Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


"Lolo, ni hindi mo nga kilala ang babaeng yan"

"Yohan Apo. Calm down. Mukha naman mabait ang babaeng ito"

Nagising ako dahil ingay na iyon. Magandang kisame at lamig ng paligid ang bumungad sa akin pag mulat ng aking mga mata. Para akong nasa loob ng isang magarang hotel.

Natuwa ang matandang lalaki ng makitang gising na ako. Pero ang kasama nito ay nakabusangot at matalim ang tingin sa akin.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Hija?" tanong ng matanda.

Mukha siyang mabait, hindi kagaya ng kanyang kasama.

"Opo, salamat po sa pagtulong niyo sa akin" naiilang na sagot ko. Naiilang ako dahil sa talim ng tingin ng lalaking mukhang may dalaw.

Ngumiti ang mabait na matanda. "Ang Apo kong si Yohan ang sumalo sayo kanina" sabi niya kaya naman unti unting napawi ang ngiti sa aking labi.

Nagtaas siya ng kilay ng tapunan ko siya ng tingin. "Salamat po" sabi ko na lang.

Hindi niya ako pinansin at inirapan pa. Gusto ko din siyang irapan pabalik, kung hindi lang dahil sa mabait niyang Lolo.

Nagpaalam si Don Fernando sa amin ng nay tumawag sa kanya. Siya ang may ari ng hotel and restaurant kung nasaan ako ngayon.

Halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa talim ng tingin sa akin nung Yohan. Para bang isang maling galaw ko lang ay bubuga na siya ng apoy.

"Ang galing mong umarte. Nagawa mo pang matulog" akusa niya sa akin.

"Hindi ko ginustong mahimatay" laban ko.

"Nagpasalo ka pa! Akala mo ba magaan ka?" masungit na tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko naman sinabing saluhin mo ako"

"Aba't sumasagot ka pa! Alam ko na yang style mo! sigurado namang crush mo ako kaya hinimatay ka. Style mo bulok!" bintang niya.

"Hindi naman po ang katulad niyo ang tipo ko" laban ko pa din.

Nanlaki ang mata niya. "Mas lalo naman ako! Tingnan mo nga yang itsura mo. Ang panget panget mo!" panlalait niya.

Gusto ko na lang sanang palampasin, pero sumusobra na siya.

"Bakit? Panget ka din naman ah, kung makapagsalita to..." balik ko sa kanya.

"Umalis ka na nga dito, masyado kang istorbo!" pagtataboy niya sa akin.

"Aalis naman talaga ako dito" sabat ko.

"Buti naman, Akala ko magpapaampon ka na sa Lolo ko eh, o baka gusto mong gawing sugar Lolo ang lolo ko!?"

Nanlaki ang aking mga mata. "Sumusobra ka na ah!" hiyaw ko.

Mabilis akong bumaba ng kama at lumapit sa kanya, hindi siya nakagalaw. Inipon ko lahat ng galit at inis ko. Kaagad na tumama sa pisngi niya ang aking kamao.

"Ay! Putangina naman talaga!" malutong na mura niya habang iniinda ang sakit.

"Ginalang at naging mabait ako sayo. Pero masama ang ugali mo, Tama lang sayo iyan." matapang na sabi ko.

Kumilos ako para hanapin ang mga gamit ko. Nagulat ako ng makita kong madilim na sa labas. Nasaan na kaya si Helga?

Nagulat si Don Fernando ng maabutan niya akong nagmamadaling lumabas. Nagpasalamat ako at tuluyan na sanang magpapaalam ng pigilan niya ako.

"Nabanggit sa akin ng guard na naghahanap ka ng trabaho. Gusto mo pa bang magtrabaho sa amin?" tanong niya.

Bigla akong tumiklop. Walang pagdadalawang isip akong sumagot ng Oo. Kailangan ko talaga.

Natuwa si Don Fernando ng malaman niyang hindi ako mapili sa trabaho.

"Kung ganon. Bumalik ka dito bukas para kuhanin ang uniform mo. Aasahan kita" sabi pa niya sa akin na kaagad kong nginitian.

Sa sobrang bait niya ay nagalok pa siya na ihahatid ako pauwi. Tinanggihan ko iyon, masyado ng nakakahiya at baka naghihintay pa sa akin si Helga hanggang ngayon.

Aalis na sana ako ng umepal nanaman yung masungit. "Ano pang ginagawa mo dito!?"

Sinuway siya ni Don Fernando. "Empleyado na natin si Cristina. Hindi tayo ganyan magtrato ng empleyado" suway ng kanyang Lolo sa kanya.

"Ano nga ang buong pangalan mo, Hija?"

"Cristina Andrea Cruz po" sagot ko.

Bahagyang kumunot ang noo ni Don Fernando ng marinig iyon. Sa huli ay hinyaan na lamang niya. Nagulat kami sa biglaang pagburst out ni Yohan.

"Without informing me? Ni hindi nga siya qualified, unang tingin ko pa lang" himutok niya.

Matalim lang siyang tiningnan ni Don Fernando.

"Mukha siyang hindi mapagkakatiwalaan?" akusa pa niya.

Naginit ang gilid ng aking mga mata. Kanina ko pa tinitiis lahat ng pangiinsulto niya sa akin. Bago pa man ako tuluyang maiyak sa harapan nila ay nagpaalam na ako at mabilis na tumakbo palayo doon.

Kailangan kong magtiis. Wala akong magagawa dahil siya ang boss ko at kailangan ko ang trabaho. Titiisin ko ang lahat para sa anak ko at para na din kay Thessa. Gagalingan ko sa trabaho, para ipakita sa Yohan na yon na hindi ako kagaya ng iniisip niya.

"Congratulations Andeng, ibang klase talaga ang charm mo ang bilis mong makahanap ng trabaho" pangaasar sa akin ni Thessa.

"Syempre ako pa" pagbibida ko sa kanya bago ko kinamusta sa kanya ang nagtutulog kong anak. Hindi naman daw siya pinahirapan nito.

"Ayos lang ba sayo? Kakayanin mo ba? kukuhanin ko na kasi ang uniporme namin bukas at magsisimula ng magtrabaho" tanong ko ulit sa kanya.

"Oo naman Andeng. Ikaw nga dapat ang tanungin ko. Kapapanganak mo pa lang, kaya mo na ba talaga?" pagaalala niya.

"Oo naman, kayanin"

Nakangiting kong binati ang guard kinabukasan. Mas lalo akong naexcite ng makita ko ang suot ng mga waitress. Iniisip ko pa lang na susuotin ko na din iyon ay para kinikilig na ako. Maganda ang pagkakagawa ng uniporme nila. Halatang hindi basta basta.

"Ang aga ah. Excited?" mapanuyang salubong sa akin ni Yohan.

Napawi ang ngiti sa aking labi. Pinilit kong ngitian siya kahit ang totoo ay nagtitiis lang ako dahil sa kagaspangan ng ugali niya.

"Good morning po, Sir Yohan"

Inirapan niya ako."Kanina good talaga ang morning ko. Pero ngayong nakita na kita, nasira na ang araw ko"

"Sumunod ka sa akin"

Mabilis akong kumilos at sumunod sa kanya. Ipinakilala niya ako sa head ng waiters nila. Siya na din daw ang bahala sa uniform ko. Nang maibilin niya na ako ay kaagad din siyang umalis. May pagkabastos talaga, pero naisip ko bakit nga naman siya magpapaalam pa sa akin.

Nang makuha ko na ang uniform ko ay nagpaalam na din ako sa mga bagong katrabaho. Bago tuluyang makalabas sa restaurant ay nakita ko pa si Sir Yohan na nakatutok nanaman sa kanyang laptop sa usual na pwesto niya.

"Aalis na po ako Sir, babalik na lang po ako bukas para sa first day ng trabaho" paalam ko dito kahit mukhang hindi naman na sana kailangan. Aalis na sana ako ng kaagad siyang nagsalita.

"Pumayag na ba akong umalis ka?" malamig na tanong niya.

Mabilis akong bumalik sa pwesto ko kanina. Iba din talaga ang mood nito.

"Ikuha mo ako ng coffee"

"P...po?"

"Sabi ko, Coffee. Anong po?" asik niya kaagad.

Nataranta tuloy ako. Masama bang magtanong?

"Ok po, Sir"

"In 5 mins.wala ka pa, may parusa ka sa kin" banta niya kaya naman halos takbuhin ko ang papunta sa kitchen.

Mabilis akong nagbigyan ng kape lalo ng sabihin kong kay Sir Yohan iyon. Nakangiti akong naglakad pabalik sa pwesto nito ng mapahinto ako ng makita kong may kasama na siya.

"Matteo..." 





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro