Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/5/ Because I'm bored



9:43 PM

MALALIM na ang gabi, ngunit maliwanag pa ang gusaling ito.

Rose Angel's Club

Nakatayo ako malapit sa main entrance ng nasabing club.  Well, there she is.  Kakalabas lang sa main door kasama ang isang middle-aged woman.

"Eto." inabot nung babae sa kanya ang isang maliit na brown envelope, mukang namumutok sa dami ng laman. Magkano kaya yon? Nag-usap pa sila sandali at pumasok na sa loob yung aleng mukang matrona.

Sinilip nya yung laman ng envelope tsaka itinago sa loob ng bag.  Naglakad na siya paalis doon. Makapal ang make-up at nakasuot ng tube dress, sinong hindi mag-aakala. I was surprised too. That this "princess" had a dirty job.

 At nang masinagan ng ilaw ng poste ang mukha niya. 

I smirked. 

You played well. 

Alexi Sabina. 


 *****


"LOOK, guys! I already bought it." ipinagmamalaking inilabas ni Sabina ang isang kahon mula sa bag atsaka ipinakita ito sa mga kaibigan.

Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaibigan nit na manghang-mangha sa isang materyal na bagay na ipinakita ni Sabina. Kanina pa uwian pero naisipan ko munang tumambay dito sa student plaza, nakaupo ako sa isang swing habang pinagmamasdan silang nakaupo sa isang bench di kalayuan. 

"Kakabili mo lang ng cellphone diba?" tanong ng isa.

"Ipangreregalo ko 'to kay Louis. Malapit na kasi yung birthday niya." sagot naman ni Sabina sa kanila.

"Omg, oo nga pala! Siguradong matutuwa yon."

"Sigurado akong magugustuhan nya to."

"Alexi, ikaw na talaga!"

"Oo nga, ikaw na mayaman."

"Don't worry guys, next time ititreat ko kayo." sabi pa ni Sabina na hindi maalis ang malaking ngiti sa labi. I wonder behind that smile.

Mapagkakamalan akong baliw ng sinumang makakakita sa'kin dito, nakangiti kasi akong mag-isa habang nakahawak sa dalawang rehas ng swing, iisipin nilang may imaginary friend ako. Let's just say na it's really amusing to see the person who pretends to be something she's not. I know the truth behind her everyday lies. Nakakatawa.

Hindi ko naman sinasadya at hindi ko naman ginusto na malaman yon, through her eyes, malaman ko tuloy na may naghihintay na hindi kanais-nais na hinaharap para sa kanya. How pathetic.

Paano kaya kung malaman ng lahat ang tunay niyang pagkatao? That Alexi Sabina is a filthy rich princess

This is exciting.

"Alexi, mauna na kaming umuwi. Bye." 

"Ok, see you tomorrow. Tatawagan ko pa si Louis." they waved at each other, pagkatapos ay kinuha ang phone, "Hello? Babes? Magkita tayo mamaya please? Ok. I love you." then she hung up.

Bakit ko ito ginagawa? Hmm... Nothing. I'm just bored. At sabi ko nga, exciting 'to, exposing her real identity. Cool! No, no, hindi ako gumaganti dahil lang sa mga nasabi nya sakin sa cafeteria kahapon? Psh. I don't mind at all, and about that freaking blog? Well, sinet aside ko muna. I need a break.

 Papaalis na si Sabina nang may sumulpot sa harapan niya. Cris Baldemorhe's from our class too, everybody called him 'Baldo'.

"Lexi.."

"Tsk, don't call me Lexi."

"S-sorry. Hehe." napakamot ito sa batok, he's a tough guy, and the class clown. Pero ngayon ko lang siya nakitang tumiklop sa isang babae. Kay Sabina pa. "May ibibigay sana ako sa'yo." inilahad ni Baldo ang palad para ibigay ang munting regalo nito. " A-alam mo naman, simula palang noong mga bata pa tayo, gusto na kita." 

Woa, confession scene. It's like I'm watching a movie, great, popcorn na lang kulang. Pero hindi iyon tinanggap ni Sabina

"Baldo, pwede bang tigilan mo na ko. At please lang wag mo nang ungkatin yung pagiging magkababata natin, tapos na yon!"

"B-bakit? Dahil ba hindi ako mayaman?" natigilan naman si Sabina sa sinabi nito pero agad na nakabawi.

"Oo! Ang mga babaeng katulad ko ay hindi ipinanganak para maghirap!" then she walked away leaving him broken hearted.

Napangisi naman ako sa sinabi ni Sabina,hindi ipinanganak para maghirap? Don't make me laugh! Itinapon niya sa kung saan yung dapat na ibibigay niya, tsaka patakbong nilisan ang lugar na 'yon. 

Painful isn't it? Knowing that someone doesn't like you because the feeling is not mutual. 

Tumayo ako para kuhanin yung hinagis niya, isang angel keychain.

Kung alam lang ng lahat, ano kayang gagawin mo. Sabina?


*****


"LOUIS!"

"Hey babe!" hinalikan nito si Sabina sa pisngi atsaka inakbayan, umupo na sila atsaka umorder. Louis Carlos, law student ng isang prestigious university, kaya hindi nakakapagtakang galing sa isang mayamang pamilya ang lalaking 'to.

I did some little research. Nagmumuka na kong stalker pero sabi ko nga, bored ako, kaya ko 'to ginagawa. Hindi naman nila ako mahuhuli dahil nasa likuran ko lang sila, at naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Nasa coffee shop  sila ngayon, kagaya nga ng nakita ko sa future nya. 

 "Malapit na yung birthday mo, babe. Ano bang balak mo?" tanong ni Sabina.

"Hmm.. Magpapaparty si mom, and iyon na siguro yung perfect time para ipakilala kita sa kanila."

"T-talaga?" bakas na bakas sa boses ni Sabina ang kaligayahang may halong kaba. Kaligayahan dahil sa wakas ay maihaharap na siya ni Louis sa pamilya nito pero kinakabahan dahil sa natatago niyang pagkatao. 

 "Yeah, isang formal party ang gusto nila. So, paghandaan mo sana ang gabing yun." 

"S-sige."

She'll do anything...anything.. kahit magpanggap.. so that the high society could accept her. Naaawa ako sa'yo Alexi. But I have nothing to do with you.

Bukas.. ihanda mo ang sarili mo sa kalupitan ng mundo.

Umalis na ko sa lugar na 'yon.


***** 


FINALLY. Kahit isang araw lang nawala ang atensyon nila sa'kin. Matiwasay din akong nakakapaglakad ngayon sa corridor. At heto na nga, napahinto ako sa paglalakad dahil nakabara sila sa corridor. Pinagkakaguluhan ang isang larawan na nakapaskil sa freedom board.

Larawan ng isang babae na papalabas ng isang club. Napailing ako. Ito ang kapalaran na nakita ko.

Pinilit kong makadaan sa nagkukumpulang mga tao. Hindi lumilingon na nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng classroom. Biglang bumukas ang pinto at niluwa si Sabina, lumuluhang tumakbo papalayo, marahil ay hindi nya ko nakita.

I knew this would come.

"Morie, magsisimula na ang klase." si miss Karen, nasa gilid ko sya at bitbit ang class record.

"Hindi mo man lang ba sya susundan?" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Umiling ito bilang sagot.

"I think we have to leave her alone for awhile." sabi niya atsaka pumasok na. Weird, hindi ba dapat she'll go after her? Or she's not that passionate about her job. K.

Sa loob ng classroom, alam kong may komosyong nangyari, pero parang normal lang ang lahat nang magsimula ng klase si miss Karen. Nasulyapan ko kanina si Baldo, nakatingin ito sa kawalan at matamlay.


*****


 I heard someone sobbing. Sinundan ko ang naririnig  ko, at heto, natagpuan ko siya. So, Geographic section is not only for PDA teens but also for crying babies. Sumandal ako sa book rack ng library habang nagbabasa.

"Walang mangyayari sa'yo kung iiyak ka lang dyan. To be hated, the worst feeling huh."

"G-inawa ko yon dahil..."

"Sa lalaking yon?" marahan akong natawa, "Para matanggap ka ng alta sociedad? Para magkaroon ng maraming kaibigan? Para magustuhan ka ng lahat? Nagpapanggap kang el rico dahil takot ka. Pero kahit anong pagpapanggap na gawin mo, basura ka pa rin sa paningin nila."

 "M-mali...mali ang iniisip nilang lahat." mahina nyang sabi habang humihikbi, 

"Nagpapaliwanag ka dahil gusto mong paniwalaan kita diba? Hindi lahat ng tao ganon kalawak ang utak para umintindi ng mga kagaya mo, Sabina. May mga bagay sa mundo na ikaw lang ang tanging nakakaalam..at habambuhay, ikaw lang ang makakaunawa." like my situation.


*****


 "YOU took that photo, right?" nagulat si Baldo nang sumulpot ako sa tabi nya. Mag-isa siyang naka-upo sa bench ng plaza. "How ironic."

"Dapat lang sa kanya yon." nakangiti nyang sabi pero puno ng hinanakit ang boses.

"Stupid." inabot ko sa kanya yung key chain na binato niya kahapon. "Because your love is not reciprocated, you dare to do that." tumayo ako,

"Kung ganon lang din naman pala. Wala kang karapatang magmahal ng sinuman."Iniwan ko sya.

Why I'm doing this?

Because I'm bored.

###

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro