/3/ The Blog
Use the trigonometric formula sin(2t) = 2 sin t cos t to express the area S as follows.
S = (1/4)AC 2 sin (2t)
"MORIE?"
"Ha?"nagbalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Sabi ko, na-gets mo na ba?"
"Ah, oo." though I wasn't paying attention for the whole time. Lutang yung isip ko, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Nagdahilan ako para—hindi ko talaga alam. Penelope gave me a puzzled look when I asked her. Well, hindi ko naman talaga siya masisi, yung kaklase mong hindi ka naman kinakausap ay bigla ka na lang lalapitan para magpatulong, naiintindihan ko kung bakit siya nagulat, ang sarili ko lang ang hindi ko pa maintindihan/
We went to the library at doon niya ko tinuruan, She shared her ideas about the subject. Kahit na matagal ko nang naiintindihan yung lesson na 'to. Ang tanging tumatakbo sa isip ko sa buong oras na magkasama kami ay bakit nga ba 'ko nandito?
"Gusto mo bang ipahiram ko sa'yo tong notes ko?" her eyes was covered with a thick eyeglasses, ang buhok niya ay nakapigtails at kung minsan ay nakalugay ang wavy niyang buhok katulad ngayon. She's kind and she's one of those usual geeks and grade na matatagpuan sa isang klase, typical nerd siya pero hanggang rank two or three lang ang naaabot niya. Nobody bothered her at class, parang ako.
"No, I'm fine." sabi ko at isinilid na ang mga gamit sa bag. It's already six, papasara na yung library. Sabay kaming lumabas at wala na kaming imikan hanggang sa marating namin yung main gate. Iniisip niya pa rin siguro kung anong nakain ko't bakit ko siya in-approach.Pareho kaming nababalot ng agam-agam hanggang sa makalabas kami ng campus.
"Mauna na ko, Morie."
"Ah—" aalis na si Penelope pero pinigilan ko siya, "Don't go at Mirku's" Napaawang yung bibig niya at tiningnan ako ng isang nagugulumihanang tingin.
"Sold out ang milk shake nila." iniiwas ko yung tingin ko, muka akong tanga sa pinagsasabi ko.
"Hindi ko ma—"
"Basta wag kang pupunta don!" sabay talikod at naglakad ako paalis nang hindi lumilingon kahit na tinawag niya ang pangalan ko.
Hiningal pa rin ako dahil sa kaba sa dibdib ko, napasandal ako sa pader. Atsaka ko napansin sa kabilang bahagi ng daan, may pamilyar na itim kotse. At naroon siya, kumaway sa'kin habang nakangiti, si Albert.
"Kamusta na miss Jillianne?" matagal ng walang tumatawag sa'kin ng ganyan kaya parang naiilang ako. He glimpsed at the rear-view mirror. Albert's warm voice is still the same, wearing his formal suit and his hair turned whiter than before. Sinalubong ko siya kanina at inalok na ihatid ako pauwi.
"I'm fine." I missed this ambiance; sitting comfortably while looking outside the window.
"It's been a long time. It looks like you grew up."
"Yeah. Pero, paano mo nalamang papalabas ako?"
"Well, natiyempohan lang kita."
"Oh."
"Gusto mo bang umuwi sa inyo?"
"No." napalakas yata ang sagot ko, "sorry," I sighed, "please just take me to my apartment."
He silently followed my order. Nang makarating kami, ibinaba nya ko sa harapan ng building kung saan ako tumutuloy.
"If you need anything, just call me."sabi nya.
"Okay."
"Your father missed you."
Si dad? Namimiss ako? Nang mapansin niya na wala akong balak sumagot ay nagpaalam na siya.
"See you, young lady."
Then, he drove away.
Sa ika-labing isang palapag. Pagpasok ko sa loob ng apartment ay binuksan ko yung switch ng ilaw. Nilapag ko yung bag sa couch. Isang taon na kong ganito, isang taon na akong nakatirang mag-isa. I left home. Tutal marami namang pera si dad, binili niya ko ng sarili kong apartment at sinusuportahan sa pinansyal na pangangailangan.
Si Albert lang yung bumibisita sakin ng madalas, hindi ko alam kung inutusan lang siya or what. Mas gusto ko pang mabuhay dito ng mag-isa kesa naman umuwi at araw-araw kong makita si dad na kasama ang bago niyang pamilya.
7:35 pm
"Tatlo ang patay sa nasabing insidente sa may.." ipinakita sa CCTV camera ang tagpuan ng insidente at patuloy na nagsalita ang mamahayag, malapit iyon sa Mirku's. That's exactly what I saw. Ang hirap ipaliwanag. I just closed my eyes to forget what I foresaw, pero mukang imposible yon. Ang tanging kaibahan nga lang sa balitang pinapanuod ko ngayon...Penelope wasn't there.
*****
ANOTHER ordinary day again. Murmurs...Rumors...Gossips... Everywhere...
Isang panibagong ordinaryong araw, ganoon pa rin sila kapag tuwing dumadaan ako, mga mapanghusgang titig, mga bulungan, tsismis, kahit saan, kahit sa hangin. Nadaanan ko yung freedom board at punumpuno iyon ng mga posts tungkol sa achievements ng mga estudyante ng White Knights Academy.
Pagpasok ko ng classroom, walang Aya na sumalubong sa'kin, which I found unusual. Napansin kong napahinto ang isang nagkukumpulang grupo at nakatingin sila sa'kin hanggang sa makaupo ako.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa'kin si Penelope. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Alam kong nagugulumihanan siya sa mga nangyari, nabalitaan niya rin siguro yung nangyari kahapon si Mirku's.
"Morie!" mula sa kung saan ay sumulpot si Aya, hinawakan niya ko sa braso at bigla akong hinila patakbo sa kung saan, "May kailangan kang makita!" hindi ako naka-angal, malapit ng magsimula yung klase pero base sa tono ng pananalita niya ay may hindi magandang balita.
Seryoso siya, na bihira mangyari. Napadpad kami sa computer lab, walang ibang tao roon. Bukas naman ang isang unit kaya umupo siya at nagbukas ng isang browser. Nanatili lang akong nakatayo sa likuran nya, tinitingnan ang susunod niyang gagawin.
"Nakita mo ba kung anong pinagkakaguluhan nila kanina sa classroom?" she sounds worried.
"Hindi." Wala akong kaalam-alam sa sinasabi niya hanggang sa,
"Look!" ipinakita niya ito sa'kin na siya namang pinanlakihan ng dalawa kong mata.
WHITE KNIGHTS ACADEMY's
"HEARTLESS HEARTBREAKER"
JILLIANNE MORIE
Tumambad sa'kin paningin ang isang blog...At iyan ang headline...
"What the hell is this?"
"Sumulpot ang blog na yan last week. At ngayon, kumakalat na siya sa buong school!" Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat doon.
She doesn't care about others feelings. Like what she did to those three guys she played!
She doesn't hate or like anything. She has no heart.
She might look innocent and sweet, but she killed you three times inside her thoughts.
Jillianne Morie is a psychopath!
Inihinto ko ang pagbabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact, natuod lang ako. Sino naman ang gagawa ng ganito?
"Morie, o-ok ka lang?"
I smirked.
"Sa tingin mo ba okay ako? Pagkatapos kong mabasa to?" hindi ko mapigilang mainis.. Yumuko lang siya. Wala kong magagawa kung sa kanya ko nabubunton ang inis na 'to. Kinuyom ko ang dalawa kong palad habang nangagalaiti sa inis. Calling me psychopath is too much. Wala akong pake sa ibang tao pero kailangan bang iabot sa ganito? I just need a peaceful life.
"Sino ang may kagagawan nito?"
"Hindi ko alam, Morie. Sorry! Nag-aalala lang naman ako sa'yo." sabi niya in a low voice.
I sighed. Walang paalam na lumabas ako ng lab. Nadatnan kong nakaabang siya sa labas pero nag-iwas ako ng tingin. Kampanteng nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Morris looks...worried too.
Ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin habang papalayo.
###
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro