Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/57/ Culomus

[Jill Morie's POV]

THE clock is ticking and I don't know what's in his head.

Si Dr. Raphael Irvin, ang sinasabi nilang may gawa ng Culomus, ay nakatayo sa harapan, walang inuusal na mga salita. Gusto ko na sanang tumayo at umalis dito dahil kalahating oras na siyang walang sinasabi at nakatuon lang ang atensyon sa laptop. Tatayo na sana 'ko para magsalita, nang bigla niya 'yong sinara, tsaka kinuha ang marker at nagsimulang sumulat sa white board.

Pagkatapos niyang magsulat ay tsaka siya pumihit paharap sa'kin, kinuha ang microphone, tumikhim muna bago nagsalita. 

"Before I explain the further details about the Culomus, let me have this short introduction. Would you read what's written on the board?" We're at the conference room of the Beehive and seriously para akong nasa isang university at one on one na nakikipagklase sa isang professor.

"Free will versus determinism."

"Very well then. Miss Morie, alam mo naman siguro kung anong ibig sabihin ng free will hindi ba?" Tumango lang ako bilang pagsagot, gusto ko na sanang magtanong kung para saan 'tong lecture na 'to at sigurado ba talaga siya na siya yung gumawa ng Culomus. "Free will shows that humans have control over our decisions, we have the free will determining the course of our action, we are free to move, free to decide about everything, tayo ang namimili sa gusto nating gawin dahil tayong mga nilalang ay malayang makapagdesisyon sa kung ano mang mangyayari," I won't deny, he already caught my interest over the topic "But!" the sound of microphone screeched. "Determinism defies this." Hininaan niya yung boses niya, halos bumubulong, "Is there anything you couldn't predict? The biggest threat to freewill is the physical laws. Determinism means that the future is already determined, that we humans do not have any power to influence the future."

Mula sa bulsa ng white coat niya ay naglabas siya ng barya at ipinakita sa'kin, "Head or tail?" inihilig niya ng bahagya yung ulo nang hindi ako kaagad nakasagot sa kanya.

"Tail." bigla niya iyong pinitik upang umikot-ikot sa ere, atsaka niya ipinakita sa'kin na tama ang hula ko.

"Right. Correct,"  tatangu-tango niyang sabi. "What just happened is not random, people often say that things like this  happened because of uncertain possibilities, sometimes they tend to decide using toss coin because of the so called randomness. Wrong, there is no such thing as randomness, if we use the physical laws and we compute the amount of force, distance etc, we can actually predict the outcome, and we can actually know if it is head or tail." nagpalakad-lakad sa harapan si Dr. Irvin, hindi mapakali pero makikitang ganadong-ganado siyang magsalita na animo'y nagkukwento ng isang hindi kapani-paniwalang istorya.

"Same concept in dice, billiards, and dominos; it went all that way because of physical laws. Particle paths are predictable. Information has certain patterns, DNA, words, codes, and so on and so forth, they are not random, they are determined. There are twelve fundamental particles of universe and imagine if we were able to determine the positions of every single one of these particles, we could predict anything!"

"And so?"

"And so! It is very unfortunate that we are almost living in a deterministic world, everything that happened follows ineluctably from natural or divine laws. There is one possible future―"

"Are you trying to say that we do not have any freewill?"

"Partly yes, partly no."

"What?"

"Until now controversial pa rin ang argument tungkol sa bagay na 'yan, if we really do have freewill or not. Alam mo naman ang mga tao, masyadong nahuhumaling sa konsepto ng diyos, tadhana, kapalaran―" ang ibig ba sabihin nito hindi siya naniniwala sa kahit anong diyos. "But I do believe that everything's already determined, that all the past and history, the present and future are all stated—"

"I know someone who can travel back and forth in time, so what if she changed the past because of her will? Hindi ba't free will na matatawag 'yon?"

 "Are you talking about Seraphina? We already extracted the detail of her power. She can't really travel backward or onward, but if she did, it will cost her own life, actually she did it several times that's why her body was deformed but the future and past remained the same, ipinapakitang walang makakapagpabago ng mga mangyayari ng kasaysayan at hinaharap."

Napakunot noo ako sa sinabi niya "No one can change―"

"No one can change it not until we developed the Culomus," mula sa kung saan ay kinuha niya ang isang maliit na remote, he pressed the button then the light from projector above appeared. Ipinakita sa screen ang salitang 'Culomus'. "The etymology of Culomus, from the Latin word 'Oculos' which means eyes," lumabas ang larawan ng isang mata. "And from the famous astrologer, Nostradamus, who they said is a prophet or a seer," at pinakita ang lumang larawan ni Nostradamus. Naglakad siya malapit sa kinaroroonan ko at naupo sa isang swivel chair malapit sa'kin "Memoire wanted to produce a unique weapon and so when they showed me the list of Peculiars that we can use as an experiment for their project, Karen Italia was the first one to caught my interest." He pressed the button again at pinakita sa screen ang larawan ng kapatid ko, yung katulad ng larawan na nasa archives. Hindi ko alam kung magagalit ba 'ko ngayon dahil sa pinapaliwanag ni Dr. Irvin.Naalala ko yung nangyari kanina lang bago ako mawalan ng malay at dalhin sa Beehive. Karen, my sister can't remember me because I know Cairo did something to her.

"She's not an ordinary prophet. She can't predict the future but she can actually see the future. Her eyes are very exceptional and peculiarly amazing. Karen's power is simply mesmerizing that's why Memoire chose her for the experiment." Hinayaan ko siyang magpatuloy magkwento na para bang normal na normal lang ang lahat habang pilit kong kinukontrol ang sarili ko, gusto ko sanang tumayo at sakalin siya hanggang sa mawalan siya ng hininga,  ang taong 'to pala talaga ang dahilan kung bakit naging miserable ang mga inosenteng mata na 'to.

"We calculated her powers, at nalaman nga namin na she can see the future through direct eye contact with another person. When she contacted her eyes with another being, it will obtain the patterns of information of that person, the projection is fast as light, and then it's converted into images and tadah! She already saw the future of that person―but! The information that she can gather is limited." Muli siyang tumayo at bumalik sa unahan, naglakad pabalik-balik habang nakalagay ang dalawang kamay sa likuran.

"She can see what will happen for the next twenty four hours. Kaya naman naisipan naming mga bioengineers na mas idevelop pa ang kapangyarihang ito. Imagine, what if that eyes can obtain information endlessly? What if she can see the whole future of that human being? Isn't that amazing?" isa lang ang sigurado ko sa ngayon, nakakuyom ang palad ko at kanina pa gustung-gustong kumawala. Dahil saan? Dahil sa galit? Disbelief? Kung normal lang akong tao papalakpakan ko 'tong si Doctor Irvin dahil sa galing niyang mag-imbento ng kwento, pero hindi, totoo lahat ng 'to, totoo ang mga mata 'ko.

"Due to high technology and advance science, isang taon lang ang tumagal bago namin naperpekto ang mga mata nito, then we called it the Culomus, the eyes of the god."

"Eyes of the god?" nang-uuyam kong sabi.

"Yes, Miss Jillianne. Whoever holds it can be considered as god―"

"You're mad."

"Nope. I am not a mad scientist!" bigla siyang naglakad mabilis papalapit ulit sa'kin, pagkatapos naglakad ulit pabalik sa gitna at hindi pa rin mapakali, "Hindi mo ba naiisip? Everything's determined, lahat ng bagay nakatadhana na noon pa mang simula but only the possessor of Culomus can see what lies ahead and that person is the only one who can change the fate of the universe and mankind."

What the hell is he saying? I know that I am far from being a normal human but now someone's calling me a god? Seriously?! Naghalu-halo yung emosyon ko, pero kahit may galit hindi ko na napigilang matawa. Tumawa rin si Dr.Irvin, napuno ang silid ng halakhak naming dalawa at nang mapagtanto ko na baka nababaliw na 'ko ay tumigil ako bigla.

This crazy bastard is surely an insane genius huh. Tumigil na rin sa pagtawa si Dr. Irvin nang mapansin na seryoso yung mukha ko, tumikhim ulit siya at inayos ang salamin sa mata.

"At ngayon, naiintindihan mo na siguro kung bakit patay na patay ang Memoire na kuhanin ka. Because Jill Morie, you are the only free will because you are the only one who can change the future."

Napatingin ako sa ibaba, napaisip, natameme. Free will? Me? Really?

 "It's interesting though, I thought they're going to execute you kapag nakuha ka na nila, but I was wrong. I'm curious, why Memoire still keeps you? And from what I heard they already promoted your rank as elite inside the institution." Umupo ulit siya at nangalumbaba, nakatingin sa'kin at iniisip ang dahilan kung bakit nga ba binuhay pa rin ako ng Memoire. Maging ako ay napaisip din, bakit nga ba? Kung talagang yung Culomus lang ang habol nila, hindi ba pwede namang kuhanin na nila 'yon sa'kin at hayaan akong mabulag habambuhay? Hindi ba't mas magiging mapayapa at maayos ang lahat kung matitigil na sila sa pananakit sa mga taong malalapit sa'kin?

What does it really mean to conquer the universe?  Gamit ang Culomus? Paano nila masasakop ang buong sanlibutan?

"Anyway." Bigla ulit siyang tumayo mula sa kinauupuan, "Habang wala kang malay kanina, forgive me if may kinuha ako sa mga mata mo." Hindi ko mapigilang magulat at maging mabalasik sa sinabi niya, "Don't worry, don't worry it won't affect your health or whatever."

"What the hell is that?" kinilabutan ako dahil pakiramdam ko unti-unti na niya 'kong dina-dissect.

"It's just a tiny chip, parang memory card. Kumbaga sa files, dito naka-save lahat ng data at information na nakuha ng mga mata mo, in other words dito mo makikita na parang videoclips ang mga hinaharap na nakita mo noon." Binuksan niya na  yung laptop, "Medyo ini-scan ko kanina, at ayon sa naobserbahan ko, at first, it seems like you  just let things happen according to their flow." It was two years ago when I started to see things that will happen. It's true, marami akong hinayaan noon, marami akong hinayaang buhay na mawala, mga aksidenteng hindi pinigilan, dahil na rin sa paniniwala ko sa determinismo, na ang lahat ng bagay ay natadhana na.

"Pero mukang nag-iba rin ang ihip ng hangin, hindi katagalan you decided to interfere and to change the unwanted future."

"Paano mo nasabi?" nagsimulang magbago ang pananaw ko noong namatay si Hanneul, matapos niyang hilingin sa'kin na ibalik ko yung dati kong ngiti.

"The data, Miss Jillianne, the data. For example, this case, yung isang kaklase mo na dapat magpapakamatay, yung isa mo ring kaklase na dapat madadamay sa robbery incident malapit sa isang coffee shop, napigilan mo kung anong nakatadhana sa kanila."  Tandang-tanda ko pa rin yung mga araw na 'yon, yung araw na nabunggo ko si Penelope at hindi sinasadyang makita sa mga mata niya ang mangyayari sa kanya kung paano ko siya pinigilang pumunta ng Mirku's, ang pagtalon ni Stephen sa riles pero sinagip siya ni Ate Karen.

"What you did is really amazing, you just defy the determined fate of your classmates. Pero, alam mo ba talaga kung anong ginawa mo?" nag-iba na naman yung tono ng pananalita niya, malalim, tila nananakot. "Yes, it is very heroic to save their lives but you didn't know that you actually created a chaos."

"Chaos?"

"Butterfly effect!"

"Butterfly effect?"

"In chaos theory, butterfly effect is the term used to describe the sensitivity of the tiny changes in initial conditions that could drastically produce a different outcome." Muli siyang lumapit, "Imagine if you didn't saw the future at hindi mo 'yon iniba o pinigilan, dapat patay na silang dalawa ngayon." Bigla akong nanlamig, parang binuhusan ng tubig na yelo ang buong katawan ko. At para bang umaalingawngaw ang huli niyang sinabi. 'Dapat patay na silang dawala ngayon'

"They're supposed to be dead by now," ulit pa niya. "At sa tingin mo ba kung namatay na sila noon makakausap kaya kita ngayon?" This time nanginginig yung dalawang tuhod ko, hindi ko alam kung bakit, hindi ko kayang ipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon, "I think not. You just destroyed the flow, Miss Jillianne. And every single change in the system could ruin everything." Hindi ako makapagsalita at nanatili lang yung tingin ko sa ibaba, "You see how powerful your eyes are? By this time, siguro naman naiintindihan mo na ng lubusan kung ano ang nasa mga mata mo, hija."

Yeah. Naiintinidihan ko na kung gaano ako kalaking threat sa Memoire. Ako ang tanging freewill sabi ni Dr. Irvin at hindi ko pa rin kayang tanggapin na iyon ang katotohanan. Hindi ko ring maiwasang mapapikit at alalahanin lahat ng nangyari noon, may gawin man ako o wala para baguhin ang 'tadhana' inuusig pa rin ako ng kunsensya, kung iyon ba talaga ang tama o hindi ko na lang dapat binago pa ang dapat na mangyayari.

Pero may punto yung tanong ni Dr. Irvin kanina, kung ako ang freewill o magiging hadlang sa plano ng Memoire, bakit hindi pa nila ko patayin at kuhanin ang mga mata 'ko? Bakit pa nila ko tinuturing na para bang may dugong bughaw kung alam nila na malaki ang posibilidad na sirain ko ang mga plano nila dahil nakikita ko kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Magsasalita pa lang sana ako nang bumukas bigla ang pinto at niluwa roon yung taong kinasusuklaman ko, si Cairo.

"You detest me that much?" At lagi ko na lang nalilimutan na nababas niya ang nasa isip ko, and I really hate it, "Hello, doc."

"Oh, Cairo, it's good to see you."

"So, how's the test?" Test?

"She's good." Hindi kaagad sumagot si Cairo, nakangiti lang at para bang may hinihintay, tiningnan ko si Dr. Irvin na nakangiti lang din at walang kahit anong bakas ng pangamba sa mukha.

"Your mind is really freaking scary, doc, it's full of calculations, derivations, and theories―"

"Of course, the universe is inside my head." Then the old man laughed.

Nakita kong sumeryoso yung mukha ni Cairo atsaka binaling yung tingin sa'kin, "We need to go." At tumingin ulit siya kay Dr. Irvin, "Dr. Irvin, the board of directors wants you to report regarding the Culomus, at gusto ka rin nilang makausap ng personal kapag nakarating sila rito the day after tomorrow."

"Copy."

"Let's go." Utos sa'kin ni Cairo, wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanya kahit muwing-muwi ako.

Dumaan kami sa isang secret base papuntang Mnemosyne Institute, at habang nasa elevator hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-anong masama sa taong 'to. Wala siyang ibang ginawa kundi umiling, at ngumiti na parang baliw.

"Will you please stop killing me inside your head?"

"Shut up." Heto na naman kami sa annoying walking-conversation naming dalawa.

"I told you, magkikita rin naman kayong dalawa, hindi ba?"

"And she can't freaking remember me, wais ka rin."

"So? Does it really matter kung maalala ka niya? And besides, ginusto ni Karen 'yon, pumayag siya sa kundisyon ko."

"Kundisyon?"

Hindi na siya sumagot, biglang bumukas yung pintuan at dirediretso siyang naglakad. Tsaka ko napagtanto na lumabas kami sa headmistress' office pero wala si Lady Margaux. Hahabulin ko sana si Cairo pero mabilis siyang naglakad nang makalabas kami ng opisina, nagmamadali na para bang may napakaimportanteng lakad.


*****


"MISS Jillianne?"

Napatingin ako sa gumambala ng pag-iisa ko rito sa field, actually, natutulog ako at bigla akong nagising sa pagtawag niya. Yung babae kahapon, sa pagkakatanda ko ang pangalan niya ay Georgina. Kaagad kumunot yung noo ko, anong kailangan niya? At bakit nag-aalala yung itsura niya?

"I need your help." Iyon ang isa sa pinakaayaw kong linya. "Wala akong ibang pwedeng hingian ng tulong kundi ikaw lang, Miss Jillianne." Pagmakakaawa niya.

"Sandali lang po. What? Help?"

Hinawakan niya yung dalawa kong palad nang umupo siya sa tabi ko, "Si Klein." Nagsimulang mangilid yung luha niya, "Si Lady Margaux." Kumunot ulit yung noo ko, magsasalita pa lang ako nang unahan niya ako ng iyak. How can I help her kung iiyak lang siya?

"Miss, calm down, okay." Sabi ko, "What happened?" I tried to show care para hindi naman sumama  yung loob niya,  pero sa totoo lang ayoko na sana pang dumagdag siya sa iniisip at pinuproblema ko ngayon. Bakit sa dinami-rami ng tao na pwedeng hingian niya ng tulong dito, ako pa yung napili niya.

"Lady Margaux gave him a detention at hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya, gusto kong humingi ng tulong na ma-check man lang yung kalagayan ni Klein."  She's still weeping and I don't understand bakit ganito katindi yung pag-alala niya? "That child is really precious to me." Sagot niya na para bang nabasa rin kung ano ang nasa isip ko, "So please."

Napahinga ako ng malalim, una sa lahat, ang bigyan ng parusa ang isang bata? That's heartless. Pangalawa, naba-bother ako sa pag-alala ni Miss Georgina, may alam siya at malakas ang kutob niya na may hindi magandang mangyayari kay Klein. Pangatlo, ano ang relasyon nilang dalawa sa isa't isa at ganito katindi ang pag-alala niya.

"Okay." Wala akong ibang nagawa, "So, anong gagawin ko?"

"Gusto kong tingnan mo yung kalagayan niya sa custody suite."

"Yun lang?"

"Yes."

"Then, bakit ako pa yung kailangang magcheck sa kanya? Why don't you see him yourself kung talagang nag-aalala ka sa kanya?"

"It will be hard for me to sneak in. Ipapatawag ang buong staffs para sa general meeting mamayang gabi."

"Bakit hindi na lang bukas?"

"No! Hindi pwede." Nang mapagtanto niya na nagtaas siya ng boses kaagad siyang humingi ng paumanhin.

"Why?"

"Basta, I need you to check him if he's fine. Yun lang, Jill" medyo naa-awkward-an ako dahil bigla niya kong tinawag na Jill, "Pagkatapos pwede mo na ulit siyang iwanan."

"Okay."

Pagkasabi ko no'y bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit na para bang ang tagal-tagal na naming magkaibigan. Sobrang nailang ako at hindi ko napigilang ilayo yung sarili sa kanya, kumawala siya sa yakap at walang katapusang nagpasalamat sa'kin.

Noong hapong ding 'yon itinuro sa'kin ni Georgina kung paano ako makakapunta sa sinasabi niyang custody suite na pinaglalagyan ni Klein. Hindi ko alam kung bakit kung kailan binigay niya yung ID niya ay tsaka ako inatake ng kaba. Pero wala na 'kong magagawa, she's helpless and so do I, hindi ko na pwedeng urungan 'to. Basta ang mahalaga malaman ko lang na walang nangyaring masama kay Klein, pwede na 'kong umalis.

Five pm dumadating na yung sundo naming elites para dalhin kami sa Sanctus, sapat na siguro yung kalahating oras para hanapin si Klein, hindi naman siguro magiging kaduda-duda na nawala ako ng ganon katagal, may maidadahilan pa ko kung sakali. Five pm din magsisimula yung staff meeting.

Quarter to five nagsimula na 'kong maglakad papunta sa southern building, yun yung lugar na hindi sa'min masyadong pinalibot ni Lady Margaux, siniguro kong walang ibang nakakakita sa'kin. Sa ground floor at pinakadulo ng hallway may matatagpuang pintuan papasok sa loob ng custody suite, dahil binigay ni Georgina sa'kin yung ID niya nakapasok ako roon nang itapat ko sa security system.

Hindi ko ineexpect na hagdan pababa ang makikita ko pagbukas ng sliding door, may katamtamang liwanag ang nasa loob ng parang tunnel papunta sa underground, sobrang lamig sa loob kumpara sa lamig sa taas. Hanapin ko lang daw yung pinakaunang kwarto sabi ni Georgina.

Naguluhan ako nang makita ko na 'EXP RM' yung nakasulat sa itaas ng pinto. At sa salamin nito, dahan-dahan akong sumilip.

"Klein?" napasinghap ako sa nakita. Sa isang operating chair, nakaupo at nakatali ang bata at kitang kita ko ang palahaw nito, may babae sa loob at may hawak-hawak 'yong syringe. Ito ba yung kinatatakutan ni Georgina? Biglang kumabog nang malakas yung dibdib ko. Mabilis akong nag-isip ng paraan. Gamit ang ID ni Georgina, walang kahirap-hirap kong ulit nabuksan yung pinto. Nagulat yung babae nang pumasok ako bigla, nakasuot siya nang katulad ng uniform ng mga tao sa Beehive.

Nang maalarama at mapagtanto niyang hindi ako staff, susunggaban niya yung telepono sa pader nang harangin ko siya at buong lakas na tinulak sa pader. Nanlalaban pa rin siya habang hawak-hawak yung syringe, napansin kong pilit niyang isasaksak sa'kin 'yon atsaka ko buong pwersa na iturok 'yon sa sarili niya. Pagkatapos, nawalan ng mala yang babae. Kaagad kong pinuntahan si Klein at tinanggal ang pagkakagapos sa operating chair.

Puro injections, at kung anu-anong aparato ang nasa gilid. Pero ang pinakanakatawag ng pansin ko ang isang maliit na bote na may label na 'HELEXIA'

"Klein, klein, listen," pilit kong pinapatahan yung bata, "You're going to be fine, okay? Aalis na tayo rito, we will see your mom." Nang marinig 'yon ng bata ay mukhang nahimasmasan naman ito. He's not safe here, at tama nga ang takot at pangamba ni Georgina na may hindi magandang mangyayari sa bata. Pinasan ko siya sa likod at patakbo akong lumabas ng silid na 'yon, pabalik ako sa entrance nang marinig ko na bumukas yung pinto. Shit.

Wala akong ibang pagpipilian kundi tumakbo sa hallway at maghanap ngpagtataguan. Wala ng ibang kwarto o EXP RM na sumunod, tanging sa pinakadulo ng hallway may pintuan at hindi ko alam kung anong meron don. Tumakbo ako papunta roon ng buong bilis dahil alam kong maya-maya lang makikita nila yung doktora na walang malay at tiyak kong wala na kaming kawala. Shit.

Gamit ulit yung ID ni Georgina nakapasok kami sa HGPs RM. Medyo madilim sa loob. Narinig ko na papalapit na yung mga hakbang dahil sigurado akong alam na nilang may intruder sa loob. Shit lang ulit. Pagpihit ko paharap sa loob, muntik na 'kong matumba sa nakita. Kahit na kabadong kabado na 'ko pinilit kong maglakad para maghanap ng matataguan.

A-anong klaseng lugar 'to?

A prison cell?

Nagsimulang pumalahaw si Klein dahil sa takot sa dilim. Pinilit ko siyang patahanin pero hindi ko nagawa.

"Jill?!"

Pakiramdam ko nanigas yung buong katawan ko, pamilyar yung boses na 'yon.

"S-stephen?!"  nakita ko siya sa isang selda, nakahawak sa dalawang rehas, kaagad ko siyang dinaluhan. Maya-maya nakarinig ako ng mga ungol, ungol ng panaghoy, tsaka ko nakita na may mga tao sa selda na humihingi ng tulong, pero ungol lang ang maririnig sa kanila. Yung ilan nakakapagsalita at humihingi ng tulong.

"Jill!" iyak siya ng iyak ng malapitan ko siya. "Jill!"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiyak na rin ako dahil sa laki ng pinagbago ng itsura niya, ibinaba ko muna si Klein pero hawak-hawak ko pa rin yung bata sa kamay.

Sa sobrang dami ng gusto kong itanong parang naumid yung dila ko. Kasabay ng takot dahil sa dami ng humihingi ng tulong.

"Jill." Puro ngawa lang yung naririnig ko kay Stephen at wala siyang ibang bukambibig kundi pangalan ko.  Tsaka ko lang napagtanto kung bakit puro ungol ang naririnig ko sa ibang bilanggo, putol ang mga dila nila.

"Jill!" may isa pang pamilyar na boses akong narinig, katabi lang ng selda ni Stephen,  si Miss Marcel! "Salamat sa Diyos buhay ka!" lumuluha niyang sambit, "Kailangan mong makatakas dito,Jill. Tulungan mo kaming makatakas dito, Jill, masasama sila, ginagawa nila kaming hayop―"

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Lady Margaux kasama ang napakaraming tauhan sa likuran niya, mga staffs at mga tagaBeehive. May pinindot silang kung anong buton sa pader dahilan para sumara at matakpan ang lahat ng selda hanggang sa maglaho sila sa aking paningin pati ang kanilang mga panaghoy at paghingi ng tulong.

"Miss Jillianne Morie." Mula sa bulsa ay nilabas niya ang maliit na remote, "I am so disappointed." At pagkapindot nito'y biglang may kung anong pumitik na kuryente sa buong katawan ko na dumaloy mula sa kwintas na suot ko.

Parang bumagal ang pagglaw ng buong paligid, bumagsak ako sa sahig. Hindi pa nakuntento si Lady Margaux at naramdamn ko ang sunud-sunod na pagpitik ng kuryente sa katawan ko.

Ito pala, ito pala ang gamit ng kwintas na 'to.

Hindi lang Peculiars ang meron ang Memoire, meron din silang mga normal na tao na dinakip at dinala rito para pag-eksperimentuhan at pag-aralan. What does it really mean to conquer the universe? At anong klaseng freewill ako para pigilan sila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro