Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/29/Hello?


George Morris' POV

PARE-PAREHO naming hindi alam kung nasaan ang swimming pool na sinasabi ni Tamaki, kaya hinayaan na lang naming ang mga sarili naming na sundan siya na nangunguna sa pagtakbo. Mga  nag-aagaw buhay na poste ng ilaw ang naggagabay sa pag takbo namin sa pababa na daan,  masukal at nagkalat ang mga tuyong dahon at mga kahoy.  Lahat kami ay habol ang hininga nang huminto na si Tamaki.

"N-nandito na ba tayo?" hingal na tanong ni Cris. Bumungad sa'min ang arko papasok ng swimming pool area. Pero pagdating namin sa loob, wala na kaming nadatnan kahit isa na mula sa team one.

"Naunahan na nila tayo." Sabi ni Tamaki, sabay-sabay kaming napatingin sa kanya, mula sa bulsa kinuha niya ang isang sigarilyo at sinindihan iyon .

"Wow, thank you sa tulong, Tamaki. At nakuha mo pa talagang mag yosi ha." Sabi naman ni Mariah matapos makabawi sa pagkahinga.

"Nasa pangalawang clue na sila, wala na ata tayong pag-asa." Napatingin naman ako sa sumunod na nagsalita, si Stephen, na kaagad namang sinundan ni Penelope.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, Yue."

Katahimikan.

Parang ngayon lang nagsink-in sa mga utak naming lahat ang mga nangyayari, una: kailangan naming iligtas si Jill, pangalawa: magkakasama kaming siyam ngayon. Sa di maipaliwanag na dahilan kung bakit tumayo si Tamaki, si Lily, si Tadeo at si Sabina. Nagpaliwanag sila Mariah bilang kaibigan ni Morie, at ako... iisa lang ang nasa isip ko, na gusto kong iligtas si Jill, iligtas siya sa bangungot ng nakaraan at maghilom ang mga sugat ng kahapon.

"Ano? Tutunga na lang tayo rito forever?! Kulelat na tayo!" si Mariah na ang nagbasag ng sandaling katahimikan,kahit na may bagabag na kinikimkim sa dibdib, at alam ko kung ano yon.

"Hindi kaya nasa ilalim ng tubig yung clue?" naisip ni Cris, na halata rin sa itsura ang pagkailang at pinipilit na umakto ng normal kahit na nahihirapan, ganun katindi ang epekto ng pagsama ni Sabina rito ngayon.

"Palagay ko nga." Nagsalita na si Lily, ang sinasabi nilang girlfriend ko, dinadalangin ko lang na sana hindi lang ng dahil sa'kin kung bakit siya rito sumama, kahit na alam kong hindi sila magkasundo ni Jill gaya ng mga naikukwento niya sa'kin noon, "pero mukang hindi pa rin sila nanggagaling dito, hindi basa yung sahig tsaka walang bakas ng mga basang paa."

Natahimik ulit sila.

"Oo nga! Malay nyo mas nauna pala talaga tayo rito." Sabi ni Roman na nakahawak pa rin sa dalawang tuhod.

Hinanap namin sa ilang parte ng area kung mayroong clue na nakatago, pero hindi kami nagtagumpay.  Tama nga si Lily na walang kahit anong bakas na nanggaling sila rito, o baka katulad namin hindi rin nila nahanap dito yung clue.

Wala ring kahit anong kakaiba na makikita sa pool, malinaw iyon at walang bakas ng clue.

"Bukod sa swimming pool wala na bang ibang area na may tubig dito?" tanong ni Sabina, pero wala kaagad nakasagot sa kanya. Hindi rin ako sigurado, malaki ang villa, malawak ang kakahuyan at walang gaanong tao, lalo na ngayong kinasabwat ni miss Karen ang iilang facilitators na narito.

"Tingin ko kailangan nating bumalik ng main house." Sabi ko pero napamaang sila.

"Adik lang, Morris? Ano naman ang gagawin natin don?" angal ni Mariah.

"We need to find a map first. Hindi ba't mahihirapan tayong maghanap ng mga lugar na tinuturo ng mga clues kung hindi naman natin kabisado 'tong villa? Ito lang ba yung may water area, paano kung hindi?"

Hindi na sila nagsalita pa at sumang-ayon na lang sa sinabi ko, bumalik na lang ulit kami ng main house. Halatang dismayado ang mga itsura nila, pero sa di ko alam na dahilan kung bakit nga ba nila napili si Jill na iligtas.

Pagdating doon, matiyaga naming hinanap kung saan posibleng nakatago ang mapa ng lugar na 'to, pero wala na naman kaming nahanap. Nagtipun-tipon ulit ang grupo namin sa lobby, maliban kay Stephen na hindi pa rin bumabalik, walang nagsasalita at lahat ay nag-iisip.

"Hanapin ulit natin..." sabi ni Sabina, pero umentra si Cris.

"Bakit ka ba nandito?" sawakas, naitanong na rin niya ang kanina pa niya gustong itanong kay Sabina.

Napa-ismid si Sabina bilang sagot, tahimik lang kaming nakatingin at nakikinig sa usapan nilang dalawa, "Magiging issue pa ba ngayon 'yan, Baldo? Si Jill Morie ang dahilan kung bakit ako sumama rito, hindi dahil sa'yo. Kaya pwede ba?"

Nag-iwas ng tingin si Cris sa kanya, "A-alam ko, nagulat lang ako kasi pinili mo si Morie. Bakit?"

Matagal bago sumagot si Sabina, maging kaming lahat ay hinihintay ang anumang isasagot niya kay Cris. Huminga muna siya ng malalim at diretsong tingin na hinarap si Cris.

"Naiintindihan ni Jill ang nararamdaman ko. Nagising ako sa mga sinabi niya sa'kin noong matagpuan niya kong umiiyak sa library. Masakit pero hinihintay ko lang na may magsabi sa'kin ng ganun."

Sasagot pa sana si Cris sa kanya pero naabala ito nang biglang dumating si Stephen, may dalang papel.

"Oh, san ka galing?" tanong ni Tadeo na lumapit sa kanya para usisain ang dala niyang papel. "Mapa 'to ah? Wow, men! Saan mo nahanap 'to?"

"Sa laptop sa common room, naisip ko kasi baka merong file doon ng location natin. At buti na lang meron. Kinopya ko yung trails."

"Ayos to men!"

"Morris." Inabot sakin ni Stephen yung papel, lumapit din sila para tumingin. "Nakakagulat lang, kasi ang lawak pala ng villa na 'to. Kaya parang ang hirap hulaan kung saan tinago sila Jill."

"Teka! Teka! Puro trails?!" hinablot sa'kin ni Mariah yung papel at tiningnan mabuti yung mapa, "May waterfalls dito?!"

Kinuha ni Tamaki kay Mariah yung papel at nauna na naman 'tong tumakbo.

"Hoy Tamaki!" sigaw nila.

"Tsk." Wala na rin akong nagawa kundi tumakbo at sumunod kay Tamaki. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Siguro para mapadali at mapabilis ang paghahanap namin, si Tamaki alam kong may sapat na dahilan kung bakit namin siya kasama ngayon.

Biglang napahinto yung mga kasama ko nang malaman nila na papasok kami sa looban ng  kakahuyan, maliban kay Tamaki na nauuna pa rin patakbo na sa matarik na daan.

"Wag kayong kabahan." Sabi ko kahit na hinihingal, "Hindi ipalalaro 'to ni miss kung mapapahamak tayo." She'll be responsible for this anyway, "Kumapit na lang kayo sa isa't isa para hindi tayo magkahiwahiwalay." Tumango sila. Narinig ko pa na umusal si Penelope ng panalangin para mailayo kami sa kapahamakan.

Kahit na madilim, masukal, at nakakatakot ang paligid, hindi namin iyon ininda. Natatanaw pa rin namin si Tamaki kaya walang problema at hindi kami naliligaw dahil siya yung nagsisilbing guide sa grupo. Sana lang hindi siya sumpungin dahil baka hindi namin mahanap si Jill.

"Ahh!" napahinto na naman kami sa pagtakbo sa sigaw ni Sabina, napatid siya at napasalampak sa lupa, tinulungan siyang makatayo ni Penelope pero nahihirapan siyang maglakad dahil nagkasugat ito sa binti.

"Sakay." Umupo si Cris para pasakayin 'to sa likod nito pero tumanggi si Sabina,

"Ok lang ako."

"Hay nako Sabina! Tsaka ka na mag-inarte!" si Mariah na ang tumulak dito para pasakayin sa likod ni Cris.

"Ang bagal niyo." naghihintay na pala si Tamaki.

"Sorry ha!" si Mariah.

"Men, slow down lang kasi." Si Tadeo naman.

"Sandali lang." sumenyas si Tamaki na wag muna kaming tumakbo,may sinisilip ito sa mga nakatagong puno at halaman pero wala naman kaming ibang nakita roon. Kaya nagpatuloy na ulit kami sa pagtakbo. Pataas yung daan kaya medyo nahirapan kami, nang marating namin ang itaas bumigay na yung mga kasama ko.

"Time first!" sigaw ni Tadeo na napahiga na sa lupa,

"Tumayo ka nga dyan Tado! Hindi pa tayo nakakarating para sa pangalawang clue bumibigay ka na!" hingal ding sabi ni Cris kahit na pasan pasan si Sabina.

"Wait nga lang kasi, pwede magpahinga muna tayo?"

"Hindi tayo pwedeng magpahinga!" sigaw ko.

"Gusto mo ba kaming mamatay ha!" sigaw ni Mariah sa'kin.

"Ssshh!" natahimik kami

"Bakit, Tamaki?" tanong ni Penelope.

"May kanina pa sumusunod sa'tin." Mahinang sagot nito.

"Ha?"

"Iyon nga din ang pakiramdam ko pero di ko lang masabi, simula nang manggaling tayo sa main house." Gatong naman ni Stephen sa pahayag niya.

"Dalawampu't siyam sila, kaya posibleng naghiwa-hiwalay sila para maghanap ng clue. Anim silang nakasunod sa'tin." Si Tamaki

"Oh? Pano yan?"

"Ano ng gagawin natin?"

"Tatalon tayo."

"Tatalon tayo?" ulit na tanong ni Mariah.

Tsaka lang namin napagtanto na malapit na kami sa bangin nasa ibaba na yung sapang pinagbabagsakan ng tubig ng talon. Sumilip pa si Tadeo sa bangin pero kaagad din itong tumayo dahil sa pagkalula. Sumilip din ako, hindi naman ganon katas yung bangin pababa.

"A-ayoko pang mamatay!" sigaw nito

 "Kung hindi tayo tatalon masusundan  at malalaman nila kung nasaan tayo." Kalmadong sabi ni Tamaki.

"Muka namang safe kung tatalon tayo rito." Sabi ni Penelope.

"Sige penpen, mauna ka!" inis na hinarap ni Mariah si Tamaki, "Tsaka sure ka bang nasa baba yung clue?!"

"Bakit hindi mo kasi subukang tumalon? Babaeng manok." natatawang sagot ni Tadeo.

"Ah ganon, sige, ikaw na mauna Tadeo! Patunayan mo ngang lalaki ka sige!" hinampas hampas pa ito ni Mariah sa braso at panay salag at tawa lang si Tadeo.

"O-oy Aya!"

Kahit kami ay nabigla, sa kakaatras ni Tadeo hindi nila namalayan ni Mariah na malapit na sila sa bangin kaya pagka-out of balance ni Tadeo nahila rin si Mariah kaya pareho silang nahulog. Maririnig tuloy sa buong paligid yung sigaw nilang dalawa.

"Aya! Tadeo!"

Kinabahan kami pare-pareho kaya sumilip kami sa baba.

"MGA MEN! BUHAY PA KO! MEEEEN! ANG LAMEEEEEEG!" unang lumitaw mula sa tubig si Tadeo, at sinundan ni Mariah na nagtatalak na naman at hinampas hampas ulit si Tadeo sa ulo.

"OH AYAN! SAFE NGA! BUHAY PA KAMI DIBA?! OH ANO TALON NA!" sigaw din ni Mariah.

"Pagbilang ko ng tatlo, tatalon tayo. Sabay-sabay. Isa... Dalawa..."

Wala nang umangal.

"Tatlo!" sabay-sabay  kaming tumalon at sabay-sabay din kaming bumagsak sa malamig na tubig ng talon. Sa kabutihang palad wala namang napahamak. Nag-aaway pa rin si Mariah at Tadeo. Samantalang si Cris ay panay tawa.

"Hindi na nila siguro tayo masusundan diba?" tanong ni Penelope sa pagitan ng nanginginig na boses.

Tumingala ako at nakita ko ngang may anim na tao ang nakadukwang, tama si Tamaki. Siguradong hindi rin nila gugustuhing tumalon at alam na namin na sumusunod sila.

"Hindi nila alam na yung papunta rito mula sa baba, kaya hindi na." sagot ni Tamaki at naunang umahon.

Sumunod kami ni Lily sa kanya.

"Ok ka lang?" tanong k okay Lily.

"Oo. Salamat." Tumango na lang ako.

"Ano? Nasaan ang clue dito?! Pinaglalaruan lang talaga tayo ni miss Karen!" maktol ni Tadeo na nakaahon na, pati sila Mariah, Stephen, Cris at Sabina.

"Nahanap ko na!" narinig na lang namin na sumigaw si Penelope, nakita namin siya sa may bato-batong parte ng talon at may hawak-hawak na bote. Mabilis kaming lumapit sa kanya para tingnan 'yon. May nakalabel na 'Team Two' yung bote, binuksan ni Penelope yung bote at kinuha sa loob yung papel na nakatupi.

'I am weightless, but you can see me. Put me in a bucket, and I'll make it lighter. What am I?'

Nag-isip kami ng posibleng sagot. Lumilipas na ang limang minute pero wala kaming maisip na sagot sa pangalawang riddle.

"Put me... in a bucket... and I'll make it... lighter..." mahinang bumubulong si Penelope, paulit-ulit, "put me... in a bucket... and I'll make it lighter..."

"Ilagay mo ko sa timba.... Pagagaanin ko ito."

"Tinagalog mo lang,Tadeo, tss."

"Ilagay mo ko sa timba... Pagagaanin ko ito?" inulit ni Penelope yung sinabi ni Tadeo.

"Tubig?"

"Shunga! Sige ilagay mo yung tubig tapos gagaan?!" si Mariah.

"Tingin ko nakuha ko na yung sagot."

"Ano?" tanong ni Sabina.

"Put me in a bucket and I'll make it lighter. Ilagay mo ko sa timba pagagaanin ko ito. Tubig... Hindi iyon ang sagot. Kapag may laman ang timba, ano ang nagpapagaan dito? Ang tanong, bakit gumagaan  yung timba?" tanong ni Penelope

"Gagaan 'yon kapag may tagas yung bucket." Sagot ni Lily.

"Exactly. Ang sagot is hole."

"Hole? Butas? Yung mapa, pahiram nga." Inabot naman ni Tamaki yung basang papel, maingat na binuklat 'yon ni Mariah para di mapunit, tsaka tinignan ang trail map, "Okay na sana kaso guys, nasaan dito yung hole or butas?"

"Hindi naman kaya hindi literal na butas yung hinahanap dito? Bawat clues na binibigay sa'tin hindi naman literal, kundi mga lugar. Hindi kaya yung butas o hole, lugar lang din yan na matatagpuan dito?" sabi ni Cris.

"Ang tanong nga kasi, saan naman natin mahahanap yung hole na yun." Si Sabina.

"Edi sa ilalim ng lupa?" hula ni Tadeo.

"Lugar sa ilalim ng lupa? Meron ba nun?" tanong ni Mariah.

"Meron." Sagot ni Lily. "Underground."

"Posible bang may underground dito sa villa? Sa laki ng kagubatan na 'to? Nasaan yung underground?" sunud-sunod na tanong ni Mariah.

"Posible." Sagot ko. Tinuro ko sa mapa yung lugar pinagkulungan nila sa'kin dati. "Sa tunnel na pinagkulungan niyo sa'kin kanina."

"Sigurado ka ba, Morris?"

"Oo." Pero ang totoo hindi ako sigurado, basta ang natatandaan ko lang may nadiskubre akong pintuan sa lupa pero hindi ko lang pinansin 'yon. Bahala na pero may nag-uudyok sa loob ko na nandoon nga yung pangatlong clue.

Sa pamamagitan ng mapa namin, hindi na kami nahirapan sa direksyon, basta si Tamaki lang ang sinusundan namin dahil siya ang may hawak ng trail map. Iniinda lang namin ang matinding lamig dahil pare-pareho kaming basa ng mga kasama ko.

Nang marating namin 'yon ay lumakas ang loob ko ng may nakita kaming dalawang sulo na nakasindi papasok sa tunnel, kinuha iyon nila Tadeo at Cris, pumasok kami sa loob ng bodega na pinagkulungan sa'kin kanina. Para kasi 'yong kweba kaya malakas ang kutob ko na merong underground tunnel na nakatago rito. Hinanap ko yung nakita kong pintuan sa lupa at nakita ko naman 'yon.

"Ito na ba 'yon?" tanong nila.

Tumango ako pero kinakabahan ako na baka hindi naman pala talaga 'yon manhole papuntang underground. Tinulungan ako nila Tadeo sa pag-angat nung pinto dahil may kabigatan iyon. At nakahinga ako ng maluwag ng makita naming butas nga 'yon.

"Actually hindi siya underground tunnel, it's an adit." Sabi ni Penelope.

"Anong adit?"

 "Horizontal passage siya drove from the Earth's surface into the side of a ridge or mountain. Feeling ko maliit lang siya kaya parang gagapang tayo."

Nauna ulit si Tamaki na lumusot  at isa-isa rin kaming tumawid sa ilalim ng lupa. Pabilog yung horizontal tunnel at hindi naman siya ganon kasikip, iniwan nila Tadeo yung sulo sa taas dahil hindi naman nila pwede yon dalhin sa adit dahil hindi kami makakahinga sa usok nito, kaya pinagtyagaan na lang naming gumapang kahit madilim.

Hindi ko alam kung gaano kahaba yung ginapang namin, mabuti na lang at nakalabas kami kaagad sa tunnel. Nasa labas na kami ng bodega, sa likurang bahagi nito, natagpuan kaagad namin  yung naghihintay na pangalawang bote para papunta sa pangatlong clue.

"Yes! Whoo! Ang galing natin!" wika ni Tadeo na huling nakalabas. Kagaya sa unang bote may label din na 'team two' yung bote.

"Nauuna pa rin pala tayo kaysa sa kanila. Ayos." Wika naman ni Cris.

Si Lily naman yung nagbukas nung bote. At malakas na binasa yung nakasulat sa papel.

'What has a ring but no finger?'

Bago ko inisip kung ano yung sagot, napansin ko nga na nandoon pa rin yung bote na para sa team one, hindi pa rin ito nagagalaw. Posible nga kayang mas nauuna kami kaysa sa kanila? Ayoko sanang mag-isip ng kung ano pero hindi ko maiwasan. Pakiramdam ko talaga may mali sa mga nangyayari.

"Morris, men, huy!" nagbalik ako sa sarili nang yugyugin ako ni Tadeo, "Natulala ka na dyan. Alam mo yung sagot?"

"Tadeo, tagalugin mo nga ulit yung riddle." Utos sa kanya ni Penelope.

"Ano raw yung may singsing pero walang daliri?"

Lumipas ang sampung minuto pero wala kaming malinaw na kasagutan.

"Teka, hindi kaya hindi naman 'singsing' yung ring? Ano pa ba yung ibang pwedeng kahulugan ng ring?" tanong ulit ni Penelope.

"Ring. Ring. Ring. Ring. Ring." Paulit-ulit na sinasabi ni Tadeo. Napabalikwas si Mariah, may biglang naisip.

"Ring! Ring! Ring! May utak ka rin pala Tadeo! Haha!" si Mariah.

"Ano? Ang weird mo ha."

"TELEPHONE!"

"Saan naman tayo makakahanap ng telepono?" tanong ni Stephen.

"Hay nako Yue! Edi sa MAIN HOUSE! Oh ano guys, takbo na tayo pabalik!" hindi kaila ang pagod, gutom at lamig sa'ming siyam. At ako, nanatiling may tanong sa utak ko kung nasaan na yung team one. Kung ano na yung nangyayari sa kanila. Hindi kaya...

"Morris! Ang bagal mo men!"

"Morris? Ok ka lang?" si Lily na lang pala yung huminto para hintayin ako, tinanong niya rin ako ng tinanong ko sa kanya kanina.

"Ok lang ako."

Nakarating din kami sa mainhouse at naghanap ng telepono, sa ikalawang palapag malapit sa antique na orasan na nakita namin kanina doon namin natagpuan ang telepono.

Si Sabina ang humawak at nakita nyang may nakaipit pa lang papel doon, mga numero iyon at nagdial siya.

"I-loudspeaker mo Sab." Utos ni Penelope.

Nagsimulang magring yung kabilang linya. Natahimik kami at naghihintay sa kung sino mang sasagot. Maya-maya lang ay may sumagot.

"Hello?"

Nagkatinginan kaming siyam.

Boses niya 'yon.

Boses ni Jill Morie.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro