/38/ Brainwashed
"STOP following me." Singhal bigla sakin ni Morris, pareho kaming napatigil sa paglalakad kasabay nang pag-ugong ng malakas na bulungan mula sa mga tao sa paligid namin. Great. Kaunti na lang at mauubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. There is definitely something wrong with him. Simula nang dumating siya sa class room kahapon matapos niyang hindi pumasok ng klase. Sasalubungin ko sana siya pero naunahan ako ni Lily. He looked well except his eyes...
"Hindi naman kita susundan kung hindi ka lang parating naglalakad paalis kapag kakausapin kita. Ano bang problema mo?" kinokontrol ko yung boses ko dahil may mga tao lang na nanunuod sa paligid namin, nakarating lang naman kami ng cafeteria dahil sa kaartehan ng lalaking to. I approached him a while ago at heto bigla-bigla na lang siyang umiwas at naglakad palayo. What the hell.
"Wala akong problema. Ikaw, ano bang problema mo?" nainis ako sa pagbalik tanong niya sakin ng tanong ko. Napapikit ako saglit at huminga ng malalim, hindi pa naman sagad ang pasensya ko pero malapit na. Hindi na lang ako nagsalita, hinablot ko yung braso niya at hinila siya sa papalayo ng cafeteria dahil mas mauubos ang pasensya ko sa naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa'min.
"Hey, diba mag-on sila dati?" "Yeah, that was two years ago. Pero nagbreak kaagad sila." "Alam mo ba after nilang magbreak dun naging cold heartbreaker yang si Morie." "Anong issue ngayon sa kanila? Diba may girlfriend na yung guy?" "What's new? Malandi yang heartbreaker na yan. Remember how he broke Matthew's and Errol's heart?"
"Get off!" mas malakas siya kaya napabitaw kagad ako sa braso niya at akma na naman siyang aalis pero hinarangan ko siya.
"Alam naman natin yung issue ngayon diba?! Ano bang nangyayari sa'yo?!" niyuyugyog ko na siya pero tinabig niya lang yung dalawang braso ko. Sinisigawan ko na siya dahil sa sobrang inis, mabuti na lang at dito ko siya sa labas ng building nahila at walang ibang tao ang nakakakita sa'min, huminga ulit ako ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili, walang matutulong ang init ng ulo sa ganitong sitwasyon, "Tungkol kay Caleb Perez, Morris. Alam kong alam mo na hindi siya pangkaraniwang tao, katulad natin siya diba? Kailangan ko ng tulong mo." Pagsususumamo ko sa kanya, saglit lang niya kong tiningnan, walang ka-emoemosyon ang itsura niya, tsaka siya nag-iwas ng tingin.
"Jill, you're being paranoid." Tinapik niya ko at akma na namang aalis pero hinawakan ko siya sa kamay niya, nakatalikod pa rin siya sa'kin. Naisip ko bigla... Kung hindi ba... kung hindi ba nakuha ni Ireneo yung sulat noon... kami pa rin ba hanggang ngayon? Kung hindi ba nangyari 'yon noon... hawak ko pa rin ba yung kamay niya ngayon? Oo, hawak ko nga yung kamay niya ngayon, pero hindi niya naman ako magawang hawakan pabalik. "Please, wag mo na kong guluhin." Sa sinabi niya, binitiwan ko yung kamay niya. Tinitigan ko yung mga mata niya. Wala. Wala akong makita. Wala akong makitang nakaraan. Nasaan na? Nasaan na lahat ng sinabi niya sa'kin noon?
Morris. You. Stupid.
*****
Pabalik na ko ng home room dahil malapit ng matapos yung break. Ubos na halos yung mga students sa pasilyo. Napadaan ako malapit sa comfort room at nakita kong lumabas mula sa ladies room yung limang kaklase kong babae, wala namang problema kaso nakita ko yung mga mata nila, blangko, katulad ng kay Morris, pero nakangisi sila.
"Wait, Trinie-" napatigil ako nang may humawak na basang kamay sa balikat ko, bigla akong kinilabutan. Paglingon ko nakita ko siya na basa. My mind quickly jumped to conclusions. "Miss Karen, anong nangyari sa'yo?" I asked her though ang nasa isip ko kaagad ay yung limang kaklase ko yung may gawa nito sa kanya. She's soaked to the skin for heaven's sake. Are they bullying her now? Wait. No. "Si Caleb Perez ba ang may gawa nito?" I want her to answer yes, but if she did... ano namang magagawa ko?
Hindi niya sinagot ang sinabi ko bagkus ay sinabing, "Bumalik ka na sa classroom, five minutes left before time." Naglakad siya paalis but I stopped her.
"May itinatago pa rin kayo sa'kin ni Morris. How can I even trust you kung hindi ko man alam kung sino ka ba talaga."
She faced me, "You're not obliged to trust me, Jillianne." Then she left me forever astounded.
This is so frustrating.
*****
Nang sumunod na umaga ay mas may naging kakaiba. Malayo pa lang ako sa pintuan ng home room wala pa rin akong naririnig na ingay mula sa loob. This is odd, sa loob loob ko, baka late na ko at nagsisimula na sila ng klase. Bubuksan ko pa lang yung sliding door ng may mapansin akong maliit na puting note na nakadikit doon.
'Act normally. Don't smell the paper.' Walang nakalagay kung kanino galing yung wirdong note na 'to, binulsa ko yon at pagbukas ko ng pinto, nagkaklase na nga sila. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga kaklase ko.
"Sorry I'm late." Sabi ko.
"Please, sit down." Sabi ni Caleb Perez na ubod ng lapad ang ngiti at itinuro ang pwesto ko. Tahimik akong naglakad papunta sa pwesto ko. Magtataka ka sa mga itsura nila, diretsong diretso na nakaupo at hindi kumukurap na nakatingin sa harapan. Pagkaupo ko ay humarap ako kay Aya at pasimpleng tinawag siya, pero parang wala siyang naririnig at seryoso. Tsaka ko lang napansin na may papel na nakalagay sa desk ko. Naalala ko yung note. 'Act normally. Don't smell the paper.' Hindi ko hinawakan yung papel. Luminga linga ako at baka sakaling may isang tao na pwedeng magpaliwanag sa'kin sa mga nangyayari. Pero wala. Wala kahit isa sa kanila. Kahit si Baldo at Tadeo. Pati na rin si Ireneo. At si Morris.
Hindi kaya may kung anong nakalagay sa papel na 'to na kapag naamoy ay... mawawala sa sarili... makokontrol at...
"Okay class, I'm sorry but I need to go early, pinapatawag ako ni mr.Melencio sa principal's office. For now, miss Italia will continue the lesson." Paalam bigla ni Caleb Perez at mabilis na naglaho sa paningin namin. Alam ko hindi pa rin ako nag-iisang nasa wisyo, si miss ang naglagay ng note. She looked at me and mouthed 'don't' dahil kung hindi mapapasailalim na rin ako ng kapangyarihan ng kung ano mang drogang amoy ang nasa papel na 'to.
"Please, open your page on-"
"Why should we follow you?"
"We will not obey a person like you."
"Wala kang kwenta"
"Hindi ka dapat narito"
"Umalis ka na"
Sabay-sabay silang nagsalita na parang robot, mga masasakit na salita ang mga ibinabato sa kanya, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, sa mga sinasabi nila, they're under control...
"Lumayas ka na."
"Wala kang kwenta"
"Lu-ma-yas"
"Lu-ma-yas"
"Lu-ma-yas"
"Lu-ma-yas"
"Lu-ma-yas"
"Lu-ma-yas"
Paulit-ulit na sinabayan pa ng palakpak. Nakakabingi. Pakiramdam ko umiikot yung buong paligid. Ang nangyari kahapon, may purpose iyon. Ibig bang sabihin si miss ang tinatarget ni Caleb Perez? Bakit?
Hindi ako nakatiis at tumayo ako para pahintuin sila.
"Ano ba!" pero wala akong nagawa. Tiningnan ko si miss na walang kareareaksyon at nakatingin lang din siya sa mga estudyante niyang nasa ilalim ng kung anong orasyon. Niyugyog ko si Aya pero tuloy lang siya sa ginagawa niya. Insane. They're all completely under Caleb Perez' spell, then I had no more choice. Tumitig ako sa mga mata ni Aya... Pero... Everythin is... distorted! Hindi ko makita ang future sa mga mata niya. What the hell with this stupid power! Paano ko sila matutulungan?! Tumingin ulit ako kay miss Karen, umiling siya sa'kin na para bang sinasabi na wala akong magagawa. Maya-maya ay lumabas siya ng silid at sabay-sabay na huminto yung mga kaklase ko. Gusto kong ihagis yung table ko.
'Act Normally. Don't smell the paper'
Wala akong magawa kundi mapaupo na lang. At hintaying matapos ang araw na 'to.
*****
Eleven hours passed since I'm with these 'brain dead' buddies. Sa loob ng labing isang oras tiniis ko ang nakamamatay at nakabibinging katahimikan. Para silang mga living corpses na nagkaklase and I am definitely sick of it. Anong dapat kong gawin? Uwian na wala pa rin akong naiisip na paraan kung ano ang dapat na gawin, paulit-ulit na kong napapamura sa isip dahil sa frustration. Nakaupo pa rin sila sa kanya-kanyang upuan, lulubog na ang araw ng hindi man lang kumukurap ang mga mata nila, hindi ko alam kung hanggang kailan sila magkakaganito. Kailangang may gawin ako para iligtas silang lahat. Pero paano?
Tumayo ako at lumabas. Naghanap ako ng iba pang mga tao pero wala na kong makitang mga estudyante. Kahit mga staffs hindi ko rin mahanap. Mas nakakabingi ang katahimikan sa labas, wala akong ibang marinig kundi yung mga yabag ko na umaalingawngaw sa pasilyo. Papunta ako ng principal's office nang marinig ko ang malalakas na yabag mula sa likuran ko. Lumingon ako at laking gulat na makita si Mr.Melencio kasama ang mga school staffs at teachers. Napaatras ako nang makita ang mga mata nila... ominous eyes. Pati rin sila... Tuluyan nang napasailalim sa balaghan.
"Miss Morie, ano'ng ginagawa mo rito sa labas?" mabagal, malalim at nakakatakot na pagkakasabi ni mr.Melencio habang humahakbang sila papalapit sa'kin. At katulad ng sinabi ni Tadeo para silang mga zombie na may kumokontrol sa kani-kanilang utak. Inilabas ni mr. Melencio ang isang bulaklak at kaagad kong tinakpan ang ilong dahil baka maamoy ko yon at mapasailalim din ako sa mahika katulad nila. Tumakbo ako papalayo sa kanila pero pagbaba ko ng lobby, naroon ang iba pang mga estudyante na nasa ilalim din ng kapangyarihan ng hipnotismo. Tatakbo ulit sana ako sa itaas pero naroon na ang iba pa. Napapalibutan nila ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Papalapit na sila sa'kin. Panaginip lang 'to. Panaginip.
May nagtakip na kamay sa mga mata ko. Pamilyar. Pamilyar ang amoy.
"Sshh..."
Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Hanggang sa unti-unti... nawala... nagdilim... naglaho...
*****
[Karen Italia's POV]
"Itigil mo na ang lahat ng 'to, Cairo."
"What a surprise, my sweet Karen."
"You're supposed to be dead. I saw it!"
Ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko, "Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay katotohanan, mahal ko. I didn't die... but my spare."
"Imposible-"
"Your eyes deceived you. My dear brother Pacifico died; the other half of me was the one who died, Karen."
"No."
"Yes." Huminto siya ng halos magkalapit na kami, "Hindi ka ba masaya na buhay pa rin ako? Hindi mo na ba ko mahal?"
"Hindi ako nagmamahal ng halimaw, Cairo." Tinitigan ko siya, pero hindi ko na makita ang dating mga mata na mayroon siya, dating mga mata na minsang pumukaw sa puso ko, mga matang nagpaibig, nanlinlang. "Pero nandito ako ngayon para sumama ulit sa'yo, sa asosasyon. Pero nakikiusap ako na ibalik mo sila sa normal." Tinalikuran niya ko at kinuha sa mesa ang isang puting bulaklak na parang rosas.
"Alam mo bang epektibo ang gamot na nagmumula sa mahiwagang bulaklak na 'to? Natuklasan sa siyensiya na kahit sinong makalanghap ng aroma ng bulaklak ay makokontrol at mahihipnotismo. Naisipan ko lang pag-eksperimentohan ang mga tao sa paaralang 'to kung gano kalakas o katagal ang talab ng gamot. Babalik din sila sa normal 'wag kang mag-alala."
"That ruthless and gluttonous association made that evil's drug. Hindi kayo makatao." Memoire.
"Hindi naman talaga tayo tao, Karen." Hinarap niya ulit ako at hawak-hawak pa rin yung bulaklak, "We're Peculiars. The Memoire aimed to conquer the universe, remember? Salamat kay Dr.Richard dahil nadevelop niya ng husto ang kapangyarihan natin noong mga bata pa lang tayo. More than mind reading, may kakayahan na rin akong gumamit ng mind control, pero sa isang tao lang at the same time. Nasample-an ko lang naman ang nagpapakabayani mong estudyante na si George Morris the postcognist."
"Enough, Cairo. I am already here, alam kong ako yung pakay mo rito, take me to that association now."
"I can read people's mind, Karen. I am afraid that you're not aware that you're not an exception. Kahit anong gawin mo, mababasa't mababasa ko pa rin 'yon. And the good news is... hindi na kita kailangan pa." Sinikap kong huwag magpakita ng kahit anong bahid ng takot pero nabigo ako.
"Wala ka ng kapangyarihan, Karen. Wala na sa'yo ang mga makapangyarihang mata mo. At higit sa lahat... dahil sa dahilang pinoprotektahan mo ang anak ni Dr. Richard Morie."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro