Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/39/ Dream?



NASAAN ako?

Ang huli kong natatandaan , napapaligiran ako ng mga taong wala sa sarili na nagmistulang buhay na patay, ang unti-unti nilang pagkuyog sa kinaroroonan ko. At.... Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari sa'kin na pakiwari ko'y kanina lang talaga nangyari. Nasaan ako? Hindi kaya... Nakuha na naman ako ng mga Memoire? Madilim na sa labas at liwanag ng buwan ang tumatanglaw mula sa bintana. Lumibot ang paningin ko sa buong silid... Biglang humupa yung kaba na nararamdaman ko nang makita ko na nandito ako sa kwarto ko... Sa loob mismo ng pamamahay ni dad.

Paano ako napunta rito?

Bumaba ako sa kama at dirediretso kong tinungo ang pintuan para lumabas at umalis dito. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si tita Elinor, ang asawa ni dad, ang mommy ni Lily.  Nasurpresa siya nang makita niya ako. 

"Jill, hija, gising ka na pala."

"Nasaan si dad?" tanong ko sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang itsura ni tita Elinor, parang hindi siya tumatanda at kitang kita ang pagkakahawig nila ng anak niya.

"Umalis kanina lang si Richard, ibinilin ka niya sa'kin kapag nagising ka na."

"Anong nangyari? Bakit nandito ako? Paano ako napunta sa kwarto ko? Nasa school ako kanina tapos---" napahinto ako nang makita ko na nakasuot ako ng pantulog, "si manang Fe ba ang nagpalit ng damit sa'kin? Tita Elinor."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa braso, "Jillianne, kailangan kong sundin ang bilin ng daddy mo. May kailangan tayong puntahan." Malumanay na sabi niya at para bang ingat na ingat na baka hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "I hope you understand..." sabi ko na nga.

"Naiintindihan kita tita Elinor, hindi naman ako bingi para hindi kita marinig at hindi maintindihan. Pero I still don't get it. Saan naman tayo pupunta and why should I go with you?"

"Jill, please." Pakiusap niya. Siguro natatakot lang siyang hindi masunod ang pinagagawa sa kanya ni dad kaya ganyan siya. Wala akong nagawa kundi umoo na lang at sumunod sa kanya. Hindi ko nakita si Lily sa loob ng mansyon.

"Where's Lily?" nag-aalangang tanong ko dahil sa pagkakatanda ko kasama siya kanina sa mga nabiktima ng hypnotism ni Perez.

"She's asleep."  Napatango na lang ako sa sagot niya. Ibig sabihin bumalik din sila sa normal? Nasa labas na kami at papasakay na sa kotse nang maalala ko na nakalimutan ko yung bag ko sa kwarto.

"Tita, I forgot my things, kukunin ko lang po sandali sa kwarto." Sabi ko at tumango lang siya. Bumalik ako sa loob at umakyat sa ikalawang palapag, pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung bag ko na nakapatong sa couch. Hindi maiwasang bumalik sa alaala ko yung mga panahong dito pa ako nakatira, yung mga panahong buhay pa si mommy Julia, magkakasama kaming tatlo na masayang nakatira sa malaking bahay na 'to. Sa isang iglap nawala lahat ng maliligayang araw na yon, sa isang iglap naglaho, nagbago. Napalitan ng bagong alaala ang mga luma, mga bagong yugto ng buhay ko, mga malalaking pagbabago, masalimuot, mapapait, malulungkot.

Palabas na sana ko ng dati kong kwarto, na mukhang palagi pa rin nilang nililinis araw-araw, nang makita ko yung picture frame sa side table katabi ng kama, kinuha ko yon at pinagmasdan, ang nag-iisang family picture naming tatlo, musmos pa lang ako nito, hindi man lang ako nakita ni mommy na maging teen ager. Isinilid ko yung frame sa bag ko at lumabas na.

 Hindi ako kaagad bumaba at dumiretso ako sa kwarto ni Lily, sumilip ako at nakita ngang mahimbing siyang natutulog. Lily, may kinalaman ka sa mga nangyayari, sa camera, sa blog, sa lahat. Sooner or later, malalaman ko rin ang lahat. Pati na rin ang dahilan kung bakit ikaw ang pinili niya, ni Morris.

"Let's go." Sabi ko nang makabalik ako sa baba. "Nasaan si Albert?" napansin ko kasi na iba yung driver na nagbukas ng pinto ng kotse.

"He's with your dad." Sagot naman ni tita Elinor at pumasok na kami pareho sa loob. Mas okay sana kung si Albert yung magdadrive para sa'min, matagal ko na siyang hindi nakikita since na pumunta ako rito para sa party. Pasado seven na ng gabi at wala akong idea kung saan kami pupunta ni tita Elinor, may tiwala naman ako kay dad kaya hinayaan ko na lang yung sarili ko na sumama sa kanya. Tahimik sa loob  ng sasakyan, malaki ang agwat ng pwesto namin ni tita Elinor, nasa tabi ako ng bintana habang nakatanaw sa labas.

Kinutuban ako ng hindi maganda nang makaibis na kami ng sasakyan, sa harapan ng isang malaking gusali. Nagsibalikan na naman sa isip ko yung mga alaala, aksidente, isang batang babae, ang sarili ko.

Sentral Hospital


*****


Dr. C. Hideo

"Miss Morie?" nakatitig lang ako sa kanya, sa doktor na kaharap ko ngayon. Mahaba at kulot ang buhok niya, lagpas balikat  iyon, nakasuot siya ng bilog na salamin na kulay blue, balbas sarado, kulang na lang ng sombrero at masasabi kong saktong sakto ang itsura niya para sa description ni  Simoun ng El Filibusterismo.

"Anong ibig sabihin ng C?" bigla ko na lang natanong sa kanya, naalala ko lang ang pangalan ni Caleb Perez na nagsisimula sa letter C. Ngumiti si Dr.Hideo sa'kin. Kanina pa kami rito sa tanggapan ng clinic niya at ngayon lang ako nagsalita. "Ano'ng pangalan mo?"

"Crisostomo. My name is Crisostomo." Automatic din akong napangiti sa sagot niya, Crisostomo Ibarra? Na mukhang Simoun. "My mother was a huge fan of Rizal. Ipinangalan niya sa'kin ang bidang tauhan ng paborito niyang libro." I see.

"Then, where's Maria Clara?" tanong ko, umuusisa. "Don't tell me nasa kumbento siya?"

Ngumiti siya, "Somewhere I can't reach her. But I'll do something in order to get her." Kagaya ng kwento ni Rizal sa nobela niya, katulad din kaya ni Dr.Hideo si Ibarra? Isang binata na may magandang adhikain at bukal na kalooban na nakaranas ng matinding paghihinagpis na di kalauna'y nagising ang isang katauhang may puno ng poot at paghihiganti.

"But she'll die anyway." Naglaho ang ngiti niya sa sinabi ko na tila prediksyon para sa kapalaran kung sino man ang Maria Clara ng buhay niya. Katulad ng nasa libro, bago pa man maligtas ni Simoun si Maria Clara ay huli na ang lahat, namatay na ito sa kumbento.

Tumikhim si Dr. Hideo, senyales na kailangan na naming mag-usap tungkol sa dapat naming pag-usapan, kung bakit nga ba talaga ako nandito. "Miss Morie. I am here, to help you. I'm a sleep specialist."

 "You're a psychiatrist. Nababaliw na 'ko, hindi ba?" iniikot ikot ko sa pagitan ng mga daliri ko yung ballpen na nasa lamesita habang nagsasalita.

"Yes I'm a psychiatrist. No, you're not. Hindi porket dinala ka sa psychiatrist ay nababaliw ka na. Just relax. Meron lang kaunting abnormalities sa sleeping behaviour mo at  nandito ako para kausapin ka, kung ano yung mga nangyayari sa'yo."

"Kaunting abnormalities?" gusto kong tumawa, hindi alam ng taong 'to kung anong klase ng kaabnormalan ang mga nangyayari sa buhay ko. I am Peculiar, for heaven's sake. "You don't know what I've been through, doc. Atsaka hindi lang naman tungkol sa sleeping disorder ko ang kaso rito diba? I'm a freaking psychopath." Without knowing na ako pala yung gumawa ng sariling blog na sumisira sa sarili ko?

"I know, miss Morie. Kaya nga nandito ako para tulungan ka." Gasgas na linya ng mga psychiatrist.

"Wait, paano nalaman ng dad ko ang tungkol dito? Tungkol sa sleep walking ko? Paano?!"

"Calm down, miss Morie." Pakiusap ni Dr.Hideo sa'kin. How can I calm down in this kind of complicated situation? Wala man lang kahit na sino ang makatulong sa'kin noong una palang, I'm really getting tired of these shits in my life, "Can you tell me what you remember bago ka magising?"

"You would not believe."

"Naniniwala ako sa'yo, miss Morie. I need you to tell me so that I could help you." Help? Baka pagalingin kamo. Kahit na alam kong hindi pa rin naman niya ko matutulungan ikinuwento ko pa rin sa kanya ang lahat-lahat ng mga bizarre na pangyayari sa school, yung mga taong nahypnotized na nakapalibot sa'kin at handa akong sunggaban, at pagkatapos nagising na lang ako bigla sa kwarto ko. After that, he just quietly stared at me wala man lang siyang kinomento sa mga kinuwento sa kanya, I told him the truth, now, paano niya ako matutulungan. He asked more questions about me, parang oral interview o personality assessment ang nangyari. Naisawalat ko na ata lahat ng tungkol sa buhay ko, well... except sa pagiging Peculiar ko.

"Yung nangyari sa'yo kanina miss Morie... Ay isang panaginip lang."

"Panaginip?!" What? No! Imposible. Hindi ako naniniwalang panaginip lang yon. "Totoo ang mga nangyari, I am alive and awake during that time, paanong magiging panaginip yon?"

"It was just another of your sleepwalk episodes, miss Morie."

"Kaya ba napadpad ako sa bahay namin ng di ko nalalaman?"

"Yes."

"P-paano? Paano nangyari yon, doc? Paano rin nangyari na ako yung may kagagawan ng blog ng hindi ko nalalaman?"

"May iba't ibang klase ng sleep walking. At iba ang kaso mo, miss Morie. During your sleepwaking episode,  may mga bagay na nagagawa ka na hindi mo naalala kapag nagising ka na. You just need some proper medications to avoid those. Buti na lang at sa ngayon ay wala ka pang nagagawang mas malala compare sa blog site na ikaw pala mismo ang may gawa. Anyway, naaupdate pa ba ang blog na 'yon?"

"No, hindi na. Simula nang malaman ko."

"Then, sabi mo nakakaranas ka ng iba pang panaginip, right? Your mind might manifests different perceptions kaya siguro nakakagawa ka ng iba't ibang mental pictures and sounds. Dreams are close to reality, kung minsan may mga nangyayari na akala mo nangyari pero ang totoo ay parte lang iyon ng naging panaginip mo. "You don't have to worry, miss Morie. You'll be alright."

How I wish.

Pero hindi ko pa rin matanggap na sinabi niyang panaginip lang ang mga nangyari.


*****


"GOOD Morning, Jill!" masayang pagbati sa'kin ni Aya kinabukasan.  "Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo? Namumutla ka ah." Hindi ko magawang magsalita, natatakot ako na makumpirmang panaginip lang yung nangyari sa'kin kahapon. Hindi pa dumadating si Morris.

"Yoh mga men! Morning!" lumapit sa'min si Baldo at Tadeo. "Yoh! Jill!"

"Absent pa rin si Yue?" Kinabahan ako sa mga kinikilos nila,na parang walang nangyari. O ako lang talaga ang nakaalam kasi panaginip lang ang lahat?

"Oo, absent pa rin. Talaga bang magdadrop na siya?"

"Guys. May gusto akong itanong."

"Ano yun, Jill?" tanong ni Aya.

"Anong nangyari kay Caleb Perez?"

"Huh?" hindi ko pinahalatang nagulat ako sa reaksyon nilang tatlo, "Sinong Caleb Perez?" parang sumikip yung dibdib ko. Ibig sabihin totoo yung sinabi ni Dr.Hideo na panaginip lang ang lahat?

"Bagong manliligaw mo ba yun Jill?"

"Ngayon ko lang ata narinig yung pangalan na yun."

"Uy Jill, natuod ka na!"

Nanginginig yung mga kamay ko. Hindi. Imposible. Totoong nangyari yon. Hindi yon panaginip. Malinaw na malinaw sa alala ko yung mga nangyari kahapon. Yung brasong sumunggab sa'kin, hindi ko pa nalilimutan yung amoy ng taong yun, yung mga mata nila, yung mga sinabi nila kay miss Karen. Naalala ko lahat.

"Dreams are close to reality, kung minsan may mga nangyayari na akala mo nangyari pero ang totoo ay parte lang iyon ng naging panaginip mo."

"Uy,andyan na si miss Karen, balik na kami sa pwesto namin ha."

Nagsimula ang klase at normal na normal na ang kilos ng lahat, malayong malayo sa nangyari kahapon. Nakatingin ako kay miss Karen, nagbabakasakaling mabasa niya ang iniisip ko at tumingin siya sa'kin, pero hindi, hindi nangyari. Natapos ang klase niya at lumabas na siya ng home room.

Nasaan ka na ba Morris? Kailangang kailangan kita ngayon.


*****


WALANG nakaalala sa mga nangyari kahapon. Walang nakakakilala kay Caleb Perez. Patunay ba 'yon na tama ang sinabi ni Dr.Hideo, na panaginip lang ang lahat, o isang malagim bangungot? Tumambad sa'kin si manang Fe sa kwarto ko na naglilinis, ngayon ko lang ulit siya nakita at kagaya ng dati hindi ko siya pinansin at tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Jillianne," nasa likuran ko na pala si manang, "ibinilin sa'kin ng papa mo na ipainom sa'yo lahat ng gamot mo." Ibinilin. Ibinilin. Lagi na lang ibinilin. Talaga bang wala na siyang oras para sa'kin? O wala na siyang pakialam sa'kin. Dahil may bago na siyang pamilya ngayon? "Jillianne."

"Iinumin ko, bago ako matulog." Malamig kong sagot sa kanya. Maya-maya nakarinig ako ng mga yabag, lumabas na siya ng apartment. Nakaayos na mesa yung mga gamot na kailangan kong inumin, kinuha ko muna sa cabinet yung vitamins ko na palagi kong iniinom.

Nostaxil Purpprhopen

Plastnox Spaxxaxilth

Neurophilloxhen

Anong klaseng mga gamot 'tong pinapainom ni Dr.Hideo

 Sabay-sabay ko sanang lalagukin lahat ng tabletas nang mapansin kong may nakahulmang letrang 'A' sa mga gamot na binigay ni Dr.Hideo, may nakahulma ring ganung letter sa vitamins ko. Magkaiba sila ng itsura pero magkaparehong may letrang nakaukit.

Tinignan kong mabuti yung vitamins. Tsaka ko lang narealize, Hindi ganito yung vitamins ko.


*****


KAHIT gabi na, pumunta ako ng Sentral Hospital, kahit na hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong doon. Sakto at dumaan siya, wala na akong ibang choice kundi sa kanya humingi ng tulong kahit hindi kami magkakilala.

"Nurse Carol." Tawag ko at napalingon naman siya.

"Oh, miss Morie." Nakahinga ako ng maluwag nang matandaan niya pa kung sino ako. Nang minsang maconfine ulit ako rito at siya yung umasikaso sa'kin.

"May hihingin sana akong pabor sa'yo. Masyado kasing kumplikado yung mga nangyayari."

"Ah... Ano bang maitutulong ko?"

"Heto," inabot ko sa kanya yung vitamins ko na nakalagay sa isang maliit na plastic, "Gusto kong malaman kung anong klaseng gamot yan. Wala naman din akong ibang kakilala rito. Hangga't maaari sana wag mong ipaalam sa iba kahit na kay head nurse Rosalia."

Tumango siya, "Naiintindihan ko, miss Morie."

"Salamat, malaking utang na loo bang tatanawin ko sa'yo."

"Walang anuman, nararamdaman ko kasing sobrang mahalaga sa'yo ng impormasyong kailangan mo."

Ibinigay ko sa kanya yung number ko para in case na malaman nya na ay macontact niya kaagad ako. Nagpasalamat ulit ako sa kanya atsaka umalis, mahirap na, baka makita pa ko ni Dr. Hideo rito.


*****


SINUSUBUKAN naming tawagan si Stephen, pero parepareho kaming bigo dahil hindi talaga siya sumasagot. Isang tipikal na araw, nakatambay kami nila Baldo, Aya, Tadeo at Penelope sa rooftop, nagkataon namang nakatambay din si Tamaki rito. Tinatakot ng Memoire ang pamilya ni Yue... Hindi ko naman pwedeng basta sabihin sa kanila dahil baka madamay sila.

Hindi ko na binanggit sa kanila si Caleb Perez.

"During your sleepwaking episode,  may mga bagay na nagagawa ka na hindi mo naalala kapag nagising ka na."

Sa sinabi ni Dr.Hideo, nabigyan ako ng clue sa mga nangyari. Noong araw na nahipnotismo silang lahat, ako lang ang di nakalanghap ng drug kaya malinaw pa sa alaala ko yung mga nangyari. Nasa ilalim sila ng droga ng mga panahon na yon at nakokontrol sila ni Perez. Katulad ng nangyayari sa'kin noon, tuwing gabi, hindi ko alam na ako na pala yung gumawa ng blog na sa palagay ko ay impluwensya rin ng droga, kaya nga humingi ako ng tulong kay nurse Carol para alamin kung ano yung pinalit sa vitamins ko.

"Jill!" lahat kami napatingin sa humahangos na dumating.

Kahapon ko pa siya hinihintay. Tumayo ako at sasalubungin siya.

"Morris men!"

Tumakbo si Morris papunta sa'kin, at niyakap ako ng mahigpit.

"Jill." Kung may isang tao na nakakaala at nakakakita ng nakaraan, narito na siya ngayon, "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ni Caleb Perez?"

Tumango ako. "Okay lang ako." Mas okay ngayong nasa bisig mo ko.

"Sorry."

Kumawala ako sa kanya.

"Sabihin mo sa'kin, Morris. Hindi 'yon panaginip diba?"

"Hindi, Jill. Hindi 'yon panaginip."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro