/50/ Beatrice
[Karen Italia's POV]
"KAREN, nagsimula na yung program sa central grounds hindi ka pa ba mag-aayos?" sumulyap ako sa kanya, naglalagay siya ng kulurete sa mukha. Kaming dalawa na lang ni Marcel yung nandito sa faculty room at rinig na yung ingay na nagmumula sa labas, patunay na nagsimula na ang Night Out, ang huling program ng White Knights Academy para sa taong ito."By the way nga pala, si Jillianne Morie, she's from your class right?" napahinto ako sa pagbabasa at saglit na tumingin sa kanya.
"Yes." bumalik ulit ako sa ginagawa ko.
"Magpaparticipate siya mamaya, natuwa talaga ko nung malaman ko na pumayag siya, alam mo kasi may potential yung batang 'yon, masyado lang aloof sa tao," she chuckled. "Parang ikaw." She thought hindi ko yon narinig kaya nung nakita niya na napatingin ako sa kanya she quickly whispered.
"Sorry."
I thought she's leaving already pero nagtaka ko nang makita ko siyang nakatitig sa'kin, then she leaned forward, magkatapat lang kasi yung table naming dalawa.
"What?" tanong ko.
"Nothing," nakatingin pa rin siya sa'kin at nakapangalumbaba, maya-maya may kinuha siya sa bag niya at ipinakita sa'kin yung cellphone niya. "This made me surprised. Your class really looks happy here," she showed me a photo posted on a social media site, yung group picture during the Christmas party. "And you as well."
Sumandal na siya sa upuan niya matapos niyang ibalik yung phone niya sa bag.
"Hmm... Akala ko talaga hindi ka marunong ngumiti," pagkatapos sumeryoso siya. "It's weird though."
Tumingin ako sa kanya at sakto namang nakatingin din siya sa'kin.
"You've been working here for almost two years but we still barely know you," binalik ko ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko. "Who are you, really?" Hinihintay niya kong sumagot pero mas pinili kong tumahimik. Then she chuckled again. "Sorry,sorry, kung anu-anong sinasabi ko. Forget it, ang gusto ko lang naman sabihin, you should smile often, Karen," tapos tumayo na siya. "Mauna na 'ko ha, see you later."
I just nod then she leaves.
Tumingil ako sa pagbabasa at sumandal ako sa upuan, napapikit saglit at inalala yung tanong niya . 'Who are you, really?' I'd like to ask that question to myself. Who am I? They said I'm cold as ice, firm as rock, lifeless as broken bough. Tumingin ako sa bintana, tanaw ang mga nagsasayawang ilaw na may iba't ibang ilaw na nagmumula sa central grounds, kitang-kita rin ang sarili kong repleksyon.
The truth is... I don't even know myself anymore.
Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa, gusto kong tumawa pero hindi ko kaya, gusto kong umiyak nang umiyak pero naubos na ata yung luha ko. Gusto kong maramdaman na kahit kaunti may natitira pa ring pagkatao rito sa loob ko.
Kumuha ako ng papel at panulat, susubukan kong isulat ang tungkol sa sarili ko, bago pa tuluyang maglaho sa memorya ko ang lahat-lahat.
I actually don't know where to start, but I'm trying to write about myself, kung sino man ang makakabasa nito, ipinagkakatiwala ko sa'yo ang mga natitirang piraso ng pagkatao ko. Before I've completely lost it, at least there's someone who will remember.
I have many names—I'm not god, devil or whatsoever. Literal na marami akong naging pangalan noon, because they believe that choosing an entirely new name is a way to welcome a child into a family, yes—I am an orphan, and being one is really hard. Unlike any other kid, hindi ako pangkaranwian. I was born peculiarly, that's why I had so many names. Pabalik-balik ako noon sa ampunan dahil kakaiba akong bata, those who adopted me were so scared because I can see the future. It's hard to believe, but yes, I can see their not too distant future through eyes.
The orphanage knew that I am not normal, that's why nilayo nila ko sa iba pang mga bata at maging sa kapatid ko, I have a little sister, sanggol pa lang siya nang mapadpad kami sa ampunan.
"Bakit niyo inilalayo kay Beatrice si Atria? Magkapatid sila at may karapatan din naman ang mga bata—"
"Sister, alam mo na hindi pangkaraniwang bata si Beatrice, iniiwasan lang natin na may mangyaring hindi magdudulot ng maganda sa kanya, at sa iba pang bata. Hindi pwedeng malaman ng ibang tao ang tungkol sa kakaibang tinataglay ng batang 'yon."
Naririnig ko na madalas pagtalunan nila sister ang tungkol sa pagiging 'iba' ko. Wala ng may gustong umampon sa'kin kapag nalalaman nila na palagi akong binabalik. Wala akong naging kaibigan, kahit mga matatanda naging ilag sa akin, pakiramdam ko tuloy isa akong halimaw. Hanggang sa napagdesisyunan nila na ilipat ako sa ibang institusyon. Hindi ako umiyak, hindi ako kumibo nang sabihin nila ang tungkol doon, nakita ko naman na sa mga mata nila sister na mangyayari 'yon.
"Kami na ang bahala kay Atria, Beatrice. Tandaan mo na kailangan naming gawin 'to para rin sa'yo, para may pamilyang umampon sa'yo balang araw. Sa bago mong lilipatan walang makaalam ng tungkol sa mga mata mo."
Inilipat nila 'ko sa Sta.Helena Orphanage. And there I met Sister Emilia, who believes that every child is very special and she nurtured each and every one of them. I'm not still at ease dahil nawalay ako kay Atria. Hanggang sa hindi ko inasahan na makakatagpo ako ng mga katulad ko. Tandang-tanda ko pa kung paano ko nakilala si Jinnie, mag-isa lang akong nakaupo noon sa swing nang bigla akong hinila ng isang batang babae na kapareho ko ng edad, mahaba ang buhok niyang maalon-alon at kasing itim ng gabi.
"Saan tayo pupunta?"
"May papakita ako sa'yo." Huminto kaming dalawa nang mapadpad kami sa likuran ng bahay ampunan, walang tao roon, umupo si Jinnie, "Tingnan mo 'to." Biglang lumutang yung maliit na dahon sa harapan ko.
"Ang galing! Parang magic. Kaya mong mag magic?" tumango siya at ngumiti kami sa isa't isa. Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ko na hindi lang pala ako ang nag-iisang ganito, hindi lang pala ako ang nag-iisang naiiba sa mundo.
Jinnie and I became best of friends, dahil sa kanya nabigyan ako ng rason para maging masaya kahit isa kaming ulila. We kept her powers secret, sinabi ko rin sa kanya kung ano ang mayroon ako na wala sa iba. Hindi nagtagal may mga dumating na iba pang bata sa Sta.Helena na katulad namin ni Jinnie. I believe it was fate that brought us together. Dumating pa yung punto na hiniling ko na sana magkakasama na lang kaming anim hanggang sa pagtanda, we were so young and we are nothing but orphans and Peculiars. We thought we could keep our secret forever not until I saw the future.
"Anong sinabi mo, Beatrice?" mahinahon at hindi makapaniwalang tanong ni Sister Emilia sa akin.
"Masusunog po yung ampunan, sister."
Of course she didn't believe me. Who would actually? Hindi ako pinagalitan ni sister at pinabalik niya lang ako sa silid namin. That night, nangyari nga ang nakita ko. Thanks to Jinnie's powers, hindi lumala ang sunog at hindi nagkatotoo yung nakita ko na masusunog ang buong ampunan. That's when Sister Emilia confronted me but my friends stood up for me, hindi ko na maalala kung paano pero umamin si Sylvia kung anong meron kaming anim.
Several days later, a man named Richard Morie came.
"Isasama kayo ni Dr. Richard sa laboratoryo niya, magpapakabait kayo roon ha."
"Magandang umaga, ako si Dr. Richard, pero gusto ko tawagin niyo 'kong tito Richard. Anong pangalan niyo?"
"Pagpasensyahan mo na, mahiyain talaga sila sa umpisa. Ito nga pala si Beatrice, si Jinnie, si Rommel, ang kambal na sila Pacifico at Cairo, at ito naman si Sylvia."
Dinala niya kami sa Research Center of the Paranormal Activities at doon tinuklas niya ang kakayahang mayroon kami. Sister Emilia was the one who called him, matapos niyang malaman ang tungkol sa aming anim, naisip niyang baka matulungan kami ni Dr. Richard. Rommel is the only one who opposed about it but Cairo said he read the doctor's mind at wala naman itong intensyong masama, Jinnie wanted to participate the experiment badly, she believed that if she did her best baka sakaling ampunin siya ni Richard Morie.
Hanggang sa isang taon na ang lumipas, dalawang beses sa loob ng isang linggo kaming bumibisita sa RCPA, naging mabait sa amin si Dr. Richard and he became a father figure to us. Naturally, our power became stronger and we can control it than before. I developed how to control my eyes, nakukuntrol ko kung kailan ko gustong makita ang hinaharap sa mata ng isang tao. Ganon din sila Jinnie—na siyang pinakamahusay sa aming anim. She never failed to impress the doctor's eyes through her 'magic'. Jinnie was so determined and I couldn't stop her, I already saw na hindi magkakatotoo yung hinihiling niya.
"I am so grateful that I met you, kids." That day, pinatawag niya kaming lahat sa lab to bid farewell, "You don't know how much you helped me with my research. But I can't use you kids forever, and I want you to know that this is the last time na pupunta kayo rito."
"Bakit po?"
"I'll find other kids like you so that I can help them too." I can't say if really helped, he didn't know how much power we gained after he studied us. "If I keep you here, hindi ko masasabi kung kaya ko kayong protektahan. Besides, you have to live your own life. There are other families out there na naghihintay sa inyo."
Hindi na kami bumalik roon matapos ang araw na 'yon, we heard na may inampong bata si Dr.Richard. Bumalik sa normal ang buhay namin sa Sta.Helena, sa tuwing may bibisita para kaming mga tuta sa isang pet shop, at di nagtagal isa-isa kaming inampon ng iba't ibang pamilya, Jinnie became rebellious kaya siya yung natira roon, at hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos. I decided to start a new life nang kinupkop ako ng mag-asawang Italia. They told me to forget who I am, because I must live as 'Karen', their daughter.
Sooner I discovered that they have a daughter named Karen before, but she died at such young age. Napagtanto ko kung anong ibig nilang sabihin sa I must live as 'Karen'. To make them happy and in order to show my gratitude, I fulfilled all their frustrated expectations for their late daughter. Lumipas ang maraming taon at nabuhay ako bilang si Karen; masunurin, matalino, masayahin. I chose teaching because that was also Karen's dream.
Wala na akong naging balita kila Jinnie at sa iba ko pang mga naging kaibigan sa ampunan, ang alam ko lang may kanya-kanya na silang pamilya. I tried to find my sister, Atria, pero nung pumunta ko sa ampunan na 'yon, sinabi nila na matagal ng naampon ang kapatid ko, hindi nila sinabi kung sino yung umampon kay Atria dahil ayaw daw itong ipaalam nung kumupkop sa kanya. Sumuko ako sa pag-asang magkikita kami ulit ng kapatid ko.
Dumating yung araw na natupad yung pangarap ni 'Karen' na maging isang guro. Marami akong hinaharap na tao araw-araw, minsan hindi ko napipigilang silipin yung hinaharap sa mga mata nila. Despite those hardships I still managed myself to smile. Napapahinto ako minsan kung bakit nga ba nagpapatuloy pa rin ako kahit na mahirap. Dahil ba pangarap din 'to ni Karen? I gave all my best and thought it's all worth it, before my foster mother died she told me that she's happy because Karen fulfilled her dreams, hindi ko man gustong isipin pero naisip ko na proxy lang talaga ko ng dating anak nila.
"Miss Karen, may gusto po akong sabihin."
"Yes? Ano 'yon?"
"Napanaginipan ko po kayo."
"Really?"
"It wasn't just an ordinary dream."
"What do you mean?"
"It's about the future—your future.".
It was one afternoon, a student came to me; her name is Lucille Marin. Lucille told me her powers; she can see the future too, but through dreams. Hindi ako makapaniwala na makakatagpo ulit ako ng taong ko na katulad ko, katulad ko na iba sa nakararami. Madalas kaming magkita tuwing uwian, pero minsan hindi siya nakakapasok dahil ang alam ko may sakit siya. Lucille didn't told me what she saw, basta palagi niya lang akong napapanaginipan tuwing gabi at sinabi niya na pagmamahal ang magdudulot ng pagpapasakit sa'kin, na hindi ko naintindihan noong mga panahon na 'yon.
Lumipat ng ibang eskwelahan si Lucille, dahil sa sakit niya at kinakailangan niyang magpagamot sa mas magaling na ospital sa Sentral. Pakiramdam ko naiwan na naman akong mag-isa. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, that one fateful rainy night at the waiting shed came.
"Beatrice?" my heart skipped a beat when I heard his voice, nagulat ako dahil may nakakaalala pa pala kung sino ako, "Beatrice, ikaw ba 'yan?"
"Hindi na Beatrice ang pangalan ko, I'm Karen now." Nakangiti kong saad sa kanya, "I'm not sure kung sino ka, may kambal ka kasi."
"Si Cairo 'to." Meeting him again was unexpected. He was far from the skinny boy I knew before, he grew taller and his chiseled features are enough to make anyone fall.
"I'm sorry, hindi ko pa rin kabisado kung sino kayo sa inyong dalawa."
"Wala ka bang payong? Gusto mo ihatid na kita? Saan ka ba?"
"Ha? Hindi na, ok lang—"
"No, I insist." And I didn't think that I wasn't an exception.
Naaalala ko pa kung gaano ako kasaya noong gabing 'yon, masaya ako dahil tinawag niya 'kong 'Beatrice' at masaya ko dahil... nagkita ulit kami. Naniwala ako na tadhana ang gumawa ng paraan para magkita kaming dalawa. Hindi lang iyon ang naging huli naming pagkikita. When I'm with him pakiramdam ko nagiging totoo ako sa sarili ko, hindi si Karen pero si Beatrice.
"Magmula noong hindi na tayo pumupunta kay Tito Richard, hindi na 'ko nakakabasa ng isip ng tao."
Hindi ko tinanong kung paano nangyari 'yon, paanong nawala yung kakayahan nyang magbasa ng isip ng tao samantalang ako nakikita pa rin ang hinaharap kung gugustuhin ko.
"Ikaw ba, Karen? Wala na rin kasi akong balita sa iba nating kababata." Sinabi ko sa kanya na nawala rin yung kapangyarihan ko sa dahilang natakot ako na baka lumayo at matakot siya sa'kin kapag nalaman niya. I thought it would be fair kung hindi ko sisilipin ang hinaharap sa mga mata niya dahil inisip ko na iyon ang paraan para mabuhay ako ng normal.
Everything happened so fast, but there's one thing that I am sure of—I loved him more than anyone else. When we got married, I thought that finally I already have my own place, and I promised to myself I'll look after him, protect him. Naniwala ako sa pangako niya, I believed his words and forever kasi mahal ko siya. I gave birth to our first child, and I named her 'Wyndell', wala akong naramdaman kundi kasiyahan at wala akong ibang gusto kundi maging isang mabuting ina sa kanya. Pero nagising na lang ako isang araw na wala na siya sa tabi ko.
"Wyndell gave her best to live."
They said my daughter died, and I couldn't do anything but to cry. I'll never see her smile, her first word, her first walk, everything I anticipated, it's all gone. Hindi ko alam na mas magiging masakit pa pala yung mga susunod na mangyayari sa buhay ko. Life is so ironic. I was given a power to see each people's not too distant future, pero hindi ko nakita kung anong mangyayari sa'kin. I thought it's unfair.
Dinala ako ni Cairo sa isang lugar na hindi ko alam makalipas ang isang buwan. The place was called 'Institute for Peculiars'. That was the time I started to doubt Cairo. Sinubukan kong tingnan ang mga mata niya, doon ko napagtanto na hindi totoong nawala ang kapangyarihan niya. He stopped me when he read my mind, he blocked my visions. Even though kaunti lang yung nakita ko, it hurts me so much. Everything was planned. And he brought me to this institution because that was his mission. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kung bakit niya 'yon ginawa sa'kin. Sa sobrang hina ko ng mga panahong 'yon hindi ko na nagawang lumaban. It's too late to fight anyway.
An organization called 'Memoire' founded the Institute for Peculiars, their objective is simple, they aim to conquer the universe by using Peculiars, the term they use for describing those human beings who are different from normal ones, that's why I am here. Pero hindi lang pala ako ang dinala rito para pag-aralan, marami kami, and they call us 'HGP' or Human Guinea Pig. Nagulat ako nang malaman ko na kasama ko rin sila Pacifico, Rommel, at Sylvia, katulad ko, sapilitan silang dinala.
"HGP number twenty one's case is special; she can see the future by staring, she can obtain individual's data through eyes na nagpapakita ng future! But what she can obtain is only limited information."
Thousands of stabs, shots, needles and the torturous operation weren't enough to define what my pain was. The agony inside my heart kills me, gusto ko siyang makita, gusto kong malaman kung bakit nagawa niya sa'kin 'yon, gusto kong tanungin si Cairo kung minahal niya ba talaga ako. Sa sobrang dami ng sakit wala ng mapaglagyan. Sa loob ng isang taon, hindi ko inakalang magagawa ko pang mabuhay.
Then they finally perfected my eyes. They forced me to look on some HGP's eyes to test its newly developed power, it was unstoppable and I can't control my eyes anymore, nakita ko lahat-lahat ng mangyayari sa taong 'yon hanggang sa kamatayan. It became so evilly powerful.
"Karen, alam kong naririnig mo ako. Si Pacifico 'to. Makinig ka sa'kin. Mamayang gabi, pupuntahan ka nila Sylvia at Rommel sa selda mo. Tatakas tayong lahat."
Pacifico, the twin brother of Cairo, conveyed a message through his mind, sinabi niya na lahat ng HGP ay tatakas sa gabing 'yon at dadating sila Sylvia at Rommel para itakas ako...
"Nasaan si Sylvia?" tanong ko matapos kong salubungin ng yakap si Rommel.
"Magkikita-kita tayo sa labas nila Pacifico. Alam kong magugulat ka, Beatrice... Inililigtas ni Sylvia ang anak mo," hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "buhay ang anak niyo ni Cairo, nandito rin siya sa institusyon, mamaya makakasama mo na siya, umalis na tayo ngayon dito."
...but the escape plan didn't go smoothly. Hindi pala lahat ng Peculiar na kinuha nila ay mga HGP, some of them were their men, kabilang doon si Cairo, at hinabol nila kami. Nang marating namin ang labas ng gusali, hindi namin nadatnan si Sylvia at Pacifico, nasira na yung malaking gate kaya malayang-malaya na kami makakalabas.
"Bea, kailangan na nating umalis!"
"Si Sylvia at Pacifico pa Rommel!"
"Wala na tayong oras, paparating na sila!"
"Rommel, sumakay na kayo rito!" sapilitan akong isinakay ni Rommel sa sasakyan na kinuha ng iba pang HGP at tumakas sa lugar na 'yon. Hindi nakinig sa'kin si Rommel kahit anong pilit ko sa kanya na balikan si Sylvia, Pacifico at ang anak ko...
Devastated. I was completely devastated and it felt like every part of me was shattered into pieces. Naghalu-halo na lahat ng sakit sa dibdib ko. Sa huli naramdaman ko na lang na namanhid na lang ang buong pagkatao ko. Humarap ako salamin para tingnan ang sarili ko pero walang emosyon ang bumakas. I felt nothing because I am empty and lonely. That's when I remembered what Lucille told me. Kaya hinanap ko siya sa Sentral, kung saan napadpad kami matapos ang pagtakas, nagpunta ako sa ospital and there we met again.
Lucille cried when she saw me. Gusto kong magalit sa kanya pero naisip ko na hindi 'yon tama, hindi tamang isisi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa'kin. I saw her future in her eyes, she's getting weaker each day and she already knew na malapit na siyang mamatay. We talked and she was so sorry for me, sinabi niya na napanaginipan niya yung araw na magkikita ulit kami. Nagulat ako sa mga sumunod na sinabi niya.
"Your sister is my best friend."
"A-anong sabi mo?"
The mischievous fate did it again. Sinabi ni Lucille na this time ang kapatid ko naman ang napapanaginipan niya, I became nervous yet excited when I asked her about my sister, but she told me to calm down dahil magkikita kami sa ospital sa mismong araw na 'yon. And it happened.
"Beatrice?"
"Tito Richard."
That day, sinabi ni Tito Richard sa akin na siya ang umampon kay Atria.
"Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."
But he said, she got in accident and she needs eyes to bring her sight back. Without hesitations I told him, 'I'll give mine'. Then
"Miss Karen."
Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa biglang pumasok.
"Who are you?"
"I'm Cloud Enriquez." Hingal na hingal niyang sabi, "Your... your sister... Jillianne is in danger."
Napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.
"Nasaan siya?"
"Follow me."
Sinundan ko nga siya at habang naglalakad hindi ko pa rin maiwasang maalala ang araw na 'yon, ang araw na 'yon sa ospital.
"Miss Karen,"Hinawakan ni Lucille ang kamay ko, "Nakita ko sa panaginip ko... I know this is too much to ask but... will you look after to our class when I died? Will you look after to my friends? Kapag binigay mo kay Jill ang mga mata mo, you can have mine when I died."
"Memoire's here and they'll get her now." Narinig kong sabi ni Cloud Enriquez habang nauuna siyang maglakad. Sa sinabi niya nakaramdam ako ng takot... at pagsisisi. When I gave my eyes to her nakita ko kung paano nagbago ang buhay niya, nakita ko kung gaano siya naghirap matapos makuha ang mga sinumpang mata ko. I am selfish. I thought I did it to protect my sister pero hindi pala talaga yon ang nasa puso ko, deep inside gusto ko lang tumakas sa realidad , na kapag wala na sa'kin ang mga matang 'yon makakatakas na ako tuluyan. Pero hindi pala. I realized it too late, na si Atria na lang pala ang mayroon ko, and the only thing I need to do is to be her sister.
"How do you feel right now?" I always knew that she's not really fine.
"I'm fine."
"Minsan talaga hindi naaayon ang nilalabas ng bibig sa nararamdaman natin."
"Who are you?" I am your sister, I want to answer her that.
"Who am I? I'm the one who supposed to ask that, Morie...who are you?"
"I'm Jillian Morie... and I can see the future."
"I can see what other humans can't see I can see everyone's past."
"So... you're also a Peculiar."
"Help me to fix our class back together, in that way we could help Jill"
Hindi ko inaasahan na magkakaroon ulit ako ng estudyanteng Peculiar bukod kay Lucille, si George Morris, ang nakaalam ng sikreto at nakaraan ko. I agreed to meet him that afternoon para mapag-usapan yung tungkol sa pabor niya. Pero noong hapon na 'yon nagulat ako nang madatnan ko sila sa classroom.
"Miss Italia."
"M-miss! Muntik na kaming atakihin sa puso, akala namin multo!"
"What are you doing here?"
"M-may nakalimutan lang po kami."
"Ako ang dapat magtanong niyan, Miss Karen. Anong ginagawa mo rito?"
"I also forgot something."
"Mauna na po kami."
"Wala na ba sila?" biglang siyang sumulpot nang makaalis sila.
"Umalis na sila. Why are you hiding here anyway?"
"Nothing really."
Nagawa kong maayos ulit ang klase nila, sinabi sa'kin lahat ni Morris ng sikreto ng bawat sikreto nila dahil sa kapangyarihan niya. He was right, nakatulong kay Jill ang pagkakaayos ng klase nila. Nakahinga ko ng maluwag at nagpasalamat dahil walang nangyaring masama.
"Cloud!" napatigil kami sa paglalakad, "Nasaan na si Jill Morie?"
"Miss Karen, mauna ka na sa taas, ako ng bahala sa kanya. Nasa loob siya ng storage room." Sabi niya sa'kin, tumango ako at dali-dali akong umakyat papuntang roof top. Bawat hakbang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Humanap ako ng bagay na pwedeng gamitin ipangsira sa lock.
Binuksan ko yung pinto nang masira ko yon. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Jill Morie. At heto siya, naglalakad papunta sa direksyon ko. Nang makalapit siya, kaagad ko siyang niyakap. Hindi na napigilan ng mga mata kong lumuha, kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan ngayon.
I'm sorry. I'm sorry Atria.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro