/44/ The Carnies
UNBELIEVABLE.
Ano mang nangyayari ngayon ay hindi kapanipaniwala. Nakahinto pa rin ang oras, nakahinto pa rin ang paggalaw ng tao, mga namumukod tanging nilalang lamang ang mga nakakagalaw sa ngayon, mga Peculiar, katulad ko, katulad nila. Ito ang unang pagkakataon na nakakilala ko ng iba pang mga kauri ko., mga bukod kay Morris. Mas nakamamangha ang tinataglay nilang kaibahan sa mga normal na tao.
"Sa ngayon kailangan muna nating maghintay ng ilang sandali bago ulit bumalik ang takbo ng oras." Sabi nung batang babae na kayang kumuntrol ng oras, Seraphina ang pangalan niya. "Bakit hindi muna kayo sumama sa'min saglit?" paanyaya nito at wala naman kaming ibang choice ni Morris kundi sumunod lang sa kanila.
Namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng isang tent, nakaupo kami sa monoblock chairs, umiilaw ilaw pa yung lanterns na nakadisensyo rito sa loob. Awkward. Nasa harapan ko si Jing Rosca, nakadekwatro at nakahalukipkip, suot pa rin ang magara niyang kamiseta, katabi niya si Seraphina, hindi abot yung paa niya sa sahig habang nakaupo, siguro nasa walo o siyam na taong gulang siya. Nagtataka pa rin ako kung bakit nakamaskara na pangpayaso si Otis. Yung babaeng manghuhula na hindi ko pa rin alam ang pangalan, hawak-hawak niya pa rin yung bolang kristal. Si Pascal naman abala sa paghimas sa alaga niyang tigre. At si Finnix na nakapangalumbaba at nakatingin sa'kin, napansin ko na kulay brown yung buhok niya ngayon hindi katulad kanina na kulay pula, siguro kapag ginagamit niya yung kapangyarihan niya nagbabago 'yon.
"So, Jill Morie," binasag ni Seraphina ang katahimikan.
Nagulat ako sa way ng pagsasalita ng batang 'to, tinawag niya kong Jill Morie? Napansin 'ata ni Finnix yung pagkagulat ko, tumawa siya at sinabing,
"Ajumma! Mukhang kailangan mo munang ipaliwanag kay Jill Morie ang sitwasyon mo." Ajumma?
"Sinabi ko na sa'yo na tigil-tigilan mo ang pagtawag sa'kin ng 'ajumma' Finnix! Mga natutunan mong banyagang salita!" saway si Seraphina at tumahimik siya, "Hmm... Dahil hindi ganoon kaayos ang naging una nating pagkikita noon, kailangan muna pala malaman niyo kung sino kami. Siya, si Cecilia," tinuro niya yung babaeng manghuhula na Cecilia pala ang pangalan, "Ang pinakabata sa'ming lahat---"
"Pinakabata?" hindi ko mapigilang magreact dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Morris dahil pareho kaming nalilito.
"Patapusin mo muna siya, Jill Morie." Napatingin ako sa nagsalita, si Jing Rosca, matalim na nakatingin sa'kin, parang may kahulugan ang tingin na 'yon, hindi ko lang maipaliwanag yung pakiramdam. Siguro ito yung tinatawag nilang 'hate at first sight'? No, hindi as in hate na galit, yung pakiramdam na hindi mo siya gusto sa una niyong pagkikita. That's what I felt about Jing Rosca, kahit na niligtas niya ko kanina, hindi ko gusto yung presensya niya, at tingin ko hindi rin naman siya ganon kafriendly sa'kin. The feeling is mutual, sabi nga.
Tumikhim si Seraphina dahil mukhang nararamdaman niya yung tensyon sa pagitan namin ng kaharap ko, "Si Cecilia ang pinakabagong narecruit dito, pagala-gala lang kasi siya sa Sentral, namamalimos o di kaya'y manghuhula kapalit ang ilang halaga---"
"G-grabe naman yung namamalimos! Kahit na napagkamalan akong pulubi ni Jill Morie!" So noong mga panahong 'yon na nagkita kami hindi pa siya parte ng grupong 'to.
"Napulot siya ni Jing at natuklasan na isa rin siyang Peculiar kagaya namin. Ang kapangyarihan niya ay ang ikaanim na pandama o tinatawag na extrasensory perception ng isang tao. Pamilyar ka naman siguro sa ESP diba? Malawak ang sakop ng kapangyarihan ni Cecilia."
"Kaya rin niyang makita ang hinaharap?" tanong ko.
"Oo, pero hindi katulad ng iyo." Natigilan ako. Kung ganon, ibang level yung sakop ng hinaharap na kaya kong makita?
Nagpatuloy si Seraphina sa pagsasalita, "Ang sumunod naman, si Pascal," tinuro niya 'to, tumango sa'min si Pascal at nagpatuloy sa paghimas niya sa tigre, "Kung napanood mo kanina ang pagtatanghal, hindi lang tigre ang kaya niyang kontrolin, kaya niyang kumontrol ng iba't ibang hayop. Simula pa lang ng bata siya, madalas siyang makitang nakikipag-usap sa mga hayop. Malaking adbentahe ang Peculiarity niya sa perya." Tiningnan ko ulit si Pascal, mukang may sariling mundo ito at nasisiyahan sa sarili niyang kawirdohan, "Si Otis ang payaso, may tinataglay siyang kakaibang lakas sa katawan at kaya niyang buhatin, baliin, ang kahit anong bagay na mabigat. Wag kang mag-alala, Jill Morie, hindi lang ikaw ang nagtataka kung bakit palagi siyang nakasuot ng maskara ng payaso. Simula ng makasama namin siya hindi pa namin nakikita na hinubad niya yung maskara na yan." Ibig sabihin kahit sila hindi alam kung ano ang itsura sa likod ng maskara na yon? Wth.
"Si Finnix, likas ng kulay kape yang buhok nya pero nagiging pula kapag ginagamit niya yung kapangyarihan niya at tattoo yang pulang guhit na nasa pisngi niya, kaya niyang kumontrol ng apoy o maglabas ng apoy galing sa katawan niya ng hindi nasasaktan." Nilabas bigla ni Finnix ang palad niya at naglabas ng maliit na bolang apoy, "tigilan mo na yang pagpapakitang gilas kay Jill Morie." Tinigil nito ang ginagawa at ngumiti sa'kin, "Ang katabi ko naman, si Jing Rosca, isang telekinetic. Kaya niyang magmanipula ng kahit anong bagay gamit ang isip," inemphasized niya yung 'kahit ano'. Wow, as in everything under the sun kaya niyang imanipulate?, "sa madaling salita, kung mamimili ka ng kakalabanin sa'ming anim, si Jing ang hindi mo gugustuhing makalaban." Marahan na tumango lang ako sa sinabi niya at sumulyap sa katabi niya na masama pa ring nakatingin sa'kin, "Wag kang mag-eexpect na magiging mabait siya sa'yo, sadyang ganyan si Jing, sanay na kami sa ugali niya." Tumawa si Seraphina, hagikgik ng isang musmos na bata. "At bago ko makalimutan, Jill Morie, alam mo na siguro ang pangalan ko, ako si Seraphina, marahil ay kanina ka pa nagtataka pero ang totoo niyan, ako ang pinakamatanda sa'ming anim."
"H-huh?" sabay pa kami ni Morris.
"Hindi kayo nagkamali ng pagkakarinig. Kaya kong manipulahin ang oras, kaya kong patigilin, pabalikin, pabilisin," huminto siya saglit, sumeryoso, nilabas niya mula sa bulsa ang isang kalawanging pocket watch, "nagtataka ka kung bakit ganito ang anyo ko hindi ba? Well, ganito ang pagkaPeculiar ko. Ito ang kapalit ng lahat ng paggamit ng kapangyarihan ko. Sa bawat pagmanipula ko sa oras, nababawasan din ang oras ko." Naintindihan ko na "Dahil sa sobrang paggamit ko ng oras, tuluyan akong napunta sa ganitong katawan at malabong makabalik sa totoo kong anyo." Kahit pala labis na malakas ang kapangyarihan ng isang Peculiar, naisip ko na may kanya-kanya pa rin silang default sa sarili nila. Hindi na ko nagdududa na katulad ko rin sila. Hindi man naipahayag ni Seraphina ang buong detalye ng pinanggalingan ng bawat isa sa kanila, natitiyak ko na may kanya-kanya silang kwento sa likod ng kanilang mga mukha, masalimuot, mapait, masaya, matamis man. Kung ano man 'yon, hindi ko muna siguro dapat malaman 'yon ngayon.
"Sinabi niyo sa'kin na kayo ang nagligtas sa'kin sa mga kamay ni Magnus, sino yung humingi ng tulong sa inyo?" tanong ko.
"Jill, si Miss Karen." Si Morris yung sumagot.
"Tama siya." Sinundan 'yon ni Jing Rosca. "Si Karen."
"Kilala mo na ba sila noon pa, Morris?" tanong ko sa kanya pero hindi sumagot, "Kilala niyo si Miss Karen, kung ganon alam niyo talaga kung sino siya. Sino si Miss Karen?" nagbabakasakali ako na masasagot nila yung tanong ko pero mukhang Malabo dahil naramdaman ko na wala silang balak sumagot.
"Jill Morie, hindi namin masasagot ang tanong na yan." Sabi ni Seraphina, umiiling, "Kung ano man ang gusto mong malaman tungkol sa kanya, ikaw dapat ang umalam." Kahit sila ipinagkakait ang katotohanan sa'kin, hindi ko maisip kung bakit kailangang itago pa nila. Ibinilin kaya iyon sa kanila? Kahit si Morris, may lihim silang ugnayan, sa kapangyarihan ng mga mata ni Morris, alam kong alam niya kung ano ang nakaraan nito.
Bakit hindi ko pwedeng malaman ngayon?
"Naiintindihan ko." wala akong magawa kundi tanggapin ang opinyon nila, "Alam niyo naman siguro kung ano ang Memoire. Gusto kong itanong kung bakit gusto nila ko sumama sa kanila, dahil ba sa kapangyarihan ko?"
"Malaki ang posibilidad na iyon ang gusto nila mula sa'yo, pero hindi ko alam kung para saan nila gagamitin ang kapangyarihan ng mga mata mo." Sagot ni Seraphina.
"Naguguluhan ako, kung marami pang ibang Peculiar sa mundo, tulad niyo, na mas malakas, na mas maganda ang kapangyarihan bakit ako lang ang hinahabol nila?"
"Ang ibig mo bang sabihin, kung bakit hindi kami hinahabol ng Memoire katulad mo?" tumayo mula sa kinauupuan si Jing Rosca at nagtaas ng isang kila. "Nagkakamali ka kung inaakala mong hindi namin naranasan ang maghirap at magdusa sa pagtakas sa mga kamay nila. Hindi lang isang beses kundi maraming pagkakataon nilang sinubukan na kuhanin kami, hindi ba, George Morris? Naranasan niyo rin ni Georgina ang ganoong sitwasyon?" tumingin ako sa katabi ko, hinihintay kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ni Jing Rosca.
"Opo."
"Kasalanan 'to ng isang tao, ang taong 'yon ang may kasalanan ng lahat, kung hindi niya nadiskubre ang mga ganitong uri ng nilalang, hindi mangyayari 'to—"
"Jing!" saway ni Seraphina at tila pinigil si Jing Rosca sa susunod na sasabihin nito. "Pasensya na Jill Morie."
Base sa pagsasalita kanina ni Jing Rosca, parang sa'kin niya binubuhos lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob sa mundo, hindi ko alam kung sinasadya ba 'yon o may totoong dahilan kung bakit siya ganon. Medyo humupa na yung nabubuong tensyon kanina, umupo na ulit si Jing Rosca. Namayani na naman ang katahimikan.
"Pasensya na rin kung hindi niyo nagustuhan yung tanong ko kanina. Sa kalagayan ko ngayon, wala akong ibang maaasahan kundi sarili ko lang. Kahit na nakikita ko ang hinaharap ng ibang tao, hindi ko alam kung anong kahihitnatnan ko." may humawak sa kamay ko.
"Naiintindihan namin, Jill Morie. Sana maintindihan mo na hindi rin namin kayang ibigay lahat ng sagot sa'yo." Sabi ni Cecilia.
"Pare-pareho lang naman tayo rito na nakaranas ng pagdurusa, Jing," nagsalita na rin si Finnix, "wag kang masyadong mainit kay Jill Morie."
"Isa lang ang sinisiguro ko sa'yo Jill Morie... kakampi mo kami." Sa sinabi ni Seraphina hindi kaagad ako nakapagsalita, lahat ng mga mata nila nakatutok sa'kin, naiilang ako. Pero parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, at least ngayon alam ko na hindi ako nag-iisa... na may mga aasahan na kong mga tao mula ngayon.
"Bakit?" iyan ang kusang lumabas sa bibig ko.
"Sabihin na lang nating... isang tulong para sa isang kaibigan." Sagot ni Seraphina. Si Miss Karen na naman ba ang tinutukoy niya? "Kung nangangailangan ka, pwede mo kaming hanapin." Lumapit sa'kin ang batang anyong Seraphina at inabot ang isang card. Kinuha ko yon at tinago.
"Salamat."
"Masyado pang maaga para magpasalamat Jill Morie." Tiningnan ko sila, si Jing Rosca na masama pa rin yung tingin sa'kin, kabaligtaran naman niya sila Finnix at Cecilia na nakangiti sa'kin, si Otis naman hindi ko alam kung anong ekspresyon niya dahil sa maskara, si Pascal na may sarili pa ring mundo. "It was nice meeting you, Jill Morie." Inabot ni Seraphina ang maliit niyang kamay, nagdalawang isip pa ko kung tatanggapin ko yon, dahil hawak pa rin ni Morris yung kamay ko pinilit kong bumitiw doon at tinanggap ang pakikipagkamay ni Seraphina. May tumunog mula sa kung saan, "Oras na pala!" iyon palang pocket watch niya yung tumunog, "Tapos na, bumalik na yung takbo ng oras." Maingay na sa labas, patunay na umaandar na muli ang oras. Lumabas kaming lahat sa tent at tumambad muli ang masigla at masayang perya.
"Hindi pa naman ito ang huli nating pagkikita. Oh paano, hanggang sa muli." Paalam ni Seraphina.
"Mag-iingat kayong dalawa! Thank you nga pala sa fifty pesos, Jill Morie." Si Cecilia. Kumaway sila sa'kin maliban lang kay Jing Rosca na nakahalukipkip lang at matamang nakatingin sa'min ni Morris. Hindi ko na lang iyon pinansin. Tumango na lang kami at naglakad palayo roon.
"Hey."
"Yes?"
"Tiningnan mo yung mga mata nila, tiningnan mo yung past nila 'diba?"
"Oo."
"Kaya hinawakan mo yung kamay ko?"
Hindi siya sumagot.
"Never mind." Sabi ko. "Sa tingin mo... bakit ganon si Jing Rosca? Nakita mo siguro yung nakaraan niya, kaya malamang maiintindihan mo kung bakit siya ganon."
"Siguro nga... ito yung purpose ng kapangyarihan ko, ang unawain ang bawat tao." Parang ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko. "Sabi nga nila, kung ano tayo ngayon ay siyang naging bunga ng nakaraan."
Magsasalita pa sana ko nang makita ko si Aya na sasalubong sa'min ni Morris, kasunod niya sila Baldo, yung mga kasama ko kanina
"Jill! Saan ka ba galing? Ba't bigla kang nawala? Tara punta tayo sa horror house!" muntik ko ng makalimutan na inayos nga pala ni Seraphina yung oras. "Wait! Wait! Anong meron ba't magkasama kayon ni Georgy?"
"Don't call me Georgy."
"Let's go back." Sabi ko, "Malapit ng matapos yung curfew natin, guys."
"Ehh! Last na yung horror house!"
"Hay nako, Aya, tumigil ka na nga, bumalik na tayo baka iwan pa tayo ng bus!"
"Heh! Porke kanina ka pa nakakapoints kay Sabina ha Baldo, ano kotang kota ka na landi mo!"
"Hoy pinagsasabe mo!"
"Naiinggit lang yan si babaeng manok men, hahaha, nandito naman ako bebe."
"Yak! Kadiri ka Tadeo kupal!"
"Asa! Naniwala ka naman babaeng manok! Luh!"
"Nasaan si Stephen?" tanong ko, tumigil sila sa pagkukulitan nila, napansin ko kasi na nawala si Stephen, kanina bago kami pumunta ng horror house kasama namin si Stephen, binalik ni Seraphina ang oras, dapat kasama pa rin nila si Stephen.
"Huh? Kanina lang din kasama namin siya, nung nawala ka, nawala rin si Stephen." Sa sinagot ni Penelope nagkatinginan kami ni Morris.
Magkakasama kaming bumalik sa bus, halos kumpleto na lahat, nakita namin si Stephen na naghihintay sa labas ng bus, mabuti naman at walang nangyaring masama sa kanya. Ilang sandali lamang ay nakumpleto na rin ang klase namin at isa-isang pinasakay sa bus para masigurong walang maiwan. Ako yung huling huli na aakyat, pero bago ako sumampa sa loob, hinarap ko si Miss Karen.
"Salamat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro