/13/ Gloomy
The train stopped in front of my face.
Cool.
"JILLIAN MORIE OF 2-B, ATTEMPTED SUICIDE... [click to see more...]"
Panibagong post galing sablog ng unknown stalker ko. I checked it by phone at tama nga ang iniisp ko na magkakaroon ito ng panibagong update.
Great. Now they think that I'm suicidal.
Kahapon lang nangyari ang lahat pero mas mabilis pa sa kidlat na kumalat ang balita, hindi lang sa school pati na rin sa cyber-world. Sa pamamagitan ng isang viral photo kumalat ang ginawa ko. The train didn't hit me, but still, it caused a BIG commotion.
Pero mas lalo yatang lumala ang gossips, stares, at murmurs na natanggap ko kanina nung dumaan ako sa corridor. The hate and disgust in their eyes was replaced by pity. The heck!
My school got bothered because the media might intrude the campus because of me, so they're really trying their best to cover the situation. That's what schools are for, protecting their stupid reputations.
Suspended ako ngayong araw dahil nasa counseling office ako para sa "interrogation". Kanina pa nila ako kinakausap and I hate the way they exaggerate. Pero hindi pa rin ako tinatantanan ng sermon ng counsilor at ng ilang teachers, palakad-lakad pa sa gitna ng office, habang ako naman ay hindi nakikinig na nakaupo lang sa lounge ng office, si miss Karen naman, na siyang witness sa ginawa ko ay naka-upo rin sa sofa kaharap ko.
Wala pa rin akong sinasabi kahit isa, until they concluded everything. They said that I was bullied that caused depression and that depression leads to a suicide attempt.
Bingo!
Nagsawa rin sila kaya minabuti na lang nilang umalis na lang, mabuti naman dahil nakakairita lang sila. Naiwan kami ni miss Karen sa office lounge.
"You can go home if you want." She said. Umiling ako, ayoko pa kasing umuwi, wala lang. Lumabas na rin kami ng office at naglakad-lakad sa campus, oras ng klase kaya walang mga nagkalat na students, mabuti naman, psh.
Naalala ko yung mga pangyayari kahapon, yung mga sinabi ko kay Yue. I didn't do it to save him. I did it so that I can end the stupid "system". Miss Karen was there, she's the one who stopped Yue, because I told her what supposed to happen. Pero hindi nya ko pinigilan, wala rin siyang sinabi na kahit na ano sa office. I wonder why.
"Why you did not stop me yesterday?"
"I don't want to ruin your plans." She answered right away.
She knew that I have plans? Siguro nga alam nya rin yung tungkol sa system pero wala siyang sinasabi. Weird. Hindi na ako nagsalita pa.
Paliko na kami sa dulo ng corridor ng sumulpot si mr. rank one, Lord Ireneo.
"Can I talk to her?" akala mo kung sinong concern, kaharap lang kasi si miss.
"I'll go ahead." Nang mawala na si miss Karen sa paningin namin, tsaka niya ko hinarap. Nagbago yung ekspresyon ng muka niya, I can feel his rage, dahil siguro hindi niya matanggap na nanalo ako.
"First of all, I want to congratulate you, Jillianne Morie." I wasn't looking directly at him, and then he grinned.
I didn't answer, I just smiled.
"I can't believe this; I can't believe that you can do such things. Napahanga mo talaga ko sa ginawa mo, Morie." Mas lumapit pa siya sa'kin, "Akala mo ba hindi ko alam? Umpisa pa lang, alam ko na yung balak mo."
Tama nga, he already figured it out. Matalino si Ireneo kaya madali lang na matuklas niya yung intentions ko. Kaya lang, wala siyang bilib sa'kin in the first place.
"Sinadya mong ibagsak yung test, para ikaw yung maging rank forty. I've been thinking why did you do that, hanggang sa maisip ko nga yung talagang gusto mong mangyari. At first, hindi ako naniniwalang magagawa mo dahil napakaimposible. Until yesterday." Tsaka ko lang napagtanto na napakalapit na pala niya sa'kin pero hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
"Meron na silang conclusion, and because of that, they will not only keep an eye on you but also, on us."
He leans closer to me, naramdaman ko yung hininga niya sa may tenga ko, "But this is not the end yet." That whisper gave me creeps.
"Aasahan ko yan." Sabi ko. He stepped back, and then he walked away. The moment that he's gone, I knew, I won. Tama nga si Baldo, he thought that I could change it, and so I made it.
*****
Friday ang paboritong araw ng lahat, maaga kasi yung dismissal time. Papalabas na ko ng gate ng school ng may tumawag sa'kin.
"MORIE!" unison ang pagkakatawag. Paglingon ko, ang yakap ni Aya ang sumalubong sa'kin.
"MORIEE! I'M SORRY!" she's crying really hard. "N-NATAKOT TALAGA KO S-SAKANILA KASI...KASI...HUHUHUSORRY WAAHHAKWAAAHHHSORRYYMORRIEEWAAHHUHULKADJADK" hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi ni Aya, basta puro 'sorry' at 'morie' lang yung naiintindihan ko. Ang higpit pa ng pagkakayakap niya sa'kin kaya nahihirapan akong huminga.
"It's...fine." I tapped her back, pinipilit kong kumawala dahil ang hirap huminga sa higpit ng yakap niya.
"WAAH—"she released me, finally. "Sorry talaga." Kinusot-kusot pa nya yung mata nya at hindi pa rin tumigil sa pag-iyak.
"S-sorry din." Si Baldo naman yung kasama nila, "sorry k-kung ginawa ko yun."
"We're deeply sorry for doing nothing." Si Penelope rin pala kasama nila.
"M-morie." Nasa tabi naman ni Penelope, si Yue. "Salamat..." So, he's grateful?
I don't know how to react in this kind of situation, everybody feels sorry for me. Pero, ba't ganun? Ang gaan...sa pakiramdam.
Natanaw ko sa malayo, nakatingin sya sa'kin, alam kong gusto nya kong puntahan, pero hindi...hindi pwede. I know you feel sorry for me too, Morris.
*****
It's a gloomy Saturday.
Muntik ko ng makalimutan na may event nga pala ngayong araw. Isang party daw ang gaganapin sa Morie's residence, kung pwede lang wag pumunta, pero nakatango na ako kay Albert.
"Jillian, hija." An old lady was standing in the door, si manang Fe. Nandito lang siya tuwing sabado, para gawin yung chores, at pinadala lang siya ng magaling kong ama para tingnan kung buhay pa ba ko. Psh. "Malapit nang dumating si Albert, hindi ka pa ba mag-aayos?"
Tumingin naman ako sa orasan sa gilid ng kama, tapos tumayo na ko mula sa pagkakahiga. Nanatili pa ring nakatayo si manang Fe sa may pintuan, nakatingin sa'kin. Hindi ko siya pinansin.
I've never been good to her ever since na mapadpad ako sa apartment na 'to, hindi naman sa tinatrato ko sya ng malupit. Ilang beses ko nang nasabi na wag na syang bumalik pero nandito pa rin siya tuwing sabado. Siguro sadyang malaki ang ibinabayad na sweldo sa kanya ni dad. Psh.
Ayun na, nag-ayos na ko at saktong ala sais nga nung dumating si Albert. Habang nasa byahe hindi kami nag-iimikan.
Mga bandang quarter to seven nang makarating kami roon. Ipinasok pa sa loob yung kotse, at sa may harapan mismo ng malaking bahay ako ibinaba ni Albert. This is the place where I used to live almost perfect.
The melancholic aura of this place is still the same. Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nakatapak sa malawak na bakuran na 'to. At ngayong nandito na ulit ako, biglang rumehistro sa isip ko yung sinabi ni Lily ng minsang bumisita siya sa'kin..
"There's no place for you to come back."
Meron pa nga ba?
"Your father wants to see you." Albert said, he sounds serious. Alam kaya nya? Alam kaya nila yung tungkol sa ginawa ko? I followed him, pumasok kami sa loob at sumalubong ang mga bisita, hindi ako familiar sa kanila kaya hindi ko na lang sila pinansin.
Nang makarating kami sa harapan ng living room, pinagbuksan ako ng pinto ni Albert. There they are, my father, Dr. Richard Morie, standing beside him is my stepmother, Elinor. And where's my dear little sister Lily?
I entered the room, hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko, humakbang papalapit si dad sa'kin, para salubungin ako?
"Dad, I—" sinalubong nya ko ng sampal. How sweet. Ang ganda ng pagwelcome nya sa'kin ha. Ano bang ieexpect ko? Yayakapin nya ko? Tss.
Sino ba naman ang hindi magagalit sa kabaliwang ginawa ng anak niya? The school told him for sure.
"I am so disappointed, Jillian."
Great, kelan ba ko hindi naging disappointment?
"Ric." Elinor stopped him.
But what my father said...broke my heart... again.
Sana pala hindi na lang ako pumunta rito, ang tanga mo kasi Jill. Umalis si dad, kasunod si Elinor. If Lily was here, I know she'll be happy to see what happened.
"There's no place for you to come back."
Lily was right. And I hate her for this.
Lumabas na rin ako ng kwartong yun at bumaba kung saan maraming mga bisita. Nakita ko si dad kasama ang bago niyang pamilya. Para pala kay Lily ang celebration na 'to. Hindi ako kailangan dito.
*****
Kanina pa ko nakatakas sa lugar na 'yon, nakakapangsisi na bumalik-balik pa ko ron. Hindi pa ko umuuwi dahil... wala lang. Ang hangin atsaka ang lamig kasi eh, matagal na kong hindi gumagala sa siyudad, yung tipong marami akong nakakasalubong na mga tao at nakikita ko yung mga future nila. Tss.
Naglakad lang ako hanggang sa biglang bumuhos yung malakas na ulan, lahat ng mga kasabay ko sa paglalakad nagtakbuhan para humanap ng masisilungan, hinayaan ko na lang na mabasa ako. Napakadramang pagkakataon nga naman, sinasabayan pa ng ulan ang nararamdaman ko.
Naghihintay ako ng masasakyan nang may sumukob sa'kin.
"Alam mo ba yung kagandahan ng umuulan?" sabi nung lalaking nag magandang loob na payungan ako, "Kahit na umiiyak ka, walang nakakakita sa'yo."
Andyan ka na naman, Enriquez.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro