Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/48/ Last Time


"MISS Morie, gusto kong malaman mo na I am very proud na naging bahagi ka ng White Knights Academy."

"You are?" hindi ko alam kung niloloko niya lang ba 'ko or what, pinatawag ako rito sa headmaster's office para lang malaman 'yon? Masiglang tumayo si Mr.Melencio sa kinauupuan niya at pinaupo ako sa sofa sa office's lounge, umupo rin siya kaharap ko.

"Of course we are!" hindi talaga ko komportable, ito yung unang pagkakataon na nakapunta ako rito sa opisina niya at umupo na parang bisita. "May magandang balita ako sa'yo Miss Morie, I am very sure na magiging proud ang parents mo kapag nalaman nila 'to. Four students from our Academy have been invited to study in one of the prestigious and elite school that you can't easily find out there. And you are one of them.  Congratulations!" inabot niya yung kamay niya para sa pakikipagkamay, nagdadalawang isip akong tanggapin 'yon. Dahil siguro sa excitement, hindi niya na lang pinansin na hindi ko inabot yung kamay ko, may kinuha siya mula sa lamesita na namamagitan sa sofa'ng magkaharapan, pagkatapos inabot niya 'yon sa'kin.

Gusto kong ibalik sa kanya yung envelope at umalis dito. Ganitong ganito yung sobre na pinakita sa'kin ni Baldo kahapon. May seal din na kapareho nito. Black diamond na may puting letrang 'M' sa gitna.

"Why don't you open it?"

Wala akong ibang magagawa kundi buksan 'yon, dahan-dahan at nanginginig yung kamay ko,  magandang senyales para kay Mr.Melencio dahil siguro akala niya natetense ako dahil din sa excitement, pwes nagkakamali siya. Isang glossy trifold brochure ang una kong nakuha, sa cover nito ay larawan ng mga estudyanteng nakangiti,nakasuot ng uniporme na sa itsura pa lang ay alam mo ng hindi basta-basta, habang nasa background ang isang magarbong building. Sa itaas ng brochure ay may magarang font text na 'Mnemosyne Institute' at sa ilalim nito ang tila motto ng school na 'yon 'Conquering the Universe since 1999'

May isa pang papel sa loob ng sobre, isang liham.

'Congratulations! You have been accepted to our school...'

"Pero hindi po ako nag-aapply sa school na 'to, how can they say na I have been accepted? Bakit ako?"

"Mnemosyne Institute is a very prestigious boarding school, Miss Morie. Hindi lahat nabibigyang oportunidad makapag-aral dito, tanging mga piling estudyante lamang ang kinukuha nila personally bawat taon, I believe that you're chosen because you're special. And those who attended were guaranteed a full scholarship including dorm, books, uniform, and so on. Isn't that amazing?"

Literal na wala akong masabi, hindi ko na magawang sumagot dahil sa pagkabigla, hindi dahil sa namamangha ako sa scholarship na 'yon. Ang tanga ko pa para itanong kung bakit isa 'ko sa mga napili. He's right, I was chosen because I am special.

"I know you're surprised, Miss Morie." Not really. Kahapon pa 'ko nagulat nang ipakita sa'kin ni Baldo yung ganitong envelope.

"I don't really know what to say, sir."

"Heh, don't worry hindi lang ikaw ang hindi makapaniwala. I understand na this is too sudden, ni hindi pa nga nagsisimula  yung mga entrance exams sa mga universities, pero heto pasok ka na sa scholarship ng hindi na kailangan pang dumaan at maghirap sa exams," Tuluy-tuloy siya sa pagsasalita, "Listen, Miss Morie, this is the first time na kumuha ang Mnemosyne Institute ng delegates dito sa academy natin, and this is a once in a lifetime offer. Aside from your scholarship, makakatanggap din ng benepisyo ang ating paaralan at higit sa lahat mabibigyan ng magandang reputation ang White Knights!" now I understand why he's so enthusiastic about this.

"Paano po kung hindi ko tinanggap yung offer?" unti-unting naglaho yung malapad na ngiti ni Mr.Melencio at halatang-halata na hindi sang-ayon sa posibilidad na hindi ko tanggapin 'yon. "After all sabi niyo po apat kaming napili. Ibig sabihin po ba okay lang kahit na hindi ako pumayag?"

"Miss Morie, I can't believe that you're saying that," bakas na bakas sa boses niya yung disappointment. "How could you pass this great opportunity? There are other students there na handang handa isuko ang lahat para lang sa ganitong bagay? Look at Mnemosyne Institute's dictum 'Conquering the Universe'don't you want to be a part of it?" No.

Mr.Melencio wouldn't understand that this is just another Memoire's trap! Smart move. Ginagamit naman nila ngayon ang school.

"I appreciate your concern, sir." Kahit na reputation talaga ng academy yung pinakainiisip mo kaya nagpupumilit ka, "I need some time to think about it sir."

"What? But Miss Morie this is—"

"And I hope you could respect my decision." Huminga siya ng malalim at hindi na kumontra pa.

"Well then, the board will contact your parents to extend the offer. You can go now. Have a nice day, Miss Morie. I hope you could make up your mind sooner."

"Thank you, sir." Dali-dali akong umalis sa lugar na 'yon, hawak ko pa rin yung envelope. I still can't believe it. Now the White Knights is involved, pakiramdam ko talagang desperado na sila sa gusto nila sa'kin. Pakiramdam ko rin palapit na sila ng palapit. Saan ako pupunta? Hindi ko alam.


*****


"EXCUSE me?" pagpasok ko sa loob tumambad sa'kin yung mga upuan na nakapatong pa sa mesa, ibig sabihin hindi pa bukas yung resto bar. Pagkatapos ng practice namin nila Enriquez kaninang tanghali, hindi na ako nag-atubili at agad akong pumunta sa C'est La Vie.

"Ay naku miss, mamayang gabi pa bukas namin." Sabi nung lalaking dumating  mula sa staff room, tsaka ko lang napansin na si Finnix 'yon, "Jill Morie? Ikaw ba yan?" gulu-gulo yung kulay kapeng buhok niya, nakasuot siya ng uniporme at naka-apron, "Pasensya ka na, hindi kagad kita nakilala." Kakamut-kamot at nakangisi niyang sabi, "Maupo ka, Jill." Binuhat at binababa nya yung upuan na nakataob sa mesa atsaka ko umupo.

"Salamat."

"May maitutulong ba 'ko sa'yo?" Tinanggal niya yung apron na suot niya

"Gusto ko sanang makausap si Seraphina tsaka kayo. Mukang naabala pa ata kita."

"Hindi, ayos lang naman. Wala pa kasi si Seraphina eh. Tungkol saan ba yung gusto mong pag-usapan?" hindi ko maiwasang mapatitig dun sa pulang linyang tattoo na nasa pisngi niya, ngayon ko lang naisip kung bakit nga ba meron siyang ganon sa pisngi.

"Kay Seraphina ko kasi sana gustong sabihin muna. Masyado kasing kumplikado." Sabi ko, "Nasaan sila Cecilia? Tsaka yung iba?" tanong ko.

"Si Jing, tulog pa yon panigurado, langung-lango na naman siya kagabi eh," sa boses pa lang ni Finnix bakas na bakas yung pagkakunsumisyon, "Si Otis naman nasa San Isidro, inaayos yung perya kasama si Pascal. Si Cecilia nasa palengke doon siya sa pwesto ng mga nagbebenta ng kapalaran ng tao. Si Madam Seraphina naman nasa eskwelahan."

"Eskwelahan?"

"Oo," halatang nag-aalangan siya sa sasabihin niya, "nag-aaral kasi si Seraphina eh."


*****


"NAGULAT ka ba?"

"Hindi naman."

Magkasama kami ngayong naglalakad ni Seraphina galing sa isang pampublikong elementarya malapit lang din sa Bayan, malalakad mula sa C'est La Vie bar. Nakasuot din siya nung kupas na unipormeng amoy lapis, puting blusa at asul na palda. Sinundo ko siya roon matapos ituro sa'kin ni Finnix kung nasaan siya.

Tumawa si Seraphina.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nag-aaral?" hindi na niya ko hinintay magsalita, "May mga taga child welfare kasi na kumukuha sa'kin, kesyo raw pinapabayaan lang ako nila Jing, kaya ayun para tigilan na nila kami nag-aaral ako para matanggal din yung suspetya nila na 'child labor' daw." Natawa na naman siya, yung tawa na akala mo kinikiliting bata. "Hay nako, alam mo ba Jillianne, pinapatawag na naman ang 'magulang' ko sa school kasi inaway ko yung kaklase ko, nakakaasar kasi napakaisip bata." Muntik ko ng makalimutan na hindi naman talaga bata si Seraphina, isa siyang nilalang na nakulong sa katawan ng bata, kaya aakalain ng iba na matabil ang pananalita niya. Kung alam lang nila.

 Napansin niya ata na hindi ako umiimik.

"May problema ka ba, Jillianne?"

"Wala naman."

"Base sa nakikita ko sa itsura mo parang ang bigat-bigat ng dinadala mo."

"Seraphina."

"Hmm?"

"Diba... Diba kaya mong kontrolin yung oras? Pwede mo bang ibalik yung oras? Yung oras na hindi ko pa nakukuha 'tong kapangyarihan ng mga mata ko."

"Oo, kaya kong kontrolin ang oras. Pero hindi ko na pwedeng gawin yang hiling mo. I was given a power to stop, play, rewind and flash-forward the time, maraming beses ko ng ginawa yang hiling mo noon, hindi ko alam naobssess ako sa oras, kada isang pagkakamali binabalik ko yung nakaraan para itama ang lahat, pero napagtanto ko na hindi pala solusyon yon, hindi pala solusyon na porque nabalik ang kahapon at naitama ang pagkakamali magiging maayos na ang kinabukasan." Tumingin siya sa'kin, "Nababagabag ka dahil sa kapangyarihan mo no? Iniisip mo na sana ginamit mo yang kapangyarihan mo para hindi nangyari yon o kung ano pang dahilan. Wag kang mag-alala, ilang beses ko ring naranasan 'yan."

"Duwag ba 'kong matatawag kung ayokong tingnan ang bawat mata ng isa para malaman kung may mangyayaring masama sa kanila?"

Umiling siya.

"Jillianne katulad ng sinabi ko kanina, nakikita mo man ang mga mangyayari sa hinaharap, kung mababago mo man ang kapalaran ng bawat isa,  hindi ibig sabihin noon ay magiging maayos na ang kinabukasan."

Hindi namin na namalayan na nakabalik na kami ng C'est La Vie bar, pagpasok namin doon ay tumambad si Jing Rosca.

"Look who's here." Sabi niya in a very unwelcome tone, "Jill Moroy Seraphina!"

"Jing!" sumugod si Seraphina kay Jing Rosca, kumapit sa paanan nito. "Pinapatawag na naman ang magulang ko sa eskwelahan, Jing! Please last na 'to!"

"Na naman?!" dumagundong yung boses nito, "Pang-ilang beses na ba 'to? Napakapasaway mong bata ka!"

"Hindi ko naman kasalanan, nakakabwisit kasi yung kaklase ko eh!"

"Baliw ka?! Siyempre bata yon! Eh ikaw? Ang tanda-tanda mo na pumapatol ka pa sa bata!"

Nakatayo lang ako rito at tinitigan silang dalawa. Amusing.

"Sige na naman Jing, magpapanggap ka lang naman na ulit na nanay ko eh!"

"Sawang sawa na ko magpanggap na nanay mo! Leche ka!"

"Sige na, mommy!"

"Kinikilabutan ako sa'yo! Wag mo kong matawag-tawag na 'mami' e di hamak na mas matanda ka pa saken! Ha!"

"Jing. Seraphina." May nagsalita dahilan para tumigil sila sa pagsisigawan. Maya-maya'y sumulpot sa harapan namin si Pascal, kakagaling sa labas kasama si Otis, tinuro ako ni Otis. Humalukipkip lang si Jing Rosca.

Tumikhim at sumeryoso si Seraphina, "Pasensya ka na hija. Tutal andito na sila Otis. Doon tayo sa loob ng staff room." Sumunod kaming lahat sa kanya. Hindi pa dumadating si Cecilia, tapos si Finnix hindi ko alam kung nasaan na.

Gusto ko sanang tanungin kung kay Seraphina kung siya rin ba yung may-ari ng bar na 'to. Hindi ko na natanong kasi ayan na naman si Jing Rosca, lukut na lukot yung muka pagdating sa'kin.

"Alam kong sobra-sobrang abala yung dinudulot ko sa inyo pero kayo lang ang maasahan ko, wala akong ibang pwedeng hingan ng tulong kundi kayo lang."

"Jillianne, hindi ba't sinabi ko na sa'yo noon pa. Kakampi mo kami. At handa ka naming tulungan."

"Someone sent this to me." Inabot ko sa kanya yung note na natanggap ko kahapon. 'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16' "May kasamang Begonia flower yung note na yan. I know na hindi naman 'to basta prank lang. May isang tao na nagbibigay babala sa'kin na may mangyayari sa 12-16 which is December Sixteen. Kinukutuban ako ng hindi maganda kaya gusto ko sanang nandoon kayo sa araw na 'yon.".

"Naiintindihan ko, Jillianne. Walang problema." Naniniwala ako sa kapangyarhan nila.

"Maraming salamat." Binalik niya sa'kin yung note. Gusto kong magpasalamat kasi hindi kumontra at hindi sumabat kanina si Jing Rosca.

Akala ko lang pala, "Kagaya nga ng sinasabi ko, maaga pa para magpasalamat. Jill Morie."


*****


"UNA sa lahat gusto kong i-congratulate yung buong section natin," nagsasalita si Ireneo sa harapan katabi si Celine ang class secretary, isang hapon matapos ang huling rehearsal dito sa loob ng theatre room. Finally natapos na rin namin yung paghahanda para sa stage play na ipapalabas sa unang araw ng cultural festival which is the day after tomorrow na. "I hope maging successful yung performance natin at maging sulit lahat ng hardships na pinagdaanan natin." Walang umiimik, tahimik lang kaming nakikinig sa kanya, "Though may hindi magandang nangyari, we still managed to finished the play. I want you to give your best guys."

After Ireneo, Celine moved forward. 

"Guys, I asked Ireneo about this at pumayag naman siya, gusto niyo bang mag celebrate after ng performance natin sa play? I mean, para siyang party, Christmas party actually. You know guys... we never done it before diba? Gusto ko sana kahit man lang sa huling year natin sa senior high maranasan natin yung ganon, for the whole time ata ng highschool natin wala tayong ibang ginawa kundi mag-aral, mag-away, and so on. I want at least this year may maiwang memory sa'ting lahat like spending time together aside from school activities. So... sino'ng sang-ayon?"

I raised my hand.

"Morie?"

"Celine's right."

"Pero Morie, paano si Penelope?"

"Wala namang may ginusto na maaksidente siya." hindi sila sumagot, "Hindi niyo ba narinig yung mga sinabi ni Celine? She wants the party for our sake as well; there are too much worst memory and we already suffered losing someone important" I'm pertaining to Lucille, my best friend who died, "Don't you think it's fine?"

"I—" nagulat ako nang tumayo rin bigla si Lily. "I also agree." Hindi lang siya makatingin ng diretso, "I think Penelope would be happy for us."

Domino effect, parang magic. The others agreed as well.


*****


"I'm sorry," Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry, pero pakiramdam ko ang laki ng kasalanang nagawa ko sa kanya. "I'm sorry, Penelope. Sorry sa inyo ni Stephen." Nakaupo ako katabi ng kama niya habang tinitingnan ko ang mapayapa at nahihimbing niyang mukha, "I don't know why I feel sorry for you but... I think I'm responsible for this," katulad ng kay Stephen. "Kung nakita ko lang sa mga mata mo 'yon, sana nailigtas kita. Naririnig mo kaya ako?"

Maya-maya'y lumabas na 'ko ng silid, nakita kong nakaabang si Mrs.Cruz, ang nanay ni Penelope. Nilapitan niya ako, "Hija, maupo tayo saglit." Wala akong maisip na dahilan kung bakit ako gustong kausapin ni Mrs.Cruz, basta umupo na lang kami pareho sa bench sa may hallway.

"Bakit po?"

Imbis na sumagot ay may inabot sa'kin si Mrs.Cruz, cell phone ni Penelope, "Hija," hinawakan niya bigla yung isang kamay ko, "naniniwala ako na hindi nahulog lang basta sa hagdan ang anak ko." nangingilid  ang luha ng ginang.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Hindi nahulog ang anak ko sa hagdan, hija, may tumulak sa kanya."

"P-po?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni Enriquez noong isang araw.

"Do you really think na naaksidente siya?"

"Tignan mo, hija," pinabukas niya sa'kin yung cell phone, at tinuro ang message box, may isang draft message na hindi na-send. "Ikaw si Jill hindi ba? Yung oras na nakalagay, yung oras bago siya mahulog sa hagdan."

Muntik ko ng mabitawan yung phone nang mabasa ko yung

"Draft message: Jill, kailangn mng pmnta r2, kailangn mng mlamn, ung blg, c llpy t mpers nhuudap sla 2nkl sq blphg mp, c mpssr ssnkl nay q, c mopsd myg wa ngb bkqg mp"

Jill, kailangan mong pumunta rito, kailangan mong malaman, yung blog... Pagkatapos hindi ko na maintindihan yung mga sumunod na nakalagay. What the hell is this?

Penelope saw or heard something... Na tungkol sa blog. Pagkatapos... Tinulak siya sa hagdan to keep her mouth shut.

"Do you really think na naaksidente siya?"

Enriquez knew something.

Pero magkasama kami bago mangyari yon.


*****


THE curtain was pulled down, then hinila ulit iyon pataas at makikita ang mga actors na magkakasama at magkakahawak kamay, they all bowed at sinundan yon ng masiglang palakpakan mula sa mga manonood.

The children cheered, siguro mga sixty percent ng audience namin ay mga elementary pupils at middle school students, pero hindi na rin masama, successful ang play. Binati kami at pinuri ng mga teachers pagkatapos, and I think hindi naman nasayang lahat ng efforts ng bawat isa dahil naging maganda yung kinalabasan.

First day of cultural festival, the opening was superb, and you can't imagine how the dull White Knights Academy turned into a lively place. Wala ng poproblemahin yung klase namin dahil tapos na kaming magparticipate, after ng Night Out Christmas vacation na and I can really feel their excitement about that.

Nagkanya-kanya ng gala sa bawat boots yung mga kaklase ko, mamayang hapon pa magsisimula yung Christmas party na inihanda nila katulad ng napag-usapan noong isang araw. I already bought a gift sana magustuhan 'to ng sinumang makakabunot sa exchange gift, aside from that wala na akong ibang alam na plano nila Ireneo para sa party.

"Jill! Gala tayo dun sa boots ng mga juniors!" pag-aaya sa'kin ni Aya na hyper na hyper, ni hindi pa nga siya nakakapagpalit ng costume eh, nasa likuran niya sila Baldo at Tadeo.

"Sorry Aya, may practice kami nila Enriquez." Sabi ko, nalungkot si Aya at buti na lang nakaramdam si Tadeo.

"Ehh! Jill naman, please!"

"Aya babes, busy si Morie men, tayong tatlo nalang nila Baldy men ang gumala."

"Aya babes mo muka mo, gusto kong makasama si Jill!" mas humigpit yung kapit sa'kin ni Aya, parang batang nagta-tantrums. "Nalulungkot ako! Hindi na nga pumapasok si Stephen, tapos si Penpen naaksidente! Ito na nga yung last na cultural festival na mararanasan natin, kulang-kulang pa tayo!" she's about to burst crying pero pinigilan ko siya.

"Okay, okay, wag ka ng iiyak, Aya, pero I can't go with you guys for whole day, may practice talaga kaming nakaset mamaya.Tsaka magkikita pa tayo mamayang hapon para sa party, right?"

"Yehey!" para talagang bata si Aya, pagkatapos tumakbo siya habang hila-hila ko, "Oy, Tadeo kups at Baldy! Mahuli may tae sa pwet!"

Nag-ikut-ikot kami sa loob ng campus, pinasok namin ang bawat classroom na may kanya-kanyang gimik. Sana nga kasama rin namin ngayon sila Stephen at Penelope. Hindi ko alam kung makakaya ko bang ipaliwanag kila Aya ang totoong sitwasyon na kinalalagyan nila. Someone's pulling the strings behind, and I can't let him or her anymore to hurt Aya and the others.

It was fun and yet tiring, hindi pa man namin nalilibot lahat ng floors at mga tents na nasa ground, kailangan ko na munang magpaalam sa kanila. Nag-aaway na naman parang aso't pusa si Aya at Tadeo.

"Kapag kayo hindi tumigil sa pag-aaway dadalhin ko kayo Marriage booth!" pananakot ni Baldo, na ngayon lang 'ata nagsalita dahil kanina pa siya tahimik.

"Yuck! Baldo! Magtigil ka nga!"

"Men! Wag kang ganyan kinikilabutan ako, kunwari ka pa eh gusto mo lang naman na kayo ni Lexi mo ang magpunta ron, haha!"

"Guys," sumingit ako, "I need to go now. Magkita-kita na lang tayo ulit mamayang four pm." Paalam ko. Tumango na lang sila, nakahinga ko ng maluwag ng hindi na umangal at nangulit si Aya. "See you later."

Papasok ulit ako ng building nang mapansin ko na nakaupo siyang mag-isa sa isang bench, mukhang hindi siya okay dahil naka-ukot siya habang hawak ang sentido. Lumapit ako.

"Morris?"

Tumingala siya at nakita ko.

"Jill."

"Anong nangyari sa'yo?"

"Wala. Masakit lang yung ulo ko."

"Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" ugh, pwede ko bang i-undo yung sinabi ko?

"Sige." I'm not expecting that, usually, when you offered someone to take them to the clinic they'll say no. Tumayo na siya. Mukhang hindi nga talaga siya okay.

"Jill!"

Shit. May practice pa nga pala kami ni Enriquez.

"Jill! Where have you been? Kanina pa nagstart yung practice." Di ko namalayan na nakalapit na pala si Enriquez sa'ming dalawa.

"Papunta na talaga ko, sorry kasi kinulit ako ng kaibigan ko na sumama saglit sa pagggala."

"I see." Nakatingin siya sa'ming dalawa ni Morris. "Let's go."

"But—" tumingin ako kay Morris, nakatingin lang siya kay Enriquez.

"Kanina pa kami naghihintay sa'yo. Tara na." hindi ako nakaangal ng hilahin niya 'ko bigla papalayo roon, papalayo sa kinaroroonan ni Morris, na nakatitingin lang hanggang sa mawala kami sa paningin niya.


*****


SA roof top nila naisipang ganapin yung Christmas party. Bilib din ako sa cooperation ng mga kaklase ko, within two days nagawa nilang i-manage na magkaroon ng ganitong party? I mean, look, everything's prepared, the food, arrangement, gifts and so on. Tapos himalang napapayag nila yung school na gamitin 'tong roof top para sa party until eight pm. Amazing.

They want Miss Karen to attend the party too, narinig ko kanina na pinuntahan siya ng mga kaklase ko sa Art room para imbitahin pero they were rejected. Hindi sila sumuko, they thought a plan, kunwari may mag-aaway sa roof top, tapos pipilitin nilang papuntahin si Miss Karen, pretty cool huh, hindi ko alam kung kakagatin ni Miss yung patibong nila.

"Okay, Tamaki kayang-kaya mo naman sigurong bugbugin si Tadeo diba?"

"Hoy, seryoso? Bubugbugin talaga ko ni Senji men? Akala ko ba palabas lang?!"

"Tadeo, mas convincing pag may dugo at pasa effect."

"Mga pakyu kayo, gusto niyo bang mabasag handsome face ko?!"

"Kapal mo boy! Oy, game na! Bababa na sila Celine, mag-suntukan na kayo!"

"Hoy Senji men, palabas lang 'to wag mong seryoso—"

"Tamang-tama ang tagal ng hindi nakakatikim ng sapak tong kamao ko."

"Meeeen! Wag!"

Nakaupo lang ako at pinanonood sila sa 'act' nila, kunwari nagkakagulo-gulo sila, yung iba tawa lang ng tawa, tapos si Ireneo akala siguro totoong nagbabanatan sila Tamaki at Tadeo kaya ang OA kung umawat. Maya-maya dumating bigla si Miss, poker face pa rin siya kahit may 'nagpapatayan' na,

"Anong nangyayari?"

"HI MISS KAREN! SURPRISE! JOKE LANG PO 'TO HAHAHA."

Sa huli wala na siyang nagawa dahil hindi na siya pinaalis ng mga kaklase ko.

Bago magsimula ang party, naglead ng prayer yung isa kong kaklase. Hindi naman ganoon kabongga yung party na inihanda nila Celine, simple lang tapos may kaunting pakulo na games. Pinipilit nila kong sumali pero pilit akong tumatanggi, wala lang, hindi naman sa KJ ako pero... mas nag-eenjoy akong panuorin sila. Nakikita ko lang na masaya sila, masaya na rin ako, the feeling is weird tho, I want to reach them pero siguro mas magiging okay ako sa ganito.

Magdidilim na nang buksan nila yung mga ilaw sa roof top. Nakaready na rin yung boodle fight na kanina pa nila inihanda, bilib na talaga ko sa organizers ng party na 'to. Nagdasal ulit bago kumain, then kanya-kanyang banat na sila sa pagkain, we washed our hands before siyempre. Doble doble ang kahyper-an ni Aya, nalimutan ata na hindi namin kasama si Stephen at Penelope.

Basta maingay, magulo, pero masaya. Like what Celine said, this is the first time that we did this together and... definitely the last time.

Nakatitig lang si Miss Karen sa mga estudyante niya, nakaupo sa isang tabi at walang emosyon sa mukha. Maya-maya nilapitan siya ng mga kaklase kong babae, inabutan ng plato na may laman na pagkain, akala namin hindi niya 'yon tatanggapin at hindi lang ako ang nasurpresa nang kumain siya. Kung talagang wala siyang pakialam, dapat kanina pa siya umalis, pero magdadalawang oras na kasama pa rin namin siya. Narinig ko pa na sinimulan na siyang kulitin ng mga kaklase ko, na hindi naman karaniwang nangyayari noon.

"Miss, nagkaboyfriend ka na po?"

"Ano pong favourite niyong kulay?"

"Saan po kayo nagcollege? Dean lister po siguro kayo" and you can imagine every curious teenager's question. Kahit na hindi siya sumasagot, she's just listening to her students which is sapat na.

As usual, nag-aaway na naman si Aya at Tadeo, pumapagitna sa kanila si Baldo na katabi si Alexi na nakapatong ang isang kamay sa balikat nito. Himalang nakikipagbiruan si Ireneo sa iba kong mga kaklase, si Ayton, bully pa rin. Si Lily, well, ayun katabi si Morris.

Last part ng program yung bigayan ng gifts, bago magsimula yung party nagbunutan na. Sabay-sabay naming binuksan yung regalo, nakatanggap ako ng music box, walang pangalan kung galing kanino at hindi ko na inalam kung kanino galing.

"Thank you," natahimik kami ng may nagsalita, "thank you for inviting me to your party." Nakatingin lang kami kay Miss Karen, hindi makapaniwala kasi ngayon lang siya nagsalita ulit. "I enjoyed spending time with you. I'm sorry kung wala akong naibigay na regalo."

"Can I... Can I have a request?" may isang kaklase ako na nagtaas ng kamay, "You can consider this as a gift to us sana. Can you please smile to us? I mean... we just want you to see smile."

Lahat kami naghihitay, nakatingin lang si Miss sa'min, walang nakakaalam kung anong tumatakbo sa isipan niya pero... Nakita namin na pumikit siya saglit at dumilat.

"I see." Sabi niya. Unti-unting sumilay sa labi niya ang isang ngiti, ngiti niya na hindi pa namin nakikita noon. A sincere smile.

Biglang may nagflash galing sa isang camera.

"Ayos men napicturan ko hahaha!"

They all cheered.

"Okay, okay, bago ma-expired yung ngiti ni Miss Karen, mag groupie na tayo guys!" kasing bilis ng kidlat pumunta sila sa kinaroroonan ni Miss para magpicture. Inayos nung isa kong kaklase yung tripod at sinet yung timer nung camera.

"Jill enebe di ka masasama sa pic!" hinila lang ako ni Aya papunta roon,

"Three, two, one, cheese!"

Sunud-sunod na nagflash yung camera.

"Merry Christmas guys!"

Why? Bakit ganito yung nararamdaman ko? I'm happy but... Parang... parang ito na yung huling pagkakataon na makakasama ko sila.



-xxx-



[Eto na ang random question for this chapter (thank you pala dun sa mga sumagot last time, hihi: Naramdaman niyo na ba yung sobrang saya niyo pero hindi niyo maexpress kasi masaya kayo at the same time nalulungkot kasi parang hindi na ulit mangyayari yon?]


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro