Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/14/ Who Knows


"Jill..."

"Jill Morie..."

"Jill..."

"...Morie..."

I've been hearing those voices lately. An unknown voice that keeps playing on my head, the voice seems to reach me. Boses na parang nanggaling sa ilalim ng lupa, garalgal, malaki.

"Come... with... us..."

Us? Marami sila?

Nananaginip lang ata ako, pero wala akong makita kundi kadiliman, at naririnig ko lang ang boses hanggang sa maglaho ito. Akala ko hindi ito hihinto. Panaginip lamang pero gising ang diwa ko. Gising ang diwa ko?

Dahan-dahan, binuksan ko ang mga mata ko... Hinintay kong luminaw ang paningin ko hanggang sa malaman ko na... Nakatayo ako sa tapat ng study table ko. Patay ang mga ilaw, ang tanging liwanag na tumatanglaw sa buong kwarto ko ay ang ilaw na nagmumula sa bukas na laptop na nakapatong sa table.

Paano ako napunta rito? At hindi ko iniiwang bukas yung laptop. This is odd. Paanong nangyari 'to.

Sinulyapan ko yung wall clock, 3:34 am. Ok, this is getting creepier. Am I getting possessed by a demon now? I hope not. Hindi magandang bagay yun. I erased that idea in my mind.

Sa dami ng kakaibang nangyayari sa katawan ko, parang gusto ko na lang tumawa. Bukod pa yung nakakakita ko ng mga hinaharap sa nangyayari ngayon. Weird. Nagkibit balikat na lang ako, bago ako pumunta sa kama ko na katabi lang halos ng study table ko, isa-shut down ko muna yung laptop.

When I shrugged the mouse, nawala yung screensaver... Nakita ko yung...Blog...

Updated twenty-five minutes ago [click here...]


*****


Monday is very mysterious. Lahat kasi naiinis sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama.

 "Morie! Morie! Morie!" Kahit nasa likuran ko si Aya, ramdam kong to the highest level ang energy nya. Kakasara ko lang ng pinto ng locker ko, pero dahil sadyang makulit si Aya, hindi kaagad ako nakaalis.

"Sabay ka sa'min mag lunch!" tsaka ko lang napansin na may mga kasama si Aya.

"Yoh." Bati ni Baldo, samantala tahimik lang sila Yue at Penelope.

Anong meron?

"Mauna na lang kayo." Sabi ko.

Sinikap kong wag salubungin yung mga tingin nila, mahirap na, lahat pa naman ng mga mata nila nakatutok sa'kin.

"N-namumutla ka." Nahihiyang puna ni Penelope, "Ok ka lang?"

"I'm fine." Tsk. Naiirita na ko, ilang beses na ba kong tinanong ng ganyan? Paulit-ulit ko na lang din sinasagot na ok lang ako kahit hindi. I'm not fine, physically and emotionally.

"Gusto mo bang samahan ka namin sa clinic?" alok pa ni Yue.

"No, I said I'm fine."

"Sumabay ka na lang sa'min kumain."  Pag-aaya naman ni Baldo.

Huminga muna ko ng malalim bago sumagot,

 "Hindi ako interesado." Then I walked away. I heard their sighs as I rejected their offer; somehow, I broke their hearts.


*****


"Miss, gusto mong magpahula?" may biglang kumalabit sa'kin, ang alam ko mag-isa lang akong naka-upo rito sa bench sa loob ng isang mall.  Dito ko pumunta nung lunch break, pero dahil tinatamad na ko bumalik sa school, dito ko na lang uubusin ang oras ko maghapon.

Kanina pa ko rito nakatambay at nag-iisip ng mga bagay-bagay, lalo na yung tungkol sa nangyari noong sabado ng gabi.

 "Nahihirapan akong nakikita kang ganyan!"  si Morris.

 "There's no place for you to come back." Si Lily.

"I am so disappointed, Jillian." Sidad.

"Alam mo ba yung kagandahan ng umuulan? Kahit na umiiyak ka, walang nakakakita sa'yo."  Si Cloud.

Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung mga salitang binitiwan nila. Kahit na pumikit ako, hindi pa rin mawala-mawala sa utak ko lahat. Kung pwede lang isipin na panaginip lang yung nangyayari sa'kin. Bakit hindi? I miss my dad, yun yung nararamadaman ko nung bumalik ako, kaya masakit para sa'kin yung nangyari. Mahirap itanggi na sa mga bagay at taong tinalikuran mo eh umaaasa ka pa rin kahit papano na may space pa sila para sa'yo.

"Miss, singkwenta lang. Gusto mo bang malaman ang kapalaran mo?" Pero dahil may gumambala ng pananahimik ko, huminto yung mga boses sa isip ko. "Miss?" pangungulit pa rin ng babae, hindi ko pa rin siya pinansin. "Pahula ka na oh." Ha? Titignan nya ang kapalaran ko? Psh. Kalokohan. Baka ako pa ang magbigay ng hula para sa kanya."Aish, miss, kwarenta na lang para sa'yo. Ayaw mo bang malaman ang kapalaran mo? Wag kang mag-alala, hindi ako fake. Proven and tested ata to!" ayaw pa rin nyang tumigil, "Ay, teka, may ipapakita ako sa'yo." Tapos ipinakita nya sa'kin yung mga baraha na meron sya, kakaiba yung mga baraha. "Alam mo ba, miss, itong mga baraha na 'to ay isang heirloom ng pamilya namin, kaya ganito kaganda at kakaiba ang mga baraha ko." Hindi talaga ko interesado, kaya patayo na sana ko pero pinigilan nya ko. "Miss naman! Trenta na lang! Dali na, bagsak presyo na yan, uyy! Papayag na yan, ayee."  Tinusuk-tusok pa nya yung tagiliran ko, tss.

Hindi na nakakatuwa yung pangungulit na ginagawa nya, kaya naman dumukot ako sa bulsa ng vest ko ng pera.

"Eto, ale." tapos inabot ko sa kanya yung fifty peso bill ng hindi pa rin nakaharap sa kanya.

"MAKA-ALE KA NAMAN MISS! Feel ko magkasing edad lang tayo eh. Waah Magpapahula ka na?! Hahaha, sabi na eh, papayag ka rin eh! Dali humarap ka na sa'kin, miss." 

"Hindi ako magpapahula." Sabi ko.

"Ha? Eh para saan 'to?"

"Sa'yo na at umalis ka sa tabi ko."

"Ayy! Grabe ka naman miss, hindi ako pulubi!"

"Edi akin na yan."

"Joke lang! Tatanggapin ko pa rin 'to, bigay mo naman eh. Pero pwede humarap ka lang sa'kin tapos aalis na ko, pramis!" At para tantanan nya na ko, humarap ako sa kanya, bahala na kung anong pwede kong makita sa mga mata nya.

Pero mabuti na lang, hindi ko nakita yung mga mata nya kasi natatakpan 'yon ng shades. Buti naman.  Tsaka ko lang napansin yung itsura nya, yung itsurang nangangailangan ng pera. Mahaba ang buhok pero nakabonet, tapos nakajacket ng mahaba.  Pero tama nga siya, mukang hindi nagkakalayo ang edad namin.

"Oh? Masaya ka na? Pwede mo na ba kong lubayan?" kanina pa ko nayayamot  dahil sa kanya. Napansin ko kasing hindi na siya umimik nang humarap ako, natuod ata. Weird lady. Psh.

"H-hehe, salamat sa fifty! Pasensya na sa abala. Bye!" sabay layas nya sa tabi ko. Sinasabi ko na nga ba. Napailing na lang ako. Sa panahon ngayon mahirap nang kumita ng pera, kahit ano na lang pasuking raket, kahit panghuhula pala pwedeng gamiting pangkabuhayan. Ibig sabihin, pwede ko pa lang pagkakitaan 'tong kapangyarihan na to? Wow.

Sinundan ko ng tingin yung weird "fortune teller" girl, sa kabilang bench naman ito pumunta para manghula, swerte naman at napapayag nya yung isang  lalaki.

'Don't judge the book by its cover' sabi nga, who knows if that weird lady suddenly lost her job at siya lang pala yung sumusuporta ng pamilya nya? Who knows na yung lalaking nagpahula sa kanya ngayon lang ay desperadong makaangat sa buhay? Who knows na yung isang babaeng kumakain ng ice cream ng tulala ay iniwan ng boyfriend nya? Who knows na yung isang manong na may kausap sa cellphone ay namumroblema sa paghahanap ng trabaho?

Who knows na may kakayahan akong magsabi ng mga darating na pangyayari?

 Who knows?

Kahit ako hindi ko rin masasabi, nakikita ko ang mga kapalaran nila pero hindi ko masabi kung ano at sino silang talaga, hindi sakop ng kapangyarihan ko na matukoy kung bakit, at bakit iyon yung kapalaran nila. The truth is... No one really knows what inside us. No one can see your center.

 Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pero, yung mga tuhod ko, biglang nanginig, yung paningin ko unti-unting lumalabo. Wala akong makapitan, walang sasalo sa'kin, then everything went blank.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro