/11/ Begins
"Isa sa mga plataporma na ipinatupad ng student council ang magkaroon ng comment box sa bawat section. Feel free to express ang motto ang project na'to. I hope maki-cooperate ang lahat." Malugod naman silang sumang-ayon sa sinabi ni Ireneo. May isang box sa mesa, may butas sa ibabaw at nakalock. Kanina ko pa gustong bumalik sa pwesto ko, bakit kailangan pa kong isama rito sa harapan? "At isa pa nga pala, nakikita niyo naman na kasama ko rito ang bagong ikalawang class representative natin."
Kalokohan.
"Please be good to her." Nakangiting sabi niya, ngiting may halong pagtuya. Ano ko? Transfery? Transfery sa buhay impyerno? Alanganin silang pumalakpak. I know, this is awkward. Nakita kong hindi pumapalakpak si Morris, masama yung tingin niya rito.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko, natawa ko sa harapan nila. Nakita ko sa sulok ng mata ko na naglaho yung ngiti ni Ireneo. At natigil sila sa pagpalakpak. Siguradong nagtataka silang lahat kung bakit ako tumatawa ngayon. Bakit nga ba? Kasi, muka silang mga ewan. Kaya nakakatawa. Kumbaga isa silang malaking joke. Nang matauhan ako, I composed myself at huminto na sa pagtawa. Okay, okay, I know I looked crazy, I just can't help it.
Walang nagtangkang bumasag ng katahimikan kaya naman nagsalita ako, "He's right." Sabi ko, "be good to me, please." Take note: with full of sarcasm.
I'm not scared at all, somehow I found this exciting. Parang biglang naggkaroon ng kaunting thrill yung boring kong buhay. Same feeling noong mga panahong sinusundan ko si Sabina. Speaking of Alexi Sabina, ayun siya, tahimik na nakaupo, hindi na siya katulad noon, matapos kumalat sa school ang di umanong tinatago niyang lihim.
"So, ilalagay natin 'tong box sa ibabaw ng shelves sa likuran. And Jill," how dare him to call me by my first name, "here's the key." Kinuha ko naman sa kanya yon.
Pabalik na ko sa pwesto ko pero humarang si Ireneo.
"I know you did it on purpose." He whispered, "Miss rank forty."
"What do you mean?" painosenteng sabi ko. Wow, so paano naman niya nahulaan na I did this on purpose? Wait, nakalimutan ko nga pala na matalino ang taong 'to. Hindi na siya sumagot. Sa ganitong sitwasyon hindi dapat magpakita ng anumang takot sa kanila. Why should I? Pinadaan na ko ni Ireneo at bumalik sa pwesto ko. And the moment na umupo ako sa upuan ko, the life of being rank forty...begins.
*****
"Please bring out your textbooks and open on page sixty-four." The terror math teacher said.
Kinuha ko naman sa ilalim ng desk table yung libro, but to found out na binaboy ito gamit ang marker, tapos walang page sixty-four. So, binalik ko na lang ulit sa ilalim yung textbook. Okay, ito na yun? Ito na yung pambubully nila sa rank 40? Walang kwenta.
May naghagis bigla ng math book sa desk ko, pagtingin ko sa kaliwa, si Morris. Saktong dumating yung teacher.
"Mr. Morris, where is your book?"
"I forgot it,sir."
"Buti yung utak mo hindi mo nakalimutan? Stand at the back!"
Tiningnan ko yung libro.
Advanced Calculus
George E. Morris
2-B
*****
Research time.
Kinailangang pumunta sa library para sa groupings ng research. Oh, I hate groupings. Groupings pero isa lang ang gumagawa, minsan out of five, dalawa lang ang kumikilos. Kaya naman I prefer to work alone, mas better. So far yung pambababoy pa lang nila sa libro ko yung ginagawa nila, hindi siya big deal, kayang-kaya ko namang bumili ulit ng bago.
"Thanks." Did I really said that? Inabot ko kasi kay Morris yung libro niya. Tumango lang siya at agad akong umalis doon, bumalik ako sa mga kagrupo ko.
"Mali-mali naman yang ginagawa mo eh!"
"Anong mali? Manahimik ka nga babaeng manok!"
Nagtatalo si Aya tsaka Tadeo. Bakit ko ba naging kagrupo 'tong dalawang 'to. Nang matapos yung research subject, papalabas na ko ng library ng tawagin ako ni Mrs.Stefi.
"Miss Morie, sinabi mo raw na ikaw yung magbabalik ng mga libro." Tinuro niya yung mesa na pinag-iwanan nila ng mga libro. Tumango na lang ako at pumunta ulit doon. Ah, so ito na ulit yon? Magbabalik lang ng libro?
"T-tulungan na kita." Oh, si Penelope. Yun na nga, tinulungan nya kong bitbitin 'tong mga libro para isauli sa respective shelves nila. "H-hindi ako nakapagthank you sa'yo, Morie." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa kabilang section ng books.
"Para saan?" tanong ko, patay malisya sa kung anong tinutukoy niya.
"Dun sa pagpigil sa'king pumunta sa Mirku's."
"Ah." Kunwari wala lang akong pakialam sa sinabi ni Penelope, bigla ko ulit tuloy naalala yung nangyari't nakita ko sa mga mata niya.
"N-nagulat talaga ko ng mabalitaan ko yun. Hindi nga ko makapaniwala eh." Akala ko tatahimik na siya pero sadyang curious si Penelope. "P-pero, paano mo nalaman na mangyayari yun, Morie?"
"Who knows." Sabi ko, nagkibit balikat. Hindi na nagtanong pa si Penelope. Tinulungan na lang nya ulit ako. Lumalabas na she owes me that's why she's helping me now. Okay.
*****
Hanggang sa nag-uwian na't wala namang masyadong nangyari sa'kin. Hah. Hindi ko alam kung ito na ba yung tinatawag nilang buhay ng isang rank 40. Walang kwenta. O di kaya, masyado lang akong atat? Naiwan ako sa room at kinuha sa cabinet sa likuran yung mop. Ang alam ko, ganito yung ginagawa ni Yue tuwing uwian. Wala namang nag-utos sa'kin pero naisipan ko lang maglinis.
"Akin na yan." Oh, anong problema nitong si Baldo? "hindi ka kasama sa cleaners ngayon."Inagaw sa'kin yung mop tapos siya yung gumamit. "Umuwi ka na, Morie." taboy niya sa'kin.
"Bakit naman ako susunod sa'yo?"
"Hindi naman sa nangingialam, sa ngayon, hangga't wala pa silang ginagawa sa'yo, umuwi ka na." sabi nya sa'kin habang nagma-mop. Wow.
"Ikaw? Hindi nangingialam, Baldo? Baka nakakalimutan mo na yung ginawa mo kay Sabina?" with full of sarcasm na sabi ko.
Huminto siya saglit pero kumilos ulit. "Masisisi mo ba ko, Morie?" nakaside view siya sa'kin pero nakita kong nakangiti siya. "Masisisi mo ba ko kung sobra ko siyang pinahahalagahan? Diba ganun naman talaga kapag nagmamahal ka? Lumalagpas ka na sa boundaries mo kahit alam mong trespassing ka, tuluy-tuloy ka pa rin kahit na alam mong hindi ka nya mahal. Hindi siguro pangingialam ang tawag dun, pagpapahalaga, pag-aalala."
Pagpapahalaga? Kalokohan.
"Yun nga lang, hindi naging maganda yung naidulot ng pagpapahalaga ko. Nagkamali ako. Nagkamali akong ibigay sa hayup na lalaking yon yung picture, hindi sana maikakalat yon dito sa school. Akala ko hindi nya alam yung ginagawang sakripisyo ni Alexi. Akala alam ko na lahat ng ikabubuti nya. Akala ko lang pala. Kaya nga, tama ka sa sinabi mo sa'kin eh. Wala akong karapatang magmahal."
Nakatingin ako sa kawalan, habang iniisip yung mga sinasabi ni Baldo. So, iyon ang nangyari.
"Aish, pambihira! Ang bading ng mga sinasabi ko!" bulalas nya, "Oy, umuwi ka na nga, kung anu-anong kabaklaan ang pinagsasabi ko eh, kami ng bahala rito."
Hindi na lang ako nagsalita, kinuha ko yung bag ko para umalis. Nasa pinto na ko ng magsalita na naman si Baldo,
"Oo nga pala, salamat sa'yo. Tingin ko mababago mo ang sistema." Hindi ko yon pinansin at dirediretso lang akong naglakad palabas. Muntik ko ng mabunggo si Miss Karen pag labas ko, ayan na naman yung mata nyang blangko. Weird, siya lang yung natitingnan ko ng diretso.
"Can I have a word?" Sabi nya, "This." Inilabas nya yung test paper ko at inabot sa'kin. Oo, yung test paper kong blangko, walang sagot. "I know you did it on purpose, dear." Madaling malaman na sinadya ko yun, ang kagaya kong consistent sa matataas na scores mapupunta bigla sa lowest rank? Unless na nga lang sinadya ko yun. Bukod kay Ireneo mahuhulaan din pala ni Miss na sinadya kong gawin 'yon.
"Station six, 7:39 pm, Thursday. The future begins, now."
I did it on purpose because of Stephen's future.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro