Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/32/Truth or Die?


"PENELOPE."

"Bakit Jill?"

"Umm... Anong oras na?"

She glanced at her wristwatch.

"8:50. Thank goodness gumagana pa yung relo ko after nating magsplash kanina sa falls."

"Buti na lang. Sige, thanks." Bumalik ulit ako sa kinuupuan ko. Kalahating oras na ang nakalilipas pero hindi pa rin nakakabalik si Aya rito. Kaya naman kanya-kanya lang sila ng ginagawa rito sa common room, pinapatay ang oras while waiting for Miss Karen's next orders. Kanina ko pa nahahalata yung dalawa kong kaklase na para bang hindi mapakali at gustong lumapit sa'kin, I can feel their gazes beside me.

"Jill." Si Baldo, umupo siya sa tabi ko.

"Oh?"

"Kanina pa yung dalawa na  yun oh, si Celine at Trinie." Tinuro niya yung dalawa, "hindi rin ako mapakali sa kanila eh, ako lalapit dyan." Tatayo siya at akmang lalapit doon pero hinila ko sya pabalik sa upuan.

"Wag, hayaan mo sila, lalapit din yan mamaya." Sabi ko.

Tumango lang si Baldo, "Sige, punta lang ako kila Morris at Tadeo." Paalam niya tsaka umalis sa tabi ko. At tama nga ko dahil pagkaalis ni Baldo ay lumapit na silang dalawa sa harapan ko.

"Umm... Morie." Celine said, "Thank you nga pala."

"Para saan?"

"Kanina, sa sinabi mo kay Miss Karen."

Ah. Yung sa dinner.

"Tsaka gusto naming magsorry."  Sabi naman nung Trinie.

"Magsorry?"

"Mas pinili pa rin namin si Ireneo kaysa sa'yo."

"Sorry talaga."

I can feel their sincerity that made me speechless. Pero... hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi nilang dalawa sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. Hindi ko naman ginawa 'yon para magsorry sila.

"Wala 'yon." Tanging lumabas sa bibig ko at binaling ang tingin sa ibaba. Umalis na silang dalawa sa harapan ko pero hindi lang pala sila yung may gustong lumapit sa'kin. Nagulat ako nang makita sila at marinig na nagpasalamat at humingi ng sorry. Mas lalo akong naging speechless  sa mga nangyayari.

"Jill." This time si Alexi Sabina naman ang nasa tabi ko, tumingin ako sa gawi niya pero siya naman ay nakatingin lang ng diretso sa unahan. Ok lang,  nang hindi ko makita ang mga mata niya na minsan ko nang nakita noon.

"Hmm?" tumingin din ako sa harapan kagaya niya.

"Alam mo kung gano ko nabully after lumabas yung photos sa freedom board."

"Alam ko."

"Mas pinili kita kaysa kay Ireneo dahil gusto kong magpasalamat. Sa mga sinabi mo sa'kin noon... Nawala lahat ng mga tinuturing kong kaibigan. Walang tumayo para sa'kin..."

"Mali ka."

Napahinto siya, "Sa kabila ng lahat, may isang tao pa rin ang laging nandyan para sa'yo. Si Baldo." Ramdam ko na tumingin siya sa'kin,  ,"ginagawa niya ang lahat para sa'yo, pero masyado ka kasing naging bulag. Kaya wag ka sa'king magpasalamat, kundi sa kanya."

"Hoy, narinig ko yung pangalan ko." biglang sumulpot si Baldo mula sa kung saan, nagulat siya nang makita na katabi ko si Sabina, "Lexi..."

"Oh, pano, Baldo, ikaw na bahala dyan," tumayo ako tapos siya yung pinaupo ko sa pwesto ko.

"A-ano Jill?"

Tinapik ko siya sa balikayt tsaka ko ngumiti at umalis sa pwesto nila, silang dalawa ang dapat na may pag-usapan. Pupunta sana ko sa pwesto nila Penelope pero bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

"Masaya ka ba?"

Matangkad si Ireneo kaya hindi ko siya tiningala, pero mukhang ayaw niya kong palampasin dahil sa mga nangyari kanina. Narinig at nakita naman siguro niya kanina yung mga pinagsasabi sa'kin ng mga iba naming kaklase sa'kin.

"Baka nakakalimutan mo yung mga nangyari noon, Morie."

"Tumigil ka na, James." May pumagitna sa'ming dalawa, napatingala na 'ko, si Morris.

"Woa, look who's here." Ireneo laughed, "Hey, Tamaki! Your best pal is here, the best pal who betray..."

"SHUT UP! WALA KANG ALAM JAMES!" pumuno ang sigaw ni Morris sa loob ng buong silid, lahat nakatingin sa'ming tatlo. Alam ko na patutunguhan ng usapan na 'to kaya hinawakan ko sa braso si Morris para awatin siya

"Morris, please."

"Men, wag mo na patulan yung kabaliwan niyan." Lumapit na rin  pala si Tadeo para awatin si Morris, "tara na men." Hinila niya na palayo si  Morris habang naiwan kaming dalawa ni Ireneo, magkaharap sa isa't isa. Hindi niya na suot yung salamin niya, tumilapon ata matapos siyang sugurin ni Tamaki kanina.

"Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa mata ko, Morie." Nang-aasar na sabi niya nang maiwan kaming dalawa na magkaharap.

"Wag mong sukatin ang pasensya ko, James."

"Now, you're calling me James." He started to walk around me, "Baka nakakalimutan niyo yung nangyari that this girl made her best friend to suicide." Tiningnan ko sila, natahimik at nakayuko. Mas lalong humihigpit ang pagkuyom ng dalawa kong palad. Haharapin at sasagutin ko na sana siya nang bigla ulit lumiwanag ang screen at ipinakita si Miss Karen. Nabaling tuloy ang lahat ng atensyon sa screen dahil kapansin-pansin ang kakaibang ngiti niya sa'min.

"We're finally at the last part of this game, but before we begin, let's have a recap." Para siyang nagho-host ng isang tv show, or let's say para talagang tv show dahil biglang nagflash sa screen yung mga nangyari kanina, at katulad nga ng mga nasa tv program, nagnanarrate siya habang ipinapakita yung mga video clips, "Six pm, when we started the game, all of you took the exam and Ireneo got the highest score while Morie got the lowest.  Namili ang buong klase sa pagitan nilang dalawa kung sino ang ililigtas, team one have twenty-nine members while team two have only nine. In the end, team one got here first but due to their defiance over the rule, team two won. Team two continued the game by crossing over the 'spider-web', fortunately, Mariah and Morie was the first pair to complete the task.  The fourth round between Morie and Mariah was a puzzle question, the latter correctly answered and she finally came here for the final round of this survival game."

Nawala yung video clips ng recap at muli siyang lumitaw sa screen, nakangiti siya pero hindi ang mga mata. Naririnig ko na yung mga bulung-bulungan sa paligid ko, punumpuno ng pagtataka at katulirohan, kung ano ang mga mangyayari. Parang walang komosyon na nangyari kanina lang.

"Now, I want to present to you the survivor finalist, Mariah Elise Martinez." Then the camera cut in another shot.

What the hell...

"Aya!"

Pare-pareho kaming nagulat sa nakita nang sumindi ang isang liwanag sa kinaroroonan nila Miss, sa isang upuan nakaupo si Aya at walang anumang bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha.

"Umm... Miss Karen, akala ko po ba makikita ko rito yung prize ko?"

"I'm sorry Mariah, pero wala rito ang premyo mo," Umupo si Miss Karen sa upuan na kaharap ni Mariah, there are camera all over, the view is changing whoever it focused on.

"P-po?"

"Nasa common room ang regalo mo."

"Eh... Ano pong ginagawa natin dito, Miss?"

"To play the last game. I am your last opponent."

Naramdaman kong humawak sa braso ko ang malamig na kamay ni Penelope. Nasa tabi ko na rin sila Yue at Baldo, hindi sila nagsasalita pero alam kong nakukutuban din nila kagaya ko na may hindi na naman tama sa mga mangyayari. Tahimik lang na nanunuod yung iba but deep inside they're hoping na matapos na ang  lahat ng laro ni Miss Karen. Gusto ko na rin matapos ang lahat ng to para mabunyag na ang lahat ng misteryo sa kabila ng lahat.

"Napakadali lang naman ng laro Mariah, mas madali kumpara sa mga nauna. You just have to draw a card, kapag nahulaan ko, I won, kapag hindi, you won. But of course, we have to face the consequences whatever might happen." Pagkatapos ay inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang isang deck ng playing cards, she spread it using her right hand. Kampanteng kampante ang mukha ni Miss Karen, na para bang sinasabi ng mukha niya na kayang kaya niyang hulaan yung barahang mabubunot ni Aya.

"A-ano yung magiging consequence, Miss?" Aya's voice is shaking as if she's going to die... Mas humigpit yung hawak sa'kin ni Penelope, whispering Aya's name, I hold her cold hands to make her at ease.

"Don't worry, Penelope, she'll be fine. Just trust her." She nodded,

Binalik ko ulit yung tingin sa screen, this time may kinuha si Miss Karen mula sa bulsa niya, parang isang maliit na remote na may isang button, she smiled devilishly  before she answer.

"Truth or Die." Right after na pagkasabi niya ng mga salitang 'yon ay halos mapasigaw sa gulat ang buong klase namin.

"Men! Sabi sa inyo, death bell 'to! Death bell!"

"Tadeo, wag kang magpanic, m-malay mo n-nagbibiro lang si m-Miss K-karen!" Penelope cried out.

"Hindi siya nagbibiro Penpen, kilala mo si Miss." Sabi ni Yue.

Halos manlaki ang mga mata ni Aya sa sinabi ni Miss, she can't normally breath, but she chose to be brave in this moment, halatang nilalaban niya yung takot, "A-anong ibig mong sabihin sa die... Miss Karen?" galit na tanong niya.

"You see this?" ipinakita ni Miss yung remote na inilabas niya kanina, "One press everything's going to be a mess."

"H-ha?"

"The present of yours in the common room...... is a bomb."

After telling the word 'bomb' everyone began to manic panic. Bigla silang lahat pumunta sa pintuan para lumabas pero hindi nila iyon mabuksan, the room was filled with shouts and cries, but I remained calm. Miss Karen, why do you need to go far? Why are you doing this?

"Everyone! Don't panic! We're not going to die! Naiintindihan niyo?!" Ireneo yelled, mabuti na lang at sumunod naman sila, kahit na napuno ng takot ang mga saloobin ay tumahimik sila at muling humarap sa screen.

"If I guessed the card correct, it means that you have to choose, Mariah, you have to choose either 'truth' or 'die'. If you didn't choose to tell the truth, I'm going to press this button... and... kaboom!"

Parang nawalan na ng tuluyan ng hininga si Aya nang sabihin iyon ni Miss. I get it, the bomb thing... ginamit lang yun ni ,iss para mapilit si Aya na piliin ang 'Truth'. Pero... paano kung... paano kung hindi piliin 'yon ni Aya? Paano kung hindi kaya ni Aya na sabihin ang totoo? Then she'll press the button? I don't think that Miss Karen could really do this... I mean... she won't kill her students. I remember her first day in teaching, she taught about 'life'. Kahit na ipinamukha niya sa'min noon na may kumpitensya sa buhay at puno ng hindi pagkakapantay-pantay, I think she value the 'life' in this world... There's no way she could kill...

"Baldo, tulungan niyo ko." sabi ko.

"Na ano?" kinakabahan na rin yung boses niya, probably dahil sa nangyayari ngayon, sinong hindi kakabahan?

"Na hanapin yung bomba." We searched all over the room habang pinakikinggan yung mga nangyayari, tumulong sa paghahanap yung iba naming mga kaklase.

"I-ito ata." They found a shoe-box sized box na nakatago sa likuran ng isang trash can. Nanginginig na binuksan nila yung takip at tumambad sa'min ang isang time bomb. Muntik na naman silang magpanic nang makita ito pero sinabi ko sa kanila na wag silang mag-alala masyado, nothing will be resolved by panicking.

"You have to tell me everything!" then I faced Morris, na nasa tabi ko kanina pa, "Bakit siya?! Bakit si Aya?!"

"Yoh, Jill, sinabi mong kumalma kami tapos ngayon ikaw 'tong hindi kalmado. Chill! Wag kang masyadong magalit kay Morris, men." Tadeo stood between us.

"Mariah, please pick a card." Bumalik lahat ng atensyon namin sa screen, pumipili na ng baraha si Aya... Then she picked..... Nanginginig ang mga kamay niya.... "Very well... Then..."

"You picked... the... Queen of clubs."  Aya was shocked. Kung ganon tama si ,iss Karen? Paano? "Am I right? Queen of clubs, right? Please show me your card, Mariah."

Binitawan ni Aya yung baraha sa mesa at himalang tama nga ang hula ni ,iss Karen. Everyone in the class was shocked too, they can't believe that she got it correctly. No, hindi 'to himala. It's either may pandarayang ginawa si Miss or... she's not normal... Ang ibig kong sabihin... hindi kaya... katulad ko siya? Which I suspect from the very moment na nakipag-usap siya sa'kin sa counseling room. Konektado ba 'yon sa kung bakit wala akong nakikita na kahit anong hinaharap sa mga mata niya?

"So, paano na yan, Mariah, I won." She said, smiling, "You have to face the consequences now... Marami akong itatanong sa'yo, then you have to choose: 'truth or die'? When you failed to answer the truth, as I've said earlier: 'One press everything's going to be mess'. Hindi ko na patatagalin pa ang mga tanong, they're waiting you know," itinuro pa ni Miss ang direksyon  namin sa camera. "I know that they're really excited."

"She won't choose to die." Sabi ni Penelope. "She won't."

"Alam mo bang sinadya ko lahat ng puzzles na 'yon, especially for you. First question Mariah, t paano mo natutunan ang lahat ng puzzles na ibinigay ko. Truth or Die?"

She's cruel... Making her student to choose between the truth and death, this is so cruel. But we need to know the truth... Hindi ko talaga maintindihan bakit sa dinami rami namin sa klase si Aya pa.

"Mariah, I repeat truth... or die?" she raised the remote, "kapag hindi ka sumagot within five seconds, automatically..."

"Truth! Ok, truth"

"Very well... "

"Natutunan ko lahat ng 'yan noong huling taon ng junior high, two years ago. Si... Lucille.... Siya ang nagturo sa'kin lahat ng puzzles na 'yan."

What? Si Lucille? Wala akong naalala na naging malapit sila sa isa't isa. Lucille is my very best friend, lagi siyang nag-oopen sa'kin pero sigurado akong wala siyang binanggit sa'kin na kahit anong tungkol kay Aya.

"Jill." Si Morris, "I promise I'll explain... pagkatapos lahat ng 'to, magpapaliwanag ako sa'yo... Whatever youl see, ipapaliwanag ko sa'yo pagkatapos." He held my hand then he closed his eyes. Hindi ko siya maintindihan at first, then images flashed in my mind. A-ano 'tong nakikita ko?

"Hi Aya."*

"Aya?"

"Mas bagay na tawagin kang Aya than Mariah, mas bagay sa'yo kasi you're so cute."

"Wow, dapat ako rin may nickname sa'yo, Lucille, umm... aha! Lucy!"

Pinilit kong bumitaw kay Morris pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin, he opened his eyes tapos nawala lahat ng visions sa isip ko. What the hell was that?

"Don't tell me..."

"It's the past."

"Paano?"

"Sabi ko, I promise I'll explain pagkatapos ng lahat ng 'to." Nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya, kaya napahinga na lang ako ng malalim. Ever since na kapag tumitingin ako sa mga mata ni Morris, wala akong ibang makita kundi nakaraan, matagal ko ng iniisip kung... kung pareho ba kami... Kung...

"That's correct. "

Medyo naging maayos na yung mood ng iba naming mga kaklase kahit papaano naman ay kumalma na sila at nakatutok sa screen. Planado ang lahat ng 'to. Planado kung bakit siya ang naroon ngayon. And there's definitely a significant reason behind this.

"Now... Sinabi mo na si Lucille ang nagturo sa'yo ng mga codes at puzzles na 'yon, I bet that they're all uth oconfused kung paano kayo nagkaroon ng relasyon sa isa't isa ni Lucille. How did you meet each other? Truth or die?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Aya, punumpuno ng takot? Pagkabigla? Ang mga mata niya na nakatingin kay Miss Karen, nanginginig at para bang ayaw niyang ibuka ang bibig.

"Truth?... Or Die?" ulit ni Miss.

"Bakit... Bakit mo tinatanong sa'kin lahat ng 'to? Ano'ng gusto mong mangyari?" her voice are trembling, she's about to cry pero pinipilit niyang huwag iyon tumulo. Bakit nga ba? Bakit si Aya?  

"You are not allowed to ask a question when I'm asking you, or else I'll press this button..." she warned her in a cold manner, "tell me the truth."

Aya smirked, "Pinlano niyo 'to no? Pinlano niyong dalawa ni Morris na iset up ako rito?"

"Don't test me, Mariah." she was about to press the button but Aya cut her.

"Nakilala ko siya noong mga panahong puno ng kadiliman ang buhay ko. Ang hindi niyo alam," yumuko siya habang nagsasalita, "nakaranas ako ng matinding pambubully mula sa mga kaklase ko dati. Walang nagtakang tumulong kahit na isa,walang saklolong dumating na para sa'kin."

"Hahahahahahahahahahahahahaha." 

"Hey, may alam akong magandang hairstyle, try natin sa'yo."  

 "Buhos nyo na lahat!" 

"Boom! Three points!" 

"Mariah is a certified loser." *

Mas hinawakan ni Morris nang taimtim  ang braso ko at tila nagpadala iyon ng mga imahe sa aking isip at nakita ang mga larawang gumagalaw na nagpapakita ng eksaktong pangyayari na isinasalaysay ni Aya.

No. I want this to stop but I can't, as long as hawak ako ni Morris hindi nawawala sa utak ko yung mga imaheng gumagalaw... Then the scene changed into a gloomy rainy afternoon.

 "Umuulan. Palakad-lakad ako sa grounds nang maramdaman kong may sumilong pala sa'kin. Nakita ko siya. Ang tanging tao na nagbigay liwanag sa madilim kong mundo....Sikat pala siya sa white knights, kaya pinangarap kong maging kaibigan siya balang araw, kahit na malayo ang pagitan naming dalawa, mas pinagbutihan ko ang pag-aaral para makapagtransfer. Pero kahit na nakasama na ko sa block niya, hindi ko pa rin siya malapitan."

Huminto si Aya at dahan-dahan dumiretso na ng tingin, luhaan ang mga mata, basag ang tinig at nanginginig ang boses.

"Dahil kahit kailan hindi niya ko makikita, hindi magiging ako si Jill Morie. Hindi ako magiging katulad niya kahit kailan.."

I gaped.

"Naiinggit ako sa kanila ni Morris dahil ang lapit nila sa isa't isa" mapakla siyang tumawa, hindi ko alam na nanginginig na rin pala ang dalawang binti ko at para bang ibang iba na Aya yung napapanuod ko ngayon, hindi, hindi si Aya 'to, gusto kong isipin na hindi siya 'to, "Walang nakakapansin sa'kin kahit isa."

"So it's you. You're the one who put that letter under her desk."

"Oo. Ako." Nag-iba ang kanyang tinig, naging matigas, mapait. Kumurba ang isang mapait na ngiti sa labi, maya-maya'y naging maasik, parang halimaw na may kumawala sa kalooban, hindi, hindi si Aya 'to, hindi ito ang kilala kong Aya.

"Morieee, good morniiiiing! Kumain ka na baaaa? Sabay tayong maglunch, pleaaaase. Say hi to the camera! Kyaaaaah, Morieeee."

"Ako ang naglagay ng pekeng sulat sa ilalim ng desk niya."

Hindi ako, kaming lahat, lalo na si Ireneo, gulat na gulat sa sinabi niya. Hindi maaari, bakit Aya? Bakit?!

"Ginawa ko yun para gumanti sa dalawang taong kinaiinggitan ko ng lubos!" tumayo siya pagkahampas ng dalawang kamay sa mesa, luhaan, "Yung dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya at tinuturing na matalik na kaibigan, na hindi tumayo noong nasa oras siya ng kagipitan."

"Ano bang pinagsasabi ni Aya, Jill!" sigaw ni Penelope, humihikbi.  "Baldo! Yue!"

"Hindi ko alam Penpen..."

"Jill!" niyuyugyog niya na ko pero parang nawala na rin ako sa sarili ko. Mga pagtawag lang ni Penelope ang maririnig sa buong silid, lahat ay natigagal, si Ireneo napaupo sa nalaman at natulala. Muli kong binalik ang atensyon sa screen, nahihirapan akong makitang ganyan si Aya, nahihirapan ako para sa kanya.Wala pa rin bahid ng kahit anong emosyon si Miss Karen matapos sabihin lahat ng 'yon ni Aya.

"Ano ang ikinamatay ni Lucille, Mariah?" she insensitively asked as if wala lang ang kamatayan para sa kanya.

"Nagpakamatay siya."

"It's a lie." Hindi nakapagsalita si Aya, kaagad na tumayo si Miss Karen sa kinauupuan niya, "At dahil sa napag-usapan natin... na tanging katotohanan lamang ang dapat na marinig, hindi mo nasunod ang rules."

"A-anong ibig mong sabihin, M-Miss Karen, n-nagsasabi ako ng totoo." Nagmamakaawang sabi ni Aya.

"I'm sorry." Then she pressed the button.  Halos mapasigaw na naman sila, nanlaki ang dalawa kong mata, parang bumigay na yung buong sistema ko, nanatili lang akong nakatayo habang nagkakagulo na sila. Tumunog yung time bomb, hudyat na naactivate na ito.

Magulo

10

Maingay.

9

Wala kong maintindihan.

8

7

6

5

4

3

2

1

Nagblack out.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro