Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/21/ Sibling bond


George Morris' POV

"George" hininto ko yung ginagawa ko para sumilip sa tumawag sa'kin, "can I come in?" tanong ng isang babae na may katamtamang taas at katawan, lumalam ang mga mata at may maputlang kompleksyon ng balat, nakatayo siya sa may pintuan.

Isang tango ang sagot ko at lumibot muna  s'ya sa kwarto atsaka umupo si ate Georgina sa gilid ng kama, itinuon ko ulit ang atensyon sa pagsusulat.

"George." Tawag ulit niya, pero hindi ko siya sinagot. Tanging liwanag lang ng lamp shade ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ko.

Napabuga ako ng hangin, lumingon sa gilid, kung siya nakaupo. For the nth time, I'm so sure that my sister is going to tell the same thing again. I'm tired of arguing this with her.

"Ate," I sighed again, "please... not again." Then, she giggled.

"Alam kong tatanggi ka pa rin at hindi na mabibilang sa daliri ng mga kamay at paa ko kung nakailang failed attempts ako," sabi niya, "mikang mas dapat ko pang i-develop ang convincing powers ko." Ngumiti siya. Nang marinig ko ang salitang 'powers' medyo iba ang pagkakaunawa ko.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon sa pagsusulat. Mukang hindi ako sesermonan ni ate katulad noon, kakausapin niya ko na mauuwi sa pagtatalo at pag-aaway. Naiintindihan niya na siguro na sadyang matigas ang ulo ko.

"I'm getting married soon," napahinto ako saglit, nagkuyom ang isa kong kamay,nagtagis ang bagang, "malapit na kong umalis sa bahay na 'to."

I want to stop her and to shake her until she wakes! But I can't... Alam kong hindi ko na siya mapipigilan pa, she's my only sister... Pero sabi niya ginagawa niya ang lahat ng 'to para sa'kin.

Para sa kapakanan ko.

"George... This is the last time that I'm going to ask you this." Hindi ako kumibo. "Please...Umalis ka na sa White Knights, lumipat ka na sa---"

"Hindi pwede. Ayoko." At kagaya noon pa man, lagi ko nang pinuputol ang sasabihin ni ate ang tungkol sa bagay na 'yan.

"...I understand..." tiningnan ko ulit si ate, bakas ang kalungkutan sa mga mata, laglag ang balikat. Hindi ko siya masisisi, madami na siyang sinakripisyo na ginawa. Hindi rin naman niya ko masisisi dahil mayroon akong mahalagang dahilan.

Tinitigan ko ang mga mata niya at unti-unti akong dinala nito sa nakalipas.

"Ate!" dinala ako ng mga mata sa nakaraan, nakita ko ang batang George, pumapalahaw sa playground ng munting paaralan. Mag-isa.

"Anong nangyari sa'yo?" biglang dumating si ate Georgina  na noo'y nasa edad na labinlima at ako'y walong taong gulang. "May umaway ba sa'yo?" Umiling ang batang si George.

"Hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko. Ate! H-hindi ko maintindihan. Natatakot ako..." Niyakap ako ni ate.

"Tahan na... Ssshh..."

Noong una hindi ko maunawaan kung ano ang mga nakikita ko nang tumuntong ako sa edad na walo. Hindi ko alam kung ano ang ikinaiba ko sa mga normal na tao. Noon, hindi ko maintindihan kung ano at sino ba talaga ako.

"George, makinig ka sa'king mabuti," hawak niya ang magkabilang balikat ko, "pareho tayo ni ate. Wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat. Wag kang matakot" Isa kami ni ate Georgina sa 'mapalad' na nabiyayaan ng ganitong regalo.

"Parehong 'puro' ang mga magulang natin. At nasa lahi ng pamilya natin ang pagiging ganito George, nasa lahi ng mga mata natin ang ganito."

Biglang nagpalit ang eksena na nakikita ko sa mga mata niya. Parang pelikula na nagfast forward. Nakita ko sa mga mata ni ate ang unti-unting paglipas ng panahon na pagpapamulat niya sa musmos kong isipan kung ano ang mayroon kami.

"Siya si Dr.Richard, George. Pinag-aaralan niya ang tungkol sa mga kagaya natin. Wag kang mag-alala, hindi siya masamang tao." Nang tumuntong ako sa edad na sampu ay dinala ako ni ate sa isang laboratory at ipinakilala ang isang tao na sabi niya'y makatutulong sa'ming dalawa.

"Hi, George! Alam mo ba na napakaespesyal ng mga mata mo." Magiliw na sabi ng doktor sa'kin.

'Espesyal' nga sigurong matuturing ang mga kagaya namin.

"Marami kang magiging kalaro rito George. May anak ako, gusto mo ba siyang makalaro?" Naging magaan ang loob naming ni ate Georgina kay Dr.Richard, tinrato niya kami na parang mga anak, palagi kaming pumupunta sa laboratory niya.

Hindi ko masasabing natulungan kami ni Dr.Richard, naging eksperimento kami sa loob ng laboratoryo, nakakilala ng mga iba pang kagaya naming na naging eksperimento rin. Mas lumawak ang kakayahan namin ni ate, at mas nakontrol ito kaysa noon.

Pero mas naging mapanganib ang buhay naming magkapatid.

"Hindi na tayo babalik sa lab ni Dr.Richard kahit kailan."

"Bakit ate?"

"It's a big mistake that he helped us. Nadiskubre ang mga kagaya natin. Hinahanap tayo, George, at hinding-hindi tayo pwedeng sumama sa kanila."

"Sino ang naghahanap sa'tin ate?"

"Malalaman mo rin, George, pero hindi muna ngayon, kapag lumaki ka na maiintindihan mo ako."

Hindi rin pala ganun kaganda ang pagkakaroon ng ganito. Akala ko magiging maayos na ang lahat noong tinutulungan kami ni Dr.Richard, pero hindi pala. May mga gustong kumuha sa'min. May mga gustong gamitin kung ano ang mayroon kami. Pero mahigpit na binilin ni Dr. Richard na kahit anong mangyari ay hindi kami sasama ni ate. Habambuhay na kaming magtatago at tatakbo ni ate.

"George." Isang araw ay parang nag-iba ang ihip ng hangin. "George. Sasama na  'ko sa kanila."

Gulat na gulat ako sa sinabi ni ate.

"Baliw ka ba ate?!"

"Kailangan kong gawin 'to." At ang mas malala pa, magpapakasal si ate sa isa sa kanila at habambuhay nang itatali sa lugar na pilit naming tinatakasan, para sa'kin, para sa kapakanan ko kaya ginawa ni ate 'yon.

Hiniling ko tuloy na sana... Na sana hindi kami pinanganak ng ganito. Na sana wala kaming ganito. Na sana hindi kami iba.

"Kailangan kong gawin 'to para lubayan na nila ang pamilya ko. Pati ikaw." Hindi ko matanggap na sa hinabahaba ng panahon na tumatakas kami ay mahuhulog lang din si ate sa mga kamay nila. Magmula noon ay naging malayo ang loob ko kay ate Georgina.

"Gusto kong dito mo tapusin ang senior mo." Dinala ako noon ni ate sa isang eskwelahan. Hindi ito basta-basta, at hindi alam ng publiko ang tunkol dito. Pagtapak ko pa lamang sa loob nito ay alam ko na kung ano ang mayroon dito.

"Ayoko, ate."

"Mas magiging maayos ka rito, George." Umismid ako sa sinabi niya.

"Maayos? Maayos ba na makasalamuha ko ang mga kagaya natin? Ate, alam kong mga katulad din natin ang mga nag-aaral dito, pero ayoko. Ayoko pumasok sa paaralan ng mga abnormal na tao."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Anong tinawag mo sa mga kagaya natin? Abnormal?! Hindi mo ba alam na sa sinabi mong yan ay insulto sa buong angkan natin?! Ha! George!"

"Gusto kong mabuhay at makisalamuha sa mga normal na tao, ate. Ito na lang siguro ang kapalit ng desisyong ginawa mong pagsama sa kanila."

Lumipas muli ang panahon at hindi nagbago ang malamig na pakikitungo ko kay ate at kinukumbinsi niya ko na lumipat pero hanggang ngayon ay hindi ako pumayag.

"TAMA na ang flashbacks." Pumikit si ate Georgina, dahilan para mahinto ang mga nakikita kong pangyayari sa kanyang mga mata. Nakangiti si ate, may halo iyong pait. Maya-maya ay dumilat at tumayo siya.

"Good night little brother." Sa huling pagkakataon ay bigo na naman siyang lalabas ng silid ko. Pipihitin na ni ate ang sendura...

"Ate Georgina..." tumayo ako, lumapit sa kanya at saka siya lumingon.

Niyakap ko si ate. She hugged me back.

"I'm sorry. Sorry kung hindi ako naging mabuting kapatid."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ako yun, sa mga pagkukulang ko."

"No ate, hindi ka nagkulang kahit kailan." We're hugging each other like there's no more tomorrow.

"Academy of Peculiars could help you. George, I wanted you to be there. Para kahit wala na 'ko sa tabi mo, alam kong maayos ka."

"Ate, just give me more time. May kailangan muna kong gawin. I promise I'll go there." I just need to go with her, with Jill.

"I will miss you." Naramdaman ko na nabasa na yung balikat ko, she's crying hard already.

"I will miss you more, ikaw lang ate ko eh, wala ng magluluto ng baon ko."

Mas lumakas yung pag-iyak niya, at hindi ko na rin napigilan yung luha ko na kanina pa nagbabadya,

"Mag-iingat ka roon ate ha."

"I'll be fine, ako pa."

"I'll kick their butts kapag sinaktan ka ng mga Memoire."

Memoire, an association of people who are using Peculiars to conquer the universe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro