Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47


(Flashback)

"Sabi pinatay daw yung Nanay niya kasi napatunayang kabit!" Bulong bulungan ng mga kaklase ko sa aking likuran na talaga naman atang sinasadya nilang iparinig sa akin.

"Talaga!? Sabi ko na nga ba eh, kaya minsan maraming pasalubong yung Nanay niya sa kanya" sabat pa ng isa.

Halos malungkot na ang aking asul na palda sa mahigpit kong pagkakahawak dito. "Nakakahiya noh!" Sabi ng isa sa mga ito tsaka sila sabay sabay na nagtawanan.

Lalong kumulo ang dugo ko ng maramdaman ko ang hawak ng isa sa mga ito sa aking balikat.

"Cristina...nakikiramay kami sa pagkamatay ng Nanay mo. Sobra talaga kaming naaawa sayo dahil kamamatay lang din ng Tatay mo, kung gusto mo para hindi ka na malungkot sumunod ka na lang din sa Nanay mong malandi!" Sabi nito tsaka tumawa ng pagkalakaslakas na sinabayan din ng mga kasama pa niya.

Dahil sa sobrang inis ay hinila ko ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat. Gulat ang kaagad na rumihistro sa kanya mukha pero hindi ko na iyon inalintana. Kaagad kong hinila ang kanyang buhok at iwinasiwas iyon.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw nito at tsaka humingi na din ng tulong sa kanyang mga kasama.

"Bawiin mo yung sinabi mo sa Nanay ko!" Sigaw ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakasabunot sa kanyang buhok.

Pero unti unti din akong napalayo dito ng ang ibang kasamahan nito ay hinila na din ako palayo.

"Cristina!" nakakatakot na sigaw ng Teacher namin.

Napahinto tuloy ako kaya naman ang babaeng sinabunutan ko kanina ay nagkaroon ng pagkakataong maitulak ako ng malakas. "Siya po ang nauna, Teacher!" Sigaw niya sabay duro sa akin.

Napaiyak na din tuloy ako dahil sa pagkakasalampak ko sa sahig. Pero mas lalo akong napaiyak ng hilahin ng teacher ko ang kamay ko patayo.

"Duon ka sa guidance office! Ipapatawag ko ang Tiya Hilda mo" sabi ng aming guro at tsaka ako hinila papuntang guidance office.

"Iniinsulto po nila ang Nanay ko!" Umiiyak na sumbong ko dito. Dahil lumalabas nanaman kasing ako ang may kasalanan.

"Kahit na Cristina, hindi mo dapat sinaktan ang kaklase mo" galit na suway sa akin ng aking guro habang patuloy lamang siya sa paghila sa akin.

"Sinasaktan din po nila ako Ma'm!" Garalgal na sagot ko at tuluyan na akong napahikbi.

Ramdam ko ang pagbagal ng lakad nito, pero kalaunan ay nakarating din kami sa may guidance.

"Bakit mo sinaktan ang anak ko!" Galit na tanong sa akin ng Nanay ng aking kaklase.

Hindi ako sumagot nanatiling nakayuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri. "Hoy! Eh teka wag mong dinuduro ang pamangkin ko!" Masungit na suway naman ni Tiya Hilda dito.

Umismid ang kaharap naming babae. Kita ko naman ang pagngisi ng kaklase ko. Napayuko ako dahil sa nagbabadyang luha, sayang at wala na din ang Nanay kong magtatanggol sa akin ng katulad sa kanya.

"Nanay masakit po itong buhok ko" maarteng sumbong niya dito kaya naman napatingin tuloy ako sa kanila at nakitang niyayakap siya nito.

"Sinasabi ko sayo Andeng, hindi ako natutuwa dahil dito" mariing bulong sa akin ni Tiya.

"Tiya iniinsulto po nila si Nanay" sumbong ko sa kanya.

"Cristina wala na ang Nanay mo, naiintindihan mo ba iyon!? Kahit anong insulto pa ang ibato ng mga batang yan hayaan mo na lang...siguradong hindi din matutuwa ang Nanay mo pagnalaman niya itong ginagawa mo" pagalit na sabi pa niya.

Nanahimik na lamang ako, Nakakasawang ipaintindi sa iba ang mga bagay na gusto mong ipaglaban.

(End of Flashback)

"Tine, Tine..." nagising ako sa marahang pagyugyog sa akin.

Napabangon tuloy ako kaagad at nakita ko ang nagaalalang mukha ni Timothy.

"Mukhang masama ang panaginip mo" nagaalalang sabi nito at tsaka niya pinahiran ang mga luha sa aking mukha.

Nagulat ako nang kinabig ako nito para mayakap. "Kung may problema man Tine, sabihin mo lang sa akin" paninigurado niya.

Napakalas lamang ang yakap niya ng marinig naman ang pagtakbo ng dalawa papalapit sa amin.

"Mom! Mom!" tili ni Tammie dahil sa paghabol sa kanya ng kanyang Kuya Thomas.

Natawa naman kami ni Timothy ng hindi ito makasampa sa kama. Iyak tawa tuloy ang kanyang ginawa.

"Mom! Mom!" Hiyaw niya sabay lahad ng kamay na para bang humihingi ng tulong.

"Hindi makasampa ang baby ko" natatawang sabi ni Timothy at gumapang ito papalapit sa paanan ng kama kung saan nanduon si Tammie.

"Daddy will save the princess!" Sigaw niya at tsaka mabilis na binuhat si Tammie papalapit sa akin dahilan para matawa ito.

"Aha! Ililigtas ko si Mommy at si Tammie sa monster!" Hiyaw ni Thomas.

Lalo tuloy natuwa yung dalawa at mas lalong nagsumiksik sa may head board ng kama. "Mommy! Kampi tayo please!" Pangungumbinsi nito sa akin na ikinatawa ko. Hinawak ko ang kanyang pisngi na basang basa na ng pawis.

"Ofcourse kakampi si Mommy sayo" paninigurado ko sa kanya.

Pero nagulat kami ng kaagad akong hinila ni Timothy palayo kay Thomas. "Kay Daddy si Mommy" natatawang pangaasar ni Timothy dito.

Nanlaki ang mata ni Thomas. "Hala, Daddy! Wag mong kidnapin si Mommy, kakampi ko siya!" Hiyaw ni Thomas at kaagad na sinubukang sumampa sa kama.

"Timothy wag mo ng asarin ang anak mo" suway ko dito.

"Tama na mga bata...magbreakfast na tayo, baka magalit pa si Mommy niyan" suway niya sa mga ito. Kaagad niyang kinarga si Tammie at sa kabila naman ay hinawakan niya ang kamay ni Thomas.

Nakangiti naman itong bumaling sa akin. "Tara Tine, kain na tayo" yaya niya sa akin. Tumango ako tsaka bumaba sa kama.

"Kawawa naman si Mommy, Daddy. Hindi mo siya mahawakan" pangaasar ni Thomas sa amin.

Napangiti ako. "Si Mommy na lang ang hahawak kay Daddy" natatawang sabi ko a batid kong ikinagulat ni Timothy.

Ibinaba niya si Tammie sa upuang katabi ni Thomas. Pagkatapos ay tsaka naman siya bumaling sa akin at lumapit, pagkahila ng upuan ay agad lumitaw ang maliit na bouquet ng roses.

"Para sayo..." sabi niya at tsaka ibinigay iyon sa akin.

"Para saan to?" Natatawang tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Wala naman...gusto lang kitang bigyan ng flowers"

Napahinto kami ng pumalakpak si Thomas na sinundan din naman ng kapatid niya. "Wow! Ang sweet ni Daddy!" Sigaw nito. Dahil sa kanyang sigaw at palakpak ay ginaya siya ni Tammie.

"Dinner tayo sa labas mamaya paguwi ko." Bulong ni Timothy sa akin.

Hindi ako makangiti sa kanya. Pero sinubukan ko na lamang tumango.

Pagkatapos naming kumain ay mabilis ding nagayos si Timothy para pumasok sa office at sa bar. Sinadya daw niyang agahan, para matapos lahat ng kailangan niyang gawin. Gusto daw kasi niyang magdinner kaming apat sa labas mamaya.

Pagkaalis niya ay kaagad ding dumating si Thessa para sunduin kaming tatlo.

"Wow! Cow!" Sigaw ni Thomas ng madaan kami sa malapad na bukid ng sitio namin.

Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa noo. Sakay kami ng itim na Hilux kasama si Thessa. Uuwi din kasi ang driver pagkatapos, iiwan niya kami sa aming probinsya at babalikan din pagkatapos ng limang araw. Sa makalawa na din ang flight ni Thessa patungong London.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng totoong cow, Kuya?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Agad itong tumango. "Opo Mommy...wala kasi sa zoo niyan eh" sagot niya sa akin na ikinatawa ko.

Si Thessa naman at Tammie ay nasa likod namin. Pareho silang tulog habang ginawang unan ni Tammie ang mga binti ng kanyang Tita Thessa.

"Mommy, bakit hindi po natin isinama si Daddy, nagpaalam po ba kayo?" Tanong niya.

"Ayaw mo bang makasama si Mommy sa vacation?" Nakangusong tanong ko sa kanya na kunwari ay nagtatampo.

Umayos ito ng upo at niyakap ako. "Syempre gusto ko Mommy. Pero baka kasi pagalitan tayo ni Daddy eh"

"Para lang tayong maglalaro baby" natatawang sabi ko pa.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito na naging dahilan para makita ko si Timothy sa kanya.

"Anong laro po?"

"Hide and seek. si Daddy ang taya, tingnan natin kung mahahanap niya tayo" sagot ko dito na ikinatawa ni Thomas.

Pumalakpak pa ito. "Naku! Hindi pa naman magaling si Daddy sa hide and seek. Dati hindi niya nga po ako nahanap nasa may cabinet lang ako" kwento niya na with action pa.

Gusto kong maranasan muli yung simpleng buhay na meron kami. Yung walang karangyaan pero masaya at kumpleto. Yung buhay namin noon na hindi pa napapasok sa komplikadong buhay ng mayayamang tao sa paligid.

Tama nga si Thessa, dadating talaga yung time na kailangan mong bumalik kung saan ka nanggaling. At ito iyon, babalik kami sa kung saan kami magkasama na lumaki sa probinsya.

Sapat na siguro ang limang araw para malaman ko kung kailangan ko pa rin ba si Timothy sa buhay ko. Mahal ko pa din siya pero sobra na ata ang sakit. Gusto kong malaman kung hanggang saan pa ito.

"Kasya na tayong apat dito sa papag" sabi ni Thessa habang inaayos ang mga unan.

"Aalis na daw yung driver mo may ipagbibilin ka pa daw ba?" Tanong ko dito.

May ilang binilin si Thessa kaya naman ako na ang lumabas.

"Aalis na po ako, Ma'm Cristina. Kung may kailangan po kayo o gustong ipagutos sabihin niyo lamang po kaagad" magalang na paalam nito.

"Salamat po" nakangiting sabi ko at tsaka na ito tuluyang umalis.

Ihinatid ng paningin ko ang sasakyan hanggang sa mawala na ito. "Oh. Look who's back" agad na sabat ng isang babaeng nakapink na spaghetti strap at maiksing shorts.

Napakunot ang noo ko, hindi ko kasi siya makilala. "Niña, can't you remember?" Maarteng sabi pa niya.

Agad akong napatango. "Ah...The bully" nakangiting sabi ko.

Napaayos ito ng tayo, mukhang tinamaan sa aking sinabi. "Excuse me..." maarteng sabi niya pa.

"May kailangan ka ba? Marami pa kasi kaming aayusin sa loob, papasok na ako..." magalang na paalam ko naman sa kanya.

"Ang yabang..." parinig na bulong niya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Ang sabi ko, ang yabang mo. Ano bang ipinagmamalaki mo Cristina? Eh sa pagkakaalam ko, si Thessa ang mayaman ngayon, kasi nga diba mayaman yung Lolo niya. Kung hindi ako nagkakamali nakikisawsaw ka lang naman sa kanila" mahabang litanya niya.

"Alam mo...hindi ka pa din nagbabago. Gustong gusto mo pa ding pakialam ang buhay ng ibang tao, yung totoo reporter ka noh?" Tanong ko sa kanya.

Mayabang na humalukipkip ito. "Kala mo siguro ikaw lang ang nakarating sa Manila. Call center agent ako duon. You know, after work, clubing masaya naman" pagmamayabang niya.

"Congrats then" nakangiting sabi ko.

Napahinto ang paguusap namin ng tumatakbong lumabas si Thomas. "Mommy, ano yon oh!?" Tuwang tuwang turo niya sa mga saranggola.

"Saranggola Yon baby" sagot ko.

"Gusto ko po mag ganun, Mommy" yaya niya.

"Ok sige pagkatapos naming magayos ni Tita Thessa ok?" Paninigurado ko sa kanya.

"Wow ang gwapo naman ng anak mo. Mukhang mayaman ang tatay niyan ah! Masarap ba maging kabit?" Tanong niya na ikinakuyom ng kamao ko.

"Ofcourse not. Mahilig kang magclub right? Oh baka naman napuntahan mo ng yung isa sa mga bar ng asawa ko. But sadly, high class bars kasi iyon eh, don't worry pag may time ako isasama kita duon" mapanuyang ngiting sabi ko sa kanya tsaka ko na inakay ang anak ko papasok sa bahay.

Mabilis naming naayos ang bahay, pati na din ang kwartong tutulugan naming apat. "Sandali na lamang ito Baby Thomas" sabi ni Thessa habang inaayos ang saranggolang ginagawa niya.

"Tita Thessa marunong ka po ba talagang mag palipad niyan? Excited na po ako" sabik na sabi nito.

Si Tammie naman ay nakasandal sa upuan habang yakap ang violet niyang teddy bear na binili sa kanya ni Timothy.

"Oh tara na, duon na tayo sa bukid" yaya ni Thessa at tsaka kami nagtungo duon para turuan niya si Thomas na mahpalipad ng saranggola.

Naglatag kami ng kumunot at duon kami umupo ni Tammie habang pinapanuod sina Thessa at Thomas na sinisimulan ng magpalipad nuon.

"Yehey! Tammie, Come!" Yaya ni Thomas sa kapatid ng tuluyan ng lumipad ang saranggola niya sa taas.

Tumakbo si Tammie papalapit sa kanyang Kuya. Si Thessa naman ang pumalit kaya naman siya na ngayon ang aking katabi.

"Parang ayoko na tuloy bumalik sa ibang bansa, parang mas gusto ko dito na lang ako" sabi niya.

"Baka mamaya ay masundan ka ng Kuya Yohan mo dito" pangaasar ko sa kanya.

Agad akong sinimangutan nito. "Ikaw humanda ka!" Duro niya.

"Sa oras na makita ng asawa mo yung regalo ko sa kanya siguradong kakaripas ng takbo yon mahanap lamang kayo" nakangising sabi niya.

"Tinik din niyang tarantadong asawa mo eh...naghiwalay na kayo't lahat nakuha pang makipag one night stand sayo, buti na lamang at nabuo si Tammie"

Kinaumagahan ay dumiretso kami sa puntod ni Tatay pagkatapos magsimba. Nag dala kami ng bulaklak at tsaka nagsindi ng kandila.

"Sino siya Mommy?" Tanong ni Thomas turo sa pangalan ni Tatay.

"Lolo mo siya, baby" sagot ko sa kanya.

Kaagad nanlaki ang kanyang mata. "Palagi din po kaming bumibisita kay Lola, Mommy" kwento niya.

"Sinong Lola?" Tanong ko.

"Sabi ni Daddy, Mommy mo daw iyon, kaya Lola ko siya" sagot niya sa akin.

Kaagad na may parang kung anong tumusok sa aking puso, ni hindi ko man lang nadalaw ang puntod ni Nanay dahil hindi namin alam kung saan ito nakalibing at nung mga panahong iyon ay wala kaming pera para makapunta sa maynila.

Tahimik akong naluha, paano nalaman ni Timothy kung saan nakalibing si Nanay? Eh ni kami nga ay hindi alam.

"Eh bakit hindi mo kinakausap si Lolo, Mommy?" Walang kamuang muang na tanong nito.

Agad ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap. "Bakit? Kinakausap ba ni Daddy si Lola?" Nakangiting tanong ko dito.

Tumango ito. "Opo. Minsan nga po ay naiiyak pa si Daddy eh" natatawang kwento niya.

"Bakit ano bang sabi ni Daddy?" Tanong ko dito.

"He keep saying sorry. Sabi niya din po kay Lola he's really a bad guy, for hurting you" sagot nito.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro