Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/43/ One Night Carnival


"JILL gising." May yumuyugyog sa balikat ko, ginigising pala 'ko ni Aya na katabi ko, nasa Sentral City na ba kami? "Jill, uyy, Jill." Dinilat ko yung mga mata ko, pero base sa nakikita ko sa labas ng bintana mukhang hindi pa kami nakakarating ng siyudad, at tuluyan ng nakain ng dilim ang liwanag.

"Bakit nakahinto yung bus?" tanong ko.

"Nagkaroon ng problema eh, inaayos pa nung manong yung bus, nagtawag din ata ng tulong." Kung sinuswerte nga naman, nasira ang private bus ng school namin? "Medyo matatagalan pa ata bago maayos ulit." Great. So maghihintay kami buong magdamag dito? How I wish na i-exempt nila kami bukas sa klase dahil sa late na uwi.

"Anong oras na, Aya?"

"Ahh, magseseven na."

Pumikit ako para matulog pero hindi ko na magawa, "Nasaan na raw ba tayo?"

"Nasa San Isidro na, malapit na tayo sa Sentral kaunting kembot na lang, kung hindi lang talaga nasira 'tong bulok na bus ng White Knights kanina pa sana tayo nakauwi." Halata namang gustong makipagdaldalan ni Aya pero mas gusto kong matulog kaso nga lang nawala na talaga yung antok ko, "Sulit naman yung pagod ngayong araw, ang saya kayang tumulong sa mga kyoti na bata, nakakaawa nga lang sila."

"Yeah." Iyon lang nasagot ko, hindi ko alam kung pagod ako o sadyang tinatamad lang ako makipag-usap sa kanya.

"Oo nga pala, Jill, may tanong ako sa'yo." humarap siya sa'kin habang nakasandal sa upuan, "Kanina ang tagal mong bumalik nung inutusan ka ni Miss M na tawagin si Miss Karen, anong nangyari?" siguro para lang makapag-isip ng topic iyan yung tinanong niya.

"Wala naman, kinausap kasi siya nung Director nung ampunan kaya natagalan."

"Ahhh." Tatangu-tango siya at parang may gusto pang marinig na iba, "Akala ko kung ano na namang kawirdohan yung nangyari sa'yo." Tumawa siya, parang normal na lang sa kanya na may mangyaring kakaiba sa'kin. Immune ba ang tawag don?

"Sssh! Ingay-ingay natutulog yung tao rito!" si Tadeo.

"Woow, tao ka pala."

"Heh, babaeng manok."

Come to think of it, Director Emilia called Miss Karen 'Beatrice' for some reasons, and the most intriguing part, yung sinabi nung director na ikamusta na lang siya sa asawa ni Miss, like what the hell was that? Kailangan ko bang sabihin kila Aya yung nalaman ko? Should I keep this to myself? O hayaan ko na lang dahil parang kahit saan 'ata ako magpunta hindi ako lulubayan ng mga ganitong palaisipan.

Sa totoo lang, pagod na ko sa pag-iisip ng kung anu-ano, wala pa rin akong nahahanap na mga sagot hanggang ngayon. Yung blog, yung Memoire, everything's so messed up. Si Stephen na kaisa-isang taong magbibigay sana ng sagot, nawala pa yung alaala niya. This is so frustrating.

"Guys," narinig namin yung boses ni Ireneo sa speakers, nasa harapan pala siya, may iaannounce siguro, "we need to wait two and a half hours bago maayos ulit yung bus so I suggest that everyone should stay relax—"

"Relax?! Ang boring na rito!" may mga sumang-ayon, siguro nga kanina pa nakatirik 'tong bus kaya inip na inip na sila.

"Mag-adventure kaya tayo?" may nagsuggest na nanggaling sa likurang bahagi ng bus, sa grupo ng mga boys.

"Adventure? I don't think na papayag—"

"Tingnan nyo yon!" kaagad din akong napatingin sa labas nang may sumigaw,  hinahanap ko kung anong meron sa labas pero parang wala namang espesyal doon. "Perya!" Tumingin ulit ako, kung titingnan sa mula rito ay parang isang malaking kumpol ng ilaw iyon pero kung titingnang mabuti ang liwanag na kumpol sa gitna ng kapatagan ay parang isang maliit na baryo.

Dahil sa pamimilit ng mga kaklase ko, napilitang bumaba si Ireneo ng bus para magpaalam sa dalawang teachers na kasama namin. Maya-maya bumalik si Ireneo, "They forbid it." Dismayado sila, napahinga ng malalim si Ireneo at bumaba ulit, medyo natagalan  siya bago makabalik, nakapagdiskusyunan pa yata and knowing Ireneo alam kong magaling siya pagdating sa persuasion. Nang makabalik siya, "Pumayag na sila, but isang oras lang ang binigay nila," natuwa sila lalo na yung katabi kong si Aya na hinampas hampas pa 'ko sa balikat, sabi na nga ba at magaling si Ireneo sa pakikipag-usap, hindi ko maimagine kung paano niya napapayag si Miss Karen, "Stay close and stay safe, alam niyo na siguro yan."

"Yes sir yes!"

So, bumaba kaming lahat ng bus na 'yon at nagsimulang maglakad papunta roon sa perya na nasa gitna pa 'ata ng palayan, hindi naman sobrang layo at nakarating din kagad kami. And to my amazement, isang masiglang komunidad ang sumalubong sa aming lahat, ito ang unang pagkakataon na nakapunta ko ng ganitong lugar, I mean wala naman kasing perya sa siyudad, di tulad noon.

Wow this is really cool.  

Hindi lang naman ako yung namangha pati na rin yung mga kasama ko. Unang sumalubong ang Carousel , hindi ko maiwasang ilibot yung tingin ko sa paligid, makukulay na banderitas, may mga lanterns pa na iba-ibang kulay, mga sulo na nagsisilbing pinakaliwanag sa bawat parte nito, may mga boots at tents. Hindi na nasunod yung 'stay close' rule ni Ireneo  dahil naglisawan na yung mga kaklase ko, dahil na rin sa excitement siguro.

"Okay, okay mga men ang saya neto! Saan tayo?!" excited na tanong ni Tadeo akbay si Baldo, nasa tabi nila si Penelope at Stephen, tapos si Aya naman nakakawit sa braso ko . "Color game! Darts! Saan?! Saan?! Tara naaa!" sumama sa grupo namin si Sabina at Tamaki. Hindi ko tuloy napigilang hanapin si Morris, siguro kasama siya ni Lily ngayon.

 Nagpumilit si Aya na sumakay sa Carousel at sumakay na lang din kami sa trip na gusto niya, next yung roller coaster sana kaso sabi ko sa kanila baka madali yung buhay namin dahil mukang kakalas yung mga bakal, nagpunta na lang kami sa mga magkakahilerang boot. Nanalo si Tamaki sa color game ng dalawang daang piso, hindi na ko nagtataka kung bakit magaling siya sa sugal. Si Baldo naman naglaro nung target shooting at nakakuha siya ng malaking teddy bear pagkatapos binigay niya kay Sabina, okay that was so cliché, ayun tinukso sila nila Tadeo, cheesy daw eh.

Naglakad-lakad kami hanggang sa makakita kami ng maliit na entablado na may nakalagay na "The Carnies'  show", maraming nanunuod kaya huminto kami para manuod din. Sinimulan na yung palabas, may lalaking naka coat and tie sa gitna, kulay pula yung buhok nya at may kulay pula na linyang marka sa pisngi. Naghihintay kaming audience kung anong gagawin niya, maya-maya ay naglabas siya ng tungkod mula sa kung saan, nagliyab yung tungkod pero hawak-hawak pa rin niya, nagpalak-pakan yung mga manonood, nawala yung apoy, nilahad niya yung kanang kamay niya at mula sa palad nito ay may sumiklab na apoy, mas namangha ang mga manonood, kumalat ang apoy sa buong braso niya, pero hindi man lang natinag ang lalaki at nakangiti pa rin, nawala ang apoy at nakakamanghang hindi nasunog yung damit at balat niya.

"Palakpakan po natin mga kaibigan si Finnix!" sabi ng host. So Finnix ang stage name niya?

Hindi pa roon nagtatapos ang performance ni Finnix, lahat 'ata ng fire stunts ginawa niya, bumuga ng apoy, kumain ng apoy, kung anu-ano pa, pero ang pinakamatindi sigurong ginawa niya ay nagliyab yung buo niyang katawan at bigla siyang naglaho, dun nagtapos yung performance ni Finnix, lumitaw ulit siya galing sa backstage at nagbow sa audience.

Nalibang kaming lahat dito sa sideshow at pinanuod pa yung mga sumunod na magpeperform, naghihintay daw sila Tadeo ng taong sirena, like what the hell lang, hindi na bumebenta ang freak shows these days. Sinundan si Finnix ng isang lalaking nakamaskara na pangclown, kaya niyang bumali ng bakal, nagpakita pa siya ng iba't ibang stunts na nagpapakita na sobrang lakas niya. Aliw na aliw naman lahat ng manunuod kahit na mukhang anti-social tong Clown, at... bakit nga ba nakamaskara pa siya ng pangclown? Weird.

"Palakpakan din naman po natin si Otis! Susunod naman po sa entablado na magtatanghal ay si Pascal!"

Lumabas ang isang lalaking nakasalamin at may suot na Beaver hat, naalarma ang mga manunuod nang sumunod sa kanya ang isang tigre, nagsimula si Pascal sa pagtatanghal, pinapalusot niya sa malaking hoop ang tigre, at kung anu-ano pang animal show stunts, kahit na medyo kinakabahan yung audience, that Pascal guy looked so calm, na para bang kontroladong kontrolado niya yung tigre.

"At mga kaibigan! Ang pinakahuling magtatanghal ngayong gabi sa The Carnies' Show ay walang iba kundi ang pinakamagaling at pinakamagandang magician ng San Isidro, si Jing Rosca!" naghiyawan pa yung audience, mukang matagal at kilala na 'tong mga performers nila. Namatay saglit yung ilaw sa entablado at kaagad ding lumitaw sa gitna nito ang isang matangkad na babae na nakasuot ng pulang magarang bestida, so... Ito ang gimik ngayon ng mga female magicians? Nagsimulang magperform si Jing Rosca at hindi ko itatangging mahusay nga siyang magician,  kaya niyang palutangin yung mga bagay tulad ng mesa, upuan, alam kong lumang trick na yung mga ginagawa niya pero parang may kakaiba, she's too confident at parang natural na natural lang yung ginagawa niya, she has a charm na hindi mereresist ng crowd. She's great, pwede siyang mafeature sa tv . At the end of the show, nagsama-sama sa entablado yung lahat ng nagperform kanina. Dahan-dahang itinataas ni Jing Rosca ang braso niya, at napanganga kaming lahat nang sabay-sabay silang lumulutang sa ere. Nagpakawala ng apoy si Finnix mula sa kamay niya at pumalibot iyon sa kanilang apat. Sa isang iglap, namatay ang ilaw, namatay din ang apoy, nang bumukas muli ang ilaw, naglaho silang apat.

Malakas na nagpalakpakan ang mga manonood. Lumabas ang isang batang babae na may hawak na basket, lumibot siya para kolektahin yung mga tip na binigay ng mga tao na natuwa sa palabas. Well, it's more fun in perya.

Umalis na kami roon para makapaglibot pa.

May nadaanan kaming isang game stand na pinagkakaguluhan ng mga tao, lalo na ng mga matatanda. Huminto kaming lahat sa paglalakad nang tumigil si Tamaki para makiusyoso, walang duda, another gambling game na naman.

"Oi, Tamaki, ang hilig mo talaga sa sugal ano? Tara na, di ka pa ba nagsawa?" hindi niya pinansin si Aya. Wala kaming nagawa kundi lumapit na rin at makiusyoso. Dice game pala yung pinagkakaguluhan nila, maraming tumataya kaya malaki yung premyo, simple lang yung mechanics, pupusta ka ng numero, may tatlong dice na iroroll at kapag yung total nito ay pareho ng pusta mo, panalo ka. Maliit ang possibility na manalo, kaya pala lumaki ng ganun yung premyo kasi wala pang nakakatsamba. Nakipusta si Tamaki. Walang nanalo sa halos dalawampung tao na nagpusta.

"Tamaki, nagsasayang ka lang ng pera, ang labo ng tsansa na manalo dyan sa larong yan." Inaawat nila Baldo si Tamaki pero ayaw paawat nito, nanalo kasi kanina sa color game kaya ang lakas ng loob pumusta.

"Sayang oras, mas marami pa tayong mapupuntahang boots."

"Iwan niyo na lang ako rito."

Naglabas ako ng pera, inihagis ko sa mesa, nagulat yung mga kasama ko.

"Woaaa, Jill?!" they chorused

May gusto lang akong subukan. Sinulat ko na sa papel yung number na pusta ko. Eleven. Hinagis na sa gitna nung game master yung mga dice. At lumabas ang mga numbers: One, Four, at Six. Eleven kung itototal.

"P-panalo si Jill!" naglingunan sa'kin yung mga tao at laking gulat nila na eleven nga yung sinulat ko sa papel. "Ang galing! Paano?!" Well, I cheated. Tiningnan ko kanina yung mga mata nung game master para makita kung ano yung resulta, hindi dahil sa mukha akong pera, wala lang, gusto ko lang subukan. May gamit din pala 'tong mga mata ko, well, in a negative way... Kung tutuusin kahit na hindi na pala ko magtrabaho at tumambay lang ako sa casino forever mabubuhay ako, I can win in every gambling game, because I can see the future.

"Madaya!" may sumigaw, sinundan pa iyon ng iba, mga pumupusta kanina pa na hindi matanggap ang walang katapusang pagkatalo dahil normal lang sila.

"Oo nga, nandaya yan!"

"Jill, umalis na kaya tayo rito, mga nag-aalsahan na yung mga tao oh." Sabi ni Penelope. Tumayo ako at hinila nila ko paalis doon dahil nagsisimula ng ruckus yung mga tao.

Hindi na lang nila binanggit ulit yung nangyari kanina para hindi na mapag-usapan. Napayuko ako habang naglalakad, oo, inaamin ko na nagiguilty ako sa ginawa ko kanina, dahil sa reaksyon ng mga tao kanina, totoo, nandaya nga ko. Ito ba talaga ang purpose ng kapangyarihang 'to? Ang mandaya? Mandaya ng kapalaran? Ilang beses ko na bang nadaya ang mga bagay na nakatadhana na? Ilang beses ko na bang nadaya ang ilang buhay ng mga tao?

"Unnie!" Bakit? Bakit kita bigla kong naalala 'yon? Hindi ko nadaya ang kapalaran ni Haneul, pero pakiramdam ko ako pa rin ang natalo.

"Ito ang kapalaran na nakatadhana para sa'yo, Jill Morie."

Ito ba yung kapangyarihang gusto ng Memoire sa'kin? Ang mandaya?

"Ang galing mo kanina Jill." Napatingin ako sa nagsalita, si Stephen. "Ikaw lang yung nakahula ng number." Base sa tinig, mukhang manghang mangha siya sa nangyari kanina.

"Ah, nakatsamba lang ako." Sagot ko.

"Sana may ganyan din akong kakayahan."

"Ha? Anong sabi—"

"Waaaaa, dito tayo!" nadistract kami sa sigaw ni Aya, nasa harapan na pala kami nung horror house. "Tara pasok tayo sa loob!" may sasabihin pa sana ko kay Stephen kaso nahila na naman ako nitong ni Aya, kumapit silang dalawa sakin ni Penelope kaya hindi na 'ko nakakawala.

"Tsss... Ang korni korni naman dyan eh, wag na dyan!"

"Naduduwag ka lang." si Sabina.

"Wow! For the first time and forever nagkalinya ka na Sabina! Kayo na ba ni Baldo?"

"Tumigil ka nga Tadeo, babangasan kita! Nasaan na ba si Tamaki?" tanong ni Baldo, nilihis yung topic, nahihiya sa tanong.

"Naiwan dun sa sugalan ano pa ba?"

Nang makabili na kami ng ticket, pinapasok na kaagad kami sa loob. Hindi pa rin bumibitaw sa'kin si Aya at Penelope na nangangatal na pareho sa takot.

"Tss. Ano ba naman 'to, napakacheap ng effects." Si Tadeo. Magkakadikit kaming naglakad sa makipot na daanan, puro display lang na nakakatakot tsaka sound effects lang yung meron.

"Ano ba Tadeo! Yung t-shirt ko mapupunit!" si Baldo, "Kay Aya ka kumapit!"

"M-M-May kumalabit sa paa ko men!"

"Hahahaha, hay nako Tadeo kups nakakatawa ka."

Maya-maya nagsisigawan na yung mga kasama ko nang magsulputan yung mga nakacostume na nananakot dito sa loob ng horror house. Si Aya at Penelope nakayakap sa magkabilang braso ko, sila Baldo na nasa likuran ko nakakapit sa'kin. Idagdag pa yung sigawan nung ibang mga tao na kasabay namin.

"Sunog! May sunog!" galing sa kung saan yung boses at sa isang iglap biglang nagkagulo yung mga tao sa loob, nagkabitaw-bitaw kaming lahat, paano ba naman kanya-kanyang takbuhan at labasan yung mga tao. Sa ingay, hindi ko na malaman kung nasaan yung mga kasama ko. Basta natangay ako hanggang sa makalabas ako ng horror house na 'yon.

"Kumalma po tayo, wala pong sunog! May loko-loko lang na nagbiro!" dismayado akong umalis doon at hinanap yung mga kasama ko, pero hindi ko sila makita.  Wala akong choice kundi bumalik na lang mag-isa sa bus at baka sakaling doon din sila pumunta.

'Gusto mo bang malaman ang kapalaran mo?'napahinto ako nang mabasa ko yung sign board sa isang tent, Fortune Telling House, parang may tumulak sa'kin napumasok sa loob. Hinawi ko yung nakaladlad na kurtina at bumungad ang isang mesa, may bolang Kristal sa gitna nito, at isang babae na nakaupo.

"Kanina pa kita hinihintay, maupo ka." Inilahad nito ang upuan na katapat niya. Anong ibig niyang sabihin sa kanina pa siya naghihintay? Siguro walang pumupuntang customer dito kaya sinabi nya yon. Naupo ako roon at tumingin sa Kristal, wala akong makitang kakaiba dahil transparent 'yon, di katulad ng mga napapanood ko sa tv na umiilaw at naglalabas ng larawan.

Hindi siya yung tipikal na manghuhula na may nakaget up ng magara, o yung may bandana, bling bling o kung ano pa mang gimik sa katawan. Simple lang yung suot niya, jacket, bonet—Teka,

"Miss gusto mong magpahula?"

"Miss, singkwenta lang. Gusto mo bang malaman ang kapalaran mo?"

"Aish, miss, kwarenta na lang para sa'yo. Ayaw mo bang malaman ang kapalaran mo? Wag kang mag-alala, hindi ako fake. Proven and tested ata to!"

"Miss naman! Trenta na lang! Dali na, bagsak presyo na yan, uyy! Papayag na yan, ayee." 

"MAKA-ALE KA NAMAN MISS! Feel ko magkasing edad lang tayo eh. Waah Magpapahula ka na?! Hahaha, sabi na eh, papayag ka rin eh! Dali humarap ka na sa'kin, miss."

Siya yung babaeng lumapit sa'kin noon! Yung babaeng kumulit sa'kin. Yung manghuhula. Dito siya nagtatrabaho sa perya?

"Ehh? Parang pamilyar ka sa'kin." Sabi niya at nag-isip, pilit na minumukaan ako, "Nagkita na ba tayo dati?"

Ano bang dapat kong isagot? Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa tanong niya. Oo? Hindi? Naalala ko na tinigilan niya lang ako sa pangungulit kapag nakita niya yung mga mata ko. Naalala ko pa yung reaksyon niya matapos niya 'yong makita. Gulat.

"Ahh! Naalala ko na! Ikaw yung—Oy! Saan ka pupunta?! Jill Morie!"

Hindi ko na pinansin yung pagtawag niya kahit na nakapagtatakang alam niya kung anong pangalan ko. Sa bilis ng pagtakbo ko may nakabunggo ako at muntik ng matumba yung ale, pero nasagi niya yung sulo at mabilis na kumalat ang apoy sa damuhan. Sa pagkakataong 'to, nagkagulo bigla yung mga tao dahil sa pagkalat ng sunog. Ang kaninang masigla at masayang kapaligiran ay napalitan ng silakbo at takot.

Natuod ako sa kinatatayuan ko, nakatulala sa mga taong nagtatakbuhan, nagsisigawan. K-kasalanan ko 'to.

Napatingala ako, isang billboard ng isang tent ang babagsak sa'kin. Gusto kong igalaw yung mga paa ko para makatakbo pero hindi ko 'yon maramdaman. Bakit? Bakit nangyayari 'to? Wala akong ibang magawa kundi pumikit.

Biglang tumahimik ang paligid.

Nagmulat ako, at dahan-dahang tumingala at nakitang... nakalutang sa ere yung billboard. P-paano? Luminga linga ako at laking gulat ko nang makitang nakahinto yung mga tao. T-tumigil ba ang oras? Tumingala ako at nakita kong gumalaw yung billboard, papunta sa isang gilid at dahan-dahang lumapag sa lupa. A-ano ba talagang nangyayari?! Lumingon ako at nakita ang isang tao, nakalahad ang kamay, sa direksyon ng billboard na nasa lupa. T-totoo ba ito? Hindi magic yung ginawa niya kanina.

"Jing... Jing Rosca."

May narinig akong parang malakas na ihip ng hangin, napatingin ako sa direksyon niyon at nakita kong hinihigop ng kamay ni Finnix ang apoy na kumalat sa perya. Mas lalo akong nagulat ng lumapit sa'kin yung manghuhula kanina.

"Okay ka lang ba?" tanong nung babaeng manghuhula, napaatras ako ng magtangka siyang hawakan ako. How come na nakakagalaw silang tatlo samantalang yung mga tao? Yung paligid nakahinto? "Sorry kanina."

Namalayan ko na lang na nakapalibot sila sa'kin, si Jing Rosca, si Finnix, ang babaeng manghuhula, pagkatapos dumating si Pascal at Otis.

A-anong nangyayari?!

"S-sino kayo? A-anong klaseng tao---"

"Hindi kami tao." Sumagot si Jing Rosca, "Ang ibig kong sabihin, hindi kami ordinaryong tao...katulad mo."

Peculiar ang mga taong kaharap ko ngayon.  Walang duda, hindi lang pala basta trick yung ginawa nila kanina sa sideshow. Totoo ang mga kapangyarihan nila. Hindi ko maintindihan, bakit natagpo ko ang mga landas nila? Bakit? At bakit kilala 'ko ng babaeng manghuhula?

"K-kung mga Peculiar kayo, p-paano niyo napahinto yung... yung oras?"

"Ako ang naghinto ng oras." May isa pang bagong boses na dumating. "Tanging mga Peculiar lang ang nakakagalaw sa ganitong pagkakataon." Isang batang babae ang lumitaw sa harapan ko, teka! Yung batang babae kanina na nangolekta ng tip, siya yung nagpahinto ng oras?

"Oh, Seraphina, nandito ka pala." Sabi ni Pascal.

 "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, niligtas na naman namin ang buhay mo sa ikalawang pagkakataon, Jill Morie."

"Anong ibig mong sabihing niligtas sa ikalawang pagkakataon?"

"Hindi mo naalala? Noong nakulong ka sa ilusyon ng isang Memoire."

"Kami ang nagligtas sa'yo." Si Jing Rosca.

S-sila? Sila yung nagligtas sa'kin mula kay Magnus? Sila yung hiningan ng tulong ni Miss Karen?

"Alam kong may dapat tayong pag-usapan, pero sa ngayon kailangan ayusin muna natin itong mahal kong Perya. Kaming bahala, ibabalik ko ang oras." Sabi nung batang babae.

. The fortune teller girl. Otis the clown who have marvellous strength.That little girl who talks like an adult can manipulate time. Pascal can manipulate animals. Finnix can manipulatefire. Jing Rosca can manipulate objects. They're the Carnies, pero ang totoo... mga Peculiar sila.

"Jill!" biglang dumating si Morris.

Muntik ko ng makalimutan, Peculiar din pala 'tong lalaking 'to.



-xxx-

A/N: The Carnies was inspired by this music video of Japanese band, Sekai no Owari.

https://youtu.be/w9V3x61D994

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro