Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/52/ Midnight Train

[Jill Morie's POV]

NAKITA ko kung paano niya ibinaba ang kamay na may hawak-hawak na pistol, nakita ko rin kung paano siya nagtagis, nakakuyom ang isang palad habang ang mga mata'y nananatiling blangko. Sa sobrang tahimik ng paligid, tunog ng mga kuliglig,hinagpis ng mga damdamin, at tila nasa hangin pa rin ang mga salitang binitiwan ni Miss Karen.

Kasing linaw ng buwan ang pagkakasabi niya, at dahil doon naliwanagan ako sa isang bagay, si Cairo ang asawa niya at tinutukoy niyang unang pag-ibig. Pero naguguluhan ako sa pinakahuli niyang sinabi, '...hayaan mo kaming makatakas ng kapatid ko'. Kapatid? Sino? Ako? Ako ba ang tinutukoy niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit niya 'ko pinoprotektahan? Pero bakit? Bakit sa ganitong tagpuan ko kinakailangang malaman? Kung totoo man ang sinasabi ni Miss Karen... paano?

Nang mapansin niya na binaba ni Cairo ang baril, humarap siya sa'kin at hinila ako. Hindi pinalagpas ang pagkakataon, kaagad naming kinuha sa loob ng tokador ang mga bagahe naming dalawa. Ngunit bago kami makalabas sa silid na 'yon narinig namin ang pagtawag niya.

"Karen." Dahil hawak-hawak ako ni Miss sa braso pareho kaming napahinto at dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan niya. Tiningnan ko silang dalawa, limang segundo na nagtitigan, walang inusal na mga salita, senyales na ba 'yon na hahayaan niya na kaming makatakas? Nang naputol ang titig, naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa braso ko, hinila niya 'ko paalis, at bago ko tuluyang matapak ang mga paa sa labas, nasulyapan ko si Cairo sa loob, at hindi nakatakas sa'king paningin ang kumislap na tubig na umagos pababa sa kanyang pisngi.

Halos tumatakbo na kami ni Miss papunta sa istayon ng Daambakal na di kalayuan sa tinuluyan namin kanina. Inaasahan ko na may mga nakaabang na Memoire sa labas pero wala ni isa, kahit anino nila wala akong nakita. Hingal na hingal kami pareho ni Miss Karen nang marating namin yung istasyon, nasulyapan ko yung malaking orasan na nakasabit sa entrada ng istasyon, mag-aalaskwatro na ng umaga. Marami-rami na rin yung mga taong naghihintay, maraming papauwi sa kanya-kanya nilang probinsya.

Iniwan ko muna si Miss Karen sa waiting area para tawagan si Jing Rosca. Kinuha ko yung phone ko, naka-ilang beses akong tawag sa kanya ngunit hindi 'ko magawang makakonekta dahil nagluluko yung network line ko sa di malaman na dahilan. Wala akong ibang choice kundi tumawag sa payphone.  

Idinial ko yung number ni Jing at himalang nasagot niya kaagad yung tawag ko.

"Hello? Si Jill 'to."

"Anong nangyari? Nasaan kayo?"

Hindi ko masyadong ipinaliwanag yung mga nangyari pero sinabi niya na pupuntahan niya kaagad kami rito ngayon. Pagkaputol ng tawag ko sa kanya, hindi kaagad ako umalis, sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi siya sumasagot, hindi sinasagot ni Enriquez ang tawag ko. Sa dami ng iniisip ko, ngayon ko lang naalala yung kalagayan niya nang iwanan namin siya roon sa labas ng fire exit. Hindi lang siya, naalala ko rin bigla yung mga taong naiwan sa White Knights, sila Aya. Napag isip-isip kaya ni Baldo yung ginawa niya sa'kin? Ano na kayang nangyari kay Morris. Si Lily na may alam sa mga nangyayari. Hindi pa rin ako nilulubayan ng mga tanong kung nasaan na nga kaya si Stephen at kung kailan magigising si Penelope.

Sa di malaman-laman na dahilan, ngayon ko lang naramdaman 'to, yung pakiramdam na gusto ko silang tawagan lahat, gusto ko silang makausap kahit isang minuto lang. Binaba ko yung telepono.

"Jillianne," narinig kong tinawag ni Miss Karen ang buo kong pangalan, lumingon ako at nakita siya. "The train is here. Let's go." Maririnig na yung malakas na busina ng tren at ingay ng mga tao na mas dumami ang bilang ngayon. Bago ako sumunod sa kanya ay luminga-linga muna ako sa paligid, hindi pa dumadating si Jing Rosca.

Hindi na magkandaugaga yung mga tao nang huminto at bumukas ang pinto ng tren. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob. Tahimik kami pareho ni Miss Karen nang makaupo kami magkaharapan, nakapatong yung mga bag namin sa bakanteng upuan katabi ko. Sumilip ako sa binatana sa pagbabakasakaling makita ko si Jing pero nabigo ako, umandar na yung makina ng tren at unti-unti iyong umusad, pabilis nang pabilis, hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko yung istasyon na may karatulang 'El Sentral Ciudad'

What now? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero nanatili lang kaming tahimik. Siguro katulad ko nag-iisip din siya ng pwedeng sabihin sa'kin.  Sa kabila ng lahat, sa dinamirami ng mga nangyari, mas nangingibabaw pa rin ang misteryo ng mga sinabi niya kanina '...hayaan mo kaming makatakas ng kapatid ko'.

Marami pa 'kong gustong malaman. Whatever the reason, kung kapatid ko siya o hindi, kung bakit kailangan ngayon ko lang nalaman, na all my life was a lie. Mixed emotions made me number, ganon din kaya yung nangyari sa kanya? Matagal ko ng naramdaman na we have something in common; we have that strange invisible connection and ties for a long time ago.

Binuksan ko yung bag ko na nasa tabi, binuksan ko 'yon at kinuha yung makapal na itim na envelope at mula sa loob nito inilabas ko yung isang larawan.

"This is you, right?" Ipinakita ko sa kanya yung portrait photo kung saan ay masaya siyang nakangiti. "Ikaw to noon, 'diba?" what a lame question though, sa ganitong paraan ko naisip kung paano simulan ang usapan. Dahan-dahan niya itong kinuha sa'kin, pagkatapos ay tiningnan ng matagal.

Tumango lang siya bilang sagot, pagkatapos binalik sa'kin ang larawan.

Binalik ko sa loob yung envelope at kinuha ko naman yung lumang family picture namin at pinakita ko yon sa kanya. 

"Did you know him?" tinuro ko si dad sa picture, tiningnan ko siya kung anong isasagot pero nakatingin lang siya. "He's my father, Richard Morie."

But she just stared at the photo; parang may inaalala, pero sigurado ako na kilala niya si dad. Bakit hindi siya sumasagot?

Namayani ulit yung katahimikan, ibinalik ko yung mga larawan sa loob ng bag. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sense kung bakit pinakita ko yung mga laarrawn sa kanya, hindi ko talaga alam kung paano siya tatanungin tungkol sa bagay na 'yon, na sinabi niya na kapatid niya 'ko. I badly wanted to demand an explanation; I deserve an explanation I guess, after all of the trails I've been through, I'm so fed up with mysteries and puzzles, siguro oras na para malaman ko kung ano yung totoo. Napahinga ako ng malalim.

"You know what," sabi ko. "I want to hate you." Hindi ko na alam kung anong lumalabas na salita sa bibig ko,

"It's fine," sawakas nagsalita na siya. "Hate me if you want." Kasunod no'n ay ang sunud-sunod na pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya. 

"I'm sorry." This time ako naman 'ata ang hindi magawang makapagsalita, I didn't mean to tell her that. Para sa'kin ang mga salitang 'yon, I want to hate myself because I felt helpless, hindi ko na talaga alam kung paano ko matutulungan ang sarili ko.

 "This is my entire fault. Kasalanan ko kung bakit lahat nangyayari 'to," she covered her mouth as she sob, yung iyak na pinipigilang may lumabas na ingay mula sa lalaluman, painful, I can't stand seeing her emotional breakdown, ngayon ko lang siya nakita na ganito. Wala akong ibang magawa kundi hawakan yung kamay niya. "I'm sorry." Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin, tuluy-tuloy lang siya sa pag-iyak. Bumitaw ako sa kanya, lumipat ako sa tabi niya, niyakap ko siya, hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko.

Cry. Go on. I thought.

Maya-maya naramdaman ko na lang na huminto siya sa pag-iyak, tiningnan ko siya at nakitang nakapikit ang dalawang mata, dala ng pagod, pisikal o emosyonal, siguro.

"Miss Karen?" Ewan ko kung bakit bigla akong nailang na tawagin siya sa ganyan. "A..." may salitang gustong kumawala sa bibig ko, para kong isang taong gulang na bata na tinuturuan ang sarili na bumigkas ng tama, paano nga ba ang tama? "Ate?" I can't believe myself, because of an urge, I can't believe that I'm calling her like that. She's asleep and probably didn't hear what I said.

Pinikit ko rin yung mga mata ko. Everything's going to be fine soon I guess. 'May mga misteryo na habambuhay ng hindi mabibigyan ng kasagutan, pero may kanya-kanyang susi sa bawat tanong, hindi mo nga lang alam kung kailan at saan mo ito mahahanap'. I can't believe that all of the answers I'm seeking were already here.


*****


"JILL Morie. Come with us." Parang may bumulong sa tainga ko kaya agad akong napadilat, nakasandal pa rin si Miss Karen sa'kin na nahihimbing sa pagtulog. May naramdaman akong mali sa paligid, dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si Miss.

"Jill. Psst." Hinanap ko kaagad yung sumitsit. Naglakad ako at tiningnan isa-isa yung mga nakaupo, natutulog ang karamihan, ang ilan naman ay napapatingin sa'kin kung kaya't agad akong umiiwas ng tingin, hangga't maaari iniiwasan kong tumitig. Nang may mabangga akong bulto dahilan para muntikan na 'kong matumba.

"Jill Morie. Ssshh." nagulat ako nang makita ko si Jing Rosca,  nakatakip ang isang daliri sa bibig, nakasuot siya ng itim na Poncho. Nagtaka ko kung paano siya nandito ngayon gayong kanina hindi ko siya nakita kanina. Bigla niya kong hinila papunta sa lugar kung saan walang masyadong tao, doon sa malapit sa may banyo.

"Paano ka—"

"We will get off in the next station." Maotoridad niyang sabi.

"Ano? Bakit?" Base sa tono ng pagkakasabi niya wala akong ibang dapat gawin kundi sumunod sa kanya. Sa Sta.Helena kami papunta na nasa pangalawa sa huli na istasyon, sa tantiya ko'y nasa San Isidro pa lang kami, malapit pa rin kami sa Sentral.

"Basta. Sumunod ka na lang." naramdaman namin na papabagal na yung andar ng tren, tumingin ako sa labas ng bintana, nasa istasyon na kami ng San Isidro. Hinawakan ako ni Jing sa braso pero bumitaw ako.

"Sandali, kasama ko si Miss Karen, pupuntahan ko lang siya." Pero hindi niya ko pinayagang makadaan, pinigilan niya ko at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Jill Morie, kailangan na nating bumaba. Ngayon. Na." Hindi ko siya maintindihan pero sigurado akong may dahilan siya kung bakit. Hinawi ko siya at mabilis akong bumalik sa pwesto namin, kaso biglang tumayo sa upuan ang isang lalaki dahilan para magkabungguan kami.

"Sorry miss, okay ka lang?" sabi nung lalaki at tinulungan akong tumayo, pag-angat ko ng tingin hindi ko inaasahan ang  pagsalubong ng mga mata ko ang mga mata niya. At sa isang iglap, wala pang sampung segundo ay nakita ko ang hinaharap. Isang pangyayari sa hinaharap na hindi ko dapat nakita. Pero dahil nananadya na naman ang kapalaran, ibinigay niya na naman sa mga kamay ko ang pagpapasya ng tadhana ng lahat.

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Nilagpasan ko yung lalaki at dali-daling nakipagsiksikan sa mga bagong sakay na sumasalubong papasok. Naabutan ko ng gising si Miss,

"Jill, I need to tell you—" kaso bigla siyang nagtaka nang makita ang itsura ko, punum puno ng takot at pangamba. "Jill?"

"I saw the future."

"What happened?"

"I saw the future." Ulit ako. Pakiramdam ko nanginginig yung dalawang tuhod ko. Hindi pa sumasara yung pintuan ng tren.

"Anong mangyayari?" Bumuka yung bibig ko pero walang lumabas na mga salita. "Anong mangyayari, Jill?"

"Aksidente," halos bulong na pagkakasabi ko. Nang marinig niya 'yon ay nakakunot lang ang noo niya. "Maaksidente ang tren na 'to. Everyone will die." namilog ang mga mata ni Miss Karen, nabigla. Nakita ko sa mga mata ng lalaki kanina ang mga mangyayari mamaya lang, pagkatapos ng susunod na istasyon, masisira ang tulay, mahuhulog ang tren sa ilog at mamatay ang lahat ng mga pasahero, lulubog, malulunod.

"A-ano?"

"Pagdating sa Ilog—"

"Jill Morie!" Biglang sumulpot si Jing Rosca, tumingin siya kay Miss Karen at pareho silang nagulat nang makita ang isa't isa. "Beatrice."

"Jinnie?" gulat na gulat na sabi ni Miss, napakunot ako, parang ngayon lang ulit sila nagkita.

Bumalik ulit sa'kin yung tingin ni Jing Rosca. "Kailangan na nating bumaba," kaya ba gusto niyang bumaba dahil alam niya na may mangyayaring masama? Paano?

"No, hindi tayo bababa." Ayoko na, ayoko ng maulit yung nangyari noon.

"Jill Morie for heaven's sake!" hinigit niya yung kamay ko pero nanlaban ako sa lakas niya, narinig ko yung bulungan ng mga tao malapit sa'min dahil kay Jing Rosca.

"Kailangan kong iligtas yung mga tao, Jing,—"

"Jill, " Naramdaman ko yung paghawak ni Miss Karen sa balikat ko.Umiling ako. Hindi pwede, hindi pwedeng maulit yung noon. Why are You doing this to me? Sa ikalawang pagkakataon inilagay mo na naman sa mga kamay ko ang kapalaran ng mga inosenteng tao.

 Sumarado na yung pinto at umandar na muli yung tren, may isang istasyon pa bago marating yung tulay, kailangan kong makagawa ng paraan. Hindi ko na hahayaang maulit ang nangyari noon, ang bus,ang aksidente.

Umupo kaharap namin si Jing Rosca. "Next station, bababa tayo, naiintindihan mo? Kung kinakailangan kitang kaladkarin, Jill Morie, gagawin ko."

"Ano? Hahayaan ko na lang ba yung ibang tao na maiiwan na mamatay?"

"Sige nga, sabihin mo! Anong magagawa mo para iligtas sila?"

Hindi ako nakasagot.

"Sasabihin mo sa mga tao?" umismid si Jing/ "Hala sige, tingnan na lang natin kung hindi ka magmukang katawa-tawa at baliw, hindi sila maniniwala sa'yo, Jill." Tama siya. Walang maniniwala sa'kin kapag sinabi ko kung ano'ng mga mangyayari. Pumikit ako. May sampung minuto pa bago ang kasunod na istasyon.

"Jinnie." Narinig kong nagsalita si Miss Karen.

"Huwag mo 'kong tawaging 'Jinnie'." I wonder why she hated her name so much.

"Anong nangyari sa'yo?"

Umismid ulit si Jing Rosca. 

"Hindi ito ang oras para sa reunion, Karen. Tulungan mo 'kong kumbinsihin ang kapatid mo na bumaba sa susunod na istasyon." Alam ni Jing? Bakit alam ni Jing? Shit. Hindi ko na alam kung anong uunahin isipin.

"Jinnie!"

"Hah. Hindi pa ba niya alam?" tumingin siya sa'kin. "Ang buong akala ko pa naman nagawa mo ng sabihin kanina sa kanya ang totoo." Bigla na lang nagkuyom yung dalawa kong palad, hindi ako handa sa mga sinasabi niya pero gusto ko ng marinig yung totoo. "Kapatid mo ang taong 'to, Jill Morie," humarap siya sa'kin. "At sa kanya galing ang mga mata mo. Ang mga matang hinahabol ng Memoire ngayon ay na sa'yo."

Tumingin ako kay Miss Karen pero hindi niya magawang makatingin sa'kin ng diretso. Hinihintay ko siyang magsalita at magpaliwanag, pero hindi niya 'yon ginawa. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. It feels like I really want to hate her now, pero hindi ko magawa, nagagalit din ako sa sarili ko, she's my sister, hindi ko pa alam ang buong kwento, it made me glad at the same time furious as well.

"I..." inaasahan niya na magagalit ako."I am really confused right now. Promise me you'll tell me everything after this." Sa ngayon, kailangan ko munang makaisip ng paraan kung paano maliligtas ang mga tao rito. "So for the meantime, dapat na ba kitang tawaging 'ate' ngayon?" she shed a tear when I said that.  Sunud-sunod siyang tumango, ngumiti.

"Grabe, nakakatouch." Jing said, sarcastically. I just glared at her.

Hindi namin namalayan na nasa San Pablo station na kami, pagkatapos nito ay tatawid na ng tulay yung tren. Kung bababa kami ngayon, siguradong mamamatay silang lahat, walang maliligtas kahit isa, pero kung hindi kami bababa, hindi sigurado kung maliligtas namin sila at kung hindi pati kami ay mamamatay.

"Nandito na tayo. Jill Morie, utang na loob, kailangan na nating bumaba.". Sabi niya sa mahinahon na paraan. "Kung ikaw, Karen, ang nasa sitwasyon ngayon ng kapatid mo, anong dapat mong gawin? Sa tingin mo may magagawa ka rin?"

"Wala," sagot ni Miss—Ate Karen. "Pero ikaw. Meron." Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya yon.

"Are you telling me to—"

"We need your help, Jinnie. You could stop the train before it crossed the bridge."

Natawa si Jing Rosca. "This is ridiculuous."

"Naniniwala ako na kaya mo, Jinnie."

"I said stop calling me 'Jinnie'!" She yelled. "Kung ayaw niyong bumaba ng tren, pwes, ako ang bababa, kung gusto niyong iligtas yung ibang tao rito, go ahead!" tumayo siya at naglakad paalis.

"Sandali lang," tama si ate, si Jing ang makakagawa ng paraan. "Jing!" tumayo ako para habulin siya, pero nakalabas na siya ng tren.

"Jinnie!" nasa likuran ko pala si Ate Karen, nakatayo kami sa may pintuan. "Hindi ka pa rin nagbabago," biglang huminto si Jing Rosca pero hindi lumilingon, "What? Running away again? Katulad noon? Nang hindi ka inampon ni Tito Richard anong ginawa mo? Tumakas ka."

"Shut up."

"I know, we're powerless, but unlike you, we're not afraid of what may happen, even if it cost our lives there is certainly a way, giving up is not an option. At least we're not running away from this fate."

Pero hindi pa rin siya lumilingon. Sumarado na yung pinto at unti-unting  umandar yung tren. I'm starting to lose hope.

"Jill. Don't lose hope," narinig kong sabi niya. "She's my bestfriend. And I always believe in her."

Hindi pa nakakalabas ng istasyon ang tren ay sapilitang bumukas ang pinto, at nabuhayan kami ng loob nang makita namin ni ate si Jing, tumatakbo at humahabol, naalarma yung ibang tao dahil akala nila nagloko yung pinto. Dumungaw ako at humawak sa gilid ng pintuan, inabot ko yung kamay ko para makakapit si Jing. Bago magwakas ang dulo ng platform, nakakapit si Jing sa braso ko, tumalon siya at nakapasok sa loob ng tren. Sumarado ang pinto, gulat na gulat naman yung mga pasaherong nakasaksi sa mga pangyayari. Natutuwa ako na nagbago ang isip niya.

Niyakap ni ate Karen si Jing pero kaagad ding bumitaw. Walang mga salitang inusal, tumakbo si Jing Rosca dirediretso papuntang driver's cabin, bago kami sumunod ni ate sa kanya ay binalikan at kinuha muna namin sa pwesto namin yung mga bagahe.

Pagdating namin doon, naabutan naming sinisira ni Jing Rosca yung pinto.

"Anong ginagawa mo, Jing?" tanong ko.

"Obviously, sinisira ko yung pinto para makapasok."

"Alam ko. Anong gagawin mo?"

Hindi siya sumagot, nang masipa niya ng malakas at tuluyang bumukas ang pinto nito, pagpasok namin sa loob kagaya ng inaasahan walang tao o driver. Kung ganon, it was all planned. Planado na maaaksidente ang tren. At walang duda, Memoire ang may kagagawan nito. Para iset up ako. Kung lumabas kami kaninaa ay tiyak kong nandoon sila at nakaabang sa'kin. Ang ipinagtataka ko lang, si Jing Rosca, paano niya nalaman?

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko yung tawag nila. Nakita ko sila na kinakalikot yung driver's control console, tumulong ako pero wala ring nangyari. Parang nakaprogram yung tren at hindi na mapipigilan pa. Lumakas yung tibok ng puso ko nang matanaw ko yung tulay malayo pa lang ay kita na yung sira nito sa gitna, parang kamatayang kanina pa naghihintay na mahulog  ang tren sa bitag.

"Jinnie, hindi gumagana yung mga control, you need to do something now." Sabi ni Ate, kahit na composed ang itsura niya sa labas, alam kong kinakabahan na rin siya sa loob. Tumigil nga si Jing Rosca sa pagkakalikot ng mga buttons at tumayo siya ng matuwid.

"Karen, pakisabihan ng warning yung mga tao." Kaagad sumunod si ate, kinuha ang communication cord at nagsalita.

"To all passengers, maaari pong kumapit po tayong mabuti sa ating kinuupuan dahil magkakaroon ng kaunting aberya—" gumalabog bigla dahilan para pareho kaming ma-out of balance at mapaupo sa sahig, tumayo kami ni ate at nakita mula sa labas ang mga punong nagliliparan papunta sa tren. "Jinnie, anong ginagawa mo?!"

"I'm trying to stop the train!" sabi niya habang minamanipula yung mga puno, kasunod nito'y galabog na naman, sinusubukan niyang gamiting pangblock yung mga puno sa ilalim ng tren para huminto iyon sa pagtakbo, pero wala pa ring nangyari, tuluy-tuloy lang yung pag-andar. Hindi pa rin huminto si Jing Rosca, may mga troso pa na dumagdag, nagmula sa gubat na dinadaanan namin, rinig na rinig na namin yung sigawan ng mga pasahero sa loob, palapit na nang palapit yung tulay pero hindi pa rin natitinag yung tren. "Shit."

Magkakapit kami sa isa't isa ni ate Karen, wala kaming magawa kundi tingnan lang si Jing na nahihirapan. Maririnig yung matinis na tunog ng bakal, nararamdaman namin yung friction na pumipigil sa tren sa pag-andar, dahil sa pagkakataong 'to, yung tren na yung kinukontrol ni Jing, sinusubukan niyang patigilin sa pag-andar. Nakita ko na halos bumaon na yung dalawang kamay niya sa ibabaw ng console, umaagos yung dugo mula sa kanyang ilong.

Kaunti na lang, bumabagal na yung andar nung tren. Mas kumabog yung dibdib ko dahil ilang segundo na lang... andyan na yung tulay.

"Jinnie!"

Kung kailan sa pag-aakalang tuluyan na niyang nahinto ang tren, tsaka bumigay si Jing Rosca, bumagsak ang katawan niya sa sahig, nadiskaril ang tren, at tuluy-tuloy na bumulusok pababa ng ilog. Sigawan, iyakan, silakbot, takot, panaghoy. Niyakap ako ni ate Karen, pinikit ko yung mga mata ko.

Inaasahan kong dadampi sa'min ang hampas ng tubig. Pero Wala. Dumilat ako.

Nakahinto ang pagglaw ng tren. Nakahinto ang oras. Ngunit bago ko pa makausap si Ate, bigla akong may naamoy na kung ano, bigla akong nahilo at pilit na pinikit ang mga mata...


*****


"JILL," napabalikwas ako. Panaginip? Hindi. Nakita ko yung mga galos ko sa braso, totoong nangyari yung kanina. Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito sa loob ng sasakyan? "Jill." Napatingin ako sa gilid. "Seraphina?"

"Mabuti't nagising ka na," nakita ko sila Pascal, Finnix, Otis, at Cecilia sa labas, nasa gilid kami ng kalsada. "Kumusta?" Sila ang nagligtas sa'kin? Pero...

"Anong nangyari sa tren? Sa mga tao?"

"I'm sorry but..." No...

"Nasaan si ate Karen?"

"Jill," she paused. "Cairo got her."


-xxx-


[Curious question: Aside from the main character, sino yung paborito niyo? Lol. ]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro