kami huminto, may pinindot siyang mga numero at dahan-dahang bumukas ang pinto. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya kanina, kung hindi niya pinigilan kanina si Lady Margaux, patay na siguro ako ngayon. He insisted that this is the board's order, kaya hindi ko rin alam kung may utang na loob ba dapat akong tanawin sa kanya.
"You don't need to thank me."
"Hobby mo na talagang mang-intrude ng iniisip ng ibang tao ano?"
"Ididischarge ka rin tomorrow, para iextract sa'yo yung Culomus."
"May gusto sana akong itanong."
"Go ahead."
"Anong gagawin nila sa'kin... kung makuha na nila yung Culomus."
"You're not a Peculiar anymore by that time and you are not allowed to go back anymore. Ang patakaran dito, walang sinumang normal na tao ang maaaring makalabas na may dala-dalang impormasyon. Marami ka ng masyadong alam, Jill Morie, I am afraid that they'll 'dispose' you afterwards."
"I see." Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan naming dalawa. Huminga ako ng malalim. Sa mga oras na 'to, alam kong alam ni Cairo kung anong iniisip ko, alam niya siguro na nawalan na 'ko ng pag-asa, that this time I completely accepted my defeat.
I'm hopeless.
"Hey."
"What?"
"Please take care of her." Alam kong nabigla siya sa sinabi ko, hindi siya kaagad nakapagsalita, "Hindi ko man kayang basahin ang isip mo pero alam ko...alam kong mahal mo ang kapatid ko. Kaya naman... kung papatayin nila 'ko pagkatapos nilang makuha yung Culomus... Ikaw na ang bahala kay Ate Karen."
Cairo just smirked, "What are you saying." Humakbang ako papasok sa loob ng selda. Lumingon ako sa kanya bago sumara ang pinto, walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha, "Don't worry, I'll take care of her." Ngumiti ako nang sumara na 'yon, at least sa huling pagkakataon ng pag-uusap naming dalawa nagkasundo kami.
Pitch Black.
Wala akong makita na kahit ano, sobrang dilim, sobrang lamig, wala akong ibang magawa kundi yumakap sa sarili habang dahan-dahang napaupo sa konkretong sahig. Well, the day after tomorrow, I'll finally reach my end. What I am supposed to feel now? I don't know. Basta alam ko sa sarili ko tapos na talaga ang laban. Ilang beses na rin ba kong muling tumayo at lumaban? Ilang beses na ba nila 'kong napatumba? Nakalimutan ko na.
Hindi ko alam na aalingawngaw sa buong paligid ang pagpatak ng luha sa sahig. Sunud-sunod. Walang tigil. Pakiramdam ko nanginginig ang buong pagkatao ko, mula sa loob ng kalamnan, buto't balat.
Starting to lose myself, I hate to admit that I am really scared right now... scared that I'll die alone in this cold place. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero alam kong walang sasaklolo sa'kin. Mababaliw na 'ata ako sa sobrang katahimikan.
At bago pa man ako tuluyang kainin ng kabaliwan, napatigil ako nang makarinig ako ng tunog ng bakal.
Chains.
Tunog ng kadena na nakakaladkad sa sahig ang umaalingawngaw sa buong paligid. May mga yabag papunta sa kinaroroonan ko. Mas napapitlag ako nang may humawak sa braso ko.
It's warm.
"Sshhh."
"S-sino ka?"
"Huwag kang matakot." Boses ng isang babae, siya yung nakahawak sa braso ko, maya-maya'y namalayan ko na lang yung sarili ko na nakayakap sa kanya. I don't know what just happened... I can't feel the pain inside of me. The fear and anxieties are gone, napalitan ng mas magaang pakiramdam na hindi ko alam kung saan nagmumula. "Dahan-dahan mong ipikit ang mga mata mo." Parang may kung anong hipnotismo at sinunod ko siya.
"Thank you." I whispered before I shut my eyes and feel better than ever.
[Cloud Enriquez]
"Why...ma... bakit hindi niyo 'ko nilagyan ng Helexia?" tanong ko sa kanya, habang nakaupo siya sa gilid ng kama, habang ako naman ay nakahiga lang, nanghihina pa rin dahil sa nangyari kanina.
"Dahil anak kita." I've never see her eyes dahil natatakpan 'yon lagi ng itim na salamin. I always wished to see how beautiful my mother's eyes at kung kailan ko kaya mararanasan magkaroon ng kumpletong pamilya, like the normal ones.
"Wow."
"Rest, Cloud."
"Cloud is not the name you gave me, right?"
"Tomorrow, I hope wala ng ganitong insidenteng mangyari." Then she just left, pinatuyan niya na mas importante pa ring sumunod sa kanila kaysa intindihin ang sarili niyang anak. Pity me.
I wonder what will happen tomorrow. Hindi ko na makausap through telepathy si Jing dahil wala na siya sa sarili, and... si Jill... hindi ko na siya mahanap... hindi ko na siya mareach. Kung nakarating lang kami kaagad sana sa rooftop, sana nakatakas kaming tatlo. Kahit na imposibleng makatas... atleast...we tried.
What should I do now? Bumalik sa dating gawi? Maging sunud-sunuran dito? I promised that I'll do everything to save Jill pero gusto kong magalit sa sarili ko ngayon dahil alam kong wala ng ibang paraan, my mentor, Cairo, would definitely laugh at me.
I stayed for an hour then bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nasa Sanctus ako, at kung susubukan ko mang lumabas maraming mga sentinels ang nakabantay, kung hindi lang nalason ng Helexia si Jing...
Naglalakad ako sa hallway nang matanaw ko siya na papasalubong. Si George Morris. So he's already here at mukhang naovertake na ng other persona niya ang buong pagkatao niya. Matagal ko ng alam pero mas pinili kong itago. I can read his dual mind.
"Hey."
"Hey."
"I just heard what happened earlier." Sabi niya.
"So?"
Ngumiti siya, "Well, Jill Morie will gonna reach her downfall, finally." Alam kong hindi mismo si Morris ang kausap ko ngayon, walang iba kundi yung pangalawang persona niya. Nilagpasan niya na 'ko pero nagsalita pa rin ako.
"Alam mo ba kung bakit hindi ko sinabi sa kanya noong ang tungkol sa totoong pagkatao na meron ka?" napahinto siya at muling lumingon. "Kasi... Mahal ka niya."
Ngumisi lang siya at umiling tsaka nagpatuloy sa paglalakad, pero hinabol ko siya atsaka sinuntok, bumagsak siya sa sahig at galit na bumaling, pero kinuwelyuhan ko siya. "Pero sana pala, kung alam kong mangyayari 'to sinabi ko na agad sa kanya yung totoo." Nanginginig yung mga kamay ko sa galit, binitawan ko siya at umalis.
I really hate myself now.
[Cairo]
"Anong gagawin nila sa kanya, Cairo?"
"Nag-usap na tayo Beatrice, pinili mo si ang anak natin kaysa kay Jill Morie, kaya hindi ka na dapat magtanong tungkol sa kanya."
"Damn you, she's still my sister! Sinusunod ko lahat ng gusto mo pero bakit kailangan niyo siyang patayin?!" she's still herself, but we had a deal. Hindi ko siya kayang harapin ngayon lalo na't umiiyak siya.
"They will transfer the Culomus to you, Beatrice, kaya ikaw ulit ang magiging bearer―"
"I'd rather die." Sabi niya, "Patayin mo na lang din ako para hindi ako nahihirapan ng ganito." God, I can't look at her directly.
No. "You can't die. Our daughter is waiting for us―"
"Matagal ko ng inisip na wala na 'kong anak Cairo, matagal ko ng insip na hindi ko na makikita si Wyndell. What if niloloko mo lang ako na nahanap mo na siya para lang sumunod ako sa mga gusto mo?"
"Totoo, Bea, she's alive―"
"You are vicious... heartless...paano ako maniniwala sa mga sinasabi mo." I tried to reach her arms but she flinched.
"I hate you."
I hate myself too. And hearing those words from her really hurts like hell.
[Jill Morie]
"Hindi pa ba siya gising?"
"Hindi pa 'ata."
"Mukhang napasarap masyado ang paggamot mo sa kanya, Palm."
Nakakarinig ako ng mga boses na nag-uusap. Binuksan ko yung mga mata ko, may kaunting liwanag akong naaninag sa kisame, hindi katulad kanina na halos wala akong makita. Gumaan yung pakiramdam ko, atsaka ko naalala, kanina...
"Gising na siya."
Using my arms I tried to get myself up, then I saw them boring their gazes down on me. The first thing I noticed was the chains in their hands and feet, bukod sa nakasuot din sila ng collar ng katulad sa'kin, the chains are long and tied down, nakakalakad at nakakagalaw pa rin sila pero para pa rin silang mga aso na nakatali sa kulungan.
"Hi." The girl who hugged me earlier said, tsaka ko lang napansin na naka-braid yung buhok na hanggang bewang niya "Kamusta? Bumuti naman ba ang pakiramdam mo?" she's smiling while looking at the other direction. She's blind.
Tumango lang ako kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. When she touched my arm earlier, I quickly felt the tenderness and warmth. She healed me not just physically but also emotionally, kumalma ang kalooban ko bukod sa sakit na nararamdaman ko.
"Mabuti naman kung ganon. Ako nga pala si Palm." Sabi niya habang sinusubukang maglakad sa kinaroroonan ko, pero pinigilan siya ng isang lalaki na taas-taas ang buhok at maraming piercings sa mukha.
"Ano ka ba naman Palm." Sabi nito. "Lakad ka ng lakad ng basta-basta."
"Kaya ko ang sarili ko, Dean."
Hindi ko inaasahan na may mga kasama ako sa selda na 'to, mga Peculiar din sila katulad ko at ang tanging kaibahan nga lang ay wala akong kadena katulad ng suot-suot nila.
"Ahaaaah... Nakakainggit ka naman, wala kang ganito." May isa pang lalaki na sumulpot, bagsak na bagsak ang buhok na kulay kape. He's probably talking about the chains. "Wow, akalain mo't magkakaroon pa tayo ng bagong inmate, after six years ngayon lang ulit ako nakakita ng ibang tao bukod sa mga kupal na guards dito at sa inyo guys." At tumawa ito na umalingawngaw sa apat na sulok ng selda.
Six years? I can't imagine how hard it is.
"Magpakilala kayo sa kanya." Utos nung Palm sa dalawang lalaki. Tumayo ako at nag-aalinlangang lumapit sa kanila.
"Kailangan pa ba talaga 'yon?" yamot na tanong nung lalaking bagsak ang buhok, "Tss.. Yoh, ako nga pala si Vicente."
"Ako naman si Dean."
Tumango lang ako sa kanilang dalawa.
"Patay tayo dyan Palm, napipe na ata siya." biro nung Vicente habang napakamot sa ulo.
"Hindi lang siya makapaniwala na may kasama siya ngayon dito." Nagulat kaming apat nang may magsalita hindi kalayuan, doon sa bandang madilim na sulok ng selda, "Sa wakas nakita ka na rin namin. Jillianne Morie."
"Eliza!" Lumabas mula sa madilim na sulok ang isang matangkad na babae, lagpas bewang yung buhok nito, napansin ko na kamukang kamuka niya si Vicente at kulay kape rin ang buhok nito. Identical twins?
Nabigla ako sa kung paano niya nalaman ang pangalan ko at ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Paano nila 'ko nakilala kung matagal na silang nakakulong dito.
"Katulad ng inaasahan, nagtataka ka kung paano ko nalaman ang pangalan mo. Well, I've been hearing your name lately, sikat na sikat ka sa itaas―I mean sa buong Mnemosyne Institute." Mas naaninag ko yung mga mata niya, magkaiba 'yon ng kulay, isang kulay itim at kulay usok. This is the first time I saw a one. Heterochromia.
"What do you mean by 'hearing'?"
"Well, my peculiarity...I have enhanced senses."
"Si Eliza ang nagsisilbing mata at tenga namin dito, kung anong nangyayari sa itaas ay nalalaman din namin kaagad." Sabi ni Palm. "Kahit mga lihim at sikreto, alam ni Eliza." That's pretty cool and...creepy. So, kaya ba niya nasabing sikat na sikat ako ngayon dahil sa gulo na ginawa ko at usapan ako sa buong MIP.Umupo silang apat sa sahig at pumorma ng pabilog, niyaya nila 'kong umupo rin kaya naman sumunod lang ako.
"Cairo said that this place is for those troublesome Peculiars. Ano naman ang ginawa niyo kung bakit...kung bakit kayo dinala rito?" tanong ko sa kanila. "Narinig ko nga kanina na... anim na taon na kayong nakakulong dito."
"Ahh, tandang-tanda ko pa,halos kasing edad ka lang namin noong una kaming mapadpad dito." Sabi ni Vicente habang pinaglalaruan yung kadena sa paa.
Biglang hinawakan ni Palm, na katabi ko, yung kamay ko at sinabing, "Purgatoryo kung tawagin namin ang lugar na 'to at masasabi kong maswerte ka dahil nandito ka."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Malinis pa ang kaluluwa mo kung napadpad ka rito sa Bastille." Sabi naman ni Dean na hindi ko maintindihan "Sa tingin ko hindi mo pa talaga alam kung ano ang kalaban mo ngayon Morie." Si Dean, tumingin siya kay Eliza at sumenyas. "Ilahad mo lahat sa kanya. Lahat-lahat tungkol sa Mnemosyne institute at tungkol sa Memoire."
Huminga ng malalim si Eliza at nagsimulang magsalita "Memoire is a secret organization, kung saan ang mga tao sa likod nito ay nag mamay-ari ng malalaking iba't ibang kumpanya, kung sinu-sino at anu-ano ang mga kompanyang 'yon, walang masyadong nakakaalam. Ilan sa pagmamay-ari ng Memoire ay ang Sentral City Hospital at Sentral University. Eleven years ago isang propesor na doktor ang nakadiskubre sa mga Peculiars, si―"
"Dr.Richard Morie." Ako ang kumumpleto sa sasabihin niya.
"Yes. His findings gave a good impression in his reputation at the hospital and university he works. Memoire discovered his research, kaya naman naghanap pa sila ng mga Peculiars. Mnemosyne Institute was established almost fifty years ago, ito kasi yung pinakabase ng mga Memoire pagdating sa research at experiments nila. Dito dinala lahat ng mga Peculiar na nakuha nila at nagsimulang pag-aralan. Alam mo naman siguro na Memoire's aim is to conquer the universe, that's why using the Peculiars naniniwala silang mas mapapabilis ang pagtupad sa layuning iyon." nagpatuloy siya, "Hindi naging madali sa Memoire ang paghahanap ng mga Peculiars kaya naman ginawa nila lahat para mahanap ang mga ito, they even build home institutions for orphan children pero ang totoo naghahanap lang sila ng mga Peculiars dahil sa isang ampunan lang din natagpuan ni Dr.Morie yung mga batang 'yon, the six orphan children of Sta.Helena orphanage." Kung saan kabilang sila Ate Karen, Jing, at Cairo. "Halos dalawampu lang yung nahanap nilang Peculiars at hindi pa rin iyon naging sapat para sa kanila, they wanted more dahil nga sa extraordinary things na maaaring gawin ng isang Peculiar."
"Kung ganon paano nila napadami ng ganito karami ngayon yung population ng mga Peculiars?" natatandaan ko pa noon sa Lazaro Hall, lagpas isang daan ang mga Peculiars na nakita ko at iba-iba pa sila ng edad at nasyonalidad.
"The first method is very traditional."
"Traditional method?" sabi ko, naguguluhan.
"Peculiar breeding."
Tumawa si Vicente pero sinaway siya ni Palm na seryoso, pati si Dean tumikhim at tumahimik naman ito pagkatapos.
"Peculiar what?" gulat kong sabi, "Breeding?" what the hell is that.
"Through sexual intercour―"
"Okay, okay, naintindihan ko na."
"Sabihin na lang natin na nag-aarrange marriage sila ng mga Peculiars."
"Arrange marriage huh." Nakakunot noo kong sabi dahil ang wirdo lang ng unang method na naisip nila.
"Then they need to bear a Peculiar children na sa MIP rin palalakihin. But sometimes hindi nagiging effective, may mga offsprings na walang signs of Peculiarity kaya ang ginagawa sa mga batang hindi Peculiar ay pinapadala sa mga orphanage o di naman kaya'y binebenta sila overseas para sa organ―"
"Eliza!"
"Kailangan malaman ng batang 'to ang totoo, Palm." Si Dean, "Sige, Eliza, ituloy mo."
"The second method they used is a genetic modification. Using the genes of those Peculiars gumagawa sila ng mga test tube babies. Vicente and I are among of those successful test tube babies, dahil ang ilan ay hindi naka-survive dahil sa abnormalities ng genes ng mga Peculiars na kinukuhanan nila."
"So... hindi talaga kayo magkapatid na kambal?"
"They just modified our genes kaya naging magkamukha kaming dalawa ni Vicente, but still, we're sharing the same surname dahil parehas kami ng pinagkuhanan ng Peculiar genes." Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang tahimik lang sila Palm, Dean at Vicente, "Bukod sa paggawa ng test tube babies na Peculiar, pinag-initan din nilang imodify ang DNA ng mga normal na tao, hanggang ngayon wala pang nagiging successful na experiment sa pagkoconvert nila ng isang tao para maging Peculiar."
"Pero bakit may mga HGP?"
"Hindi pa kuntento ang Memoire sa narating nila sa larangan ng siyensya, kaya naman hindi lang sila sa Peculiars nagfocus kundi sa iba't ibang bagay na hindi pa natutuklasan ng siyensya. Human Guinea Pigs or they called it HGP, bukod sa mga lab animals na ginagamit nila, sinubukan na rin nilang gumamit ng mga tao para gawing test subjects."
"Hindi ba't illegal yon?"
"Legal iyon kung mayroong one hundred percent na approval ng mismong tao, voluntary at may consent. Memoire will always find a way to get what they want, kaya hindi mo maiimagine kung paano silang nakakolekta ng ganong karaming HGP, let's say for example, nagbigay sila ng offer na malaking halaga and so on."
"Kung ganon... bakit yung mga nakita kong HGP mga putol ang dila at gustung gusto nilang tumakas sa lugar na 'to."
"Sa oras na makita mo na kung ano ang ginagawa sa kapwa mo tao, tsaka ka lang matatakot kahit milyon pa ang perang binigay sa'yo. May mga pinuputol ang dila dahil sila yung mga nagtangkang tumakas at gumawa ng gulo, tulad ng ginawa mo." Pakiramdam ko bumaligtad yung sikmura ko nang inisip ko kung paano nila nagawang putulin yung dila ng mga taong 'yon, "May mga HGP na ilegal na kinuha ng Memoire, sila yung mga nakaalam ng mga hindi dapat malaman, mga nagtangkang magsumbong sa awtoridad, kinidnap sila at dinala sa lugar na 'to para gawing HGP instead na patayin, karamihan sa kanila ay detectives, journalists at doktor." Katulad ni Miss Marcel na nadamay sa gulo na 'to. "Sinabi nila Palm at Dean kanina, consider yourself lucky to be here dahil pag dinala ka rito ibig sabihin may natitira pang moralidad sa pagkatao mo."
"Why do you say so?"
"Any Peculiar who graduated from this institution will be officially one of the Memoire." Inilabas ni Eliza ang kanang braso at ipinakita ang isang maliit na tattoo, "This tattoo is the emblem of the Memoire, tanda na sumumpa ka na paglilingkuran mo ang mga pinuno sa likod nito." Isang black diamond na may letrang M na kulay puti sa gitna, katulad ng mga logo at seal na nakita ko sa Memoire, "Once na makalabas ka sa MIP, bibigyan ka nila ng magandang reputation sa kahit anong industriya na ibigay nila sa'yo, in politics, beaurocracy, business, media, military, academe, law firm, medicine and so on. At kahit anong iutos ng mga nasa itaas ay kailangan mong sundin regardless what's morally wrong and right, what's important to them is to take a step forward into their goals at walang sinuman ang maaaring makaharang sa kanila."
"Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ni Eliza, Morie?" tanong ni Dean.
"Oo."
"Kapag sinabi ng Memoire na pumatay ka, wala kang ibang magagawa kundi pumatay." Nagsalita si Vicente na naging seryoso.
"Kaya halos lahat ng nasa itaas ay―"
"Makasalanan." Si Eliza ang nagtuloy ng sasabihin ni Palm.
"They'll try to buy you first, sisilawin ka nila sa marangyang pamumuhay, masasarap na pagkain, magagarang damit, at marami pang iba." Sabi ni Dean at sinundan kaagad siya ni Vicente.
"Pagkatapos, unti-unti ka nilang ibe-brainwash hanggang sa hindi mo namamalayan na sumusunod ka na lang sa kanila."
"Pero hindi lahat nakukuha nilang mapaikot sa mga palad nila. Kaya nga ginawa ang lugar na 'to para sa mga nagrebeldeng Peculiar." Si Palm
"Morie, ikaw pa lang ang nakagawa ng gulo katulad kanina." Sabi naman ni Dean. "At mukhang nagalit mo ng husto si Michele at pinagtangkaan ka niyang patayin."
"Michele?" Napakunot yung noo ko. Si Miss Margaux ba yung tinutukoy niya?
"Si Michele Margaux. Michele Enriquez, ang totoo niyang pangalan. Alam mo kasi Morie, dito sa MIP, kapag pinapadala ka na nila sa iba't ibang misyon kailangan mong kumubli sa ibang pangalan."
Kung Michele Enriquez ang totoong pangalan ni Lady Margaux, ibig sabihin anak niya talaga si Cloud... Hindi pa rin ako makapaniwala. At kung ang bawat Peculiar ay binibigyan ng bagong pangalan ibig sabihin hindi Cloud ang totoo niyang pangalan, pati na rin sila Seraphina, Jing, Otis, Finnix, Cecilia at Pascal.
"Memoire wanted your power badly." Nagsalita ulit si Eliza.
"I know..." sabi ko naman, napayuko, "but... it's not really mine."
"Alam mo na ba talaga kung anong balak nila sa Culomus?" tanong niya. Umiling ako bilang pagsagot. "They will use it to see the universe's future, kung magtatagumpay ba ang Memoire."
"What? Paano nila magagawa 'yon?"
"I don't exactly know how, basta ang alam ko they have that some sort of program para makita lahat ng individual's future in order to see the whole universe's predicted pattern."
"Predicted pattern?"
"Kung nakatadhana na hindi magiging matagumpay ang Memoire, they will destroy the flow, they will do something para magtagumpay sila And you know what that means."
"What?"
"Dystopia."
Hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik, kaya naman huminga ako ng malalim "Thank you for telling me about them."sabi ko sa kanila. "But tomorrow... they'll extract the Culomus from me at pagkatapos... papatayin na nila 'ko."
Nakita kong nagtinginan silang apat bago ulit magsalita si Eliza, "You know what Morie, I can really sense that you're truly a Peculiar."
"But without the Culomus hindi ako katulad―"
"Narinig ko na hindi tumalab sa'yo yung Helexia, the drug they made in order to control someone,"
"And so?"
"Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit?"
"Because I am a test subject of Helexia before?"
"No, I don't think it's because of that." Nangalumbaba si Eliza, "Bakit hindi ka pa hinayaang pinapatay ng deputy headmaster na si Cairo? It's possible that he―they knew that there's still something special inside you. At kanina lang nila nalaman kung ano ang Peculiarity mo."
"Peculiarity? Ko?"
"You are the freewill."
"You know what I don't get you, Eliza, what are you trying to say―"
"Matagal kaming naghintay." Nagsalita na si Dean na sinundan ni Vicente.
"Anim na taon, Morie, anim na taon kaming binulok ng MIP dito."
"At sawakas dumating ka Morie." Si Palm na nangingislap ang mga mata.
Anong gusto nilang mangyari...
"Tatakas tayo sa lugar na 'to at ikaw lang ang may kakayahang gumawa ng bagay na 'yon."
"No, wala akong magagawa, everything's so messed up at wala ng ibang paraan para makatakas sa lugar na 'to." Tumayo ako at tumayo rin sila. Hindi ako sang-ayon sa gusto nila.
"So, sumusuko ka na Morie?" nanghahamong tanong ni Dean na nasa kaliwa ko, katabi niya si Vicente na nakahalukipkip at sa kanan ko si Palm, katapat ko si Eliza.
"Hindi niyo naiintindihan, kahit ilang beses ko pang tangkaing lumaban matatalo't matatalo pa rin nila―"
"Makinig ka." hinawakan ako ni Eliza sa magkabilang braso at halos yugyugin niya 'ko pero kalmado pa rin siya. "Papayag ka bang magwakas ang lahat ng ganun-ganon lang? Kung kailan ngayon pa lang nagsisimula ang laban niyo ng Memoire susuko ka na? You've already come so far, nandito ka na sa pinakailalim na parte ng MIP, and do you know what that means?" binitawan niya na 'ko at tumingin lang ako sa kanya, "Hindi ka pa rin nag-iisa Morie. You are not alone because we are here; we are your new comrades."
Comrades? Biglang pumasok sa isip ko sila Seraphina, nangako sila sa'kin na tutulungan nila 'ko pero anong nangyari? Tinraydor lang din nila 'ko sa huli. How can I possibly trust new comrades again? I am so scared to face them alone, and I am scared to be betrayed again and again.
"I'm sorry but... I think this is my fate."
"Hoy Morie!" sumigaw si Vicente, "Hindi mo naiintindihan na anim na taon na kaming nabubulok sa kulungan na 'to kaya―"
"Shut up!" I can't control my anger now, "There's no way for me to save all of you! There's no way to escape this place! Just like what you've said, Memoire is very powerful and they will get rid of those threats. This fucking eyes is what they need so I'll give it to them! Mas mabuti na lang din siguro na patayin nila 'ko pagkatapos dahil wala rin namang saysay kung mabubuhay ako, no one needs me―"
Naramdaman ko na lang na may dumapong palad sa pisngi ko, masakit, malutong na sampal mula kay Eliza ang natanggap ko.
"Eliza, bakit mo siya sinampal." Si Palm na hahawakan ako pero tinabig siya nito.
"Para kumalma siya." Sagot ni Eliza "This little girl surrendered." Iiling-iling niyang sabi, "I expected so much from you Jillianne Morie the freewill, hearing those kinds of words from you is irritating." Mahinahong pagkakasabi niya, "Are you underestimating us? We're also elites way back then, and do you think na hahayaan lang namin na ikaw ang gumawa ng paraan? Sa loob ng anim na taon, sa tingin mo hindi namin naisip kung paano tumakas dito? I'm asking you to be part of this team, you are the way in order for us to escape dahil ikaw lang hindi nakachained at hindi nakasuot ng collar."
Hinawakan ako ni Eliza sa balikat at sinabing "There are still people out there who need you, don't forget that."
Hindi ko napigilan ang sunud-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata ko kasabay ng pag-alala sa mga taong nangangailangan ng tulong ko, sa mga taong naghihintay sa'kin pag-uwi, ang mga kaibigan na mayroon ako, si Jing, si Cloud, si Ate Karen... at pati na rin si Morris.
They need me... That's why... I mustn't lose.
I just can't die yet.
"What's the plan?" tanong ko sa kanila at nakita kong sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro