Chapter 6
"Hindi po ako papayag" matapang na sabi ko.
Nginisian lang ako nito bago niya ako sinampal.
"At ano? dadalhin mo ang apo ko sa mundo mo? Sa basura mong buhay? Dela Vega ang batang iyan. Kung nasa poder namin siya, lahat ng bagay na sigurado akong ni sa panaginip ay hindi mo kayang ibigay ay maibibigay ko" pangmamaliit niya sa akin.
"Hindi ko nga po siguro maibibigay sa kanya ang mga kaya niyong ibigay. Pero mamahalin ko po ang anak ko at magsisikap para sa kanya. Palalakihin ko din po siya ng maayos, hindi gaya ng pagpapalaki niyo sa anak niyo" laban ko.
Mas lalo siyang nagalit at muli akong sinampal. Hindi pa siya nakuntento at hinila pa niya ang buhok ko.
"Wala kang karapatang sumbatan ako sa pagpapalaki ko sa anak ko. Kilala ko ang anak ko, responsableng tao siya. Kaya sigurado akong ikaw ang may kasalanan sa mga nangyayaring ito!" paninisi niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko. "Parang awa niyo na po. Ito na lang ang natitira sa akin, Wag niyo pong kuhanin ang anak ko" umiiyak na pakiusap ko.
"Wag kang maging makasarili. My grandson deserves everything. Hindi niya makukuha yon sayo" matigas na sabi niya at padarag na binitawan ang buhok ko
Tumulo ang luha sa aking mga mata. May parte sa akin ang nagsasabing tama ang Mommy niya. Magiging maayos ang anak ko kung nasa poder nila. Pero hindi ko kaya, sa akin lang ang anak ko. Hindi siya tinanggap ni Timothy, ganito pa kagaspang ang ugali ng Ina niya. Hindi ko kailanman ipagkakatiwala ang anak ko sa kanila.
Inipon ko ang lakas ko para tumakbo palabas ng kanilang bahay. Ayoko dito.
"Habulin niyo!" sigaw na utos nito.
Sa gate ay natanaw ko ang dalawang body guard niya. Napaiyak na lang ako at nawalan na ng pagasa.
"Please. Pakawalan niyo na po ako" umiiyak na pakiusap ko.
"Napakatanga mo, Stupida!" nanggagalaiting sigaw nito sa akin. Makailang beses pa niya akong sinampal.
"Hindi ka nagiisip! Paano na lang kung may mangyaring masama sa Apo ko dahil diyan ka Kagagahan mo!?" sumbat pa niya.
Nagpaubaya na lang ako sa paghila nila sa akin. Pagod na ako at wala ng lakas para lumaban pa.
Magtatatlong araw na akong nakakulong sa isang kwarto. Kmpleto sa loob, kaya naman pagkain na lang ang inihahatid sa akin. Sa tuwing hindi ko gagalawin ang pagkain ay sinasaktan ako ng kanyang Ina. Kahit ang bintana ay sarado.
"Wag kang magalala anak. Hindi tayo maghihiwalay" pangako ko sa kanya.
Tumagal ako doon ng buwan. Wala akong magawa dahil hindi ko kayang labanan ang kanyang ina. Mas lalo ako namorblema pag dating ng aking kabuwanan. Sa oras na lumabas ang anak ko ay malaya na niya itong mailalayo sa akin. Kung pwede lang na wag muna siyang lumabas hangga't hindi kami nakaalis sa poder ng Mommy ni Timothy ay gagawin ko.
"Kain na po, Ma'm" sabi ng kasambahay na laging naghahatid ng aking pagkain.
"Ilabas mo na po iyan Ate. Ayoko pong kumain" matamlay na sagot ko.
Akala ko ay lalabas na siya. Nagulat ako ng nilock niya ang pinto at lumapit sa akin.
"Ito ang cellphone mo. May battery at load na. Naaawa ako sayo, Kaya sana naman ay makahingi ka ng tulong para makalabas ka na dito" sabi nito.
Sa aking tuwa ay nayakap ko siya. Halos maiyak ako habang nagpapasalamat. Buong akala ko ay wala na talagang pagasa.
"Sige na at kumain ka. Kailangan mo ng lakas" paalala niya bago tuluyang umalis.
Narinig ko pa ang pagaayos nila ng kadena sa pinto. Kumain ako bago ako nagisip sa kung sino ang pwede kong hinga ng tulong.
Sa call log ay nakita ko pa ang number ni Zyrene nung tumawag siya sa akin para imbitahin ako sa birthday ni Matteo. Nahihiya man ay ito na lamang ang tanging paraan. Alam kong makakaabala ako sa kanila pero wala na talaga akong ibang maisip kundi ang humingi ng tulong sa mga kaibigan niya.
"Cristina! Nasaan ka!?" nagaalalang tanong niya sa akin.
"Zyrene please, tulungan niyo ako. Nandito ako sa bahay ng Mommy ni Timothy. Gusto nilang kunin ang anak ko." umiiyak na sumbong ko.
Sa pagkataranta niya ay mabilis niyang pinasa ang phone kay Matteo.
Sinabi ko ang lahat sa kanya kaya naman kaagad siyang bumuo ng plano kasama pa ang mga kaibigang sina Kervy at Luke.
"Please, Matteo" pagmamakaawa ko pa ng sandali siyang magpaalam sa akin at tatawag na lang ulit.
Hindi ako mapakali habang naghihintay. Napabalikwas ako sa gulat ng biglang pumasok si Mrs. Dela Vega.
"Very good" puri niya ng makitang naubos ko ang aking pagkain.
"May ipapakita ako sayo, sumunod ka" sabi niya sa akin. Nuon na lang ulit ako nakalabas ng kwarto matapos ang ilang buwan.
Muli niya akong dinala sa kwarto ng aking anak. Hindi kagaya nung una ay mas dumami ang laman noon. Mas gumanda.
"Nakikita mo ito? Lahat ng ito ay naghihintay para sa apo ko. Hindi lang iyan, mas madami pa diyan. Bibigyan kita ng malaking halaga para magbagong buhay. Bata ka pa Hija, Marami pang naghihintay sayo. Iwan mo dito ang Apo ko at pare pareho tayong mabubuhay ng matiwasay." pangangaral niya.
Pumasok iyon at lumabas sa aking magkabilang tenga. Hindi maalis ang tingin ko sa mga gamit na nasa kwartong iyon. Dahil sa ginawa niyang ito ay mas lalo akong naging determinadong umalis at magpakalayo layo.
Tinawag niya ang isang kasambahay para ibalik ako sa kwarto ko.
"Nakahingi ka na ba ng tulong?" mahinang tanong niya.
Tumango na lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.
"Kaawaan ka ng Diyos. Magiingat ka"
"Salamat po"
Matapos ang mahigit isang oras ay tumawag na muli sila Matteo.
"Next week pa ang out of the country si Tita Isabel" tukoy niya kay Mrs. Dela Vega.
"Siguradong mahihirapan tayo paghinintay pa natin iyon. Mamayang hating gabi pupuntahan ka namin diyan"
"Maraming salamat. Tatanawin kong malaking utang na loob ito"
"Wala iyon Tine, Gusto naming kahit papaano ay mabawasan yang bigat na nararamdaman mo ng dahil kay Timothy" si Matteo.
Hindi ako mapakali, hindi ko din alam kung ano ang plano. May tiwala ako kina Matteo, Kervy at Luke. Pumikit ako at nagdasal. Higit sa kahit na anong tulong ay ito ang pinakamabisa.
Naalintana ang pagdadasal ko ng may marinig akong kung ano sa labas. Lumakas bigla ang kutob kong sila na iyon. Medyo matagal ang ingay, kaya naman napalapit ako sa pintuan at idinikit ang aking tenga.
"Dito po" rinig kong sabi ng isang babae, kundi ako nagkakamali ay siya yung babaeng tumutulong sa akin.
"Sige po, kami na po ang bahala dito at baka malaman pa ni Tita na tumulong kayo at pati kayo ay madamay" narinig kong pahayag ni Luke.
Tumunog ang kadena ng subukan nilang buksan ito.
"Salamat sa Diyos!" umiiyak na sambit ko ng tuluyan kong makita ang mga kaibigan ni Timothy.
"Kailangan na nating umalis dito. Sandali lang ang epekto ng inispray naming pampatulog sa mga guard sa labas" paalala ni Kervy.
Mabilis naming tinungo ang pintuan at ganuon na lamang ang gulat namin ng tumambad sa amin si Mrs. Dela Vega.
"Saan niyo siya dadalhin?" nakakatakot na tanong nito.
"Tita, Hayaan niyo na si Tine. Si Timothy ang may kasalanan" si Matteo.
"Si Timothy ang kaibigan mo at hindi ang babaeng iyan!" galit na turo niya sa akin.
"Doon po ako sa tama, lalaki ang anak niyo kaya wala lang sa inyo ang ginawa niya. Pero ako, nirerespeto ko ang mga babae dahil sa babae ako nanggaling" matapang na sagot niya dito.
"Guards" sigaw nito ng nagsimula na kaming lumabas ng bahay.
Nakita ko ang mga nakahilatang guard sa sahig. Mukhang ito yung sinasabi ni Kervy kanina.
Napadaing ako ng kumirot ang ang aking tiyan pero nagpatuloy ako sa pagtakbo.
"Magsitigil kayo!" sigaw ni Mrs. Dela Vega bago kami nakarinig ng putok ng baril.
"Tine..." nagaalalang salubong sa akin nila Zyrene, Grace ,at Samantha.
Naiyak ako ng makita ko sila. Nakahinga na din ng maluwag ng umandar na ang sasakyan palayo doon.
"Sorry kung nakaabala ako sa inyo" nahihiyang sabi ko.
"
Wala iyon ano ka ba!" sabi nila at niyakap ako.
Tahimik ang buong van ng magsalita si Samantha. "Anong nararamdaman mo?"
Pinunasan ko muna ang malamig na pawis na lumalabas sa aking noo.
"Ok lang ako" nahihirapang sabi ko kahit ang totoo ay hindi.
"Anong nangyayari sayo? Anong problema?" nagaalalang singit ni Grace.
Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya naman inihinto ni Matteo ang van sa gilid ng kalsada.
"Me...medyo masakit ang tiyan ko" daing ko.
"Ha!?" sigaw nilang tatlo.
Nagulat ako ng parang tumigas ito at lalong sumakit. "Hindi ko na kaya ang sakit..." naiiyak na reklamo mo.
"Kabuwanan mo ngayon" sabi ni Zyrene.
Sandaling natahimik ang lahat bago muling nataranta.
"Manganganak ka na!?"
"Aray" kagat labing daing ko sabay hawak sa tumitigas kong tiyan.
"Shit!" hiyaw ni Matteo sa may unahan.
"Nasundan nila tayo"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro