Chapter 48
Timothy's Pov
"Ang galing! Ano yun destiny?" Natatawang saad ni Luke.
Inirapan ko na lamang siya. Nandito silang tatlo sa bahay namin, humingi kasi ako ng tulong para mahanap ang magiina ko.
"Can you fucking shut up, Luke..." tamad na suway sa kanya ni Kervy.
Matteo is busy, pinatawagan ko sa kanya ang pinsan niyang si Yohan para naman kahit papaano ay makakuha kami ng information.
"Hindi ka ba namamangha sa magaling mong kaibigan? Biruin mo nakaone night stand niya yung asawa niya ng hindi niya alam? Ang gago no?" Dugtong pa nito sabay tawa.
Napangisi naman si Kervy kalaunan at tsaka tamad na bumaling sa akin. "Dapat kasi ay sinunod mo na nung una palang ang payo sayo nitong si Luke na ipa-DNA si Tammie" sermon niya sa akin.
Mariin akong napapikit. "Hindi naman na kasi importante iyon, Kervy. Ang mahalaga natanggap ko yung bata" pagdadahilan ko.
Nagkibit balikat siya. "That's why yung katotohanan na ang lumapit sayo" sabi niya sabay turo sa envelope na naglalaman ng DNA result namin ng aking anak na si Tammie.
Napasubsob ako sa aking dalawang palad, sobra talaga akong namomoblema ngayon. Umuwi ako kagabi para sana yayain ang magiina ko para magdinner sa labas pero ni isa sa kanila ay hindi ko nakita doon. Tanging ang DNA result na lamang ang nadatnan ko duon.
"How sure are you na hindi ka pa niya naalala?" Seryoso nang tanong ni Luke sabay tungga ng alak.
"Ano namang mapapala niya sa pagkukunwaring hindi niya pa ako naalala?" Balik na tanong ko sa kanya.
Napaayos ito ng Upo. "Samantha once told me na...mas madaling makaiwas sa sakit if makakalimutan mo yung taong nagpapasakit sayo. I won't judge you, Tim. Hindi rin naman ako naging mabuting asawa kay Samantha nung una" pagsisimula niya.
"Just prove to her na...babawi ka. Let her feel safe in your arms" payo niya pa.
Wala na ni isa sa amin ang nagsalita pagkatapos nuon, si Kervy ay mukhang malalim din ang iniisip. Napatingin naman ako kay Luke na seryosong umiinom ng alak sa kanyang baso.
Sinasaktan din dati ni Luke si Sam, but he changed. kaya ko din, gawin iyon para kay Tine. Ang hindi ko lang sigurado eh kung papayag pa uli siyang tanggapin ako once na maalala niya na ang lahat.
"I'm such a bastard" frustrated na sabi ko sa aking sarili.
"Yeah right" magkasabay na sabi ni Kervy at Luke tsaka sila sabay na napatawa.
Maya maya ay dumating na si Matteo galing sa may veranda. "Nakausap ko na si Yohan...sinabi ko sa kanya na gusto mo siyang makausap" pagsisimula nito.
"Salamat bro"
"Ikaw pa. Alam mo naman na kahit gago ka eh hindi ka namin papabayaan para saan pa't naging magkakaibigan tayo hindi ba? Masaya kaming tatlo sa mga asawa namin, hindi naman kami papayag na ikaw hindi..." sabi ni Matteo na sobrang kong naapreciate kaya naman tuloy hindi ko napigilan ang yakapin siya.
"Tangina! Ang gago mo, Timothy!" Natatawang hiyaw nito.
Kaagad akong nagayos para pumunta sa restaurant na pagkikitaan namin ni Yohan. Hindi ko inaasahan na papayag siya kaagad sa aking imbitasyon, marahil na din siguro si Matteo ang kumausap kaya hindi nakatanggi.
Wala pa siya nung dumating ako, marahil ay medyo napaaga lamang talaga ako. Gustong gusto ko na kasing malaman kung saan ko pwedeng mahanap ang magiina ko.
"Anong masamang espiritu ang sumapi sayo Mr. Dela Vega?" Mapanuyang sabi nito at tamad na umupo sa katapat kong upuan.
"Are you drunk?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya na naging dahilan para mapangisi siya.
"Don't act as if you cared. Tsaka what the hell is the problem kung uminom ako? Damn you" natatawang sabi pa niya at halatang medyo naparami siya.
"Damn it paano kita makakausap ng maayos kung lasing ka?" Inis na sabi ko pa.
Umayos ito ng upo, yung preskong upo. "Try me" panghahamon niya.
"Saan ko makikita ang magiina ko?" Diretsahang tanong ko na ikinatawa niya.
"What the hell! Mukha ba akong hanapan ng nawawalang asawa at mga anak?" Tanong niya sa akin.
"Tell me...may alam ka ba?" Pagpupumilit ko.
Matagal muna itong napatingin sa akin habang nakangisi. "Look who's here begging in front of me..." mapanuyang saad niya na ipinagsawalang bahala ko na lamang.
"Yohan." Mariing tawag ko sa kanya.
"Isang Timothy Dela Vega, Humihingi ng tulong sa akin? Nakakagulat naman ata!" Pagpapatuloy pa niya.
"Look Yohan, importante yung oras ko ngayon kaya naman sana sabihin mo na hangga't maaga pa kung matutulungan mo ako o hindi" seryosong sabi ko pa sa kanya.
"Who do you think you are asshole!" Duro niya sa akin.
Nanatili akong kalmado. "Bakit kasi ikaw pa ang nagustuhan ni Tine? hindi hamak naman na mas kaya ko siyang protektahan kesa sayo" patuloy pa ding sabi niya. Para bang lalabas na lahat ng hinanakit na meroon siya.
"Kung sa akin na lang kasi sana sila. Hindi sila mawawala ng ganito" sabi niya sabay tawa.
"They can never be yours, Yohan. They are mine" pagpapaiintindi ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan ng marahas.
"Bakit pa kasi si Thessa ang nagkagusto sa akin, bakit hindi na lang si Cristina diba?" Natatawang tanong niya sa akin.
"Thessa is so young...intindi mo na lang muna ang nararamdaman niya" payo ko, bilang kahit papaano ay nakakatanda na din sa kanila.
"I'm not a fan of what you called incest, Mr. Dela Vega. I should not give a fuck in her feelings, hindi dapat kinukunsinti ang mga ganon" sabi pa niya na para bang may halo pang pandidiri.
Napakunot ang aking noo. Iba kasi ang nakikita ko sa mga mata niya kesa sa mga lumalabas sa bibig niya. But I don't want to conclude. May sarili akong problema ngayon.
"Maswerte pa din pala si Thessa at naging pinsan ka niya, para nakakaawa naman kasi siya kung sa isang lalaking tulad mo lang siya babagsak. Buti na lang at hindi kayo pwede." Mariing pagpapatama ko sa kanya dahilan para mapatigil siya.
Hindi na din ako nakapaghintay pa at tumayo na ako, tumayo ako sa gilid niya at tsaka siya hinawakan sa balikat.
"Saan ko sila makikita?" Mahinahon pero seryosong tanong kong muli.
Narinig ko ang malalim na paghugot nito ng buntong hininga bago sumagot. "Bulacan"
Tine's Pov
"Wow, Tita Thessa si Jane po ba kayo?" Nakatingalang tanong ni Thomas sa kanyang Tita Thessa.
"Sinong Jane?" Natatawang tanong naman ni Thessa dito.
"Si Jane po yung asawa ni Tarzan..." sagot nama ni Thomas.
Natawa naman si Thessa dahil sa sinagot nito. Nasa taas kasi ito ng puno at pumipitas ng indian mango.
"Mom...Bird!" Natatawang turo ni Tammie sa mga tumilaok na manok ng aming kapit bahay.
Agad namang lumapit si Thomas sa kapatid. "Hindi yun bird, Tammie. Chicken yon" pagtatama niya sa kapatid.
"Oh ayan na baby tinuturuan ka na ni Kuya" pakikipagusap ko kay Tammie pero kumapit lamang iyo sa aking leeg at humalik sa aking pisngi.
Lalong napahigpit ang hawak ko kay Thomas. Nakakalungkot lang na isiping wala ako sa tabi ni niya nung una siyang maglakad, nung una siyang magsalita...o ni hindi ko man lang alam kung nagawa ba niyang sabihin yung salitang Mama nung humihingi siya ng gatas pag nagugutom.
May kasalanan nuon si Timothy nung panahong hindi niya matanggap at pinagdududahan niya kung anak ba talaga niya si Thomas pero naisip ko ding kahit ako pala ay may kasalanan din, hindi ko man ginusto o sinadya ay matagal ding panahon akong nawala sa buhay ng anak ko.
"Sorry kung ngayon lang ulit tayo nagkasama baby" naluluhang sabi ko sa kanya.
Tumayo ito at tsaka ako pinantayan. "Ayos lang Mommy...naiintindihan ko naman po na may work kayo sa malayong lugar" inosenteng sagot niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Tsaka natatanggap ko pa rin naman po yung mga gifts niyo sa akin, kahit kay Daddy mo lang po pinapabigay" sabi pa niya na ikinanuot ng noo ko.
"Yung mga gifts ko?" Nagtatakang tanong ko.
Tumango ito. "Every christmas at birthday ko, binibigay po sa akin ni Daddy yung binili mo daw pong gift para sa akin" kwento pa niya.
Tumango na lamang ako sa kanya. Dapat pa rin pala akong magpasalamat kay Timothy dahil hindi niya hinayaang malayo ang loob ni Thomas sa akin kahit na malayo ako sa kanya.
"Mommy alam mo po...masayang masaya talaga ako nung umuwi na kayo ni Tammie. Kasi masaya na din si Daddy, love na love ka talaga ni Daddy, Mommy. Kaya sana pagkatapos po ng vacation natin umuwi na tayo kaagad kasi baka nalulungkot na si Daddy doon" kwento pa niya sa akin habang nakanguso.
Mabilis akong tumango, "Ok baby, pagkatapos ng vacation natin uuwian na natin si Daddy kaagad" paninigurado ko sa kanya.
Nang magalas diyes ay iniwan ko muna yung tatlo sa bahay para makapamalengke. Gusto daw kasi ni Thomas ng sinigang na baboy kaya naman iyon ang aking lulutuin.
"Cristina!" Gulat na tawag sa akin ni Aling Delia, malapit na kaibigan siya ni Nanay at Tiya Hilda.
"Aling Delia, magandang umaga po" pagbati ko tsaka nagmano.
Mga prutas ang kanyang tinitimda dito sa palengke. "Mabuti naman at nakabalik kayo dito ni Theresa. Abay natuwa talaga ako ng mabalitaan kong nandito kayo ulit pero hindi naman ako makabisita sa iyon dahil alam mo na kailangan kong mamalagi dito sa aking pwesto" kwento niya.
"Gusto po kasi ni Thessa na magbakasyon dito bago siyang tumungong ibang bansa" kwento ko.
"Aba'y oo nga...kalat na kalat na dito ang pagyaman niyang pinsan mo. Alam mo naman dito sa atin. At balita ko din ay may anak ka na, totoo ba iyon?" Tanong niya na kaagad ko namang tinanguan.
"Opo, dalawa po" nakangiting sagot ko.
Sandali itong napatakip sa kanyang bibig. "Susmaryosep biruin mong ang mga alaga ni Helga ngayon ay mga dalaga na, at tingnan mo ngayon may anak ka na din...kamusta naman ang iyong napangasawa?" Tanong pa niya.
Ngiti na lamang ang tanging naisagot ko, dahil may bumibili kaya naman sandali niya akong iniwan para pagbilhan ang kanyang custumer.
Sobrang naging mabait siya sa amin noon. Dati pag wala akong pambaon sa eskwela ay inaabutan niya ako, at dahil bilang bayad naman ay sinasamahan ko siyang mag benta at kung minsan ay nagbabantay din ako nuon sa kanyang pwesto. Pagmalakas pa ang bilihan ay papauwian pa ako niya nuon ng ilang pirasong prutas na kaagad din naman naming kinakain ni Thessa pagkauwi ko.
"Oh ito at iuwi mo sa mga anak mo...sabihin mong galing sa kanilang Lola Delia iyan ha" nakangiting sabi niya sabay abot sa akin ng isang plastik ng iba't ibang prutas.
"Ay naku Aling Delia babayaran ko po ito" pagtanggi ko sa kanya pero kaagad niya akong pinigilan.
"Hindi na anak...hindi naman na kayo iba sa akin. Sige na at tanggapin mo na iyan, bago kayo bumalik ng maynila ay niyo akong kalimutang dalawin man lamang ha" pagpapaalala niya.
Nagpaalam na muna ako kay Aling Delia para makapamili na ng mga sangkap para sa lulutuin ko sa tanghalian. Pagkatapos ay sumakay ako ng tricycle at tsaka sandaling nilakad ang pagitan ng kanto hanggang sa bahay namin.
Halos mabitawan ko ang mga plastick ng mga pinamili ko ng may pamilyar na sasakyan ang ngayon ay nakaparada sa tapat ng aming bahay.
"Andeng!" Nagmamadaling tawag sa akin ni Thessa.
Mukhang hingal na hingal ito dahil sa pagpapabalik balik niya ng lakad.
"Si Timothy..." nagaalangang sabi niya.
Kaagad ko siyang tinanguan at tsaka inabot ang mga pinamili ko para ipasok niya sa bahay. Hindi ko inaasahan na ganito kaaga kami mahahanap ni Timothy, kaya naman tuloy kahit papaano ay kinakabahan ako kung ano ang dapat kong gawin.
Sa gate pa lamang ay dinig na dinig ko na ang tawa ng aking dalawang anak. Dahil sa aking paglapit ay mas natanaw ko sila sa may bintana, tanging likod pa lamang niya ang aking nakikita sa ngayon pero mukhang nakita na ako ni Thomas kaya naman sumigaw na ito.
"Si Mommy nandyan na!" Sigaw na turo niya sa akin.
Kita ko ang kaagad na paglingon ni Timothy at halos mapatigil ako sa lakad dahil sa kanyang pagtitig sa akin.
"Dalhin mo si Tammie sa kusina Thomas, nanduon si Tita Thessa mo. Maguusap lang kami ni Mommy" sabi niya kay Thomas habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Mas lalo akong natakot dahil ng makalabas siya sa pintuan ay mabilis na kinain ng kanyang hakbang ang pagitan naming dalawa.
"Damn it, Woman." Matigas na ingles na sabi niya niya itinaas ang kanyang kamay. Napapikit tuloy ako sa pagaakalang sasaktan niya ako pero bigla akong napadilat ng maramdaman kong...
Kinabig niya ang aking batok at buong lambing niyang inaangkin ang mga labi ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro