/54/ New Home
I lose.
Tapos na ang laro, tapos na ang laban, nanalo ang Memoire, natalo ako. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nakaupo rito, nakapiring, nakaposas. Hindi ko alam kung gaano kalayo na yung tinakbo ng sasakyang lulan ko mula sa Sta.Helena Orphanage, hindi ko rin alam kung anong lugar na ba 'to.
Tahimik.
Ang tahimik ng paligid ko, pakiramdam ko nasa isang kahon lang ako. Pero isa lang ang siguradong alam ko ngayon: papunta kami sa Mnemosyne Institute.
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina lang. I have been betrayed, again. It was all an act, noong umpisa pa lang, they intended to trick me para makuha ng buo ang tiwala ko... Kaya pala... Kaya pala 'yon sinabi ni Cairo noong magkita kami sa atrium.
"....nandito kami para kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide." Palabas lang ang nangyari noong Night Out, ang kunwaring naging labanan nila para mas maging matibay yung tiwala ko kila Seraphina. The clues was just there, pero mas pinili kong maging bulag at hindi 'yon pinansin sa dahilang natakot akong lumaban ng mag-isa. Gusto kong isipin na nabiktima lang sila ng drogang balaghan na ginawa noon ni Cairo sa White Knights, pero hindi. Gusto ko mang takasan ang katotohanan na nag-iisa na lang talaga ako ngayon, walang ibang maaasahan kundi ang sarili ko lang din.
Naintindihan ko na rin yung nangyari sa tren. Planado nila yung akisdente para mapilit ako ni Jing na bumaba, atsaka sila nakaabang sa labas para kuhanin ako. Pero dahil sa pagpupumilit ko na iligtas yung mga tao, "I can't believe that Jinnie betrayed us just because of you." tinulungan kami ni Jing. If she just switched her side, nasaan na siya ngayon? Anong ginawa nila sa kanya? Totoo nga kayang tumaliwag na siya sa kanila para lang sa'kin? Bakit?
Can I still escape now? And if I did, saan naman ako pupunta? May mga lugar pa ba 'kong babalikan? Ewan ko at bigla kong naalala si dad. Kahit na alam ko na ngayon na hindi naman talaga niya 'ko totoong anak, gusto ko siyang makita para makausap, para malaman kung anong kinalaman niya sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon. He discovered the six orphan children sixteen years ago, dahilan kung bakit sa'kin binubunton ni Jing Rosca yung galit niya noon, malaki ang posibilidad na nagtatrabaho siya sa Memoire ngayon.
Nakalimutan kong nakaposas nga pala 'ko nang subukan kong galawin yung mga kamay ko. Mukang nakikinikinita ko na yung mangyayari sa'kin pagdating doon. I'm starting to imagine myself, being locked up in a cell, nakasuot ng plain white gown, tied up in a white room habang nakapalibot ang mga doktor pinag-aaralan at hinihimay ang bawat piraso ng mga mata ko. Or maybe, dahil nga sa patay na patay sila sa kapangyarihan ng mga mata ko, they will sell me overseas para gawing military weapon or whatsoever, baka ipadala nila ko sa ibang planeta o ibroadcast sa buong universe kung anong klaseng teknolohiya ang naimbento nila. That sounds like I'm not human anymore. I can't help it but to imagine things up to the worst scenario. I suddenly remembered Miss Karen, my sister, what she suffered in Memoire's hands, kung paano niya dinetalye sa sulat ang pinagdaanan niya.
This is it Jill. Ito na yung thrill na hinahanap mo sa buhay, doing the same thing every day sucks huh, starting this time, everything's going to be different, once na makarating ako sa Mnemosyne Institute, whatever's waiting for me there then... I shall prevail. Trust no one.
*****
Naramdaman ko na lang na may humila sa'kin at pilit akong pinababa, kahit na masakit yung mga binti ko dahil sa tagal kong nakaupo, akala ko tatanggalin na niya yung piring sa mga mata ko pero hindi pa pala. Habang naglalakad may dalawang kamay ang nakahawak sa magkabilang balikat ko na para bang sinisiguro nila na hindi ako makakatakas, wow, makakatakbo pa ba ko sa ganitong alagay?
Malamig. Naririnig ko lang yung ingay ng bawat hakbang, umaalingawngaw, nag-eecho. Maya-maya huminto sila at dahil nga nakahawak sila sa balikat ko, napahinto rin ako. Narinig ko yung tunog ng intercom.
Enter password
......
Access granted
Narinig ko lang na may kung anong bumukas, tunog makina, tunog ng makabagong teknolohiya walang duda. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Takot? Kaba? Pangamba? Sa totoo lang wala dyan yung nararamdaman ko ngayon. Nagugutom na 'ko. Magmula noong gabi ng Night Out, hindi pa 'ko kumakain ng kahit katiting na pagkain.
Pagkasabi ko non sa isip ay narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. Muntik ko ng makalimutan na kapangyarihan pala niyang makabasa ng iniisip ng isang tao.
"Don't worry, Miss Morie, hindi ka magugutom dito sa Mnemosyne Institute," pagkaraa'y sabi ni Cairo. At talagang kasama pa rin siya kung saan man ako dadalhin ngayon. "I assure you, this institute will give their best service to you." His voice actually made me sick,
"Nakita mo naman sa pamphlet na ibinigay sa'yo ng principal niyo 'diba? This 'prestigious boarding school' aims to conquer the universe, and now you are actually part of it. Congratulations." Parang nang-aasar niyang sabi.
"Where's my sister?" Matigas kong tanong.
"Woa, woa, you already called her sister, huh. That's nice."
"Yeah. At hindi man lang ako na-inform na brother-in-law pala kita. I nearly cried because of the shock," he quickly got the sarcasm kaya tumawa siya, mas masigla kumpara kanina. "I'm asking you, nasaan siya?"
"Don't worry my little sister―"
"Don't call me that."
"Heh," I bet he grinned. "Why would I tell you, magkikita rin naman kayo anytime here."
"Everything's planned, right? You actually gave me a hint noon sa atrium, when you said 'big reality show'."
"Yes." Tama nga ako. "Everything's planned, from the beginning. I was assigned to take Karen—no, hindi lang pala siya, pati na rin yung iba ko pang kababata sa Sta.Helena, the orphan children na unang pinag-aralan ni Dr. Richard Morie. They innovate our powers, gave us outstanding reputation in the industry. Then that night, Karen escaped, she holds the newly developed technology and weapon, that's why we searched for her. Finally, after two years, natagpuan ko siya sa Sentral city, working as a normal teacher at the White Knights Academy. But to my surprise, she doesn't have it anymore." Tinutukoy niya ba... yung mga mata ko? "Yes, she doesn't have the eyes anymore. We investigated at nalaman nga namin na binigay niya ito sa 'anak' ng isa sa mga accomplice namin." Accomplice? "At ikaw 'yon. Bakit? Bakit nya binigay sa'yo?" Dahil kapatid niya 'ko. "Wrong. Morie. Wrong. You really thought that she gave it to you just because she wants to? Or because you're her sister?" ayokong marinig yung susunod niyang sasabihin, "The truth is—"
"Then why?" pinutol ko yung sasabihin niya para hindi marinig 'yon, "Bakit mo pa rin siya kinuha ngayon kung wala na rin pala sa kanya yung mga matang hinahabol niyo?"
Hindi kaagad siya nakasagot.
"Because... Karen is mine."
Ako naman 'ata ang hindi makasagot sa sinabi niya. Really. My sister fell in love with this psychotic jerk?
"It's psychotic handsome jerk." Just die. Tumawa siya.
"Ang lalakas niyong mag-usap, nag-eecho sa buong underground hallway." May dumating, bagong boses.
"You're just in time, Magnus."
"Well, I had a fun time with Finnix and the gang." Nang marinig ko yung pangalan ni Finnix muli na namang bumalik yung alaala ng ginawa nila sa'kin. "Oh, hi Jill. Finally, nandito ka na rin sa M.I. they are looking forward to meet you. Oo nga pala, sana hindi masama yung loob mo kila Finnix, they just did their job you know." I want to punch him right now, kung wala lang akong piring at posas ngayon.
"Stop it already, it looks like she's still dwelling the pain inside her heart so..."
"Ahhahh. Fine. Fine."
"By the way, na-contact mo na ba yung headmistress niyo?"
"Uhh... Hindi pa."
"Right, go and tell Michele na maghanda siya, the bearer of the Culomus is here."
"Copy. Lord Cairo."
Culomus?
"We're here." Huminto kami sa paglalakad. Biglang tinanggal yung piring sa mga mata ko at yung handcuffs sa kamay ko. Nakita ko na lang na may pinipindot ulit si Cairo na security key system, biglang bumukas yung pabilog na pinto, nahati tuloy yung letrang M na nasa gitna nito. Kaagad akong nasilaw nang tuluyan itong bumukas.
Pumasok kami sa loob, muntik na 'kong mapanganga sa pagkamangha sa nakita ko. "Welcome to Mnemosyne Institute's underground research center, the Beehive." No wonder they called this place 'The Beehive', the interior and structure design is inspired by Beehive, the ceiling, walls, floor have hexagonal designs. I can't believe that this kind of place really exists? Wow. I mean look—this is not an ordinary science laboratory. Futuristic apparatuses, multiple built-in computers, large touch-in LCDs with words, numbers, chemical reactions and photos that I don't even understand, microscopes, weird tubes and glassware, etc. Maraming divisions na palagay ko'y may kanya-kanyang specialization. This place is nearly crowded with busy doctors or scientists I guess, lahat sila nakasuot ng lab coat, yung iba naka-safety goggles na hugis hexagon din, halu-halo sila, may babae, lalake, bata (mga nasa 20s), matatanda, meron ding mga foreigners. Like woa, really?
Hindi maiwasang makuha namin yung atensyon nila, sa bawat madaanan namin napapahinto sila at napapatingin sa'min―err sa'kin pala. Huminto kami nang marating namin yung 'RCPA department', I wonder what it stands for.
"Research Center of Paranormal Activities." Sagot ni Cairo na nasa tabi ko. Pumasok kami sa loob, may sumalubong sa'min na isang weird looking guy na nakasuot din ng labcoat at safety goggles, parang namamagnify yung mata niya at mukha siyang weirdo dahil sa hairstyle niya na gulu-gulo. "Where's Dr. Irvin?"
"Papunta pa lang si Dr. Irvin galing US kaya, he just cancelled all his appointments because of your sudden notice." Sabi nito, "Where's Karen? It's been two years huh."
"Karen is not the bearer anymore." nakatanga lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. Paano kaya kung magmental break down ako rito, ipaghahagis ko yung mga apparatus nila, basagin yung mga monitors at hugutin yung plugs. Nah. Nevermind. Gutom na talaga ko, I wonder kung anong pakakainin nila sa'kin dito. Wag naman sanang sodium chloride.
"She's Jillianne Morie. HGP #73"
"Wait. HGP #73? Morie? Anak siya ni―" HGP #73? Isa rin akong HGP? Noon pa?
"For the meantime kayo muna ang bahala sa kanya habang wala pa si Dr. Irvin. May mga instruction na ba siyang binigay sa inyo?"
"Yes."
"Good. I'll leave her to you." What, iiwanan ako rito? Ididisect na ba ko ng buhay? Papaalis na si Cairo ng pigilan ko siya.
"Sandali."
"What?"
"Nasaan yung pagkain?" tumawa na naman si Cairo, kanina pa siya amuse na amuse, hell, I'm serious, I need food. I freaking need to eat.
"Sila ng bahala sa'yo." Pagkatapos umalis na sila nung dalawang kasama niya. Naiwan ako at yung weird looking guy na 'to, nagtawag siya ng dalawang babae at inanyayaan nila ko sa kung saan. Walang salisalita dinala nila ko sa kung saan. What's going on? I really don't have an idea. Hell, I wish I could eat now.
"For the meantime kailangan muna natin siyang ipageneral test, yun yung sabi ni Dr. Irvin. Mahigpit na binilin na wag munang gagalawin yung Culomus." Narinig kong sabi nung isa. Tatanungin ko sana kung ano yung Culomus pero ang bilis nilang maglakad. Feeling ko, Culomus yung tawag sa device o kung ano man nasa mata ko, dahil mukhang yung Dr. Irvin na sinasabi nila ang siya lang na nakakaalam tungkol dito.
Pinagpalit nila ko ng puting white gown. Pagkatapos pumunta kami sa isang section kung saan ay may, kung hindi ako nagkakamali ay MRI (Magnetic Resonance Imaging). Pinahiga nila 'ko dun sa movable table examination at sinalang. After million years, hindi lang yon yung ginawa nila, aside sa physical tests, they also conducted a mental status examination, baka nga naman nasisiraan na ko ng ulo dahil sa dami ng stress.
Finally, pinakain nila 'ko ng maraming maraming maraming pagkain. Ito na ba yung sinasabi nila na parang bibitayin kung kumain? Kung literal mang mangyayari 'yon, ididisect na siguro nila 'ko maya-maya kaya binubusog nila ko ngayon.
After I drank the last drop of the water, tumingin ako kay weird looking guy na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan, bigla kasi siyang sumulpot sa harapan ko. Parang manghang mangha siya na naubos ko yung hinandang pagkain nila.
He cleared his throat before he spoke. "I guess you need a little walk first before you take your medications." Medications? May sakit ba silang natagpuan sa katawan ko kanina? "How about a short-time tour?" I just nod, tumayo ako at sumunod sa kanya.
"Can I ask something?"
"Yes, pero hanggang tatlong tanong lang."
"Huh? Hanggang tatlo? Bakit?"
"Hmm... For safety purposes."
"Safety purposes? Delikado bang magtanong?"
"Hmm... Yes."
Huminga ako ng malalim, pinipigilan kong mainis, "Do you know where my father is? I mean si Dr. Richard Morie."
"I'm sorry I can't answer because you already asked three questions."
"Wha—"
"Una, tinanong mo kung pwede magtanong, pangalawa bakit hanggang tatlo, at pangatlo tinanong mo kung delikado bang magtanong."
What the heck. Hindi na ulit ako nagsalita. We walked around the Beehive, this place is really huge, ang daming kawirdohan, may iba't iba pang departments. Seriously aside from the Helexia drug and Peculiars, what is Memoire's up to? To conquer the universe huh? Gumagawa rin ba sila ng massive weaponry na mas malakas pa sa atomic bomb? O kaya naman Zombie virus? Robots? Humanoids? Flying cars? Potions? I can't exactly tell kung ano yung ginagawa ng mga kanya-kanyang department. Pero may biglang pumukaw ng atensyon ko. Dahil nauuna sa paglalakad si weird looking guy hindi niya napansin na lumiko ako para puntahan yung napansin ko.
"What the hell is this..." bulong ko habang pinagmamasdan 'tong parang higanteng tube―hindi, parang tank, na may kulay berdeng tubig, at ang pinakanakakakilabot, may tao sa loob nito. Babae, nakapamaluktot, walang saplot at nakayakap sa sarili. She's alive, she's breathing, she's wearing like a helmet na parang nagsisilbing gas mask. What on earth are they creating in order to conquer this universe?
Before I could touch it, narinig ko na yung malakas na pagtawag ni weird looking guy sa pangalan ko, "Jillianne Morie!" dali-dali niya 'kong hinila papalayo roon.
Nang makabalik kami sa department nila, hindi naman niya 'ko pinagalitan, hindi rin ako nagtanong o nagsalita tungkol sa bagay na 'yon, simply because... Natatakot ako. Natatakot ako sa dahilang...
"Here, inumin mo na 'to." Nilapag niya sa mesa yung gamot.
"Ano 'yan?"
"Just take it."
I admit, simula noong makita ko yun kanina, natakot ako, natakot ako sa posibilidad na gawin din nila 'yon sa'kin, natakot din ako sa kapangyarihang mayroon ang Memoire, sa adhikain nila na sakupin ang sansinukob. What if they use me as their weapon... a weapon could destroy this universe.
Ininom ko yung gamot na binigay niya. Bahala na.
Maya-maya naramdaman kong bumibigat yung mga mata ko, pilit na bumabagsak.
*****
'Thousands of stabs, shots, needles and the torturous operation weren't enough to define what my pain was.'
Bigla akong nagmulat, bumalikwas ako. I have a dream, yung sinulat ni ate Karen, yung saktong pagkakadetalye niya. Hingal na hingal ako, dahil pakiramdam ko sa'kin nangyari 'yon, naalala ko ulit yung babae sa...
"Good morning." Mas nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko, napatingin ako ron at nakita ang isang babae. What? Umaga na? "Miss Jillianne Morie, it's nice to meet you, finally." Her voice is cold, but strict and with a sign of authority. Tsaka ko lang napagtanto kung nasaan ako, parang nasa isang kwarto ako, an elegant bedroom actually, kulay maroon yung interior pati yung bed sheets. Teka, who the hell is she? "Let me introduce myself. I am Michele Margaux, the headmistress of Mnemosyne Institute for Peculiars." What? Headmistress? Naka-tendril hair bun, rectangular shape-faced, she's wearing a black turtleneck dress and... she's also wearing black round glasses? Seriously? Black shades? Above all, she's scary. She resembles the strict antagonist old-maid principal in a cartoon I watched before, Miss Minchin? But she's the fab version; I mean she's prettier than the actual Miss Minchin in the cartoon. Para siyang naggoglow sa puti niya.
Ilang beses akong napalunok dahil sa maitim niyang aura, I don't know but I'm starting to feel... Wait... Ano 'tong nasa leeg ko? Necklace? Pero parang hindi pangkaraniwan, sinubukan kong tanggalin pero hindi ko magawa.
"It's useless." Sabi niya. "Stop it." Sinunod ko siya. What the hell is this? "For now please prepare, take a bath, and change your clothes." Tinuro niya kung nasaan yung banyo at yung walk-in closet. "I'll be waiting outside, Jillianne. Twenty minutes is enough." Tumayo siya at umalis. Ako naman, dali-daling bumangon, pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin, kinapa ko yung sarili ko, wala pa naman silang ginawa sa'kin diba? Wala naman silang ininject na kung ano sa katawan ko. Wait, maliligo ako ng nakasuot 'tong collar? Tsaka ko lang napagmasdan kung ano 'to, parang collar, hindi naman ako nasasaktan, pero... parang wala namang kung ano rito. Kinalimutan ko muna yung idea na yon at dali-dali akong kumilos, twenty minutes lang yung binigay ni Miss Michele sa'kin.
*****
"Very well, Jillianne. You are three minutes late." Salubong niya nang lumabas ako. Tuwid na tuwid siyang nakatayo, habang nakalagay ang mga kamay sa likuran.
"I'm sorry." Wow, did I really said that?
"Apology accepted. Now, follow me." Para lang akong aso na sumunod sa kanya nang tumalikod siya at naglakad. I guess she's too young to be the headmistress... Wait... Ano ba talaga 'tong lugar na 'to? Kahapon lang nasa The Beehive ako, ang underground science laboratory, akala ko 'yon na mismo yung paglalagyan ko pero ano 'to? Naglalakad kami sa mahabang hallway, parang mansion 'to dahil sa taas ng ceiling at gothic features, nakasarado ang mga kurtina at tanging ilaw sa bawat kanto ang nagtatanglaw sa paglalakad namin.
If she's the headmistress then... This is... a school? For real? Woa, dapat pala I must feel special dahil ang headmistress pa ang gumising at nagsundo sa'kin. Heh.
Muntik ko na siyang mabunggo nang bigla ba naman siyang huminto sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa'kin.
"Listen, Jillianne. I want you to know that starting today this is your new home." New home? "Mnemosyne Institute is your new home, dito makakasalamuha mo ang mga katulad mo, the Peculiars, mag-aaral, matututo, and so on. Whatever you have in the past, you must leave it behind, you must forget those things and you will start a new life here. Naiintindihan mo ba?" I just remained silent on what she told, "I said naiintindihan mo ba?" Tumango ako kahit hindi ako sigurado. "Good." Naglakad siya papunta sa isang bintana na natatakpan ng makapal na kurtina, bigla niya 'yong hinawi at nagmistula akong bampira dahil sa sobrang pagkasilaw. "Come here." Inutusan nya kong lumapit sa kanya, "Look." Tumingin ako sa labas, muntik na kong mapanganga sa pagkamangha, this mansion is actually located on a top of a hill kaya tanaw ko halos lahat, masasabi kong triple ang laki ng school na 'to kumpara sa White Knights. Ngayon ko lang ulit nakita yung labas, napaliligiran ang Mnemosyne Institute ng mga bundok, mga puno, sigurado akong malayo sa kabihasnan ang lugar na 'to. "This is your new home, Jillianne."
Ayon kay Miss Michele, maswerte raw ako dahil kaagad akong napabilang sa mga 'elites' o cream of the crop, dahil ang mga tanging nakatira lang sa mansion na 'to ay yung mga best of bests daw, kabilang yung mga alumni na achiever. Maybe because nasa akin yung Columus, at kaya kong makakita ng hinaharap ng isang tao. Bumaba kami, dahil naghihintay daw ang elites para mag-almusal.
Honestly, I don't like this idea at all. Being with the elites, or living in this extravagant mansion. I want to go back. Sa Sentral. Sa White Knights.
"We're here." We finally reached the dining room, which is, as expected huge and unique, gothic. "Ipakikilala kita sa mga elites na kabatch mo, Jillianne." May mga lumapit sa'min at pamilyar na yung itsura nila sa'kin. "This is Jillianne Morie, from now on she's our family." Tinuro niya sila isa-isa para magpakilala.
"My name's Gidget." I met her. Sa Night Out. Kasama siya nila Cairo noon. Masamang nakatingin sa'kin si Gidget at hindi halatang masaya ang pagtanggap sa'kin. I don't know what her power is.
"H-hi, ako naman si...si...Pilar." Pilar, the girl who can manipulate fire like Finnix, she's shy.
"Yoh, Sydney here." Isang matangkad na lalaki na may buhok hanggang balikat, bigla siyang nawala sa hangin, tapos sumulpot siya sa pinakaharapan ko, "Nice to meet you." Bigla niyang hinawakan at hinagkan yung kamay ko. Tapos nawala ulit siya at bumalik sa dating pwesto. He can teleport?
"I'm Igor." Sabi nung katabi ni Sydney.
"Unfortunately, Cloud is not here because of some issues. But I think you already met him." Sabi ni Miss Michele. Si Cloud Enriquez ba yung tinutukoy niya? He's... he's actually one them... "And the last one, tulad mo Jillianne, bago lang din siya rito. Please introduce yourself, mister."
Napatingin ako sa bagong dating. At laking gulat sa nakita ko.
"Hello, I'm Sio. Nice to meet you."
No.
Paano siya nakarating dito? Hindi ako makapaniwala...
"Morris!"
Anong ginagawa niya rito? Bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro