/10/ Rank Forty
MAHIRAP makipagsiksikan sa tren. Pero nakapagtatakang maraming tao pa rin ang nakikipag-unahan at nakikipagtulakan para maunang makapasok sa loob. Sa loob ng tren ay hindi lahat nabibigyan ng magandang pribilehiyo, hindi lahat nakakaaupo, may lugar para sa mga babae, may lugar na para sa mga matatanda, hindi pantay-pantay, parang sosyedad.
Sa tuwing paparating na ang tren at bubukas ang pinto nito, wala ng makakapigil pa rito. Ibig sabihin, tuluy-tuloy lang ang pag-usad, walang hihintayin, kung hindi ka hahabol, maiiwan ka, ang mauna ay mauna. Sa panahon ngayon, kapag nadapa ka, hindi na ganun kabait ang mga tao para huminto at bigyan ka ng atensyon para tulungan, matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. The one who will fall behind, will left behind.
"Approaching the next station, please check your belongings before leaving the train. Thank you."
Sa pagbukas ng pinto, may mga bagay na naghihintay. Mga bagay na hindi mo matatakasan. Pagbaba ko ng station six, may itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko, bumukas ang tinted window nito.
"Good morning, Miss Jillianne." Si Albert, nakangiting inanyayaan akong pumasok sa loob ng sasakyan. Sumakay nga ako at tahimik kaming nakarating sa White Knights. Bumaba ako ng kotse, nang tawagin ako ni Albert, lumabas din siya."Miss Jillianne." Huminto ako, "Hinihiling sana ni Dr.Richard—"
"Ayokong pumunta."
"Pero iyon ang kagustuhan ng papa mo."
"Pakisabi wala akong balak pumunta."
"Miss Jillianne, kahit ngayon lang, iha. Pagbigyan mo na ang papa mo. Matagal ka na ring hindi umuuwi."
Napabuga ako ng hangin. "Pag-iisipan ko."
Ngumiti si Albert at sinabing, "Isang dinner party ang inihanda nila sa sabado, sana makadalo ka, miss Jillian." Tumango na lang ako at nagpasalamat. Tinanaw ko munang makaalis si Albert bago ako pumasok sa loob ng malaking gate ng academy.
Nagmamadali lahat ng estudyanteng kasabay ko. Ano kayang meron?
"Good morning Morie!" biglang may tumulak sa likuran ko kaya muntik na kong sumadsad.
Sino pa ba? Si Aya.
"Sorry nemen! Hehe." Sinabayan niya ko sa paglalakad, "Uwaa, ngayon lang tayo nagkasabay sa umaga. Ang saya-saya!" kinawit niya yung braso niya sa braso ko. Nahalata naman ni Aya na nagulat at nailang ako sa ginawa niya.
"OMO! Malelate na tayo!" biglang tumakbo si Aya at dahil nga nakakawit yung braso niya sa braso ko, hinayaan ko na lang na mapatakbo na rin ako. Ganito si Aya, she always acts friendly sa kahit na sino. Lagi siyang hyper, at parang walang pinuproblema sa buhay. Kahit na minsan nakakainis at nakakairita na.
"Excuse me! Excuse me! Padaan mga tao!" hirap makadaan sa hallway dahil naglilisawan yung ibang mga students. Nakabitaw na rin ako sa pagkakakawit ng braso kay Aya. "Excuse me―ah! Aray" nadapa si Aya sa gitna ng maraming tao. Binalikan ko siya at tinulungang makatayo.
"Thank you, Morie." Nakangiting sabi niya. Marami pa ring nagkalat na mga estudyante, tsaka ko lang napansin kung ano yung pinagkakaguluhan nila.
"Hala, nakapost na yung results." Sabi ni Aya na nasa gilid ko. Pinapakita sa announcement monitors yung rankings ng bawat section base sa exam nitong nakaraang araw.
2-B
Rank 1- Lord Ireneo III
Siya pa rin ang magiging 'lord' ng klase.
Rank 2- Penelope Cruz
"Morie, ayun yung name mo!" turo ni Aya.
Rank 10- Jillian Morie
"Ang galing, hindi nagbago yung pwesto ng top 10."
"Oo nga, si Ireneo pa rin yung rank 1."
"Wala pa ring pinagbago." May nagsalita sa kanang gilid ko. Si Morris. "Ibig sabihin, hindi pa rin magbabago ang system." Naramdaman kong tumingin sya sakin, "sana, palagi mong pagbutihan, gaya ng dati." Tumalikod na si Morris, "Ayokong malaglag ka sa rankings." Then he walked away.
I smirked. Seriously? Pati ba siya nag-aalala sa stupid rankings? Para sa'kin isang malaking kalokohan ang lahat ng yan. Hindi ko maintindihan kung bakit ba big deal sa kanila yon.
Rank 40- Stephen Yue
"Congrats! Rank 40 ka na naman, men!" pinagkumpulan ng mga kaklase ko si Yue, inakbayan siya nung isa at yung iba naman ay binabatukan siya. "Aral-aral din pag may time." At nagtawanan sila.
School Caste System. What determine your rank is your scores. Kung sino an lowest siya ang kawawa. Samantala ang nasa top 10 ng rankings ang mayroong privileges na wala sa iba. Kagaya ng paggamit ng special locker sa loob ng room. At higit sa lahat meron kang makukuhang respeto sa loob ng klase. Dito pumasok yung konseptong ipinamulat ni miss Karen, "In this country, out of fifty people, only three will be happy."
Si Yue pa rin ang pinakahuli, ibig sabihin siya pa rin ang magiging pangalawang class representative, or should I say, class slave. Kabaligtaran ni first class representative si second class representative. Si first ang may hawak ng control, samantalang si second ang magmimistulang tagasunod ni first.
Sa madaling salita, rank 40 is hell.
*****
"MAGKAKAROON ng re-test ngayong araw."
"What?!"
"Re-test?!"
Naglikha ng ingay ang violent reactions dahil sa biglaang pahayag ni Miss Karen na magkakaroon ng re-test ngayong umaga.
"It was announced by the principal. Nawala ang ilang answer keys sa printing office, hindi pa kumpirmadong ninakaw ito but the office wants a re-test to make sure na walang dayaan ang naganap."
Right, this is the chance. Ang isang re-test.
"Ibig sabihin, may chance pang magbago ang scores nyo, pwedeng tumaas, pwedeng bumaba. Kapag nagbago ang scores, magbabago rin ang pwesto niyo sa rankings. Right after the exam, magbibigay ng isang oras bago i-post ang bagong results sa announcement monitors."
Dismayado man ang lahat, pinamigay ni miss Karen yung test papers at nagbigay ng isang oras para magsagot. Nagmamadali silang lahat sa pagsagot, samantalang ako, limang minutong nakatitig sa papel bago damputin ang panulat. Ito na yung pagkakataon. Wala akong pakialam sa kung anong mangyayari.
*****
"MORIE!" humahangos na pumasok sa loob ng classroom si Aya, "Morie!"
"Hoy babaeng manok kung makasigaw ka akala mo may sunog!" Saway ni Tadeo na nasa likuran.
"Wag ka munang umepal Tadeo!" hindi niya na ko hinintay sumagot at hinila nya na ko palabas. "May dapat kang makita, Morie!" Vacant period kaya ayos lang lumabas-labas, parang nangyari na yung ganitong eksena noon, kapag tuwing may hindi magandang nangyari. Hindi na lang ako umimik sa kung saan ako dadalhin ni Aya, pero alam ko na kung anong gusto niyang ipakita.
"Tingnan mo!"
2-B
Rank 1- Lord Ireneo III
Rank 2- Penelope Cruz
.......
Rank 10- Celine Ingrid
"Nawala ka sa rank 10, Morie!" nagpapanic na sigaw ni Aya.
I know.
......
Rank 39- Stephen Yue
Rank 40- Jillian Morie
"ANONG NANGYARI? MORIE?! BAKIT NAPUNTA KA SA RANK 40?!"
Nagtinginan samin ni Aya yung ibang tao. Nagulat din sila sa naging resulta. I remained calm, and emotionless. Nakatitig lang ako sa announcement monitor.
"Students! Bumalik na kayo sa respective classrooms niyo!"
I succeed.
Bago ako makapasok sa loob ng classroom, nakaabang si Ireneo sa labas.
"Well, hello, Miss Rank Forty." He smiled.
"Hi, Mister rank one."
Starting this grading, I'm the newest rank forty, because I did it on purpose.
###
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro