Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. Sa masamang trato niya at pagdisgusto sa amin ng aking anak. Naging madali para sa kanya na itapon kami ng aking anak. Tinapon niya ako nung panahong hindi na niya ako kailangan. Nagawa niya iyon sa kabila ng pagtanggap ko sa kanya noong panahon walang wala siya dahil sinaktan siya ni Agnes.

Darating pa kaya yung oras na marerealize iyang mali ang naging desisyon niyang iwan kami ng anak niya? Kailan niya marerealize? Pag pagod na akong maghintay sa kanya?

Bumuhos ang aking luha. "Manong pakibilisan po" pakiusap ko sa taxi driver.

Para akong tatakasan ng bait. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Gusto kong bumaba sa taxi para tumakbo na lang. Kahit mabilis na iyon ay nababagalan pa din ako.

Halos tatlong linggong hindi nagpakita si Timothy sa akin. Pagkatapos ay mababalitaan kong aalis sila ng bansa ni Agnes para ipagamot ito. Hindi man lang niya kami naisip ng anak niya.

Napahagulgol ako, sobrang bigat ng aking dibdib. Sa mga panahong wala siya ay kinaya kong magisa, kahit mahirap.

Mabilis akong bumaba ng taxi pag dating sa airport. Nagawa ko pang tumakbo kahit nahihirapan dahil sa laki ng aking tiyan. Bago tuluyang makapasok ay nabigla ako ng makita ko si Matteo at Kervy.

"Si Timothy nasaan?" umiiyak na tanong ko sa kanila.

Sila ang nagsabi sa akin. Kung hindi nila ginawa iyon ay baka araw araw pa din akong aasa na uuwi siya sa akin gayong umalis na pala siya.

Gusto ko sanang pumasok sa loob dahil baka nandoon na sila pero hindi pwede. Sa malaking glasswall na lang ako tumingin. Umaasang kahit mukha man lang niya ay makita ko.

"Tine, calm down" pagaalala ni Matteo sa akin. Abala naman si Kervy sa kausap niya sa phone.

"Ok, thank you" pinal na sabi ni Kervy sa kausap.

Pagod siyang tumingin sa akin "Malapit na sila"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig. Akala ko talaga hindi ko na siya makikita. Magbabakasakali akong makiusap na wag siyang umalis. Kahit para na lang sa anak namin. Nanlambot ang tuhod ko ng makita kong paparating na ang sasakyan nila.

Gulat ang rumehistro sa mukha niya ng makita kami. "Kervy anong gingawa niyo dito?" tanong niya sa mga kaibigan.

Mabilis akong lumapit. Sinubukan ko siyang yakapin kahit nahihirapan dahil sa laki ng aking tiyan.

"Timothy please, wag naman ganito" pakiusap ko.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha. "Kailangan ka namin ng anak mo. Wag namang ganito"

Tiningnan ko siya sa mata. Wala akong ibang nakikita doon kundi ang determinasyon niyang makaalis.

Wala siyang imik nakatitig lang siya sa akin. Narinig ko ang pagsara ng kabilang pintuan at doon ko nakita si Agnes. Maputla na ang kanyang labi, halatang nanghihina.

Lumapit ako sa kanya, kulang na lang ay lumuhod na. "Please. Wag mong ilayo sa amin si Timothy" pagmamakaawa ko.

Napadaing ako ng haklitin ni Timothy ang aking braso, madiin ang kanyang hawak doon.

"Cristina tama na! ano ba? Nakakahiya ka na!" mariin suway niya sa akin.

Hinarap ko siya, basang basa ang aking mukha dahil sa luha. "Ano bang kulang? Oo may mali ako. Pero Timothy regalo ito..." sabi ko at kinuha ang kamay niya para ilagay sa tiyan ko.

"Regalo ito sa atin Timothy. Bakit ba napakahirap sayo na tanggapin?" umiiyak na tanong ko. Hindi ko maintindihan, bakit hindi niya kami kayang mahalin.

"Kung ang bata lang, Tine..." tumaas ang balahibo sa katawan ko sa paraan ng pagkakatawag niya sa akin. Ang sarap pakinggan.

"Mabilis kong matatanggap. Pero ang isiping hindi naman kita mahal. Pareho lang tayong masasaktan." pagamin niya.

"Pero diba? Diba minahal mo naman ako?" desperadang tanong ko.

Nagiwas siya ng tingin. "Akala ko..." mahinang sabi niya na nagpabitiw sa akin.

Naghina ako at napatulala na lang sa kung saan.

"Sustentado kayo Tine. Si Mommy na ang bahala..." pinal na sabi niya at mabilis na kinuha ang mga maleta sa likod ng sasakyan.

Gusto ko man siyang pigilan ay hindi ko na magawa. May parte sa aking unti unting gumuho. Mabilis na kumapit si Agnes sa kanyang braso.

Sa tuluyan niyang pagtalikod sa akin ay wala na akong naramdaman. Wala ng natira sa akin kundo sakit at galit.

Hindi totoo ang magic. Ang fairytales, ang prince charming. Walang totoo sa mga iyon kundi ang katotohanang masasaktan ka lang. Palagi ka lang masasaktan pag nagmahal ka.

"Tine..."

Tawag sa akin nila Matteo at Kervy. Ayoko na, Tama na siguro.

Wala ako sa sarili ng makarating sa bahay. Wala akong maramdaman, basta ang alam ko lang ay walang wala na ako. Ubos na ako, ibinigay ko kasi ang lahat kaya walang natira sa akin.

Dalawang malaking maleta ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Bumalik ba siya?

Tatakbo na sana ako paakyat sa itaas ng magulat ako sa aking nakita.

"Sa akin ka na titira simula ngayon" masungit na sabi sa akin ng ina nito.

"Po? Pero ayos lang naman po akong magisa dito"

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ako ang masusunod, tapos ang usapan"

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Dala na kasi ng mga kasama niya ang mga gamit ko.

Namangha ako sa laki ng bahay nila Timothy. Malaki din naman ang sa amin pero mag doble o triple ito. Pinakita kaagad sa akin ang kwarto ng anak ko. Kumpleto ang gamit, wala na akong mahihiling pa para sa kanya.

Muntik na akong ma-out of balance habang pababa ako sa hagdan kaya naman sinmaan ako ng tingin ni Mrs. Dela Vega.

"Magdahan dahan ka! Baka kung mapaano ang Apo ko. Stupida!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Ayoko po dito..." pagamin ko. Mas gugustuhin kong kila Tiya Hilda na lang ako.

Nakangisi itong humarap sa akin. "Dito ka sa bahay ko. Gusto kong siguraduhing ligtas ang Apo ko. Kung ayaw mo talaga dito, ako pa ang magpapalayas sayo pagkatapos mong manganak" mapanuyang sabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Kukuni ko ang Apo ko. Ibibigay ko ang lahat ng kakailanganin niya. Aalagaan ko siyang mabuti"

Sandali itong tumigil at lalong ngumisi. "Sisiguraduhin kong hindi ka na niya kakailanganin pa"









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro