Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/37/ The Enemy is Near



"WHO would like to read the first paragraph?"

"Sir! Ako, sir!"

"Sir Caleb! Ako po, please!"

I rolled my eyes as they all wiggled in their seats. Seriously? Twenty minutes ago since he arrived, then nagkakaganito na agad yung buong klase namin especially girls sa kanya? Parang may kung anong hypnotism siyang ginawa sa kanila na hindi mo matanto or sadyang malakas lang yung charm looks niya. Pero kagaya nga ng hinala ko, may mali sa mga nangyayari. Sumulyap ako kay miss Karen na nasa isang tabi lang at sakto namang napatingin din siya sa'kin, my eyes met her cold eyes, I clearly heard a while ago na 'she's fired' yung sasabihin ni mr. Melencio but when she came biglang nagbago yung sasabihin ni principal, she became an 'assistant homeroom teacher'. Funny, ako lang ba ang nakakapansin na may kakaibang mga nangyayari?

Ako na yung unang umiwas ng tingin kay miss Karen... Is it possible na alam niya kung ano  yung iniisip ko? But... I can't just trust her. Parte siya ng Memoire sigurado ako. I need to find things out first. Napatingin ako sa kaliwa ko. Halatang hindi rin mapalagay si Morris sa kinauupuan nya habang nakatingin kay Caleb Perez.

"Morris." Pabulong kong tawag.

"Bakit?" sagot nya habang nakatingin pa rin ng diretso.

"May favor ako." I cleared my throat and I made sure na walang ibang makakarinig ng sasabihin ko, "You can see the past, right? I can feel your uneasiness, I'm not sure if we're thinking the same thing but... That guy is suspicious."

"I know." Yun lang? Yun lang ang isinagot nya.

I sighed. 

"Would you look at his eyes? I mean... would you look at his past?"

"I'm trying." Mukang iritable na yung boses niya, "But his eyes were covered with those freaking glasses."

"What?" Sabi ko at tumingin sa suot na round eye glasses ni sir Caleb. "Was that a transition glasses? Iyon ba yung nagbablock kung bakit hindi mo makita yung past?" Kaya pala kanina akala ko nakashades sya nang pumasok dito, maliwanag kasi rito sa loob.

"Sort of." Sabi niya at hindi na 'ko nagsalita pa.

"Mr. Morris, right?" My heart almost jumped when he showed up in our front, hindi ko namalayan na nakatayo na pala si sir Caleb sa pagitan namin ni Morris. "Please read the second paragraph." He said while smiling. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Morris na tumayo na pero mukang desidido syang makita yung mga mata ni sir Caleb at nanatili lang syang nakatitig dito, "Mr.Morris." pero mukang bigo pa rin siya. He followed him and after reading the paragraph, nagulat ako nang tumingin sa'kin bigla si sir Caleb at ngumiti. I never wished to see someone's future, pero right now, tulad ni Morris, kung kailan kailangan ko hindi ko naman magamit, his eyes were protected.

Lumipas ang oras at natapos na rin ang klase namin sa kanya. Miss Karen remained silent, para bang naging display lang siya sa classroom dahil hindi naman siya nagturo, why the hell did they made her an assistant adviser? But before sir Caleb leave, he asked us, "Any questions?"

Without hesitations I raised my hand, "Yes?" he glimpsed at the seating arrangement plan "
Ms. Jillianne Morie?"
psh kailangan talagang complete name?

"Who are you? And why are you here?" Natahimik sila at napatingin sa'kin. Saglit na natigilan si sir Caleb pero ngumiti lang siya ng ubod ng lapad.

"I am Caleb Perez, your new homeroom teacher; I'm here because I need to teach literature." Hindi pa rin maalis yung ngiti sa labi niya, "See you tomorrow then." Umalis na siya pati si miss Karen at bumalik na sa normal na kundsiyon yung buong klase.

"Kyaaaah, ang swerte ko ata na nandito ako sa section na 'to." Sabi ni Aya na hindi pa rin nakamove on sa presensiya ni Caleb Perez, hindi ko napansin na nakalapit na sa pwesto namin sila Baldo at Tadeo.

"Umandar na naman ang kalandian mo, babaeng manok."

"Manahimik ka nga kupal. Imagine, sa maraming taong pag-aaral ko rito sa White Knights ngayon lang ako nagkaroon ng teacher na ganun kagwapoooo."

"Aish, ikaw nga yung manahimik ang tinis-tinis ng boses mo nakakairita ka." Bumelat lang si Aya at papatulan pa sana sya ni Tadeo nang humarang sa pagitan nila si Baldo.

"Pag-uuntugin ko kayong dalawa kapag hindi kayo tumigil pareho." Humarap sa'kin si Baldo, seryoso ang mukha, "Hey Jill, alam ko may naaamoy ka ring kakaiba kay sir Caleb, ako rin, hindi maganda yung aura na nakikita ko sa kanya."

"Aura?" I'm relieved na hindi lang kami ni Morris yung nakakaramdam, buti na lang, "Teka, anong ibig mong sabihin sa nakikita mong aura sa kanya?" parang nagulat si Baldo sa tanong ko, hindi niya siguro inaasahan. Well that Aura thing... mukang interesting.

"Ah... Ano... Hindi ba kayo familiar sa tinatawag nilang human aura?" naiilang na sabi ni Baldo at halatang nahihiya siya sa sinasabi niya. Kaagad tumino sila Aya at Tadeo nang marinig yung sinabi ni Baldo. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ng mabuti pero baka magmukha lang akong baliw kapag sinabi ko sa inyo." Hindi kaya... Peculiar din si Baldo?

"Baldy men, sa amin ka pa ba mahihiya? Alam na alam namin kung gaano ka kakupal, kaya sabihin mo kung ano yung dapat mong sabihin. Mas lalo kang nagmumukang tsonggo kapag seryoso, men!"

"Baka hindi niyo maintindihan---"

"Maiintindihan kita, Baldo." I assured him. Huminga ng malalim si Baldo at bumulong sa sarili.

"Tsk, si Caleb Perez ang subject natin dito tapos napunta sa'kin? Nabuking pa ko ng wala sa oras." Napakamot siya sa batok tsaka kami hinarap, "Sige sige, dahil tropa ko naman kayo matatanggap niyo naman siguro ako kahit na ano ako diba. Pero wag dito, doon tayo sa roof top, may mga iba pa tayong dapat pag-usapan na tayo-tayo lang." we all agreed to him. Napag-usapan namin na mamayang lunch break kami pupunta. Nasulyapan ko sa pintuan na lumabas si Morris. Saan kaya siya pupunta? At isa lang ang naisip ko.

Susundan ko sana siya pero dumating na yung next subject teacher namin.

What are you up to, Morris?


*****


[George Morris' POV]

 I skipped class.

Kailangan ko siyang makausap ngayon na. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Takot.  Parehong pareho nang naramdaman ko noong mga panahong tumatakas kami ni ate Georgina sa mga taong gustong gumamit sa'min. Alam na ni Jill ang tungkol sa Memoire pero hindi niya alam kun gaano sila kapanganib at kung gaano kalawak ang impluwensiya nila. Kilala ko si Jill, gagawa at gagawa siya ng paraan at hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang isang bagay. Lalo na ngayong dumating bigla si Caleb Perez, nakita ko na siya noon.

"Oh, Morris, wala ka bang klase? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isang teacher na kakalabas lang ng faculty room, "Oo nga pala, si mr. Perez na yung nagtake over ng klase niyo? Biglaan yung pag announce ni mr.Melencio, maging kami ay nagulat. Oh, pano mauna na 'ko hijo." Tumango na lang ako at nagpaalam kay mam. Pagpihit ko patalikod nakita ko siya na kakalabas lang din ng faculty room, walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha pero alam kong kagaya ko may takot ding namamayani sa kanyang dibdib. Nagpakita ang taong naging piraso ng kanyang nakaraan, alam kong mahirap para sa kanya 'to.

"Sumunod ka sa'kin." I followed her lead.  Pumunta kami sa school garden, walang ibang tao dahil lahat ay nasa kanikaniya nilang klase.

"Are you alright?" I asked her first, though alam ko namang hindi naman talaga siya okay.  Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Yes."sagot niya, "Hindi ko lang maiwasang magulat sa nangyari kanina. Imposible. Matagal na siyang patay. Nakita ng dalawang mata ko Morris, he died. Nangyayari na yung kinatatakutan ko." napuno ng takot at pangamba ang kanyang tinig.

"Anong ibig mong sabihin? Nasa panganib ba tayo nila Jill?" nakita ko, nakita ko na noon sa mga mata ni miss Karen si Caleb Perez.

Umiling siya "Ako ang pakay niya. Pero sigurado ako na may iba pa siyang motibo sa pagpunta rito."

"Paano si Jill?"

"Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Jill, Morris. Kahit anong mangyari hindi niya pwedeng malaman, naiintindihan mo ba? Bukod kay Lucille at sa'kin, ikaw lang ang iba pang nakakaalam ng tungkol sa kung anong mayroon si Jill. Morris, hindi siya pwede makuha ng mga Memoire. Hindi." May nakita akong kung ano sa mga mata niya habang sinasabi 'yon. Magkatulad sila ni ate Georgina.

"Paano kung malaman niya na Peculiar si Jill?"

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon, Morris. Kung kinakailangang sumama na kaagad ako sa kanya, gagawin ko. Wag lang si Jill. Kailangan mong maintindihan yon, Morris."

"S-sasama ka sa kanila?"

"Well... I'm part of them anyway. That's why Caleb Perez is here, to bring me back."

"Kung hindi lang nawala yung sketchpad ni Lucille, hindi sana tayo mahihirapan." Yung sketchpad ni Lucille na naglalaman ng mga larawan na nagpapakita ng hinaharap, hinaharap na nakita niya sa mga panaginip niya gabi-gabi.

"Hindi nawala ang sketchpad, Morris. Someone took it when she died."

"Hawak na kaya ng Memoire yung sketchpad?"

"I don't think so. Kung nasa kanila 'yon, dapat matagal na nilang alam ang tungkol kay Jill at matagal nang gumawa  ng hakbang para kuhanin siya." She's right. "Listen, Morris. We have to protect Jill." Sana nandito si Jill para marinig niya yung mga sinabi ni miss Karen, para malaman niya na may mga taong katulad namin na handing gawin ang lahat para protektahan siya. Kung pwede lang ipaalam sa kanya.

"What should we do now?"

"Kailangang paalalahanan mo yung mga classmate s mo na mag-ingat sila. Tutal ikaw ang pinakamalapit kay Jill, sa'yo ko pinagkakatiwala ang pagpoprotekta sa kanya. Kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko."

"'Wag kang magsalita ng ganyan, miss. Walang mangyayaring masama. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan sila... at si Jill."

Pinabalik na ako ni miss Karen sa klase matapos ng pag-uusap naming dalawa. Pinipilit kong iwaksi ang kaba sa dibdib ko habang naglalakad sa corridor. Kung ano yung iba pang motibo ni Caleb Perez sa klase namin, hindi namin alam ni miss Karen.

"That was so dramatic." Napahinto ako at nagulat nang bigla siyang humarang sa dadaanan ko. Too bad, kami lang ang tao sa corridor. I can't runaway from him. Ito na siguro yung oras para harapin ko siya. "The two of you are that close? I'm jealous." Tumawa siya habang nakapamulsa habang ako naman ay kinuyom ko ang dalawang palad, hinahanda ko lang yung sarili ko.

"Alam ko kung sino ka at kung ano ang tunay mong pagkatao." He laughed again as if he heard the funniest joke in this planet. "You're not Caleb Perez."

"I thought you would never figure out, but I guess I'm wrong." He removed his glasses, "Nakita mo na sigurado ako sa mga mata ni Karen."

"H-how did you-"

"There's a power that runs in your bloodline. Morris clan, a family of postcognists who could see someone's past." His grin widened as I tremble with fear. "It's very unfortunate na kayong dalawa na lang ni Georgina ang natrace namin sa angkan . Oh, speaking of Georgina, have you heard that she's already married to my cousin? Let's call it Peculiar breeding."

"Fvck off!" susuntukin ko siya pero naiwasan niya 'yon dahilan para masubsob ako sa sahig. Napalitan ng galit ang takot. Hindi ko siya mapapatawad sa mga sinabi niya.

"You have to be grateful to us, Morris. We'll save your clan and your dear sister Georgina protected you. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong ng Memoire sa pamilya mo. Why don't you join us instead? We can enhance your power so that you could use it well. Anong sa tingin mo?"

"Stop messing with me! Hindi ako sasama sa inyo!"

"Well, I completely understand why you're so upset. Anyway, hindi naman talaga ikaw ang pakay ko rito, so I'm not that bothered."

"What do you want?" tumayo ako.

"I assume that you already knew the reason. I need to brick back my sweet Karen to the association, they demand her power badly. They crave for the future...But... this school is fun, kaya pala parang nag-eenjoy magtago rito si Karen, I'm kinda bored, so I want to play around. Your stupid class is very lucky."

"Subukan mo lang na gumawa ng masama or else---"

"Or else what? Your power is useless, in other word... powerless. You can't fight me. Naisip kong sa klase niyo gawin ang eksperimento."

"Eksperimento? Hindi kami hayop para pag eksperimentuhan!"

"Humans are animals; they are classified in the Mammalia class. We're just too lucky since we were born uniquely, or in a peculiar way, we may be categorized as super humans. Peculiar people like us are beyond ordinary.  Isn't that amazing?"

"Shut up. I'll do everything to stop you."

"How pathetic." Lumapit siya sa'kin at bumulong, "Ano ng gagawin mo ngayon Morris? Ngayong alam mo na kung ano ang misyon ko rito. Sasabihin mo sa kanilang lahat ang nalalaman mo para iligtas sila? Go ahead. Let's just see kung maniniwala sila sa'yo. In this world, our kind does not exist; ordinary humans are too ignorant to know the truth about this universe." He strangled me, I tried to escape but it's too late when his eyes..."You underestimated my power."

...turned to blue.


*****


[Jill Morie's POV]


"Hindi ko pa rin alam kung paano ko ipapaliwanag ng mabuti sa inyo kung ano yung human aura." Tapos na kaming kumain ng lunch at inuubos na lang naming apat yung oras dito sa roof deck, kakamot-kamot pa rin si Baldo nang pilitin siya ni Tadeo sabihin sa'min yung sasabihin niya kanina.

"Alam namin yon, yun yung parang bumabalot na kulay sa tao diba? Tapos nalalaman mo yung mood nung tao?" sabi naman ni Aya na interesado rin sa subject na pinag-uusapan namin.

"Oo, ganun nga. Hindi lahat ng tao kayang makakita ng kulay na bumabalot sa kapwa niya tao. Sa kaso ko, hindi ko na maalala kung kailan pa ko nagsimulang makakita ng aura pero parang normal na lang sa'kin yon ngayon."

"Hindi naman kaya may psychic powers ka, men?"

"Adik, wala akong psychic powers, ang alam ko lang parang bahagi lang 'to ng tinatawag nilang sixth sense ng isang tao. Kumbaga lahat naman tayo psychic, pero hindi lang lahat ganun kabukas. Pero naniniwala pa rin ako na lahat may kanya-kanyang tinatagong kakayahang hindi normal."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" umasim lang yung muka ni Baldo nang tumawa sila Aya at Tadeo dahil sa mga sinabi niya. Napangiti lang ako, open minded si Baldo sa mga ganitong usapan, kung sakali kayang malaman niya yung tungkol sa mga mata ko, maniniwala kaya siya?

"Oy! Pinagtatawanan niyo sa mga sinasabi ko! Mga kupal! Ayoko na!" magwowalk out siya pero humarang si Tadeo na tawa pa rin ng tawa.

"Joke lang men! Eto naman! Nakakatawa lang kasi ang seryoso mo pa habang sinasabi yon."

"Kaya nga Baldo! Muka ka talagang tsonggo! HAHAHAHA." Nag-apir pa sila ni Tadeo at first time atang nagkasundo sa isang bagay. "Joke lang. Mwahaha. Ano naman yung tungkol kay papa Caleb?"

"Hindi ko gusto yung aura niya." Sumeryoso na naman yung itsura ni Baldo at inaalala yung kung ano mang klase yung nakita nyang aura kay Caleb Perez, "Kadalasan mababasa mo ang isang tao kapag nakita mo ang kulay ng aura niya, pero yung sa Caleb Perez na yun kasi... ang labo eh."

"Malabo?"

"Paiba-iba siya ng aura. Dilaw na magiging pula na magiging violet na magiging itim tapos magiging puti. Ang gulo diba!" How cool was that?

"Which means... na masama yun? Ganon?"

"Oo. Tsaka isa pa... Diba nakita niyo kami ni Tadeo kanina na nagkakandapa-dapa sa pagpasok sa loob ng room? May nakita kasi kami."

"Ano? Multo?"

"Baliw, babaeng manok! Lemme explain this men. Gumagala-gala pa kasi kami ni Baldy sa campus dahil hindi pa naman time. Malapit kami dun sa tapat ng principal's office, natanaw namin ni Baldy na parang nag-aargumento si Caleb Perez tsaka si Melencio men. Pagkatapos, ibinaba ni Perez yung salamin niya at nagtitigan lang sila ni Melencio! Ayun! Voila! Parang zombie na naglalakad si principal papunta sa room natin." Paliwanag ni Tadeo at kaagad dumugtong sa pagkukwento si Baldo, "Ang totoong dahilan kung bakit kami napatakbo ni Tadeo..." nagkatinginan pa silang dalawa bago humarap samin ni Aya, "Nung binaba kasi ni Caleb Perez yung salamin niya, may kumislap sa mga mata niya."

Mga five seconds na natahimik kaming apat. Nakanganga lang si Aya at ako naman ay nanatili lang na di nagsasalita, "Baka naman nakacontact lense?" sabi ni Aya.

"Baliw! Nakasalamin na nga nakacontacts pa? Yang utak mo gamitin mo nga!"

"Aray Baldo ha! Aray!"

"Hep! Hep! I, therefore, conclude that! Gumamit ng hypnotism powers si Caleb Perez para kontrolin si principal. Diba!"

"Ang abnormal mo Tadeo. Sinong maniniwala sa conclusion mo? Hypnotism? I, therefore, conclude na mongoloid ka!"

"Guys, hey, stop that." Inawat ko muna sila at nakuha ko naman yung attention dahil kanina pa ko tahimik dito, "I know It's hard to believe na hypnotism nga yung ginawa ni Caleb Perez." Peculiar siya, katulad ko siya na may ibang klaseng kakayahan, naniniwala ako sa conclusion ni Tadeo, pero hindi iyon kaagad maiintindihan ng iba. Lalabas lang na absurdity ang lahat.  "Baldo, sigurado ba talaga kayo sa nakita niyo?"

"Oo naman, Jill. Cross my heart."

Nakahinga ako ng maluwag, at least unti-unti nang nakukumpirma ang mga hinala ko, "The moment pa lang na pumasok sila sa loob ng classroom, alam kong may mali na sa mga nangyayari. I am glad na hindi lang ako yung nakapansin ng mali, even Morris, at kayo Baldo. Kung totoo man ang conclusion ni Tadeo, wala tayong pruweba, wala tayong laban kay Caleb Perez."

"Teka, teka, teka, Jill." Awat ni Aya, "Sabihin na lang natin na tama nga ang assumptions niyo, eh ano naman yung dahilan kung bakit siya nandito sa school natin?"

Iyon nga rin ang iniisip ko, kung ano ang kailangan niya, kung parte nga ba talaga siya ng Memoire at ako ang hinahanap niya? Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na lang sa kanila ang tungkol doon. Hindi nila maiintindihan.

"Iyon ang kailangan nating malaman bago pa may mangyaring masama." Sabi ko. "Kailangan nating mag-ingat para sigurado. Para mas ligtas, hindi dapat tayo tumitig ng diretso sa mga mata niya."

"Kung hindi magiging zombie rin tayo men!"

"Baliw kang kupal ka! Mga conclusion mo!"

"Hindi ba nating pwedeng sabihin sa iba?"

Umiling ako, "Hindi Baldo, baka isipin lang nila na nasisiraan lang tayo ng ulo. Sa ngayon, sa ating apat lang muna."

"Kung humingi kaya tayo ng tulong kay miss Karen?" hindi ko gusto yung suggestion ni Baldo, "Baka may maitulong siya, nakita niyo rin naman kanina yung reaction niya kay Caleb Perez."

"I'm sorry Baldo... Pero, hindi ganon kalaki ang tiwala ko sa kanya." Sabi ko na ikinagulat nilang tatlo.

"Hah? Bakit Jill? Mas tumibay nga yung tiwala ko sa kanya matapos ng lahat ng mga nangyari sa recollection eh." React ni Tadeo na sinundan pa ni Aya.

"Oo nga, kahit na muntik muntikan niya na kong mapatay sa sobrang kaba! May nangyari ba Jill?"

"Wala naman... Hangga't nanatiling misteryoso ang pagkatao niya, hindi ko muna siya pagkakatiwalaan. Baka hindi natin alam, kasabwat pala siya ni Caleb Perez." Palusot ko at napatango na lang sila

"Ibig bang sabihin nito... mag-iimbestiga na tayo?" excited na tanong ni Tadeo.

"Yes. Pero hindi lang sa kanilang dalawa."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Stephen pa."

Saktong pagkasabi ko ng pangalan na yan ay biglang dumating si Penelope, hingal na hingal at halatang galing sa pagtakbo.

"Penpen!"

"M-may hindi magandang balita..." hinihingal na sabi niya. Napatayo kaming apat sa pagkakaupo. "Si Stephen kasi... Magdadrop na ng school."

Pareparehas kaming nagulat. Bakit?


*****


"Tao po?!" nakailang sigaw na kami sa harapan ng bahay nila Yue pero wala pa ring sumasagot o sumisilip man lang mula sa loob. Nang malaman namin ang balita kay Penelope hindi kami nagdalawang isip na pumunta rito matapos ang klase.

"Tsk, sasakalin ko yang si Yue kapag nalaman kong nanloloko yan." Sabi ni Baldo na inip na inip na, mag-iisang oras na ata kaming nakatayo rito sa harapan pero wala pa rin.

"Hindi siya nagbibiro Baldo, nagtext siya mismo sa'kin." Nag-aalalang wika ni Penelope.

"Yung totoo mga men, akala ko magiging okay na ang lahat pagkatapos ng putapeteng recollection kung ano-ano na namang kabaliwan yung nangyayari sa'tin." Akala ko rin Tadeo. Akala ko tapos na ang mga problema pagkatapos, pero mas lumalala pa ata yung mga kinahaharap ko ngayon. Hindi na nagpakita si Stephen magmula ng matapos ang recollection, at nakakagulat na marinig ang balitang magdadrop na siya ng White Knights. Sa anong dahilan?

Nabuhayan kami ng loob ng lumabas ang isang babae na mas matanda sa'min ng mga pitong taon, ate siguro ni Stephen. Lumabas siya ng gate at hinarap kami.

"Kayo ba yung mga kaibigan ni Stephen?"

"Opo."

"Pasensya na kayo. Pero... Pinapasabi ni Stephen na... wag na raw kayong babalik dito kahit kailan. Nasa mahirap na sitwasyon ngayon ang pamilya namin, lalo na ang kapatid ko... kaya pakiusap..."

"Teka lang po." Hindi na namin siya nahabol dahil kaagad din siyang pumasok sa loob.

 "Hoy Stephen! Lumabas ka dyan!" sigaw  ni Baldo at sa sobrang inis ay sinipa na lang yung basurahan.

Nabigo kami sa pagtawag sa kanya at wala kaming ibang nagawa kundi umuwi na lang. Hindi ako makapaniwala. Tahimik kami habang naglalakad, kanya-kanya kami ng iniisip. Walang kumikibo. Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko, dahil siguro sa kalutangan nila hindi nila napansin na naiwanan nila ko sa paglalakad.

*calling...Stephen*

Kaagad ko yong sinagot.

"Stephen!"

"Jill. Sorry. Wala na kong ibang magagawa. Ayokong madamay kayo. Ayokong madamay ang pamilya ko. Takot na takot ako sa kanila, Jill. Gusto ko kayong protektahan lahat. Mag-iingat kayo."

"Teka Stephen, sino? Sino sila?"

"M-memoire...*toooooot*"

Nabitawan ko... yung cellphone ko


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro