/24/ Murder the Past: Tamaki
George Morris' POV
"WE'RE going to play the game called... Wink Murder..." sabi ni miss, dahilan para lumikha ng ingay ang bawat violent reactions ng isa.
"What's that?"
"Cool! Parang mas may thrill kung si miss yung in-charge!"
"Napanuod ko na 'to! Death bell ang peg mga men!"
"I want to go home na!"
"This sucks."
"Everyone, shut your mouth!" natahimik sila when Ireneo yelled.
Lumibot si miss sa pabilog na arrangement ng upuan, isa-isa niya kaming pinabunot ng baraha na nanggaling sa isang lalagyan. Pagdating sa'kin, bumunot ako ng isang baraha.
Then she winked at me.
Pasimple kong sinilid sa bulsa ng jacket ko yung baraha na nakuha ko mula sa kanya, at sa kabilang bulsa ng jacket ko hinugot ng dahan-dahan ang isa pang baraha.
Baraha na binigay niya sa'kin kagabi pa.
Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kami ng wala ng ibang tao.
"Para saan 'to?" I asked after she handed me a card, ace of hearts.
"You'll use that tomorrow. Ikaw ang magiging taya sa laro, Morris."
"Anong laro?"
"Malalaman mo bukas. You'll have your chance to peek at everyone's past."
"Para saan naman?"
"We're just in the first step. I want all of you to remember the past by staring. And... be ready for this."
Nagbalik ako sa kasalukuyan at saka sinilip ko ang baraha na nakatago sa'king palad. Nagpapaliwanag na ngayon si miss Karen tungkol sa mechanics ng laro.
"Madali lang naman ang first activity natin, you'll just stare at each other, but there will be 'murderer'. Now, nakita nyo na kung anong baraha ang meron kayo, just make sure na walang ibang makakakita. There's only one who got an Ace of hearts card na magiging 'murderer', and the six people who got the Ace of spades will be the detectives, and the rest will be the civillians. The objective of the murderer is to murder by winking at the civillians without getting caught. Once that you've been winked, automatic na kayong out at lalabas ng kwartong ito. The detective's role is to catch the murderer, pero kapag siya ang nakindatan ng murderer, the game is over dahil nahuli na nya kung sino. The civillians can accuse who the murderer is, but once na mali ang accusations niya, tanggal na rin siya sa laro, same rule rin for detectives."
Inutusan niya kami na ilagay ng pataob ang baraha naming lahat sa desk.
"I hope na handa na kayong lahat. Hindi matatapos ang laro hangga't hindi nahuhuli kung sino ang murderer."
Sa larong ito kung saan ako ang taya. Nakadepende sa'kin kung paano ko ito mapapaikot. Ang kailangan kong gawin, patagalin ang larong 'to ng hindi nahuhuli. Ngayon na magsisimula ang hinahangad kong pagbabago. Matagal ko nang hinihintay yung ganitong pagkakataon...
"The game... starts... now."
And then there's a long silence, no one's talking. Ang lahat ay tumitingin sa bawat isa. Tumingin ako kay miss na ngayon ay nasa labas nan g circle. She mouthed 'What now?'
Ano na, Morris? Anon a ang susunod mong gagawin? Sa isang iglap tatlo agad ang 'napatay' ko. They automatically raised their cards up at kusang umalis sa kwarto, fortunately ay mga civilians sila at walang nakahuli sa'kin. But someone raised a hand.
"I think I knew who the killer is."
"Who?" miss asked.
Then he pointed at Lily who's sitting beside me. Pero umiling si Lily at sinasabing hindi siya ang nakakuha ng ace of hearts. Natanggal na sa laro yung kaklase kong nakawrong accuse.
What's next? Thirty-six out of forty students left.
Bumalik ulit sa katahimikan ang lahat.
Pero mukang mas mahihirapan ako ngayon dahil marami ng nakabantay na mga mata sa'kin, at isa sa kanila si Tamaki. Magkatapat ang pwesto namin kaya naman kitang-kita ko sya mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang mga mata ni Tamaki.
Matuturing na isang himala na nakasama siya sa recollection na 'to, at abang palalim nan g palalim ang kanyang mga mata ay unti-unti akong hinihigop nito at dinadala sa nakaraan.
"Senji Tamaki." Huminto siya nang makita si miss Karen na nasa harapan niya. Kumunot ang noo ni Tamaki, nagtataka kung paano siya nahanap ni miss sa club na lagi niyang tinatambayan. Maingay ang club, mausok at madilim.
"Anong ginagawa mo rito? Dadalhin mo ko sa school para bigyan ng detention?" sabay ismid at hinugot mula sa bulsa ang isang pakete ng sigarilyo at lighter.
"Give me that." Utos ni miss. Hindi ito pinansin ni Tamaki pero biglang inagaw ni miss iyon at hindi siya nakaangal.
"Ano bang problema mo?" galit na sigaw niya. Natawa si miss Karen, humugot ng sigarilyo at sinindihan iyon. Napanganga si Tamaki sa ginawa nito, napailing.
"Sasama ka sa recollection bukas." Turan ni miss.
"Hindi ako pupunta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay."
"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo, Tamaki."
"Ibang klase, pwede kitang ireport sa school sa ginagawa mo."
"Teachers are human too, we can smoke. Anyway, kailangan mong sumama."
"Bakit ba pinipilit mo kong sumama ha? Hindi ba't mas mabuti yon para wala ka ng panggulo sa outing nyo, ha."
"Lucille asked me to."
Nanigas na parang bato si Tamaki, nautal, nanginig. Bago magsalita, sinalinan ng alak ang kopita at diretsong ininom iyon.
"N-niloloko mo ba ko? Patay na si Lucille." May poot ang tinig niya.
"Alam ko. She's one of my former students." Blangkong sagot ni miss.
"P-paano? B-bakit?"
"Kung pupunta ka, malalaman mo kung paano at malalaman mo ang buong katotohanan."
Malakas na sinuntok ni Tamaki ang mesa at galit na galit na hinarap si miss, "Sa oras na malaman ko na kalokohan ang mga pinagsasasabi mo, kahit babae ka, mananagot ka sa'kin."
Nagsukatan sila ng tinginat hindi kailan nagpakita ng anumang takot o pagkabahala na emosyon si miss Karen.
"I considered that as your agreement. Aasahan kita bukas." At bago siya umalis, hinulog niya ang sigarilyo niya sa kopita ng alak ni Tamaki.
Pinutol ko saglit ang pagtanaw sa nakaraan ni Tamaki. Iyon pala ang nangyari kung bakit sumama si Tamaki sa recollection. Ano naman kaya ang gagawin ni miss para ilabas ang sinasabi niyang sagot at katotohanan? Lalo na't patungkol ito kay Lucille.
Ipinagpatuloy ko ang pagtanaw sa mga mata ni Yamaki, at dahil nakokontorl ko ang oras sa mga mata niya ay dinala ako nito sa mas matagal na panahon.
Two years ago....
"Morris, yoh!" malakas na tapik ni Tamaki sa likod ko, isang normal na pagbati niya 'yon tuwing umaga. Hindi lang sa'kin pati na rin sa iba pa naming mga kaklase.
"Yoh, mga men, good morning!" lagi niyang kasunod sa pagpasok si Roman Tadeo at Cris Baldemor, silang tatlo ang mood maker ng klase naming, kahit mga maiingay ay nakakasundo pa rin naman nila ang lahat.
"Mr. Tamaki! Get out of my class! Now!" normal na rin na mapagalitan at mapalabas siya lagi sa klase dahil sa dami ng kalokohan na ginagawa niya. Wala siyang pake sa kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao. Hangga't alam nasa tama siya, ipaglalaban niya ito.
"Senji, may meeting ang group natin mamaya, sana makicooperate ka." It was Lucille.
Halos lahat ng kaklase naming ay walang tiwala kay Senji, walang tiwala na may magagawa siyang matino sa buhay. Except Lucille.
"Aasahan ko na pupunta ka." she believed in him, always.
Kung minsan, si Lucille pa ang nag-aalok kay Tamaki na tumulong sa kanya sa pag-aaral. It's like she's an angel and he's a devil. Kahit na langit at impyerno ang katangian nilang dalawa, still, Tamaki fall for her.
"Morris." Masiglang nakipag fist bump si Tamaki sa'kin, isang hapon sa roof top kuing saan parehas naming laging tinatambayan sa tuwing gusto naming magmuni muni. Tatanawin ko lang yung langit habang siya naman ay Gawain nang maglabas ng sigarilyo at hihithit.
Tamaki was once my best pal.
"Oh? Bakit?"
"Usapang lalaki nga tayo. May tanong ako."
"Ano naman?"
"May gusto ka ba kay Lucille?"
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala. Bukod sa magkalapit ang mga upuan nyo at malapit din yung loob niyo."
"Bestfriend ko si Lucille, Senj."
"Pero sabi mo may gusto ko sa bestfriend mo?"
"May isa pa 'kong bestfriend, Senj, si Jill."
"Ahh... Mga taktika mo talaga ano, Morris, bespren bespren pang kuno. Mabuti naman at si Jill ang tinutukoy mo."
"Sus, halata namang patay na patay ka kay Lucille. Akala mo hindi ko nakikita na kapag nandyan siya tumitiklop ka. Kala mo napakasiga mo." Tinawanan ko siya ng malakas.
"Anong sabi mo, gusto mong gulpihin kita ngayon?"
"Alam kong magpapalakad ka lang sa'kin, pero wag na lang, may paa ka naman. Hahaha."
"Lul mo, wag kang pilosopo, bubugbugin kita."
We used to have those good bud moments. I trust him, I know he could protect someone he cherished.
Nagpatuloy ang pagkakamabutihan nila ni Lucille, halos araw-araw tuwing after class magkasama sila sa library para mag-aral.
Lucille was the reason why he's trying to change his miserable life.
She's his light.
But that light faded.
"L-lucille. M-mahal kita." It's one afternoon at the library when he confessed his love to her.
She just smiled at him, she held his hand.
"Alam ko."
"H-hindi mo rin ba ko gusto?"
"I like you, Tamaki." His heartbeat was fast. "But I'm sorry. We can't be together."
"B-bakit?"
"I'm pregnant."
And every part of him shattered.
"Totoo ba, Morris?" it was dark and ominous day. Hindi ako makapagsalita noong mga oras na 'yon, "Sumagot ka!" halos mapunit na yung kwelyo ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Tamaki. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Tamaki.
"Senj, tama na." umaawat si Tadeo.
"Wag kang mangingialam Roman." Nagtatagis ang mga bagang at nanlilisik ang mga mata niya, "Ikaw. Ikaw ang ama." Umaagos ang luha mula sa mga mata niya. "Ikaw ang ama ng dinadala ni Lucille."
Hindi. Hindi yon totoo. Gusto kong sabihin yon kay Tamaki pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Wala akong nagawa kundi maluha rin dahil hindi ko kayang sabihin kay Tamaki yung totoo, hindi ko sinasalubong ang mga tingin nya.
"Hayop ka."
Tinanggap ko ang lahat ng suntok at tadyak mula sa kanya. Sinalo ko 'yon ng walang salag. Wala namang magawa si Tadeo at Baldo kundi manuod lang.
At mas masakit na hanggang ngayon hindi alam ni Tamaki ang katotohanan. At hindi niya maaaring malaman.
Unti-unting nilamon ng demonyo si Tamaki, unti-unti nawala ang liwanag na tumatanglaw sa kanya. Kasabay ng unti-unting pagbabago ng buong klase namin, unti-unti rin siyang namuwi sa mundo, at sa akin.
Hindi na pumapasok si Lucille sa school, walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Maliban sa'kin na nakakaalam ng mga totoong nangyayari. Pero mas pinili kong maging pipi, dahilan para mabulag ang lahat.
Three months later, Lucille died.
"Kasalanan nyo ni JILL kung bakit siya namatay. Kasalanan nyo!" nagwala siya sa classroom. Jill was dumbfounded when the issue was exposed at our whole class. Everyone was shocked. Walang makakontrol kay Tamaki, nilalamon siya ng poot at galit.
Ang komosyon na yon ang dahilan para masuspend siya, kung hindi lang nagmakaawa ang mga magulang nya sa school, expel na siya.
Then, everything changed.
Jill changed.
Tamaki changed.
Everyone.
Lahat, naapektuhan.
Tumigil ako sa pagsilip sa nakaraan ni Tamaki, matalim pa rin ang titig niya sa'kin, at kinindatan ko siya sa isang iglap. Padabog siyang tumayo at lumabas ng kwarto, napatingin lahat sa kanya.
"Gosh, he's out."
"I thought siya yung killer."
"Buti naman."
Mahirap ilabas ang katotohanan sapagkat may mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na mahirap ipalinawag, katulad ng mga uri ko.
Katulad ng mga uri namin ni Lucille, at ni miss Karen.
We're peculiars who exist on this planet.
This is a curse.
"Morris, I'm going to die soon." Ako lang ang nakakaalam tungkol sa sakit ni Lucille, "Malapit na kong mawala sa mundo, Morris, nararamdaman ko, malapit na."
Pinatawag niya ko noong araw na yon sa ospital, yung mga panahong walang nakakaalam kung nasaan ba siya.
"Wag kang magsalita ng ganyan."
"Nananaginip pa rin ako. Hindi tumitigil ang mga nakikita ko."
"Morris, I have a huge favor to you, at asahan mong tatanawin kong isang napakalaking utang na loob hanggang sa hukay ang lahat ng to. Hindi mo alam kung gaano kalaki at kapuro ang tiwala ko sa'yo."
"Ano yon?"
"I want to protect Jill, she's my very best friend, alam mo yan, the three of us were so happy. I want Jill to be happy."
"Hindi kita maintindihan Lucille."
Imbis na sumagot ay inabot niya sa'kin ang isang sketch pad.
"I can see the future through dreams, Morris. At lahat ng nakikita ko, ginuguhit ko." Hindi ako makapaniwala sa mga nakaguhit doon, lalo na't tungkol lahat kay Jill.
"Gusto kong lumayo ka kay Jill, it's one of the best things that you could do, because someday in future, you and she can't be together, you'll just end up hurting both of yourselves."
I was completely devastated.
"May isa pa kong bagay na sasabihin sa'yo." Nanatili lang akong nakatitig sa sketchpad, as I scanned the pages, parang pinuputol ang bawat hininga ko,
"I'm pregnant, Morris. The father of my child is one of the Memoire."
I closed my eyes, I can't stop the memories flashing in my eyes. Agad din akong dumilat, wala na si Tamaki sa harapan ko.
"O-ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lily.
"Oo." inayos ko ang sarili ko.
Hindi pa tapos. Marami pang mga mata sa paligid ko. Sa sulok ng mga mata ko, nakita ko ang nakaabang na mga mata.
Mga mata ni Lord Ireneo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro