Epilogue
Tine's Pov
Bumalik din kami ng Manila pagkatapos ng limang araw. Kailangan na kasing maghanda ni Thessa para sa nalalapit niyang paglipad patungong ibang bansa.
"Lolo!" Natatawang sigaw ni Thomas dahil sa pangaasar sa kanya ni Lolo Fernando.
Dinalaw namin siya at pati na rin si thessa na nagaayos na nang kanyang mga maleta. Hinatid kami ni Timothy dito kaninang umaga bago siya dumiretso sa trabaho. Limang araw din kasi niyang hindi na subaybayan ang mga bar niya kaya kinailangan niya na itong bisitahin ngayon.
"Baby kiss mo na si Lolo. Hindi mo ba namiss si Lolo?" Malambing na tanong ko sa aking anak.
Nasa may sala kami, habang nakaupo si Lolo sa sofa. Medyo hirap na din kasi itong gumalaw kaya naman nakaupo na lamang siya.
"Miss..." mahabang sambit ng anak ko at kaagad na tumakbo kay Lolo at nagtangkang sumampa dito pero hindi niya maabot.
"Baby, mabibigatan si Lolo sayo" natatawang suway ko sa kanya.
Kahit hirap ay sinubukan ni Lolo na yumuko para maabot ni Tammie ang kanyang pisngi.
"Kids...mirienda tayo! Nag bake si Tita ng cake" sigaw ni Thessa mula sa dinning.
"Tammie let's go" yaya ni Thomas sa kapatid.
Kaagad na kumapit si Tammie sa kanyang kuya at tsaka sila sabay na tumakbo patungo sa kanilang Tita Thessa
Iginala ko ang buong paningin ko sa kabuuan ng bahay. Nakakamiss din dito. "Si Yohan po Lolo?" Tanong ko.
Mahina itong napangisi. "Hindi na niya maiwan ang kanyang opisina" natatawang sabi niya na para bang pabiro pa pero alam kong nasasaktan din siya dahil sa mga nangyayari sa kanyang mga apo.
"Lolo...marami pa din po akong oras makinig sa inyo" payo ko sa kanya.
Alam kong sa mga edad na kagaya ng kay Lolo ngayon. Naghahanap sila nung mga taong handang ibigay yung oras nila para makinig. Alam kong marami din siyang gusto sabihin sa akin, pero dahil nga sa kinailangan naming umalis nuon ni Tammie ay alam kong sinasarili na niya ang lahat ng mga problema.
"Mahirap, Apo..." mahinang pagsisimula niya at dinig ko ang nagbabadyang kanyang pagiyak.
"Lolo..."
"Ayokong malayo sa akin isa sa kanila...matanda na ako Cristina. Hindi ko alam kung hanggang saan na lang ang kayang abutin nitong kalagayan ko...ayokong malagutan ng hininga na wala ang isa sa mga Apo ko sa tabi ko" naiiyak na sabi nito.
Hirap na din itong magsalita dahil sa garalgal ng kanyang boses. "Kakausapin ko po si Thessa..." sabi ko.
Pero umiling lamang ito. "Gusto ko din siyang tulungan, at ito na din ang naiisip kong paraan para mawala lahat ng mga dinadala niya ngayon." Nagaalalang sabi pa nito.
Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin o pwede kong sabihin, malakas kanina ang loob ko na kausapin si Lolo tungkol sa pagalis ni Thessa pero kasi iba na pala pag nanduon ka na sa mismong scene umuurong ang dila mo.
Wala na din akong nagawa kundi ang yakapin na lang si Lolo, habang pinapakinggan ang mga munting bulong nitong hindi niya alam kong paano niya kakayaning mawalay sa isa sa kanyang mga apo.
"Diba ang galing ko na?" Pagbibida ni Thessa habang pinapatikim sa akin ang ginawa niyang cake.
"Oo...ang sarap" puri at pagsangayon ko sa kanya.
Nasa may garden kami habang nag mimirienda. Nawala na din ang luha sa mga pisngi ni Lolo at napalitan ito ng tuwa habang pinapanuod si Tammie na sumasayaw habang kumakanta ang kanyang Kuya Thomas.
"Lolo naman, wag ka namang all out tumawa...baka mamaya eh kung paano ka niyan" natatawang suway ni Thessa dito dahil sa pagkagalak nitong pagtawa.
"Masaya ako at nagkaayos na kayo ng iyong asawa, Apo" baling niya sa akin na kaagad ko namang nginitian.
"Hay naku...hindi man nga lang pinahirapan ni Andeng yang asawa niya, grabe! Konting sorry lang tanggap na kaagad!" Himutok ni Thessa.
Inirapan ko na lamang siya pero si Lolo na ang sumagot para sa akin.
"Mahal kasi niya si Timothy. Ganuon naman talaga Apo, kahit gaano ka pa nasaktan ng isang tao...kung mahal mo talaga siya mawawala lahat ng hinanakit mo na parang isang bula. Kasi mahal mo..." malaumanay na pag papaliwanag ni Lolo sa kanya na kaagad ko namang sinangayunan at nagpatahimik kay Thessa.
"Ang kulit kulit na kasi eh" natatawang daing ko nang hindi man lang nakapagpalit si Tammie ng damit pagkauwi namin dahil nasa byahe pa lamang ay nakatulog na ito dahil marahil sa pagod sa paglalaro nila ng kanyang Kuya Thomas.
"Ang bilis lumaki ng mga bata" nakangiting sabi ni Timothy habang nakatingin din sa mga ito habang mahimbing nang natutulog sa kanilang kama.
Matapos naming maayusan at mapalitan ang dalawa ay pumunta na din kami sa aming kwarto para matulog na din. Nagsusuklay ako ng buhok ng magsalita si Timothy.
"Hiningi nga pala ni Sam ang number mo, kukunin kayong tatlo nila Zyrene para sa kasal nila Luke" sabi nito habang inaayos ang laptop niya sa study table.
"Ha...eh diba kasal na sila?" Tanong ko.
"Oo...pero malandi si Luke, gusto ulit pakasalan si Samantha" natatawang kwento niya.
"Saan?" Naeexcite na tanong ko.
"Sa simbahan kung saan ikinasal din sina Kervy at Grace. Pati na din si Matteo at Zyrene" kwento pa niya habang busy sa pagbubukas ng kanyang laptop.
Hindi na ako muli pang nagtanong, pinapatuloy ko na lamang ang pagsusuklay ko at maya maya ay nahiga na din sa kama. Busy naman si Timothy sa kanyang laptop. Habang ako ay hindi makatulog kaya naman nakipagtitigan na lamang ako sa kisame.
Inaamin kong medyo naiinggit ako ng marinig ko kaninang gustong pakasalan ni Luke si samantha sa pangalawang pagkakataon sa simbahan. Lahat ng babae ay pangarap maikasal sa simbahan habang suot yung dream gown nila.
Mahal na ako ni Timothy, masaya na ang pamilya namin dahil kay Thomas at Tammie. Wala na siguro akong dapat hilingin pa dahil maayos na ang lahat para sa akin, masaya na at kumpleto na. Sobra na siguro akong demanding kung hihilingin ko pa kay Timothy na pakasalan din ako sa may simbahan.
"Tine!" Natutuwang tawag sa akin ni Grace at kaagad silang tumayong tatlo mula sa pagkakaupo sa isang coffee shop.
Isa isa nila akong niyakap. "Sorry late ako" paghingi ko ng paumanhin.
"Ano ka ba...ayos lang maaga lang talaga dumating yung dalawa" natatawang sabi naman ni Samantha.
"Kainggit nga eh...gusto kang pakasalan ni Luke sa second time, samantalang si Matteo, walang gusto kundi palakihin lang ang populasyon ng pamilya namin" natagawang sumbong ni Zyrene na ikinatawa naming apat.
"Sinabi mo pa! Ganyan din ang bwiset na Kervy na yon. Pag ako nainis siya ang pagbubuntisin ko!" Himutok naman ni Grace sabay simsim ng kanyang frappe.
"Naeexcite din ako, pero ayokong ipakita sa kanya alam mo na lalong lumalaki ang ulo" naiiling na kwento naman ni Samantha.
"Saang ulo?" Tanong ni Grace na naging dahilan para muntik ng mabilaukan si Zyrene sabay hampas sa braso ni Grace.
Niyaya nila ako para magpasalon kaming apat. Gusto kasi ni Samantha na kaming tatlo ay abay niya sa kanyang kasal.
"Don't worry girls. Sagot ni Mrs. Jimenez lahat ng gastos natin ngayon" anunsyo ni Grace.
Matapos magpasalon ay sinama din nila ako sa spa. Nahiya naman tuloy ako dahil ni hindi man lang ako nakapagshare sa mga gastos. Kung tutuusin ay hindi ko alam kung saang bulsa ko huhugutin ang malaking halagang ginagastos nilang tatlo.
"Ito ang card ni Matteo oh" abot ni Zyrene ng magbabayad na kami sa isang fine dinning restaurant na kinainan namin.
Matapos iabot ay nagkwentuhan nanaman silang tatlo na parang wala lang. Hindi naman nila hinahayaang hindi ako nagsasalita, sa kahit anong pinauusapan nila ay pinipilit nila akong magshare pero mukhang hindi ko na mahanap ang sarili ko.
Alam kong masamang maiingit pero kasi nanliliit ako sa kanilang tatlo. Hindi dahil hawak nila ang mga cards ng asawa nila kundi dahil sa closeness nila...alam mo yun, yung para bang tiwalang tiwala sa kanila yung mga asawa nila. Wala silang pakialam kung malaki ang magastos nila dahil in the end of the day hindi naman nila pagaawayan yon.
Actually hindi ko alam kung ano ba talaga yung pinanghuhugutan ko. Hindi naman ako tinitipid ni Timothy. Sadyang may bagay lang talaga sa akin ang kulang. At babalik pa rin iyon sa issue na hindi kami katulad nila na kasal sa simbahan.
"Tahimik ka?" Puna sa akin ni Samantha.
"May iniisip lang" palusot ko sabay ngiti.
Long gown kayo ha...punta ka bukas sa bahay magpapasukat tayo ng gown" nakangiting sabi niya sa akin.
Mabilis naman akong tumango. "Kailan ba ang bridal shower? Girls night out naman tayo kahit tayong apat lang" sabi naman ni Grace.
"Edi nagwala yang asawa mo" si Zyrene.
"Eh tarantado pala siya eh...baka ako ang magwala pag binawalan niya ako" matapang naman na sabi ni Grace.
"Tsk tsk...manahimik ka nga bunganga mo talaga" natutuwang suway sa kanya ni Zyrene.
"Eh bakit ba...kina Samantha naman itong mall" mataray na sabi ni Grace.
"Shh...wag kang maingay" suway ni Samantha na para bang nahihiya siya.
"Tara na" sabi ni Zyrene sabay tayo.
"Ha saan?" Tanong ni Samantha.
"Sa bar nila Tine" agad na sagot nito tsaka ako kaagad na inakay.
Bar namin? As in namin talaga?
"Luke!" Daing ni Grace at Zyrene.
"Nah ah. Wala yan sa usapan, mapapatay ako ng mga asawa niyo" nangingiting sabi ni Luke.
"KJ mo Luke!" Nakabusangot na sabi ni Zyrene.
"Sumusunod lang ako sa usapan, baka mamaya eh mabugbog pa ako ng mga asawa niyo masira pa ang gandang lalaki ko" pagmamayabang naman nito.
"Sira ulo! Tara na nga Zyrene isabay na kita" nakabusangot na yaya ni Grace dito.
"Bukas ha...agahan niyo sa bahay" pahabol pa ni Samantha sa mga ito.
"Tine sa amin ka na sumabay, pinagbilin ka ni Timothy" sabi nito na kaagad ko namang tinanguan.
Dinaanan namin si Timothy sa bar niya sa may Alabang then iniwan na din ako nila Samantha at Luke duon na nagkaroon pa ng konting tampuhan dahil sa pagpigil ni Luke sa amin sanang girls night out.
"Mukhang excited na excited nga si Luke eh" nakangiting kwento ko habang nagdidinner kami.
Pero nadidismaya ako dahil wala sa akin ang atensyon ni Timothy. Nasa kanyang cellphone.
"Timothy..." tawag ko sakanya.
"Ah...yes I'm sorry, ano nga ulit iyon?" Tanong niya.
"Sabi ko mukhang excited na excited si Luke dahil sa kasal nila ganuon din si Samantha, masaya sigurong mak..." Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone nito dahil sa isang tawag at nagexcuse tsaka tumayo palabas.
"Kukuhanin ko talaga kayong mga model...mga ina na ba talaga kayo?" Hindi makapaniwalang puna ng designer na kinuha nila Samantha.
"Ano ba Vick! Ngayon ka lang na nakakita ng sexy na mommies?" Tanong ni Grace.
Siya na din ang pumili ng design na babagay sa amin. Syempre at pinakamaganda ang kay Samantha, ang ganda at ang bongga ng gown na itinuro ng designer para dito.
"Bagay sayo itong pa-serpentina...medyo malaki kasi ang balakang mo at maliit ang bewang, siguradong kitang kita ang curves mo dito" payo niya sa akin habang pinapakita ang picture ng damit na sinasabi niya.
Napangiti ako dahil nagustuhan ko iyon. Maganda...tipong pwede na din akong magpakasal dahil sa ganda nuon.
Nagulat din ako dahil sa biglaang pagdating nila Matteo, Kervy at Timothy kasama si Luke. Magpapasukat din pala ito ng kanilang mga susuotin.
"Bukas na yung mga babies niyo...para wala silang school" maarteng sabi nung designer. Friday kasi ngayon kaya nasa skwelahan yung mga bata kaya hindi sila masusukatan.
"Hi" nakangiting lapit sa akin ni Timothy tsala ako sandaling hinalikan sa labi.
"Masyado ka naman atang nagpapagod..." suway ko sa kanya.
Umiling ito at ngumiti. "Ayos lang, may naging problema lang sa isang branch, pero ok na lahat" paninigurado niya na kaagad ko namang tinanguan.
Mabilis na lumipas ang araw. Sobrang naging busy ang lahat kaya naman tinulungan na din namin si Samantha kahit sa pagaayos ng mga invitations nila.
Nasa isang hotel room kami, nasa ibang room ang mga lalaki pati ang mga bata at nakahiwalay din.
Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Para na ding pangkasal itong suot ko, dahan dahan kong hinagod ng aking kamay ang suot kong long gown.
"Tine tara na..." yaya sa akin nila Grace.
Agad akong sumunod sa kanila pababa ng hotel nanuna na din daw kasi ang mga asawa namin duon kasama ang mga bata. "Hala! Hindi tayo kasya!" Daing ni Samantha.
Pinapagitnaan siya nila Grace at Zyrene.
"Andeng!" Nagulat ako ng kaagad na sumulpot si Thessa sa aking likuran.
Nanlaki ang aking mata. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Hindi pa man din siya nakakasagot ay nagulat ako ng kaagad na sinara ni Zyrene ang kotse at tsaka sila nagpaalam sa akin.
"Teka..." pagpigil ko sana sa kanila pero kinawayan na lamang nila ako habang papalayo ang sasakyan.
"Napaadaan kasi ako...nakita kong hindi ka na kasya duon sa sasakyan nila kaya ito, nagmamagandang loob ako na ihatid ka na lang duon" paliwanag ni Thessa na ikinakunot ng noo ko.
"Napadaan ka lang sa lagay na yan?" Turo ko sa make up niya at suot niyang beige colored long gown.
"Ano ba! Magmamall kasi ako after eh, hala sige sakay na!" Tulak niya sa akin papasok sa isang itim na sasakyan.
Buong byahe ay kinukulit ko si thessa pero hindi naman ako nito pinapansin. "Bakit parang walang tao?" Tanong ko ng makarating na kami sa may simbahan.
Sarado ang pintuan at ni isang tao ay wala sa labas nito na dapat sana ay may naghahanda na para sa kasal nila Luke at Samantha.
"Baka mali itong napu..." Hindi na ako hinayaan ni Thessa na makapagsalita. Kaagad niya akong hinila palabas.
"Hoy teka ano ba..." pagpigil ko sa kanya, pero lalo akong nagulat ng maglabas ito ng belo.
"Ano yan!?" Gulat na tanong ko.
"Uso to ngayon...yung abay naka belo na din" natatawang naiiyak na sabi niya habang ikinakabit iyon sa akin.
"Thessa ano to?" Tanong ko habang nagbabadya nang maglaglagan ang mga luha ko.
"Ang ganda mo Andeng, masaya ako para sayo" umiiyak na sabi niya habang kinakabit ang belo sa akin.
"Pero kila Samantha..."
"Sayo...sayo, Andeng. Sa tingin mo ba papayag ako na hindi ka papakasalan ng walang hiyang si Timothy bago ako umalis?"
Duon na bumuhos lahat ng luha ko. "Hoy Babae...masisira ang make up mo!" Natatawang suway sa akin ni Thessa pero napayakap na lang ako sa kanya.
Nasa kalagitnaan kami ng pagyayakapan ng kaahad na bumukas ang malaking pintuan ng simbahan, kaagad na bumungad sa akin ang mga tao at ang namumukod tangi ay ang lalaking nakatayo sa gitna.
Hindi pa ako makakapaglakad kundi ako inakay ni Thessa. Wala kasi akong nagawa kundi ang maiyak dahil sa pagkagulat at sa nangyayari ngayon.
"Mommy" mahinang tawag sa akin ni Thomas na katabi ni Lolo.
Wala ako sa aking sarili buong wedding ceremony dahil sa saya, para akong nakalutang sa ere.
"You may now Kiss the bride..." anunsyo ng pari.
Marahan akong iniharap ni Timothy sa kanya. "Akala ko talaga kina Samantha at Luke to" naiiyak na sabi ko pa din kay Timothy.
Natawa na lamang ito habang itinataas ang belo ko. "Ang hirap kaya magplano ng patago" sumbong naman niya sa akin.
Sasagutin ko pa sana siya pero kaagad siyang nagnakaw ng sandaling halik sa akin. Dahilan para maghiyawan ang mga bisita.
"Thank you for accepting me again, Tine..." madamdaming sabi niya.
Agad akong napakapit sa magkabilang balikat niya. Pinagdikit din niya ang noo naming dalawa hanggang sa tuluyan kong nakita ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata.
"The pain of loving you is all worth it, Timothy..." sabi ko, dahilan para higitin nito ang batok ko at binigyan ako ng malalim at matagal na halik.
(The End)
Date finished: 02/12/16
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro