
/27/ Exam
George Morris' P.O.V
TULUYAN nang nilamon ng dilim ang liwanag. Nasa labas pa rin kaming lahat ng main house, naghihintay sa kung anong susunod na mangyayari. Halos tatlong oras na ang nasasayang sa paghihintay. Naiinip na sila, nabubugnot. Abala sila sa kanya-kanya nilang ginagawa.
Tumingin ako kay Jill na naroon di kalayuan, alam kong nagalit siya sa ginawa ko kanina pero wala akong magagawa roon, kahit na gustung gusto ko ng sabihin sa kanya lahat, hindi pwede dahil sa isang dahilan: nangako ako kay Lucille. Saktong napatingin din siya sa'kin pero agad din siyang umiwas ng tingin.
Hindi maipinta ang mga mukha nila kanina matapos sabihin ni Miss Karen ang susunod niyang ipagagawa. Bigla siyang nagpaalam saglit at pagkatapos ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabalik.
"Men." May tumapik sa balikat ko. Si Tadeo.
"Kinakabahan ako, men." Sabi niya sa'kin at muka nga siyang kinakabahan dahil sa galaw niya.
"Bakit?"tanong ko.
"Ewan ko ba, men. Feeling ko nasasapian na ng kung anong masamang espiritu si Miss. Kung anu-ano ang ipinagagawa. Akala ko pa naman makakapagrelax ako rito." Dismayadong sabi niya. Hinawakan ko siya sa balikat para naman mapirmi yung katawan niya sa iisang lugar, ang likot niya kasi.
"She's unpredictable."
"Naman! Tss. Siguro nagseset up na ng mga bitag 'yung si Miss. Nako, napanood ko na to sa pelikula eh, ano nga ba 'yon." Nag-iisip siya habang kumakamot sa ulo, "Ah! Ayun! Death Bell na 'to, men. Takte uwi na ko!"
"Ang paranoid mo, Roman."
"Tsaka, Battle Royale! MEN! OO NGA! Pano nga kung ganon yung ipagagawa ni mam Karen HA?! Magpapatayan tayo rito sa isolated na lugar tapos WAAAH."
"Adik." Sabi ko, natatawa sa mga sinasabi niyang kalokohan. Napapatingin tuloy sa'min yung iba pa naming kaklase, narinig nila yung mga pinagsasasabi ni Tadeo at napapaisip na rin kung baka tama siya.
"Tingnan mo, nahawa tuloy sila ng ka-paranoid-an mo, Tado." Biglang may sumulpot sa gilid namin, si Cris o mas kilala nila ngayon na 'Baldo'. Nakipag fist bump siya kay Tadeo, at pagdating sa'kin medyo nag-alangan ako, ngayon lang ulit namin 'to ginawa. Matapos kasi ang mga insidente noon, nagkalayu-layo kami sa hindi maipaliwanag na dahilan. Dahil pa rin siguro sa pagkawala ni Lucille? Naapektuhan si Tamaki? Ang lahat? Ewan.
"Oh natakot ka naman Baldy.Haha! Baldy! Baldy!"
"Ulul mo, ikaw yon.Wag mo kong tawaging Baldy hayup ka, TADO ka talaga."
Nagsakalan sila bilang biruan, gaya ng dating gawi.
"Si Senji na lang kulang, kumpleto na sana tayong F4."
"Kadiri ka Tado, f4 mo muka mo."
"Hahaha! Baho mo pa rin Baldy!"
Sana ganito na lang, yung parang walang nangyari noon.
"Morris, ang tahimik mo pa rin kumag ka." Puna niya.
"Kamusta, Cris."
"Woaaa, solid Cris pa rin tawag mo sa'kin haha! Tsaka kung makakamusta ka parang hindi tayo nagkikita." Tumawa sila ni Tadeo. Napangiti lang ako habang nakatingin sa mga mata niya ay saglit akong nilamon ng nakaraan nito.
"Lexi."
"Tsk, don't call me Lexi."
"S-sorry. Hehe." It was him with Alexi, isang araw sa student plaza.Palagi siyang naikukwento sa'min ni Cris, magkababata sila dahil magkapitbahay lang sila at pareho sila ng eskwelahan noong elementary. Noong pagdating ng highschool, nalaman niya na sa White Knights mag-aaral si Alexi. Kahit gago si Cris, nag-aral siya ng mabuti para sa scholarship. Gusto niya raw kasi bantayan yung kababata niya.
"May ibibigay sana ako sa'yo." Binigay niya ito ng angel keychain, alam niya kasi na paborito ni Alexi ang mga angels noong mga bata pa sila. "A-alam mo naman, simula palang noong mga bata pa tayo, gusto na kita." Pero wala siyang lakas na loob na ipaglaban kung ano ang nararamdaman niya rito.
"Baldo, pwede bang tigilan mo na ko. At please lang wag mo nang ungkatin yung pagiging magkababata natin, tapos na yon!"
"B-bakit? Dahil ba hindi ako mayaman?"
"Oo! Ang mga babaeng katulad ko ay hindi ipinanganak para maghirap!"
Nakakapanghinayang dahil noong mga panahong nangyari 'to, hindi na kami nakakapag-usap na apat, dahil nga sa epekto nang nangyari sa pagitan namin ni Tamaki.
Nasaktan si Cris sa mga nangyari, sa katotohanang malaki ang pagbabago ng kababata niyang si Sabina, naging mapagpanggap ito, sa katotohanang hindi siya nito gusto.
"Tingnan mo." Inilapag niya sa mesa ang isang envelope, noong araw na 'yon nadapuli niya sa coffee shop ang boyfriend ni Alexi, nakipagharapan siya rito, "tingnan mo kung ano ang ginagawa ni Lexi para lang sa'yo."
Binuksan nung lalaki yung envelope at kinuha ang mga larawan na kinuha niya noong makita niya si Lexi na lumabas sa isang club. Matagal na niyang alam ang tungkol sa trabaho nito at ito ang naisip niyang dahilan para itigil iyon.
Pero ngumiti lang ang kausap niya at isinilid sa bulsa nito ang mga larawan, "Pwedeng magtanong?"
"Sige."
"Ano ka ba ni Alexi?"
Sa tanong na 'yon hindi nakasagot si Cris. Tsaka siya iniwanan ng kausap.
"Masisisi mo ba ko kung sobra ko siyang pinahahalagahan? Diba ganun naman talaga kapag nagmamahal ka? Lumalagpas ka na sa boundaries mo kahit alam mong trespassing ka, tuluy-tuloy ka pa rin kahit na alam mong hindi ka nya mahal. Hindi siguro pangingialam ang tawag dun, pagpapahalaga, pag-aalala. Yun nga lang, hindi naging maganda yung naidulot ng pagpapahalaga ko. Nagkamali ako. Nagkamali akong ibigay sa hayup na lalaking yon yung picture, hindi sana maikakalat yon dito sa school. Akala ko hindi nya alam yung ginagawang sakripisyo ni Alexi. Akala alam ko na lahat ng ikabubuti nya. Akala ko lang pala. Kaya nga, tama ka sa sinabi mo sa'kin eh. Wala akong karapatang magmahal."
"Oy Morris, natulala ka na." Pinutol ko na ang mga nakikita ko sa mga mata niya.
"Naninibago lang ako." Sabi ko, umiling.
"Sus, nanibago ka pa sa muka ng kumag na yan!" si Tadeo.
Napatingin ako sa kanan, napatingin din yung dalawa kong kasama sa direksyon ng tingin ko. Naroon si Tamaki, nakatingin siya sa'min habang mag-isang nakasandal sa isang puno, mga dalawampung metro ang layo. Natahimik sila Cris at Tadeo.
"Senji men." Bulong ni Tadeo.
Lalapit sana sila rito pero biglang nagsitunugan ang lahat ng ringtone ng mga cellphone namin. Iba't ibang ringtone kaya maingay, agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa.
*1 new message*
I opened it.
"Go to the common room. Bring your pens."
-K.I.
"Ano 'to?"
"Mga men, mukang lahat tayo naka-receive nito."
"Galing kay Miss?"
Everyone was clueless, maging ako, so lahat kami pumasok ulit sa loob at nagpunta sa common room. Weird. Hinanap ng mga mata ko ang mga facilitators ng villa na 'to, but they're nowhere to be found. Iyon pa lang ang kakaibang napapansin ko.
Inaasahan naming lahat na matatagpuan namin si Miss sa common room pero wala kaming nadatnan doon. Maliban sa isang laptop na nakapatong sa mesa sa harapan.
Kaagad kong nilapitan iyon at ginalaw ang mouse pad para mawala ang screen saver.
Biglang nagliwanag yung projector. At lumitaw sa malaking screen si Miss.
"Good evening."
"Tangina, Morris, kinakabahan ako, eto na nga ba ang sinasabi ko." bulong ni Tadeo na katabi ko.
"Nasabi ko na nga sa inyo kanina kung ano ang magiging activity niyo ngayon. But before I explained the further details about it, I'll be taking your phones."
"HA?"
Kung anu-ano ang inireact nila sa sinabi ni Miss. Mas nagulat sila nang may biglang pumasok na nakaitim na lalaki na may itim na maskara.
"S-sino yan?!" Kinuha nito ang mga cellphone at inilagay sa bitbit niya na itim na bag. Nang lumapit ito sa kinaroroonan namin ni Tadeo, tinitigan ko ang mga mata ng lalaki sa butas ng maskara.
"I'll be counting on you, Rommel."
Si Rommel Romulo ang taong 'to? Hindi siya totoong seminarista? At kinasabwat lang siya ni Miss para... para rito?
"Oo na, palagi naman,Karen."
"Salamat."
"Malaki ang utang na loob ko sa inyo ni Cairo."
"Alam ko."
Sino si Cairo?
"Ssshh..." pagkuwa'y inilagay nito ang isang daliri sa bibig at sinasabing wag akong maingay sa kung anong nalalaman ko. Kahit tuliro, iniabot ko yung cellphone ko sa kanya, ganoon din ang ginawa ni Tadeo.
Hindi pa umalis ang lalaki na nagtatago as maskara.
"So...You may take your seat." nagsalita muli si Miss... Napatingin kaming lahat sa malaking screen. Kung nasaan siya ngayon, hindi ko alam. Hindi ko nakikita ang kaibuturan ng mga mata niya. Utos niya, at sumunod naman kaming lahat, di makabasag pinggan ang lahat, at maingat na umupo sa kanya-kanyang upuan. "The rule of this game is simple, kailangan nyo lang sumunod sa lahat ng instructions ko and you'll be fine. But as I've said, 'out of fifty people, only three will be happy', tatlong tao lang ang makakatanggap ng special reward as winners." Wala pa ring nagsasalita. "Uumpisahan natin ang lahat... sa isang exam."
Mararamdaman ang matinding lamig na bumabalot sa silid, lahat kinakabahan. Alam ko, nararamdaman ko na may kutob ang bawat isa na hindi basta-basta ang mga susunod na pangyayari.
"Para ma-determine natin ulit kung sino ang nasa rankings... ng caste. At ang caste ang magiging base natin sa buong laro. He will distribute the test papers and you only have twenty minutes to answer."
Ipinamigay ang mga test papers at mas mabilis pa sa kidlat nagsimula silang magsagot ng kanya-kanya. Rumehistro ang timer sa screen. Hindi ako kaagad nakapagsimula dahil nakatingin ako sa mga kasama ko. Nakita ko si Jill, hindi rin niya ginagalaw yung test paper niya at nagtama ang mga mata naming dalawa.
"Jill! Sandali lang."
"Bitawan mo ko, Morris."
"Magpapaliwanag ako."
"Wag. Ayoko. Tama na."
"Jill. Please! Nangako ka na maniniwala ka sa'kin whatever it takes!"
"Shut up!"
Siya ang unang umiwas sa tingin. Nagsagot na siya ng test. Napahinga ako ng malalim, nagsimula na rin akong magsagot.
"Time is up. Exchange your papers."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro