Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/58/ Azotea

[Jill Morie's POV]

 I thought I was going to die.

Pinipilit kong igalaw ang buo kong katawan pero nabigo ako, the pain is still here and it made my whole body numb, hindi ko alam kung paano iyon iindahin. Nakita ko si Klein na sapilitang binuhat ng isa sa kanila, rinig na rinig ko yung palahaw niya pero maya-maya bigla yong nawala sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ako nililinlang ng mga mata ko sa nasaksihan ko kanina, Stephen and Miss Marcel is here, this place, HGPs RM is a prison cell―no―it's not just an ordinary prison cell. I don't know how to call it pero isa lang ang sigurado ako, there are normal human beings here and they are not safe.

"Margaux, what happened?" Narinig ko yung boses ni Cairo na kakarating lang. Kahit anong pilit kong galaw sa katawan ko na bumangon hindi ko magawa, ganon kalakas yung epekto ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko, paralisado pero gumagana pa rin lahat ng senses ko.

Cairo confronted the headmistress and beside him is my sister, Karen, who is emotionless, staring down at me, it feels like the pain grew stronger because of her gaze, I almost forget that she can barely recognize me at all and it's Cairo's fault.

"That young lady did something terribly against the rules."

"Margaux," kahit na pabulong at humina ang boses ni Cairo, rinig na rinig pa rin 'yon. "They ordered us not to harm her at any cost, are you trying to defy the board?"

"I know, Cairo, hindi mo kailangang ipaalala. Jill Morie's action is inappropriate that's why I need to press this." Bumuntong hininga ni Cairo, inagaw ang remote na hawak ng headmistress. Maya-maya nakita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko. Medyo lumapit siya sa'kin at pinindot ang buton ng remote na 'yon, maya-maya'y nagagalaw ko na yung katawan ko. Then he stared as if he's reading my mind, I can't clearly see his face because of the lights.

"Dalhin siya sa EXP―"

"No, take her to the Sanctus."

"I am the headmistress."

"Yes, you're just the headmistress, Margaux. Don't forget the orders." Saglit silang natahimik pareho, nagsusukatan ng tingin.

"Fine. Take her to the Sanctus. We will discuss this matter later, Cairo." May dalawang babae ang umalalay sa'kin sa pagtayo, pinaupo nila 'ko sa isang wheel chair, lupaypay pa rin ang buo kong katawan at wala akong ibang magawa kundi magkuyom ng palad.

Damn it. Bakit? Bakit wala akong magawa? Bakit palagi na lang ganito? Bakit sa huli nagiging helpless lang ako. I seriously wanted to stand up right now and to do something. But how? How can I fight them? How can I save Stephen? Them?

"...because Jill Morie, you are the free will."


*****


"LADY Morie? Hindi niyo pa nauubos yung pagkain niyo."

"Busog na 'ko, gusto ko ng magpahinga." Sabi ko, tumungo lang siya at lumapit para itulak ang wheel chair na kinauupuan ko. Madilim na sa labas, nakapagtatakang wala pa yung ibang elites, hindi pa rin dumadating sila Lady Margaux mula sa general meeting.

Bumukas yung elevator at iniluwa siya mula roon. Sa ganitong pagkakataon na hindi ko munang gustong kumausap ng kahit na sino. Sio.

"Miss, ako na ang magdadala sa kanya sa taas." Nakangiti niyang sabi.

"Pero Lord Sio―"

"I insist."

Walang nagawa yung babae kundi hayaan akong ibigay kay Sio. Sa loob ng elevator namayani ang katahimikan. Kitang kita ko yung repleksyon naming dalawa sa pintuan, hanggang sa bumukas iyon, pero lumipas ang ilang segundo ay nanatili lang kami sa kinatitirikan naming dalawa. Maya-maya'y biglang pinindot ni Sio yung pinakaitaas na floor button. I still remained composed by what he did; just now, this guy is up to something.

"You're pretty cool huh," sabi niya nang muling bumukas ang pintuan, sa pagkakataong 'to nasa sixth floor kami ng mansion, muli niya akong itinulak papunta sa direksyong hindi ko alam. Makalipas ang ilang sandali namalayan ko na lang na lumabas kami at nasa azotea ng Sanctus. "I heard the news earlier, you trespassed the restricted building, at dahil do'n pinarusahan ka ni Michele Margaux sa pamamagitan ng collar na 'to."

Mas tanaw na tanaw mula rito ang kabuuan ng Mnemosyne Institute kumpara sa ikalawang palapag, dito ko lang din nakita na napapaligiran ang lugar ng anyong tubig bukod sa mga bundok. A breath-taking view indeed, malulula na kahit na sino lalo na kung acrophobic.

"What now? Ihuhulog at itutulak mo 'ko mula rito?"

Mula sa likuran ko ay narinig ko ang marahang pagtawa ni Sio.

"Anong kailangan mo sa'kin? Morris."

"What? I told you hindi ako si Morris, ako si Sio."

"Alam ko." gamit ang dalawang gulong ng wheel chair, iniikot ko yung sarili ko para makaharap sa kanya. "Alam kong si Sio at Morris ay iisa lang."

"Heh." He dramatically longed that expression, acting innocently, "Hindi kita maintindihan. Jill. Morie."

"Stop it, please. Tama na ang pagpapanggap, I've had enough."

"Okay, fine." He raised his hands as if he surrendered. "Kailan? Kailan mo pa nalaman?"

"Ngayon lang. Kanina sa elevator." Nakita kong kumunot yung noo niya at bahagyang napangisi pero nagtataka. "Isang malaking katangahan na napaniwala mo ako noong una nating pagkikita na hindi ikaw si Morris. Pero kanina lang nakita ko ang repleksyon mo, ang mga mata mo Sio, at ni Morris..."

"Ano?"

"Ay iisa lang." Tumaas yung isa niyang kilay, naghihintay ng paliwanag para mas makumbinsi siya na alam ko na kung ano ang totoo, "Alam mo, Sio, dalawang klase ng mga mata lang ang namumukod tanging nakita ko, una, ang mga mata ni Karen Italia, at ang mga mata ni George Morris."

"Great." Dahan-dahan siyang pumalakpak, "Ang buong akala ko magagawa kong maitago hanggang sa huli, nagkamali ako, Jill Morie."

"Nawala na tayo sa usapan, anong kailangan mo sa'kin? Bakit mo 'ko dinala rito? Hindi ko alam kung anong motibo mo, Morris, kung bakit kinailangan mo pang magpanggap na ibang tao, isa ka rin pala sa tumraydor, isa ka rin pala sa kanila." Hindi ko maitago yung hinanakit sa tinig ko. I remember he said that he wanted to protect me badly, pero in the end ganito lang din yung gagawin niya sa'kin?

"I told you hindi ako si Morris." Bakas ang pagkabugnot sa boses niya, "Akala ko pa naman alam mo na talaga, Jill Morie."

"Ang alin? Ano bang pinagsasabi mo Morris?"

"I'm not Morris. I'm Sio. The situation is like this, we have different minds inside this body. Okay?"

Kumunot lang ako sa sinabi niya. Different minds inside one body? What the hell is he saying?

"I guess you wouldn't easily understand." Humakbang siya ng isa papalapit, mas natanaw ko yung mukha niya nang tanglawan ito ng liwanag mula sa buwan, "I just thought that this is the right time to tell you everything, Jill Morie. I bet your heart won't be able to take this." Ngumisi na naman siya.

"Tell me everything you know."

"It was all your father's fault, si Dr. Richard Morie ang pinakasinisisi ko kung bakit nasira ng ganito ang buhay ko."

I want to tell him that he's not my real father but that's not necessary. Tintitigan ko lang siya, hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya.

"It's been a decade since he helped me and my dear sister. Kinupkop at tinulungan niya kami, inalala na parang sariling kadugo, but then he have an ulterior motive. Pinag-aralan niya kami ni Ate Georgina para sa research niya, at ang tinutuluyan pala naming inaakalang tahanan ay isang laboratoryo para sa katulad namin ni Ate Georgina na may tinataglay na kapangyarihan. He helped us to control and improved our powers, until that time came. Memoire took over his research, at magmula noon ay nagsimula kaming magtago mula sa kanila dahil kabilin-bilinan ni Dr. Richard na huwag kaming sasama kahit anong mangyari. Dumating yung araw na sumuko si Ate Georgina, sumama siya sa Memoire, kapalit ang kapakanan ko."

Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong kwento ngayon mula sa kanya, bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? Why did my father... he's...he's one of them... Memoire.

"Pero that doesn't end there, I want to get my revenge. At dahil ikaw ang nag-iisa niyang anak, sa'yo ko lahat binunton ang galit ko," hindi ko alam pero dahan-dahan akong umiiling, gusto kong magtakip ng tainga, ayokong marinig yung mg susunod niyang sabihin dahil alam kong mas masasaktan lang ako lalo sa bawat salitang bibitiwan niya. "I made that blog. Ako yung anonymous blogger na sumisira sa'yo, Jill Morie."

Tama na.

"Thanks to Lily, she helped me a lot, siya yung nagset up ng cameras, sa mga pictures na pinadala niya sa'yo at kay Stephen Yue, he really caused trouble, pero mabuti na lang naagapan ko kaagad."

"Anong ibig mong sabihin?" pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko, sa mga sinasabi niya wala akong ibang magawa kundi magkuyom ng palad.

"It was a perfect timing, that time, habang nasa ilalim ka ng experimentation nila―"

"Experimentation?"

"Oh, I'm sorry, I thought alam mo na isa ka ring HGP."

"HGP?"

"Human Guinea Pig." I almost gaped when he said that, HGP RMs, it means... "HGP number seventy three, Jillianne Morie. Isa ka sa ginamit para sa Project Helexia."

"Hindi ko―"

"What was I saying? Ayun nga, it was a perfect timing that time na pinapainom ka nila secretly ng Helexia," yung gamot na pinapalit ni Manang Fe sa vitamins ko, "The side-effects includes sleepwalking and auditory hallucinations, kaya naman binalak ko na palabasin na ikaw yung gumagawa ng sarili mong blog. Stephen confronted me after the recollection pero malakas ang back-up ko kaya naman nagawa ko siyang mapatahimik, instead telling you the truth, sinabi niya na address mo yung natrack niya at ang kapalit non?," he stopped waiting for me to respond furiously, "A luxurious life here in MIP."

"So in the first place sumama ka na agad sa Memoire."

"Inalok ko lang naman sa kanila ang tulong ko, at kapalit non ay ang muling pagkikita namin ng ate ko, at isa pa, tinulungan nila 'kong totohanin ang nasa loob nito." Mula sa kung saan ay nilabas niya ang isang itim na sketchbook.

"What the hell was that?"

"Naalala niyo pa yung bestfriend niyo ni Morris?"

"Lucille."

"Yeah, Lucille. Bago siya mamatay binigay niya ang sketchbook na 'to kay Morris sa ospital, at alam mo ba kung ano ang nasa loob nito?" binuklat niya 'yon at iniisa isa ang bawat pahina, tumawa siya at maya-maya'y tumigil din atsaka tumingin ulit sakin.

"Ang buong kapalaran mo, Jill Morie."

"W-what―"

"Lucille could see the future through dreams, at lahat ng mangyayari sa hinaharap, sa pamamagitan ng panaginip, nakita niya ang iyo. Iginuhit na ang kapalaran mo Jill Morie, at ako ang gumawa ng paraan para magkatotoo ang bawat pangyayari sa pahina nito."

"Tama na―"

"Katulad na lang ng pagtraydor sa'yo ng mga mahal mong kaibigan. Si Stephen, Si Cris, Si Finnix, Si―"

"Tama na!"

"It was really amusing and ridiculous, I even blackmailed Morris to help me out, siya yung humingi ng pabor kay Karen Italia para sa recollection dahil sabi ko magiging okay na ang lahat kapag nangyari yon, sinabi ko rin sa kanya na humingi siya ng tulong sa Carnies para tulungan ka pero ang totoo alam ko na planado lang ang lahat. Ang ironic lang hindi ba? Ah, muntik ko ng makalimutan si Lily. Siya ang kauna-unahang tao na nakadiskubre kung ano ang pagkatao na meron si Morris, kaya naman in order to shut her up, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kapangyarihan mo, kaya ginawa niya yong panakot kay Morris na ipagkakalat nya ang tungkol sa'yo kung hindi magiging sila." Natawa na naman si Sio na para bang isang malaking joke lang ang lahat ng sinabi niya, sana nga, biro lang ang lahat, dahil hindi na nakakatawa.

"Stop laughing."

Huminto siya sa pagtawa at muling sumeryoso ang mukha.

"Even that kidnapping incident of yours, pinlano yon para iligtas ka ni Cloud Enriquez, para mapunta sa kanya lahat ng hinala mo. Thanks to Memoire's help because they fulfilled my desire to complete each this sketchbook's page. And soon... wag kang mag-alala, magwawakas din ang lahat."

"Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng 'to?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin atsaka inilapit ang mukha niya sa'kin, sabay bumulong, "Because... It's too late for you to know." Muli siyang tumayo ng matuwid at humakbang palayo, biglang lumingon, "Wala ka ng ibang magagawa Jill Morie, soon, you will reach your biggest downfall."

"Hindi ako naniniwala."

"Heh?"

"Hindi ako naniniwala na iginuhit na ang kapalaran ko." buong lakas, pinilit kong makatayo mula sa pagkakaupo, binabalanse ang sarili habang hindi pinuputol ang titig kasabay ng pagbalik ng mga alaala na nakikita ko sa mga mata niya, mga alaalang nilimot, masaya, malungkot. I want Morris back, and this guy is definitely not him, hindi siya yung taong minsang minahal ko, "Because, Sio, I am the freewill."

"Don't make me laugh, Jill Morie. Lahat ng nasa sketchbook na 'to? Magkakatotoo. Gusto mo bang malaman kung ano ang susunod na mangyayari sa'yo? You will be confine at the EXP RM, in order to shut you up, they will inject the Helexia, at lahat ng iuutos nila, susundin mo." Tumalikod si Sio, naputol ang mga alaalang nakikita ko sa mga mata niya.

Hindi kaagad ako umalis, nanatili ako saglit para tanawin ang maliwanag na buwan. Pumikit ako at huminga ng malalim. Everything he said a while ago just destroyed me; it's almost over. There's no more choice except to be brave , kahit na iniisip ko kung paano at saan ako nakakakuha ng lakas ng loob hanggang ngayon. Binuksan ko yung mga mata ko at muling tumingin sa buwan. Morris, alam kong hindi ka susuko, alam kong babalik ka. And Sio, I'm not going to lose, hindi ako susuko sa inyong lahat.

Please, give me strength.

"I like your spirit."

May bagong tinig na nagsalita mula sa likuran ko, pumihit ako para harapin siya. Si Cairo.

"Hindi ka man lang ba magagalit o magtatanong tungkol sa kalagayan ni Morris?"

"Anong gusto mong gawin ko? Magwala rito tapos tumalon?"

"Nah. Tutal sinabi na sa'yo ni Sio lahat, may gusto lang akong idagdag na hindi niya sinabi. It was really your father's fault kung bakit siya nagkaganon, Jill Morie." Sabi niya habang nakapamulsa at sumandal sa pader, "Two years ago, noong itransfer sa'yo ang Culomus from Karen, that time contributor ng project Helexia si Dr.Richard, to avoid suspicions from the Memoire, he volunteered his own daughter to participate in the experiment, that's why isa ka ring HGP, HGP number seventy three," I see, kaya pala noong sinabi k okay dad na gusto kong bumukod pumayag lang siya, "Katulad ng sinabi ni Sio, ang side-effects sayo ng experimentation ng Helexia ay sleepwalking at auditory hallucinations."

"And so?"

"Isa ring HGP si Morris, HGP number sixty seven. Two years ago din magmula nang sumama si Georgina―"

"Georgina?" naalala ko yung babaeng humingi ng tulong sakin kanina.

"Yes, si Georgina, siya nga yung nasa isip mo." What, kapatid yon ni Morris? "Sumama si Georgina in order to protect his brother, pero pinipilit na rin niya na sumama sa MIP yung kapatid niya pero ayaw ni Morris. At that time, dahil nga nag-iisa na lang siya, without him knowing, ginamit din siya para sa experimentation ng project Helexia. The side-effect? Si Sio."

"What?"

"Nagkaroon siya ng MID, or multiple identity disorder, at si Sio ang pangalawang persona na nilikha niya, due to Helexia and due to her sister's absence. Noong una kaming nagkita ni Morris sa White Knights Academy, galit na galit siya sa'kin, pero habang sinusuyod ko kung anong nasa isip niya nakita ko na may kakaiba roon, he have two minds, and that another mind is Sio. Using my power, napalabas ko si Sio at nagkausap kaming dalawa, he told me everything about his plans and he offered his help to get you, at ang kapalit din non ay ang pagtulong namin sa mga gusto niyang mangyari." Huminga rin siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita, "Poor kid. Two minds inside a body, the one who really loves you and the one who really hates you at the same time." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa.

"Tapos ka na?"

"Hindi pa." Umupo siya sa bench malapit sa mini fountain. "Alam kong nagtataka ka kung anong nangyari kay Karen."

"You brainwashed her."

"How I wish I could change her mind and I know I can't actually do that to her."

"Kung ganon anong ginawa niyo?"

"We injected the Helexia. At ganon din ang mangyayari sa inyo bukas. Ikaw, si Jing Rosca at Cloud Enriquez. Due to your strong and rebellious character, we decided that you will be also injected. Nang sa gayon maging masunurin kayo kapag dumating ang board of directors sa mga susunod na araw."

Si Jing at Cloud?!

"Be ready for tomorrow Jill Morie. The show is just starting."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro