Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/41/ Encounter

"SENTRAL police headquarters? This is—hey!"

"Baliw ka ba?! Bakit mo sasabihin sa mga pulis na kasama natin si Tadeo?!" sumigaw si Tamaki matapos niyang agawin yung cell phone ni Ireneo. Nawawala na naman yata sa katinuan 'tong si Ireneo, paniguradong mahuhuli si Tadeo kapag nalaman ng mga pulis na narito siya ngayon sa school.

"Sooner or later malalaman din nila kung nasaan siya! At masasangkot din tayo dahil baka akalain nilang pinagtatakpan natin siya!"

"Anong sabi mo?!" kinuwelyohan ni Tamaki si Ireneo, kaagad na umaawat si Baldo pero mukang nag-init na talaga yung dugo ni Tamaki.

"Sinasabi mo bang talagang kriminal si Tadeo, Ireneo?" sabi ni Sabina.

"Bitawan mo nga 'ko!" pilit na inalis niya yung mga kamay ni Tamaki sa kwelyo niya, "Sa tingin niyo ba maniniwala yung mga pulis sa'tin?! Sa kanya?!" turo pa niya

"Nasaan na naman ba yang utak mo ha Ireneo?! Inosente si Tadeo!" Sabi naman ni Aya. Nakatingin lang ako sa kanila na nagtatalo-talo na ngayon. Hindi ako nagsasalita... kasi... iniisip ko yung mga pwedeng mangyari. Medyo naiintindihan ko si Ireneo, nagpapakapraktikal lang siya at iniisip lang niya yung mga posibleng mangyari. Hindi basta-bastang kaso ang kinasangkutan ni Tadeo.  Nasa alanganin din si Stephen. At may kinalaman ang Memoire sa lahat ng nangyayari.  

"Jill?" nagsalita yung katabi ko, hindi rin siya nakikigulo sa pagtatalo, si Penelope.  "May naiisip ka bang paraan kung anong gagawin natin? Hindi ba't mas mabuting ibigay na lang natin sa pulis yung problemang 'to? Pwede namang sabihin ni Tadeo na hindi siya talaga kasangkot sa illegal na gawaing 'yon."

"Hindi naman kasi basta-basta yung sitwasyon, Penelope. Pero sa gustong gawin ni Tadeo, hindi naman din ganon kadali gawin yon." Hindi naman 'to parang laro sa video game at hindi rin 'to action movie. Paano kung malagay lang sa panganib yung mga buhay namin. Paano kung maulit na naman yung mga abnormal na insidente katulad nang dumating si Caleb Perez. Wala kaming kalaban-laban sa kanila.

"Tama na! 'Wag kayong magkagulo!" nahinto sila sa pagsigaw ni Tadeo. Maswerte kami dahil walang guard na rumoronda sa campus dahil sa lakas ng ingay na nililikha nila. "Sige Ireneo! Sabihin mo sa mga pulis na kasama niyo ko ngayon! Pero bago mo pa magawa 'yon pupuntahan kong mag-isa si Stephen! Bahala na kung ayaw niyong sumama. Hindi ako babalik hangga't hindi ko nababalik si Stephen at hangga't hindi ko malilinis yung pangalan ko!" akma siyang aalis pero pinigilan ko siya.

"Hindi ka pupunta ron ng mag-isa, Tadeo." Oras na siguro para harapin ko rin sila, harapin yung mga taong nasa likuran lahat ng 'to. "Hindi sa nagpapakabayani ako... hindi naman din nating pwedeng iwanan ng basta si Stephen. Hindi rin malilinis ni Tadeo ang pangalan niya kapag hindi tayo kumilos. Pero..." minsan na silang nakontrol ni Caleb Perez. Hindi ko lubos na maisip kung anong pwedeng mangyari sa kanila. Paano ko magagamit yung kapangyarihan ng mga mata ko sa ganitong sitwasyon? Ito lang yung kapangyarihan ko na pwedeng makatulong... Natatakot akong tumingin sa mga mata nila, pagkatapos ay makakita ng masasaklap na pangyayari, at paano kung iyon nga talaga ang nakatakda at walang paraan para iligtas sila. "...masyadong mapanganib. Wala tayong laban."

Hindi sila umimik sa sinabi ko. Siguro'y napagtanto nila na hindi ganoon kadaling puntahan at iligtas si Stephen, wala silang kaalam-alam sa kung anong sitwasyon ba talaga ang hinaharap ni Stephen.

"Pupunta 'ko kahit anong mangyari." Pagmamatigas ni Tadeo. Papalabas na siya ng silid nang makarinig kami ng mga sirena mula sa labas.

"Sht!" napatingin kami kay Baldo na nakasilip sa bintana, "M-mga pulis!"

"Ano?!" lahat kami nagsilapitan sa bintana at palihim na sumilip, may kotse nga na nakahinto sa labas ng gate at may dalawang bumaba mula roon.

"P-paano nila nalaman?!" sinugod ni Aya si Ireneo at niyugyog si Ireneo sa pag-aakala sigurong ito yung may gawa kung paano nakapunta yung mga pulis dito. "Ireneo! Kupal ka talaga!"

"B-bitawan mo nga 'ko! Argh!" tinabig ni Ireneo si Aya pero si Baldo naman yung humigit sa kanya, "Bitawan mo ko!" malakas niyang tinulak si Baldo dahilan para mapa-upo ito sa sahig, kaagad namang dumalo rito si Sabina. "He freaking get my phone! Tapos ako yung pagbibintangan niyo ko?! The Hell!" bulyaw ni Ireneo.

"A-ano ng gagawin natin?!" Lahat sila nagpapanic na maliban sa'ming dalawa ni Morris na napako lang ang tingin sa isa't isa.

"Umalis na tayo!" sabi ni Tadeo "Sumunod kayo sa'kin!"

Wala kaming ibang nagawa kundi sumunod kay Tadeo na nauna nang tumakbo palabas, kinalimutan namin yung aalahanin kung paano ang nangyari at narito ngayon sa school yung mga pulis. Siguro dahil sa wala rin kaming maisip na ibang paraan sinundan na lang namin si Tadeo. Tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa marating na namin yung likuran ng building, kung saan kami nakapasok kanina doon din kami nakalabas.

Hindi pa rin kami humihinto sa pagtakbo sa gitna ng madilim na kalsada. Kung saan kami pupunta? Hindi ko alam. Tiningnan ko yung mga kasama ko, mukhang katulad ko ito lang din yung naiisip nilang paraan, ang tumakbo, at tumakas. Malayo-layo na rin yung natakbo namin at mukha namang hindi kami napansin ng mga pulis kanina. Hingal na hingal kaming lahat nang huminto kami sa pagtakbo.

"Hindi na siguro nila tayo makikita." Sabi ni Aya sa pagitan ng paghinga. Lumiko kasi si Tadeo sa isang madilim na ekinita kaya rito kami ngayon napadpad, walang mga dumadaang sasakyan at wala ring mga tao.

"Hoy, Tadeo." Si Tamaki. "Sigurado ka bang alam mo kung saan dinala si Stephen?"

"Oo nga! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa'kin?"

"Saan?" seryosong tanong ni Morris. "Sabihin mo kung saan." Utos 'yon.

"Sumunod na lang kasi  kayo sa'kin."

"Sabihin mo kung bakit kailangan naming sumunod sa'yo." tanong ulit ni Morris na ikinagulat naming lahat.

"Morris! Ano ba namang klaseng tanong 'yan."

"Nasaan si Stephen? Magsalita ka." Maging ako naguguluhan sa inaasta ni Morris. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat, "Jill. Ang taong 'to..." kahit mahina narinig ko kung ano yung sinabi niya.

"Now what? We'll risk our lives para hanapin si Yue? What are those guys anyway?" tanong ni Ireneo tungkol naman sa mga taong kumuha kay Stephen, "Sabi ko sa inyo ibigay na lang natin sa authority yung problema na 'to, what if they're syndicates or whatever dangerous people, obviously we can't do anything about it."

"Hindi ko kayo pinipilit." Sabi ni Tadeo , "Tamaki." Pero umiwas ng tingin si Tamaki na napagtanto rin yung mga pwedeng mangyari dail sa sinabi ni Ireneo.

"May punto si Ireneo,Tadeo. 'Wag tayong magpadalus-dalos dahil baka mapahamak tayo." Katahimikan. Kahit si Aya hindi na umimik pa. Pero si Morris, ang sama pa rin ng titig niya kay Tadeo, parang tigreng nang-aangil ang tingin.

"Jill! Paano na si Stephen?! Wala ka rin bang gagawin para iligtas siya?! Jill!" humarang si Morris nang akmang lalapitan ako ni Tadeo, "Jill! Hawak si Stephen ng Memoire, kailangan natin siyang iligtas! Kailangan mo siyang iligtas! Jill!"

"Tadeo umawat ka na!" hinawakan na siya nila Baldo at Tamaki sa magkabilang braso pero nagpupumilit pa rin siyang kumawala.

"Ano ba Tadeo! Para ka ng baliw eh!"

"Tinatakot mo si Jill sa itsura mo!"

"Teka!" sigaw ko dahilan para tumahimik sila.

Tama ba 'ko ng pagkakarinig?

"Paano mo nalaman... Paano mo nalaman ang tungkol sa Memoire?"  hindi... hindi kaya... "Sino ka?! Nasaan si Tadeo?!" binitawan na nila Baldo si Tadeo, nagulat sa sinabi ko. Pero... tumawa lang yung Tadeo na nasa harapan ko.

"Jill naman, ano bang sinasabi mo. Ako 'to."

Napatingin ako sa kanila, kila Penelope, na nakatingin din sa'kin at di maintindihan ang itsura, nawiwirdohan sila sa sinabi ko. Paano nila maiintindihan yung mga ganitong sitwasyon? Tumingin ulit ako kay Tadeo. Magsasalita pa lang ako ng unahan na ko ni Morris.

"Hindi nagsusuot ng itim na hikaw si Tadeo." Sabi niya. Tsaka lang namin napansin na may hikaw siya sa kanang tainga, at... hugis diyamante iyon. Paano nangyari... Imposible... "Nasaan si Tadeo?"

"Morris! Hindi ako natutuwa sa mga biro niyo ni Jill."

"Hindi rin ako natutuwa sa'yo."

"A-ano." Si Penelope, "Jill, Morris, anong ibig niyong sabihin? Anong hindi siya si Tadeo?" Napatingin ako kay Morris, nag-uusap yung mga mata namin, ano'ng dapat naming gawin? Kung magpapatuloy pa yung usapan na 'to... baka malaman nila... malaman nila kung ano talaga kami...

Tumawa lang nang tumawa si 'Tadeo' sa harapan naming lahat. Sigurado kami ni Morris na hindi nga si Tadeo yung kasama namin ngayon. Nahuli na siya mismo sa sarili niyang bibig. Si Morris kanina pa siya naghihinala mula nang makita namin siya sa class room, pero katulad ko iniisip din niya siguro yung mga bagay na dapat isaalang-alang kaya ngayon lang siya nagsalita.

"Anong problema, Jill? Bakit ayaw mong iligtas si Stephen? Hindi ba't ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit siya tinutugis ng mga taong 'yon?" nag-iba yung tono ng pananalita niya. Kahit sila Baldo at Tamaki ay napaatras na dahil  sa kakaibang pagbabago nito. "Ha? Jill Morie." Tumawa ulit siya, sa pagkakataong 'to parang nakumbinsi rin yung mga kasama ko na hindi nga si Tadeo yung kasama namin ngayon, lahat kami napaatras.

"H-hindi ko naiintindihan yung mga nangyayari pero... parang hindi nga siya si Tadeo." Bulong ni Sabina, natatakot.

"Y-yung aura niya Jill..." si Baldo, "hindi maganda." Katulad din siguro nang nakita niya noon kay Caleb Perez, sasabihin ko sana kaso hindi na nga pala niya 'yon naalala.

"Wag kayong matakot..."

"Pagbilang ko hanggang tatlo...  tatakbo tayo." Kahit hindi nila naiintindihan sumang-ayon na lang sila kay Morris "Isa---"

"Hindi kayo makakatakas." Parepareho kaming gulat nagimbal sa mga sumunod na pangyayari. Sa isang iglap unti-unting nagbago yung buong paligid. May mga pader na pumalibot sa'ming lahat.

"S-sabihin niyo sa'kin panaginip lang 'to!" sigaw ni Aya. Nagdikit-dikit kaming walo dahil sa takot. Kung panaganip nga 'to, gusto ko ng magising. Nawala yung pekeng Tadeo pero naririnig pa rin namin yung boses niya na umaalingawngaw sa buong paligid.

"Tutal nalaman niyo na talaga na hindi ako si Tadeo, bakit hindi muna tayo maglaro? Tingnan natin kung kaya niyong makalabas dito."

Umuga bigla yung kinatatayuan namin, kusa kaming pinaghihiwa-hiwalay. Wala akong ibang marinig kundi mga sigaw at panaghoy nila, gusto ko ring sumigaw pero hindi ko magawa... Dahil... dahil... sa takot? Sa kaba? Hindi ko alam. Anong klaseng nilalang ang kalaban namin ngayon? Isang Peculiar?

"Jill!" tatakbo ko papunta sa kinaroroonan nila pero sumulpot bigla sa pagitan namin ang isang pader hanggang sa tuluyan na kaming nagkahiwahiwalay. "Jill! Morris! Tamaki! Aya!Sabina! Penelope! Ireneo! Nasaan na kayo?!" may mga sumagot, naririnig ko pa rin yung mga boses nila.

Huminto yung pag-uga ng lupa. Hinawakan ko yung pader, totoo 'yon, konkreto.

"N-naririnig niyo ba ko?" malakas na tanong ko.

"Oo!" sagot nila na.

"Tingin ko... Natrap tayo sa maze!" si Ireneo.

"Maze?! Anong kagaguhan 'to?!"si Tamaki

"Anong nangyari sa tang**nang Tadeo na 'yon?!" si Baldo.

"Mamaya na natin problemahin 'yon! Pwede hanapin muna natin yung isa't isa?! Natatakot na ko!" si Sabina.

Kahit na hindi ko sila nakikita, ramdam na ramdam ko yung takot nila.

"Paano?!"

"This is simple—"

"Simple?!"

"Patapusin mo muna ko Martinez! We'll use the 'wall follower' method, ilalagay lang natin yung isa nating kamay sa pader, maglalakad at susundan ang path nito. Kanang kamay yung gagamitin natin, copy?!"

"Copy!"

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ka na pwedeng magtanong, hindi ka rin pwedeng umangal, ang importante, hindi ka nawawalan ng lakas ng loob. Kasi wala ka ng ibang pagpipilian kundi ang maging matapang. Anong klaseng Peculiar ang taong 'yon?  Paano namin siya matatalo? Paano kami makakaalis dito? Ako ba yung kailangan niya? Bakit kailangan pang madamay yung mga kaibigan ko?

Nagpapakiramdaman kaming lahat. Kahit na mukhang walang katapusan yung nilalakad ko, sinunod ko lang yung technique na sinabi ni Ireneo, nakahawak yung kanang kamay ko sa pader habang naglalakad, binilisan ko yung paglalakad. Narating ko na yung dulo pero wala pa ring pumapasok sa isip ko na paraan kung anong gagawin. Kaming dalawa lang ni Morris ang Peculiar dito, may magagawa ba kami?

"Jill! Gusto ko nang umuweeee!" sinalubong ako ni Aya na nangangatog at umiiyak. Nagkatagpu-tagpo rin kaming lahat sa pinakadulo, lahat sila halos tulala at hindi na makapagsalita. Si Penelope na napaupo sa sahig, si Sabina nakatulala  lang at nanginginig katabi niya si Baldo na umaalo, si Tamaki na walang ginawa kundi pagsusuntukin at pagtatadyakan yung pader, si Ireneo, Morris at ako lang 'ata ang nasa kahinahunan.  Walang nagsasalita... Hanggang sa...

"Illusion." Biglang umusal si Ireneo, "Maybe this is an illusion."

"Illusion?"

Kung pamamasdang mabuti si Ireneo ngayon, kahit sino siguro aakalaing nawawala na siya sa katinuan, pero katulad namin ni Morris, maiintindihan namin siya.

"Makakatulong ba yang pagsasabi mo, Ireneo? Eh ano naman kung ilusyon nga lang 'to? Paano tayo tatakas sa ilusyon na 'to?" si Tamaki na huminto sa pagsuntok at sipa sa pader, kita na yung umaagos na dugo mula sa kamao niya, patunay sa sarili niya na hindi siya nananaginip.

"Jill, may alam ka ba rito?" tanong ni Baldo. "Sinabi niyo kanina ni Morris na hindi si Tadeo ang kasama natin. May alam kayo sa mga nangyayari."

Hindi kami sumagot ni Morris. Hindi dahil sa hindi namin alam ang sagot, dahil sa hindi namin alam kung paano nila maiintindihan.

"Wow, masyado sigurong madali yung maze na ginawa ko para sa inyo," naagaw ulit yung atensyon naming lahat nang magsalita na naman yung pekeng Tadeo, hindi pa rin siya nagpapakita, "bakit di natin mas hirapan?" nagdikit-dikit na naman kaming walo nang magbago ulit yung itsura ng buong paligid, napalitan ng salamin ang kaninang pader, wala nang makikita kundi katapusang repleksyon.

"Maghawak-hawak tayo!" huli na, nang umuga na naman ang kinatatayuan namin at pilit kaming pinaghiwahiwalay. Biglang tumahimik. Hindi ko na sila nakita. Hindi ko na sila marinig. Wala akong ibang marinig kundi yung malakas na pagbayo ng dibdib ko. Wala akong makita kundi yung sarili kong repleksyon, walang katapusan... Parang imposibleng makatakas ako sa mirror maze na 'to.

"Jill Morie... Come. With. Us." Marami. Marami sila. Papalapit ng papalapit yung mga boses nila. Katulad ng sa panaginip ko. Napaluhod ako, tinakpan ko yung mga tainga ko. Paulit-ulit. Malalim. Nakakatakot.

"Tama na." usal ko, umaasang magigising ako at isa lang 'tong bangungot, "Tama na!"  hindi ko alam kung sadyang malakas yung sigaw ko para umalingawngaw ito sa buong paligid, narinig ko yung pagbitak ng mga salamin at sabay-sabay 'yong nabasag. Niyakap ko yung sarili ko, inaasahan kong masasaktan ako sa mga basag na salamin pero wala akong naramdaman. Nang humupa ang tunog ng pagbasag, dahan-dahan akong tumayo.  Hindi pa rin nawawala yung takot sa dibdib ko.

Nasa kalawakan ako ng kadiliman, wala akong makita kundi itim. Nawala yung maze.

"Jillianne Morie." Lumitaw siya sa harapan ko, si Tadeo pa rin ang ginagamit niyang anyo.

"I-isa kang Peculiar?"

Ngumiti siya, hanggang sa unti-unting nag-iba yung anyo niya, isang lalaki... nakamaskara, nakasuot ng itm. Ito siguro yung tunay niyang anyo "Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko, ako nga pala si Magnus. So, alam mo na pala ang tungkol sa mga uri natin, Jill Morie. Tama ka, isa 'kong Peculiar. Kaya mo bang hulaan kung anong kapangyarihan ang meron ako?"

Tama si Ireneo. Ilusyon lang ang lahat ng 'to. Ikinulong niya kaming lahat sa ilusyon.

"Nasaan sila?!"

"Uh-oh, hindi ko alam, maybe nasa somewhere in dreamland sila at nag-eenjoy sa munting paraiso na ginawa ko para sa kanila. Sawakas nakapagsolo rin tayong dalawa, Jill Morie." Dahan-dahan siyang lumalapit sa'kin kaya sa bawat hakbang niya napaatras ako.

"Ano bang gusto ng Memoire sa'kin?! Ano bang kailangan niyo sa'kin? Bakit ba gustung-gusto niyo kong kuhain!"

"Wow, so alam mo na rin pala yung tungkol sa Memoire, kamanghamangha, Jill Morie. Narito ako ngayon para imbitahin ka, para sumapi sa organisasyon, matutulungan ka namin Jill Morie. Masasagot namin ang mga tanong mo kung sino ka ba talaga... at kung ano ang espesyal sa'yo na hindi mo alam."

"M-masasagot niyo?"

"Oo." Iniunat niya yung braso niya, nang-aaya. "Ito ang kapalaran na nakatadhana para sa'yo, Jill Morie."

Ito nga ba ang kapalaran ko? Kung patuloy lang akong tatakas sa kanila, mas marami pang pagkakataon na madamay ang ibang tao ng dahil sa'kin... Si Stephen... Si Tadeo...

"Hindi."

"Hindi?"

"Hindi ito ang kapalaran ko. Wala kang karapatang sabihing ito na ang nakaguhit sa tadhana ko. Hindi ako sasama sa inyo."

"Well then... You leave me no choice, Jill Morie. Tutal mga mata mo lang naman ang kailangan namin,." Mabilis siyang nakalapit sa'kin, tatakbo sana ko pero pagpihit ko patalikod ay naroon siya. Hinawakan nya yung mukha ko, at... "kukuhanin ko na lang iyon sa'yo..." naramdaman ko yung mga kamay niya na dinukot ang mga mata ko. Napasigaw ako.

Napabalikwas ako, nakita ko si Magnus na nakatayo lang sa harapan ko. Kinapa ko yung mukha ko, nandito pa rin... nandito pa rin yung mga mata ko. Pero naramdaman ko kanina!

"Na-enjoy mo ba yung illusion?" tuwang-tuwa siyang nakikita akong takot na takot sa ginawa niyang ilusyon. "Sa totoo lang pwedeng pwede kong dukutin yung mga mata mo ng isang daang beses na katumbas ng isang daang beses na kirot. Ang saya hindi ba?"

Hindi ako pwedeng sumuko, kahit na hindi ko alam kung anong paraan para labanan siya.

"Bakit di natin ulitin ulit? Hanggang sasumuko ka na at sumama na lang sa'kin." Papalapit na naman siya sa'kin, pumikit ako. Humihiling na sana...


"Jill?"

Dahan-dahan akong dumilat.

Ineexpect ko na si Magnus pa rin yung nasa harapan ko pero...  Nanlalabo pa rin yung paningin ko. Nasa maliwanag akong lugar, maliwanag, hindi ako nakaamoy ng antiseptics kaya alam kong hindi 'to ospital.

"Gising na kaya siya?" may mga di pamilyar na tinig. Maliban kay Morris na panay tawag sa pangalan ko.

"Ilusyon lang din ang pangontra sa ilusyon, buti na lang nakarating kami kaagad."

"Salamat po sa inyo."

Sino sila? Mga Peculiar na naglitas sa'min? Nasaan sila Aya?

Sa pagod... Sa takot... mas pinili kong ipikit na lang yung mga mata ko...


*****


UMAGA. Isang normal na araw ng pagpasok sa eskwela.

"Good morning Jill!" bati sa'kin ni Aya pagkaupo ko sa pwesto ko, tiningnan ko siya, tiningnan ko sila. Parang walang nangyari noong nagdaang gabi. Ang maze. Ang ilusyon. Si Magnus.  "Alam mo ba, ang weird weird ng panaginip ko kagabi! Magkakasama raw  kasi nating hinahanap si Tadeo kups tapos... parang natrap tayo sa maze? Ang gulo talaga, kakalerki." So naging panaginip lang para kay Aya yung mga nangyari?

"Pareho tayo, Aya." Sumulpot bigla si Baldo, "Ganun din yung panaginip ko. Ang gara."  Nagpatuloy sila sa pagdidiskusyon ng parehong panaginip nila,samantala sumenyas sa'kin si Morris na mag-usap kami.

Sa labas, pinaliwanag sa'kin ni Morris yung mga nangyari. May mga Peculiar na nagligtas sa'min kahapon, wala siyang ibang pinaghihinalaan na nagpadala ng tulong kundi si miss Karen, hindi ako naniniwala nung una pero... Nang maalala ko yung nakita ko kagabi, nakumbinsi ko rin yung sarili ko. Isa sa mga tumulong sa'min ay may kakayahang gawing isang panaginip ang isang parte ng pangyayari sa buhay ng isang tao kaya hindi maalala nila Aya na totoo yung mga nangyari.

"Bakit nila ginawang panaginip 'yon?" tanong ko kay Morris.

"Hindi pwedeng malaman ng mga normal na tao katulad nila na may Peculiar. Isa pa... ako na yung mismong nakiusap na gawin 'yon."

"Bakit?"

"Hindi nila maiintindihan."

"Paano nalaman ni miss Karen?"

"Dahil lagi ka niyang binabantayan."

Naguluhan ako, "Bakit?"

Tumitig sa'kin si Morris.

"Jill."

Bubuka pa lang yung bibig niya para magsalita... Nang...

"MEEEEEEN!"  sumulpot sa likuran ni Morris si Tadeo. "I MISSED YOU MEEEEN! YOH JILL! NAMISS KITA!" yumakap siya kay Morris.

"I-ikaw na ba 'yan, Tadeo?" medyo napaatras ako dahil nadala na ko sa nangyari kahapon. Napansin ko na wala yung hikaw sa kanang tainga niya kaya nakampante na ko na si Tadeo na talaga yung kasama ko.

"OO NAMAN JILL! THIS IS MEEEH." Pumasok siya sa loob ng classroom, sumunod kaming dalawa ni Morris, "GUUUUUUYS I MISSED YOU!"  nagulat sila kay Tadeo.

"Tadeo! Anong nangyari sa'yo bakit ka absent kahapon?" tanong ni Baldo, talagang wala rin siyang naalala sa nangyari. "Diba wanted ka sa mga pulis?!"

"Easy lang may men! Ok na, absuwelto na ko hahaha!  Kaya ko absent kahapon, inasikaso ko yun. Salamat sa mahusay na pag-iimbestiga ng mga parak! Wohoo! I am innocent! Sa pogi kong to mukha ba kong drug pusher?"

"Alam mo bang nagcutting kami buong araw para hanapin ka?! Kupal ka!" katulad ng eksena kagabi, pabirong binugbog nila Tamaki, Baldo at Aya si Tadeo.

"Tama na mga men, sorry na huhuhu."

Yung Tadeo na kasama namin kahapon, isang ilusyon, yung pagdating ng pulis, parte rin ng ilusyon ni Magnus. Ewan ko, kagabi lang ulit ako nakaramdam ng ganon, ang maging helpless. Ang makaengkwentro ng ganung klase ng Peculiar, isa na sa pinakanakakatakot na pangyayari sa buong buhay ko.

"Teka, mga men!" kumawala si Tadeo sa kanila, "May kasama 'ko ngayon," lumabas siya, "Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang pagbabalik nimay hinila siya papasok, "STEPHEN! WHOOO!"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro